Share

Kabanata 060 A Family Photo

**Gabrielle’s Point of View**

Lumipas ang araw, buwan, at naging taon. Hindi ko alam kung tinanggap ko na ba ang kapalaran ko o sadyang wala na akong ibang choice.

Nang makita ng mga magulang ko at mga magulang ni Kristine ang pagiging mabuting padre de pamilya ko, binigyan nila ako ng posisyon sa kompanya. Hindi naging madaling makuha ang tiwala nila. Hindi ko rin naman inaasahan na sa tuwing gagawin ko ang tingin kong makakabuti sa bata, nakikita nilang responsable ako.

Mula nang ipinanganak si Kimberly, naging katulong ako ni Kristine sa lahat. Ako ang hands-on sa paglilinis ng dede niya sa gabi. Ako ang naglalaba ng mga tinaihan niyang kumot, lampin, at damit. Pinagawa sa akin ni Lola ang mga bagay na iyon para daw maging close ako sa anak ko. Magandang lumaki ang bata na close sa daddy niya, kaya ginagawa ko ang makakaya ko. Kung tulog si Kristine sa gabi, ako ang bumabangon para patahanin siya kapag nagigising. Ako rin ang nagtitimpla ng gatas at nagpapalit ng diaper para mabi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status