Gabrielle's Point of View Natapos kami ng masayang pagkain ni Eumerriah habang nagkukwentuhan. Pinag-uusapan namin ang mga kalokohan namin nang nag-aaral pa kami. Pareho man kaming galing private school pero masasabi naming hindi ito boring. Nandyan ang mauubos namin ang budget namin pang-one week sa paglalaro ng arcade sa mga malls. Minsan nakikipagmatigas pa kami sa mga teachers namin, nakakatuwa lang kasi ang simple, maganda at classy-ng si Eumerriah Ferrer na sikat sa bansa ay may kalokohan ding taglay. Sa kaniya ko din nalaman na Kuya Jerome is her first love. Matagal na niyang crush si Kuya Jerome nang sila ay nag-aaral pa. Magka-batch mate sila habang lower grade naman ako. Matanda ng 2 years sa akin si Eumerriah pero mas matured akong kumilos kaysa sa kaniya. Para pa kasi siyang bata, ang dami niyang hindi pa nararanasan, halos first time niya nga lang ang magluto e. "Hindi ka pa ba tapos? Baka maghintay si Lola! Dalian mo dyan!" Sabi niya habang nagmamadaling magsuot ng sa
R|18 (Read at your own risk) Eumerriah's Point of View Gumising ako ng may init na mula sa araw akong nararamdaman. Tanghali na pala at nandito ako ngayon sa kubo kung saan kami unang tumuloy ni Gabrielle. Inikot ko ang paningin ko. Walang katao-tao sa paligid. Siguro ay abala na ang lahat sa pag-aayos ng event hall at ng front desk. Mamaya na kasi ang opening ng resort ni Gabrielle. Mukhang handang-handa na talaga dahil lahat ng abubot namin dito sa kubo ay wala na. Tanging kutson at mga kitchen essentials na lang ang natira. Siguradong may ibang pamilya o couple na ang magkakaroon ng memories sa lugar na ito. Inalala ko mga panahong dinala ako dito ni Gabrielle at nagwawala pa ako no'n. Natatawa akong makita ang sarili kong parang bata na hindi napagbigyan ng nanay. Naalala ko kung paano ako tingnan ni Gabrielle ng walang kahit anong emosyon mula sa mata niya. Humangin ng malakas, maraming nagbalik na alaala. Sa iba siguro maiksing panahon lang ang apat na buwan. Maiksi
Gabrielle's Point of ViewI woke up and rose to switch off the air conditioner, as it was chilling my feet. Though my eyes were a bit sore, I strained to glance at the small clock on the bedside table.Napansin kong wala na akong katabi, tiningnan kong muli pero alas-kwatro pa lang ng umaga. Saan naman kaya pumunta ang babaeng iyon. Siguro ay nagutom.Pupungas-pungas pa ako ng bumaba at naabutan ko si Kate na kumakain habang si Lola naman ay nagtitimpla ng kape. "Good morning kuya, ang aga mo naman gumising. Anong mayroon ah?" Bati ni Kate ng mapansin ako.I approached Grandma and kissed her on the cheek. I just nodded at Kate and went straight to the sink to brush my teeth because I find it hard to speak; I'm conscious of my saliva."Nasaan si Eumerriah?" Tanong ko, nagpalinga-linga pa ako."Hindi pa siya bumababa, bakit gising na ba?" Tanong ni Kate sa akin at dumiretso sa ref para kumuha ng tinapay."Ah, baka nasa CR. Wala na kasing nakahiga sa tabi ko kaya bumangon ako. Akala ko n
Gabrielle's Point of View Nang tumigil sa pag-iyak si Kate, bigla na lang akong iniwan. Nakatulala ako sa kubo kung saan kami tumira noon ni Yumi. Hindi ko kayang buksan ang sulat na inabot sa akin ni Kate. Parang alam ko na ang laman nito.Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa. Bago ako tumakbo dito, kinuha ko muna ang susi ng sasakyan at ang cellphone. Tinawagan ko si Manager Kim. "Gabrielle? Ang aga-aga mo naman tumawag. Kamusta ang grand opening niyo? Hindi ako nakapunta, masyadong maraming ginagawa para sa—""Nasaan si Eumerriah?" tanong ko na pumutol sa kanyang pagsasalita. "Bakit sa akin mo hinahanap?" Tumigil siya sa pagsasalita dahil may kung sino ang lumapit sa kaniya. Nadidinig ko ito mula sa kabilang linya. "Bakit sa akin mo siya hinahanap? Hindi ba iniwan ko na siya sa iyo noong isang araw sa coffee shop? Hindi mo ba siya sinama pabalik ng Batangas?" Halata sa boses niya ang pagkabahala at pagkawala ng alam kung nasaan si Yumi. Ibinaba ko ang tawag at naghahanap ng ibang n
Gabrielle's Point of View "Kuyaaa! Kuya buksan mo ang pinto!" Kanina pa kumakatok si Kate sa pinto ng kwarto ko. "Sige na kuya, papasok lang ako. Gusto kitang makita." May lungkot na sa boses niya kaya naglakad ako papunta sa naka-lock na pinto. Pumasok siya at agad akong niyakap. "Nag-aalala na ako ng sobra kuya. Nag-aalala kami ni Lola. Hindi ka kumakain, hindi namin alam kung nakakatulog ka ba ng ayos. Kuya, alagaan mo ang sarili mo please." Hikbi niya habang nakayakap sa akin. "Si ate Eumerriah, maaring iniwan ka pero kami nandito lang. Kami ni Lola hindi mawawala sa iyo. Hindi ka namin iiwan. Nandito kami palagi sa tabi mo." Dagdag pa niya. Inalo ko na lang siya at hinaplos ang likod ng buhok niya. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya kung ako lang gusto ko naman talaga maging maayos. Gusto kong bumalik sa mga panahong hindi pa kami magkakilala at hindi ako nag-aalala sa kalagayan niya. Hindi marunong magluto si Yumi, sino ang nagluluto ng pagkain niya, healthy
Gabrielle's Point of View Pinaalis ako nila Lola at Kate sa kwarto ko dahil lilinisin daw nila. Masyado na daw matapang ang amoy ng alak, sigarilyo at kung ano mang nabubulok na bagay. May mga inuod na daw na hindi ko naman napapansin. Sa loob ng dalawang linggo, lumalabas lang ako para bumili ng alak, sigarilyo at kung anong bagay na mag-lead sa akin para mamatay. Gusto ko ng mamatay na lang sa sakit ng pag-alis niya ng walang paalam. Ang hirap matulog sa gabi, ang hirap gumising sa umaga na aligaga at may kung anong pangamba akong nararamdaman. Alam kong hindi iyon normal at ayokong maging pabigat pa kay Lola at Kate. Sa tuwing mag-aattempt ako bigla na lang papasok sa isip ko ang masayang mukha ni Eumerriah, naririnig ko ang mga hagalpak niyang tawa at ang mga sermon niyang parang bata ang boses. Natitigilan ako, nagkakaroon ako ng pag-asang bumalik siya at harapin akong muli kasama na ng anak ko. Nagpanggap akong maayos na hindi nalulungkot sa harap nila Lola. Nagpaalam akong b
Gabrielle's Point of View Dalawang oras na akong naghihintay, pero wala pa ring lumalabas na Eumerriah mula sa pintuan ng mansyon nila. Nakalabas na ang mga bisita at ang kuya ko, pero wala pa rin siyang lumalabas. Bumuntong-hininga ako bago magmaniobra paalis ng pwesto ko. Hindi ko alam kung ano ang sunod kong gagawin hanggang sa namalayan ko na lang na nasa isang parking lot ako ng isang bar. Madilim na rin at maya-maya ay magbubukas na ito. Naghintay pa ako ng ilang sandali. Gusto ko ng karamay, gusto ko ng kasama, pero ayoko ng tao. Tanging alak lang ang nasa isip ko.Gusto kong magpakalunod sa alak hanggang sa hindi ko na maramdaman ang sakit. Sakit na tumutusok sa dibdib ko. Hindi ko namalayan na napindot ko ang busina ng kotse ko, kaya may isang staff ng bar na kumatok. Nakakaistorbo raw ako kaya pinapaalis nila ako sa parking. Tinanong ko kung open na ba at sabi nila ay pwede na silang magbukas para sa mga chill drinkers, pero for crowded ay mamaya pa. Hindi ko alam na may ga
Gabrielle's Point of View Akala ng lahat ang tahimik ng isang linggong nakalipas ko. Akala nila Lola at Kate ay maayos lang ako pero hindi nila alam tuwing wala sila sa bahay ay doon nagsisimula ang kalbaryo sa isip ko. Hindi na ako lumalabas, ayokong dagdagan pa ang problemang dinala ko. Kinulong ko ang sarili ko sa sarili kong mundo. Hindi ko nagawang kumuha ng cellphone para kumenekta sa mga kaibigan ko. Ayoko pati sila problemahin ang problema ko. Paulit-ulit lang ang pag-iisip ko ng hindi maganda. "Kuyaaaa!!" Katok ni Kate sa pinto. Agad kong pinatay ang music na pinapatugtog ko at ang beer na iniinom ko ay nilagay ko sa ilalim ng kama. "Bakit?" Tanong ko sa kaniya nang buksan ko ang pintuan ko. Napapaypay pa siya sa mukha niya. "Ang baho! Nag-iinom ka na naman ba? Tanghaling tapat." "Hindi! Baka naamoy mo lang sarili mo. Pag-ikaw nalaman kong nag-iinom na. Sinasabi ko sa iyo ipapaubos ko mga alak sa mundo sa iyo!" Pagbibiro ko sa kaniya. Inamoy-amoy naman niya ang sarili niy