Gabrielle's Point of View "Wala na tayong pakialam kung anong mangyari sa kaniya sa kamay ng kuya mo. Ang gusto ng Daddy niyo maikasal si Jerome sa kaniya sa lalong madaling panahon." Nalaglag ang balabal ni Mommy habang pinapaliwanag niya sa akin ang bagay na iyon. Nakita ko ang pasa sa braso niya. Sinubukan pa niya itong takpan para hindi ko mapansin. "Saan galing yan?""Ang aling ba? Sundin mo ang sinabi ko. Humarap ka sa magulang niya at humingi ng paumanhin. Pag nakita na si Yumi, ipapakasa-" Hindi na natapos ni Mom ang sasabihin niya ng hinatak ko ang kamay niya palapit sa akin. Sinubukan na niyang lumabas ng kwarto habang nagsasalita. "Sinasaktan ka pa din ni Dad? Akala ko ba tumigil na siya? Akala ko ba nagbago na siya?!" Nanggigil na ako sa galit pero tanging pag-iwas lang ng mata ang ginawa ni Mommy. "Hindi mo sasabihin? Kailangan ko bang sugurin doon si Dad para lang sabihin mo sa akin ang totoo? Akala ko ba maayos kayo dito?!" Isang sampal ang bumagsak sa mukha ko. Nang
Gabrielle's Point of View "Bakit pumayag ka sa arrange marriage na ito? Bakit hindi mo pigilan si Dad?" Singhal ko sa kuya ko nang makaalis ang mga magulang namin."Bakit hindi ikaw? Bakit hindi mo aminin na buntis si Eumerriah at ikaw ang ama? Baka gusto mo ako na lang magsabi sa kanila at sabihin kong ako ang ama?" Nakangisi niyang tanong sa akin. Alam kong pino-provoke niya lang ako para magsimula na naman ng away at ako na naman ang maging masama sa paningin ng parents namin. "Wag mong idadamay ang anak ko!!" Pagbabanta ko. "Bakit? Ano bang kaya mong gawin? Sa tingin mo ba talaga kilala mo na si Eumerriah? Sa tingin mo ba basta lang siyang babae na papayag tumira sa isang kubo? Hindi mo siya kilala!" Ani niya at naglakad palabas ng dining area. Wala akong mapapala kung makikipagsagutan sa walang kwentang kapatid ko. Walang mahalaga sa kaniya kundi ang image at si ate Shaira. Hindi naman niya pinapakinggan sila Mom and Dad pero siya pa din ang may posisyon sa kompanya. Hindi k
Eumerriah's Point of View Hapon na ngunit wala pa din si Gabrielle. Gusto ko man siyang tawagan pero nauunahan ako ng hiya. Maayos kasi siyang nagpaalam sa akin kagabi ngunit hindi ko akalain na aabutin siya ng isang buong araw. Inasikaso naman ako nila Lola at Kate. Hindi naman nila ako pinabayaan, gusto kong tumulong sa ginagawa nila pero ayaw nila. Gumagawa kasi ng doormat si Lola. Simula bata pa lamang daw ang anak niyang nanay nila Gabrielle ay ito na ang hanao buhay niya. Inilalako niya daw ito sa palengke, kung minsan ay pinapakyaw ito doon. Kaya kahit mayroon na silang pera, may ibang business na si Gabrielle ay hindi niya nakakalimutan gumawa ng doormat dahil madaming costumer ang gusto ang gawa niya. "Naboboring ka na ba?" Tanong sa akin ni Kate. "Medyo." Simpleng sagot ko. "Namimiss mo lang siguro si Kuya. Ganyan din kami nang una. Dito lumaki si Kuya, natatandaan ko sobrang sungit niya sa akin dati. Halos ayaw niya akong kausapin dahil hindi niya daw ako kapa
Eumerriah's Point of View Hindi umuwi si Gabrielle kagabi hanggang ngayong umaga wala pa din siya. Sobrang namimiss ko na siya. Dahil abala sila Lola at Kate sa kanilang ginagawa ay naisipan kong maglakad lakad sa paligid. Ayoko na munang isipin si Gabrielle, bak may kailangan lang siyang tapusin doon. Nagikot-ikot ako sa paligid. Nang mainip ako ay dumiretso ako sa resort. Hindi masyadong mainit kaya masarap ang maglakad-lakad. Umakyat ako sa kubong tinutuluyan namin ni Gabrielle. Aminin ko, umaasa akong umuwi siya ngayon at nakatulog lang sa kwarto. Ngunit wala, kung paano namin iniwan ang bahay na ito ay ganoon pa din siya ngayon. Maliban sa mga alikabok na hinangin sa ibabaw ng mga plato at kaldero. Naupo lang ako sa sala at pumikit. Ninamnam ang mariwang simoy ng hangin at inaalala mga pinagsamahan namin ni Gabrielle. Ang unang linggo namin na walang kibuan, mga araw na kinakausap niya ako ng walang emosyon hanggang isang araw ay puno na ng concern. Ang sarap isipin kung pa
Gabrielle's Point of View Masakit ang ulo kong bumangon. Kita ko sa bintana na tirik na ang araw. Inikot ko ang paningin ko, nandito pala ako sa kwarto ni Eumerriah. Bigla ko agad naalala si Yumi. Winadiwas ko ang kumot na nakabalot pa sa katawan ko at nagmadaling lumabas. "Yumiii!" Nataranta kong tawag ng makalabas. Nakita ko siyang naghahain ng pagkain. Ngumiti ito ng makita ako. "Goodmorning. Kamusta ang tulog mo? Halika na mag almusal na tayo. Anong gusto mo gatas o kape?" Medyo naninibago ako sa paraan ng pagngiti niya. Pakiramdam ko ay may nangyari. "Goodmorning! Pasensya na ikaw tuloy naghanda ng almusal natin. Napasarap ang tulog ko. Saan ka pala natulog bakit sa kama mo ako nakahiga?" Kamot ulo kong tanong. "Katabi mo." Nakangiti niyang sagot. Nagulat naman ako. Alam kong may nangyari na sa amin. May relasyon na din kami pero hindi ko inaasahan na tatabi ako sa kaniya. Ayoko kasing na-stress siyang matulog lalo na pag-buntis. May kilala kasi akong gano'n. "Pasensya na ku
Eumerriah’s Point of ViewMasakit sa balat ang init ng araw na tumatama sa balat ko nang magising ako. Dahan-dahan kong inangat ang katawan ko sa kama at napansin kong wala akong saplot ni isa dahil sa lamig na direktang tumatama sa aking balat. Kahit medyo masakit ang ulo ko ay pinilit kong idinilat ang nanlalabo ko pa ring mga mata. Sapo-sapo ko ang aking ulo saka ipinilig ito. Hinablot ko ang kumot at ibabalot sana ito sa aking katawan. Pero tila may mabigat na bagay na nakadagan sa kumot kaya hindi ko to mahablot ng maayos. Halos nakapikit pa ang mga mata ko kaya kinusot-kusot ko ito gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay muling kinapa ang kumot. Ngunit laking gulat ko nang hindi kumot ang nakapa ng isang kamay ko kundi isang matigas na bagay. Biglang nawala ang antok ko at idinilat ng maayos ang mga mata ko para makita ang matigas na bagay na nakapa ko sa aking tabi.“Aaaaaa! Sino ka? Anong ginagawa mo dito?” sigaw ko ng marealize kong hindi ito ang boyfriend ko. Saka ko
R-18 |Shaira’s Point of View“Kamusta siya ngayon?”“Ayon mukhang may tama pa ng droga na pinainom mo! Bakit mo naman dinamihan?” hinatak ko siya palapit sa akin. Hinalikan ang labi niya at agad naman niya akong hinalikan pabalik. “Kaunti lang naman ang nilagay ko ah, baka sobrang hina lang talaga ng babaeng iyon. Maganda lang siya at magaling umarte kaya gustong-gusto siya ng lahat.”Binitawan ko siya at umupo sa sofa. “Wow, mukhang inlove ka talaga sa kaniya ah. Nasaktan ka ba sa nakita mo kanina?” Tumabi siya sa akin at bahagyang humiga sa balikat ko. “Bakit naman ako masasaktan sa bagay na hindi ko naman ginusto. Alam mo naman na ginawa ko lang iyon dahil gusto mong umusbong ang Career ko. Look, tama ka nga. Mula nang siya ang i-love team sa akin nagsunod-sunod ang mga offers sa akin. Mabilis tayong makakaipon at makakapagpundar para sa future natin.”Napangiti naman ako. Siya si Jerome Velasquez ang longtime boyfriend ko at soon to be my husband. Siya lang naman ang Jerome na on
Eumerriah’s Point of View“Jerome! Can we talk?” tumingin lang siya sa akin ng walang emosyon, tumayo at tuluyang umalis. Sinundan ko naman siya. Nagpalinga-linga pa ako baka may makakita sa amin. Lumingon siya sa akin at lumapit. “Ipapahiya mo ba talaga ang sarili mo?” bulong niya sa akin.Napatingin ako sa paligid at marami ngang tao, nandito nap ala kami sa lobby ng hotel. Tapos na nag movie namin, ito na ang huling araw namin sa taping. Bumuntong hininga ako at agad na tumalikod pabalik sa kwarto ko. May tatlong linggo na din simula ng suyuin ko siya. Kahit araw araw kaming magkasama ay civil lang kami, hindi siya nagsasalita kung hindi kailangan. Inuunawa ko na lang dahil alam ko ang mali sa nagawa ko, ang gusto ko lang naman ay pakinggan niya ako. Kung mauunawaan niya edi okay, maayos namin ang aming relasyon. Kung hindi naman ay mauunawaan ko, ang gusto ko lang ay makapagpaliwanag pero kahit isang Segundo hindi niya ako binigyan ng pagkakataon.“Tumawag ang Daddy mo!” salubong