Eumerriah's Point of View Natapos na kaming lahat kumain. Nag-aasikaso na silang lahat para bumalik ng manila. Kanina habang nagkakatuwaan kami, kinakantyawan kami ng kaibigan ni Gabrielle, tahimik lang si Kristine at hindi kumikibo. Abala lang ito sa ginagawa niya sa cellphonr niya. Hindi ko na lang siya pinansin dahil ayoko masira ang mood ko. Sobrang saya ng puso ko dahil nararanasan ko ang mga bagay na ito sa maliit na pamilya ni Gabrielle. Having a family like this is a precious thing. Hinding hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko ang mga ala-alang nabuo dito kasama sila. "Magiingat sa pagda-drive Jayson ah. Ingat kayo Paul, Kristine, Hanz magiingat ka ah, aral mabuti. See you soon."Nakangiti kong paalam sa kanila pero itong si Gabrielle masamang nakatingin sa akin. Nakikita ko sa gilid ng mata ko ang nanlilisik niyang mata. Natatawa na lang si Paul at Jayson sa inasta ni Gabrielle. Agad din pinatakbo nila ang sasakyang gamit nila. Kumaway na lang ako kahit di ko alam kung
Gabrielle's Point of View Sobrang gaan sa pakiramdam na wala na akong dapat problemahin. Hindi ako sigurado kung magugustuhan nila Mommy at Daddy si Eumerriah pero umaasa pa din ako. Alam kong hindi sila masaya sa naging issue ko sa girlfriend ng kuya ko pero anong magagawa ko di ba? Kung sa babaeng ito ko naramdaman ang kasiyahn na hindi ko naranasan sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay ko. Nakahigs ngayon si Yumi sa hita ko. Napagod yata siya sa ginawa namin kanina. Syempre naligo kami. Hindi kasi namin na-enjoy maligo nang nandito ang mga kaibigan ko. Sobrang ligalig kasi ng mga iyon pero masaya akong nakasundo sila ni Yumi. Nagmadali akong sagutin ang tumawag dahil bigla itong nag-ring. Kasarapan pa naman ng tulog ni Yumi kaya hindi pwedeng magising baka maging dragon. Hahahaha. Just kidding. Dahan-dahan kong nilipat ang ulo niya na nasa unan ko sa isang unan. "Anong balita?" Tanong ko sa secretary ni Dad. "Pinapatawag ka ng daddy mo. Hindi naman siya galit nang sinab
Gabrielle's Point of View "Wala na tayong pakialam kung anong mangyari sa kaniya sa kamay ng kuya mo. Ang gusto ng Daddy niyo maikasal si Jerome sa kaniya sa lalong madaling panahon." Nalaglag ang balabal ni Mommy habang pinapaliwanag niya sa akin ang bagay na iyon. Nakita ko ang pasa sa braso niya. Sinubukan pa niya itong takpan para hindi ko mapansin. "Saan galing yan?""Ang aling ba? Sundin mo ang sinabi ko. Humarap ka sa magulang niya at humingi ng paumanhin. Pag nakita na si Yumi, ipapakasa-" Hindi na natapos ni Mom ang sasabihin niya ng hinatak ko ang kamay niya palapit sa akin. Sinubukan na niyang lumabas ng kwarto habang nagsasalita. "Sinasaktan ka pa din ni Dad? Akala ko ba tumigil na siya? Akala ko ba nagbago na siya?!" Nanggigil na ako sa galit pero tanging pag-iwas lang ng mata ang ginawa ni Mommy. "Hindi mo sasabihin? Kailangan ko bang sugurin doon si Dad para lang sabihin mo sa akin ang totoo? Akala ko ba maayos kayo dito?!" Isang sampal ang bumagsak sa mukha ko. Nang
Gabrielle's Point of View "Bakit pumayag ka sa arrange marriage na ito? Bakit hindi mo pigilan si Dad?" Singhal ko sa kuya ko nang makaalis ang mga magulang namin."Bakit hindi ikaw? Bakit hindi mo aminin na buntis si Eumerriah at ikaw ang ama? Baka gusto mo ako na lang magsabi sa kanila at sabihin kong ako ang ama?" Nakangisi niyang tanong sa akin. Alam kong pino-provoke niya lang ako para magsimula na naman ng away at ako na naman ang maging masama sa paningin ng parents namin. "Wag mong idadamay ang anak ko!!" Pagbabanta ko. "Bakit? Ano bang kaya mong gawin? Sa tingin mo ba talaga kilala mo na si Eumerriah? Sa tingin mo ba basta lang siyang babae na papayag tumira sa isang kubo? Hindi mo siya kilala!" Ani niya at naglakad palabas ng dining area. Wala akong mapapala kung makikipagsagutan sa walang kwentang kapatid ko. Walang mahalaga sa kaniya kundi ang image at si ate Shaira. Hindi naman niya pinapakinggan sila Mom and Dad pero siya pa din ang may posisyon sa kompanya. Hindi k
Eumerriah's Point of View Hapon na ngunit wala pa din si Gabrielle. Gusto ko man siyang tawagan pero nauunahan ako ng hiya. Maayos kasi siyang nagpaalam sa akin kagabi ngunit hindi ko akalain na aabutin siya ng isang buong araw. Inasikaso naman ako nila Lola at Kate. Hindi naman nila ako pinabayaan, gusto kong tumulong sa ginagawa nila pero ayaw nila. Gumagawa kasi ng doormat si Lola. Simula bata pa lamang daw ang anak niyang nanay nila Gabrielle ay ito na ang hanao buhay niya. Inilalako niya daw ito sa palengke, kung minsan ay pinapakyaw ito doon. Kaya kahit mayroon na silang pera, may ibang business na si Gabrielle ay hindi niya nakakalimutan gumawa ng doormat dahil madaming costumer ang gusto ang gawa niya. "Naboboring ka na ba?" Tanong sa akin ni Kate. "Medyo." Simpleng sagot ko. "Namimiss mo lang siguro si Kuya. Ganyan din kami nang una. Dito lumaki si Kuya, natatandaan ko sobrang sungit niya sa akin dati. Halos ayaw niya akong kausapin dahil hindi niya daw ako kapa
Eumerriah's Point of View Hindi umuwi si Gabrielle kagabi hanggang ngayong umaga wala pa din siya. Sobrang namimiss ko na siya. Dahil abala sila Lola at Kate sa kanilang ginagawa ay naisipan kong maglakad lakad sa paligid. Ayoko na munang isipin si Gabrielle, bak may kailangan lang siyang tapusin doon. Nagikot-ikot ako sa paligid. Nang mainip ako ay dumiretso ako sa resort. Hindi masyadong mainit kaya masarap ang maglakad-lakad. Umakyat ako sa kubong tinutuluyan namin ni Gabrielle. Aminin ko, umaasa akong umuwi siya ngayon at nakatulog lang sa kwarto. Ngunit wala, kung paano namin iniwan ang bahay na ito ay ganoon pa din siya ngayon. Maliban sa mga alikabok na hinangin sa ibabaw ng mga plato at kaldero. Naupo lang ako sa sala at pumikit. Ninamnam ang mariwang simoy ng hangin at inaalala mga pinagsamahan namin ni Gabrielle. Ang unang linggo namin na walang kibuan, mga araw na kinakausap niya ako ng walang emosyon hanggang isang araw ay puno na ng concern. Ang sarap isipin kung pa
Gabrielle's Point of View Masakit ang ulo kong bumangon. Kita ko sa bintana na tirik na ang araw. Inikot ko ang paningin ko, nandito pala ako sa kwarto ni Eumerriah. Bigla ko agad naalala si Yumi. Winadiwas ko ang kumot na nakabalot pa sa katawan ko at nagmadaling lumabas. "Yumiii!" Nataranta kong tawag ng makalabas. Nakita ko siyang naghahain ng pagkain. Ngumiti ito ng makita ako. "Goodmorning. Kamusta ang tulog mo? Halika na mag almusal na tayo. Anong gusto mo gatas o kape?" Medyo naninibago ako sa paraan ng pagngiti niya. Pakiramdam ko ay may nangyari. "Goodmorning! Pasensya na ikaw tuloy naghanda ng almusal natin. Napasarap ang tulog ko. Saan ka pala natulog bakit sa kama mo ako nakahiga?" Kamot ulo kong tanong. "Katabi mo." Nakangiti niyang sagot. Nagulat naman ako. Alam kong may nangyari na sa amin. May relasyon na din kami pero hindi ko inaasahan na tatabi ako sa kaniya. Ayoko kasing na-stress siyang matulog lalo na pag-buntis. May kilala kasi akong gano'n. "Pasensya na ku
Eumerriah’s Point of ViewMasakit sa balat ang init ng araw na tumatama sa balat ko nang magising ako. Dahan-dahan kong inangat ang katawan ko sa kama at napansin kong wala akong saplot ni isa dahil sa lamig na direktang tumatama sa aking balat. Kahit medyo masakit ang ulo ko ay pinilit kong idinilat ang nanlalabo ko pa ring mga mata. Sapo-sapo ko ang aking ulo saka ipinilig ito. Hinablot ko ang kumot at ibabalot sana ito sa aking katawan. Pero tila may mabigat na bagay na nakadagan sa kumot kaya hindi ko to mahablot ng maayos. Halos nakapikit pa ang mga mata ko kaya kinusot-kusot ko ito gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay muling kinapa ang kumot. Ngunit laking gulat ko nang hindi kumot ang nakapa ng isang kamay ko kundi isang matigas na bagay. Biglang nawala ang antok ko at idinilat ng maayos ang mga mata ko para makita ang matigas na bagay na nakapa ko sa aking tabi.“Aaaaaa! Sino ka? Anong ginagawa mo dito?” sigaw ko ng marealize kong hindi ito ang boyfriend ko. Saka ko