Share

Chapter 4

Winter Lyn POV

"Best, congrats!" pigil ang sayang bati sa akin ni Tonet nang makasalubong ko sa lobby.

Pilit naman akong ngumiti sa kaniya. Kaagad naman niyang ikinawit ang mga kamay sa braso ko.

"Bakit parang nagba-blush ka?" puna niya.

I cleared my throat. Pakiramdam ko biglang nag-dry ang lalamunan ko sa pagiging observant nito. Hindi ako nakaimik. Parang teenager na hinaplos ko ang kabilang pisngi.

"Asos!" palatak niya sabay kurot sa tagiliran ko.

"Aray naman!" Inirapan ko siya, saka kumawala sa pagkakahawak nito.

Nanunukso ang ngiti niya at muling ikinawit ang dalawang kamay sa braso ko.

"Alam ko na, best... Alam kong pogi si Sir George at bata pa," tila kinikilig na usal nito. "Marami kayang nagkakagusto sa kaniya."

Napailing na lang ako, pero nakahinga na rin ng maluwang dahil sa maling akala nito.

"Para naman 'yong bakla," bulong ko ngunit narinig niya pa rin.

Pabalang niya akong itinulak. "Oy, hindi, ah!"

Pinigilan kong hindi matawa. Ako naman ngayon ang nakayapos sa braso niya.

"Ang ganda pala ng building na ito, 'no?" pag-iiba ko ng topic. "Tapos ang mga employee ay parang mga bigatin din."

Naalala ko na naman ang nakasabay ko sa elevator kanina. Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti, ang gwapo kasi at halatang friendly, at mukhang mayaman.

"Tapos ganiyan ang suot mo?" puna sa akin ni Tonet. Napasimangot naman ako saka kumawala rito at hinarap ito.

"Wala namang mali sa suot ko, ah!"

"Naka-pants ka..."

"Slacks naman ang pants ko, pang-formal." Pinandilatan ko siya ng mga mata.

"Tapos nakasuot ka ng black shoes without heels." Tinaasan niya ako ng kilay habang sinusuri ang kabuuan ko.

"Matangkad naman ako kaya hindi na kailangan ang heels," rason ko pa, pero ang totoo hindi ako sanay sa heels.

Nameywang siya. "Best, mapaghahalataan ka talaga na nandaya ng mga credentials–"

Kaagad kong tinakpan ang bibig niya kasabay ng pagtingin ko sa paligid. Buti na lang walang masyadong taong dumadaan.

"Tumahimik ka nga, ang daldal mo," saway ko rito. "Ihatid mo na nga lang ako sa labas."

"Teka lang, best!" pigil niya sa akin. "May duty pa ako, kita na lang tayo mamaya, okay? Love you!"

Nakangisi pa ito habang tumatakbo na palayo sa akin. Napairap na lang ako at napapailing kahit hindi na nito nakikita.

____

Kinabukasan nakatanggap ako ng tawag galing kay George. Pinapapunta ako sa isang mamahaling condominium.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa magarang building. Naiilang pa ako dahil sa simple kong suot na kupasing jeans at white T-shirt. Humigpit ang hawak ko sa dala kong bag.

Mukhang mga mayayaman ang mga nakatira sa condo na ito, ah, saad ko sa isipan. Pero patuloy pa rin ako sa paglalakad patungo sa reception area.

"Excuse me, Miss, I am Winter Lyn Hera."

Sabi kasi ni George sabihin ko lang daw ang pangalan ko sa receptionist at ihahatid na raw ako sa unit.

Tipid na ngumiti ang magandang receptionist sa akin. "Ms. Hera, please follow me."

Tahimik naman akong sumunod dito. Huminto lang ito sa harap ng private elevator, at pinindot ang open button.

"Please, get in. Ihahatid na po kayo sa mismong Penthouse."

"Thanks," mahina kong usal bago ako pumasok.

Napaawang na lang ang bibig ko nang nasa loob na ako ng elevator. It was overlooking. Glass wall ang nakapalibot na pader at nakikita ko ang mga naglalakihang buildings at mga sasakyan na unti-unting lumiliit habang pataas ang elevator.

Kung bakit ba naman kasi nasa pinakadulo ang number ng unit na pupuntahan ko.

Bumuga ako ng malalim na hininga. Buti na lang hindi ako mahiluhin at hindi ako takot sa height.

I was enjoying the view, though it feels like a roller coaster ride.

Finally!

Kaagad akong lumabas pagbukas ng elevator. Akala ko pa naman hallway ang bubungad sa akin, 'yon pala ay ang mismong loob na ng unit.

"Finally, you're here!" nakangiting saad ni George sa akin.

Napakunot pa ang noo ko dahil hindi ito nag-iisa.

"H-hi!" naiilang kong bati, saka pilit na ngumiti.

"Ms. Hera, sila ang bahala sa'yo ngayong araw na ito," panimula ni George.

Napatingin ako sa mga kasamahan nito na karamihan ay mga babae. Halatang may make-up artist, photographer, designer at iba pa.

"Excuse us," wika ko, saka hinila si George sa isang tabi malayo sa mga ito, bago ako pabulong na nagsalita, "Teka nga, ano ang ibig sabihin nito?"

"This is your new place, Ms. Hera. Bilang asawa ni Mr. Cromwell, dapat presentable ka rin sa harap ng pamilya niya," paliwanag nito.

Napakamot ako sa ulo. Kung p'wede lang itong batukan ay ginawa ko na kanina pa.

Mukha ba akong hindi presentable sa harapan nito? Tse!

"Huwag ka ng magreklamo dahil nakasaad ito sa kontrata," dagdag pa nito bago may iniabot sa aking folder. "Ito, pag-aralan mo ang mga nakalagay riyan."

"Wait lang!" pigil ko rito nang akmang aalis na. "Saan ka pupunta?"

"Aalis na ako."

"Iiwan mo ako sa kanila?"

He smirked. "Don't worry, they won't bite."

Hindi na ako nakaimik pa. Isang irap lang ang isinagot ko rito. Bahagya naman itong natawa.

"Treat her well," bilin nito sa mga nandoon.

"Yes, Sir!"

Bumagsak ang mga balikat ko nang tuluyan na itong umalis.

Pilit akong ngumisi sa mga kaharap na titig na titig sa akin, na para bang isa akong nakakatakam na pagkaing nakahain sa kanila.

"S-shall we start?" tanging nasabi ko.

____

"Salamat," pagod na pagod kong usal sa nagbabantay kay Mama.

Pagkatapos ko itong bayaran ay kaagad na itong umalis. Nahahapo akong napahiga sa sofa.

Diyos ko! Ano ba ang pinasok ko?

Natampal ko ang noo. Hindi ko akalain na ganoon ang make-over na ginawa sa akin, mas malala pa sa torture.

"Ate?" si Santi na sumilip sa sa pinto ng kwarto. Halatang nagising.

"Hey," malumanay kong usal saka tumayo mula sa pagkakahiga.

Lumapit ito sa akin saka tumabi at tinitigan ako. "Ate, why you look different?"

"Kasi nagpagupit ako?" Napangiwi ako.

Ginupitan ba naman at kinulayan ang mahaba kong buhok!

"You look beautiful, Ate. Mukha ka ng babae."

Napangiti ako at ginulo ang buhok nito saka niyakap ng mahigpit. "Kumusta kayo ni Mama rito?"

"Okay naman po, Ate. May pumunta ritong nurse kanina, ang sabi simula bukas siya na raw ang magbabantay kay Mama kasi ipinadala siya sa kompanyang pinagta-trabahuan mo."

"Ah, ganoon ba." Napatango na lang ako.

At talagang pinanindigan ni Mr. Cromwell ang pangako niya na siya na ang bahala sa medication expenses ng Mama ko at may pa nurse pa.

Kaya dapat lang galingan ko sa trabaho. Galingan ko ang pagiging fake wife nito pansamantala.

"Ate, gagaling po si Mama, hindi ba?" malungkot na tanong ni Santi.

"Oo naman, gagaling si Mama." Pumiyok ang boses ko.

Sana nga lang may mahanap na na ka-match ng kidney ni Mama ang ospital kung saan ito na confine. Kasi nasa waiting list na ito para sa kidney transplant.

Kung hindi lang sana na reject ang kidney ko nang isagawa ang mga tests, hindi sana ay naibigay ko na ang isa kong kidney.

Pero hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. Alam kong gagaling si Mama.

____

Isang linggo na ang nakalilipas at nakikita ko naman ang improvement ng kondisyon ni Mama.

"Huwag kang mag-alala sa amin, anak, okay lang kami. Basta ang mahalaga ang trabaho mo," malumanay na saad ni Mama.

Kailangan ko kasing umalis at mawawala ako ng isang linggo o dalawa dahil kailangan ko ng gampanan ang pagiging fake wife ko.

"Huwag kayong mag-alala, Ma, susubukan kong umuwi rito every weekends." Ngumiti ako at binalingan si Santi. "Be a big boy, ha, huwag pasaway."

"Opo, Ate. At saka may binayaran ka rin namang katulong namin dito." Ngumisi pa ito.

Napailing na lang ako. Kailangan kong siguruhin na maayos sila bago ako umalis para may peace of mind ako.

Sana may peace of mind din ako kay Mr. Cromwell.

Napa-buntonghininga ako sa isiping mahihirapan akong makihalubilo rito.

...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status