I paused when I received a round of applause from the Board of Directors and employees from Cromwell's Corporation.
"And I'm still counting for more," pagtatapos niya, saka itinaas ang hawak na champagne glass. "Cheers for our success and enjoy the party!"
"Cheers!" masiglang usal ng lahat.
Bumaba na ako sa stage at dumeretso sa main exit ng venue. Binati ko na naman ang lahat bago ako nag-speech sa stage. Kailangan ko na talagang bumalik sa VIP suite ng hotel na ito dahil may kailangan pa akong i-review na files para sa conference meeting bukas.
Nagkaroon lang ng event ang kompanya ngayong araw na ito bilang selebrasyon sa produktong matagumpay na nailunsad ng kompanya, at hanggang ngayon ay nangunguna pa rin ito sa market place.
I owned this hotel that's why my VIP suite is in the highest floor.
I immediately threw my suit jacket on the bed and walked towards the mini bar. I loosened my tie because I felt suffocated.
Nagsalin ako ng alak sa baso at inisang lagok iyon bago ako nagtungo sa office desk ko.
Hindi pa ako nakakaupo sa swivel chair ay tumawag na ang Mommy ko.
Seriously?
Hindi nito ugali ang mag-overseas call kung walang mahalagang sasabihin. O baka naman may binabalak na naman ito.
Napailing na lang ako. "Yes, Mom?"
"Jamie!"
My mouth twitched the moment I heard my Mom call me that name. She's the only one who called me that name.
And I don't like it. Many times we argue about it–that she should stop calling me Jamie because it sounds like a boy. But I ended up listening to her non-stop scolding and nagging.
"Mom." I sighed.
"O, mukhang pagod ang boses mo, Jamie, may sakit ka ba?"
"I'm just tired, Mom."
"Ganoon ba. Magpahinga ka na, bukas na ako tatawag," she sounds worried and I don't want her to feel like that.
"I'm fine. Did something happen?"
"Wala, anak." Bumalik na naman ang sigla sa boses niya at mukhang alam ko na kung bakit ito tumawag.
"Ang kumare ko kasi pauwi na ang anak niya next month galing Dubai, kung gusto mo mag-blind date kayong dalawa. Maganda, masipag at mabait na bata ang anak ng kumare ko," paliwanag niya.
Napakamot ako sa ulo. Ilang beses na ba akong nakipag-blind date dahil sa suhestiyon niya? Maraming beses na pero hindi naman nag-work out.
"Mom..." ungot ko.
"Sige na, Jamie, pagbigyan mo na ako. Promise last na ito."
You said that before to me! I wanted to tell her that.
Pero hindi ko naman kayang sabihin. Isa sa mga taong hindi ko kayang ayawan o saktan ay ang Mama ko.
Some people don't know me very well. I may be a cold, emotionless business man, but not to my family.
I strive so hard in life to provide my family's need, especially, when my father died. Namatay ito na nalulugi ang kompanya at wala akong choice kung hindi isalba ito.
It was hard. Nahirapan ako lalo na't kasalukuyan pa akong nag-aaral sa kolehiyo ng mga panahong iyon. At kumakalap pa ako ng mga investors na nawalan na ng tiwala sa kompanya.
Kasama ko ang mga taong naging loyal sa kompanya kahit alam ng mga ito na pabagsak na ang kompanyang iniwan ni Daddy.
Tatlo kaming magkakapatid at ako ang panganay. Kung hindi dahil sa pamilya ko ay baka sumuko na ako.
I didn't expect that I would become this successful.
"Anak?" untag sa akin ni Mommy. I don't say any word.
Damn! I'm tired of her matchmaking plan.
"Jamie, I just wanted you to settle down before I die."
Naihilamos ko ang isang palad sa mukha. Heto na naman ang pagda-drama niya.
"You're already thirty, anak. At successful ka na ngayon. Natulungan mo na ang mga kapatid mo at ako, sobra-sobra pa nga. Siguro panahon na para sarili mo naman ang isipin mo."
Paulit-ulit ko na lang naririnig ang mga sinasabi niya.
He's not ready to settle down. What matters to me right now is my career and of course my family; I want to provide everything they need. It feels like it's not enough.
"Mom, I can't."
"A-ano? B-bakit?" usal nito. Halata sa boses nito na nasasaktan sa pagtanggi ko.
"Because..." Shit! Ano ang rason ko?
Think, James! Saway ko sa sarili.
"Jamie?"
"Because I'm already married."
Narinig ko ang pagsinghap nito. Mariin naman akong napapikit at inihanda na ang sarili sa litanya nito.
Why did I said that to her? Damn... I shook my head terribly. I shouldn't lied to her.
"Oh, my Jamie!" bulalas nito na naiiyak pa. "Totoo ba? Hindi ka ba nagbibiro?"
"Y-yes, Mom."
Goodness!
"Luluwas kami riyan bukas na bukas din!" saad nito sa natatarantang boses na may halong excitement.
"What?!" Ako naman ang na shocked.
Nasa UK na ito ngayon nakatira kasama ang dalawa niyang mga kapatid. Mas gusto nilang manirahan sa bansang kinalakihan ni Daddy.
"Marami kang ipapaliwanag sa akin bukas, James Ethan Cromwell!" inis nitong wika. "Pero maiintindihan ko. Hindi na ako makapaghintay na makita ang asawa mo."
Can I take back what I said?
Gusto ko na tuloy suntukin ang sariling mukha. Damn it!
"Mom, relax. You don't need to come here as soon as possible."
"Oh, you're in a honeymoon phase right now?" Panunukso nito.
I sighed.
Kailangan kong panindigan ang kasinungalingang sinabi.
"Yes," mabilis kong sagot.
"Okay. How about next month?"
Fuck!
__At the Office__"She needs to be professional with pleasing personality," I said to my secretary. "I really need to hire a fake wife, George."Iyon na lang ang tanging paraan na naisip ko. I need to lie for a month.
Damn it!
"I understand, Sir."
"And please, it's confidential. Only you and me will know about it."
"You can count on me," seryoso nitong sagot.
That's what I likes about him. Consistent sa trabaho at loyal sa kaniya.
"I inform the other department that we are hiring, para mapabilis ang process."
"Go ahead."
After two days . I started doing interviews with the female applicants.
At wala pa akong napili kahit marami na akong na interview. Walang ganang binuklat ko ang profile ng next applicant.
"Send her in," inform ko kay George sa intercom.
Bumukas ang pinto at hindi na ako nag-abalang tingnan ang aplikante dahil busy ako sa pagsusuri ng mga credentials niya na kasama sa resume nito.
"Good morning, Sir," bati nito sa malumanay na boses.
"Have a seat, Ms. Hera."
Kaagad naman itong umupo.
"You're a Tourism graduate?" paninigurado ko.
"Yes, Sir."
"Tell me about your name."
"Po?"
Nag-angat ako ng tingin at saktong nagsalubong ang mga mata namin.
My eyebrows furrowed when I see confusion written all over her face.
Mahirap bang sagutin ang tanong ko? Napataas ang isa kong kilay.
Naiilang naman itong ngumiti. "My name is Winter Lyn Hera–"
"Why?"
"Why?" ulit niya sa sinabi ko. Mas lalo namang lumalim ang gatla sa noo ko.
"Bakit Winter ang pangalan mo? According to your self-introduction, you are spontaneous, bubbly, cheerful and fun to be with. How's that possible? Kabaliktaran sa personality mo," curious kong tanong.
Nakahinga ito nang maluwang na para bang nabunutan ng tinik.
"Kaloka! Akala ko naman kung ano po ang pinagsasabi ninyo!" saad nito sa natatawang boses.
Mas lalo akong napatitig sa mukha nito. Nawala ang nerbiyos nito at halatang naging relax na ito ngayon.
"And totoo po niyan, Sir, hindi ko rin po alam kung bakit Winter ang pinangalan sa akin." Ngumisi siya kaya kitang-kita ko ang pantay at maputi nitong mga ngipin.
"Okay." Nagkibit-balikat ako. Curious lang naman ako dahil sa lahat ng mga aplikanteng na interview ko, siya lang ang may kakaibang pangalan.
Muli kong tiningnan ang mga documents niya, bago ako muling nag-angat ng tingin.
"Ms. Hera, all your credentials are fake." I gritted my teeth.
Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya. Hindi siguro nito inakala na mabibisto ko siya dahil pulido naman ang pagkakagawa ng mga credentials niya.
***Winter POV"Po?!" Gusto ko na lang na bumukas ang lupa at lamunin ako.Kaloka! Paano nito nalaman na fake lahat ng mga school credentials ko? Bwesit na gumawa 'yon! Ang mahal pa naman ng bayad ko at tiwala ako sa sinabi nito na hindi talaga ako mabibisto dahil marami ng nagpapagawa sa kaniya. Na scam yata ako. Na tampal ko ang noo dahil sa hiya.Harap-harapan pang sinabi sa akin na fake ang mga documents ko. Mas lalo tuloy akong nahiya at natakot. Mukha pa namang kakatay ng tao si Mr. Cromwell na titig na titig sa akin ngayon. Napakagat-labi na lang ako. Nagulat nga ako dahil hindi ko inakala na ito ang mag-i-interview sa kanila ngayon. Gwapo nga talaga ito sa personal kaysa sa internet, kaya lang ay nakakatakot at parang hindi marunong ngumiti. Ibinagsak nito ang folder sa harapan ko kaya bahagya akong napatalon sa kinauupuan. "Why?" Why na naman? Wala na ba itong matinong itatanong sa akin?Napalunok na lang ako. "Sir, I really need the job. Kahit ano po ang trabaho handa ko
Winter Lyn POV"Best, congrats!" pigil ang sayang bati sa akin ni Tonet nang makasalubong ko sa lobby.Pilit naman akong ngumiti sa kaniya. Kaagad naman niyang ikinawit ang mga kamay sa braso ko. "Bakit parang nagba-blush ka?" puna niya. I cleared my throat. Pakiramdam ko biglang nag-dry ang lalamunan ko sa pagiging observant nito. Hindi ako nakaimik. Parang teenager na hinaplos ko ang kabilang pisngi."Asos!" palatak niya sabay kurot sa tagiliran ko."Aray naman!" Inirapan ko siya, saka kumawala sa pagkakahawak nito.Nanunukso ang ngiti niya at muling ikinawit ang dalawang kamay sa braso ko. "Alam ko na, best... Alam kong pogi si Sir George at bata pa," tila kinikilig na usal nito. "Marami kayang nagkakagusto sa kaniya."Napailing na lang ako, pero nakahinga na rin ng maluwang dahil sa maling akala nito. "Para naman 'yong bakla," bulong ko ngunit narinig niya pa rin. Pabalang niya akong itinulak. "Oy, hindi, ah!"Pinigilan kong hindi matawa. Ako naman ngayon ang nakayapos sa bra
Winter Lyn Hera POVWala akong dalang gamit dahil iyon naman ang napagkasunduan sa kontrata nang i-review ito ni George sa akin, dahilan niya ay provided na raw lahat ng mga gamit ko. Mapakla akong natawa at napailing na rin. Ang mayayaman nga naman, kung magsayang ng pera mapagbigyan lang ang gusto ay wagas. Sinuri ko ang malawak na sala. May tatlong picture frame na nakalagay sa vanity na katabi ng TV. Humakbang ako palapit doon at namamanghang napatitig sa picture. Ang galing mag-photoshop ng photographer dahil nagawa nitong itabi sa akin si Mr. Cromwell. Nang kinuhanan ako ng litrato ay ako lang naman mag-isa.I scoffed.Iba nga naman ang nagagawa ng technology ngayon. Napailing na lang ako.Umakyat na ako sa taas para puntahan ang magiging silid namin ni Mr. Cromwell. Nakasaad sa files na binigay sa akin ni George na iisang silid lang kami ni Mr. Cromwell. Binuksan ko ang master's bedroom at ganoon na lang ang pagkamangha ko sa sobrang ganda at lawak ng silid. Times three an
Chapter 1Winter Lyn POVNaiirita kong hinubad ang suot na apron pagpasok sa locker room. Bwesit talaga! Gigil kong pagmumura sa isipan. Padabog ko rin binuksan ang locker ko para kunin ang mga gamit. Hanggang ngayon ay pumapanting pa rin sa tainga ko ang galit na boses ng boss ko. "You're fired!" paulit-ulit na panunumbalik sa isipan ko ang binitiwan nitong salita.Kung alam ko lang na matatanggal pa rin pala ako sa trabaho'y binanatan ko na lang pala ang manyak na 'yon! Walang tigil pa rin ang isipan ko sa pagmamaktol hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napalingon ako. Pumasok si Liz, na katulad ko ay waitress din.Malungkot ang mukha niya at halata ang simpatya sa akin. Muli ko na lang ibinaling ang atensyon sa inaayos kong mga gamit."Winy," sambit niya sa palayaw ko sa malungkot na boses, saka nilapitan ako."Masama bang ipagtanggol ang sarili?" saad ko sa basag na boses. Pinipigilan ko lang talaga na hindi maiyak pero ang totoo ay gusto kong umiyak nang umiya