Share

Chapter 3

Winter POV

"Po?!" Gusto ko na lang na bumukas ang lupa at lamunin ako.

Kaloka! Paano nito nalaman na fake lahat ng mga school credentials ko? 

Bwesit na gumawa 'yon! Ang mahal pa naman ng bayad ko at tiwala ako sa sinabi nito na hindi talaga ako mabibisto dahil marami ng nagpapagawa sa kaniya. 

Na scam yata ako. 

Na tampal ko ang noo dahil sa hiya.

Harap-harapan pang sinabi sa akin na fake ang mga documents ko. Mas lalo tuloy akong nahiya at natakot. 

Mukha pa namang kakatay ng tao si Mr. Cromwell na titig na titig sa akin ngayon. Napakagat-labi na lang ako. 

Nagulat nga ako dahil hindi ko inakala na ito ang mag-i-interview sa kanila ngayon. Gwapo nga talaga ito sa personal kaysa sa internet, kaya lang ay nakakatakot at parang hindi marunong ngumiti. 

Ibinagsak nito ang folder sa harapan ko kaya bahagya akong napatalon sa kinauupuan. 

"Why?" 

Why na naman? Wala na ba itong matinong itatanong sa akin?Napalunok na lang ako. 

"Sir, I really need the job. Kahit ano po ang trabaho handa ko pong gawin, kaya please, tanggapin n'yo na po ako kahit janitress na lang," pakiusap ko rito.

Bahala na talaga. Kahit magmakaawa pa ako para lang sa trabaho ay gagawin ko. Opoortunity ko na ito kaya hindi ko na pakakawalan pa.

"Don't you know that I can sue you for cheating? It's against the company's rules," matigas ang boses na turan nito. 

Namilog naman ang mga mata ko sa sinabi nito. Mukhang makukulong pa yata ako dahil sa ginawa ko.

"Sir, please, huwag naman pong ganiyan. I'm sorry, promise hindi na po mauulit," parang batang saad ko. "Nagawa ko lang namang dayain ang mga credentials ko dahil undergraduate po ako ng college at kailangan ko talaga ng trabaho." 

Hindi ito umimik at nakatitig lang sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang kaya napayuko na lang ako. Hindi ko rin kayang makipagsabayan sa titig nito. Napaka-intimidating ng dating. 

Matagal itong nakatitig sa akin na para bang isa akong bilihin at nahihirapan itong mag-decide kung bibilhin ba ako o hindi.

He cleared his throat before he pressed the intercom button. 

"George, tell the other applicant to proceed to the HR department. The interview will continue there." 

"Noted, Sir." 

"And I found the one. Just ready the contract." 

"Yes, Sir." 

Kumurap-kurap naman ang mga mata ko dahil wala naman akong maintindihan sa conversation ng dalawa. 

"Ms. Hera..." 

"Yes, Sir?" 

"You can go out now. My secretary will talk to you about the job." 

Napasinghap naman ako. Nalilito akong tumayo. Habang ito naman ay nakatuon na ang atensyon sa laptop. 

Matagal akong nakatayo sa harapan na parang tanga.

"I said get out," inis na wika nito.

Hindi ko malaman ang gagawin kung magtatanong pa ba ako o lalabas na lang. Ang daming katanungan sa isipan ko pero mas pinili ko na lang lumabas sa takot na baka kasuhan pa ako nito dahil sa fake na credentials ko.

Bagsak ang mga balikat na lumabas ako. Baka nga janitress ako sa kompanya na ito. O kaya naman, 

Bahala na nga. 

"Ms Hera?" untag sa akin ng secretary ni Mr. Cromwell. "Please follow me." 

Tahimik lang siyang sumunod dito. Mukha naman itong mabait, at saka bata pa, mukhang magkaedad lang sila. 

"Congratulations," bati nito sa akin saka ngumiti. 

Nakaramdam tuloy ako ng excitement sa bago kong trabaho. Hindi bale na janitress basta malaki ang sahod. 

"Salamat." 

Pumasok kami sa conference room at doon nito inilatag ang mga papel na dapat kong pirmahan. 

"Ano 'to?" naguguluhan kong usal.

"Contract." 

Binasa niya ang ibang detalye at mas lalo siyang naguluhan. "Bakit may fake wife?" 

"That's your job, Ms. Hera." 

Nawala ang excitement ko at napalitan ng pagtataka. Magpapanggap ako na fake wife hanggang sa bumalik sa UK ang pamilya ni Mr. Cromwell. 

"I'm sorry, I'm confused," wika ko na napapailing pa habang binabasa ang terms and aggreements ng contract. 

Halos lumuwa naman ang mga mata ko nang mabasa ang sahod every month, may bonus pa at incentives.

"All you have to do is to act as his fake wife. And it's very confidential, Ms. Hera. Kapag may nakaalam na iba, hindi mo makukuha ang perang nakasaad sa kontrata." 

Matagal kong tinitigan ang hawak kong contract. Makakatulong ang pera para sa pagpapagamot sa Mama ko. 

Pero ang pinagtataka ko lang kung bakit ako ang napili? 

"Bakit ako?" hindi ko napigilang itanong. 

"Because you almost fooled us," saad nito na nakangiti pa.

Hindi ko alam kung nang-aasar ba ito o hindi.

"It means, magaling kang mag-pretend. Iyan ang nakita ni Mr. Cromwell sa'yo." 

Pilit akong ngumiti. "Dapat pa pala akong magpasalamat dahil sa ginawa kong fake credentials?" Na akala ko ay ikapapahamak ko. 

"Indeed. So, congratulations!" 

Mapakla akong napatawa. Ang buhay nga naman... Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o hindi. 

Pero kung sabagay, hindi naman siguro mahirap magpanggap. Wala naman akong sinusukuan pagdating sa pamilya ko. 

Hindi na ako nagdalawang-isip pa na hindi pirmahan ang contract. Pinirmahan ko lahat. 

"Ano po ito?" nagtataka kong tanong nang may iabot sa akin na makapal na sobre.

"Advance bonus." 

Natutop ko ang bibig at mabilis na tiningnan kung magkano ang laman, ngunit hindi ko mabilang. Nanginginig pa ang mga kamay ko dahil kaagad kong inilagay sa loob ng shoulder bag. 

Natawa naman sa akin ang secretary na para bang nasisiyahan sa naging reaksyon ko. 

Natawa naman sa kaniya ang secretary na para bang nasisiyahan sa naging reaksyon niya. 

"Sir, seryoso ba talaga itong trabaho ko?" gulat kong sambit. 

"Oo naman, ayaw mo ba?"

Natawa pa ito dahil sa tanong ko. Parang hindi kasi totoo ang lahat.

"Hindi naman sa ganoon. Para kasing scam lang," wika ko sa mahinang boses.

Mas lalo itong natawa sa akin. Nasisiyahan yata ito.

"Sa tingin mo, sino ba ang scammer sa ating dalawa?"

Kulang na lang ay irapan ko ito ngunit pinigilan ko na lang ang sarili. Hindi na lang ako umimik. 

"I will call you tomorrow. See you!"

Naiwan akong nakatulala habang mahigpit na yapos ang shoulder bag. Hindi ako makapaniwala na ganito lang kadali ang lahat at may trabaho na ako kaagad. 

Ngunit paano ko gagampanan ang pagiging isang fake wife? Wala naman akong kaalam-alam sa ganiyang bagay.

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o dapat ba akong kabahan sa maaaring mangyari. Bumuntonghininga ako. Pilit kong inaalala ang nakalagay sa kontrata. 

Bigla ko na lang natampal ang noo dahil basta na lang ako pumirma.

"Napaka-desperada ko na talaga," bulong ko sa sarili. 

Himigpit na naman ang hawak ko sa shoulder bag. 

"Hindi ka na dapat mag-back-out, Winter, lalo na at may advance bonus ka. Magagamit mo ito para pampagamot sa Mama mo," parang tanga na kinakausap ko ang sarili.

Malalim ang hiningang pinakawalan ko bago ako lumabas sa conference room. Nakayuko pa ako habang binibilang ang bawat hakbang patungo sa elevator. 

Nasa tapat na ako ng elevator nang bumukas ito. Napaawang na lang ang bibig ko dahil sa gwapong lalaking nasa loob ng elevator. Matamis itong ngumiti sa akin na mas lalong ikinalaglag ng panga ko. 

Pinindot nito ang open button dahil magsasara na. Ako na ang nahiya at nagmamadaling pumasok sa elevator.

"Thanks," usal ko sa malumanay na boses saka matamis na ngumiti rito. 

"You're welcome." 

Napahawak ako sa dibdib dahil sa baritonong boses nito. Para tuloy akong bumalik sa pagka-teenager ko na ngayon lang nagka-crush.

"Are you new here?" untag nito. "Ngayon lang kita nakita." 

"Ah, yes, bago lang akong employee rito. Actually, kaka-hire lang sa akin." 

"Really?" amused na wika nito sabay tingin sa akin. 

Para namang may nagtalunan na kung ano sa puso ko dahil sa kilig. Nakakaakit ang tingin nito. Pinamulahan ako ng mukha kaya napayuko ako.

"Pihikan kasi ang boss dito, unless na lang kung ang HR ang nag-interview sa'yo," komento nito. Napatango na lang ako.

Gusto ko sana itong tanungin kung employee ito sa kompanya, pero nagdalawang isip ako dahil mukhang hindi naman. Mas nauna itong lumabas kaysa akin. 

At isang makalaglag na kindat ang iniwan nito sa akin. 

"Oh, my goodness, Winter!" palatak ko sa sarili. "This is not you. Hindi ka naman basta-basta nahuhumaling sa isang lalaki, hindi ba?"

Pero ang gwapo niya! Para akong bata na kilig na kilig. Ikinalma ko lang ulit ang sarili pagdating ko sa lobby. 

***

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status