Chapter 1
Winter Lyn POVNaiirita kong hinubad ang suot na apron pagpasok sa locker room.Bwesit talaga! Gigil kong pagmumura sa isipan.
Padabog ko rin binuksan ang locker ko para kunin ang mga gamit. Hanggang ngayon ay pumapanting pa rin sa tainga ko ang galit na boses ng boss ko.
"You're fired!" paulit-ulit na panunumbalik sa isipan ko ang binitiwan nitong salita.
Kung alam ko lang na matatanggal pa rin pala ako sa trabaho'y binanatan ko na lang pala ang manyak na 'yon!
Walang tigil pa rin ang isipan ko sa pagmamaktol hanggang sa marinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napalingon ako. Pumasok si Liz, na katulad ko ay waitress din.
Malungkot ang mukha niya at halata ang simpatya sa akin. Muli ko na lang ibinaling ang atensyon sa inaayos kong mga gamit.
"Winy," sambit niya sa palayaw ko sa malungkot na boses, saka nilapitan ako.
"Masama bang ipagtanggol ang sarili?" saad ko sa basag na boses. Pinipigilan ko lang talaga na hindi maiyak pero ang totoo ay gusto kong umiyak nang umiyak.
"Grabe, ha! Limang taon na akong waitress sa restaurant na ito tapos ganito lang?" dagdag ko pa na masama talaga ang loob.
"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo," aniya na may paghaplos pa sa likod ko. "Bakit kasi ang unfair ni boss."
"Kasi nga raw best friend niya ang manyak na 'yon. Nakakainis talaga!"
"Paano ka na ngayon?" nag-aalala niyang tanong sa akin.
"Bahala na. Baka mag-abroad na lang siguro ako." Bumuntong-hininga ako bago pabagsak na isara ang locker.
Bumuga rin nang malalim na hininga si Liz. "Kasi naman, pareho yata silang manyak."
Natawa na lang ako sa biro niya na may halong katotohanan. Aminado naman kaming lahat na manyak din ang boss namin. Buti na lang hindi ako nakaranas ng kamanyakan nito kung hindi ay baka matagal na akong wala sa trabaho ngayon.
Baka nga takot sa akin katulad ng mga sinasabi nila. Napailing na lang ako sa isiping ang daming mga taong mapagsamantala sa panahon ngayon.
Kasunod ko si Liz palabas ng locker room. Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag pack ko na naka-sukbit sa kaliwang balikat ko. Naniningkit ang mga mata kong nakatitig sa dalawang lalaking nakatayo sa gilid ng exit door ng dining area.
Sumilay ang nakakadiring ngisi sa mga labi ko habang matatalim ang tinging ipinukol sa dalawa. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga customers na nandoon.
Nang makita ako ng matanda kong boss ay kaagad nitong siniko ang best friend na katabi para siguro maging aware sa presensya ko.
Nagdidilim talaga ang paningin ko. Akala siguro ng mga ito na sa back door ako dadaan, kaya halata ngayon sa mga mukha nito ang gulat.
"Friend, kalma lang," bulong sa akin ni Liz, sabay tapik ng palad niya sa balikat ko.
"Sure," walang emosyong sagot ko, saka ipinagpatuloy na ang paghakbang patungo sa exit door.
Nanatili na lang si Liz sa kinatatayuan niya, samantalang ako ay halos patayin ko na sa tingin ang dalawang lalaking nakatayo sa gilid ng exit door.
"Ms. Hera, bakit hindi ka pa sa back door dumaan? You ruined my restaurant's reputation and you have the guts to show your face in front of us?" sarkastikong saad ng boss ko.
She scoffed. Mapakla akong tumawa. Hindi ko na lang pinansin ang patutsada nito dahil baka makalimutan ko pa na kahit papaano ay boss ko ito. Well, hindi na ngayon.
Lalagpasan ko na sana ang mga ito nang marinig na nagsalita ang bestfriend nito. Panlalait at paninirang puri ang bukambibig nito kaya nagpanting ang tainga ko.
Inihampas ko ang bag sa pagmumukha nito at tinuhod kaya marami ang napasinghap at hindi nakaimik. Hindi naman ako matangkad na babae at hindi rin ako gaanong kalakihan, matapang nga lang.
"Kulang pa ba ang hampas ko sa'yo kanina at sampal? Manyakis ka!" gigil kong asik sa ng manyak sa akin.
"Stay away from me, crazy woman!" singhal nito.
Samantalang ang boss ko ay hindi alam ang gagawin kung paano ako aawatin. Buti na lang ay nakialam na ang ibang employees sa restaurant at inawat ako.
"Ano!" angil ko. "Ang manyak mo, duwag ka naman!"
"Ilabas ninyo ang babae na 'yan dito!" utos ng boss ko sa mga kasamahan kong waitress na ngayon ay hawak na ang mga braso niya.
Natagpuan ko na lang ang sarili sa labas ng restaurant. Naiiyak ako pero hindi ko hinayaan ang sarili na umiyak. Na saktan lang ako dahil limang taon akong naging loyal sa trabaho ko tapos basta na lang ako itatapon na parang basahan?
Tama nga sila, hindi basehan ang loyalty mo sa kompanya o kahit saan ka pa nagtatrabaho.
Bwesit lang talaga!
Nagsimula na akong maglakad sa sakayan ng bus, kaysa naman hintayin ko pang umiyak at kaawaan ang sarili.
Baka mapilitan na talaga akong mang-ibang bansa. Bumuntonghininga ako nang maalala ang Mama ko at bunsong kapatid, isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong makipag-sapalaran sa ibang bansa.
Sakay na ako ng bus nang tumunog ang cellphone ko. Nawalan ako ng ganang sagutin nang makita kung sino ang tumatawag. Ang land lady namin sa apartment na sa tuwing tatawag ay maniningil ng advance payment.
Hindi ko sinagot pero tumawag ulit kaya napilitan na lang akong sagutin.
"Bakit po?" walang ganang wika ko.
"Naku naman, Windy Lyn! Bakit ngayon mo lang sinagot?" aniya sa matinis na boses.
Napaikot ang mga mata ko sa ere sa pagbanggit nito sa pangalan ko. "Winter Lyn po," pagtatama ko.
Ewan niya ba kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin nito mabanggit ng maayos ang pangalan ko. Hindi pa naman ito señor citizen, nasa 50's pa lang ang edad nito.
"Ah, basta!" pagsasawalang bahala nito, tila ba may pagmamadali ang boses.
Napakamot ako sa ulo. "Wala pa po akong sahod, eh." At hindi ako sigurado kung may sasahurin pa ako sa ilang araw na ipinasok ko sa buwan na ito.
"Hindi iyan ang itinawag ko."
Nailayo ko ang cellphone sa tainga para tingnan na para bang nakikita ko ang kausap. Himala yata at hindi ito maniningil.
"Hello, Windy Lyn? Hoy, Windy!" sambit nito sa kabilang linya kaya ibinalik ko ang cellphone sa tainga.
"Ano po?"
"Ano ka ba naman! Akala ko wala ka na sa linya. Ang Mama mo isinugod ko sa ospital kanina."
Kulang na lang ay mapatayo ako sa kinauupuan dahil sa sinabi nito.
"Ano po?!"
"Ang sabi ko isinugod ang Mama mo sa ospital, nandoon ngayon."
"Aling Belen naman, bakit ngayon mo lang sinabi?" naiinis kong usal.
Napahawak pa ako sa dibdib dahil sa matinding pag-aalala. Matapang lang ako sa iba pero pagdating sa pamilya ko ay napaka-sensitive ko.
"Kasi naman hindi mo sinasagot ang tawag ko. Sige na mag-out ka na sa work mo at puntahan mo ang Mama mo dahil may gagawin pa ako, i-send ko ang address sa'yo."
Iyon lang at pinatayan na ako ng tawag. Hindi ako nagsayang ng oras at kaagad na akong pumunta sa ospital nang malaman ko ang address.
"Nurse, Elena Hera po," kaagad kong sabi sa nurse na naka-duty sa nurse station.
"Ward area, room 6."
"Salamat." Nagmamadali akong pumunta sa ward area at hinanap ang room number.
"Mama!" kaagad kong sambit sa pangalan niya. Matamis naman ang mga ngiti na sumilay sa mga labi ni Mama pagkakita sa akin. May kausap siyang isang watcher sa isa sa mga pasyente sa kabilang kama.
"Nandito na pala ang anak ko," aniya sa kausap na babae. Kaagad ko siyang nilapitan.
"Okay lang ba kayo? Ano po ba ang nangyari? Hindi ba sabi ko huwag ka masyadong magpagod?" sunod-sunod kong litanya sa kaniya.
"Okay lang ako, anak. Huwag mo akong alalahanin."
Pigil ko pa rin ang sariling hininga habang tinititigan siya. Namumutla at para bang pinipilit lang nito na maging masigla. Bumuka ang bibig ko para magsalita ngunit napigil lang dahil sa pagdating ng Doktor kasama ang iba pang mga nurse.
"Mrs. Hera?" ani ng Doktor.
Nagtaas ng isang kamay ang Mama ko habang malapad ang ngiti sa mga labi. "Nandito ako, Dok!"
Lumapit ang Doktor sa amin at tiningnan ang chart na hawak saka tumingin sa akin. "Ikaw ba ang guardian niya?"
"Ako po ang anak niya."
"Can I talk to you in private about your Mom's condition?" seryosong saad nito.
Napatingin ako sa Mama ko at ganoon na lang ang pagkawala ng ngiti nito. Ngumiti ako sa kaniya bilang assurance na okay lang ang lahat, pero ang totoo ay kinakabahan ako.
"Ma, babalik ako kaagad." Tipid akong ngumiti saka ginagap ang isang palad niya.
Kanina pa ako hindi mapakali pagpasok pa lang sa office ng Doktor. Nakaupo na rin siya kaharap ang Doktor na kasalukuyang may tinitingnan sa kaharap nitong laptop."We conduct urine and blood tests to your Mom," panimula nito habang ako naman ay pigil ang paghinga. "At base sa result ng mga tests niya... she suffered kidney failure."
Napalunok ako. "Dok, ano po ang ibig ninyong sabihin?" Nanginginig pa ang boses ko at para bang hindi pa mag-sink in sa utak ko ang sinabi nito.
Dahil ang alam ko lang diabetic ang Mama ko pero hindi naman ganoon kalala.
"May kidney failure ang Mama mo, Ms. Hera. We also conduct MRI and CT scan to her, and as of now..." Bumalik ang tingin nito sa kaharap nitong laptop, bago muling nagsalita, "At base sa nakikita ko ngayon sa MRI result ng Mama mo, she needs a proper medication immediately. A dialysis and much better to undergo a kidney transplant, that's the best way we can do."
___Nakatulala pa rin ako kahit naglalakad na ako patungo sa apartment. Pabalik-balik pa rin sa isipan ko ang sinabi ng Doktor tungkol sa Mama ko.Hindi ko na namalayan ang kusang pagtulo ng mga luha ko. Nasuklay ko ang mahabang buhok patalikod.
Gosh! Ano ba ang nangyayari sa buhay ko? Saan ako kukuha ng ganoon kalaking halaga para sa dialysis at transplant?
Bumuga ako ng hangin bago tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng apartment. Hindi na ako nagtaka kung bakit bukas na ang pinto.
"Ilang beses ko bang sasabihin na mag-lock ka ng pinto lalo na't ikaw lang mag-isa?" nanghihinang paalala ko ulit kay Santi.
Nakaupo ito sa sofa nanonood ng TV at nang makita siya ay kaagad ding lumapit sa kaniya.
"Ate, kumusta na si Mama?" nag-aalalang tanong nito.
Ginulo ko ang buhok nito. Kahit pitong taong gulang pa lang ito ay parang matanda na ito mag-isip.
Pilit akong ngumiti sa kaniya. "She's fine. Mamaya nga babalikan ko siya, magluluto lang ako ng ulam na may sabaw para dalhin ko kay Mama."
"P'wede bang sumama, Ate?"
"Hindi."
"Okay." Nagkibit-balikat ito.
"Pasasamahan na lang kita kay Aling Belen mamaya. Kailangan kong bumalik sa ospital pagkatapos kong magluto."
"Ate, malapit na po pala exam namin."
Bumuntonghininga ako. Hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ang naitabi kong pera, lalo na at may sakit ang Mama. Nahilot ko ang sentido.
"Magluluto na ako, manood ka muna ng TV sa sala." Ginulo ko ang buhok niya bago ko siya iniwan para magtungo sa kusina.
Kailangan ko kaagad makahanap ng trabaho na malaki ang sahod.
Shit talaga!
Saan naman ako maghahanap ng trabaho na may malaking sahod? Lalo na at undergraduate ako, sino ang tatanggap sa akin?
Bahala na nga!
____Isang buwan na ang nakalipas at kasalukuyan pa rin akong naghahanap ng trabaho. Paubos na rin ang naipon ko dahil sa gamot ni Mama.Naihilamos ko ang mga palad sa sariling mukha.
Kung bakit ba kasi ang high standard nilang maghanap ng mga employees, kaya tuloy palagi akong rejected.
"Best!"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Ang nag-iisa kong best friend na ngayon ay maganda na ang buhay dahil sa napasukang kompanya.
Kumaway ito sa akin saka nagmamadaling lumapit. Sinapak pa ako sa balikat bago ako niyakap.
"Gaga! Bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin ang problema mo, eh napautang sana kita," pagmamaktol nito saka umupo katabi ko.
Nasa isang coffee shop kami. Kagagaling ko lang sa in-apply-an na restaurant kaso lang rejected na naman ako kaya naisipan kong makipagkita rito
Buti na lang malapit lang ang kompanya nito at nagkataon din na kalalabas lang galing work
"Ang dami mo ng naitulong sa akin, Tonet, may hiya pa naman akong natira sa budhi ko." Inirapan ko siya. Iwinasiwas naman nito ang isang kamay.
"Basta ikaw, handa akong tumulong." Ngumisi ito. "Siya nga pala, may hiring sa kompanya namin."
Lumabi ako. As if naman matatanggap ako.
"Kaya lang..."
"Kaya lang ano?" dugtong ko sa sasabihin nito. Hitsura pa lang nito ay alam ko na. "Kaya lang college graduate ang kailangan?"
Disappointed itong tumango sa akin. "Oo, best. Pero hayaan mo, hahanapan kita ng ibang kompanya na tumatanggap ng undergrad na katulad mo." Napangiwi pa ito sa huling sinabi.
"Magtrabaho na lang kaya ako sa club?" desperada kong saad.
Hindi ko naman inaasahan ang magiging reaksyon nito dahil bumunghalit ito ng tawa. Inirapan niya ito.
"Hindi ka matatanggap."
Tinaasan niya ito ng kilay. "At bakit naman, aber?"
"Kasi may pagka-boyish ka at hindi flexible ang katawan mo, best!" palatak nito sabay tawa ulit. Akala siguro nito nagbibiro ako.
Napailing na lang ako, saka hinigop ang isang tasang kape.
"Pero alam mo best, malaki sana ang offer ng kompanya namin sa hinahanap nilang employee," pagku-kwento nito.
Tumango lang ako dahil hindi ako interesado. Aanhin ko naman ang malaking sahod ng kompanya nila kung hindi naman ako qualified.
"Kasi narinig ko ang tsismis sa office, ang sabi raw higit kumulang one hundred thousand pesos ang salary," mahinang usal nito sa akin.
Napatigil ako sa paghigop ng kape. Ibinaba ko ang tasa sa lamesa at tinitigan ito
"Seryoso ka ba?"
"Oo best, malaki raw talaga pero hindi ko alam kung ano ang trabaho."
Shoot! sigaw ko sa isipan. Naningkit ang mga mata ko dahil sa naiisip, saka napangisi.
Wala namang masama kung susubukan ko.
***James Ethan Cromwell POV"For the past three years we succeeded in launching the C.C AI processor. And the revenue almost reaches beyond our imagination." I paused when I received a round of applause from the Board of Directors and employees from Cromwell's Corporation. "And I'm still counting for more," pagtatapos niya, saka itinaas ang hawak na champagne glass. "Cheers for our success and enjoy the party!" "Cheers!" masiglang usal ng lahat.Bumaba na ako sa stage at dumeretso sa main exit ng venue. Binati ko na naman ang lahat bago ako nag-speech sa stage. Kailangan ko na talagang bumalik sa VIP suite ng hotel na ito dahil may kailangan pa akong i-review na files para sa conference meeting bukas.Nagkaroon lang ng event ang kompanya ngayong araw na ito bilang selebrasyon sa produktong matagumpay na nailunsad ng kompanya, at hanggang ngayon ay nangunguna pa rin ito sa market place.I owned this hotel that's why my VIP suite is in the highest floor. I immediately threw my suit jac
Winter POV"Po?!" Gusto ko na lang na bumukas ang lupa at lamunin ako.Kaloka! Paano nito nalaman na fake lahat ng mga school credentials ko? Bwesit na gumawa 'yon! Ang mahal pa naman ng bayad ko at tiwala ako sa sinabi nito na hindi talaga ako mabibisto dahil marami ng nagpapagawa sa kaniya. Na scam yata ako. Na tampal ko ang noo dahil sa hiya.Harap-harapan pang sinabi sa akin na fake ang mga documents ko. Mas lalo tuloy akong nahiya at natakot. Mukha pa namang kakatay ng tao si Mr. Cromwell na titig na titig sa akin ngayon. Napakagat-labi na lang ako. Nagulat nga ako dahil hindi ko inakala na ito ang mag-i-interview sa kanila ngayon. Gwapo nga talaga ito sa personal kaysa sa internet, kaya lang ay nakakatakot at parang hindi marunong ngumiti. Ibinagsak nito ang folder sa harapan ko kaya bahagya akong napatalon sa kinauupuan. "Why?" Why na naman? Wala na ba itong matinong itatanong sa akin?Napalunok na lang ako. "Sir, I really need the job. Kahit ano po ang trabaho handa ko
Winter Lyn POV"Best, congrats!" pigil ang sayang bati sa akin ni Tonet nang makasalubong ko sa lobby.Pilit naman akong ngumiti sa kaniya. Kaagad naman niyang ikinawit ang mga kamay sa braso ko. "Bakit parang nagba-blush ka?" puna niya. I cleared my throat. Pakiramdam ko biglang nag-dry ang lalamunan ko sa pagiging observant nito. Hindi ako nakaimik. Parang teenager na hinaplos ko ang kabilang pisngi."Asos!" palatak niya sabay kurot sa tagiliran ko."Aray naman!" Inirapan ko siya, saka kumawala sa pagkakahawak nito.Nanunukso ang ngiti niya at muling ikinawit ang dalawang kamay sa braso ko. "Alam ko na, best... Alam kong pogi si Sir George at bata pa," tila kinikilig na usal nito. "Marami kayang nagkakagusto sa kaniya."Napailing na lang ako, pero nakahinga na rin ng maluwang dahil sa maling akala nito. "Para naman 'yong bakla," bulong ko ngunit narinig niya pa rin. Pabalang niya akong itinulak. "Oy, hindi, ah!"Pinigilan kong hindi matawa. Ako naman ngayon ang nakayapos sa bra
Winter Lyn Hera POVWala akong dalang gamit dahil iyon naman ang napagkasunduan sa kontrata nang i-review ito ni George sa akin, dahilan niya ay provided na raw lahat ng mga gamit ko. Mapakla akong natawa at napailing na rin. Ang mayayaman nga naman, kung magsayang ng pera mapagbigyan lang ang gusto ay wagas. Sinuri ko ang malawak na sala. May tatlong picture frame na nakalagay sa vanity na katabi ng TV. Humakbang ako palapit doon at namamanghang napatitig sa picture. Ang galing mag-photoshop ng photographer dahil nagawa nitong itabi sa akin si Mr. Cromwell. Nang kinuhanan ako ng litrato ay ako lang naman mag-isa.I scoffed.Iba nga naman ang nagagawa ng technology ngayon. Napailing na lang ako.Umakyat na ako sa taas para puntahan ang magiging silid namin ni Mr. Cromwell. Nakasaad sa files na binigay sa akin ni George na iisang silid lang kami ni Mr. Cromwell. Binuksan ko ang master's bedroom at ganoon na lang ang pagkamangha ko sa sobrang ganda at lawak ng silid. Times three an