Share

Chapter 53

“Uy! Ali!” tawag ni Bree sa kaibigan na nakahiga sa lapag. Hindi na makatayo ang dalaga dahil sa kalasingan. Namumula ang mukha at leeg nito at umuungol. O kaya naman ay may sinasabi ito pero hindi niya maintindihan.

Muli ay niyugyog ni Bree ang dalaga at nang itulak nito ang kamay niya at umungol lang ay namaywang siya. Nilukutan niya ito ng ilong.

“Sabi ko na, eh! Uy, hindi pa natin nauubos iyong binili kong alak. Iisa pa lang ang nataob natin!” sabi niya at tinulungan itong maupo. Sumandal ito sa sofa ngunit nakapikit pa rin at hindi man lang nagmulat para tignan siya.

“‘Yoko na!” Suminok ito at winagayway ang kamay sa kanya. “N-Nasusuka— ugh…”

“Hoy! Teka muna! Huwag dito!” bulalas niya at pilit itong itinayo.

“Hmn! I don't want to!” reklamo ni Ali at tinabig ang kamay niya.

“Anong sinasabi mo riyan— Ali!!” sigaw niya nang tuluyang sumuka na ito at napunta pa sa paa niya iyong iba.

Napahawak siya sa noo at hindi alam kung ano ang gagawin niya. Huminga siya ng napakalalim para kalma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Lyka Palmones
more please
goodnovel comment avatar
Melani Angcahan
that's it, thank you........🫰🏼 next please 🫶🏼God Bless ...
goodnovel comment avatar
Nita Simangan
more updates pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status