Tanging manipis na nighties ang suot niya habang nakaupo sa gilid ng kama. Hinihintay niya ang pagdating ni Eros. Pero hindi siya nakakaramdam ng excitement kundi bahaw ang pakiramdam niya. Iyong pagmamahal na dapat ay nagbibigay ng saya sa kanya ay naging lungkot.Marahas na huminga siya at sinulyapan ang oras sa cellphone niya. Treinta'y minutos na late na ang binata. At hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Kung madidismaya ba siya, malulungkot o kaya ay makakahinga ng maluwag dahil hindi ito darating.Nagpasya siyang lumabas muna ng kuwarto at pumunta sa kusina dahil nauuhaw siya. Ngunit napatalon siya sa gulat nang makita ang pigurang nakaupo sa sofa. Ni hindi ito tuminag o napalingon sa kanya. Basta tahimik lamang si Eros na sumisimsim sa kopita na may laman na alak.Nagtaka siya dahil hindi naman niya narinig ang pagdating ng sasakyan nito.At bakit nandito lang ito at nakaupo? Ang awra pa na nakapligid dito ay nakakatakot at nakapanindig balahibo.Iignorahin sana niya ito
“Eros, wait!” humihingal na anas ni Ali nang muli sana nitong sasakupin ang kanyang labi. Halos mapugto na ang hininga niya dahil sa lalim ng ginawa nitong pagsipsip at paggalugad sa bibig niya.Ramdam na ramdam niya ang pagkabasa sa pagkababae niya dahil sa init ng haplos at halik nito. Nanginginig ang tuhod niya at halos hindi na makayanan ang bigat niya kaya nangunyapit siya sa batok nito.Ngunit animo bingi ang binata sa pakiusap niya dahil dumako ang labi niyo sa baba niya at marahang kinagat ito bago sinipsip. Nanginig siya ng todo at lalo pang nanlambot ang buong katawan niya. Pati utak niya niya ay hindi rin yata gumagana at hindi siya makapag-isip ng matino. Lango siya sa mga bawat haplos at halik nito.Kaya naman hindi niya napigilan ang ipitin sa binti niya ang hita ni Eros at ikiskis ang pagkabab*e niya roon. Ginawa niyang isang pole ang paa nito at iginiling ang balakang. At dahil nighties nga ang tanging suot niya at manipis na pan*y ang panloob niya ay ramdam niya ang p
Nang magmulat ng mata si Ali ay agad na may ngiting gumuhit sa kanyang mga labi. Kagabi ay naging opisyal na ang relasyon nila ni Eros. At pakiramdam niya ay idinuduyan siya sa alapaap dahil sa kaligayahan. Hindi niya inakalang ang hindi magandang pagkakakilala nila ng binata ay nauwi sa pagiging girlfriend siya nito.Hindi niya ito pinangarap sa una pa lang at tanging business relationship lang ang pinanghahawakan niya. Ngunit darating pala ang araw na magiging totoo lahat ng pinangarap niya simula nang mahalin niya ito. At sinuklian pa ng binata ang nararamdaman niya.Lalong naging matamis ang ngiti sa labi niya at kinapa ang pwesto ni Eros. Ngunit hindi siya nakaramdam ng dismaya ng maramdamang wala na ang binata. Bagkos ay kinuha niya ang unan na ginamit nito at niyakap ito.Ni hindi niya matandaan kung paano na sila nakapunta rito sa kuwarto. At kung anong oras siya tinantanan nito kagabi.Dumapa siya at kinikilig na nagtaklob ng kumot. Kahit pagod siya at mahapdi ang perlas niya
Pagkatapos mabasa ni Ali ang mensahe ni Eros na walang susundo sa kanya rito sa unibersidad ay ibinalik niya sa bag ang kanyang cellphone. Nasanay na siyang may naghahatid sundo sa kanya kaya nanibago siya. Nadismaya rin siya dahil kaninang pumasok siya ay nangako ang binata na ito ang susundo sa kanya.Ayaw kasi niyang pumasok kanina kaya iyon ang sinabi nito. Pagkatapos ay ito pala at magpapadala ng mensahe na hindi ito darating?Napasimangot siya at nagpatuloy sa pababa ng hagdan. Pag-uwi niya ay isusumbat talaga niya rito na hindi tinupad ng binata ang sariling pangako nito.Nang lumabas siya ng gusali ay napatingala siya sa dumidilim na kalangitan. Hindi agad sila pinalabas ng kanilang guro kanina. Sa halip na 5:30 ang dismisal nila ay naging alas sais. Mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng pagkainis.Kaya naman lumabas siya ng unibersidad na hindi maipinta ang kanyang mukha. Inignora niya ang mga nakakasabay niyang naglalakad sa sidewalk. Hindi talaga niya mapigilan ang magtampo.
“Just let her rot in jail! She's a reckless driver who doesn't obey and follow traffic laws,” malamig na wika ni Eros kay Penny sa kabilang linya.Habang hinihintay na ilipat sa private ward si Ali ay tumawag ang dalaga. He's furious and doesn't want to settle this case easily. Kung hindi dahil sa katangahan ng babae ay wala ngayon ang dalaga rito sa hospital.“Master, ayon sa driver ay bigla na lang humarang si Ali sa kalsada gayong nakapulang traffic light pa. May CCTV sa bandang iyon at kinuha na ng mga police. Nagsasabi ng totoo iyong driver. Maraming tao na kasama niya roon at naghihintay para tumawid nang biglang pumunta siya sa kalsada. Kaya ang conclusion nila ay may balak na magpakamatay si Ali kaya hinarang nito ang sasakyan,” paliwanag ni Eros. “Pero habang ongoing ang embistigasyon ay pansamantalang ikukulong muna ang driver.”Napahilot siya sa sentido dahil sumasakit ang ulo niya sa narinig. Anong dahilan ni Ali para magpakamatay ito? Maayos naman sila kaninang inihatid n
Lumabas lang saglit si Eros at may aasikasuhin daw ito kaya naiwan muna siyang mag-isa. Hindi naman siya mag-aalala na may biglang sumulpot para muli siyang saktan dahil nasa labas sina Argos at Penny. Kaya magana pa rin siyang kumain ng prutas na pinabili kanina ni Eros.Ang sabi ng doctor kanina ay hindi dapat siya magpapagod at magpahinga lang siya. Marami pa itong pinagbawal sa kanya na gawin niya. Ngunit hindi siya nagtaka dahil ayon dito ay para sa kalusugan niya. Dahil katunayan ay iba ang panghihinang nararamdaman niya. Masakit man ang buong katawan niya at kapag itinataas niya ang kamay ay nananakit ang braso at balikat niya. Pero may parte sa katawan niya na parang nabugbog. Parang may kulang din sa kanya na hindi niya mawari kung ano iyon.Ang sayang nararamdaman niya ay masasabi niyang parang umabot iyon sa buwan. Dahil napaka-attentive ni Eros sa kanya. Nakikita rin niya ang pag-aalala sa mata nito ngunit naroon naman ang pagmamahal. Lalo pa ngayon na naaksidente siya ay
Eros's heart flinched in pain after hearing all those words from Ali. He's been outside the door since his parents came. At akmang papasok siya para protektahan ang dalaga sa kung anong sasabihin ng magulang niya ngunit para siyang sinipa ng sampung kabayo sa sikmura nang marinig ang pakiusap ng kasintahan niya.Parang punyal na paulit-ulit na tumatarak sa puso niya ang nasasaktan at nakikiusap na boses ng dalaga. Tumatagos hanggang sa buto niya ang mga binitiwan nitong salita at parang apoy na tinutupok ang kaluluwa niya. It was very painful to hear her voice like that. And her cries were like a dagger piercing his entire well being.Masaya siya na marinig na siya na ang mundo ng dalaga. Na sa kanya na umiikot ang buhay ng dalaga. Ngunit masakit pa rin sa kanya na bilangin lahat nito ang masasakit na karanasan nito.“Pretend that you didn't hear anything,” malamig at nagbabantang wika niya kay Penny at Argos na agad tumango. Pagkatapos ay binuksan niya ang pinto at pumasok.Ngayon ay
“I can do it!” giit ni Ali kay Eros nang oras na para mag-shower siya. Ang lagkit ng kanyang pakiramdam at nahihiya siya na baka amoy pawis na siya. Kahit na walang sinasabi ang binata at ang nurse na pumupunta rito para palitan ang dextrose niya ay naaasiwa pa rin siya. Nakakahiya naman kung nangangamoy na siya habang katabi niya ang kasintahan na alam niyang masyadong malinis sa katawan. Sa tagal na magkasama sila sa iisang bubong ay napansin na niya na neat freak si Eros. He loves cleanliness and always keeps things hygienic.“Lift your hand,” wika pa rin nito kaya napalabi siya at itinaas ang kamay na nalalagyan ng suwero.“Kapag nakita nila tita na kinakawawa kita ay baka hindi nila magugustuhan,” hirit muli niya kaya nakangising tinignan siya nito sa mata.“Baka isipin pa nga nila na minamanyak kita,” anas nito at walang babalang pinisil ang dibdib niya. Hindi pa ito nakontento at kinurot ang korona niya. Kaya naman ‘di niya napigilan ang mapaungol pero matalim na tinignan niya
Abala si Eros sa harap ng kanyang laptop at inaayos ang mga bagay na ginawa ni Dylan. Ang pamilya ni Mr Wang ay maayos na ring nakabalik sa kanila at naging eyewitness rin ang una. Ang iba pang mga empleyado na na naapektuhan sa gulong ginawa ng pinsan ay nabigyan na rin nila ng compensation. Mabuti na lang at hindi agad nakatunog ang ibang investors at hindi sila umatras.He remembered when Dylan said he will agree to let Ali go if he agrees to split the business. But it's impossible to complete such actions in a short period of time. Though, he's still confident that everyone will object if he does so. There are a lot of people in the Ramazzotti group who despise Dylan and they will not support him even if he succeeded in his plan. They don't want to experience such turmoil if they divide the large business of Ramazzotti. Besides, if he agreed to it that night then every single employee of their business would lose their work in just a blink of an eye.Isa pa ay hindi siya isang tan
“Master, wala si Dylan at si Ali dito,” imporma ni Penny nang bumaba siya ng sasakyan.Ang mga tauhan ni Dylan ay nahuli at may posas na. Habang si Bree na na-rescue nila ay dinala na sa hospital. Ito lang at ang ilang tauhan ni Dylan ang naabutan nila. Bree is not in her right mind. Tulala lamang ito at bumubulong ng patawarin mo ako. Kaya kailangan na madala agad ito sa pagamutan. Sa mga marka sa katawan nito at hubad pa nang makita nila Rodan ay hindi na nila kailangan pang hulaan kung anong nangyari rito.Hindi tuloy niya maiwasang isipin na ganun din ang nangyari kay Ali. At parang gusto na niyang sumabog sa galit. He would never forgive himself and Dylan if he found out that he did touch her woman. He's the kind of man who hates when someone lays their hand on his possession. Isa pa ay hindi lang isang fling si Ali sa kanya. She's the woman that his parents accepted. The woman who occupied his heart. Ang babaeng gusto niyang pakasalan at magiging ina ng kanyang mga anak.“How ab
“A-Ano pa ang kasalanan mo sa akin, Bree? Ano pa ang ginawa mo para saktan ako?” ilang minuto ang nagdaan ay tanong niya rito.Nagtagis ang bagang niya at nakakuyom ang kamao niya habang matalim na nakatingin dito. Hindi siya naniniwala na ang pagkaka-kidnap lang niya at ang pagplano nito ng gabing iyon ang nagawa nito. Alam niyang may itinatago pa ito dahil sa nakikita niyang reaksyon nito.“I-I'm sorry, Ali!”“Hindi ang sorry mo ang gusto kong marinig!” sigaw niya at paika-ikang lumapit siya rito. Tumayo siya sa harapan nito at pailalim na tinitigan niya ito. Ngunit hindi ito nagtaas ng ulo at umiyak lang ito.Kaya napaluhod din siya at niyugyog ang balikat nito.“Ano, Bree! Sabihin mo sa akin!” hiyaw niya.“A-Ako ang nasa labas noong nag-uusap kayo ni Penny. Nagselos ako at nainggit nang malaman ko kung sino si Eros sa'yo. G-Galit ako dahil bakit ikaw palagi ang maswerte sa ating dalawa. Ikaw ang magaling. Ikaw ang malapit nang makapagtapos ng pag-aaral. Ang unang kliyente mo ay na
Ali, who had just opened her eyes, frowned and groaned softly. Kumikirot ang ulo niya at ramdam niyang hindi komportable ang posisyon niyang nakahiga. Nakatagilid siya at parang nakatali ang dalawang kamay niya sa kanyang likod. Malamig ang sahig kaya hindi niya napigilan ang manginig sa lamig. Tanging manipis na pambahay na t-shirt at hanggang tuhod na shorts ang kanyang suot.Nang ma-realize ito ay nawala lahat ng antok niya at tarantang bumangon. Pero dahil nakatali ang kamay niya ay nahirapan siyang makaupo. Animo hindi pa nakikinig ang katawan niya na gusto niyang maupo kaya nahiga muna siya saglit bago muling kumilos at pinilit na maupo. Humihingal pa siya dahil nahirapan siyang bumangon at nanakit pa ang buong katawan niya. Siguro ay dahil sa tagal niyang nakahiga sa matigas na sahig.Binalot siya ng takot at nanginig ang buong katawan niya. Malakas ang pagkabog ng dibdib niya at nawalan ng kulay ang kanyang mukha. She anxiously looked around. Pero hindi niya makita ang sitwasy
Pagkaupo ni Eros sa swivel chair ay niluwagan niya ang suot niyang kurbata at marahas na huminga. Pinigilan niya ang mapamura at suntukin ang kanyang sarili. Kung hindi lang dahil natatakot siyang masira ang pinaghirapan niya upang maprotektahan ito ay hinila na niya payakap si Ali. Sabik na siya sa kasintahan pero kailangan niyang magmatigas.Ayaw niyang pati si Ali ay idamay ng makasariling pinsan niya sa galit at selos nito sa kanya. Though, may mga binabayaran naman siyang tao upang sundan si Ali. Mas mainam pa rin na sa mata ni Dylan ay nagkasira na sila ng dalaga para sa kanya lang nakatuon ang galit ng huli. Hindi nito ibabaling sa dalaga ang kung ano mang pagkamuhing nararamdaman ni Dylan.Noong nasa China pa siya at kinausap niya si Mr Wang kung bakit ayaw nitong ilaglag si Dylan ay dahil sa matinding rason nito. Isang asawa at ama si Mr Wang. May anak na isang babae at isang lalaki ito. Na kasalukuyang hawak ni Dylan. Natatakot si Mr Wang na kapag kumanta ito ay ang pamilya
Pagkatapos ng klase ni Ali ng hapon na ‘to ay dumeretso agad siya rito sa gusali ng Ramazzotti. Nagbabasakali siyang umuwi na si Eros ng bansa at makita niya ito. Kahit silip man lang ay kontento na siya. Kahit hindi na muna sila mag-usap habang hindi pa niya napapatunayan na wala siyang kasalanan.Miss na miss na niya ang binata at guato na niyang masilayan ang mukha nito. Nasanay siya na palaging kasama niya ito kaya sa mga araw na wala ito sa kanyang tabi ay nanibago siya. May hungkag sa buong pagkatao niya hindi mapupunan ng kahit anong materyal na bagay. Dahil alam niya sa sarili niyang ang kahungkagan na ito ay si Eros lamang ang makagamot nito.May pag-asam ang matang tinanaw niya ang entrance ng gusali nang mahagip ng kanyang mata ang pulang Maybach na sasakyan. Kumabog ang puso niya dahil nakikilala niya ang sasakyan. Isa ito sa collection ni Eros na nakita niya sa garahe ng bahay nito sa Heritage.Huminto iyon sa harapan ng gusali at bumukas ang pinto ng driver side. Lumabas
Nasa isang cafe ngayon si Ali at hinihintay na dumating si Diego. Nagpadala siya ng mensahe kaninang umaga na may importanteng bagay silang pag-uusapan at pumayag naman ito. Hindi niya sinabi kung ano iyon pero hindi naman ito nagtanong.At habang naghihintay siya ay hindi siya mapakali. Namamawis ang mga kamay niya at bumubuo na siya ng salitang sasabihin sa binata. Kinakabahan siya sapagkat hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng lalaki kapag malaman nito na pinaghihinalaan din niya ito.Napag-isip isip kasi niya ang sinabi ni Bree. Kaya nilakasan na niya ang loob na kausapin si Diego. Gusto niyang kapag mag-uusap na sila ni Eros ay may pruweba siyang hindi sila nagtal*k ng pamangkin nito.Huminga siya ng malalim bago pinakawalan ito at nagpalinga-linga sa paligid upang alisin ang nerbiyos niya. Nang mapadako ang mata niya sa entrance ng cafe at makita sa labas si Diego ay animo nagkaroon ng malaking bikig sa kanyang lalamunan. Sa loob-loob niya ay umaatras siya at parang
“Master, we've been tailing her every move for the past few days but we still didn't find anything wrong,” imporma ni Penny mula sa overseas call nila. “Pero hindi ako titigil hangga't siya mismo ang magbibisto sa ginawa niya.”Pinapasundan kasi niya si Bree sa dalaga dahil may kutob siya na binabayaran ito ng pinsan niyang si Dylan. Something is fishy about that woman. Sa katunayan ay kailangan nga niyang maging matigas kay Ali para sa plano niya. Everything is under his control. Kung walang aberyang mangyayari ay within a month, siya na mismo ang susuyo sa dalaga.“I see,” saad ni Eros nang hindi inaalis ang tingin sa dokyumentong kanyang hawak. His eyes were cold and ruthless as he read all the information written in there. Sunod-sunod ang naging problema ng Ramazzotti kaya naging busy siya at kinailangan pa niyang lumipad dito sa china upang ayusin ang problema ng branch ng kanyang negosyo.Nakakatawa mang isipin na dapat sana ay pinagtutuunan niya ng atensyon ang tungkol sa kanil
“Tahan na, beshy! Please, naiiyak na rin ako, eh!” basag ang boses na usal ni Bree at hinagod ang likod niya.Pagkatapos nilang mag-usap ni Carmella kanina ay dito sa apartment ni Bree siya pumunta. Why? She's still not sure yet but maybe deep in her heart she wants to test her friend. Kahit pa sinasabi ng puso niya na walang kinalaman ang kaibigan pero gusto pa rin niyang subukan.“B-Bree, ang sakit talaga! O-Okay pa naman kami noong gabing iyon. P-Pero kinabukasan ay basura na ako sa paningin niya. A-Ano ba talaga ang nangyari nung gabing ‘yon. P-Pakiusap, kung ma naalala ka pa na iba ay sabihin mo na sa akin!” nakikiusap at garalgal na sambit niya. Basag na basag ang boses niya at puno ito ng sakit.Nanginginig ang mga labi niya at kipkip ang kumikirot na dibdib. Why is it that when all she wanted was to be only happy, everything around her is against it? Hindi lang ang mga taong nakapaligid sa kanya kundi pati na rin ang tadhana. It was as if they're ripping her out of everything