Pagkatapos mabasa ni Ali ang mensahe ni Eros na walang susundo sa kanya rito sa unibersidad ay ibinalik niya sa bag ang kanyang cellphone. Nasanay na siyang may naghahatid sundo sa kanya kaya nanibago siya. Nadismaya rin siya dahil kaninang pumasok siya ay nangako ang binata na ito ang susundo sa kanya.Ayaw kasi niyang pumasok kanina kaya iyon ang sinabi nito. Pagkatapos ay ito pala at magpapadala ng mensahe na hindi ito darating?Napasimangot siya at nagpatuloy sa pababa ng hagdan. Pag-uwi niya ay isusumbat talaga niya rito na hindi tinupad ng binata ang sariling pangako nito.Nang lumabas siya ng gusali ay napatingala siya sa dumidilim na kalangitan. Hindi agad sila pinalabas ng kanilang guro kanina. Sa halip na 5:30 ang dismisal nila ay naging alas sais. Mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng pagkainis.Kaya naman lumabas siya ng unibersidad na hindi maipinta ang kanyang mukha. Inignora niya ang mga nakakasabay niyang naglalakad sa sidewalk. Hindi talaga niya mapigilan ang magtampo.
āJust let her rot in jail! She's a reckless driver who doesn't obey and follow traffic laws,ā malamig na wika ni Eros kay Penny sa kabilang linya.Habang hinihintay na ilipat sa private ward si Ali ay tumawag ang dalaga. He's furious and doesn't want to settle this case easily. Kung hindi dahil sa katangahan ng babae ay wala ngayon ang dalaga rito sa hospital.āMaster, ayon sa driver ay bigla na lang humarang si Ali sa kalsada gayong nakapulang traffic light pa. May CCTV sa bandang iyon at kinuha na ng mga police. Nagsasabi ng totoo iyong driver. Maraming tao na kasama niya roon at naghihintay para tumawid nang biglang pumunta siya sa kalsada. Kaya ang conclusion nila ay may balak na magpakamatay si Ali kaya hinarang nito ang sasakyan,ā paliwanag ni Eros. āPero habang ongoing ang embistigasyon ay pansamantalang ikukulong muna ang driver.āNapahilot siya sa sentido dahil sumasakit ang ulo niya sa narinig. Anong dahilan ni Ali para magpakamatay ito? Maayos naman sila kaninang inihatid n
Lumabas lang saglit si Eros at may aasikasuhin daw ito kaya naiwan muna siyang mag-isa. Hindi naman siya mag-aalala na may biglang sumulpot para muli siyang saktan dahil nasa labas sina Argos at Penny. Kaya magana pa rin siyang kumain ng prutas na pinabili kanina ni Eros.Ang sabi ng doctor kanina ay hindi dapat siya magpapagod at magpahinga lang siya. Marami pa itong pinagbawal sa kanya na gawin niya. Ngunit hindi siya nagtaka dahil ayon dito ay para sa kalusugan niya. Dahil katunayan ay iba ang panghihinang nararamdaman niya. Masakit man ang buong katawan niya at kapag itinataas niya ang kamay ay nananakit ang braso at balikat niya. Pero may parte sa katawan niya na parang nabugbog. Parang may kulang din sa kanya na hindi niya mawari kung ano iyon.Ang sayang nararamdaman niya ay masasabi niyang parang umabot iyon sa buwan. Dahil napaka-attentive ni Eros sa kanya. Nakikita rin niya ang pag-aalala sa mata nito ngunit naroon naman ang pagmamahal. Lalo pa ngayon na naaksidente siya ay
Eros's heart flinched in pain after hearing all those words from Ali. He's been outside the door since his parents came. At akmang papasok siya para protektahan ang dalaga sa kung anong sasabihin ng magulang niya ngunit para siyang sinipa ng sampung kabayo sa sikmura nang marinig ang pakiusap ng kasintahan niya.Parang punyal na paulit-ulit na tumatarak sa puso niya ang nasasaktan at nakikiusap na boses ng dalaga. Tumatagos hanggang sa buto niya ang mga binitiwan nitong salita at parang apoy na tinutupok ang kaluluwa niya. It was very painful to hear her voice like that. And her cries were like a dagger piercing his entire well being.Masaya siya na marinig na siya na ang mundo ng dalaga. Na sa kanya na umiikot ang buhay ng dalaga. Ngunit masakit pa rin sa kanya na bilangin lahat nito ang masasakit na karanasan nito.āPretend that you didn't hear anything,ā malamig at nagbabantang wika niya kay Penny at Argos na agad tumango. Pagkatapos ay binuksan niya ang pinto at pumasok.Ngayon ay
āI can do it!ā giit ni Ali kay Eros nang oras na para mag-shower siya. Ang lagkit ng kanyang pakiramdam at nahihiya siya na baka amoy pawis na siya. Kahit na walang sinasabi ang binata at ang nurse na pumupunta rito para palitan ang dextrose niya ay naaasiwa pa rin siya. Nakakahiya naman kung nangangamoy na siya habang katabi niya ang kasintahan na alam niyang masyadong malinis sa katawan. Sa tagal na magkasama sila sa iisang bubong ay napansin na niya na neat freak si Eros. He loves cleanliness and always keeps things hygienic.āLift your hand,ā wika pa rin nito kaya napalabi siya at itinaas ang kamay na nalalagyan ng suwero.āKapag nakita nila tita na kinakawawa kita ay baka hindi nila magugustuhan,ā hirit muli niya kaya nakangising tinignan siya nito sa mata.āBaka isipin pa nga nila na minamanyak kita,ā anas nito at walang babalang pinisil ang dibdib niya. Hindi pa ito nakontento at kinurot ang korona niya. Kaya naman ādi niya napigilan ang mapaungol pero matalim na tinignan niya
Napangiti si Ali nang mabistahan ang hitsura niya sa salamin. Nakasuot siya ngayon ng itim na dress at kumikislap pa ang nakalagay na diamonds sa may baywang ng dress. May suot din siyang kuwentas na ang pendant ay diamond din. Wala siyang suot na kahit anong kolorote sa mukha dahil mas maganda siya sa natural niyang taglay niyang ganda.Pagdating kasi sa physical na anyo ay perpekto lahat. Ang kilay niya na parang iginuhit ng magaling na artist. Ang matangos at maliit niyang ilong na animo nililok ng sikat na sculpture. Ang manipis at hugis pusong labi niya na natural na ang pagkapula. At kapag ngumiti na siya ay makikita ang maputi at pantay-pantay niyang ngipin. Bumagay lahat ang mga ito sa maliit niyang mukha. Lalo na ang malamlam niyang mata na kapag nakikiusap ay hindi mangingimi ang iba na agad siyang pagbibigyan. Hindi talaga nakakasawang pagmasdan ang mayuming ganda niya.Itong ganda ang kaiinggitan ng lahat kung sana lang ay kabilang siya sa alta syudad ay paniguradong isa s
Nang makaabot siya sa mismong pinto ng strawberry house ay nakita niya ang pulang arrow na itinuturo ang kaliwang daan. Napangiti siya at sinundan iyon. Hindi niya mapigilan ang ma-excite na makita kung ano ang pakulo ni Eros. Kung ano ang naisip nitong ihanda para sa birthday niya.Pero habang naglalakad siya ay napansin niyang walang kahit na isang tao siyang nakasalubong. Na para bang pina-reserve ng binata ang buong strawberry garden para sa kaarawan niya. Sa kaisipang ito ay lalo niyang binilisan ang paghakbang. Pero sa pagliko niya ay may isa na namang arrow ang kanyang nakita na agad niyang sinundan.Hanggang sa makita niya ang isang pinto na nakasara. Nang lumapit siya roon ay nakita niya ang nakasulat na āopen meā at binuksan iyon.When she stepped out of the door she was momentarily stunned. May dekorasyon ang bawat paligid ng strawberry garden at agaw pansin ang mga hinog na bunga ng tanim nilang strawberry. Sa may dulo ng pathway ay may isang pavilion na may mga dekorasyon
Hating gabi na nang umuwi sila ni Eros sa Heritage Ville. Nakatulog pa nga si Ali sa kotse nang pauwi sila. Kaya naman binuhat na niya ito papasok sa loob ng bahay.Kahit na mahimbing ang tulog nito ay makikita pa rin ang kasiyahang bumabalot dito. Maski ang labi nito ay hindi nawala ang ngiti rito. Hinaplos niya ang pisngi nito pagkatapos maihiga sa kama at ayusin ang kumot nito. Umungol lang ito at tumagilid ng higa sabay yakap sa braso niya.Kanina ay hindi na mabilang kung ilang music ang ne-request nito kay Zeke. Mabuti na lang at maganda ang mood ng lalaki at pinagbigyan nito ang request ng kasintahan niya. Ang iba roon ay mga pangbata. Na akala niya ay tatangihan ni Zeke pero hindi naman. Ang iba naman ay malalamyos na tugtogin na sinasabayan nila ng sayaw.Hinalikan niya ito sa noo bago bumaba ng kama. Pumasok siya ng bathroom at naghubad ng damit para mag-shower. Kailangan na rin niyang matulog dahil bukas ay katatagpuin nila ni Ali ang babaeng nakabangga rito.Mag-uusap sila