Napangiti si Ali nang mabistahan ang hitsura niya sa salamin. Nakasuot siya ngayon ng itim na dress at kumikislap pa ang nakalagay na diamonds sa may baywang ng dress. May suot din siyang kuwentas na ang pendant ay diamond din. Wala siyang suot na kahit anong kolorote sa mukha dahil mas maganda siya sa natural niyang taglay niyang ganda.Pagdating kasi sa physical na anyo ay perpekto lahat. Ang kilay niya na parang iginuhit ng magaling na artist. Ang matangos at maliit niyang ilong na animo nililok ng sikat na sculpture. Ang manipis at hugis pusong labi niya na natural na ang pagkapula. At kapag ngumiti na siya ay makikita ang maputi at pantay-pantay niyang ngipin. Bumagay lahat ang mga ito sa maliit niyang mukha. Lalo na ang malamlam niyang mata na kapag nakikiusap ay hindi mangingimi ang iba na agad siyang pagbibigyan. Hindi talaga nakakasawang pagmasdan ang mayuming ganda niya.Itong ganda ang kaiinggitan ng lahat kung sana lang ay kabilang siya sa alta syudad ay paniguradong isa s
Nang makaabot siya sa mismong pinto ng strawberry house ay nakita niya ang pulang arrow na itinuturo ang kaliwang daan. Napangiti siya at sinundan iyon. Hindi niya mapigilan ang ma-excite na makita kung ano ang pakulo ni Eros. Kung ano ang naisip nitong ihanda para sa birthday niya.Pero habang naglalakad siya ay napansin niyang walang kahit na isang tao siyang nakasalubong. Na para bang pina-reserve ng binata ang buong strawberry garden para sa kaarawan niya. Sa kaisipang ito ay lalo niyang binilisan ang paghakbang. Pero sa pagliko niya ay may isa na namang arrow ang kanyang nakita na agad niyang sinundan.Hanggang sa makita niya ang isang pinto na nakasara. Nang lumapit siya roon ay nakita niya ang nakasulat na ‘open me’ at binuksan iyon.When she stepped out of the door she was momentarily stunned. May dekorasyon ang bawat paligid ng strawberry garden at agaw pansin ang mga hinog na bunga ng tanim nilang strawberry. Sa may dulo ng pathway ay may isang pavilion na may mga dekorasyon
Hating gabi na nang umuwi sila ni Eros sa Heritage Ville. Nakatulog pa nga si Ali sa kotse nang pauwi sila. Kaya naman binuhat na niya ito papasok sa loob ng bahay.Kahit na mahimbing ang tulog nito ay makikita pa rin ang kasiyahang bumabalot dito. Maski ang labi nito ay hindi nawala ang ngiti rito. Hinaplos niya ang pisngi nito pagkatapos maihiga sa kama at ayusin ang kumot nito. Umungol lang ito at tumagilid ng higa sabay yakap sa braso niya.Kanina ay hindi na mabilang kung ilang music ang ne-request nito kay Zeke. Mabuti na lang at maganda ang mood ng lalaki at pinagbigyan nito ang request ng kasintahan niya. Ang iba roon ay mga pangbata. Na akala niya ay tatangihan ni Zeke pero hindi naman. Ang iba naman ay malalamyos na tugtogin na sinasabayan nila ng sayaw.Hinalikan niya ito sa noo bago bumaba ng kama. Pumasok siya ng bathroom at naghubad ng damit para mag-shower. Kailangan na rin niyang matulog dahil bukas ay katatagpuin nila ni Ali ang babaeng nakabangga rito.Mag-uusap sila
Nang pumasok sila Eros at Ali sa loob ng private room at sabay silay napahinto sa paghakbang. Ang tingin nila ay nakatuon kay Argos na nakaupo sa silya katabi ng isang babae na hula nila ay teenager pa.Nagsalubong ang kilay ni Eros at nagpatuloy na sa paglalakad. Bago umupo ay pinaghila muna niya si Ali. Pagkatapos ay bumalik ang malamig niyang tingin kay Argos. The man in his early thirties is very calm and composed. A sign that although he's Ali's bodyguard, it didn't conceal that he's also the prominent leader of De Luna group.Hindi na nito suot ang palaging suot nitong itim na suit kapag binabantayan nito si Ali. He was now wearing a tailored suit that was worth several thousand.Eros is already aware of his background and didn't even feel surprised. Samantalang si Ali napakurap at hindi mapigilan ang magtaka. Ang sabi ni Eros ay ang nakabangga sa kanya ang katatagpuin nila pero bakit si Argos at ang kasama nitong teenager ang nandito?“Argos?” takang tawag niya sa lalaki na bah
Sa kabila ng mga nangyari kanina ay nagawa pa ring mag-concentrate si Ali sa kanyang presentation. Sa isang room ay may pannels na ginamit niya. At ang adviser naman niya ay bahagyang napapatango sa mga sinasabi niya. Hanggang sa matapos siya ay saka siya napahinga ng malalim.Her thesis is well written and precise leaving no room for many mistakes. May mga kailangan lang siyang i-revise pero ayon sa adviser ay maayos naman lahat. Kaya pagkatapos niyang ma-revise ang kunting mali niya ay muli siyang magpe-present sa susunod. Normal naman na may kunting mali siya dahil hindi naman siya genius. Fortunately she still presented with great enthusiasm and perfection though she's still nervous.Pagkatapos niyang magpasalamat sa adviser ay lumabas siya ng room. Nagulat pa siya nang makita niya si Diego na mas naunang nag-present kanina. Hindi na niya kailangan pang tanungin kung bakit nandito pa ito dahil alam niyang siya ang hinihintay nito.“How was it?” tanong nito.“May kaunti lang akong
Hinawakan ni Eros ang siko ni Ali at pumasok na sila ng mataas na gusali. Umabot hanggang twenty floor ang main building ng Ramazzotti group. Nakakalula at nagsusumigaw ng karangyaan ang mga pag-aari nina Eros. Na kahit minsan ay hindi niya inakalang matatapakan ng dalaga.Sumakay sila sa elevator at huminto ito hanggang sa top floor. Ang top floor ay working area lamang ni Eros. At ang mga subordinates at employees ng binata ay gumagawi lang dito kung may kailangan sila kay Eros o kaya ay kung may report sila ukol sa kanilang mga trabaho. It was decorated warmly and less rigidly.Pero kahit na personal area ni Eros ang top floor na ito ay may ibang employees pa rin dito. Lalo na ang human resources at ang secretary nito na siyang palaging tinatawag ng binata.Nang lumabas sila ng elevator at tumungo sa inner office ng binata ay mariing naglapat ang kanyang mga labi. Dahil habang naglalakad sila ay ramdam niya ang nakasunod na kuryusong tingin ng mga empleyado nito. They're wondering
May VIP room ang Lucio's kung saan exclusive lamang ito kay Eros. Kapag may meeting siya sa mga investors o kaya ay client ay dito niya dinadala ang mga ito. Pero sa gabing ito ay hindi na kung sino lang ang kasama niyang kumakain kundi ang kanyang kasintahan na si Ali.He's very attentive to her food. Lahat ng pinaluto niya sa chef ay mga sinabi ng nutritionist na dapat kainin ng dalaga. Ali is not picky pagdating sa pagkain. Pero may mga senyales na ayaw nito ang kinakain nito. Magsasalubong ang kilay nito pero tuloy pa rin sa pag-nguya at hindi nagrereklamo. At kapag gusto naman nito ang pagkain ay kumikislap ang mga mata nito.Sumubo si Ali ng prawn na binalatan ni Eros at matamis siyang napangiti. “Hmn!”“Dadalhin ko na ba ang chef ng Lucio's sa bahay?” biro ni Eros sa dalaga.Bahagyang natigilan si Ali at napatitig sa kanya. Ngunit ilang segundo ay umiling ito at nilunok ang nasa bibig.“You don't have to. Okay na sa akin ang paminsan-minsan na pumupunta tayo rito para mag-dinne
Bumuntong hininga si Alina nang tignan niya ang laman ng kaniyang wallet. Two hundred pesos lamang ang natitirang pera niya at kasya lang sa pambili niya ng isang kilo ng bigas at ulam niya. At wala ng matitira pa sa kaniya. Ang magiging sweldo rin niya sa kaniyang part-time job ay sapat na para mabayaran lang niya ang upa niya ng isang buwan sa kaniyang maliit na apartment. Kulang na kulang talaga para sa gagastusin niya. Tapos ito at namomroblema pa siya sa ibabayad niya sa school para sa thesis niya. Wala na siyang maisip na paraan para makahanap ng perang gagamitin niya.Simula noong umalis siya sa bahay-ampunan kung saan siya lumaki ay siya na ang nagtutustos sa lahat ng pangangailangan niya. Minsan nga ay gusto niyang tanungin ang maykapal kung bakit naging ganito ang buhay niya? Kung bakit kailangan pa siyang ipanganak sa mundong ito kung ang dadanasin din niya ay ang ganitong hirap. Pero agad na winawaglit niya ito sa kaniyang isipan at nag-iisip agad siya ng positibo. Kung mag