Hating gabi na nang umuwi sila ni Eros sa Heritage Ville. Nakatulog pa nga si Ali sa kotse nang pauwi sila. Kaya naman binuhat na niya ito papasok sa loob ng bahay.Kahit na mahimbing ang tulog nito ay makikita pa rin ang kasiyahang bumabalot dito. Maski ang labi nito ay hindi nawala ang ngiti rito. Hinaplos niya ang pisngi nito pagkatapos maihiga sa kama at ayusin ang kumot nito. Umungol lang ito at tumagilid ng higa sabay yakap sa braso niya.Kanina ay hindi na mabilang kung ilang music ang ne-request nito kay Zeke. Mabuti na lang at maganda ang mood ng lalaki at pinagbigyan nito ang request ng kasintahan niya. Ang iba roon ay mga pangbata. Na akala niya ay tatangihan ni Zeke pero hindi naman. Ang iba naman ay malalamyos na tugtogin na sinasabayan nila ng sayaw.Hinalikan niya ito sa noo bago bumaba ng kama. Pumasok siya ng bathroom at naghubad ng damit para mag-shower. Kailangan na rin niyang matulog dahil bukas ay katatagpuin nila ni Ali ang babaeng nakabangga rito.Mag-uusap sila
Nang pumasok sila Eros at Ali sa loob ng private room at sabay silay napahinto sa paghakbang. Ang tingin nila ay nakatuon kay Argos na nakaupo sa silya katabi ng isang babae na hula nila ay teenager pa.Nagsalubong ang kilay ni Eros at nagpatuloy na sa paglalakad. Bago umupo ay pinaghila muna niya si Ali. Pagkatapos ay bumalik ang malamig niyang tingin kay Argos. The man in his early thirties is very calm and composed. A sign that although he's Ali's bodyguard, it didn't conceal that he's also the prominent leader of De Luna group.Hindi na nito suot ang palaging suot nitong itim na suit kapag binabantayan nito si Ali. He was now wearing a tailored suit that was worth several thousand.Eros is already aware of his background and didn't even feel surprised. Samantalang si Ali napakurap at hindi mapigilan ang magtaka. Ang sabi ni Eros ay ang nakabangga sa kanya ang katatagpuin nila pero bakit si Argos at ang kasama nitong teenager ang nandito?“Argos?” takang tawag niya sa lalaki na bah
Sa kabila ng mga nangyari kanina ay nagawa pa ring mag-concentrate si Ali sa kanyang presentation. Sa isang room ay may pannels na ginamit niya. At ang adviser naman niya ay bahagyang napapatango sa mga sinasabi niya. Hanggang sa matapos siya ay saka siya napahinga ng malalim.Her thesis is well written and precise leaving no room for many mistakes. May mga kailangan lang siyang i-revise pero ayon sa adviser ay maayos naman lahat. Kaya pagkatapos niyang ma-revise ang kunting mali niya ay muli siyang magpe-present sa susunod. Normal naman na may kunting mali siya dahil hindi naman siya genius. Fortunately she still presented with great enthusiasm and perfection though she's still nervous.Pagkatapos niyang magpasalamat sa adviser ay lumabas siya ng room. Nagulat pa siya nang makita niya si Diego na mas naunang nag-present kanina. Hindi na niya kailangan pang tanungin kung bakit nandito pa ito dahil alam niyang siya ang hinihintay nito.“How was it?” tanong nito.“May kaunti lang akong
Hinawakan ni Eros ang siko ni Ali at pumasok na sila ng mataas na gusali. Umabot hanggang twenty floor ang main building ng Ramazzotti group. Nakakalula at nagsusumigaw ng karangyaan ang mga pag-aari nina Eros. Na kahit minsan ay hindi niya inakalang matatapakan ng dalaga.Sumakay sila sa elevator at huminto ito hanggang sa top floor. Ang top floor ay working area lamang ni Eros. At ang mga subordinates at employees ng binata ay gumagawi lang dito kung may kailangan sila kay Eros o kaya ay kung may report sila ukol sa kanilang mga trabaho. It was decorated warmly and less rigidly.Pero kahit na personal area ni Eros ang top floor na ito ay may ibang employees pa rin dito. Lalo na ang human resources at ang secretary nito na siyang palaging tinatawag ng binata.Nang lumabas sila ng elevator at tumungo sa inner office ng binata ay mariing naglapat ang kanyang mga labi. Dahil habang naglalakad sila ay ramdam niya ang nakasunod na kuryusong tingin ng mga empleyado nito. They're wondering
May VIP room ang Lucio's kung saan exclusive lamang ito kay Eros. Kapag may meeting siya sa mga investors o kaya ay client ay dito niya dinadala ang mga ito. Pero sa gabing ito ay hindi na kung sino lang ang kasama niyang kumakain kundi ang kanyang kasintahan na si Ali.He's very attentive to her food. Lahat ng pinaluto niya sa chef ay mga sinabi ng nutritionist na dapat kainin ng dalaga. Ali is not picky pagdating sa pagkain. Pero may mga senyales na ayaw nito ang kinakain nito. Magsasalubong ang kilay nito pero tuloy pa rin sa pag-nguya at hindi nagrereklamo. At kapag gusto naman nito ang pagkain ay kumikislap ang mga mata nito.Sumubo si Ali ng prawn na binalatan ni Eros at matamis siyang napangiti. “Hmn!”“Dadalhin ko na ba ang chef ng Lucio's sa bahay?” biro ni Eros sa dalaga.Bahagyang natigilan si Ali at napatitig sa kanya. Ngunit ilang segundo ay umiling ito at nilunok ang nasa bibig.“You don't have to. Okay na sa akin ang paminsan-minsan na pumupunta tayo rito para mag-dinne
Lumipas ang araw at dumating na araw ng sabado. Alas sais ng hapon ay lulan na sila ng kotse ni Diego papunta sa apartment ng kanyang kaibigan. Maaga pa nga sana kung hindi kung anu-ano ang mga binibilin ni Eros kay Diego. At halata ang pagkainip sa mukha ng huli dahil parang hindi matatapos ang mga sinasabi ng una. Nakahinga lang sila ng maluwag nang tuluyan na silang payagang umalis ni Diego.Lumiwanag ang mukha ni Bree nang mapagbuksan sila ng pinto. Hindi na ito nagulat na kasama niya si Diego dahil nasabi na niya rito na kasama nilang magce-celebrate ang lalaki.Nanunuksong tinignan sila ni Bree kaya lang ay pinanlakihan niya ito ng mata para putulin ang kung ano mang iniisip nito. Kahit na aasarin lang siya nito pero ayaw niyang mag-isip ng iba kung may nakikinig man sa kanila ngayon.“Bal*w!” nakairap na sikmat niya sa kaibigan na pilyang humagikgik.“Ok! Hindi na kita aasarin,” seryoso na ang tonong saad ni Bree at isinara ang pinto. “Alam ko na ayaw mong sa Midnight Haven tay
Umungol si Ali at sinubukang tumihaya ng higa nang may bagay na humigpit sa baywang niya. May ngiting agad na gumuhit sa kanyang labi at nagmulat ng mata. Nilinga niya ang katabi nang hindi nabubura ang ngiti niya. Ngunit nang mamukhaan ang katabi ay nawalan ng kulay ang mukha niya.Nanlamig ang buong katawan niya at nablangko ang utak niya. Hindi niya alam kung ano ang agad na iisipin at gagawin. Nakatigagal lang na nakatingin siya sa pamilyar na mukha ng lalaking mahimbing na natutulog. Na walang kamalay-malay sa nangyayari sa paligid nito. Mahina pa itong humihilik at bahagyang kumilos para mas lalo pang ikulong siya sa bisig nito.Pakiramdam niya ay nabuhusan siya ng nagyeyelong tubig sa sandaling ito. Sinubukan niyang lumunok dahil parang may malaking bikig ang nakabara sa lalamunan niya. Pero natanto niyang dry na dry ang lalamunan niya.Ilang minuto rin siyang nawala sa sarili bago bumalikwas ng bangon. Ang kumot na nakatakip sa katawan niya ay nalaglag. At labis ang takot niya
Eksaktong huminto ang taxi at bumaba siya ay natanaw naman niya ang sasakyang menamaneho ni Penny at Argos. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon dahil dito. Una ang hindi siya pinapasok sa Heritage Ville. Pangalawa ay umalis ang dalawa na inuutusan ni Eros para bantayan at protektahan siya. Na para bang sa isang iglap lang ay nawala lahat ng bagay na nagbibigay ng senyales na may Eros sa buhay niya.Lalo tuloy siyang napaiyak at nakalimutan pa na magbayad ng pamasahe sa taxi driver. Nang tawagin siya nito ay saka siya nahimasmasan at binayaran ito.Walang lakas na naglakad siya at pumasok bakuran ng kanyang bahay. Sa halip na pumasok sa loob ay umupo siya sa bench na pinasadya ni Eros noon at dito ay sumubsob siya sa kamay para umiyak.Ang sikip-sikip ng dibdib niya at hindi siya makahinga. Pakiramdam niya ay mapuputulan siya ng hininga. Mas masakit pa ang nararamdaman niya ngayon kaysa ang sakit na naramdaman niya noong nagdisisyon siyang iwasan si Eros. Dahil sa pagkakatao
“Master, wala si Dylan at si Ali dito,” imporma ni Penny nang bumaba siya ng sasakyan.Ang mga tauhan ni Dylan ay nahuli at may posas na. Habang si Bree na na-rescue nila ay dinala na sa hospital. Ito lang at ang ilang tauhan ni Dylan ang naabutan nila. Bree is not in her right mind. Tulala lamang ito at bumubulong ng patawarin mo ako. Kaya kailangan na madala agad ito sa pagamutan. Sa mga marka sa katawan nito at hubad pa nang makita nila Rodan ay hindi na nila kailangan pang hulaan kung anong nangyari rito.Hindi tuloy niya maiwasang isipin na ganun din ang nangyari kay Ali. At parang gusto na niyang sumabog sa galit. He would never forgive himself and Dylan if he found out that he did touch her woman. He's the kind of man who hates when someone lays their hand on his possession. Isa pa ay hindi lang isang fling si Ali sa kanya. She's the woman that his parents accepted. The woman who occupied his heart. Ang babaeng gusto niyang pakasalan at magiging ina ng kanyang mga anak.“How ab
“A-Ano pa ang kasalanan mo sa akin, Bree? Ano pa ang ginawa mo para saktan ako?” ilang minuto ang nagdaan ay tanong niya rito.Nagtagis ang bagang niya at nakakuyom ang kamao niya habang matalim na nakatingin dito. Hindi siya naniniwala na ang pagkaka-kidnap lang niya at ang pagplano nito ng gabing iyon ang nagawa nito. Alam niyang may itinatago pa ito dahil sa nakikita niyang reaksyon nito.“I-I'm sorry, Ali!”“Hindi ang sorry mo ang gusto kong marinig!” sigaw niya at paika-ikang lumapit siya rito. Tumayo siya sa harapan nito at pailalim na tinitigan niya ito. Ngunit hindi ito nagtaas ng ulo at umiyak lang ito.Kaya napaluhod din siya at niyugyog ang balikat nito.“Ano, Bree! Sabihin mo sa akin!” hiyaw niya.“A-Ako ang nasa labas noong nag-uusap kayo ni Penny. Nagselos ako at nainggit nang malaman ko kung sino si Eros sa'yo. G-Galit ako dahil bakit ikaw palagi ang maswerte sa ating dalawa. Ikaw ang magaling. Ikaw ang malapit nang makapagtapos ng pag-aaral. Ang unang kliyente mo ay na
Ali, who had just opened her eyes, frowned and groaned softly. Kumikirot ang ulo niya at ramdam niyang hindi komportable ang posisyon niyang nakahiga. Nakatagilid siya at parang nakatali ang dalawang kamay niya sa kanyang likod. Malamig ang sahig kaya hindi niya napigilan ang manginig sa lamig. Tanging manipis na pambahay na t-shirt at hanggang tuhod na shorts ang kanyang suot.Nang ma-realize ito ay nawala lahat ng antok niya at tarantang bumangon. Pero dahil nakatali ang kamay niya ay nahirapan siyang makaupo. Animo hindi pa nakikinig ang katawan niya na gusto niyang maupo kaya nahiga muna siya saglit bago muling kumilos at pinilit na maupo. Humihingal pa siya dahil nahirapan siyang bumangon at nanakit pa ang buong katawan niya. Siguro ay dahil sa tagal niyang nakahiga sa matigas na sahig.Binalot siya ng takot at nanginig ang buong katawan niya. Malakas ang pagkabog ng dibdib niya at nawalan ng kulay ang kanyang mukha. She anxiously looked around. Pero hindi niya makita ang sitwasy
Pagkaupo ni Eros sa swivel chair ay niluwagan niya ang suot niyang kurbata at marahas na huminga. Pinigilan niya ang mapamura at suntukin ang kanyang sarili. Kung hindi lang dahil natatakot siyang masira ang pinaghirapan niya upang maprotektahan ito ay hinila na niya payakap si Ali. Sabik na siya sa kasintahan pero kailangan niyang magmatigas.Ayaw niyang pati si Ali ay idamay ng makasariling pinsan niya sa galit at selos nito sa kanya. Though, may mga binabayaran naman siyang tao upang sundan si Ali. Mas mainam pa rin na sa mata ni Dylan ay nagkasira na sila ng dalaga para sa kanya lang nakatuon ang galit ng huli. Hindi nito ibabaling sa dalaga ang kung ano mang pagkamuhing nararamdaman ni Dylan.Noong nasa China pa siya at kinausap niya si Mr Wang kung bakit ayaw nitong ilaglag si Dylan ay dahil sa matinding rason nito. Isang asawa at ama si Mr Wang. May anak na isang babae at isang lalaki ito. Na kasalukuyang hawak ni Dylan. Natatakot si Mr Wang na kapag kumanta ito ay ang pamilya
Pagkatapos ng klase ni Ali ng hapon na ‘to ay dumeretso agad siya rito sa gusali ng Ramazzotti. Nagbabasakali siyang umuwi na si Eros ng bansa at makita niya ito. Kahit silip man lang ay kontento na siya. Kahit hindi na muna sila mag-usap habang hindi pa niya napapatunayan na wala siyang kasalanan.Miss na miss na niya ang binata at guato na niyang masilayan ang mukha nito. Nasanay siya na palaging kasama niya ito kaya sa mga araw na wala ito sa kanyang tabi ay nanibago siya. May hungkag sa buong pagkatao niya hindi mapupunan ng kahit anong materyal na bagay. Dahil alam niya sa sarili niyang ang kahungkagan na ito ay si Eros lamang ang makagamot nito.May pag-asam ang matang tinanaw niya ang entrance ng gusali nang mahagip ng kanyang mata ang pulang Maybach na sasakyan. Kumabog ang puso niya dahil nakikilala niya ang sasakyan. Isa ito sa collection ni Eros na nakita niya sa garahe ng bahay nito sa Heritage.Huminto iyon sa harapan ng gusali at bumukas ang pinto ng driver side. Lumabas
Nasa isang cafe ngayon si Ali at hinihintay na dumating si Diego. Nagpadala siya ng mensahe kaninang umaga na may importanteng bagay silang pag-uusapan at pumayag naman ito. Hindi niya sinabi kung ano iyon pero hindi naman ito nagtanong.At habang naghihintay siya ay hindi siya mapakali. Namamawis ang mga kamay niya at bumubuo na siya ng salitang sasabihin sa binata. Kinakabahan siya sapagkat hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng lalaki kapag malaman nito na pinaghihinalaan din niya ito.Napag-isip isip kasi niya ang sinabi ni Bree. Kaya nilakasan na niya ang loob na kausapin si Diego. Gusto niyang kapag mag-uusap na sila ni Eros ay may pruweba siyang hindi sila nagtal*k ng pamangkin nito.Huminga siya ng malalim bago pinakawalan ito at nagpalinga-linga sa paligid upang alisin ang nerbiyos niya. Nang mapadako ang mata niya sa entrance ng cafe at makita sa labas si Diego ay animo nagkaroon ng malaking bikig sa kanyang lalamunan. Sa loob-loob niya ay umaatras siya at parang
“Master, we've been tailing her every move for the past few days but we still didn't find anything wrong,” imporma ni Penny mula sa overseas call nila. “Pero hindi ako titigil hangga't siya mismo ang magbibisto sa ginawa niya.”Pinapasundan kasi niya si Bree sa dalaga dahil may kutob siya na binabayaran ito ng pinsan niyang si Dylan. Something is fishy about that woman. Sa katunayan ay kailangan nga niyang maging matigas kay Ali para sa plano niya. Everything is under his control. Kung walang aberyang mangyayari ay within a month, siya na mismo ang susuyo sa dalaga.“I see,” saad ni Eros nang hindi inaalis ang tingin sa dokyumentong kanyang hawak. His eyes were cold and ruthless as he read all the information written in there. Sunod-sunod ang naging problema ng Ramazzotti kaya naging busy siya at kinailangan pa niyang lumipad dito sa china upang ayusin ang problema ng branch ng kanyang negosyo.Nakakatawa mang isipin na dapat sana ay pinagtutuunan niya ng atensyon ang tungkol sa kanil
“Tahan na, beshy! Please, naiiyak na rin ako, eh!” basag ang boses na usal ni Bree at hinagod ang likod niya.Pagkatapos nilang mag-usap ni Carmella kanina ay dito sa apartment ni Bree siya pumunta. Why? She's still not sure yet but maybe deep in her heart she wants to test her friend. Kahit pa sinasabi ng puso niya na walang kinalaman ang kaibigan pero gusto pa rin niyang subukan.“B-Bree, ang sakit talaga! O-Okay pa naman kami noong gabing iyon. P-Pero kinabukasan ay basura na ako sa paningin niya. A-Ano ba talaga ang nangyari nung gabing ‘yon. P-Pakiusap, kung ma naalala ka pa na iba ay sabihin mo na sa akin!” nakikiusap at garalgal na sambit niya. Basag na basag ang boses niya at puno ito ng sakit.Nanginginig ang mga labi niya at kipkip ang kumikirot na dibdib. Why is it that when all she wanted was to be only happy, everything around her is against it? Hindi lang ang mga taong nakapaligid sa kanya kundi pati na rin ang tadhana. It was as if they're ripping her out of everything
This is the third time!Pangatlong beses na siyang bumalik sa gusali ng Ramazzotti upang kausapin si Eros ngunit pinaalis lamang si ng guard. Hindi rin niya mabilang kung ilang beses siyang nagpabalik-balik sa Heritage ngunit pinagbabawalan siyang pumasok. Nawawalan na siya ng pag-asang makaharap at makausap si Eros. Dahil pati tawag ay hindi nito inaangat hanggang sa hindi na niya makontak ang numero nito.Minsang pumunta siya sa Heritage at ang ang sadya niya ay ang magulang ng binata para makiusap at hayaan silang magharap ni Eros ay hindi rin siya binigyan ng atensyon ng mag-asawa. Na para bang hindi na sila iyong masayang nag-ayos sa kanya para sa selebrasyon ng birthday niya. They treated her like a stranger.She was really in despair for the past few days. Her heart and mind were in turmoil and always aching. Eros is ignoring her. At labis siyang nasasaktan dahil dito. Para pa ngang nawala na siya sa sarili at hindi masabi kung ano ang left at kung ano ang right. Para siyang zo