Hinawakan ni Eros ang siko ni Ali at pumasok na sila ng mataas na gusali. Umabot hanggang twenty floor ang main building ng Ramazzotti group. Nakakalula at nagsusumigaw ng karangyaan ang mga pag-aari nina Eros. Na kahit minsan ay hindi niya inakalang matatapakan ng dalaga.Sumakay sila sa elevator at huminto ito hanggang sa top floor. Ang top floor ay working area lamang ni Eros. At ang mga subordinates at employees ng binata ay gumagawi lang dito kung may kailangan sila kay Eros o kaya ay kung may report sila ukol sa kanilang mga trabaho. It was decorated warmly and less rigidly.Pero kahit na personal area ni Eros ang top floor na ito ay may ibang employees pa rin dito. Lalo na ang human resources at ang secretary nito na siyang palaging tinatawag ng binata.Nang lumabas sila ng elevator at tumungo sa inner office ng binata ay mariing naglapat ang kanyang mga labi. Dahil habang naglalakad sila ay ramdam niya ang nakasunod na kuryusong tingin ng mga empleyado nito. They're wondering
May VIP room ang Lucio's kung saan exclusive lamang ito kay Eros. Kapag may meeting siya sa mga investors o kaya ay client ay dito niya dinadala ang mga ito. Pero sa gabing ito ay hindi na kung sino lang ang kasama niyang kumakain kundi ang kanyang kasintahan na si Ali.He's very attentive to her food. Lahat ng pinaluto niya sa chef ay mga sinabi ng nutritionist na dapat kainin ng dalaga. Ali is not picky pagdating sa pagkain. Pero may mga senyales na ayaw nito ang kinakain nito. Magsasalubong ang kilay nito pero tuloy pa rin sa pag-nguya at hindi nagrereklamo. At kapag gusto naman nito ang pagkain ay kumikislap ang mga mata nito.Sumubo si Ali ng prawn na binalatan ni Eros at matamis siyang napangiti. “Hmn!”“Dadalhin ko na ba ang chef ng Lucio's sa bahay?” biro ni Eros sa dalaga.Bahagyang natigilan si Ali at napatitig sa kanya. Ngunit ilang segundo ay umiling ito at nilunok ang nasa bibig.“You don't have to. Okay na sa akin ang paminsan-minsan na pumupunta tayo rito para mag-dinne
Bumuntong hininga si Alina nang tignan niya ang laman ng kaniyang wallet. Two hundred pesos lamang ang natitirang pera niya at kasya lang sa pambili niya ng isang kilo ng bigas at ulam niya. At wala ng matitira pa sa kaniya. Ang magiging sweldo rin niya sa kaniyang part-time job ay sapat na para mabayaran lang niya ang upa niya ng isang buwan sa kaniyang maliit na apartment. Kulang na kulang talaga para sa gagastusin niya. Tapos ito at namomroblema pa siya sa ibabayad niya sa school para sa thesis niya. Wala na siyang maisip na paraan para makahanap ng perang gagamitin niya.Simula noong umalis siya sa bahay-ampunan kung saan siya lumaki ay siya na ang nagtutustos sa lahat ng pangangailangan niya. Minsan nga ay gusto niyang tanungin ang maykapal kung bakit naging ganito ang buhay niya? Kung bakit kailangan pa siyang ipanganak sa mundong ito kung ang dadanasin din niya ay ang ganitong hirap. Pero agad na winawaglit niya ito sa kaniyang isipan at nag-iisip agad siya ng positibo. Kung mag
Nasa harap ng pinto si Alina ng hotel room kung saan sila ngayon magkikita ng VIP client na tinutukoy ni Mamu. Ang lakas ng pagdagundong ng kaniyang dibdib at sa tuwing itataas niya ang nanginginig niyang kamay para gamitin ang key card at buksan ang pinto ay nabibitin sa ere ang kamay niya. Puno siya ng pag-aalinlangan at takot. Naroon din ang pangamba na baka nagsisinungaling si Bree sa kaniya na baka may nakakaalam ng gagawin niya sa gabing ito. Ayaw niyang kapag pumasok na siya sa school ay nakatutok sa kaniya ang mata ng mga estyudante at pinag-uusapan siya. Inuusig at pinagtatawanan dahil naging escort siya.Mariing naglapat ang mga labi niya at humigpit ang pagkakahawak niya sa card. Pagkatapos ay niyuko ang kaniyang sarili. Ang suot niya ay isang lumang bulaklaking blouse at skinny jeans at flat sandals naman ang sapin niya sa paa. Pinipilit siya ni Bree na hiramin ang isang sexy dress na sinusuot nito kapag pumapasok ito ng Midnight Haven. Subalit tumanggi siya dahil naiilang
Pagkapasok ni Alina sa loob ng kaniyang apartment ay napaupo siya labag. Binitiwan din niya ang bag niya kung saan nakalagay ang cheque na kanina lang ay binigay ni Eros. Ni hindi niya tinignan kung magkano ba ang binayad nito at basta na lamang niya sinuksok sa bag niya at patalilis na nilisan ang hotel na ‘yon. Ni hindi siya lumingon para tignan ang gusali dahil ang gusto lang niya ay huwag tumatak sa isip niya na ang hotel na ito ay lugar kung saan niya binigay ang puri sa lalaking hindi man lang niyang kasintahan.Kahit pa si Eros ang lalaking iyon. Kilalang-kilala niya ang nasabing binata dahil isa ito sa bachelor na hinahabol ng maraming kababaihan. Sa laki ng business na pinamumunuan nito ay hindi maikakaila kung anong antas ng buhay ang meron ito. Isa itong galing sa alta syudad at kilala bilang batam-batang bilyonaryo ng bansa. Ang pamilya Ramazzotti ay noon pa'y kilala at hinahangaan sa larangan ng business. Nagsimula sa sa patriarch ng Ramazzotti hanggang sa henerasyon ng a
Eros narrowed his eyes when he saw Alina's picture. Pagkatapos ng mainit nilang pagtatal*k noong isang gabi ay nag-utos agad siya ng private investigator para kumalap ng impormasyon ukol sa dalaga. Isa na itong graduating sa korsong agriculture sa isang pampublikong unibersidad. Ulilang lubos at lumaki sa isang orphanage na matagal na sinusuportahan ng Ramazzotti foundation. Pero umalis ito noong edad kinse dahil ito ang rules ng orphanage. At hanggang ngayong edad twenty-one ito ay nagsumikap pa rin ito.Nasa impormasyon din ang kung paano naging escort ang dalaga. Ito mismo ay kay Corey nanggaling. Ang tinatawag nilang Mamu sa Midnight Haven. Kaya pala berhin at malinis ito. At kung hindi lang dahil sa pangangailangan nito ay hindi pa ito mapapadpad sa lugar na iyon. Muntik pa raw itong umatras ayon kay Corey kung hindi lang dahil sa pamimilit ng kaibigan nito.Siguro ay limang taon na rin siyang VIP client ng nasabing club. At minsan sa isang buwan kung magpadala si Corey ng babae
Agad na dinala ni Alina sa bangko ang cheque na binigay ni Eros sa kaniya ng gabing iyon at gumawa pa siya ng account para ilagay doon ang pera. At ang inilabas lamang niya ang ibabayad niya sa tuition niya at ang hinihingi ni Breeze na pera sa kanya. Hindi pa niya ito naibibigay sa kaibigan at balak niyang sadyain ito sa midnight haven mamaya.Hindi niya napigilan ang huminga ng malalim pagkatapos niyang makabayad ng kanyang tuition. Animo nabunutan siya ng napakalaking tinik sa dibdib dahil solved na rin ang problema niya. Nakapagbayad na rin siya at nakapadisisyon na siya kung ano ang magiging thesis niya. May malawak na farm ang university na pinapasukan niya para sa mga agriculture student na kagaya niya. 180 square meter ang lawak ng lupa na siyang tataniman niya ng kamatis na siyang magiging thesis niya.At bukas na niya sisimulan na bunutan ng damo at bungkalin.Pagkalabas niya ng campus ay tinignan niya ang oras sa lumang cellphone niya. Maaga pa naman at pwede muna siyang pum
Pagkatapos na maghanda at magpalit ng damit si Alina ay isinukbit na niya ang sling bag niya. Ngayon ang araw na sisimulan niyang bunutin ang mga damo sa lupang tataniman niya. Pero kailangan muna niyang dumaan sa farm supply para bumili ng mga gagamitin niya. May mga lumang gmit naman siya rito tulad ng sickle subalit hindi na siya matalim. Ginagamit lang niya ito noon sa mga potted plants na tinanim niya. Katulad ng mga gulay na kapag puwede nang anihin ay inaani niya at inuulam.Inayos niya ang kanyang buhok at tinungo ang pinto. Malapit na siya sa may pinto nang may kumatok. Kumunot ang kanyang noo. Wala naman siyang inaasahan na darating na bisita ngayon. Kung si Bree naman ay baka nahihimbing pa iyon sa kuwarto nito.Nang maulit muli ang katok sa pinto ay nagmamadali na niyang tinungo iyon at binuksan. Nakangiti pa siya noong una subalit nang makita kung sino ang nakatayo roon ay nabura ito. Agad siyang nakaramdam ng kaba at nanginig ang mga kamay niya. Namumukhaan kasi niya ang