Eros's heart flinched in pain after hearing all those words from Ali. He's been outside the door since his parents came. At akmang papasok siya para protektahan ang dalaga sa kung anong sasabihin ng magulang niya ngunit para siyang sinipa ng sampung kabayo sa sikmura nang marinig ang pakiusap ng kasintahan niya.Parang punyal na paulit-ulit na tumatarak sa puso niya ang nasasaktan at nakikiusap na boses ng dalaga. Tumatagos hanggang sa buto niya ang mga binitiwan nitong salita at parang apoy na tinutupok ang kaluluwa niya. It was very painful to hear her voice like that. And her cries were like a dagger piercing his entire well being.Masaya siya na marinig na siya na ang mundo ng dalaga. Na sa kanya na umiikot ang buhay ng dalaga. Ngunit masakit pa rin sa kanya na bilangin lahat nito ang masasakit na karanasan nito.âPretend that you didn't hear anything,â malamig at nagbabantang wika niya kay Penny at Argos na agad tumango. Pagkatapos ay binuksan niya ang pinto at pumasok.Ngayon ay
âI can do it!â giit ni Ali kay Eros nang oras na para mag-shower siya. Ang lagkit ng kanyang pakiramdam at nahihiya siya na baka amoy pawis na siya. Kahit na walang sinasabi ang binata at ang nurse na pumupunta rito para palitan ang dextrose niya ay naaasiwa pa rin siya. Nakakahiya naman kung nangangamoy na siya habang katabi niya ang kasintahan na alam niyang masyadong malinis sa katawan. Sa tagal na magkasama sila sa iisang bubong ay napansin na niya na neat freak si Eros. He loves cleanliness and always keeps things hygienic.âLift your hand,â wika pa rin nito kaya napalabi siya at itinaas ang kamay na nalalagyan ng suwero.âKapag nakita nila tita na kinakawawa kita ay baka hindi nila magugustuhan,â hirit muli niya kaya nakangising tinignan siya nito sa mata.âBaka isipin pa nga nila na minamanyak kita,â anas nito at walang babalang pinisil ang dibdib niya. Hindi pa ito nakontento at kinurot ang korona niya. Kaya naman âdi niya napigilan ang mapaungol pero matalim na tinignan niya
Napangiti si Ali nang mabistahan ang hitsura niya sa salamin. Nakasuot siya ngayon ng itim na dress at kumikislap pa ang nakalagay na diamonds sa may baywang ng dress. May suot din siyang kuwentas na ang pendant ay diamond din. Wala siyang suot na kahit anong kolorote sa mukha dahil mas maganda siya sa natural niyang taglay niyang ganda.Pagdating kasi sa physical na anyo ay perpekto lahat. Ang kilay niya na parang iginuhit ng magaling na artist. Ang matangos at maliit niyang ilong na animo nililok ng sikat na sculpture. Ang manipis at hugis pusong labi niya na natural na ang pagkapula. At kapag ngumiti na siya ay makikita ang maputi at pantay-pantay niyang ngipin. Bumagay lahat ang mga ito sa maliit niyang mukha. Lalo na ang malamlam niyang mata na kapag nakikiusap ay hindi mangingimi ang iba na agad siyang pagbibigyan. Hindi talaga nakakasawang pagmasdan ang mayuming ganda niya.Itong ganda ang kaiinggitan ng lahat kung sana lang ay kabilang siya sa alta syudad ay paniguradong isa s
Nang makaabot siya sa mismong pinto ng strawberry house ay nakita niya ang pulang arrow na itinuturo ang kaliwang daan. Napangiti siya at sinundan iyon. Hindi niya mapigilan ang ma-excite na makita kung ano ang pakulo ni Eros. Kung ano ang naisip nitong ihanda para sa birthday niya.Pero habang naglalakad siya ay napansin niyang walang kahit na isang tao siyang nakasalubong. Na para bang pina-reserve ng binata ang buong strawberry garden para sa kaarawan niya. Sa kaisipang ito ay lalo niyang binilisan ang paghakbang. Pero sa pagliko niya ay may isa na namang arrow ang kanyang nakita na agad niyang sinundan.Hanggang sa makita niya ang isang pinto na nakasara. Nang lumapit siya roon ay nakita niya ang nakasulat na âopen meâ at binuksan iyon.When she stepped out of the door she was momentarily stunned. May dekorasyon ang bawat paligid ng strawberry garden at agaw pansin ang mga hinog na bunga ng tanim nilang strawberry. Sa may dulo ng pathway ay may isang pavilion na may mga dekorasyon
Hating gabi na nang umuwi sila ni Eros sa Heritage Ville. Nakatulog pa nga si Ali sa kotse nang pauwi sila. Kaya naman binuhat na niya ito papasok sa loob ng bahay.Kahit na mahimbing ang tulog nito ay makikita pa rin ang kasiyahang bumabalot dito. Maski ang labi nito ay hindi nawala ang ngiti rito. Hinaplos niya ang pisngi nito pagkatapos maihiga sa kama at ayusin ang kumot nito. Umungol lang ito at tumagilid ng higa sabay yakap sa braso niya.Kanina ay hindi na mabilang kung ilang music ang ne-request nito kay Zeke. Mabuti na lang at maganda ang mood ng lalaki at pinagbigyan nito ang request ng kasintahan niya. Ang iba roon ay mga pangbata. Na akala niya ay tatangihan ni Zeke pero hindi naman. Ang iba naman ay malalamyos na tugtogin na sinasabayan nila ng sayaw.Hinalikan niya ito sa noo bago bumaba ng kama. Pumasok siya ng bathroom at naghubad ng damit para mag-shower. Kailangan na rin niyang matulog dahil bukas ay katatagpuin nila ni Ali ang babaeng nakabangga rito.Mag-uusap sila
Nang pumasok sila Eros at Ali sa loob ng private room at sabay silay napahinto sa paghakbang. Ang tingin nila ay nakatuon kay Argos na nakaupo sa silya katabi ng isang babae na hula nila ay teenager pa.Nagsalubong ang kilay ni Eros at nagpatuloy na sa paglalakad. Bago umupo ay pinaghila muna niya si Ali. Pagkatapos ay bumalik ang malamig niyang tingin kay Argos. The man in his early thirties is very calm and composed. A sign that although he's Ali's bodyguard, it didn't conceal that he's also the prominent leader of De Luna group.Hindi na nito suot ang palaging suot nitong itim na suit kapag binabantayan nito si Ali. He was now wearing a tailored suit that was worth several thousand.Eros is already aware of his background and didn't even feel surprised. Samantalang si Ali napakurap at hindi mapigilan ang magtaka. Ang sabi ni Eros ay ang nakabangga sa kanya ang katatagpuin nila pero bakit si Argos at ang kasama nitong teenager ang nandito?âArgos?â takang tawag niya sa lalaki na bah
Sa kabila ng mga nangyari kanina ay nagawa pa ring mag-concentrate si Ali sa kanyang presentation. Sa isang room ay may pannels na ginamit niya. At ang adviser naman niya ay bahagyang napapatango sa mga sinasabi niya. Hanggang sa matapos siya ay saka siya napahinga ng malalim.Her thesis is well written and precise leaving no room for many mistakes. May mga kailangan lang siyang i-revise pero ayon sa adviser ay maayos naman lahat. Kaya pagkatapos niyang ma-revise ang kunting mali niya ay muli siyang magpe-present sa susunod. Normal naman na may kunting mali siya dahil hindi naman siya genius. Fortunately she still presented with great enthusiasm and perfection though she's still nervous.Pagkatapos niyang magpasalamat sa adviser ay lumabas siya ng room. Nagulat pa siya nang makita niya si Diego na mas naunang nag-present kanina. Hindi na niya kailangan pang tanungin kung bakit nandito pa ito dahil alam niyang siya ang hinihintay nito.âHow was it?â tanong nito.âMay kaunti lang akong
Hinawakan ni Eros ang siko ni Ali at pumasok na sila ng mataas na gusali. Umabot hanggang twenty floor ang main building ng Ramazzotti group. Nakakalula at nagsusumigaw ng karangyaan ang mga pag-aari nina Eros. Na kahit minsan ay hindi niya inakalang matatapakan ng dalaga.Sumakay sila sa elevator at huminto ito hanggang sa top floor. Ang top floor ay working area lamang ni Eros. At ang mga subordinates at employees ng binata ay gumagawi lang dito kung may kailangan sila kay Eros o kaya ay kung may report sila ukol sa kanilang mga trabaho. It was decorated warmly and less rigidly.Pero kahit na personal area ni Eros ang top floor na ito ay may ibang employees pa rin dito. Lalo na ang human resources at ang secretary nito na siyang palaging tinatawag ng binata.Nang lumabas sila ng elevator at tumungo sa inner office ng binata ay mariing naglapat ang kanyang mga labi. Dahil habang naglalakad sila ay ramdam niya ang nakasunod na kuryusong tingin ng mga empleyado nito. They're wondering