Hawak-hawak ni Gavin ang isang bangkang keychain habang titig na titig siya rito. Naiwan ito ng babaeng nakaniig niya limang taon na ang nakalilipas. Hindi niya nakita ang mukha nito dulot ng kawalan ng liwanag sa hotel room at labis na pagkalasing noong gabing iyon. Agad niya itong ipinahanap sa kaniyang mga tauhan ngunit nabigo ang mga ito dahil hindi nila alam ang tunay na pagkakakilanlan ng babae. Maging ang CCTV footage sa hotel noong araw na iyon ay hindi niya napakinabangan dahil biglang nagkaroon ng power outage at problema sa generator system ng hotel.
“Sir Gavin, may schedule po ulit kayo ngayong 7 P.M. sa Casa Balario. Huwag na huwag daw po kayong hindi sisipot sabi ng inyong lolo,” ani Brandon. “Nakakailang blind dates na ba ako? Hindi pa ba nananawa si lolo? Kasi ako, sawang-sawa na ako sa mga pakulo niya.” Pinaikot ni Gavin ang keychain sa gitnang daliri niya. Kumunot ang kaniyang noo nang may napansin siyang nakaukit na pangalan sa loob ng bangka. “Avva Mendez,” bulong niya. Bigla siyang napatayo. “Brandon, gather our people. Locate this woman as soon as possible. A-attend ako sa blind date mamayang gabi para hindi ka mapagbalingan ng galit ni lolo pero siguraduhin mong mahahanap mo ang babaeng ito bago sumapit ang araw ng bukas. Am I clear?” “Avva Mendez? Siya po ba ‘yong babaeng nakaku—” “I don't know but her name was engraved inside this little keychain,” Gavin replied. Gumanda bigla ang kaniyang mood. Nilingos niya si Brandon. “Anong pang tinitingin-tingin mo riyan? Hanapin niyo na ang babaeng ‘yon!” Ibinigay niya ang keychain kay Brandon para ipakita ito sa babae oras na matagpuan nila ito. Kinuha ni Brandon ang keychain at yumuko. “Masusunod po, Sir Gavin.” Mabilis siyang lumabas ng opisina. Kailangan niya munang malaman kung ano ang hitsura ng babaeng ipinapahanap sa kaniya ng kaniyang amo bago sila mag-umpisang maglibot sa buong Monte Frusco. “Finally, after five fúcking years. Matutuldukan na rin ang lahat ng mga katanungang naglalaro sa aking isip. Miss Avva Mendez, how dare you leave Gavin Thompson after you stained my reputation?” Ikinuyom ni Gavin ang kaniyang kaliwang kamao. Five years ago, naging matunog sa media, magazines at tabloids ang mga Thompson dahil sa séx scandal na kinasangkutan ni Gavin. May isang paparazzi ang nakakuha ng kaniyang litrato kasama ang isang nakatalikod na babae. Nasundan sila nito hanggang sa makapasok sa loob ng hotel. Kinabukasan ay ipinabugbog siya ng kaniyang lolo dahil sa kahihiyang dinala niya sa kanilang angkan. Isang taon siyang nawalan ng suporta mula sa mga Thompson. Ang lahat ng kaniyang bank accounts, credit cards at maging mga membership sa iba’t-ibang clubs at organizations ay sinuspende ng kaniyang lolo. Pagkatapos noon ay apat na taon siyang namalagi sa Russia para pamahalaan ang kanilang ilang negosyo roon. Parusa pa rin ito sa kaniya dahil hindi niya mahanap ang babaeng kasama niya sa litrato. Simula nang magbalik siya ng bansa ay wala nang ginawa ang kaniyang lolo kung hindi ang ipares siya sa iba't-ibang babae na siyang nagpapakulo nang husto ng dugo niya. Sa lahat ng mga nakaharap at nakasama niyang blind dates ay wala siya ni isang natipuhan. Hindi pa rin kasi maalis sa isip niya ang babaeng nakaniig niya noong gabing iyon. Napakaraming tanong sa kaniyang isip na sa palagay niya ay malapit nang masagot oras na matagpuan ito nina Brandon. Napatingin si Gavin sa kaniyang Patek Philippe wristwatch. Mag-aalas sais y medya na nang gabi. Kailangan na niyang pumunta ng Casa Balario para sa kaniyang blind date. Agad niyang dinampot ang kaniyang cell phone sa ibabaw ng mesa nang tumunog iyon. Isang mensahe mula kay Brandon ang dumating. {“Sir Gavin, alam na po namin kung saan matatagpuan si Miss Avva Mendez. Pupuntahan na po ba namin siya o hihintayin po namin kayong matapos muna sa inyong blind date?”} “Napakabilis naman talagang kumilos ni Brandon. Mukhang mabibigyan ko siya ng salary increase at bonus ngayong gabi,” wika ni Gavin bago siya nagtipa ng reply niya sa kaniyang cell phone. Umalis na rin siya ng opisina para pumunta sa Casa Balario. “Cheers to my LAST blind date!” he exclaimed. ~~~ “Avva, ikaw na muna ang bahala sa mga bata ha. May raket lang ako ngayong gabi. Tumawag kasi si Manager Anne. May VVIP client daw sila tonight eh kaso wala raw available na female waitress. Sayang din ang kikitain kasi galante rin daw magbigay ng tip ‘yong client nilang ‘yon. Patulugin mo na lang sina Matthan at Hope kapag alas siyete na ng gabi. May pagkain na rin diyan sa ref. Dito na lang din kayo kumain nina Hivo at Bia.” Dalas-dalas na nagbihis at nagsuklay si Maya. Naglagay na rin siya ng kaunting lipstick sa kaniyang labi. “Wala ka bang delivery schedule tonight, Maya? Baka masuspende ka na naman ni Mang Julius kapag may nakaligtaan ka.” Inaayos ni Avva ang buhok ni Bia habang tinutulungan niyang magbihis si Hivo. “Mga anak, pumasok na muna kayo sa kuwarto. Makipaglaro na muna kayo kina Matthan at Hope. Tatawagin ko na lang kayo kapag handa na ang pagkain,” aniya sa kaniyang mga anak. Mabilis naman siyang sinunod ng mga ito. “Wala akong delivery schedule ngayon, Avva. Pasensya ka na ha. Biglaan na naman kitang pinapunta rito sa bahay. Medyo makalat pa rin dito kasi wala pa akong gaanong oras para maglinis. Alam mo na, busy tayong mga single mom sa pagkayod para may pantustos sa araw-araw na gastusin. Lalo pa ngayon, malapit nang pumasok sa kindergarten sina Matthan at Hope.” Kinuha ni Maya ang kaniyang bag. Nagtunugan ang sangkaterbang keychains na nakasabit doon. Mahilig silang mangolekta ni Avva ng mga keychains kapag pumupunta sila sa ibang lugar. Nilalagyan nila iyon ng kanilang maliliit na pangalan at nagpapalit sila bilang remembrance sa isa't-isa. “Ano ka ba! Malapit lang naman ang bahay ko rito. Isa pa, wala naman din kaming kasama sa bahay. Mas masaya nga sina Hivo at Bia kapag naririto kami eh. Tuwang-tuwa silang makipaglaro kina Matthan at Hope.” Bumuntong hininga si Avva. “Hay! Kailan kaya tayo yayaman? Nakakasawa nang magtrabaho araw-araw. Nakakapagod at nakakalosyang nang bongga!” Tumawa nang mahina si Maya. “Tigilan mo na kasi ang pagtaya sa lotto at sa juetEng. Ipunin mo na lang. Baka sakaling yumaman ka pa. Mas malaki nga ang kinikita mo araw-araw kaysa sa akin eh. Money management is the key, Avva. Alalahanin mong hindi na tayo tulad ng dati. Hindi na tayo basta-basta makakapagtapon ng pera.” Napatingin siya sa may wallclock. “Naku, six forty-five na! Baka mahuli ako sa raket ko. Maiwan ko na kayo ha!” Bago tuluyang lumabas ng kaniyang bahay ay nagbeso at yumakap muna si Maya sa kaniyang matalik na kaibigan. “Maraming maraming salamat talaga, Avva! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala ka! Hulog ka talaga ng langit sa aming mag-iina! Paano? Ikaw na ang bahala sa mga bata ha!” Pagbaba ni Maya sa may ground floor ay may nakasalubong siyang mga lalaki. Nakasuot ang mga ito ng itim na suit at pantalon. Dahil naging mayaman din naman siya noon, alam niyang mga bodyguards ang mga ito ng isang mayamang tao. Sinundan niya ng tingin ang mga ito. Mukhang patungo ang mga ito sa itaas. “We need to find her tonight. Kailangan niyong maging mapagmatyag. Alam niyo na kung sino ang target natin. Alam niyo na rin kung ano ang hitsura niya. Kapag nakita niyo siya, agad kayong magbigay-galang. Tawagan niyo ako agad, maliwanag?” utos ni Brandon. “Masusunod po, Sir B!” tugon ng mga kasamahan ni Brandon bago tuluyang umakyat papunta sa taas ng lumang gusali. Nagkibit-balikat si Maya. Aalis na sana siya nang bigla siyang tawagin ni Brandon. “Miss, sandali!”Tumakbo si Brandon palapit kay Maya.“Ako po ba ang tinawag mo?” kumukurap-kurap na tanong ni Maya.Tumango si Brandon. “You left this.” Iniabot niya ang name tag ni Maya.Yumuko si Maya. “Maraming salamat po. Mauna na po ako ah. Baka po kasi mahuli ako sa sideline ko.”Napansin ni Brandon ang maraming keychains sa bag ni Maya. Pinagmasdan niya ang mga ito.“Sir B! Nakita na po namin ang target!” sigaw ng kasamahan ni Brandon.Nakaalis na si Maya sakay ng kaniyang bisekleta. Kumaway pa ito kay Brandon.Kinuha ni Brandon ang keychain sa kaniyang bulsa. ‘Parang kaparehas nito ang mga ‘yon.’ Inalog niya ang kaniyang ulo at agad na sumunod sa kaniyang mga kasamahan.Hingal na hingal na nakarating sina Brandon sa apartment na kinaroroonan ni Avva. Nasa ika-labinlimang palapag kasi ang apartment ni Maya. Tapos nang kumain sina Avva at ang mga bata noong dumating sina Brandon. Tulog na rin sina Matthan at Hope nang sandaling iyon.“Avva Mendez?”“A-Ako nga. S-Sino kayo? Anong kailangan niyo
Simangot ang mukha ni Gavin habang nakatulala sa direksyon ng pinto. Ito ang unang beses na hindi dumating ng tama sa oras ang blind date niya. Limang minuto na siyang naghihintay. Kinuha niya ang kopitang may alak sa mesa at diretso iyong nilaklak. “Lolo, is this your own doing?” Gavin gritted his teeth. Habang naghihintay sa kaniyang blind date ay sakto namang iniluwa ng pinto ang humahangos na si Maya. Napatingin si Maya sa table kung saan naroroon ang VVIP client na pag-se-serve-van niya ng pagkain. Napapikit siya nang makita niyang hindi maipinta ang pagmumukha nito. Didiretso na sana siya sa kitchen para kunin ang mga pagkaing nakalaan para rito nang magdesisyon siyang dumaan muna sa table nito para humingi ng paumanhin. Naglalakad pa lamang siya palapit dito nang bigla siya nitong sinalubong. Nagulat siya nang pinisil nito ang braso niya at kinaladkad siya patungo sa table nito. “Is this how your parents taught you? To waste someone's precious time? Do you know that my sc
Halos lumuwa ang mga mata ni Avva nang makatapak siya sa isa sa mga Villa ng mga Thompson. Napakalawak nito at ang bawat dinaanan nila ay nagsusumigaw at nagpapakita ng pambihirang yaman. Mula siya sa mayamang angkan pero ito ang unang beses na namangha nang husto ang kaniyang mga mata! Sigurado siyang gagapang pabalik sa kaniya ang kaniyang mga kapatid at mga magulang kapag nalaman ng mga ito na siya ang magiging asawa ng isang Gavin Thompson! Itinakwil siya ng mga ito dahil sa kinasangkutan niyang scandal, limang taon na ang nakalilipas at si Maya ang lubos niyang sinisi sa lahat ng mga kamalasang dumating sa buhay niya. Sagad man sa buto ang pagkamuhi niya rito ay pilit niyang sinikmura na makita at makasama ito araw-araw para lang masaksihan ang paghihirap nito! Sa kasamaang palad ay mas naging mahirap siya rito dahil sa angkin nitong sipag at diskarte sa buhay. “Mommy, sobrang yaman po pala ni daddy!’ bulalas ni Hivo habang iniikot ang kaniyang mga mata sa lugar. “Oo nga po, mom
Humahangos na tumakbo si Maya patungo sa harap ng nag-aapoy na gusali kung saan naroroon ang kaniyang mga anak na sina Matthan at Hope. Halos matumba siya nang makita niya kung gaano na kalala ang sunog. Nanginginig ang kaniyang labi habang inuusal ang pangalan ng kaniyang mga anak.“Hope…Matthan. Diyos ko! Iligtas at protektahan Mo po ang mga anak ko!” mahinang bulong ni Maya. Nag-uunahang tumulo ang kaniyang mga luha habang tahimik na nagdadasal.Hindi malaman ni Gavin kung paano niya mapapagaan ang pakiramdam ng babaeng babago pa lamang niyang nakikilala. Nag-aalangan man ay nagawa niyang hawakan ito sa balikat. Hinaplos niya rin ang likod nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin.Halos gumuho ang mundo ni Maya nang makita niya ang sunod-sunod na mga bangkay na bitbit mga rescuer sa mga stretch beds. Biglang natuyo ang kaniyang mga mata. Mabigat man ang pakiramdam ng kaniyang paa na para bang may mga kadenang nakatali sa mga ito ay nagawa niya itong ihakbang. Lumapit
“Bitiwan niyo ako! Ililigtas ko ang mga anak ko!”“Pasensya na po, misis pero hindi po namin kayo hahayaang makapasok sa area.” Napatingin ang bumbero sa halos kararating lang na si Gavin. Habol nito ang paghinga dahil sa paghabol kay Maya. “Mister, bantayan niyo po ang misis niyo. Gustong-gusto rin po naming iligtas ang lahat ng nasa gusali pero dahil sa patuloy na pagkalat ng apoy, limitado lamang po ang aming pagkilos. Ganunpaman, ginagawa po namin ang aming makakaya para makapagligtas ng buhay. Pasensya na po.”Kinuha ni Gavin ang nanlalatang si Maya sa bisig ng bumbero. Halos mamaga na ang mga mata nito sa kakaiyak. Niyakap niya ito nang mahigpit at hinaplos ang buhok nito. Muli na namang nanumbalik sa kaniyang ala-ala ang gabing iyon, limang taon na ang nakalilipas dahil sa amoy na nagmumula sa buhok nito.“Maya…”“Sa kagustuhan kong kumita at makaipon ng pera para sa nalalapit na pagpasok ng mga anak ko ay nagawa ko silang iwan sa pangangalaga ng aking kaibigan. Hindi ko kakaya
“Brandon, right?”“Yes po, Miss Avva. May kailangan po ba kayo? Kung may kailangan po kayo ay huwag po kayong mahihiyang magsabi sa akin o kaya naman ay sa mga katulong dito. May maipaglilingkod po ba ako sa inyo?” magalang na tugon ni Brandon.“Anong oras ba darating si Gavin? Nakatulog na ang mga anak namin sa kahihintay sa kaniya.” Kasalukuyang nasa tig-isang kuwarto na sina Hivo at Bia samantalang si Avva naman ay nasa sala, matiyagang hinihintay ang pagdating ni Gavin.“Regarding that, I don't have a specific answer po eh pero huwag po kayong mag-alala kasi aware naman po si Sir Gavin na naririto na kayo. Alam din niyang hinihintay niyo siya. Baka nagkaproblema lang ng kaunti o kaya naman ay may biglaang inutos si senior kaya po siya natagalan. May gusto po ba kayong kainin? Ipapahanda ko po ulit sa chef kung mayroon man.” Ngumiti si Brandon. Pasulyap-sulyap siya sa kaniyang cell phone dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagrereply ang kaniyang amo. Halos naka-thirty missed cal
“Sir Gavin, ano pong nangyari sa inyo? Bakit hindi po kayo nakauwi kagabi at saka bakit po gan'yan ang hitsura niyo?” sunod-sunod na tanong ni Brandon nang nabungaran niya ang kararating lang na si Gavin. Gulong-gulo ang buhok nito at puro dumi ang suot na puting long sleeves. Ang suit nito ay nakasabit sa braso nito.“Don't talk to me like you're my mom. I'm tired, Brandon. Wala pa akong matinong tulog.” Hinilot ni Gavin ang kaniyang sintido. Inihagis niya kay Brandon ang kaniyang suit at pagkatapos ay nahiga siya sa couch.Sinalo ni Brandon ang suit ni Gavin. “Pasensya na po, Sir Gavin. Nag-alala lang po ako sa inyo. Akala ko po kasi eh kung ano na naman ang ginawa ng blind date niyo sa inyo,” nakayukong turan niya.“P'wede bang iwan mo muna ako? Gusto ko munang magpahinga at matulog. Stop talking. You're bombarding my ears,” nakapikit na sabi ni Gavin.“Pasensya na po, Sir Gavin.” Napakamot sa kaniyang ulo si Brandon nang makita niyang nakangiting bumababa ng hagdan si Avva.“Sir G
Nang makarating si Gavin sa kaniyang condo ay agad siyang nahiga sa malambot na kama. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata dahil gustong-gusto na niyang matulog.“D@mn it!” sigaw ni Gavin sabay bangon sa kaniyang kama. Sinabunutan niya ang kaniyang sarili. “What’s happening to me? Why am I thinking about that woman…again?”Tumayo si Gavin at naglakad patungo sa kinaroroonan ng refrigerator. Binuksan niya iyon at kumuha ng isang bottled water pero sa halip na inumin niya iyon ay ibinuhos niya iyon sa kaniyang ulo. Kinaligkig siya nang maramdaman niya ang pagdampi ng malamig na tubig sa kaniyang anit at balat.“Go back to your senses, Gavin! That woman has nothing to do with you!” Itinapon ni Gavin ang walang lamang bote sa trash can at saka naglakad patungo sa shower room. “Maybe, I need to take a bath first, before I go to sleep. Tama. Baka sakaling kulang lang ako sa tulog. Makakalimutan ko rin ang tungkol kina Maya at Hope.”Hinubad ni Gavin ang lahat ng kaniyang suot at inihagis ang
Dumating sina Don Gilberto , Donya Conciana, at Miguel sa bahay. Ang unang bumungad sa kanila ay si Hannah. Nakaupo ito sa mahabang sofa. Mabilis na tumayo si Hannah at sumalubong sa mga matatanda. “Good evening po,” bati ni Hannah at nagmano kay Donya Conciana. Ngumiti ang matanda. “Magandang gabi rin, hija.”At sunod ay nagmano si Hannah kay Don Gilberto. Ngumiti lang ang matandang lalaki bilang tugon. Taliwas sa Hannah na animo’y dragon sa harap ni Maya at ng mga bata, ay para itong anghel na hindi makabasag ng pinggan ngayon sa harap ng kasintahan at ng dalawang matanda.Panghuling nilapitan ni Hannah si Miguel. Sinalubong niya ng yakap ang fiance. Hinalikan ni Miguel sa noo si Hannah. Naunang pumasok ang dalawang matanda at naiwan sina Miguel at Hannah sa pinto na magkayakap. “Kumusta ang lakad niyo, love?” malambing na tanong ni Hannah kay Miguel.“Okay lang naman. How are you, love?” malambing na wika rin ni Miguel. “Ayos lang naman. I stayed the whole day here. Naglinis, n
Napataas ng kilay si Hannah nang makita si Maya na nagpupuyos sa galit. She even crossed her arms as she looked at Maya with a wicked smile. “Can’t you see it? Iyang mga anak mo, nagkakalat dito sa kusina ko. Kung anu-ano ang pinaggagawa ng mga anak mo. Masyado ka kasing naging pabayang ina. Look at what they did to my kitchen. Ang dumi-dumi! Gosh, pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong magulo at makalat!” litanya ni Hannah.Hindi pinansin ni Maya ang sinabing iyon ni Hannah. Nakatingin lang siya sa mga bata na niliguan ng cake mixture. Hindi siya bayolenteng tao pero pagdating sa mga anak niya, kaya niyang gawin ang lahat lalo na kung naagrabyado ang mga anak niya. Naglakad siya patungo sa mga bata. “Are you ignoring me?” inis na wika ni Hannah nang hindi siya sinagot ni Maya at paranf hangin lang siyang dinaanan nito. “Ayos lang ba kayo mga anak?” malumanay na tanong ni Maya at agad na sinuri isa-isa ang mga bata kung may sugat o pasa ba ang mga ito. “A-Ayos lang po kami, mo
Mabilis na tumalima ang tatlong bata sa sinabi ni Maya. Nang masigurong nakapasok na ng silid ang tatlo ay saka niya muling hinarap si Hannah.“Oh, ano’ng tinitingin-tingin mo?" masungit na sambit ni Hannah.“Alam mo, girlfriend ka pa lang ni papa pero kung mag-aasta ka rito sa pamamahay niya eh parang asawa ka na niya. Kung gusto mong irespeto kita, matuto ka ring magbigay ng respeto. Isa pa, huwag kang umastang reyna rito dahil wala ka pa namang korona.” Inis na inis si Maya kay Hannah. Natatakot rin siyang buksan ang cell phone niya dahil panay ang text at tawag ni Gavin kaya naisipan niyang patayin muna ang cell phone niya.“Abat at—” Hindi na naituloy ni Hannah ang sasabihin nang bigla siyang tinalikuran ni Maya. Nagpapadyak siya ng kaniyang mga paa. Pulang-pula ang mukha niya dahil sa sobrang inis.Maingat na binuksan ni Maya ang pinto ng silid kung saan naroroon ang mga anak niya. Lumakad siya palapit sa mga ito.“Mommy, are you sad?” tanong ni Bia. Mabilis na ngumiti si Maya
Napatulala si Maya. Tulog ang bunso niyang anak habang ang tatlong bata naman ay abala sa pagbabasa ng mga story books. Matapos ang nangyaring sagutan sa pagitan nilang dalawa ni Hannah ay nagbago na ang tingin niya sa katipan ng papa niya. Hindi niya lubos maisip na ganoon ang totoong ugali nito. Ayaw niyang patulan ito dahil ayaw niyang malungkot ang papa niya at higit sa lahat ay nais niyang pakisamahan ito dahil magiging parte ito ng pamilya nila…ngunit… nagbago na ang isip niya. “Pahiram naman ako niyan, Hivo!” nakangusong ungot ni Bia sa kapatid. “Eh, ‘di pa ako tapos. Maghanap ka ng ibang babasahin mo!” angil ni Hivo.Ngumuso si Bia. “Nabasa ko na ang iba eh. Ikaw lang ‘tong mabagal kung magbasa.” “Hindi ko kasalanan kung mabilis kang magbasa at mabagal ako. I am still reading. Mind your own,” giit ni Hivo. “‘Wag nga kayong mag-away. Ano ba kayo!” saway ni Hope. Parehong napabaling sina Hivo at Bia kay Hope. “Eh, siya kasi!” sambit nina Hivo at Bia ng sabay. Magkapanabay
“Let’s go,” anas ni Garret at bigla niyang hinila si Maya nang makaalis sina Betina at Nijiro. Tulala lang si Avva at hindi maalis ang mata sa paalis na pigura ni Nijiro hanggang sa nawala ito sa paningin niya. Ni hindi man lamang niya ito nakausap nang matagal. Ni hindi man lamang niya ito nahagkan!“Maya?” muling tawag ni Garret na pumukaw sa atensyon ni Maya.“Y-yes, G-Garret?” pakli ni Avva.“We need to go to the hospital. Kailangan nating patingnan sa doktor ang kalagayan mo,” saad ni Garret. Hindi maalis sa isipan ni Garret ang pangamba. Nakaalis na sina Betina at Nijiro ngunit kabado pa rin siya sa mga posibleng maging tanong ni Maya. “Okay,” tugon ni Avva na wala sa sarili. Nagpatianod siya sa hila ni Garret hanggang makarating sila sa sasakyan nito. Todo alalay ito sa kaniya ngunit ang utak niya ay nanatili kay Nijiro. Sa maikling panahon na nakita niya ang paslit ay nakabisado na niya agad ang hitsura nito. Malakas ang kutob niyang anak niya si Nijiro. At tuwang-tuwa siya
Umagang-umaga ay nagmamadali sina Donya Conciana, Don Gilberto at ang daddy ni Maya. Isa-isang humalik ang mga matatanda sa mga bata. Si Maya naman ay nakamasid lang sa kaniyang ama, lolo at lola habang karga-karga niya ang bunsong anak na si Nathan na kasalukuyang dumedede sa kaniya. “Maya, anak…” anas ni Miguel saka hinalikan si Maya sa noo. “Aalis muna kami nina Don Gilberto at Donya Conciana ha. Kapag may gusto kayong bilhin, just order it. I will leave my card.” Inabot niya ang isang itim ng atm card sa kaniyang anak. “Papa, sa'yo na po itong black card. May supreme at sariling black card naman po ako rito. Binigay po sa akin nina tito saka ni Gavin,” sambit ni Maya sabay abot pabalik ng black card kay Miguel. “Are you sure, hija?" paniniguro ni Miguel. Tumango lang si Maya habang nakangiti. “Sige. Oo nga pala, if ever gusto ng mga app kong umalis, magpunta sa park may ‘di kalayuan rito, p’wede silang magpasama kay Hannah. Right, love?” Nilingon ni Miguel si Hannah.
Nakarating si Garret sa ground floor karga-karga pa rin si Avva sa bisig niya. Akmang lalabas na siya nang makasalubong niya si Betina, hawak-hawak nito si Nijiro. ‘What the hell is she doing here? Kasama pa niya ang anak ko!’ Napakurap si Garret, nanigas ang buong katawan niya at hindi siya makagalaw. Napansin agad ni Betina ang pagkabalisa ng kaniyang kapatid. “Nigel, what happened? Bakit…” Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang makita niya si Maya sa bisig ni Garret. “W-What are you doing here, Betina?” halos pabulong ng sambit ni Garret. Papalit-palit ang tingin niya kay Betina at sa anak niyang si Nijiro. Wala sa plano niyang ipakita at ipakilala si Nijiro kay Maya dahil ayaw niyang malaman ng babaeng tinatangi niya ang tungkol sa anak niya. Nanlalamig na ang buong katawan niya sa kaba, lalo na ng humakbang si Nijiro palapit sa kaniya, mabuti na lang at mabilis itong nahila ni Betina.“Tita?” anas ng bata na nag-angat ng tingin sa tiyahin niyang magkasalubong agad
“Shit!” malutong na mura ni Jett habang mabilis na nagtitipa ng code sa kaniyang laptop. “Wala na bang ibibilis pa ‘yan? Garret’s almost there!” tarantang wika ni Fitz.“I am doing my best here, Fitz!” giit ni Jett, habang hindi magkamayaw sa pagtipa.“Jett, I believe in you. Ikaw ang great hacker at isa sa mga best CIA at FBI agent noon. Naniniwala ako sa kakayahan mo. Please, don't disappoint me," Gavin pleaded.Rinig na rinig nilang lahat ang usapan nina Garret at Avva. Ultimo pagbilig ng hininga ni Avva ay dining na dinig nila na mas dumadagdag sa kaba na nararamdaman nilang tatlo. Nakasalalay kay Jett ang lahat, kapag hindi agad nito nagawa ang pagpapalit ng footage ay katapusan na ng lahat ng mga plano nila. “Fuck!” mura ni Gavin nang marinig ang pagtunog ng elavator. Palabas na sina Avva at Garret sa elevator. “Jett, damn it! Ilabas mo na ang yabang mo ngayon. Bilisan mo! They are almost there!” “I know! Naririnig ko sila!” inis na wika ni Jett, habang nanatiling nagtitipa s
Bumukas ang pinto ng elevator. Nagulat si Garret nang makita niya si Maya na lumabas ng elavator kaya agad siyang lumapit dito para tanungin ito. “Sa’n ka pupunta, Maya?” gulat na tanong ni Garret at hinawakan ang braso ni Maya.Kumurap si Avva sa gulat. Hindi niya akalain na magkakasalubong sila ni Garret. Napalunok siya bago sumagot. “Ah… nagugutom na kasi ako. Bibili na lang sana ako ng makakain. Hindi ka pa kasi bumabalik, eh. Iniisip ko baka may g-ginagawa ka kaya bumaba na lang ako," nauutal na sabi ni Avva. Malakas ang kabog ng dibdib niya.. “Kumalma ka lang, Avva. H’wag kang magpapahalata." Rinig ni Avva ang boses ni Gavin mula sa earpiece niya. “G-Gutom na talaga kasi ako, Garret.”“I was on my way out para bilhan ka ng makakain. Kaso, nagkaroon ng aberya. May customer na nagrereklamo dahil nawala ang wallet niya. Kaya imbes dumiretso ako palabas. Kinailangan ko munang kausapin.” Pinagmasdang mabuti ni Garret ang mukha ni Maya. 'She looks tense. Did I scare her earlier?'