Simangot ang mukha ni Gavin habang nakatulala sa direksyon ng pinto. Ito ang unang beses na hindi dumating ng tama sa oras ang blind date niya. Limang minuto na siyang naghihintay. Kinuha niya ang kopitang may alak sa mesa at diretso iyong nilaklak.
“Lolo, is this your own doing?” Gavin gritted his teeth. Habang naghihintay sa kaniyang blind date ay sakto namang iniluwa ng pinto ang humahangos na si Maya. Napatingin si Maya sa table kung saan naroroon ang VVIP client na pag-se-serve-van niya ng pagkain. Napapikit siya nang makita niyang hindi maipinta ang pagmumukha nito. Didiretso na sana siya sa kitchen para kunin ang mga pagkaing nakalaan para rito nang magdesisyon siyang dumaan muna sa table nito para humingi ng paumanhin. Naglalakad pa lamang siya palapit dito nang bigla siya nitong sinalubong. Nagulat siya nang pinisil nito ang braso niya at kinaladkad siya patungo sa table nito. “Is this how your parents taught you? To waste someone's precious time? Do you know that my schedule is full? Do you even know how busy I am as a person?” Huminga muna si Gavin bago siya nagsalin ng alak sa kaniyang kopita at saka iyon muling nilaklak. “Why are you dressed like that? Are you insulting me? You came from a wealthy family yet you go out on a blind date with me wearing that trash?” Napanganga si Maya. ‘Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ito?’ Kumunot ang kaniyang noo. ‘Teka, parang pamilyar ang mukha niya. Saan ko nga ba siya nakita?’ “Hey! Answer me! Hindi ka na nakakaintindi ng ingles o pipi ka kaya hindi ka nagsasalita?” Bakas sa mukha ni Gavin ang pagkainis. “Maya, naririto ka na pala! Kunin mo na sa kitchen ang orders ng ating VVIP. Magsuot ka na rin ng proper uniform.” nakangiting wika ng kararating lang din na si Manager Anne. “Sir Gavin, good evening. I'm glad that you always choose our restaurant for your important meetings,” she said, smiling. Biglang namula ang mukha ni Gavin. Dinampot niya ang bote ng wine at direkta nang uminom mula roon. He cleared his throat before he spoke. “She's a waitress?” he asked while pointing out Maya. Tumango si Manager Anne. “Bakit, sir? May atraso po ba sa inyo ang aming empleyado?” Tiningnan niya si Maya na ngayon ay nagpipigil ng tawa. Umupo si Gavin at umaktong walang nangyari. “Well, she's…She's late. I'm hungry. Go to the kitchen and serve my food.” Yumuko si Maya. Ngumiti siya. “For a while po. Kindly wait for three minutes. Thank you,” aniya bago nagtatakbo patungo sa kitchen. Inayos ni Gavin ang kaniyang coat at umaktong may itetext sa kaniyang cell phone. Naririnig niya ang mga bulungan ng iba pang customers sa loob ng restaurant. “Sir Gavin, if you have additional concerns or requests, please don't hesitate to tell Maya. She will serve you this evening. Again, thank you for always choosing Casa Balario,” Manager Anne said before she left. Sinuntok nang mahina ni Gavin ang mesa. Pulang-pula ang kaniyang mga tainga dahil sa kahihiyan. “Whoever is my blind date tonight will be banned from my lists forever,” galit na galit na wika niya. “Sir, ito na po ang mga orders niyo,” nakangiting sambit ni Maya habang ibinaba ang mga pagkain sa mesa. ‘Looks like my blind date will not come tonight. Ano kaya kung…’ Aalis na sana si Maya nang bigla siyang tinawag ni Gavin. “Hey, you!” Itinuro ni Maya ang kaniyang sarili. “Yes, you. Come and eat with me. Hindi ko mauubos ang lahat ng ito.” Nag-iwas ng tingin si Gavin pagkasabi niya noon. ‘Inaaya niya ba akong makipag-date sa kaniya?’ isip-isip ni Maya. “Pasensya na po, sir. We are not allowed to dine with our customers lalong-lalo na po sa aming mga VVIP. Isa pa, busog pa po a…” Natigil siya sa pagsasalita nang biglang kumulo ang kaniyang tiyan. “Ako, hehe.” “Well, your stomach disagreed with what you said. Don't worry about the rules. Kilala ko ang may-ari nito. I can even pay you by just sitting here and eating with me. Hindi ba ikaw ‘yong babae kanina na nagtitinda sa may kalye? Hope’s mother, if I'm not mistaken.” Hindi maipaliwanag ni Gavin kung bakit magaan ang loob niya sa babaeng nasa harap niya. Nanlaki ang mga mata ni Maya. “Sabi ko na nga ba! Ikaw si Mister Pogi eh.” Napatakip ang kaniyang mga kamay sa kaniyang bibig dahil sa kaniyang sinabi. Pinigilan ni Gavin na ngumiti. “My blind date for tonight, dumped me. I don't want to eat alone. I hope you can join me here. P-Please?” Iyon ang unang pagkakataon na nakiusap ang isang Gavin Thompson. “Sige na, Maya. Pagbigyan mo na si Sir Gavin,” kantiyaw ng mga empleyado. Nahihiya man ay sinaluhan din ni Maya si Gavin sa hapunan nito. “By the way, nasaan pala ang ama ni Hope? She told me na hindi niya kilala ang kaniyang daddy. Totoo ba ‘yon?” Biglang sumubo ng pagkain si Gavin nang mapagtanto niyang masyadong personal ang tanong na ibinato niya kay Maya. Ngumiti nang mapait si Maya. “Nasa abroad ang daddy niya. We're not in good terms kaya hindi ko na ipinakilala sa kaniya ang daddy niya,” pagsisinungaling niya. Tumaas ang dalawang kilay ni Gavin. Nagpatuloy siya sa pagkain habang nakatitig kay Maya. ‘Her scent is familiar and her face… Parang matagal ko na siyang nakasama.’ Umiinom siya ng tubig nang napatingin siya sa screen ng kaniyang cell phone. Nang mabasa niya ang mensahe mula kay Brandon ay naibuga niya ang tubig na nasa bibig niya sa mukha nang kumakaing si Maya. {“Sir Gavin, kasama na po namin si Miss Avva at ang mga anak niyo.”} Kumuha si Maya ng tissue at pinunasan ang basang-basa niyang mukha. Magsasalita pa lamang sana siya nang biglang nagtatakbo si Manager Anne palapit sa kinaroroonan nila ni Gavin. "Maya, kailangan mo nang umuwi. Nasusunog ang building na tinitirhan niyo," may pag-aalalang sabi ni Manager Anne habang ipinapakita ang live video nang nasusunog na gusali kay Maya. Biglang nanghina ang mga tuhod ni Maya. Halos tumriple ang bilis ng tibok niya. Nangilid agad ang mga luha kaniyang mga mata nang maalala niya ang mga anak at kaibigan niya. Halos manginig na rin ang buo niyang katawan dahil sa takot at nerbyos. "Sir, pasensya na po kung iiwan ko kayo at ang pagkain sa mesa pero kailangan ko na pong umalis. Kailangan ko pong puntahan sina Hope a----" Tumayo si Gavin. Pinunasan niya ang kaniyang labi at saka nag-iwan ng pera sa mesa. "I'll go with you," he said without any hesitation. Natulala si Maya sa sinabing iyon ni Gavin pero agad din siyang bumalik sa wisyo. "Si-Sige po. Manager Anne, dito na po muna ang bisekleta ko. Balikan ko na lang po bukas. Pasensya na po." "No worries, Maya. Sige na. Umalis na kayo at palaki na nang palaki ang apoy," pagtataboy ni Manager Anne. Tuluyan nang nabasa ang mga pisngi ni Maya. Napatingin siya sa kamay ni Gavin nang tapikin nito ang kaniyang balikat. "Let's go. Don't worry. Hope will be fine. Let's pray for her while we're on our way." Hinawakan ni Gavin ang kamay ni Maya at inakay na ito patungo sa sasakyan niya.Halos lumuwa ang mga mata ni Avva nang makatapak siya sa isa sa mga Villa ng mga Thompson. Napakalawak nito at ang bawat dinaanan nila ay nagsusumigaw at nagpapakita ng pambihirang yaman. Mula siya sa mayamang angkan pero ito ang unang beses na namangha nang husto ang kaniyang mga mata! Sigurado siyang gagapang pabalik sa kaniya ang kaniyang mga kapatid at mga magulang kapag nalaman ng mga ito na siya ang magiging asawa ng isang Gavin Thompson! Itinakwil siya ng mga ito dahil sa kinasangkutan niyang scandal, limang taon na ang nakalilipas at si Maya ang lubos niyang sinisi sa lahat ng mga kamalasang dumating sa buhay niya. Sagad man sa buto ang pagkamuhi niya rito ay pilit niyang sinikmura na makita at makasama ito araw-araw para lang masaksihan ang paghihirap nito! Sa kasamaang palad ay mas naging mahirap siya rito dahil sa angkin nitong sipag at diskarte sa buhay. “Mommy, sobrang yaman po pala ni daddy!’ bulalas ni Hivo habang iniikot ang kaniyang mga mata sa lugar. “Oo nga po, mom
Humahangos na tumakbo si Maya patungo sa harap ng nag-aapoy na gusali kung saan naroroon ang kaniyang mga anak na sina Matthan at Hope. Halos matumba siya nang makita niya kung gaano na kalala ang sunog. Nanginginig ang kaniyang labi habang inuusal ang pangalan ng kaniyang mga anak.“Hope…Matthan. Diyos ko! Iligtas at protektahan Mo po ang mga anak ko!” mahinang bulong ni Maya. Nag-uunahang tumulo ang kaniyang mga luha habang tahimik na nagdadasal.Hindi malaman ni Gavin kung paano niya mapapagaan ang pakiramdam ng babaeng babago pa lamang niyang nakikilala. Nag-aalangan man ay nagawa niyang hawakan ito sa balikat. Hinaplos niya rin ang likod nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin.Halos gumuho ang mundo ni Maya nang makita niya ang sunod-sunod na mga bangkay na bitbit mga rescuer sa mga stretch beds. Biglang natuyo ang kaniyang mga mata. Mabigat man ang pakiramdam ng kaniyang paa na para bang may mga kadenang nakatali sa mga ito ay nagawa niya itong ihakbang. Lumapit
“Bitiwan niyo ako! Ililigtas ko ang mga anak ko!”“Pasensya na po, misis pero hindi po namin kayo hahayaang makapasok sa area.” Napatingin ang bumbero sa halos kararating lang na si Gavin. Habol nito ang paghinga dahil sa paghabol kay Maya. “Mister, bantayan niyo po ang misis niyo. Gustong-gusto rin po naming iligtas ang lahat ng nasa gusali pero dahil sa patuloy na pagkalat ng apoy, limitado lamang po ang aming pagkilos. Ganunpaman, ginagawa po namin ang aming makakaya para makapagligtas ng buhay. Pasensya na po.”Kinuha ni Gavin ang nanlalatang si Maya sa bisig ng bumbero. Halos mamaga na ang mga mata nito sa kakaiyak. Niyakap niya ito nang mahigpit at hinaplos ang buhok nito. Muli na namang nanumbalik sa kaniyang ala-ala ang gabing iyon, limang taon na ang nakalilipas dahil sa amoy na nagmumula sa buhok nito.“Maya…”“Sa kagustuhan kong kumita at makaipon ng pera para sa nalalapit na pagpasok ng mga anak ko ay nagawa ko silang iwan sa pangangalaga ng aking kaibigan. Hindi ko kakaya
“Brandon, right?”“Yes po, Miss Avva. May kailangan po ba kayo? Kung may kailangan po kayo ay huwag po kayong mahihiyang magsabi sa akin o kaya naman ay sa mga katulong dito. May maipaglilingkod po ba ako sa inyo?” magalang na tugon ni Brandon.“Anong oras ba darating si Gavin? Nakatulog na ang mga anak namin sa kahihintay sa kaniya.” Kasalukuyang nasa tig-isang kuwarto na sina Hivo at Bia samantalang si Avva naman ay nasa sala, matiyagang hinihintay ang pagdating ni Gavin.“Regarding that, I don't have a specific answer po eh pero huwag po kayong mag-alala kasi aware naman po si Sir Gavin na naririto na kayo. Alam din niyang hinihintay niyo siya. Baka nagkaproblema lang ng kaunti o kaya naman ay may biglaang inutos si senior kaya po siya natagalan. May gusto po ba kayong kainin? Ipapahanda ko po ulit sa chef kung mayroon man.” Ngumiti si Brandon. Pasulyap-sulyap siya sa kaniyang cell phone dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagrereply ang kaniyang amo. Halos naka-thirty missed cal
“Sir Gavin, ano pong nangyari sa inyo? Bakit hindi po kayo nakauwi kagabi at saka bakit po gan'yan ang hitsura niyo?” sunod-sunod na tanong ni Brandon nang nabungaran niya ang kararating lang na si Gavin. Gulong-gulo ang buhok nito at puro dumi ang suot na puting long sleeves. Ang suit nito ay nakasabit sa braso nito.“Don't talk to me like you're my mom. I'm tired, Brandon. Wala pa akong matinong tulog.” Hinilot ni Gavin ang kaniyang sintido. Inihagis niya kay Brandon ang kaniyang suit at pagkatapos ay nahiga siya sa couch.Sinalo ni Brandon ang suit ni Gavin. “Pasensya na po, Sir Gavin. Nag-alala lang po ako sa inyo. Akala ko po kasi eh kung ano na naman ang ginawa ng blind date niyo sa inyo,” nakayukong turan niya.“P'wede bang iwan mo muna ako? Gusto ko munang magpahinga at matulog. Stop talking. You're bombarding my ears,” nakapikit na sabi ni Gavin.“Pasensya na po, Sir Gavin.” Napakamot sa kaniyang ulo si Brandon nang makita niyang nakangiting bumababa ng hagdan si Avva.“Sir G
Nang makarating si Gavin sa kaniyang condo ay agad siyang nahiga sa malambot na kama. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata dahil gustong-gusto na niyang matulog.“D@mn it!” sigaw ni Gavin sabay bangon sa kaniyang kama. Sinabunutan niya ang kaniyang sarili. “What’s happening to me? Why am I thinking about that woman…again?”Tumayo si Gavin at naglakad patungo sa kinaroroonan ng refrigerator. Binuksan niya iyon at kumuha ng isang bottled water pero sa halip na inumin niya iyon ay ibinuhos niya iyon sa kaniyang ulo. Kinaligkig siya nang maramdaman niya ang pagdampi ng malamig na tubig sa kaniyang anit at balat.“Go back to your senses, Gavin! That woman has nothing to do with you!” Itinapon ni Gavin ang walang lamang bote sa trash can at saka naglakad patungo sa shower room. “Maybe, I need to take a bath first, before I go to sleep. Tama. Baka sakaling kulang lang ako sa tulog. Makakalimutan ko rin ang tungkol kina Maya at Hope.”Hinubad ni Gavin ang lahat ng kaniyang suot at inihagis ang
Tulala si Maya habang nakatitig sa kabaong ni Matthan. Namumugto na ang kaniyang mga mata dahil sa walang tigil na pag-iyak. Pilit niyang itinatanim sa kaniyang isip na buhay na buhay pa ang kaniyang anak pero hindi. Wala na talaga ang masigla, masayahin, maalaga, mabait at mapagmahal niyang anak.“Maya, magpahinga ka na muna. Kagabi ka pang walang tulog,” ani Nirvana, ang may-ari ng nasunog na gusali.Umiling si Maya. Ayaw niyang iwan ang anak niya. Pinagsisisihan niyang iniwan niya ang mga ito sa pangangalaga ni Avva. Nalaman niya kasi sa mga kapitbahay nila na umalis din agad ang kaniyang matalik na kaibigan kasama sina Hivo at Bia, ilang minuto lang pagkatapos niyang umalis. Alam niyang walang kasalanan si Avva sa nangyaring sunog pero hindi niya maikaila sa kaniyang sarili na sinisisi niya rin ito sa nangyari. Kung isinama lang nito ang mga anak niya, hindi sana nakahimlay ngayon sa kabaong si Matthan.“Nakabalik na po ba si Avva?” tulala at walang emosyong tanong ni Maya.“Hindi
“Iwan niyo po muna kami, pakiusap,” bulong ni Maya kay Nirvana.“Sigurado ka, Maya?” nag-aalangang tanong ni Nirvana.Tumango si Maya. Agad namang dumistansya si Nirvana. Hindi na niya hinintay na makalapit pa sa puntod ni Matthan ang kaniyang pamilya. Sinalubong na niya ang mga ito. “Anong ginagawa niyo rito?”“Bakit naman gan’yan ang bungad mo sa amin? Hindi mo ba kami na miss? Hindi ka ba natutuwa na makita kami ngayon?” nakangiting tanong ni Angelita.“Sa tingin niyo, ano ang nararamdaman ko ngayon? Sa palagay niyo ba ay mag-iiiyak ako sa tuwa dahil nagpakita kayo sa akin matapos niyo akong itakwil, five years ago?” natatawang turan ni Maya.“Naparito kami para makiramay, hindi para makipag-away, Maya.” Iniabot ni David ang bulaklak na binili nila para sa namatay na anak ni Maya.Ngumiti si Maya at tinanggap ang bulaklak na ibinigay ng amang si David. “This is the first time that you bought me some flowers and unfortunately, it’s not for a celebration or for a sweet occasion but