Tulala si Maya habang nakatitig sa kabaong ni Matthan. Namumugto na ang kaniyang mga mata dahil sa walang tigil na pag-iyak. Pilit niyang itinatanim sa kaniyang isip na buhay na buhay pa ang kaniyang anak pero hindi. Wala na talaga ang masigla, masayahin, maalaga, mabait at mapagmahal niyang anak.“Maya, magpahinga ka na muna. Kagabi ka pang walang tulog,” ani Nirvana, ang may-ari ng nasunog na gusali.Umiling si Maya. Ayaw niyang iwan ang anak niya. Pinagsisisihan niyang iniwan niya ang mga ito sa pangangalaga ni Avva. Nalaman niya kasi sa mga kapitbahay nila na umalis din agad ang kaniyang matalik na kaibigan kasama sina Hivo at Bia, ilang minuto lang pagkatapos niyang umalis. Alam niyang walang kasalanan si Avva sa nangyaring sunog pero hindi niya maikaila sa kaniyang sarili na sinisisi niya rin ito sa nangyari. Kung isinama lang nito ang mga anak niya, hindi sana nakahimlay ngayon sa kabaong si Matthan.“Nakabalik na po ba si Avva?” tulala at walang emosyong tanong ni Maya.“Hindi
“Iwan niyo po muna kami, pakiusap,” bulong ni Maya kay Nirvana.“Sigurado ka, Maya?” nag-aalangang tanong ni Nirvana.Tumango si Maya. Agad namang dumistansya si Nirvana. Hindi na niya hinintay na makalapit pa sa puntod ni Matthan ang kaniyang pamilya. Sinalubong na niya ang mga ito. “Anong ginagawa niyo rito?”“Bakit naman gan’yan ang bungad mo sa amin? Hindi mo ba kami na miss? Hindi ka ba natutuwa na makita kami ngayon?” nakangiting tanong ni Angelita.“Sa tingin niyo, ano ang nararamdaman ko ngayon? Sa palagay niyo ba ay mag-iiiyak ako sa tuwa dahil nagpakita kayo sa akin matapos niyo akong itakwil, five years ago?” natatawang turan ni Maya.“Naparito kami para makiramay, hindi para makipag-away, Maya.” Iniabot ni David ang bulaklak na binili nila para sa namatay na anak ni Maya.Ngumiti si Maya at tinanggap ang bulaklak na ibinigay ng amang si David. “This is the first time that you bought me some flowers and unfortunately, it’s not for a celebration or for a sweet occasion but
“Saan po tayo pupunta, lolo?” tanong ni Hope habang nakaluhod sa upuan ng sasakyan. Nakahawak ang kaniyang mga kamay sa nakasaradong bintana habang manghang pinapanood ang daan.“‘Di ba sabi mo kanina eh nagugutom ka na? Dadalhin ka ni lolo sa lugar kung saan nag-se-serve mayroong mga masasarap na pagkain,” nakangiting tugon ni Don Gilberto.“Talaga po?” Biglang nagningning ang mga mata ni Hope.Tumango si Don Gilberto. Giliw na giliw siya sa batang babae. Napakabibo nito at napakamasayahin. Bukod doon ay maalam itong gumalang sa mga nakatatanda. “Nasaan nga pala ang mommy mo, Hope?” nakangiting tanong ni Don Gilberto.Nawala ang kinang sa mga mata ni Hope. Umupo siya nang maayos at saka yumuko. Nilaro niya ang kaniyang mga daliri.“Bakit bigla kang nalungkot? May nasabi bang masama si lolo?” Humarap si Don Gilberto kay Hope at hinaplos ang buhok nito.“Nasa hospital po si mommy,” naiiyak na tugon ni Hope.“Ha? Bakit? Anong nangyari? May sakit ba siya? Sinong kasama niya roon?” sunod
“No! We will not take a bath unless mommy does it!” Bia yelled out of disappointment when she learned that her Mommy Avva will not take a bath with her.“Pero Senyorita Bia, may ginagawa po si Miss Avva. Abala siya sa pagpapaayos ng kaniyang sarili,” magalang na turan ni Aling Elvira.“No! I want mommy! Nasanay na po akong sabay kaming naliligo ni mommy araw-araw,” simangot na wika ni Bia. She crossed her arms.“Senyorito Hivo, kayo na muna po ang liliguan ko. Ay—”“Hindi po ako papayag na hahawakan ng ibang tao ang katawan ko lalong-lalo na ang private area ko! Si mommy lang po ang gusto kong humawak sa akin,” giit naman ni Hivo.“Pero senyorito, kailangan na po nating magmadali dahil may pupuntahan po kayo kasama si Sir Brandon. Pakiusap po, hayaan niyo na po akong paliguan kayo. Senyorita Bia, pakiusap. Kung gusto niyo po ay sabay ko na kayong paliliguan,” nakangiting sabi ni Aling Elvira.“NO! WE ONLY WANT MOMMY!” sabay na sigaw ng kambal.Napahinga nang malalim si Aling Elvira ha
Nagmamadaling bumaba ng kaniyang big bike si Gavin at agad na pumasok sa mataas na gusali kung saan naroroon ang kaniyang lolo. Maya’t-maya ang tingin niya sa orasan dahil nag-aalala na rin siya sa kalagayan ni Hope. Pagpasok niya sa restaurant ay mabilis niyang inilibot ang kaniyang mga mata. He’s trying to find his grandfather as fast as he can. “Aray!” daing ni Gavin nang may humampas na kung ano sa may binti niya. Galit na galit niyang hinarap ang taong nasa likuran niya. Agad din namang napalitan ng malapad na ngiti ang kaniyang ekspresyon nang makita niya kung sino ang humampas sa kaniya. “Lo-Lolo! It’s nice to see you again!” masigla niyang pagbati. Nagtaka siya kung bakit hindi maipinta ang mukha nito. “Sumunod ka sa akin.” Naglakad si Don Gilberto patungo sa mesang ipina-reserved niya. Inutusan niya ang kaniyang mga tauhan na iwan na muna sila ng kaniyang apo para makapag-usap sila nang masinsinan. Sumunod din naman agad ang mga ito. “Bakit niyo nga po pala ako biglang ipin
“Lolo, huwag niyo naman pong gagawin sa akin ang bagay na ‘yon. Alam kong importante po sa inyo ang dangal at puri ng ating pamilya pero siguro naman po ay mas importante ang kinabukasan at nararamdaman ko kaysa sa mga ‘yon, hindi ba? Pinagbayaran ko na po ang kasalanang hindi ko naman sinasadyang mangyari five years ago. I was drugged and was drunk that time. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nga po alam kung sino ang tumarantado sa akin noon. Tinanggap ko po ang lahat ng mga parusang ipinatong niyo sa akin nang hindi nagrereklamo. Hindi pa po ba sapat ang limang taon, lolo? My life back then was a living hell. If I ever impregnated the woman whom I slept five years ago at Crimson Hotel, I will accept my children but then again, as I have said, I am not going to tie the knot with her. I will only marry the girl whom my heart belongs,” Gavin said with finality in his voice.Don Gilberto sighed. May punto rin nga naman ang apo niya. He already paid his debt and he has the right to cho
Hindi magkandaugaga si Brandon sa pagbibitbit ng mga pinamili nina Avva, Hivo at Bia. Sa tantsa niya ay umabot ng halos labinlimang milyong piso ang nalustay ng mga ito sa loob lamang ng kalahating oras. Halos malaglag na ang ilan sa mga bitbit niya pero walang pakialam ang mag-iina. Patuloy lang ang mga ito sa paglalakad habang patingin-tingin pa rin sa mga stores sa loob ng Supermalls.“Mommy, are you sure that daddy will not be mad kapag po nalaman niyang sobrang laki nang nagastos natin ngayong araw?” tanong ni Hivo habang nakahawak sa kamay ni Avva.“Your daddy loves us so much kaya sigurado akong hindi siya magagalit sa atin. Isa pa, barya lang sa mga Thompsons ang labinlimang milyong piso,” nakangiting tugon ni Avva.“Mommy, hindi pa po ba tayo uuwi? Masakit na po ang paa ko kakalakad dito sa Supermalls,” reklamo ni Bia. Paano ba naman hindi sasakit ang paa niya eh nakasuot siya ngayon ng high heels. Pinilit siya ng mommy niya na isuot na kaagad ang bagong biling sapatos niya n
Tahimik na nagsusulyapan sina Don Gilberto, Hope at Gavin habang mabagal silang kumakain.“Lolo, marami pong salamat sa ice cream! Kahit papaano po ay naibsan nito ang aking kalungkutan at pagdadalamhati,” ani Hope habang nakangiting nakatitig kay Don Gilberto.Kumuha ng tissue si Don Gilberto at lumapit siya nang kaunti kay Hope para punasan ang amos nito sa mukha. “You’re always welcome, Hope. Kumain ka lang nang kumain ha. Huwag kang mahihiya sa amin ng daddy mo. Kung may gusto ka pang kainin na wala rito sa table natin, magsabi ka lang at oorderin ni lolo.”“Wow! Ang bait-bait niyo po talaga, lolo. Sa inyo po pala nagmana si daddy. Guwapo, mabango, mayaman, mabait at maalalahanin pa! Hindi na po ako nagtataka kung bakit bumubuhos po ang biyaya sa inyo ni daddy kasi pareho po kayong mabuting tao,” pagkasabi noon ay sumub0 na ulit si Hope ng ice cream.Tumawa nang mahina si Don Gilberto. Giliw na giliw siya kay Hope. “I must say na napalaki ka nang maayos ng mommy mo. Ano ngang pang