“No! We will not take a bath unless mommy does it!” Bia yelled out of disappointment when she learned that her Mommy Avva will not take a bath with her.“Pero Senyorita Bia, may ginagawa po si Miss Avva. Abala siya sa pagpapaayos ng kaniyang sarili,” magalang na turan ni Aling Elvira.“No! I want mommy! Nasanay na po akong sabay kaming naliligo ni mommy araw-araw,” simangot na wika ni Bia. She crossed her arms.“Senyorito Hivo, kayo na muna po ang liliguan ko. Ay—”“Hindi po ako papayag na hahawakan ng ibang tao ang katawan ko lalong-lalo na ang private area ko! Si mommy lang po ang gusto kong humawak sa akin,” giit naman ni Hivo.“Pero senyorito, kailangan na po nating magmadali dahil may pupuntahan po kayo kasama si Sir Brandon. Pakiusap po, hayaan niyo na po akong paliguan kayo. Senyorita Bia, pakiusap. Kung gusto niyo po ay sabay ko na kayong paliliguan,” nakangiting sabi ni Aling Elvira.“NO! WE ONLY WANT MOMMY!” sabay na sigaw ng kambal.Napahinga nang malalim si Aling Elvira ha
Nagmamadaling bumaba ng kaniyang big bike si Gavin at agad na pumasok sa mataas na gusali kung saan naroroon ang kaniyang lolo. Maya’t-maya ang tingin niya sa orasan dahil nag-aalala na rin siya sa kalagayan ni Hope. Pagpasok niya sa restaurant ay mabilis niyang inilibot ang kaniyang mga mata. He’s trying to find his grandfather as fast as he can. “Aray!” daing ni Gavin nang may humampas na kung ano sa may binti niya. Galit na galit niyang hinarap ang taong nasa likuran niya. Agad din namang napalitan ng malapad na ngiti ang kaniyang ekspresyon nang makita niya kung sino ang humampas sa kaniya. “Lo-Lolo! It’s nice to see you again!” masigla niyang pagbati. Nagtaka siya kung bakit hindi maipinta ang mukha nito. “Sumunod ka sa akin.” Naglakad si Don Gilberto patungo sa mesang ipina-reserved niya. Inutusan niya ang kaniyang mga tauhan na iwan na muna sila ng kaniyang apo para makapag-usap sila nang masinsinan. Sumunod din naman agad ang mga ito. “Bakit niyo nga po pala ako biglang ipin
“Lolo, huwag niyo naman pong gagawin sa akin ang bagay na ‘yon. Alam kong importante po sa inyo ang dangal at puri ng ating pamilya pero siguro naman po ay mas importante ang kinabukasan at nararamdaman ko kaysa sa mga ‘yon, hindi ba? Pinagbayaran ko na po ang kasalanang hindi ko naman sinasadyang mangyari five years ago. I was drugged and was drunk that time. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nga po alam kung sino ang tumarantado sa akin noon. Tinanggap ko po ang lahat ng mga parusang ipinatong niyo sa akin nang hindi nagrereklamo. Hindi pa po ba sapat ang limang taon, lolo? My life back then was a living hell. If I ever impregnated the woman whom I slept five years ago at Crimson Hotel, I will accept my children but then again, as I have said, I am not going to tie the knot with her. I will only marry the girl whom my heart belongs,” Gavin said with finality in his voice.Don Gilberto sighed. May punto rin nga naman ang apo niya. He already paid his debt and he has the right to cho
Hindi magkandaugaga si Brandon sa pagbibitbit ng mga pinamili nina Avva, Hivo at Bia. Sa tantsa niya ay umabot ng halos labinlimang milyong piso ang nalustay ng mga ito sa loob lamang ng kalahating oras. Halos malaglag na ang ilan sa mga bitbit niya pero walang pakialam ang mag-iina. Patuloy lang ang mga ito sa paglalakad habang patingin-tingin pa rin sa mga stores sa loob ng Supermalls.“Mommy, are you sure that daddy will not be mad kapag po nalaman niyang sobrang laki nang nagastos natin ngayong araw?” tanong ni Hivo habang nakahawak sa kamay ni Avva.“Your daddy loves us so much kaya sigurado akong hindi siya magagalit sa atin. Isa pa, barya lang sa mga Thompsons ang labinlimang milyong piso,” nakangiting tugon ni Avva.“Mommy, hindi pa po ba tayo uuwi? Masakit na po ang paa ko kakalakad dito sa Supermalls,” reklamo ni Bia. Paano ba naman hindi sasakit ang paa niya eh nakasuot siya ngayon ng high heels. Pinilit siya ng mommy niya na isuot na kaagad ang bagong biling sapatos niya n
Tahimik na nagsusulyapan sina Don Gilberto, Hope at Gavin habang mabagal silang kumakain.“Lolo, marami pong salamat sa ice cream! Kahit papaano po ay naibsan nito ang aking kalungkutan at pagdadalamhati,” ani Hope habang nakangiting nakatitig kay Don Gilberto.Kumuha ng tissue si Don Gilberto at lumapit siya nang kaunti kay Hope para punasan ang amos nito sa mukha. “You’re always welcome, Hope. Kumain ka lang nang kumain ha. Huwag kang mahihiya sa amin ng daddy mo. Kung may gusto ka pang kainin na wala rito sa table natin, magsabi ka lang at oorderin ni lolo.”“Wow! Ang bait-bait niyo po talaga, lolo. Sa inyo po pala nagmana si daddy. Guwapo, mabango, mayaman, mabait at maalalahanin pa! Hindi na po ako nagtataka kung bakit bumubuhos po ang biyaya sa inyo ni daddy kasi pareho po kayong mabuting tao,” pagkasabi noon ay sumub0 na ulit si Hope ng ice cream.Tumawa nang mahina si Don Gilberto. Giliw na giliw siya kay Hope. “I must say na napalaki ka nang maayos ng mommy mo. Ano ngang pang
"Mommy, hindi po ba natin dadalhan ng pagkain si Bia? Ipag-takeout po natin siya, mommy at saka po si Kuya Brandon. Sigurado po akong gutom na rin po sila,” suhestiyon ni Hivo.Itinabi ni Avva sa loob ng kaniyang mamahaling bag ang kaniyang lipstick at foundation. Katatapos niyang lang mag-retouch ng kaniyang makeup. “May tira naman tayong pagkain dito. Ipapabalot ko na lang.”Tiningnan ni Hivo ang mga tira-tirang pagkain sa mesa. Kahit sinong magkita noon ay tiyak na hindi na iyon kakainin at pamihadong mawawalan ng ganang kumain. Bakas sa kaniyang mukha ang pandidiri. “Mommy, I don’t think that it’s a good idea. Look at those leftovers. May card naman po kayo mommy. Bilhan na lang po natin sila ng pagkain nila,” nakangiting sambit niya.Tumaas ang isang kilay ni Avva. “We’re not wasting any money on foods. Ang dami pa nitong mga tira natin, oh! Kung ayaw mong bitbitin ang mga ‘yan, then, we are not going to buy any food for them. Kailangan nating tipirin ang pera ng daddy mo. Hindi
“Lolo, you misunderstood the situation. I badly want to tell you this but I don't want to humiliate that kid in front of you…”Kinamot ni Don Gilberto ang kaniyang ulo. “Anong ibig mong sabihin? Hindi mo anak si Hope? ‘Yon ba, Gavin?”Tumango si Gavin.Tumawa nang pagak si Don Gilberto at saka umiling. “I don't believe you, rasc@l. That kid has almost the same taste and personality as you when you were a kid. Can't you see her eyes? She's your girl vers—”“His father is staying somewhere around the globe. She's not my daughter, lolo. As much as I want to, she's not carrying my genes. Aaminin ko pong magaan din ang loob ko kay Hope kahit noong unang beses kaming nagkita at halos tumalon ang puso ko nang tawagin niya akong daddy pero lolo, that's just my feeling. Facts are different from our emotions and hunch. Besides, tinawag niya lang po akong daddy dahil gusto niya po ako para sa kaniyang mommy. She's longing for her real dad whom she never met since she was a baby. Kahit tanungin n
“Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ‘yon! Nakaalis lang sa puder natin, aba! Natuto nang managot at mangatuwiran ng baluktot!” Inihagis ni Angelita ang kaniyang bag sa couch. Tinawag niya ang kanilang katulong at humingi ng isang basong malamig na tubig.“Dahan-dahan sa pag-inom at baka masamid ka,” paalala ni David.“Ikaw kasi! Napakatigas ng ulo mo. Nagsayang tuloy tayo ng oras. Ang layo-layo ng binyahe natin tapos wala naman tayong napala kung hindi ang sagot-sagutin ng babaeng ‘yon.” Nagpatuloy sa pag-inom ng tubig si Angelita. Pakiramdam niya ay tumaas ang presyon niya dahil sa inasal ni Maya kanina. Hindi siya sanay na lumalaban ito ng gan’on. Nasanay siyang sunod-sunuran ito sa kanila.“It’s the least that we can do to lessen her pain. Alam mo kung gaano kasakit mawalan ng mahal sa buhay, Angel. Nagalit man siya sa atin, at least alam niyang may pakialam pa rin tayo sa kaniya,” malumanay na turan ni David.Padabog na ibinaba ni Angelita ang basong hawak niya. Muntik na itong
Dumating sina Don Gilberto , Donya Conciana, at Miguel sa bahay. Ang unang bumungad sa kanila ay si Hannah. Nakaupo ito sa mahabang sofa. Mabilis na tumayo si Hannah at sumalubong sa mga matatanda. “Good evening po,” bati ni Hannah at nagmano kay Donya Conciana. Ngumiti ang matanda. “Magandang gabi rin, hija.”At sunod ay nagmano si Hannah kay Don Gilberto. Ngumiti lang ang matandang lalaki bilang tugon. Taliwas sa Hannah na animo’y dragon sa harap ni Maya at ng mga bata, ay para itong anghel na hindi makabasag ng pinggan ngayon sa harap ng kasintahan at ng dalawang matanda.Panghuling nilapitan ni Hannah si Miguel. Sinalubong niya ng yakap ang fiance. Hinalikan ni Miguel sa noo si Hannah. Naunang pumasok ang dalawang matanda at naiwan sina Miguel at Hannah sa pinto na magkayakap. “Kumusta ang lakad niyo, love?” malambing na tanong ni Hannah kay Miguel.“Okay lang naman. How are you, love?” malambing na wika rin ni Miguel. “Ayos lang naman. I stayed the whole day here. Naglinis, n
Napataas ng kilay si Hannah nang makita si Maya na nagpupuyos sa galit. She even crossed her arms as she looked at Maya with a wicked smile. “Can’t you see it? Iyang mga anak mo, nagkakalat dito sa kusina ko. Kung anu-ano ang pinaggagawa ng mga anak mo. Masyado ka kasing naging pabayang ina. Look at what they did to my kitchen. Ang dumi-dumi! Gosh, pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong magulo at makalat!” litanya ni Hannah.Hindi pinansin ni Maya ang sinabing iyon ni Hannah. Nakatingin lang siya sa mga bata na niliguan ng cake mixture. Hindi siya bayolenteng tao pero pagdating sa mga anak niya, kaya niyang gawin ang lahat lalo na kung naagrabyado ang mga anak niya. Naglakad siya patungo sa mga bata. “Are you ignoring me?” inis na wika ni Hannah nang hindi siya sinagot ni Maya at paranf hangin lang siyang dinaanan nito. “Ayos lang ba kayo mga anak?” malumanay na tanong ni Maya at agad na sinuri isa-isa ang mga bata kung may sugat o pasa ba ang mga ito. “A-Ayos lang po kami, mo
Mabilis na tumalima ang tatlong bata sa sinabi ni Maya. Nang masigurong nakapasok na ng silid ang tatlo ay saka niya muling hinarap si Hannah.“Oh, ano’ng tinitingin-tingin mo?" masungit na sambit ni Hannah.“Alam mo, girlfriend ka pa lang ni papa pero kung mag-aasta ka rito sa pamamahay niya eh parang asawa ka na niya. Kung gusto mong irespeto kita, matuto ka ring magbigay ng respeto. Isa pa, huwag kang umastang reyna rito dahil wala ka pa namang korona.” Inis na inis si Maya kay Hannah. Natatakot rin siyang buksan ang cell phone niya dahil panay ang text at tawag ni Gavin kaya naisipan niyang patayin muna ang cell phone niya.“Abat at—” Hindi na naituloy ni Hannah ang sasabihin nang bigla siyang tinalikuran ni Maya. Nagpapadyak siya ng kaniyang mga paa. Pulang-pula ang mukha niya dahil sa sobrang inis.Maingat na binuksan ni Maya ang pinto ng silid kung saan naroroon ang mga anak niya. Lumakad siya palapit sa mga ito.“Mommy, are you sad?” tanong ni Bia. Mabilis na ngumiti si Maya
Napatulala si Maya. Tulog ang bunso niyang anak habang ang tatlong bata naman ay abala sa pagbabasa ng mga story books. Matapos ang nangyaring sagutan sa pagitan nilang dalawa ni Hannah ay nagbago na ang tingin niya sa katipan ng papa niya. Hindi niya lubos maisip na ganoon ang totoong ugali nito. Ayaw niyang patulan ito dahil ayaw niyang malungkot ang papa niya at higit sa lahat ay nais niyang pakisamahan ito dahil magiging parte ito ng pamilya nila…ngunit… nagbago na ang isip niya. “Pahiram naman ako niyan, Hivo!” nakangusong ungot ni Bia sa kapatid. “Eh, ‘di pa ako tapos. Maghanap ka ng ibang babasahin mo!” angil ni Hivo.Ngumuso si Bia. “Nabasa ko na ang iba eh. Ikaw lang ‘tong mabagal kung magbasa.” “Hindi ko kasalanan kung mabilis kang magbasa at mabagal ako. I am still reading. Mind your own,” giit ni Hivo. “‘Wag nga kayong mag-away. Ano ba kayo!” saway ni Hope. Parehong napabaling sina Hivo at Bia kay Hope. “Eh, siya kasi!” sambit nina Hivo at Bia ng sabay. Magkapanabay
“Let’s go,” anas ni Garret at bigla niyang hinila si Maya nang makaalis sina Betina at Nijiro. Tulala lang si Avva at hindi maalis ang mata sa paalis na pigura ni Nijiro hanggang sa nawala ito sa paningin niya. Ni hindi man lamang niya ito nakausap nang matagal. Ni hindi man lamang niya ito nahagkan!“Maya?” muling tawag ni Garret na pumukaw sa atensyon ni Maya.“Y-yes, G-Garret?” pakli ni Avva.“We need to go to the hospital. Kailangan nating patingnan sa doktor ang kalagayan mo,” saad ni Garret. Hindi maalis sa isipan ni Garret ang pangamba. Nakaalis na sina Betina at Nijiro ngunit kabado pa rin siya sa mga posibleng maging tanong ni Maya. “Okay,” tugon ni Avva na wala sa sarili. Nagpatianod siya sa hila ni Garret hanggang makarating sila sa sasakyan nito. Todo alalay ito sa kaniya ngunit ang utak niya ay nanatili kay Nijiro. Sa maikling panahon na nakita niya ang paslit ay nakabisado na niya agad ang hitsura nito. Malakas ang kutob niyang anak niya si Nijiro. At tuwang-tuwa siya
Umagang-umaga ay nagmamadali sina Donya Conciana, Don Gilberto at ang daddy ni Maya. Isa-isang humalik ang mga matatanda sa mga bata. Si Maya naman ay nakamasid lang sa kaniyang ama, lolo at lola habang karga-karga niya ang bunsong anak na si Nathan na kasalukuyang dumedede sa kaniya. “Maya, anak…” anas ni Miguel saka hinalikan si Maya sa noo. “Aalis muna kami nina Don Gilberto at Donya Conciana ha. Kapag may gusto kayong bilhin, just order it. I will leave my card.” Inabot niya ang isang itim ng atm card sa kaniyang anak. “Papa, sa'yo na po itong black card. May supreme at sariling black card naman po ako rito. Binigay po sa akin nina tito saka ni Gavin,” sambit ni Maya sabay abot pabalik ng black card kay Miguel. “Are you sure, hija?" paniniguro ni Miguel. Tumango lang si Maya habang nakangiti. “Sige. Oo nga pala, if ever gusto ng mga app kong umalis, magpunta sa park may ‘di kalayuan rito, p’wede silang magpasama kay Hannah. Right, love?” Nilingon ni Miguel si Hannah.
Nakarating si Garret sa ground floor karga-karga pa rin si Avva sa bisig niya. Akmang lalabas na siya nang makasalubong niya si Betina, hawak-hawak nito si Nijiro. ‘What the hell is she doing here? Kasama pa niya ang anak ko!’ Napakurap si Garret, nanigas ang buong katawan niya at hindi siya makagalaw. Napansin agad ni Betina ang pagkabalisa ng kaniyang kapatid. “Nigel, what happened? Bakit…” Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang makita niya si Maya sa bisig ni Garret. “W-What are you doing here, Betina?” halos pabulong ng sambit ni Garret. Papalit-palit ang tingin niya kay Betina at sa anak niyang si Nijiro. Wala sa plano niyang ipakita at ipakilala si Nijiro kay Maya dahil ayaw niyang malaman ng babaeng tinatangi niya ang tungkol sa anak niya. Nanlalamig na ang buong katawan niya sa kaba, lalo na ng humakbang si Nijiro palapit sa kaniya, mabuti na lang at mabilis itong nahila ni Betina.“Tita?” anas ng bata na nag-angat ng tingin sa tiyahin niyang magkasalubong agad
“Shit!” malutong na mura ni Jett habang mabilis na nagtitipa ng code sa kaniyang laptop. “Wala na bang ibibilis pa ‘yan? Garret’s almost there!” tarantang wika ni Fitz.“I am doing my best here, Fitz!” giit ni Jett, habang hindi magkamayaw sa pagtipa.“Jett, I believe in you. Ikaw ang great hacker at isa sa mga best CIA at FBI agent noon. Naniniwala ako sa kakayahan mo. Please, don't disappoint me," Gavin pleaded.Rinig na rinig nilang lahat ang usapan nina Garret at Avva. Ultimo pagbilig ng hininga ni Avva ay dining na dinig nila na mas dumadagdag sa kaba na nararamdaman nilang tatlo. Nakasalalay kay Jett ang lahat, kapag hindi agad nito nagawa ang pagpapalit ng footage ay katapusan na ng lahat ng mga plano nila. “Fuck!” mura ni Gavin nang marinig ang pagtunog ng elavator. Palabas na sina Avva at Garret sa elevator. “Jett, damn it! Ilabas mo na ang yabang mo ngayon. Bilisan mo! They are almost there!” “I know! Naririnig ko sila!” inis na wika ni Jett, habang nanatiling nagtitipa s
Bumukas ang pinto ng elevator. Nagulat si Garret nang makita niya si Maya na lumabas ng elavator kaya agad siyang lumapit dito para tanungin ito. “Sa’n ka pupunta, Maya?” gulat na tanong ni Garret at hinawakan ang braso ni Maya.Kumurap si Avva sa gulat. Hindi niya akalain na magkakasalubong sila ni Garret. Napalunok siya bago sumagot. “Ah… nagugutom na kasi ako. Bibili na lang sana ako ng makakain. Hindi ka pa kasi bumabalik, eh. Iniisip ko baka may g-ginagawa ka kaya bumaba na lang ako," nauutal na sabi ni Avva. Malakas ang kabog ng dibdib niya.. “Kumalma ka lang, Avva. H’wag kang magpapahalata." Rinig ni Avva ang boses ni Gavin mula sa earpiece niya. “G-Gutom na talaga kasi ako, Garret.”“I was on my way out para bilhan ka ng makakain. Kaso, nagkaroon ng aberya. May customer na nagrereklamo dahil nawala ang wallet niya. Kaya imbes dumiretso ako palabas. Kinailangan ko munang kausapin.” Pinagmasdang mabuti ni Garret ang mukha ni Maya. 'She looks tense. Did I scare her earlier?'