Hindi magkandaugaga si Brandon sa pagbibitbit ng mga pinamili nina Avva, Hivo at Bia. Sa tantsa niya ay umabot ng halos labinlimang milyong piso ang nalustay ng mga ito sa loob lamang ng kalahating oras. Halos malaglag na ang ilan sa mga bitbit niya pero walang pakialam ang mag-iina. Patuloy lang ang mga ito sa paglalakad habang patingin-tingin pa rin sa mga stores sa loob ng Supermalls.“Mommy, are you sure that daddy will not be mad kapag po nalaman niyang sobrang laki nang nagastos natin ngayong araw?” tanong ni Hivo habang nakahawak sa kamay ni Avva.“Your daddy loves us so much kaya sigurado akong hindi siya magagalit sa atin. Isa pa, barya lang sa mga Thompsons ang labinlimang milyong piso,” nakangiting tugon ni Avva.“Mommy, hindi pa po ba tayo uuwi? Masakit na po ang paa ko kakalakad dito sa Supermalls,” reklamo ni Bia. Paano ba naman hindi sasakit ang paa niya eh nakasuot siya ngayon ng high heels. Pinilit siya ng mommy niya na isuot na kaagad ang bagong biling sapatos niya n
Tahimik na nagsusulyapan sina Don Gilberto, Hope at Gavin habang mabagal silang kumakain.“Lolo, marami pong salamat sa ice cream! Kahit papaano po ay naibsan nito ang aking kalungkutan at pagdadalamhati,” ani Hope habang nakangiting nakatitig kay Don Gilberto.Kumuha ng tissue si Don Gilberto at lumapit siya nang kaunti kay Hope para punasan ang amos nito sa mukha. “You’re always welcome, Hope. Kumain ka lang nang kumain ha. Huwag kang mahihiya sa amin ng daddy mo. Kung may gusto ka pang kainin na wala rito sa table natin, magsabi ka lang at oorderin ni lolo.”“Wow! Ang bait-bait niyo po talaga, lolo. Sa inyo po pala nagmana si daddy. Guwapo, mabango, mayaman, mabait at maalalahanin pa! Hindi na po ako nagtataka kung bakit bumubuhos po ang biyaya sa inyo ni daddy kasi pareho po kayong mabuting tao,” pagkasabi noon ay sumub0 na ulit si Hope ng ice cream.Tumawa nang mahina si Don Gilberto. Giliw na giliw siya kay Hope. “I must say na napalaki ka nang maayos ng mommy mo. Ano ngang pang
"Mommy, hindi po ba natin dadalhan ng pagkain si Bia? Ipag-takeout po natin siya, mommy at saka po si Kuya Brandon. Sigurado po akong gutom na rin po sila,” suhestiyon ni Hivo.Itinabi ni Avva sa loob ng kaniyang mamahaling bag ang kaniyang lipstick at foundation. Katatapos niyang lang mag-retouch ng kaniyang makeup. “May tira naman tayong pagkain dito. Ipapabalot ko na lang.”Tiningnan ni Hivo ang mga tira-tirang pagkain sa mesa. Kahit sinong magkita noon ay tiyak na hindi na iyon kakainin at pamihadong mawawalan ng ganang kumain. Bakas sa kaniyang mukha ang pandidiri. “Mommy, I don’t think that it’s a good idea. Look at those leftovers. May card naman po kayo mommy. Bilhan na lang po natin sila ng pagkain nila,” nakangiting sambit niya.Tumaas ang isang kilay ni Avva. “We’re not wasting any money on foods. Ang dami pa nitong mga tira natin, oh! Kung ayaw mong bitbitin ang mga ‘yan, then, we are not going to buy any food for them. Kailangan nating tipirin ang pera ng daddy mo. Hindi
“Lolo, you misunderstood the situation. I badly want to tell you this but I don't want to humiliate that kid in front of you…”Kinamot ni Don Gilberto ang kaniyang ulo. “Anong ibig mong sabihin? Hindi mo anak si Hope? ‘Yon ba, Gavin?”Tumango si Gavin.Tumawa nang pagak si Don Gilberto at saka umiling. “I don't believe you, rasc@l. That kid has almost the same taste and personality as you when you were a kid. Can't you see her eyes? She's your girl vers—”“His father is staying somewhere around the globe. She's not my daughter, lolo. As much as I want to, she's not carrying my genes. Aaminin ko pong magaan din ang loob ko kay Hope kahit noong unang beses kaming nagkita at halos tumalon ang puso ko nang tawagin niya akong daddy pero lolo, that's just my feeling. Facts are different from our emotions and hunch. Besides, tinawag niya lang po akong daddy dahil gusto niya po ako para sa kaniyang mommy. She's longing for her real dad whom she never met since she was a baby. Kahit tanungin n
“Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ‘yon! Nakaalis lang sa puder natin, aba! Natuto nang managot at mangatuwiran ng baluktot!” Inihagis ni Angelita ang kaniyang bag sa couch. Tinawag niya ang kanilang katulong at humingi ng isang basong malamig na tubig.“Dahan-dahan sa pag-inom at baka masamid ka,” paalala ni David.“Ikaw kasi! Napakatigas ng ulo mo. Nagsayang tuloy tayo ng oras. Ang layo-layo ng binyahe natin tapos wala naman tayong napala kung hindi ang sagot-sagutin ng babaeng ‘yon.” Nagpatuloy sa pag-inom ng tubig si Angelita. Pakiramdam niya ay tumaas ang presyon niya dahil sa inasal ni Maya kanina. Hindi siya sanay na lumalaban ito ng gan’on. Nasanay siyang sunod-sunuran ito sa kanila.“It’s the least that we can do to lessen her pain. Alam mo kung gaano kasakit mawalan ng mahal sa buhay, Angel. Nagalit man siya sa atin, at least alam niyang may pakialam pa rin tayo sa kaniya,” malumanay na turan ni David.Padabog na ibinaba ni Angelita ang basong hawak niya. Muntik na itong
“Dalawang araw na tayong hindi sinisipot ni Senior Thompson. Naiinis na ako!” Inihagis ni April ang envelope na bitbit niya at marahang ibinaba sa kaniyang mesa ang kaniyang laptop at cell phones. Umupo na siya sa swivel chair pagkatapos.Agad na nilapitan ni Warren ang kaniyang asawa. “Honey. calm down. Alam mo naman kung gaano ka busy ang mga Thompson. We are also into business kaya may ideya rin tayo kung gaano ka hectic ang schedule ng mga tulad nila,” aniya habang minamasahe ang mga balikat ni April.“I really hate people who don't know how to value other people's time. Imagine, we fly all the way to one of their famous hotel and resort tapos ano? Mga staff at manager lang ang bubungad sa atin doon? Naghintay tayo ng two days, Warren. Two days ang nawala sa atin!” Hinilot ni April ang kaniyang sintido.Hinila ni Warren ang isang upuan sa tabi ni April at umupo roon. Niyakap niya ang kaniyang asawa. “Don’t stress yourself too much. Sige ka, baka bumalik ang mga acne at pimples mo,
“MOMMY!”Mabilis na lumingon si Maya nang marinig niya ang boses ng kaniyang anak na si Hope. Tumayo siya at dali-dali itong sinalubong. “Hope, anak, namiss ka na ni mommy. Buti na lang at naririto ka na,” nakapikit na sambit ni Maya. Agad siyang nagmulat nang mapansin niyang mag-isa lang na pumasok sa chapel ang anak niya. “Teka, wala ka bang kasama? Nakapag-isa ka papunta rito o ipinahatid ka ni Sir Gavin?” tanong niya.Ngumiti si Hope. “Uy, hinahanap ni mommy si daddy!”“Anong hinahanap eh tinatanong lang naman kita. Ikaw, ang bata-bata mo pa malisyosa ka na ha.” Hinalikan ni Maya sa noo si Hope sabay yakap dito.“I’m sorry po, mommy. Gusto lang naman po kitang pangitiin.” Biglang nangilid ang mga luha ni Hope nang mapatingin siya sa kabaong sa harap. Humikbi siya. “Mommy, nasa loob po ba no’n si Matthan?”Umawang ang bibig ni Maya. Bigla na naman siyang nanlambot lalo na nang makita niya ang reaksyon ni Hope. Her tears are about to fall.Mula sa kabaong ay lumipat ang mga mata ni
Abala sa pagbubuhat ng mga bulaklak si Gavin nang biglang tumawag si Brandon. “What is it?”[“Sir Gavin, kailangan niyo pong pumunta rito sa villa.”]Ibinigay ni Gavin sa tauhan ng kaniyang lolo ang hawak niyang bulaklak. “I’m still busy. Bakit? May problema ba?”[“Si Miss Avva po, sinasaktan niya ang mga bata.”]Nanlaki ang mga mata ni Gavin. “ANO?”[“Bilisan niyo na po Sir Gavin. Nagkulong po sila sa kuwarto. Wala pong pakinggan si Miss Avva miski ako. Pakiusap po, pumunta na po muna kayo rito. Nakakaawa na po sina Hivo at Bia. Oo nga po pala, huwag niyo pong uuliting ako ang nagsumbong sa inyo. Ayoko pong mapag-initan ng fiancee niyo.”]“Fiancee?” Gavin smirked. “Wala akong fiancee na maalam manakit ng mga bata!” Pinatay niya ang tawag at dali-daling sumakay ng kaniyang big bike. Hindi na siya nakapagpaalam sa kaniyang lolo at kay Maya dahil nagmamadali siya. Ngayong nakumpirma niyang dugo at laman niya nga sina Hivo at Bia ay hindi niya hahayaan ang kahit sino na saktan ang mga it