“Lolo, you misunderstood the situation. I badly want to tell you this but I don't want to humiliate that kid in front of you…”Kinamot ni Don Gilberto ang kaniyang ulo. “Anong ibig mong sabihin? Hindi mo anak si Hope? ‘Yon ba, Gavin?”Tumango si Gavin.Tumawa nang pagak si Don Gilberto at saka umiling. “I don't believe you, rasc@l. That kid has almost the same taste and personality as you when you were a kid. Can't you see her eyes? She's your girl vers—”“His father is staying somewhere around the globe. She's not my daughter, lolo. As much as I want to, she's not carrying my genes. Aaminin ko pong magaan din ang loob ko kay Hope kahit noong unang beses kaming nagkita at halos tumalon ang puso ko nang tawagin niya akong daddy pero lolo, that's just my feeling. Facts are different from our emotions and hunch. Besides, tinawag niya lang po akong daddy dahil gusto niya po ako para sa kaniyang mommy. She's longing for her real dad whom she never met since she was a baby. Kahit tanungin n
“Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ‘yon! Nakaalis lang sa puder natin, aba! Natuto nang managot at mangatuwiran ng baluktot!” Inihagis ni Angelita ang kaniyang bag sa couch. Tinawag niya ang kanilang katulong at humingi ng isang basong malamig na tubig.“Dahan-dahan sa pag-inom at baka masamid ka,” paalala ni David.“Ikaw kasi! Napakatigas ng ulo mo. Nagsayang tuloy tayo ng oras. Ang layo-layo ng binyahe natin tapos wala naman tayong napala kung hindi ang sagot-sagutin ng babaeng ‘yon.” Nagpatuloy sa pag-inom ng tubig si Angelita. Pakiramdam niya ay tumaas ang presyon niya dahil sa inasal ni Maya kanina. Hindi siya sanay na lumalaban ito ng gan’on. Nasanay siyang sunod-sunuran ito sa kanila.“It’s the least that we can do to lessen her pain. Alam mo kung gaano kasakit mawalan ng mahal sa buhay, Angel. Nagalit man siya sa atin, at least alam niyang may pakialam pa rin tayo sa kaniya,” malumanay na turan ni David.Padabog na ibinaba ni Angelita ang basong hawak niya. Muntik na itong
“Dalawang araw na tayong hindi sinisipot ni Senior Thompson. Naiinis na ako!” Inihagis ni April ang envelope na bitbit niya at marahang ibinaba sa kaniyang mesa ang kaniyang laptop at cell phones. Umupo na siya sa swivel chair pagkatapos.Agad na nilapitan ni Warren ang kaniyang asawa. “Honey. calm down. Alam mo naman kung gaano ka busy ang mga Thompson. We are also into business kaya may ideya rin tayo kung gaano ka hectic ang schedule ng mga tulad nila,” aniya habang minamasahe ang mga balikat ni April.“I really hate people who don't know how to value other people's time. Imagine, we fly all the way to one of their famous hotel and resort tapos ano? Mga staff at manager lang ang bubungad sa atin doon? Naghintay tayo ng two days, Warren. Two days ang nawala sa atin!” Hinilot ni April ang kaniyang sintido.Hinila ni Warren ang isang upuan sa tabi ni April at umupo roon. Niyakap niya ang kaniyang asawa. “Don’t stress yourself too much. Sige ka, baka bumalik ang mga acne at pimples mo,
“MOMMY!”Mabilis na lumingon si Maya nang marinig niya ang boses ng kaniyang anak na si Hope. Tumayo siya at dali-dali itong sinalubong. “Hope, anak, namiss ka na ni mommy. Buti na lang at naririto ka na,” nakapikit na sambit ni Maya. Agad siyang nagmulat nang mapansin niyang mag-isa lang na pumasok sa chapel ang anak niya. “Teka, wala ka bang kasama? Nakapag-isa ka papunta rito o ipinahatid ka ni Sir Gavin?” tanong niya.Ngumiti si Hope. “Uy, hinahanap ni mommy si daddy!”“Anong hinahanap eh tinatanong lang naman kita. Ikaw, ang bata-bata mo pa malisyosa ka na ha.” Hinalikan ni Maya sa noo si Hope sabay yakap dito.“I’m sorry po, mommy. Gusto lang naman po kitang pangitiin.” Biglang nangilid ang mga luha ni Hope nang mapatingin siya sa kabaong sa harap. Humikbi siya. “Mommy, nasa loob po ba no’n si Matthan?”Umawang ang bibig ni Maya. Bigla na naman siyang nanlambot lalo na nang makita niya ang reaksyon ni Hope. Her tears are about to fall.Mula sa kabaong ay lumipat ang mga mata ni
Abala sa pagbubuhat ng mga bulaklak si Gavin nang biglang tumawag si Brandon. “What is it?”[“Sir Gavin, kailangan niyo pong pumunta rito sa villa.”]Ibinigay ni Gavin sa tauhan ng kaniyang lolo ang hawak niyang bulaklak. “I’m still busy. Bakit? May problema ba?”[“Si Miss Avva po, sinasaktan niya ang mga bata.”]Nanlaki ang mga mata ni Gavin. “ANO?”[“Bilisan niyo na po Sir Gavin. Nagkulong po sila sa kuwarto. Wala pong pakinggan si Miss Avva miski ako. Pakiusap po, pumunta na po muna kayo rito. Nakakaawa na po sina Hivo at Bia. Oo nga po pala, huwag niyo pong uuliting ako ang nagsumbong sa inyo. Ayoko pong mapag-initan ng fiancee niyo.”]“Fiancee?” Gavin smirked. “Wala akong fiancee na maalam manakit ng mga bata!” Pinatay niya ang tawag at dali-daling sumakay ng kaniyang big bike. Hindi na siya nakapagpaalam sa kaniyang lolo at kay Maya dahil nagmamadali siya. Ngayong nakumpirma niyang dugo at laman niya nga sina Hivo at Bia ay hindi niya hahayaan ang kahit sino na saktan ang mga it
“Mommy, tama na po! Nasasaktan na po si Bia!” Pigil-pigil ni Hivo sa Avva. Hinahampas kasi nito ng tsinelas ang puwet ng kapatid niya.“Bitiwan mo ako, Hivo. Kung hindi pati ikaw ay malilintikan sa akin!” nanlalaki ang mga matang banta ni Avva. Muli niyang hinampas ang puwet ni Bia ng tsinelas.“Mommy, please stop. I…I’m sorry po. Hi-Hindi ko na po uulitin. Hin-Hindi na po ako magpapasaway kapag nasa labas po tayo. Mommy, please! Nasasaktan na po ako,” umiiyak na pakiusap ni Bia.“Hindi talaga kayo magtatanda hangga’t hindi kayo nasasaktan! Sa susunod, bago niyo ako ipahiya sa harap ng kung sinuman ay pag-isipan niyo muna nang maraming beses!” Huminto sa pagpalo si Avva nang makita niyang namumula na si Bia sa kakaiyak. Medyo mapula na rin ang puwet nito dahil sa malalakas na hampas niya rito.Hindi mapigilan ni Bia ang kaniyang pag-iyak habang hawak-hawak niya ang kaniyang puwet. Tiningnan niya ang kaniyang Mommy Avva. Sa halip na magalit siya rito ay humingi pa siya ng paumanhin. “M
“G-Gavin, it’s n-nice to see you. Finally!” nakangiting bati ni Avva. Agad niyang iniharap sina Bia at Hivo rito.Malalaki ang hakbang ni Gavin nang nilapitan niya sina Avva. Tiningnan niya sina Hivo at Bia. Nakaramdam siya ng lukso ng dugo sa mga ito at tulad nang unang kita niya noon kay Hope, magaan ang loob niya sa mga ito. Ibinalik niya ang kaniyang tingin sa nakangiting si Avva. “What did you do to them? Sinasaktan mo ba ang mga anak ko?” galit na galit na tanong niya.“W-What are you saying, Gavin? I’m not hurting them. Kita mo naman kanina hindi ba? They’re hugging me. Hindi ko magagawang saktan ang mga ANAK NATIN, Gavin. Mahal na mahal ko sila.” Mula kay Gavin ay lumipat ang tingin niya sa dalawang bata. Hinawakan niya ang mga ito sa balikat. “Sinaktan ko ba kayo, Hivo? Bia?”Tumingala sina Hivo at Bia kay Avva. Nakita nila ang mabilis na paglaki ng mga mata nito.Tumingin si Hivo kay Bia at tiningnan naman siya nito pabalik. Hinawakan niya ang kamay nito.Mas lumapit pa si G
“It’s nice to meet you, Maya. I hope you will consider my offer soon. I will be glad to have you as my new secretary,” Don Gilberto said as he stood up.Nakipag-kamay si Maya kay Don Gilberto at saka yumuko. “Maraming salamat po sa offer niyo. Pag-iisipan ko pong mabuti ang tungkol doon. Maraming salamat din po sa pagbisita at sa pagbabantay kay Hope habang wala po ako. Sobra ko pong na appreciate. Pasensya na rin po kayo sa kakulitan ng anak ko.”“Wala ‘yon, hija.” Kumunot ang noo ni Don Gilberto nang makita niya ang chain ng kuwintas ni Maya. Pamilyar sa kaniya ang ganoong uri ng chain. Naalala niya ang kuwintas na ibinigay niya sa kaniyang anak na si Gerardo, ang ama ni Gavin. Sinubukan niyang silipin ang pendant ng kuwintas nito pero nabigo siya dahil nakatago iyon sa damit nito. Bigla siyang nag-iwas ng tingin nang mapansin siya nitong nakatingin sa leeg nito. Bigla siyang nahiya. Baka kung ano ang isipin ng single mother na si Maya.“Ito nga pala ang calling card ko, hija. Don’t