Share

Kabanata 18

Hindi magkandaugaga si Brandon sa pagbibitbit ng mga pinamili nina Avva, Hivo at Bia. Sa tantsa niya ay umabot ng halos labinlimang milyong piso ang nalustay ng mga ito sa loob lamang ng kalahating oras. Halos malaglag na ang ilan sa mga bitbit niya pero walang pakialam ang mag-iina. Patuloy lang ang mga ito sa paglalakad habang patingin-tingin pa rin sa mga stores sa loob ng Supermalls.

“Mommy, are you sure that daddy will not be mad kapag po nalaman niyang sobrang laki nang nagastos natin ngayong araw?” tanong ni Hivo habang nakahawak sa kamay ni Avva.

“Your daddy loves us so much kaya sigurado akong hindi siya magagalit sa atin. Isa pa, barya lang sa mga Thompsons ang labinlimang milyong piso,” nakangiting tugon ni Avva.

“Mommy, hindi pa po ba tayo uuwi? Masakit na po ang paa ko kakalakad dito sa Supermalls,” reklamo ni Bia. Paano ba naman hindi sasakit ang paa niya eh nakasuot siya ngayon ng high heels. Pinilit siya ng mommy niya na isuot na kaagad ang bagong biling sapatos niya n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status