Tumakbo si Brandon palapit kay Maya.
“Ako po ba ang tinawag mo?” kumukurap-kurap na tanong ni Maya. Tumango si Brandon. “You left this.” Iniabot niya ang name tag ni Maya. Yumuko si Maya. “Maraming salamat po. Mauna na po ako ah. Baka po kasi mahuli ako sa sideline ko.” Napansin ni Brandon ang maraming keychains sa bag ni Maya. Pinagmasdan niya ang mga ito. “Sir B! Nakita na po namin ang target!” sigaw ng kasamahan ni Brandon. Nakaalis na si Maya sakay ng kaniyang bisekleta. Kumaway pa ito kay Brandon. Kinuha ni Brandon ang keychain sa kaniyang bulsa. ‘Parang kaparehas nito ang mga ‘yon.’ Inalog niya ang kaniyang ulo at agad na sumunod sa kaniyang mga kasamahan. Hingal na hingal na nakarating sina Brandon sa apartment na kinaroroonan ni Avva. Nasa ika-labinlimang palapag kasi ang apartment ni Maya. Tapos nang kumain sina Avva at ang mga bata noong dumating sina Brandon. Tulog na rin sina Matthan at Hope nang sandaling iyon. “Avva Mendez?” “A-Ako nga. S-Sino kayo? Anong kailangan niyo?” Niyakap ni Avva sina Hivo at Bia. Ipinakita ni Brandon ang keychain kay Avva. “Sa'yo ba ang bagay na ito?” Naningkit ang mga mata ni Avva. ‘Bakit nasa kanila ang nawawalang keychain ni Maya? Limang taon na naming hinahanap ‘yon ah!’ Kumawala sa bisig ni Avva si Bia. Kinuha niya ang keychain sa kamay ni Brandon. “Mommy, your name is written inside this boat! This is my mommy’s keychain,” she exclaimed. Nanlaki ang mga mata ni Brandon. ‘May anak si Sir Gavin kay Miss Avva?’ “Bia, come here! Hivo will protect you and mommy from those b@stards!” Hivo yelled. Agad na tinakpan ni Avva ang bibig ni Hivo. “Ano bang kailangan niyo sa akin? Bakit kayo naririto?” Nagulat siya nang biglang yumuko sa harap niya ang mga lalaki. “Miss Avva, naririto po kami para sunduin kayo. Matagal na po kayong hinahanap ni Mr. Gavin Thompson. Kailangan niyo pong sumama sa amin para makita at makausap niyo siya nang harapan. Isama niyo na rin po ang mga anak niyo kay Sir Gavin,” sabi ni Brandon. ‘Gavin Thompson? The only heir of the Thompson clan? The multi-billionaire and the youngest business tycoon in the country? Siya ang naka- one night stand ni Maya?’ sigaw ng isip ni Avva. “Mommy, is he talking about our daddy? Mabubuo na po ba ang pamilya natin? Hindi mo na po ba kailangang magtrabaho para bayaran ang marami nating utang?” naiiyak na tanong ni Hivo. “Mommy, sumama na po tayo sa kanila! Gusto ko na pong makita at mayakap si daddy!” dagdag naman ni Bia. “Naghanda na po si Sir Gavin ng isang villa para sa inyo.” Tumayo si Brandon at inilibot ang kaniyang mga mata sa apartment na kinaroroonan nila. “Mukhang hindi po naging biro ang mga pinagdaanan niyo para maitaguyod ang mga susunod na tagapagmana ng mga Thompson. Sigurado po akong matutuwa si senior kapag nalaman niyang mayroon na siyang mga apo. Naghihintay na po ang sasakyan sa baba, Miss Avva. Hindi niyo na po kailangang mag-impake. Ang lahat ng inyong pangangailangan at kagustuhan ay maiibigay sa inyo ni Sir Gavin.” Napalunok nang sunod-sunod si Avva. Hindi niya akalaing darating ang araw na mararanasan niyang muli ang marangyang buhay. Higit pa sa inaasam niya ang dumating sa kaniya. ‘Maya, patawarin mo ako pero hindi ko mapapalampas ang ganitong uri ng oportunidad,’ piping turan ni Avva. Tumayo si Avva mula sa couch at hinawakan ang mga kamay nina Hivo at Bia. “Mga anak, oras na para makilala niyo ang inyong daddy. Dadalhin na kayo ni mommy sa tunay niyong tahanan. Aalis na tayo sa bulok na lugar na ito. Wala nang mambubully sa inyo at higit sa lahat, makakaahon na tayo sa kahirapan.” Nagtatalon sa tuwa sina Hivo at Bia. Nawala na sa isipan ng dalawang bata ang natutulog nilang mga kaibigan na sina Matthan at Hope. “Mister?” “Brandon. Brandon po ang pangalan ko, Miss Avva. Ako po ang kanang-kamay ng inyong mapapangasawa.” Muling yumuko si Brandon sa harap ni Avva. “Mister Brandon, ihatid mo na kami sa villa ng mga Thompson. Pumapayag na akong sumama sa iyo,” nakangiting wika ni Avva. Nagbigay-daan ang mga kasamahan ni Brandon para paunahing lumabas ng apartment sina Avva, Hivo at Bia. Pagkalabas ng mga ito ay saka isinara ni Brandon ang pinto ng apartment. “Daddy. Wait for us, daddy,” bulong ni Hope habang natutulog. Hinaplos ni Matthan ang buhok ng kaniyang kakambal. “Hayaan mo, Hope, mahahanap din natin si daddy.” Naghikab siya at pagkatapos ay nahiga na ulit sa tabi ni Hope. “Buti pa sina Hivo at Bia, makikilala at makakasama na nila ang totoo nilang daddy. Tayo kaya, Hope, kailan?” aniya bago muling bumalik sa pagtulog.Simangot ang mukha ni Gavin habang nakatulala sa direksyon ng pinto. Ito ang unang beses na hindi dumating ng tama sa oras ang blind date niya. Limang minuto na siyang naghihintay. Kinuha niya ang kopitang may alak sa mesa at diretso iyong nilaklak. “Lolo, is this your own doing?” Gavin gritted his teeth. Habang naghihintay sa kaniyang blind date ay sakto namang iniluwa ng pinto ang humahangos na si Maya. Napatingin si Maya sa table kung saan naroroon ang VVIP client na pag-se-serve-van niya ng pagkain. Napapikit siya nang makita niyang hindi maipinta ang pagmumukha nito. Didiretso na sana siya sa kitchen para kunin ang mga pagkaing nakalaan para rito nang magdesisyon siyang dumaan muna sa table nito para humingi ng paumanhin. Naglalakad pa lamang siya palapit dito nang bigla siya nitong sinalubong. Nagulat siya nang pinisil nito ang braso niya at kinaladkad siya patungo sa table nito. “Is this how your parents taught you? To waste someone's precious time? Do you know that my sc
Halos lumuwa ang mga mata ni Avva nang makatapak siya sa isa sa mga Villa ng mga Thompson. Napakalawak nito at ang bawat dinaanan nila ay nagsusumigaw at nagpapakita ng pambihirang yaman. Mula siya sa mayamang angkan pero ito ang unang beses na namangha nang husto ang kaniyang mga mata! Sigurado siyang gagapang pabalik sa kaniya ang kaniyang mga kapatid at mga magulang kapag nalaman ng mga ito na siya ang magiging asawa ng isang Gavin Thompson! Itinakwil siya ng mga ito dahil sa kinasangkutan niyang scandal, limang taon na ang nakalilipas at si Maya ang lubos niyang sinisi sa lahat ng mga kamalasang dumating sa buhay niya. Sagad man sa buto ang pagkamuhi niya rito ay pilit niyang sinikmura na makita at makasama ito araw-araw para lang masaksihan ang paghihirap nito! Sa kasamaang palad ay mas naging mahirap siya rito dahil sa angkin nitong sipag at diskarte sa buhay. “Mommy, sobrang yaman po pala ni daddy!’ bulalas ni Hivo habang iniikot ang kaniyang mga mata sa lugar. “Oo nga po, mom
Humahangos na tumakbo si Maya patungo sa harap ng nag-aapoy na gusali kung saan naroroon ang kaniyang mga anak na sina Matthan at Hope. Halos matumba siya nang makita niya kung gaano na kalala ang sunog. Nanginginig ang kaniyang labi habang inuusal ang pangalan ng kaniyang mga anak.“Hope…Matthan. Diyos ko! Iligtas at protektahan Mo po ang mga anak ko!” mahinang bulong ni Maya. Nag-uunahang tumulo ang kaniyang mga luha habang tahimik na nagdadasal.Hindi malaman ni Gavin kung paano niya mapapagaan ang pakiramdam ng babaeng babago pa lamang niyang nakikilala. Nag-aalangan man ay nagawa niyang hawakan ito sa balikat. Hinaplos niya rin ang likod nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin.Halos gumuho ang mundo ni Maya nang makita niya ang sunod-sunod na mga bangkay na bitbit mga rescuer sa mga stretch beds. Biglang natuyo ang kaniyang mga mata. Mabigat man ang pakiramdam ng kaniyang paa na para bang may mga kadenang nakatali sa mga ito ay nagawa niya itong ihakbang. Lumapit
“Bitiwan niyo ako! Ililigtas ko ang mga anak ko!”“Pasensya na po, misis pero hindi po namin kayo hahayaang makapasok sa area.” Napatingin ang bumbero sa halos kararating lang na si Gavin. Habol nito ang paghinga dahil sa paghabol kay Maya. “Mister, bantayan niyo po ang misis niyo. Gustong-gusto rin po naming iligtas ang lahat ng nasa gusali pero dahil sa patuloy na pagkalat ng apoy, limitado lamang po ang aming pagkilos. Ganunpaman, ginagawa po namin ang aming makakaya para makapagligtas ng buhay. Pasensya na po.”Kinuha ni Gavin ang nanlalatang si Maya sa bisig ng bumbero. Halos mamaga na ang mga mata nito sa kakaiyak. Niyakap niya ito nang mahigpit at hinaplos ang buhok nito. Muli na namang nanumbalik sa kaniyang ala-ala ang gabing iyon, limang taon na ang nakalilipas dahil sa amoy na nagmumula sa buhok nito.“Maya…”“Sa kagustuhan kong kumita at makaipon ng pera para sa nalalapit na pagpasok ng mga anak ko ay nagawa ko silang iwan sa pangangalaga ng aking kaibigan. Hindi ko kakaya
“Brandon, right?”“Yes po, Miss Avva. May kailangan po ba kayo? Kung may kailangan po kayo ay huwag po kayong mahihiyang magsabi sa akin o kaya naman ay sa mga katulong dito. May maipaglilingkod po ba ako sa inyo?” magalang na tugon ni Brandon.“Anong oras ba darating si Gavin? Nakatulog na ang mga anak namin sa kahihintay sa kaniya.” Kasalukuyang nasa tig-isang kuwarto na sina Hivo at Bia samantalang si Avva naman ay nasa sala, matiyagang hinihintay ang pagdating ni Gavin.“Regarding that, I don't have a specific answer po eh pero huwag po kayong mag-alala kasi aware naman po si Sir Gavin na naririto na kayo. Alam din niyang hinihintay niyo siya. Baka nagkaproblema lang ng kaunti o kaya naman ay may biglaang inutos si senior kaya po siya natagalan. May gusto po ba kayong kainin? Ipapahanda ko po ulit sa chef kung mayroon man.” Ngumiti si Brandon. Pasulyap-sulyap siya sa kaniyang cell phone dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagrereply ang kaniyang amo. Halos naka-thirty missed cal
“Sir Gavin, ano pong nangyari sa inyo? Bakit hindi po kayo nakauwi kagabi at saka bakit po gan'yan ang hitsura niyo?” sunod-sunod na tanong ni Brandon nang nabungaran niya ang kararating lang na si Gavin. Gulong-gulo ang buhok nito at puro dumi ang suot na puting long sleeves. Ang suit nito ay nakasabit sa braso nito.“Don't talk to me like you're my mom. I'm tired, Brandon. Wala pa akong matinong tulog.” Hinilot ni Gavin ang kaniyang sintido. Inihagis niya kay Brandon ang kaniyang suit at pagkatapos ay nahiga siya sa couch.Sinalo ni Brandon ang suit ni Gavin. “Pasensya na po, Sir Gavin. Nag-alala lang po ako sa inyo. Akala ko po kasi eh kung ano na naman ang ginawa ng blind date niyo sa inyo,” nakayukong turan niya.“P'wede bang iwan mo muna ako? Gusto ko munang magpahinga at matulog. Stop talking. You're bombarding my ears,” nakapikit na sabi ni Gavin.“Pasensya na po, Sir Gavin.” Napakamot sa kaniyang ulo si Brandon nang makita niyang nakangiting bumababa ng hagdan si Avva.“Sir G
Nang makarating si Gavin sa kaniyang condo ay agad siyang nahiga sa malambot na kama. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata dahil gustong-gusto na niyang matulog.“D@mn it!” sigaw ni Gavin sabay bangon sa kaniyang kama. Sinabunutan niya ang kaniyang sarili. “What’s happening to me? Why am I thinking about that woman…again?”Tumayo si Gavin at naglakad patungo sa kinaroroonan ng refrigerator. Binuksan niya iyon at kumuha ng isang bottled water pero sa halip na inumin niya iyon ay ibinuhos niya iyon sa kaniyang ulo. Kinaligkig siya nang maramdaman niya ang pagdampi ng malamig na tubig sa kaniyang anit at balat.“Go back to your senses, Gavin! That woman has nothing to do with you!” Itinapon ni Gavin ang walang lamang bote sa trash can at saka naglakad patungo sa shower room. “Maybe, I need to take a bath first, before I go to sleep. Tama. Baka sakaling kulang lang ako sa tulog. Makakalimutan ko rin ang tungkol kina Maya at Hope.”Hinubad ni Gavin ang lahat ng kaniyang suot at inihagis ang
Tulala si Maya habang nakatitig sa kabaong ni Matthan. Namumugto na ang kaniyang mga mata dahil sa walang tigil na pag-iyak. Pilit niyang itinatanim sa kaniyang isip na buhay na buhay pa ang kaniyang anak pero hindi. Wala na talaga ang masigla, masayahin, maalaga, mabait at mapagmahal niyang anak.“Maya, magpahinga ka na muna. Kagabi ka pang walang tulog,” ani Nirvana, ang may-ari ng nasunog na gusali.Umiling si Maya. Ayaw niyang iwan ang anak niya. Pinagsisisihan niyang iniwan niya ang mga ito sa pangangalaga ni Avva. Nalaman niya kasi sa mga kapitbahay nila na umalis din agad ang kaniyang matalik na kaibigan kasama sina Hivo at Bia, ilang minuto lang pagkatapos niyang umalis. Alam niyang walang kasalanan si Avva sa nangyaring sunog pero hindi niya maikaila sa kaniyang sarili na sinisisi niya rin ito sa nangyari. Kung isinama lang nito ang mga anak niya, hindi sana nakahimlay ngayon sa kabaong si Matthan.“Nakabalik na po ba si Avva?” tulala at walang emosyong tanong ni Maya.“Hindi