Halos lumuwa ang mga mata ni Avva nang makatapak siya sa isa sa mga Villa ng mga Thompson. Napakalawak nito at ang bawat dinaanan nila ay nagsusumigaw at nagpapakita ng pambihirang yaman. Mula siya sa mayamang angkan pero ito ang unang beses na namangha nang husto ang kaniyang mga mata! Sigurado siyang gagapang pabalik sa kaniya ang kaniyang mga kapatid at mga magulang kapag nalaman ng mga ito na siya ang magiging asawa ng isang Gavin Thompson! Itinakwil siya ng mga ito dahil sa kinasangkutan niyang scandal, limang taon na ang nakalilipas at si Maya ang lubos niyang sinisi sa lahat ng mga kamalasang dumating sa buhay niya. Sagad man sa buto ang pagkamuhi niya rito ay pilit niyang sinikmura na makita at makasama ito araw-araw para lang masaksihan ang paghihirap nito! Sa kasamaang palad ay mas naging mahirap siya rito dahil sa angkin nitong sipag at diskarte sa buhay.
“Mommy, sobrang yaman po pala ni daddy!’ bulalas ni Hivo habang iniikot ang kaniyang mga mata sa lugar. “Oo nga po, mommy! Mukhang lahat po ng mga gamit dito sa loob ng palace nila ay mga mamahalin! He's like a king and you will become his queen tapos kami naman po ni Hivo ang magiging prinsesa at prinsipe ng kahariang ito!” manghang sabi ni Bia. Nawala ang magandang mood ni Avva dahil sa ingay ng mga anak niya. Pumikit siya nang mariin bago niya hinarap ang mga ito. Yumuko siya para mas marinig ng mga ito ang kaniyang sasabihin. “Huwag nga kayong masyadong madaldal. Kailangan niyong mag-behave rito kung ayaw niyong bumalik tayo sa bulok at mabahong lugar na tinirhan natin sa loob ng halos limang taon. Ito ang tandaan niyo, sa oras na magkamali kayo ng salita o kilos at nagalit ang kahit isa sa mga Thompsons, malilintikan kayo sa akin. Nauunawaan niyo ba ang sinabi ko?” nakataas ang kilay na sabi ni Avva. Sumimangot sina Hivo at Bia. Iyon ang unang beses na nagalit ito sa kanila dahil lang sa naging madaldal sila. Nag-init lalo ang ulo ni Avva nang hindi siya sinasagot ng dalawang bata. Lumingon siya sa paligid. Nang makita niyang walang tao ay ngumiti siya. Mas lumapit siya sa mga bata at pinisil nang mariin ang tig-isang braso ng mga ito. “Mommy, nasasaktan po ako,” naluluhang wika ni Hivo. “Mommy, what's wrong? Why are you hurting us? Please mommy, stop it. Hindi mo na po ba kami mahal?” umiiyak na tanong ni Bia. “Bibitiwan ko lang ang mga braso niyo kapag nangako kayo sa akin na mag-be-behave kayo lalo na kapag kasama natin ang Thompsons. Isa pa, matuto kayong sumagot agad kapag tinatanong ko kayo!” Pinandilatan ng mga mata ni Avva sina Hivo at Bia. “P-Promise po, mommy. Mag-be-behave po kami. So-Sorry po, mommy. Hindi na po namin uulitin ni Bia. Mommy, nasasaktan na po kami ni Bia. We're very sorry, mommy. Bitiwan mo na po kami,” umiiyak na turan ni Hivo. Marahas na binitiwan ni Avva ang braso ng mga anak niya. “Now, stop crying. Baka may makakita pa sa inyo. Isipin pang sinasaktan ko kayo. Tumahan na kayong dalawa!” May diin at gigil ang bawat salita niya. Sa sobrang takot na masaktang muli ay pinilit ng dalawang bata na tumigil sa pag-iyak. Buong akala nila ay mas magiging masaya silang tatlo sa puder ng kanilang tunay na daddy pero mukhang kabaligtaran agad ang nangyari. Nang mapansin ni Avva na namumula ang braso ng dalawang bata ay dali-dali siyang kumuha ng concealer at foundation sa kaniyang sling bag. She applied some until the redness vanished. “Pasensya na kayo, mga anak. Ayoko lang na ma-offend natin ang sinuman sa mga Thompsons. Hindi ko ginustong saktan kayo. Lahat ng ginagawa ko ay para sa kinabukasan niyo. Patawarin niyo si mommy ha?” Nang tumango sina Hivo at Bia ay agad silang niyakap ni Avva. Isang nakakatakot na ngiti ang lumabas sa mga labi niya. ‘Kailangan ko silang disiplinahin at turuan ng tamang etiketa habang maaga pa. Hindi ako makakapayag na maging balakid sila sa aking mga plano,’ isip-isip niya. Niyakap na rin nina Hivo at Bia ang kanilang mommy. Mahal na mahal nila ito kaya handa silang gawin ang anumang hilingin nito sa kanila. Ayaw na nilang maulit ang nangyari kanina kaya mas magiging maingat na sila sa kanilang pananalita at kilos. “I love you, mommy. Sorry po ulit,” malungkot na wika ni Hivo. “Me too, mommy. I love you too. I'm sorry too,” Bia mimic her brother. Ngumiti si Avva. Nakita niyang papalapit na sa kanila si Brandon. “Basta sumunod lang kayo palagi sa inuutos at sinasabi ni mommy, hindi tayo magkakaroon ng problema. Naiintindihan niyo ba ang sinabi ko?” Tumango sina Hivo at Bia. Napatingin si Avva sa kaniyang tumutunog na cell phone. Umikot ang kaniyang mga mata nang makita niyang tumatawag si Maya. Ini-silent mode niya ang kaniyang cell phone bago niya ito inilagay sa kaniyang sling bag. “Mommy, si Tita Maya po ba ‘yong tumatawag kanina? Bakit hindi niyo po sinagot?” usisa ni Hivo. “Hivo, you're doing it again. Don't say a word when I don't ask for it. Okay? Sige na. Salubungin niyo na si Brandon at itanong niyo kung nasaan na ang daddy niyo,” pataray na utos ni Avva. Nakayukong lumayo sa kaniya si Hivo. Tiningnan niya si Bia. “Sumama ka sa kapatid mo,” pagtataboy niya. Ngumiti si Avva nang sundin siya ng mga anak niya. “Gan'yan nga. Matuto kayong sumunod kay MOMMY AVVA,” aniya. ‘Mukhang on the way na si Maya para sagipin ang mga anak niya sa sunog. HA! Mamatay na sana silang tatlo nang sama-sama para wala na akong magiging problema sa hinaharap.’ Bago pa man siya sumakay ng sasakyan ni Brandon ay tumawag siya nang palihim sa isa sa mga dati niyang tauhan. Binayaran niya ito para gumawa ng apoy…para sunugin ang matagal na niyang pinandidiriang lugar partikular na ang maliit na apartment na iyon ni Maya.SALAMAT po sa pagbabasa ng story kong ito. Ang bawat komento, gems, at rate ng 5 star ay lubos ko pong ipagpapasalamat. Maaari niyo pong buksan ang mga susunod na kabanata sa pamamagitan ng panonood ng ads, bonus coins na mula sa app matapos niyong tapusin ang mga tasks o kaya naman ay sa pamamagitan ng pagbili ng coins. Daily update po ito. Please rate, comment and give some gems to help the author promote this book. Thank you and God bless everyone. Lovelots, Docky
Humahangos na tumakbo si Maya patungo sa harap ng nag-aapoy na gusali kung saan naroroon ang kaniyang mga anak na sina Matthan at Hope. Halos matumba siya nang makita niya kung gaano na kalala ang sunog. Nanginginig ang kaniyang labi habang inuusal ang pangalan ng kaniyang mga anak.“Hope…Matthan. Diyos ko! Iligtas at protektahan Mo po ang mga anak ko!” mahinang bulong ni Maya. Nag-uunahang tumulo ang kaniyang mga luha habang tahimik na nagdadasal.Hindi malaman ni Gavin kung paano niya mapapagaan ang pakiramdam ng babaeng babago pa lamang niyang nakikilala. Nag-aalangan man ay nagawa niyang hawakan ito sa balikat. Hinaplos niya rin ang likod nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin.Halos gumuho ang mundo ni Maya nang makita niya ang sunod-sunod na mga bangkay na bitbit mga rescuer sa mga stretch beds. Biglang natuyo ang kaniyang mga mata. Mabigat man ang pakiramdam ng kaniyang paa na para bang may mga kadenang nakatali sa mga ito ay nagawa niya itong ihakbang. Lumapit
“Bitiwan niyo ako! Ililigtas ko ang mga anak ko!”“Pasensya na po, misis pero hindi po namin kayo hahayaang makapasok sa area.” Napatingin ang bumbero sa halos kararating lang na si Gavin. Habol nito ang paghinga dahil sa paghabol kay Maya. “Mister, bantayan niyo po ang misis niyo. Gustong-gusto rin po naming iligtas ang lahat ng nasa gusali pero dahil sa patuloy na pagkalat ng apoy, limitado lamang po ang aming pagkilos. Ganunpaman, ginagawa po namin ang aming makakaya para makapagligtas ng buhay. Pasensya na po.”Kinuha ni Gavin ang nanlalatang si Maya sa bisig ng bumbero. Halos mamaga na ang mga mata nito sa kakaiyak. Niyakap niya ito nang mahigpit at hinaplos ang buhok nito. Muli na namang nanumbalik sa kaniyang ala-ala ang gabing iyon, limang taon na ang nakalilipas dahil sa amoy na nagmumula sa buhok nito.“Maya…”“Sa kagustuhan kong kumita at makaipon ng pera para sa nalalapit na pagpasok ng mga anak ko ay nagawa ko silang iwan sa pangangalaga ng aking kaibigan. Hindi ko kakaya
“Brandon, right?”“Yes po, Miss Avva. May kailangan po ba kayo? Kung may kailangan po kayo ay huwag po kayong mahihiyang magsabi sa akin o kaya naman ay sa mga katulong dito. May maipaglilingkod po ba ako sa inyo?” magalang na tugon ni Brandon.“Anong oras ba darating si Gavin? Nakatulog na ang mga anak namin sa kahihintay sa kaniya.” Kasalukuyang nasa tig-isang kuwarto na sina Hivo at Bia samantalang si Avva naman ay nasa sala, matiyagang hinihintay ang pagdating ni Gavin.“Regarding that, I don't have a specific answer po eh pero huwag po kayong mag-alala kasi aware naman po si Sir Gavin na naririto na kayo. Alam din niyang hinihintay niyo siya. Baka nagkaproblema lang ng kaunti o kaya naman ay may biglaang inutos si senior kaya po siya natagalan. May gusto po ba kayong kainin? Ipapahanda ko po ulit sa chef kung mayroon man.” Ngumiti si Brandon. Pasulyap-sulyap siya sa kaniyang cell phone dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagrereply ang kaniyang amo. Halos naka-thirty missed cal
“Sir Gavin, ano pong nangyari sa inyo? Bakit hindi po kayo nakauwi kagabi at saka bakit po gan'yan ang hitsura niyo?” sunod-sunod na tanong ni Brandon nang nabungaran niya ang kararating lang na si Gavin. Gulong-gulo ang buhok nito at puro dumi ang suot na puting long sleeves. Ang suit nito ay nakasabit sa braso nito.“Don't talk to me like you're my mom. I'm tired, Brandon. Wala pa akong matinong tulog.” Hinilot ni Gavin ang kaniyang sintido. Inihagis niya kay Brandon ang kaniyang suit at pagkatapos ay nahiga siya sa couch.Sinalo ni Brandon ang suit ni Gavin. “Pasensya na po, Sir Gavin. Nag-alala lang po ako sa inyo. Akala ko po kasi eh kung ano na naman ang ginawa ng blind date niyo sa inyo,” nakayukong turan niya.“P'wede bang iwan mo muna ako? Gusto ko munang magpahinga at matulog. Stop talking. You're bombarding my ears,” nakapikit na sabi ni Gavin.“Pasensya na po, Sir Gavin.” Napakamot sa kaniyang ulo si Brandon nang makita niyang nakangiting bumababa ng hagdan si Avva.“Sir G
Nang makarating si Gavin sa kaniyang condo ay agad siyang nahiga sa malambot na kama. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata dahil gustong-gusto na niyang matulog.“D@mn it!” sigaw ni Gavin sabay bangon sa kaniyang kama. Sinabunutan niya ang kaniyang sarili. “What’s happening to me? Why am I thinking about that woman…again?”Tumayo si Gavin at naglakad patungo sa kinaroroonan ng refrigerator. Binuksan niya iyon at kumuha ng isang bottled water pero sa halip na inumin niya iyon ay ibinuhos niya iyon sa kaniyang ulo. Kinaligkig siya nang maramdaman niya ang pagdampi ng malamig na tubig sa kaniyang anit at balat.“Go back to your senses, Gavin! That woman has nothing to do with you!” Itinapon ni Gavin ang walang lamang bote sa trash can at saka naglakad patungo sa shower room. “Maybe, I need to take a bath first, before I go to sleep. Tama. Baka sakaling kulang lang ako sa tulog. Makakalimutan ko rin ang tungkol kina Maya at Hope.”Hinubad ni Gavin ang lahat ng kaniyang suot at inihagis ang
Tulala si Maya habang nakatitig sa kabaong ni Matthan. Namumugto na ang kaniyang mga mata dahil sa walang tigil na pag-iyak. Pilit niyang itinatanim sa kaniyang isip na buhay na buhay pa ang kaniyang anak pero hindi. Wala na talaga ang masigla, masayahin, maalaga, mabait at mapagmahal niyang anak.“Maya, magpahinga ka na muna. Kagabi ka pang walang tulog,” ani Nirvana, ang may-ari ng nasunog na gusali.Umiling si Maya. Ayaw niyang iwan ang anak niya. Pinagsisisihan niyang iniwan niya ang mga ito sa pangangalaga ni Avva. Nalaman niya kasi sa mga kapitbahay nila na umalis din agad ang kaniyang matalik na kaibigan kasama sina Hivo at Bia, ilang minuto lang pagkatapos niyang umalis. Alam niyang walang kasalanan si Avva sa nangyaring sunog pero hindi niya maikaila sa kaniyang sarili na sinisisi niya rin ito sa nangyari. Kung isinama lang nito ang mga anak niya, hindi sana nakahimlay ngayon sa kabaong si Matthan.“Nakabalik na po ba si Avva?” tulala at walang emosyong tanong ni Maya.“Hindi
“Iwan niyo po muna kami, pakiusap,” bulong ni Maya kay Nirvana.“Sigurado ka, Maya?” nag-aalangang tanong ni Nirvana.Tumango si Maya. Agad namang dumistansya si Nirvana. Hindi na niya hinintay na makalapit pa sa puntod ni Matthan ang kaniyang pamilya. Sinalubong na niya ang mga ito. “Anong ginagawa niyo rito?”“Bakit naman gan’yan ang bungad mo sa amin? Hindi mo ba kami na miss? Hindi ka ba natutuwa na makita kami ngayon?” nakangiting tanong ni Angelita.“Sa tingin niyo, ano ang nararamdaman ko ngayon? Sa palagay niyo ba ay mag-iiiyak ako sa tuwa dahil nagpakita kayo sa akin matapos niyo akong itakwil, five years ago?” natatawang turan ni Maya.“Naparito kami para makiramay, hindi para makipag-away, Maya.” Iniabot ni David ang bulaklak na binili nila para sa namatay na anak ni Maya.Ngumiti si Maya at tinanggap ang bulaklak na ibinigay ng amang si David. “This is the first time that you bought me some flowers and unfortunately, it’s not for a celebration or for a sweet occasion but
“Saan po tayo pupunta, lolo?” tanong ni Hope habang nakaluhod sa upuan ng sasakyan. Nakahawak ang kaniyang mga kamay sa nakasaradong bintana habang manghang pinapanood ang daan.“‘Di ba sabi mo kanina eh nagugutom ka na? Dadalhin ka ni lolo sa lugar kung saan nag-se-serve mayroong mga masasarap na pagkain,” nakangiting tugon ni Don Gilberto.“Talaga po?” Biglang nagningning ang mga mata ni Hope.Tumango si Don Gilberto. Giliw na giliw siya sa batang babae. Napakabibo nito at napakamasayahin. Bukod doon ay maalam itong gumalang sa mga nakatatanda. “Nasaan nga pala ang mommy mo, Hope?” nakangiting tanong ni Don Gilberto.Nawala ang kinang sa mga mata ni Hope. Umupo siya nang maayos at saka yumuko. Nilaro niya ang kaniyang mga daliri.“Bakit bigla kang nalungkot? May nasabi bang masama si lolo?” Humarap si Don Gilberto kay Hope at hinaplos ang buhok nito.“Nasa hospital po si mommy,” naiiyak na tugon ni Hope.“Ha? Bakit? Anong nangyari? May sakit ba siya? Sinong kasama niya roon?” sunod