Humahangos na tumakbo si Maya patungo sa harap ng nag-aapoy na gusali kung saan naroroon ang kaniyang mga anak na sina Matthan at Hope. Halos matumba siya nang makita niya kung gaano na kalala ang sunog. Nanginginig ang kaniyang labi habang inuusal ang pangalan ng kaniyang mga anak.
“Hope…Matthan. Diyos ko! Iligtas at protektahan Mo po ang mga anak ko!” mahinang bulong ni Maya. Nag-uunahang tumulo ang kaniyang mga luha habang tahimik na nagdadasal. Hindi malaman ni Gavin kung paano niya mapapagaan ang pakiramdam ng babaeng babago pa lamang niyang nakikilala. Nag-aalangan man ay nagawa niyang hawakan ito sa balikat. Hinaplos niya rin ang likod nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin. Halos gumuho ang mundo ni Maya nang makita niya ang sunod-sunod na mga bangkay na bitbit mga rescuer sa mga stretch beds. Biglang natuyo ang kaniyang mga mata. Mabigat man ang pakiramdam ng kaniyang paa na para bang may mga kadenang nakatali sa mga ito ay nagawa niya itong ihakbang. Lumapit siya sa isa sa mga bumbero. Nangangatal ang kaniyang mga kamay nang kinuha niya mula sa kaniyang bag ang kaniyang wallet at mula roon ay inilabas niya ang litrato ng dalawa niyang anak. “Na-Nakita niyo po ba s-sila? M-May na rescue po ba kayong kamukha nila?” Basag na ang boses ni Maya at halatang anumang oras ay muli na namang tutulo ang mga luha niya. Hinawakan ng bumbero ang litrato nina Matthan at Hope. Umiling siya. “Pasensya na po, ma’am. Sa dami po ng aming mga ni rescue, buhay at patay, ay hindi ko na po matandaan ang mga hitsura nila. Excuse me po. Kailangan ko na pong bumalik sa serbisyo.” Tulalang napaupo si Maya sa may tabi ng kalsada. Nabitiwan niya ang litrato ng kaniyang mga anak at nilipad ito ng hangin patungo sa nag-aalab na gusali. Sinapo niya ang kaniyang dibdib at doon ay hindi na niya napigilang umiyak at sumigaw. Napatingala si Gavin habang ginugulo ang kaniyang buhok. Kahit pa sabihing napakayaman niya at marami siyang tauhan ay wala siyang nagawa kung hindi ang pagmasdan ang lumalaking apoy sa harapan nila. Umupo siya at walang pagdadalawang-isip na niyakap si Maya. Iyon lang ang tangi niyang magagawa para rito. Nagulat siya nang biglang tumayo si Maya. Pinahid nito ang mga luha sa mata. Agad niyang hinawakan ang isa nitong kamay nang mapagtanto niyang nais nitong pumunta sa nag-aapoy na gusali. “Maya, please don't go. Masyado nang delikado.” May pag-aalala sa tono ng pananalita ni Gavin. “Let me go! My twins need me! Let me go!” Maya yelled. ‘Twins? Kambal ang anak niya?’ piping turan ni Gavin habang nakatitig kay Maya. “No, Maya. Mapapahamak ka lang sa gusto mong gawin. I'm sure your children will not allow you to go there if they are here.” “NANDITO BA SILA? WALA, ‘DI BA? NAROROON SILA SA IKA-LABINLIMANG PALAPAG! NI HINDI KO ALAM KUNG MAHIMBING PA SILANG NATUTULOG NGAYON O KUNG NAKAALIS NA BA SILA BAGO PA MAN LUMALA NG GANITO ANG SUNOG! LET ME GO, SIR. BUHAY KO ITO AT SILA ANG BUHAY KO! HINDI KO KAKAYANIN KAPAG NAWALA SILA SA AKIN!” Muling napaupo si Maya nang manghina ang mga tuhod niya. “Please, let me go. Kailangan ako nina Matthan at Hope,” naluluhang wika niya. Biglang bumigat ang pakiramdam ni Gavin. Hindi niya maintindihan kung bakit siya naaapektuhan sa tuwing makikita niya ang sitwasyon ngayon ni Maya. Ikinuyom niya ang kaniyang mga kamay nang maalala niya ang inosente at masayahing mukha ni Hope. Lumakad siya patungo sa harap ni Maya at hinawakan niya ang magkabilang balikat nito. “Stay here. I will try to…to save them.” Gavin couldn't comprehend what's happening to him. He even thought to risk his life just to save Maya’s twins. Natigilan si Maya. Umiling siya pagkatapos. “Hindi mo sila kaano-ano kaya bakit mo isusugal ang buhay mo para sa mga anak ko? We just met today, sir. Kung may kailangan mang magligtas sa mga anak ko, iyon ay walang iba kung hindi ako.” Itinuon niya ang kaniyang mga natitirang lakas para muling makatayo. “No! Stay here. Sa mental state mo ngayon, hindi mo kakayaning sumuong sa apoy. Mapapahamak ka lang,” may pinalidad na sabi ni Gavin. ‘This man. He's willing to risk his own life for the sake of my kids. Why?’ “Maya, makinig ka sa akin. Kahit anong mangyari, huwag na huwag kang aalis dito. Did you get it?” Hinubad ni Gavin ang kaniyang suit. “When you're kids get off of that building, the first thing that they will do is to find you. You need to be vigilant and most importantly, you need TO STAY HERE NO MATTER WHAT. Nakikinig ka ba sa akin, Maya?” Wala sa sariling tumungo si Maya. Tama ang lalaking nasa harap niya. Kapag natatakot sija Matthan at Hope ay agad siyang hinahanap ng mga ito para yakapin. Aalis na sana si Gavin nang pigilan siya ng mga bumbero. “Sir, hindi po kayo maaaring pumasok sa danger area. Malapit na pong gumuho ang buong gusali dahil sa patuloy na paglaki ng apoy. Matutusta lang po kayo kapag pinilit niyong gawin ang gusto niyo. Marami na po sa aming mga kasamahan ang nasugatan at namatay dahil sa sunog. Marami na rin pong mga sugatan at namatay na biktima kaya pakiusap po, huwag na po kayong dumagdag sa mga buhay na kailangan naming sagipin.” Itinuro ni Gavin si Maya. “I need to go there. Her kids…” Biglang nablangko ang isip niya. “Sir, please cooperate. We are doing our best to lessen the casualties of this incident. Mukha naman pong may mataas kayong pinag-aralan kaya pakiusap po, huwag na pong matigas ang inyong ulo. Kung ipipilit niyo po ang gusto niyo ay mapipilitan din kaming gumamit ng pwersa para lang pigilan kayo. Please, sir. Huwag niyo na pong dagdagan ang trabaho namin,” pagkasabi noon ay umalis na ang bumbero. “Sir, t-tama si kuyang bumbero. Ma-Makinig ka na lang sa kaniya,” ani Maya habang nagpapahid ng kaniyang mga luha. Hinilot ni Gavin ang kaniyang noo. Halos mapamura siya nang makita niyang kumaripas ng takbo si Maya patungo sa direksyon ng nagliliyab na gusali. “ShiT! That hard-headed woman!” aniya bago nagtatakbo para habulin at pigilan si Maya.“Bitiwan niyo ako! Ililigtas ko ang mga anak ko!”“Pasensya na po, misis pero hindi po namin kayo hahayaang makapasok sa area.” Napatingin ang bumbero sa halos kararating lang na si Gavin. Habol nito ang paghinga dahil sa paghabol kay Maya. “Mister, bantayan niyo po ang misis niyo. Gustong-gusto rin po naming iligtas ang lahat ng nasa gusali pero dahil sa patuloy na pagkalat ng apoy, limitado lamang po ang aming pagkilos. Ganunpaman, ginagawa po namin ang aming makakaya para makapagligtas ng buhay. Pasensya na po.”Kinuha ni Gavin ang nanlalatang si Maya sa bisig ng bumbero. Halos mamaga na ang mga mata nito sa kakaiyak. Niyakap niya ito nang mahigpit at hinaplos ang buhok nito. Muli na namang nanumbalik sa kaniyang ala-ala ang gabing iyon, limang taon na ang nakalilipas dahil sa amoy na nagmumula sa buhok nito.“Maya…”“Sa kagustuhan kong kumita at makaipon ng pera para sa nalalapit na pagpasok ng mga anak ko ay nagawa ko silang iwan sa pangangalaga ng aking kaibigan. Hindi ko kakaya
“Brandon, right?”“Yes po, Miss Avva. May kailangan po ba kayo? Kung may kailangan po kayo ay huwag po kayong mahihiyang magsabi sa akin o kaya naman ay sa mga katulong dito. May maipaglilingkod po ba ako sa inyo?” magalang na tugon ni Brandon.“Anong oras ba darating si Gavin? Nakatulog na ang mga anak namin sa kahihintay sa kaniya.” Kasalukuyang nasa tig-isang kuwarto na sina Hivo at Bia samantalang si Avva naman ay nasa sala, matiyagang hinihintay ang pagdating ni Gavin.“Regarding that, I don't have a specific answer po eh pero huwag po kayong mag-alala kasi aware naman po si Sir Gavin na naririto na kayo. Alam din niyang hinihintay niyo siya. Baka nagkaproblema lang ng kaunti o kaya naman ay may biglaang inutos si senior kaya po siya natagalan. May gusto po ba kayong kainin? Ipapahanda ko po ulit sa chef kung mayroon man.” Ngumiti si Brandon. Pasulyap-sulyap siya sa kaniyang cell phone dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagrereply ang kaniyang amo. Halos naka-thirty missed cal
“Sir Gavin, ano pong nangyari sa inyo? Bakit hindi po kayo nakauwi kagabi at saka bakit po gan'yan ang hitsura niyo?” sunod-sunod na tanong ni Brandon nang nabungaran niya ang kararating lang na si Gavin. Gulong-gulo ang buhok nito at puro dumi ang suot na puting long sleeves. Ang suit nito ay nakasabit sa braso nito.“Don't talk to me like you're my mom. I'm tired, Brandon. Wala pa akong matinong tulog.” Hinilot ni Gavin ang kaniyang sintido. Inihagis niya kay Brandon ang kaniyang suit at pagkatapos ay nahiga siya sa couch.Sinalo ni Brandon ang suit ni Gavin. “Pasensya na po, Sir Gavin. Nag-alala lang po ako sa inyo. Akala ko po kasi eh kung ano na naman ang ginawa ng blind date niyo sa inyo,” nakayukong turan niya.“P'wede bang iwan mo muna ako? Gusto ko munang magpahinga at matulog. Stop talking. You're bombarding my ears,” nakapikit na sabi ni Gavin.“Pasensya na po, Sir Gavin.” Napakamot sa kaniyang ulo si Brandon nang makita niyang nakangiting bumababa ng hagdan si Avva.“Sir G
Nang makarating si Gavin sa kaniyang condo ay agad siyang nahiga sa malambot na kama. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata dahil gustong-gusto na niyang matulog.“D@mn it!” sigaw ni Gavin sabay bangon sa kaniyang kama. Sinabunutan niya ang kaniyang sarili. “What’s happening to me? Why am I thinking about that woman…again?”Tumayo si Gavin at naglakad patungo sa kinaroroonan ng refrigerator. Binuksan niya iyon at kumuha ng isang bottled water pero sa halip na inumin niya iyon ay ibinuhos niya iyon sa kaniyang ulo. Kinaligkig siya nang maramdaman niya ang pagdampi ng malamig na tubig sa kaniyang anit at balat.“Go back to your senses, Gavin! That woman has nothing to do with you!” Itinapon ni Gavin ang walang lamang bote sa trash can at saka naglakad patungo sa shower room. “Maybe, I need to take a bath first, before I go to sleep. Tama. Baka sakaling kulang lang ako sa tulog. Makakalimutan ko rin ang tungkol kina Maya at Hope.”Hinubad ni Gavin ang lahat ng kaniyang suot at inihagis ang
Tulala si Maya habang nakatitig sa kabaong ni Matthan. Namumugto na ang kaniyang mga mata dahil sa walang tigil na pag-iyak. Pilit niyang itinatanim sa kaniyang isip na buhay na buhay pa ang kaniyang anak pero hindi. Wala na talaga ang masigla, masayahin, maalaga, mabait at mapagmahal niyang anak.“Maya, magpahinga ka na muna. Kagabi ka pang walang tulog,” ani Nirvana, ang may-ari ng nasunog na gusali.Umiling si Maya. Ayaw niyang iwan ang anak niya. Pinagsisisihan niyang iniwan niya ang mga ito sa pangangalaga ni Avva. Nalaman niya kasi sa mga kapitbahay nila na umalis din agad ang kaniyang matalik na kaibigan kasama sina Hivo at Bia, ilang minuto lang pagkatapos niyang umalis. Alam niyang walang kasalanan si Avva sa nangyaring sunog pero hindi niya maikaila sa kaniyang sarili na sinisisi niya rin ito sa nangyari. Kung isinama lang nito ang mga anak niya, hindi sana nakahimlay ngayon sa kabaong si Matthan.“Nakabalik na po ba si Avva?” tulala at walang emosyong tanong ni Maya.“Hindi
“Iwan niyo po muna kami, pakiusap,” bulong ni Maya kay Nirvana.“Sigurado ka, Maya?” nag-aalangang tanong ni Nirvana.Tumango si Maya. Agad namang dumistansya si Nirvana. Hindi na niya hinintay na makalapit pa sa puntod ni Matthan ang kaniyang pamilya. Sinalubong na niya ang mga ito. “Anong ginagawa niyo rito?”“Bakit naman gan’yan ang bungad mo sa amin? Hindi mo ba kami na miss? Hindi ka ba natutuwa na makita kami ngayon?” nakangiting tanong ni Angelita.“Sa tingin niyo, ano ang nararamdaman ko ngayon? Sa palagay niyo ba ay mag-iiiyak ako sa tuwa dahil nagpakita kayo sa akin matapos niyo akong itakwil, five years ago?” natatawang turan ni Maya.“Naparito kami para makiramay, hindi para makipag-away, Maya.” Iniabot ni David ang bulaklak na binili nila para sa namatay na anak ni Maya.Ngumiti si Maya at tinanggap ang bulaklak na ibinigay ng amang si David. “This is the first time that you bought me some flowers and unfortunately, it’s not for a celebration or for a sweet occasion but
“Saan po tayo pupunta, lolo?” tanong ni Hope habang nakaluhod sa upuan ng sasakyan. Nakahawak ang kaniyang mga kamay sa nakasaradong bintana habang manghang pinapanood ang daan.“‘Di ba sabi mo kanina eh nagugutom ka na? Dadalhin ka ni lolo sa lugar kung saan nag-se-serve mayroong mga masasarap na pagkain,” nakangiting tugon ni Don Gilberto.“Talaga po?” Biglang nagningning ang mga mata ni Hope.Tumango si Don Gilberto. Giliw na giliw siya sa batang babae. Napakabibo nito at napakamasayahin. Bukod doon ay maalam itong gumalang sa mga nakatatanda. “Nasaan nga pala ang mommy mo, Hope?” nakangiting tanong ni Don Gilberto.Nawala ang kinang sa mga mata ni Hope. Umupo siya nang maayos at saka yumuko. Nilaro niya ang kaniyang mga daliri.“Bakit bigla kang nalungkot? May nasabi bang masama si lolo?” Humarap si Don Gilberto kay Hope at hinaplos ang buhok nito.“Nasa hospital po si mommy,” naiiyak na tugon ni Hope.“Ha? Bakit? Anong nangyari? May sakit ba siya? Sinong kasama niya roon?” sunod
“No! We will not take a bath unless mommy does it!” Bia yelled out of disappointment when she learned that her Mommy Avva will not take a bath with her.“Pero Senyorita Bia, may ginagawa po si Miss Avva. Abala siya sa pagpapaayos ng kaniyang sarili,” magalang na turan ni Aling Elvira.“No! I want mommy! Nasanay na po akong sabay kaming naliligo ni mommy araw-araw,” simangot na wika ni Bia. She crossed her arms.“Senyorito Hivo, kayo na muna po ang liliguan ko. Ay—”“Hindi po ako papayag na hahawakan ng ibang tao ang katawan ko lalong-lalo na ang private area ko! Si mommy lang po ang gusto kong humawak sa akin,” giit naman ni Hivo.“Pero senyorito, kailangan na po nating magmadali dahil may pupuntahan po kayo kasama si Sir Brandon. Pakiusap po, hayaan niyo na po akong paliguan kayo. Senyorita Bia, pakiusap. Kung gusto niyo po ay sabay ko na kayong paliliguan,” nakangiting sabi ni Aling Elvira.“NO! WE ONLY WANT MOMMY!” sabay na sigaw ng kambal.Napahinga nang malalim si Aling Elvira ha