Prologue
Ang trabaho ay nakakapagod. Araw-araw kang pumapasok sa trabaho para kumita ng konting halaga ng pera. Paghihirapan mo ng isang buwan at pag nahawakan mo na ang sweldo mo ay manlulumo ka lang dahil kailangan mo na ring i-budget ang pera. Pambayad sa utang, pagbayad sa matrikula ng mga kapatid, panggastos sa pangangailangan sa bahay at higit sa lahat ay pambili sa mga bagay na gustong bilhin.
Nasaan ang ipon? Wala. Gastos lahat.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa cellphone ko at gamit ang isang kamay ay hinawakan ko ang handle ng pinto. Pumasok ako sa fastfood chain at nilapitan agad ako ng pulang bubuyog na laging nakangiti.
Buti pa siya laging happy. Hindi ba talaga na lulungkot ang bubuyog na ito?
I don't want to say this but I'm insecure about him or her. I'm not sure about his gender tho.
"Hindi ko naman sinasadya na masagot ko si Ma'am Gina," pagkakausap ko sa kabilang linya.
Narinig ko ang malakas na pagsinghap ni Eunice Faye. Iginala ko ang paningin ko sa paligid at napansin ko na kakaunti pa lang ang tao. Umaga pa lang kasi. Kung ang iba ay nagluluto ng almusal, ako naman ay pumipila sa senior citizen lane.
Nang mapagtanto na mali ang pinipilahan ko ay agad akong lumipat sa kabilang counter. Dalawang cashier lang ang available kaya medyo matatagalan akong maka-order. May apat pa kasing nakapila sa unahan ko.
"Edraly, mukhang malalagay ka sa problema dahil sa pananagot mo sa kaniya," rinig kong sabi ni Paye sa akin. Halata sa kaniyang boses ang pag-aalala.
Binuksan ko ang bag ko gamit ang isang kamay. Hinanap ko roon ang wallet ko habang kinakausap ko si Paye.
Masyadong nag-aalala si Eunice Faye sa akin. Akala mo naman ay matatanggal ako sa trabaho.
"Alam mo naman na mabait ako pero sumosobra na siya. Mataray ako sa mataray. Saktong mainit ang ulo ko kaya hindi ko na napigilan pang sumagot sa kaniya. Minura niya ako sa harap ng maraming tao. Hindi ko naman ugaling manahimik lang. Sinagot ko siya ng may paggalang pero napataas ang tono ng boses ko," paliwanag ko sa kaniya.
Naalala ko ang nangyari kanina. Kaka-log out ko lang sa biometrics at nakasalubong ko na ang Mama ng manliligaw ko. Niyaya niya ako na makipag-usap sa lobby bago ako umuwi. Wala si Paye dahil mas nauna siyang nakauwi sa akin. Hindi niya tuloy nakita ang nangyari, pero nakarating agad sa kaniya ang balita.
Kilala ko si Ma'am Gina dahil lagi siyang pumupunta sa company. Ka-close niya kasi ang pinaka-manager namin.
"Bakit ba kasi galit na galit sa'yo ang client nating iyon?" tanong ni Eunice Faye.
Sobrang gulo ng shoulder bag ko. Ang daming laman na mga make up at iba pang bagay na pang-kaartehan. Nang makita ko ang wallet ko ay inilabas ko agad iyon. Binuksan ko ang pitaka ko upang tingnan kung may cash pa. Inayos ko ang bag ko para maisarado iyon. Hindi naging madali ang pagsasara ko ng bag dahil may mga hawak ako. Napaluwag ang pagkakahawak ko sa wallet kaya nalaglag ang dalawang Debit card ko.
Yuyuko na sana ako at dadamputin ito ngunit napatigil ako nang may lalaking naunang yumuko at pagkatapos ay inabot niya na sa akin ang ATM cards ko. Hindi ko siya tiningnan at nagpasalamat lang ako sa kaniya habang kinukuha ang cards.
Ipinagpatuloy ko ang pagkakausap ko kay Paye.
"Paano ba naman hindi magagalit sa akin si Ma'am Gina e, sinampal ko nang malakas ang anak niya sa harap ng maraming tao," mariin na wika ko habang nagngingitngit ang mga ngipin ko.
Paniguradong nagsumbong sa Mama niya ang lalaking iyon. Mama's boy pa naman kaya sobrang sure ako.
"What? Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin iyan? Bakit mo naman sinampal 'yung anak niya?" malakas niyang tanong kaya napangiwi ako bago ko inilayo ang cellphone sa tainga ko.
"Nagalit ako," may inis sa boses na sabi ko.
Tuwing naaalala ko iyon ay kumukulo ang dugo at kasing init na yata ito ng araw. Twenty seven million degrees Fahrenheit. Okay, it's a joke.
"Nanliligaw pa lang sa akin pero nanghahawak na ng puwet! Sa sobrang gigil at inis ko ay sinampal ko sa harap ng maraming tao," nanggigigil na sabi ko.
Kahapon ay nagyaya siya na makipag-date pero tinanggihan ko. Sinabi ko na uuwi ako dahil antok na antok na ako pero pinigilan ako. Paglabas namin sa building ng kompanya ay hinawakan niya ako sa pwet at nakita iyon ng maraming tao. Sa sobrang galit at gulat ko ay sinampal ko siya nang sobrang lakas.
"Oh gosh! Yari ka sa senior manager pag biglang umatras si Ma'am Gina sa kontrata!" biglang sabi ni Paye ngunit napangisi na lang ako.
"I'm pretty sure that she won't backout in their contract. Isa ang department natin sa magagaling humawak ng produkto para sa outbound call center. Tayo ang pinaka-mahusay na magbenta ng products. Mas mataas ang sales natin kesa sa group ni Aliyah," nagmamalaking sabi ko.
Hindi magta-take ng risk si Mrs. Gina na ibigay sa ibang team ang mga produkto na gusto niyang ipagbenta. Mas mabilis kaming makaubos ng product.
"Magaling ka kasi na supervisor, Ma'am Edraly," pamumuri niya sa akin.
Mabilis na humaba ang nguso ko at pagkatapos ay inilagay ko ang ilang hibla ng buhok sa may taas ng tainga ko. May narinig akong tumikhim pero hindi ko pinansin 'yung lalaki.
"Huwag mo nga akong tawagin na Ma'am. Wala na tayo sa loob ng workplace," sambit ko. Sumilay sa akin ang malawak na ngiti.
Masaya ako tuwing nako-compliment. Sino bang hindi?
"Bukas na tayo mag-usap o kaya mamayang gabi pagkagising ko," pagpapatuloy kong sabi sa kaniya.
Alam kong tutulog na rin siya.
"Oo na. So, nakauwi ka na ba?" tanong niya sa akin. Kahit hindi niya ako nakikita ay tumango ako.
"Hindi pa. Dumaan pa ako sa fastfood chain. Kakain lang ako ng breakfast," sagot ko sa kaniya.
Tiningnan ko ang pila sa unahan ko at napansin ko na ako na ang sunod na mag-o-order.
"Sosyal naman at sa fastfood chain pa kumakain ng breakfast," natatawa niyang sabi kaya napanguso ako.
"Alam mo naman na tamad akong magluto, at bagsak agad ako sa kama pag-uwi kaya hindi na ako nakakakain minsan," wika ko habang tinitingnan ang nasa menu board.
"Hirap ng night shift no?" aniya kaya napangisi ako.
Ilang taon na ako sa BPO company at lagi rin akong night shift. Sanay na sanay na ako.
"Supervisor na ako. Mas mahirap pa rin ang ginagawa niyo," sabi ko.
Medyo madali na kasi ang ginagawa namin kaysa sa mga call center agent. Naka-graduate na ako sa pagiging call center agent. I mean, na-promote na ako. Pero mas masaya kung mapopromote ako sa puso ni Crush.
"Madali na ang trabaho mo kasi hindi ka na nai-stress sa mga nagmumurang customer," sambit niya kaya napatawa ako.
Tama siya. Madali lang naman ang trabaho ngunit mapaghihinaan, mapapagod at mawawalan ka ng gana kung lagi kang napapagalitan ng taong tinatawagan mo. Mahirap ang buhay call center agent. Stress sa trabaho at puyat goals din.
"Definitely. Isang taon na akong supervisor at pamula noon ay nakakatulong na ako ng sobrang himbing sa umaga," kwento ko sa kaniya.
Malayo ako kina Mama at sa mga kapatid ko. Nasa Maynila ako at nakatira ako sa isang apartment. Nasa Tiaong Quezon sila. Gusto ko mang umuwi kada Linggo ay hindi ko naman magawa dahil sayang din ang pamasahe. Nagtitipid kasi ako para sa bakasyon ko.
"Gagalingan ko na rin para naman ma-promote na rin ako," sambit niya kaya natuwa ako.
"Malapit ka na ma-promote. Sige na. Goodbye na. I'll call you later na lang," sabi ko at pagkatapos ay ngumiti ako sa cashier.
"Goodbye," sambit ko bago ko patayin ang linya ng tawag.
"Can I get your number?" rinig kong tanong ng isang baritono na boses ngunit hindi ko siya pinagtuunan ng pansin.
Malay ko pa ba kung ako ang kinakausap niya. Hindi naman kasi ako mahilig pumansin sa ibang tao. Lalong-lalo na kung hindi ko kilala. I'm not a snobber. Sadyang mahiyain lang akong makipag-usap sa iba. Tsaka maraming tao sa paligid ko at baka hindi ako ang sinasabihan nito. Matawag pa akong assuming o tsismosa pag lumingon ako.
Naglakad ako palapit sa counter. Inilagay ko ang cellphone ko sa bag ko ngunit hindi ako tumitingin dito. Sumulyap ako sa menu board na nasa taas.
"Good morning, Ma'am. What's your order?" maligaya ang boses na bati ng babaeng cashier.
"Good morning. Give me one mashed potato. What's your available breakfast on your menu?" tanong ko.
Minsan ay hindi available ang gusto ko kaya itinatanong ko na lang sa kahera ang mga available para sa breakfast.
"Available po lahat ng nasa menu board," masayang sabi niya kaya sumilay agad sa aking mukha ang saya.
Nakaramdam ako ng saya dahil sa nalaman. Atlast, mabibili ko na naman ang paborito kong pagkain. Napahigpit ang hawak ko sa wallet ko habang kinukuha ko roon ang cash na ibabayad ko.
"Sige. Beef tapa at beef steak with one rice," may ngiti sa labi na sabi ko.
Nag-punch siya sa screen at pagkatapos ay inabot ko na sa kaniya ang bayad ko. Mabilis siyang kumilos kaya naman naging mabilis ang transaction namin.
May narinig ulit akong tumikhim sa tabi ko pero hindi ko ito pinansin. Baka matanda na may plema sa lalamunan? Kanina pa kasi siya tumitikhim. Naghintay lang ako ng ilang segundo sa tabi habang hinihintay ang order ko. Kinuha na ng babae ang order ng kasunod ko sa pila.
"It's a wonderful day, isn't it?" matigas ang ingles na pagkakasabi niya.
Imbis na pansinin siya ay mas pinagtuunan ko ng pansin ang order ko. Inaayos na ng babae ang pinggan na may lamang pagkain.
Natapos ang pagpe-prepare niya at ibinigay na niya ang order ko. Nagpasalamat ako sa kaniya habang ngumingiti.
"Do you want some help, Miss Beautiful?" tanong ng lalaki ngunit umiling lang ako sa kaniya bago ko kunin ang tray na may lamang pagkain.
"No thanks," maikling tanggi ko at hindi ko man lang tiningnan ang mukha ng lalaki.
"But—" he said but I cut him off.
"No more buts. Excuse me," sambit ko at pagkatapos ay pumihit na ako patalikod.
I don't need help. I'm an independent woman.
"I'm a savage, classy, bougie, ratchet. Sassy, moody, nasty.
Acting stupid, what's happening?" mahinang kanta ko sa isang song na sikat ngayon habang inaamoy ang mga pagkain.Gutom na ako. Inaantok na ako pero kakain muna ako, because kain is life.
Humanap ako nang magandang pwesto at nang makakita ng comfortable na pwesto ay pumunta agad ako doon at umupo. Inaayos ko pa lang ang mga pagkain ko sa lamesa ngunit napatigil ako dahil biglang lumapit sa akin ang matabang kulay pula na bubuyog na laging nakangiti.
May ipinatong siyang milktea sa lamesa ko. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. Ang pagkakaalam ko ay wala akong in-order na dalawang milktea.
"Bakit mo ako binibigyan ng milktea, bubuyog na pula? Nililigawan mo ba ako?" diretso na sabi ko habang tinitingnan siya nang mariin.
Baka naman type ako ng nasa loob ng mascot?
Iniwawagay-way niya ang kaniyang mga kamay sanhi ng pagtanggi. May itinuro siya kaya sinundan ko ng tingin ang kamay niya. Sa may counter...sa nakatalikod na matangkad na lalaki siya nakaturo. Ngunit ang nakakuha ng pansin ko ay ang nasa tabi nitong karatula.
Free milk tea when...
Hindi ko na binasa pa ng tuluyan ang nasa poster at tiningnan ko na lang ang mga milktea sa harapan ko.
Hindi ako mahilig uminom ng milktea sa umaga pero dahil libre lang ay tatanggapin ko na.
Napatango ako sa kaniya at pagkatapos ay ngumiti ako. Tipid na pasasalamat ang ibinigay ko sa kaniya. Masayang umalis ang pulang bubuyog at nagtatatalon pa siya habang pumapalakpak. Bago ako umiwas ng tingin sa kaniya ay nakita ko pa na nag-thumbs up siya habang nakaharap sa counter.
Tahimik akong kumain. Wala pang kalahating oras nang matapos akong kumain. Napatingin ako sa kabilang upuan. May napansin akong nakatingin sa akin pero biglang tumalikod ang lalaki.
Hindi ko na lang siya pinansin dahil antok na antok na ako.
Sinumulan ko nang ayusin ang mga pinagkainan ko. Pinagpatong-patong ko ang mga wala ng laman na pinggan at inilagay ko ang kutsara at baso sa taas nito.
I always do this. Inililigpit ko na ang pinagkainan ko para hindi na iyon ligpitin pa ng crew. Dapat pag kumain sa mga fast food chain ay inililigpit din ang pinagkainan. Hindi man natin ito trabaho pero mas maganda na maging responsable tayong tao.
Help the crew in a simple way.
Para kahit konti ay makatulong sa mga crew at hindi sila mapagod ng sobra.
Trabaho nilang maglinis pero mas maganda kung sa simpleng bagay ay makatulong ka sa kanila. Be responsible everytime you eat in a fastfood chains. Halata kasi sa mukha nila na nahihirapan na sila lalong lalo na pag-peak season. Pansin ko minsan sa iba na may ibang tao na boss kung makautos. Kukuha lang ng kutsara pero iniuutos pa sa iba. Lalakad lang ng konti ay hindi pa magawa.
Binuksan ko muna ang bag ko at kinuha ko roon ang maliit kong salamin. Tiningnan ko ang mukha ko upang makita kung may dumi o kanin pa ba.
Nang matapos ako ay inilagay ko na agad sa bag ang salamin ko. Saktong may naglagay ng peach mango pie sa lamesa ko at naglakad din siya paalis.
Napanganga ako ng konti dahil sa kalituhan. Lumingon ako at tiningnan ang lalaki na nakatalikod. Nakapamulsa ang matangkad na lalaki.
"Wait, Kuya! Bakit mo ipinatong dito?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya.
Saglit siyang tumigil sa paglalakad at pagkatapos ay nagsalita siya ngunit hindi naman siya lumingon.
"There are one twenty calories in a one serving of Peach Mango Pie. The calorie breakdown level was 15% in fats, 82% carbs, and 3% protein. Eat it, Miss Beautiful. Hindi 'yan nakakataba. You will stay sexy and hot," sabi ng nakatalikod na lalaki at pagkatapos noon ay naglakad na siya palabas sa pinto.
Kunot noo na tumayo ako habang kinukuha ang peach mango pie. Hindi ko na hinabol pa ang lalaki dahil hindi naman kasi ako mahilig maghabol sa taong umalis na.
I won't chase him just to give this peach mango pie.
Napataas ang kilay ko nang makita ko na may nakasingit na tissue paper sa packaging nito. Kinuha ko ang tissue at napangisi ako nang mabasa ang nakasulat doon. It's his name and his number.
"Call me, Miss Beautiful. I'm James," pagbabasa ko sa nakasulat sa pinaka-ibabang bahagi ng tissue.
Napatawa ako nang mahina habang umiiling. Ang lakas ah!
"Ano naman? My mother said that strangers are bad, so, as an obedient daughter, I won't talk to strangers," mahina kong sabi sa sarili at pagkatapos ay ginasumot ko ang tissue. Itinapon ko ito sa basurahan na nasa tabi ng kuhanan ng kutsara at tinidor.
Kinuha ko agad ang bag ko at ang dalawang milktea na hindi ko ininom. Lumabas ako sa fastfood chain at pagkatapos ay may sinenyasan akong mga batang namamalimos.
May saya sa mukha na ibinigay ko ito sa kanilang dalawa. I can't drink it because I still need to sleep later. This drink was overloaded with caffeine, which milk tea can result in sleep disorders such as insomnia. Matamis din ito. Ayokong maging hyper at active ngayong umaga. I badly need sleep. Matapos magpasalamat ng mga bata ay nakangiting umalis na rin ako sa harap ng fastfood chain.
*
Kinuha ko ang bagong cellphone na binili ko kahapon. I lost my phone and I don't know where did it fell.
Noong isang araw ko pa nalaman na nahulog ang cellphone ko pero ngayon lang ako nakabili dahil naging busy ako. Mabuti na lang at wala masyadong importanteng files sa cellphone ko. Mga pictures lang ang nandoon dahil kakabili ko lang din noon last week. Mabuti na lang at lagi kong nilo-log out ang mga social media accounts ko sa cellphone ko.
"Are you ready for our vacation trip tomorrow?" tanong sa akin ni Paye kaya napatingin ako sa kaniya.
Tumango ako at pagkatapos ay ngumiti sa kaniya. "Yes. Atlast, may pahinga na tayo."
Naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas sa building.
"Edraly, Excited na ako sa bakasyon. Mabuti na lang at in-approve sa human resources department ang vacation leave natin," malawak ang ngiti niya habang sinasabi iyon.
Lumawak ang ngiti ko at pagkatapos ay hinawi ko ang buhok ko para mapapunta ito sa likod.
"Malakas ako kay Ma'am Macy kaya pinayagan niya tayong magbakasyon," sambit ko sa kaniya at pagkatapos ay kumindat ako.
"The best talaga si Ma'am Macy Salvador," masayang sabi niya habang naglalakad kami sa may gilid ng kalsada.
"So, ready ka ng mag-impake?" may excitement na tanong ko sa kaniya.
Tumango siya at pagkatapos ay bumitin siya sa braso ko. "I'm so ready na. One hundred percent ready!"
"Good! Mauuna na ako, ha? Malayo pa ang apartment ko," pagpapaalam ko sa kaniya at pagkatapos ay naramdaman ko ang pagluwag ng kapit niya.
Nang bitawan niya ako ay kumaway agad ako sa kaniya at nagpaalam.
"Ba-bye!" rinig kong sabi niya kaya panandalian akong lumingon at ngumiti.
May dumaan agad na isang kulay blue na jeep. Itinaas ko ang kamay ko upang parahin ito. Tumigil ito kaya sumakay na agad ako sa jeep.
"Bayad po," sabi ko matapos kong makaupo. Inabot ko agad ang nakahanda kong pambayad.
Tinanggap ito ng katabi ko at ibinigay sa driver.
"Saan ito ineng?" tanong ng driver sa akin.
Tumingin ako sa driver at pagkatapos ay magalang na sinagot ko ang tanong niya, "Sa may Bonny Serano Avenue lang po."
Umandar na ang jeep habang nagbibilang pa ng sukli ang driver. Nakatingin lang ako sa pwesto niya. Mabilis niyang naibigay sa akin ang sukli ko kaya agad akong nagpasalamat. Sumandal ako sa upuan at pagkatapos ay tumingin ako sa labas ng bintana.
Ramdam ko ang paghampas ng hangin sa mukha ko. It's not fresh. Kahit umaga ay ramdam ko na ang init sa hangin.
Sa buong durasyon ng byahe ay nakatingin lang ako sa labas. Noong mapatigil ito sa tapat ng traffic light ay huminga ako nang malalim.
Ipinatong ko ang siko ko sa may bakal sa bintana ng jeep. Nanatili akong nakamasid sa labas. Biglang may tumigil na isang kotse na mukhang mamahalin sa tabi ng jeep kaya napapunta dito ang buong atensyon ko.
Nakita ko na marahang bumaba ang bintana ng kotse. Singhap ang lumabas sa bibig ko nang makita ang lalaki na nakasuot ng aviator sunglasses. Kahit naka-shades ay halata na ang kagwapuhan niya.
Ibinaba niya ang aviator sunglasses niya at halos mahulog ang panga ko dahil sa sobrang gulat. Saglit akong napatigil sa paghinga nang makita ang gwapong mukha ng lalaki. Ngumiti ang lalaki at pagkatapos ay kinindatan niya ako.
"Miss, you're familiar to me! Are you the woman in my dreams? Are you my future wife?" tanong niya sa akin habang nakangiti nang sobrang lawak.
Nawala ang pagkamangha ko. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Alam ko na ang uri niya. Taong manloloko.
"Are you crazy?" bulong ko sa hangin at alam kong hindi niya ito narinig.
Nakita ko ang paglaki ng ngisi niya na tila ba tuwang-tuwa siya sa nakikita. Hindi nakalampas sa paningin ko ang pagkindat niya.
"I love you!" sigaw niya kaya napairap ako.
"Gago ka ba?" malakas kong sabi. Binigyan ko siya ng mataray na tingin.
"Minumura mo ba ako, ineng?" rinig kong tanong ng matandang babae sa tabi ko kaya biglang namilog ang mga mata ko habang tumatanggi.
"Hindi po, Lola. May nakita lang po akong kaaway. Paniguradong baliw na po siya," sambit ko. Tumango lang ang matanda at hindi na nagsalita pa.
Umandar na ang jeep. Bago maghiwalay ang landas namin ng lalaki ay inirapan ko muna siya ng pamatay.
Hindi ko naman kilala ang lalaking iyon. I love you raw? Anong akala niya sa akin magsasabi rin ng I love you too?
In his dreams.
***
written by CussMeNot
Kabanata 1"Nasaan ka na?" tanong ko kay Paye. Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga kaya alam ko ng bad news ang kasunod nito."Edraly, Sorry. Hindi ako makakasama sa'yo papunta sa Baguio," may lungkot sa boses na sabi niya kaya napasinghap ako nang malakas.Is this kind of a joke? Ilang buwan na naming napagplanuhan ang bakasyon naming ito. Ilang beses kong napanaginipan na nasa Baguio ako at kumakain ng strawberry. Ayokong hindi matuloy ang bakasyon namin. Ang daya niya. Ngayon ay sasabihin niyang hindi siya sasama? Ayokong mag-isa sa trip. Pagkatapos din kasi ng trip namin sa Baguio ay diretso na rin kami sa Sagada.Ngunit sayang naman ang paghahanda ko kung hindi ako tutuloy. Mas maigi pa siguro na pumunta na ako kahit mag-isa lang ako."Ano? Joke ba ito?" tanong ko. May pagtatampo sa boses ko. Naramdaman ko ang panghihina at lungkot. Nakakapanghinayang."Hindi. May naging emergency kasi sa bahay. Pasensya na talaga," paghingi niya ng tawad. Alam ko naman na sinsero an
Kabanata 2Napatigil ako sa paglalakad nang napansin ko na nawawala na ang distansya sa pagitan namin. Hinarap ko siya at pagkatapos ay itinaas ko ang kamay ko upang ipagtabuyan siya palayo."Bakit ka lumalapit? Dalawang dipa dapat ang layo mo sa akin!" mariin kong sabi. Humakbang ako ng apat na hakbang palayo sa kaniya.Sa sobrang kulit ng lalaking ito ay inasar niya pa ako at lumapit pa rin siya sa akin. Nanggigigil na napahawak ako sa rosas na dala ko. Mabuti na lang at wala ng mga tinik ang hawakan nito."Because I want to be close to you," banat niyang sabi.Wala nang ibang lumabas sa bibig niya kundi pick up lines. Imbis na kiligin naman ako ay naaalibadbaran ako sa mga sinasabi niya.Kakababa lang namin kanina sa taxi at naglalakad na kami sa gate entrance ng simbahan. Akala ko ay tatahimik na siya sa kakabanat niya pero may lumalabas na naman na mga salitang sweet.Ininuro ko sa kaniya ang hawak kong rosas. Panandalian siyang napasulyap sa bulaklak pero agad niya rin namang in
Kabanata 3"Nandito na ba ang lahat?" malamya na tanong ng isang lalaki. Ang kaniyang balat ay kulay kayumanggi ngunit kahit ganito ang kaniyang kulay ay hindi pa rin maipagkakaila ang pagiging magandang lalaki niya.Lumapit ang isang babae na sa tingin ko ay labing pitong taong gulang pa lamang. Sila kanina ang nagpakilala na magiging tour guide namin."May isa pa pong kulang," magalang na na sabi ng dalagita.Tango ang tanging ginawa ng lalaki at humarap siya sa amin. Isa isa niyang binigyan ng ngiti ang mga turistang ito-tour niya. Pinagmamasdan ko ang aking mga kasama at binilang ko sila sa aking isip. Siyam kaming tourist at may isa pang hinihintay. Sa makatutal ay sampo kami."Okay. Hihintayin natin siya," sagot ng lalaki.Pumihit ang lalaki upang tumalikod sa amin at umalis muna siya. Sumunod sa kaniya ang dalagita. Bago ako lumingon sa paligid ay nakita ko pa na umupo ang dalawa sa kawayan na upuan sa may tabi ng tindahan.Iginala ko ang aking paningin at pinagmasdan ko ang bu
Kabanata 4Pinuno ko ng hangin ang aking baga at hinabol ko ang aking paghinga dahil kinakapusan na ako ng hangin. Pagkahapo at paghabol hininga ang ginagawa ko habang nakayuko ako. Ang aking kamay ay nakahawak sa tuhod ko. May naramdaman akong humagod sa likod ko kaya tumayo agad ako ng tuwid."Hindi mo na ba kaya? Gusto mo na bang buhatin na kita?" May pag-aalala sa tono ng boses na tanong ni Roisin."Kaya ko pa!" Desidido na sagot ko.Kayang kaya ko ito. Hindi ko ugaling sumuko. Ang lahat ng hirap ay alam kong may magandang kinakalabasan."Do you need water?" nag-aalala na tanong niya.Umiling ako sa kaniya at pagkatapos ay tingnan ko siya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa akin kaya panandalian akong natigilan sa paghinga. Bakit niya ipinapakita sa akin ang pag-aalala niya?"May tubig ako," tanging sabi ko.May nakatago akong tubig sa loob ng bag ko. Hindi ako hihingi sa kaniya. Inalis ko ang pagkakasabit ng isang strap ng bag sa aking balikat at pagkatapos ay binuksan ko ang
Kabanata 5 "Pst! Roisin," pagtawag ko sa atensyon ni Roisin. Walang lumabas sa tent na nirentahan niya kaya muli ko siyang tinawag. Kakapasok ko pa lang sa tent ko kanina ngunit wala pang sampong minuto ay lumabas agad ako. Bigla akong nakaramdam mag-cr. Ramdam ko ang pagkulo ng tiyan ko. Kanina noong naghapunan kami ay ilang beses akong kinulit ni Roisin na kumain ng laing. Hindi ako mahilig sa pagkain na iyon dahil ayoko sa gabi. May allergy din ako sa gabi at kahit na anong luto doon ay hindi ako kumakain. Hindi niya ako napilit sa gusto niya. Iba ang pinili ko. Ginataang papaya na may manok ang kinain ko kanina. Napadami ang kain ko dahil sarap na sarap ako sa ulam. Nakakapanlumo lang sapagkat hindi yata kinaya ng tiyan ko ang gata. Masama nga ang sobra. Muli kong tinawagan si Roisin. Hindi pa rin siya lumabas kaya yumuko ako at sinimot ko ang maliit na bato na nasa lupa. Itinaas ko ang kamay ko at pagkatapos ay bumwelo ako sa paghahagis. Bumilang ako hanggang tatlo at ibinat
Kabanata 6Ang aking atensyon ay napalipat kay Eunice Faye nang marinig ko ang boses niya. Itinikom ko ang bibig ko at ibinaba ko ang pop corn na isusubo ko sana."Edraly, naging maganda ba ang bakasyon mo?" tanong niya. Pansin ko ang magaan niyang ngiti."Ayos lang pero may nakasama akong baliw," sagot ko sa kaniya kaya nakuha ko ang buong atensyon niya.Lumapit siya sa akin habang ang kaniyang mata ay bahagyang nanlalaki. Hinawakan niya ako sa braso at nakita ko ang pasimple niyang pagtingin sa kabuuan ko."Ano? Sinaktan ka ba?" tanong niya. Halata sa boses niya ang pag-aalala sa akin.Umiling ako at bahagyang natawa. "Hindi naman, Eunice Faye. Sumunod lang sa akin.""Sumunod lang sa'yo? Sabi mo ay baliw iyon? Hindi ka ba natakot na baka saktan ka noon? Dapat ay ipinapulis mo para sila na ang magdala sa mental," nakatingin siya nang mariin sa akin habang sinasabi niya iyon.Sumilay sa aking mukha ang ngiti. Nag-aalala talaga siya sa akin. "Hindi naman nananakit. Medyo masaya din nam
Kabanata 7"Edraly, how's your weekday?" I smiled at my coach when our eyes met."Work lang, coach," sagot ko sa kaniya habang sinisiklop ang mga buhok ko. I started to stretch my hair tie and then I put my hair into bun."So, are you ready to burn some fats?" tanong niya sa akin. Tumingin siya sa salamin at tiningnan niya ang kaniyang sarili.Hinawi niya ang buhok niya at pagkatapos ay inilagay niya ang kaniyang daliri sa ilalim ng baba niya. Nag-pogi sign siya sa harap nito kaya ako ay napatawa."Sexy na ako pero marami akong nakain this past few days kaya kailangan kong magpapawis," pahayag ko sa kaniya.Tumagilid ako at tiningnan ko ang repleksyon ko sa mirror wall. Pansin ko ang may kagandahang hubog ng katawan ko. Noong naligo ako ay napansin ko ang pagbilog ng tiyan ko. Ayokong magkaroon ng baby fats sa tiyan kaya kailangan ko na agad solusyunan iyon."Okay. Kaya mo na naman mag-isa, diba? May bago akong ite-train. Magandang babae," wika niya at sabay kaming napatawa."Ligawan
Kabanata 8It's Sunday. There are so many people in the beach, since it's weekends, It is definitely their family day or restday. Ini-enjoy nila ang kanilang oras kasama ang mga mahal nila sa buhay.Walang imik at kalmado akong nakaupo sa isang beach chair. Pinagmamasdan ko ang buong paligid. Tirik na tirik pa ang araw ngunit hindi ko alintana ang init dahil nakasilong ako sa isang umbrella hut. Nasasangga nito ang init na dapat ay tatama sa akin.I'm alone, and I like it very much. May pinuntahan ang iba kong kasamahan, sa souvenir shops na nasa tabi ng entrance ng hotel. Hindi na ako sumama dahil tinatamad akong maglakad at gusto kong mapag-isa.Kanina pang alas-dos natapos ang activity sa Team Building at napagdesisyunan kong magpahinga sa dalampasigan. It's incredibly relaxing.Blue sky, and blue sea. White sand, and white clouds. Staring at these things puts me at ease."Sana laging ganito. Always at peace," mababa ang tono ng boses na sabi ko sa sarili.Sa ilang oras kong pagtit
Special Chapter Naramdaman ko ang malamig na pag-ihip ng hangin. Nanghihinang iminulat ko ang aking mga mata. Lumingon ako sa may bintana at napakunot ang noo ko nang makitang bukas ang bintana ko. Mahina akong napasinghap nang biglang may tumalon sa kama ko. Nang makita ko ang mukha niya ay napairap ako. "Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya. Isang mahinang tawa ang ginawa niya at pagkatapos ay niyakap niya ako galing sa likod. "Gusto kong makita ka." "Hindi tayo pwedeng magkita," Sabi ko at itinulak ko siya. Hindi naman siya nagpatinag at niyakap niya ulit ako. Pinabayaan ko na lang siya at isinandal ko na lang ang sarili ko sa kaniya. "Pwede. Huwag lang tayong magpapahuli," Bulong niya sa aking tainga. Nakiliti ako sa hangin na galing sa bibig niya. Natatawang pinalo ko ang braso niya. "Sira ka talaga. Maniwala ka nga sa pamahiin." "Hindi ko hahayaang hindi matuloy ang kasal natin. Kung sino ang pumigil ay papatayin ko," Bulong niya sa aking tainga at pagkatapos ay hinali
EpilogueI'm a womanizer, and I'm so proud of it."Will you marry me, Mich?" nakangiti kong tanong sa kaniya.Gulat na gulat siya at napatigil siya sa pag-inom ng wine. "Oh my gosh, James!""So, what's your answer?" Tanong ko sa kaniya."Yes! I will definitely marry you," Masaya niyang sabi. Hinawakan niya ang kamay ko.I smiled at her. I think that she will be a good mother someday. Kung sa mga babaeng nahahalubilo ko ay siya lang ang nakikita kong matino. Hindi naman ako habang buhay na magiging babaero dahil dadating din yung araw na magsasawa din ako.Ngunit kahit na nag-propose na ako sa kaniya ay hindi pa rin ako titigil sa pagiging babaero. I will enjoy my life before we got married.Enjoy life to its fullest.Niligawan ko siya. Ginawa ko ang lahat para mahulog siya sa akin. I tried to become a loyal man but I can't. Girls keep on asking for one night stand. How can I turn them down? I'm just a man with needs.Ang hirap umiwas sa tukso."Pasensya na kung simple lang ang proposa
Kabanata 40“Gusto kong walang Ròisìn sa buhay ko. Gusto kong pahalagahan ang sarili ko.” nakatulala kong sabi.Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Rio ngunit hindi ko siya nilingon. Itinaas ko ang aking kamay upang tingnan ang importanteng bagay sa buhay ko.“I lost myself. I want to love myself more than I love him. I’m so tired. I want to stop loving him.” mahina kong sabi habang pinagmamasdan ang singsing na nasa daliri ko.“Then, love me. I’m always here to love you unconditionally.” biglang sabi ni Rio ngunit umiling ako.“It’s easy to say, but it’s hard to do.” mapait akong tumawa habang ibinababa ang aking kamay.“I want to go and live somewhere far from him. I want to prioritize myself more than anyone else. Gusto kong mahalin at buuin ang sarili ko." Tinanggal ko ang singsing na nasa daliri ko. Ipinatong ko ito sa lamesa at pagkatapos ay tuluyan kong isinandal ang likod ko sa upuan.“I will stay with you. Susuportahan kita sa gusto mong gawin.” mahinang sabi ni R
Kabanata 39"Rio, I need your help," bungad kong sabi sa kaniya noong sinagot niya ang tawag."Akala ko ba ay hindi mo kailangan ng tulong ko?" tanong niya sa akin. Alam kong hindi siya galit. Gusto niya lang ipaglandakan na hindi ko kayang panindigan ang sinabi ko."Sinabi ko ba iyon?" Patay malisya kong tugon."Naging malilimutin ka na naman," Sabi niya at sunod noon ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa."Okay! Sorry, Hindi ko talaga kaya na mag-isa. Kailangan kita," sambit ko at pagkatapos ay ngumuso ako.Lagi ko naman siyang tinatawagan nitong nagdaang mga araw para hingian ng pabor. Ngunit lagi niya din akong inaasar tungkol sa mga bagay na sinabi ko sa kaniya dati.Kailangan ko lagi ng tulong niya. Iyon talaga ang totoo."Dalawang salita ngunit nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko." Napabuntong hininga ako sa kaniyang sinabi."I mean...May gusto akong ipagawa sa'yo," Paglilinaw ko. Ayokong bigyan siya ng false hope.Kailangan kong linawin para hindi siya mag-isip ng kung ano
Kabanata 38“Si Ròisìn po?” May malawak na ngiti sa aking mukha habang itinatanong iyon.Isang nalilito na ekspresyon ang nakita ko sa mukha ng matandang babae na nagbukas ng pintuan. Pasimple niya akong pinagmamasdan na para bang kinikilala niya ako.“Nasa taas po. Tatawagin ko po ba?” tanong niya sa akin.Inayos ko ang postura ko. Marahan akong tumango sa kaniya. Lumingon ako at inabot ko ang maleta na nasa likuran ko. Hinila ko iyon pauna.“Yes, please. Pakidala na din po ang maleta ko.” hindi mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi.Balita ko'y dito na daw siya nakatira.Naguguluhan man ngunit kinuha naman niya ang maleta ko at pinapasok niya ako sa loob. Sumunod ako sa kaniya sa paglalakad papunta sa lobby ng mansyon.Mabilis ang mga mata ko sa pagsulyap sa paligid. May ilang katulong akong nakikita. Busy ang mga ito sa pagpupunas ng mga naka-display at mga muwebles.I’m a visitor. Kahit hindi alam ng may-ari na bibisita ako ay magandang magulat sila sa pagdating ko.Pinaupo ako
Kabanata 37Iniwan din ako ni Rio sa Baguio dahil may mahalagang pag-uusapan ang dalawa ni Governor tungkol sa darating na halalan. Ayaw niya akong iwan ngunit ipinagtulakan ko siyang bumalik.Naglakad ako papunta sa isang bench pero biglang may nauna sa aking umupo. Hindi na lang ako tumuloy sa pag-upo doon. Ayokong makipagsiksikan.Ayokong ipilit ang sarili ko! Pag hindi pwede, hindi na pwede.Pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sa suot ko ngunit hindi ako nakaramdam ng hiya. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang pagkain sa taho.Bumili ako kanina ng strawberry na taho. Hindi pa rin nagbabago ang lasa noon. Masarap pa din hanggang ngayon. May karamihan ang tao sa parke kaya wala ng bakanteng upuan. Habang naglalakad sa Burnham park ay nakita ko si James sa tabi ng isang puno. Nakaupo siya sa damuhan at nakasandal sa puno ng pine tree.Lumapit agad ako sa kaniya. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito. Maliit nga naman talaga ang mundo.Pinahanap ko siya kay Rio ngunit hindi nito si
Kabanata 36Kahit ilang beses kong itanggi, alam kong mahal ko pa rin siya.I just planned to seduce him but I found myself moaning his name while he was taking me to cloud nine.He stopped from moving so, I growled because of disapproval. Binibitin pa ba niya ako? Naiinis na hinigit ko ang buhok niya.Tumawa siya at hinalikan ang aking pisngi. "Honey Bunch, do you want to ride me?" He said to me.Itinaas niya ako kaya nagpalit kami ng posisyon. Walang kahirap hirap niya itong ginawa. He puts me on the right position without breaking our contact. Naramdaman ko ang paggalaw nito sa loob kaya napapikit ako. He moved and he teased me.Iminulat ko ang aking mga mata at nasalubong ko ang mapupungay niyang mga mata."How should I move?" Tanong ko at kinagat ko ang labi ko."Just grind on me." Pagtuturo niya. He tried to guide me but I stopped him.Tumaas ako. I felt the movement of his hard muscle inside. Mabilis ko ding ibinagsak ang sarili ko."Like this?" I asked seductively.Nakita kong
Kabanata 35"You pushed me to the end, and I'm about to lose my mind," I said while looking at the ceiling."Gusto ko lang ng kumpleto at masayang pamilya pero ayaw pa ring ibigay sa akin. Naging masamang tao ba ako?" tanong ko habang hinahaplos ang buhok ng manika.Ngumiti ako at iniharap ko ito sa akin. Nakita ko ang kagandahan nito."Ang anak ko." Masuyo kong hinawakan ang buhok ng manika.Kung nabubuhay lang siguro ang anak ko ay paniguradong maganda din siya katulad ng manikang ito."May nagawa ba akong malaking kasalanan para gawin niya sa akin ito?" muli kong tanong.Katahimikan ang namayani sa buong kwarto ko. Wala naman akong nagawang kasalanan sa Diyos. Hindi naman ako nagnakaw, hindi rin ako pumatay, hindi ako nakiapid sa iba."They said that everything happens for a reason, pero bakit ganito kahirap? I lost my one and only treasure. My lovely daughter." Malalim akong bumuntong hininga at tumigil ako sa pag-aayos ng buhok ng manika."Should I still trust you?" Tumulo ang lu
Kabanata 34Kinuha niya ang maliit niyang notebook at ballpen. Hindi ko na lang pinansin pa ang ginawa niya. I think It's for the record?"Can you tell me everything? Ano ang mga bumabagabag sa'yo?" She asked with softness in her voice."Should I start it at the beginning?" Mahinang tanong ko sa kaniya."Yes, please," Sabi niya at ngumiti.Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. "I lied.""You lied? Kanino?" Tanong niya.Mapait akong ngumiti sa kaniya. "I lied to myself.""I'm all ears."Muli kong binalikan ang nakaraan. Unting unting bumalik sa aking isip ang mga nangyari noong nakilala ko si Ròisìn hanggang sa mga oras ng pangungulit niya sa akin. Tipid akong napangiti."Ayokong mag-take ng risk para bigyan siya ng chance at tuluyang makapasok sa buhay ko. Pero nagbago ang desisyon ko. I took the risk. Gusto ko na ng bagong buhay. New life with someone who can love me. Nagpadala ako sa pangako niya. Ayoko nang maging mag-isa. Sawang sawa na akong maiwan sa madilim na parte ng mun