Kabanata 1
"Nasaan ka na?" tanong ko kay Paye. Narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga kaya alam ko ng bad news ang kasunod nito.
"Edraly, Sorry. Hindi ako makakasama sa'yo papunta sa Baguio," may lungkot sa boses na sabi niya kaya napasinghap ako nang malakas.
Is this kind of a joke? Ilang buwan na naming napagplanuhan ang bakasyon naming ito. Ilang beses kong napanaginipan na nasa Baguio ako at kumakain ng strawberry. Ayokong hindi matuloy ang bakasyon namin. Ang daya niya. Ngayon ay sasabihin niyang hindi siya sasama? Ayokong mag-isa sa trip. Pagkatapos din kasi ng trip namin sa Baguio ay diretso na rin kami sa Sagada.
Ngunit sayang naman ang paghahanda ko kung hindi ako tutuloy. Mas maigi pa siguro na pumunta na ako kahit mag-isa lang ako.
"Ano? Joke ba ito?" tanong ko. May pagtatampo sa boses ko. Naramdaman ko ang panghihina at lungkot. Nakakapanghinayang.
"Hindi. May naging emergency kasi sa bahay. Pasensya na talaga," paghingi niya ng tawad. Alam ko naman na sinsero ang pagso-sorry niya sa akin pero hindi ko pa rin maalis sa sarili ko ang pagkalungkot.
"Nakakapagtampo ka pero naiintindihan ko. Sige. Take care, ha? Sana maging maayos ang problem mo," mahinang sabi ko.
Hindi niya ginusto na magkaroon siya ng problema. Naiintindihan ko na mas kailangan niyang unahin ang pamilya niya kaysa sa akin. Malungkot din ako dahil sa nangyari sa kaniya. Magiging problemado na naman siya.
"Thank you. Pasensya na talaga, Edraly," wika niya. Tumaas ang gilid ng labi ko dahil sa ngiti.
"It's okay," mahina kong sabi at pagkatapos ay nagpaalam na siya sa akin kaya pinatay ko na ang tawag.
Kinuha ko na ang bag ko at humakbang na ako papunta sa kinaroroonan ng bus. Sumakay ako roon habang malungkot na nakangiti. Hindi na masaya.
Mag-isa na lang ako. Solo fight sa paggagala? May Idol akong isang babaeng maitim na laging nag-gagala. Parang ako si Dora pero wala naman akong kasamang unggoy.
Tumingkayad ako upang masubukan kong makita ang nasa gitna ng kalsada. Itinaas ko ang kamay ko na may hawak na camera. Kailangan kong picturan ang pagsasayaw ng mardigra. Remembrance rin ito. Maisasama ko ito sa scrap book ko na may mga pictures ng travels ko.
I can't see it properly. Ang tatangkad ng mga taong nasa unahan ko. I'm unlucky to have short legs. Hindi ako pinagpala at biniyayaan ng tangkad. I'm always insecure with tall girls. I also dream to be tall like them. I'm not happy because my height was five feet and two inches.
I'm not perfect. I have many insecurities but I'm still trying my best to be attractive so I keep on going to the gym every rest day. I have a body statistics of 36–24–36 inches. My friends love my shape because it's their ideal body measurement. They said that they were insecure about my hourglass body size. Malaki rin ang pwet ko kaya laging nanggigigil ang mga kaibigan ko. Lagi nila itong hinahampas tuwing makikita ako.
"Excuse me po," I said slowly while pushing them gently. Kahit saglit lang ay gusto ko munang manood ng street dancing competition.
It's Panagbenga festival. There are so many people here and they're also enjoying watching the mardigra.
The dancers throw the petals of the flowers while they are dancing. My lips turned up when I smelled the scented flowers. It's so nice and quite sweet.
Sinubukan kong sumiksik sa mga taong nanonood. Gagawin ko ang lahat para makapunta sa una at mapanood ang pagsayaw nila.
"Ay! Miss, I'm sorry!" paghingi ko ng tawad nang madali ko ang isang babae. Inayos ko sa pagkakasabit sa balikat ko ang shoulder bag na dala ko upang hindi ito mahulog.
Iniwan ko na ang lahat ng mga gamit ko sa tinutuluyan kong inn. Tanging shoulder bag na kulay pink lang ang dala-dala ko para hindi ako mahirapan.
"Okay lang," sagot ng babae na nadali ko.
Sinubukan kong sumiksik para makapunta ako sa unahan at hindi naman nila ako sinisita. Nagawa kong makarating sa pinaka-unahan. Sumilay sa aking mukha ang ngiti nang makita ko ng ayos ang mga sumasayaw.
Sobrang makukulay ang kanilang kasuotan. Buhay na buhay ang paligid dahil sa mga bulaklak na nakadisenyo sa mga damit nila. May mga dala rin silang fresh na bulaklak at iniingatan nila ito kahit na nagsasayaw sila.
Itinaas ko ang camera ko upang kuhanan sila ng pictures. Napatigil lang ako sa pagpi-picture sa kanila nang biglang may lumapit sa aking bata na kasali sa mardigra at inabutan niya ako ng isang rosas. May ngiti sa labi na kinuha ko ito at nagpasalamat. Namimigay sila ng mga bulaklak sa mga nanonood. Nang makatapos sila sa pagbibigay ay muli silang bumalik sa pagsasayaw.
"They were a good dancers. Doesn't they?" tanong ng baritonong boses.
Inilapit ko ang rosas sa aking ilong upang amuyin iyon. Hindi ko pinansin ang lalaking nagsasalita sa tabi ko. Marami akong katabi at baka isa sa kanila ang kausap ng lalaki.
"Are you alone, honey bunch?" muling tanong nito habang nanonood ako sa mga nagsasayaw.
Ang bawat kilos nila ay sabay-sabay. Walang nahuhuli at walang nauuna. Swabe ang bawat galaw ng kamay nila at malambot ang kanilang katawan.
"Are you deaf, honey bunch?" tanong ulit ng isang lalaki.
Kumunot ang aking noo nang maramdaman ko ang pagkulbit ng kung sino sa braso ko. Ipinilig ko ang aking atensyon sa kabila. Nang makita ko ang balikat ng isang lalaki ay napatingala ako upang makita ang mukha niya.
My eyes slowly widened when I saw his face. His haircut was a comb-over, There's a long section of hair on top of the head that is parted to one side and combed toward the other. He doesn't have a beard so I saw his perfectly square jaw. He has a curved eyebrow and a great droopy nose. When my eyes reached his lips I can't help but to gulped because of his perfect proportion of lips. It's naturally pinkish.
In short, he's so handsome!
He snapped his long fingers in front of my face. I saw how his lips turned up because of amusement. I looked away and then I cleared my throat.
"Can't you hear me? I keep talking to you but you're ignoring me," he said playfully.
Oh, malay ko bang ako ang kinakausap niya.
"What? You seems familiar?" wika ko at itinaas ko ang kamay kong may hawak na camera.
Parang nakita ko na dati ang nakakaloko niyang ngiti. Nilibang ko ang sarili ko sa pagkuha ng pictures. Ayokong makita ang mukha niya. He's too handsome. Nakakasilaw ang kagwapuhan niya.
"Yes, because I'm your future husband," may pagbibiro na sabi niya.
Tumaas ang kilay ko at pagkatapos ay ibinaba ko ang hawak kong camera habang nililingon siya. Confirmed! He's really a playboy!
"Ano ka ba manghuhula?" may inis na sabi ko. Biro iyon ngunit walang humor sa boses ko.
Inis na inikot ko ang eyebags ko. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at pagkatapos ay sumiksik ako sa katabi kong babae upang lumayo sa kaniya.
"I don't talk to strangers," mataray kong sabi. Narinig ko ang nakakaloko niyang tawa kaya mas lalo kong naramdaman ang inis.
"I ain't a stranger, honey bunch," sambit niya kaya napatingin ako sa kaniya nang marahas.
Nakaharap siya sa akin at titig na titig siya. Para siyang manyakis na tigang. Oo, gwapo nga siya pero fuck boy siya. Linyahan niya pa lang ay alam na alam ko na.
Hinarap ko siya para mas makita ko nang mabuti ang mukha niya. Hindi dahil sa naga-gwapuhan ako sa kaniya kundi dahil inis na inis ako. Oo! Sobrang inis!
"Kuya, wait lang ha? Una sa lahat, gago ka ba? Hindi kita kilala kaya lubayan mo ako," mataray na sabi ko.
May narinig akong singhap kaya napatingin ako sa babaeng nasa tabi namin at nakikinig sa usapan namin. Nakita ko rin ang ibang mga babaeng nasa paligid namin at lahat sila ay nakatingin sa aming dalawa.
"Ah! Okay! You don't really know me?" tanong ng lalaki.
Tinaasan ko siya ng kilay at pagkatapos ay tumawa muna ako ng mapang-asar bago ko siya sinagot.
"Mukha bang kilala kita?" mariin kong bigkas sa mga salita.
Tumikhim siya at nakita kong inilahad niya ang kaniyang kaliwang kamay ngunit tinaasan ko lang ito ng kilay habang tinititigan.
"I'm Roisìn. Nice to meet you, honey bunch," pagpapakilala niya.
Hindi nakalampas sa pandinig ko ang tili ng ilang babae sa likod ko. Marahan na tinabig ko ang kamay niya na nakalahad sa harapan ko. Rude na kung rude pero ayoko siyang makilala.
Kilala ko ang sarili ko. Mahina ako pagdating sa gwapo. Kung papapasukin ko siya sa buhay ko ay alam kong pati sa puso ko ay may posibilidad na mapasok din niya.
Advance thinking 101.
"Hindi ako makikipagkilala sa'yo. Huwag mo akong kulitin. Leave me alone," mahinang sabi ko.
Nakita ko na kinagat niya ang ibabang labi niya at pagkatapos ay tumawa siya nang mahina. Napansin ko na medyo lumiit ang kaniyang mata dahil sa pagngiti.
"I think you need my company. Can I accompany you, Honey bunch?" tila wala lang sa kaniya ang pagtataray ko.
Marahan akong umiling sa kaniya. Sa tingin niya ba ay gusto ko? Hindi dahil ayoko siyang makasama.
"I don't, so leave and don't bother me anymore," mataray kong sabi.
Tumalikod na ako sa kaniya at pinili kong manood ulit ng mga sumasayaw sa gitna ng kalsada.
"Adik yata ito," mariin kong bulong habang kinukuhanan ng litrato ang panibagong grupo ng manananayaw.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa rosas dahil bahagya akong nawala sa wisyo dahil sa sinabi ng lalaki.
"I'm not a drug addict, but when it comes to your beauty. I think I'm positive in your kind of drug. Now, I'm really an addict, so can you rehab me in your heart?" malambing niyang sabi kaya muli akong napalingon sa kaniya.
Napalayo agad ako nang makita na sobrang lapit na pala niya sa akin. Tumingala ako at hinawakan ko ang dibdib niya upang ilayo siya sa akin. Mariin ko siyang tinitigan sa mukha at ngayon ko lang napansin na may maliit siyang scar sa kanang pisngi niya.
"Mr. Who-ever-you-are, stop playing games with me. I'm enjoying my time here. Alone! So, please, Don't bother me and don't piss me off while I'm on my vacation," mataray kong sabi sa kaniya.
"Gusto ko lang makipagkaibigan o kung gusto mo ay sa highest level agad. Do you want an In a relationship status?" wika niya kaya mas lalong nadagdagan ang init ng ulo ko.
"No thanks!" may inis na sabi ko habang inilalagay sa bag ang camera ko.
Unti-unting humaba ang mapupulang labi niya dahil sa pagnguso. Nagkamot siya ng batok niya na tila ba parang nahihiya.
"I want you to be my girlfriend," inosenteng sabi niya ngunit inirapan ko lang siya.
Malakas akong bumuntong hininga dahil sa pagkainis. "Okay! I'm done!"
Sinubukan kong lumabas sa mga tao pero bago pa ako makapagsabi ng salitang makikiraan ay bigla na silang nagkagulo. Nagsigawan ang mga tao at nagtalunan sila sa pwesto nila. May ilan pang nagtutulakan habang isinisigaw nila ang pangalan ng isang sikat na artista.
May naramdaman akong tumulak sa akin at sa hindi inaasahan na pangyayari ay napalampas ako sa guhit na nagsisilbing linya para hindi lumampas ang mga taong nanonood. Dahil nasa unahan ako ay napapunta ako sa may gitna ng kalsada.
Bumalanse ako upang hindi ako mapadapa sa gitna ng kalsada. Nang makaayos ako sa tayo ko ay napalingon ako sa kanan at nanlaki ang mga mata ko nang may makita akong dadaan na float na sinasakyan ng artista.
Hindi agad ako nakakilos dahil sa gulat. Ang tanging naririnig ko lang ay ang sigawan ng ibang tao at pinapaalis nila ako sa gitna.
Napapikit na lang ako nang napansin kong malapit na ito sa akin. Ang inaasahan kong malakas na pagkakabanga nang matigas na bagay ay hindi dumating. May naramdaman akong humigit sa kamay ko kaya napamulat ako ng mata.
Singhap ang nagawa ko dahil nakita ko na nakahawak sa aking kamay si Roisin at hinihigit niya ako nang marahan papunta sa kaniya. Bago ako makalapit sa kaniya nang tuluyan ay inikot niya muna ang kamay niya kaya ako napasabay sa pag-ikot.
Pagkatapos noon ay marahan niya akong hinigit para mapapunta ako sa kaniyang katawan. Inalalayan niya ang likod ko at sinambot ako ng braso niya habang nakatagilid akong nakahiga sa ere.
Tanging braso niya ang sinasandalan ko at sumusuporta sa aking katawan. Once na alisin niya ito ay tuluyan akong mapapahiga sa sahig.
Ano kami nasa waltz disney? Isinayaw niya ako sa gitna ng maraming tao, at nag-sway pa siya. Nanlalaki ang mga mata na napatingin ako sa kaniya.
Ang gwapo niyang mukha ay masayang nakatingin sa akin habang ang background nito ay ang kulay asul na kalangitan.
Naramdaman ko na mas tinibayan n'ya ang braso niyang sumusuporta sa aking likod. Habang nakatingin sa kaniya ay napansin ko rin ang mga kulay pulang petals ng rosas na inihagis ng isang lalaki na nakasakay sa float.
It's so romantic but too bad, he's not my boyfriend!
May narinig akong mga hiyawan at tilian. May narinig din akong nagsabi ng ‘sana all’. Umayos agad ng tayo at lumayo ako sa kaniya. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.
"Isn't it romantic?" tanong niya habang nginingitian ako nang sobrang sweet.
Naramdaman ko ang pagtibok ng puso ko dahil sa hiya at kaba.
"Sa'yo, oo! Sa akin, hindi!" naiinis na sabi ko.
Kumunot ang noo niya at pagkatapos ay tiningnan niya ako na tila ba may dalawa akong ulo.
"Why, honey bunch?" Tanong niya sa akin.
Bumuntong hininga ako at tsaka ko siya sinagot. "Don't honey bunch me, ha!"
Pinagpagan ko ang damit ko dahil may napansin akong mga petals ng rosas na nakadikit sa suot ko.
"Bwisit. Hindi yata maganda ang magiging araw ko," naiinis na sabi ko.
"Gusto mo bang samahan kita kung saan ka man pupunta?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya nang mariin.
"It's a big no!" Tutol ko agad at pagkatapos ay tumalikod na ako.
Lumakad ako papunta sa mga taong nanood at nakiraan ako upang makalabas sa lugar na iyon.
Umalis ako at hindi na sila nilingon pa.
Malapit lang ang susunod kong destination kaya naglakad na lang ako papunta sa Burnham park. Nakarating ako rito gamit ang G****e map. Mabuti na lang at umuunlad na ang teknolohiya. Malaking tulong talaga ito sa lahat ng tao.
Kinuhanan ko ng litrato ang lake. Hindi karamihan ang taong nandito dahil nanonood siguro sila sa street dancing competition at sa float parade. Alternate kasi ang ginawa nila. May magsasayaw na tatlong grupo na magkakasunod at pagkatapos ay break muna ng ilang minuto habang ipinalalabas ang mga floats.
Napangiti ako nang makita ko ang boat na ang design ay swan. Ang lakas maka-princess vibes. Naalala ko ang favorite kong palabas na barbie na nagiging swan.
Ang mga bisita sa Burnham Park ay pwedeng mag-rent ng boat na may kasamang guide, or they can go rowing on the lake alone if they want to enjoy it by themselves.
Lumingon ako sa kabilang part ng park at nakita ko doon ang isa pang activity na pwedeng gawin sa Burnham park.
A range of bicycles, including tandem bikes, children’s bikes, and bikes with sidecars for small children are available for rental. The park’s paved pathways are ideal for gentle rides and walks.
Burnham Park is so beautiful. Everyone can love this park. It has a scenic venue for walking and photography.
Muli kong naalala ang nabasa ko dati sa isang blog. Tuwing rainy season daw ay binabalutan ng fog ang buong Burnham park. It takes on a misty atmosphere.
May ngiti sa labi na naglakad ako upang maglibot sa paligid. Napatigil ako sa paghakbang nang may kumulbit sa akin. Pumihit ako patalikod upang makita kung sino ito. Unti-unting naglaho ang ngiti ko dahil nakita ko na naman ang lalaking playboy.
"Hoy! Are you following me?" mataray na tanong ko.
Ngumiti na naman siya kaya mas lalo akong nabwisit. "Isn't it obvious? Yes. Sinusundan nga kita."
Umatras ako ng tatlong beses habang siya naman ay naglalakad palapit sa akin.
"Natatakot na ako sa'yo. Gusto mo bang tumawag ako ng pulis? Huwag mo na akong susundan," wika ko habang naglalakad patalikod.
Naramdaman ko ang paglakas ng tibok ng puso ko. Bakit niya ako sinusundan? Stalker ba siya? Masyado ba siyang nagandahan sa akin kaya sinusundan niya ako? Manyak yata siya o kaya rapist!
"Huwag kang mag-alala hindi kita sasaktan. I'm harmless. No need to call the cops," he said playfully.
Sa pag-atras ko ay hindi ko na napansin ang bench na nasa likod ko. Napasinghap ako nang madanggil ko ang bakal na bench. Napaupo ako doon habang hindi nilulubayan ng tingin ang lalaki.
"Huwag mo akong susundan," mariin kong sabi. Sinusubukan kong maging matapang.
Nakatayo lang siya sa aking harapan habang nakangisi. Sure na ako na manyakis siya!
Yumuko siya kaya mas naging malapit sa akin ang mukha niya. Kitang kita ko ang gwapo niyang mukha na nakangiti sa akin.
"Sorry, matigas ang ulo ko...." Sagot niya kaya mas lalo akong kinabahan.
Baka serial killer din siya? Pag ako ay ginawan niya ng masama ay ihahampas ko sa mukha niya ang rosas na hawak ko.
"Ano bang gusto mo?" mariin kong tanong sa kaniya.
Hinawakan niya ang aking pisngi pero agad kong tinabig ang kamay niya. Lumayo ako at umipod sa kabilang bahagi ng bench.
"Gusto ko lang ng friend. Naliligaw din kasi ako dito sa Baguio. Gusto ko rin na may kasama ako," sabi niya kaya napatawa ako ng pilit.
"Pwede bang makasama ka?" Tanong niya kaya marahas akong umiling.
"Hindi," sabi ko at pagkatapos ay itinulak ko agad siya. Agad akong tumakbo palayo sa kaniya. Binilisan ko dahil baka maabutan ako ng manyak na lalaking iyon.
"Ang ganda sa Burnham park," rinig kong sabi ng isang lalaki sa likod ko kaya napatigil ako sa pagtakbo.
Hinihingal na napayuko ako habang nakahawak sa tuhod ang mga kamay ko. Malayo ang natakbo ko pero naabutan niya agad ako? Bakit ba naman sobrang ikli ng mga bias ko!
Inis ko siyang nilingon habang binibigyan nang malamig na tingin. Ngumiti lang siya at pagkatapos ay nagkibit-balikat.
"I can give you some facts about this park. It was designed by American architect and Baguio city planner, Daniel Burnham, who is also the namesake of the park," pagbibigay impormasyon niya sa akin pero inismidan ko lang siya.
"I know it, Mister. Nabasa ko sa internet noong high school ako," sabi ko.
"Honey bunch—" Masayang sabi niya pero inirapan ko lang siya habang pinuputol ko ang pagsasalita niya.
"Don't call me that endearment!" mariin kong sabi sa kaniya.
"What do you want me to call you?" may saya sa boses na sabi niya.
Humugot ako nang malalim na paghinga at pagkatapos ay naiinis kong hinawakan ang ilong ko.
"Wala!" malakas kong sabi.
Lumingon ako at napansin ko na nasa parte kami ng park na walang katao tao. Tanging magagandang mga bulaklak lang ang nasa paligid namin.
"Baby? Love? Honey? No, I think bae was much better, " sabi niya kaya muli akong napatingin sa kaniya.
"No! You call girls bae? Talaga ba? Aren't you thinking? Bae is also a Danish word for poop. If you call your girl that word then you're also calling her poop," mariin kong sabi.
Gusto ko lang sabihin sa kaniya ang bagay na iyon kasi para aware siya.
"It has a different meaning," pagpapalusot niya pero inirapan ko lang siya.
"But if a Danish national hear about that he will think the wrong way. Ganoon pa rin. Tae pa rin," sabi ko habang pinagdidiinan na mali siya.
Itinaas niya ang kaniyang mga kamay sa ere habang nakangiti siya sa akin.
"Okay, I will stick to Honey bunch," sabi niya kaya hindi ko na napigilan pang mapahilamos sa mukha ang kamay ko.
"Hindi ka ba titigil?" Pikon na tanong ko sa kaniya.
"No. I'm enjoying this," sabi niya kaya napatingala ako nang panandalian at napamura.
"Layuan mo ako, estranghero," matigas kong sabi habang naiinis na tinitingnan siya.
"Hindi ko gagawin iyon. Trust me. Hinding-hindi kita sasaktan. Kasama lang sa pamamasyal ang gusto ko," sinserong sabi niya.
Napahigpit ang hawak ko sa rosas na hawak ko. Pumikit ako nang mariin at bumunot ako nang malalim na buntong hininga. Noong nagmulat ako ay malamig ko siyang tiningnan.
"Okay. Dalawang dipa dapat ang layo mo sa akin," pagpayag ko sa kaniya para matigil na rin ang lalaking ito.
He's a stranger and I shouldn't trust him.
"Deal. Saan mo gustong pumunta?" tanong niya sa akin habang excited siyang nakatingin sa akin.
"Sa simbahan," sagot ko at pagkatapos ay tumalikod na ako.
Nagsimula na akong maglakad habang kinukuha ang cellphone ko sa bag. Narinig ko ang pagsunod niya dahil sa yapag ng paa niya.
"Kasal agad ang gusto mo?" tanong niya kaya napalingon ako sa kaniya habang nakakunot ang noo ko.
"Are you insane? Sisimba ako!" malakas kong sagot sa kaniya. Nakita ko na panandalian niyang kinagat ang labi niya habang tumatango.
"Okay. It's clear for me," may malawak na ngiti sa mukha niya habang sinasabi iyon.
Inirapan ko siya at pagkatapos ay tumalikod na ako. Assuming ang playboy na ito.
Kabanata 2Napatigil ako sa paglalakad nang napansin ko na nawawala na ang distansya sa pagitan namin. Hinarap ko siya at pagkatapos ay itinaas ko ang kamay ko upang ipagtabuyan siya palayo."Bakit ka lumalapit? Dalawang dipa dapat ang layo mo sa akin!" mariin kong sabi. Humakbang ako ng apat na hakbang palayo sa kaniya.Sa sobrang kulit ng lalaking ito ay inasar niya pa ako at lumapit pa rin siya sa akin. Nanggigigil na napahawak ako sa rosas na dala ko. Mabuti na lang at wala ng mga tinik ang hawakan nito."Because I want to be close to you," banat niyang sabi.Wala nang ibang lumabas sa bibig niya kundi pick up lines. Imbis na kiligin naman ako ay naaalibadbaran ako sa mga sinasabi niya.Kakababa lang namin kanina sa taxi at naglalakad na kami sa gate entrance ng simbahan. Akala ko ay tatahimik na siya sa kakabanat niya pero may lumalabas na naman na mga salitang sweet.Ininuro ko sa kaniya ang hawak kong rosas. Panandalian siyang napasulyap sa bulaklak pero agad niya rin namang in
Kabanata 3"Nandito na ba ang lahat?" malamya na tanong ng isang lalaki. Ang kaniyang balat ay kulay kayumanggi ngunit kahit ganito ang kaniyang kulay ay hindi pa rin maipagkakaila ang pagiging magandang lalaki niya.Lumapit ang isang babae na sa tingin ko ay labing pitong taong gulang pa lamang. Sila kanina ang nagpakilala na magiging tour guide namin."May isa pa pong kulang," magalang na na sabi ng dalagita.Tango ang tanging ginawa ng lalaki at humarap siya sa amin. Isa isa niyang binigyan ng ngiti ang mga turistang ito-tour niya. Pinagmamasdan ko ang aking mga kasama at binilang ko sila sa aking isip. Siyam kaming tourist at may isa pang hinihintay. Sa makatutal ay sampo kami."Okay. Hihintayin natin siya," sagot ng lalaki.Pumihit ang lalaki upang tumalikod sa amin at umalis muna siya. Sumunod sa kaniya ang dalagita. Bago ako lumingon sa paligid ay nakita ko pa na umupo ang dalawa sa kawayan na upuan sa may tabi ng tindahan.Iginala ko ang aking paningin at pinagmasdan ko ang bu
Kabanata 4Pinuno ko ng hangin ang aking baga at hinabol ko ang aking paghinga dahil kinakapusan na ako ng hangin. Pagkahapo at paghabol hininga ang ginagawa ko habang nakayuko ako. Ang aking kamay ay nakahawak sa tuhod ko. May naramdaman akong humagod sa likod ko kaya tumayo agad ako ng tuwid."Hindi mo na ba kaya? Gusto mo na bang buhatin na kita?" May pag-aalala sa tono ng boses na tanong ni Roisin."Kaya ko pa!" Desidido na sagot ko.Kayang kaya ko ito. Hindi ko ugaling sumuko. Ang lahat ng hirap ay alam kong may magandang kinakalabasan."Do you need water?" nag-aalala na tanong niya.Umiling ako sa kaniya at pagkatapos ay tingnan ko siya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa akin kaya panandalian akong natigilan sa paghinga. Bakit niya ipinapakita sa akin ang pag-aalala niya?"May tubig ako," tanging sabi ko.May nakatago akong tubig sa loob ng bag ko. Hindi ako hihingi sa kaniya. Inalis ko ang pagkakasabit ng isang strap ng bag sa aking balikat at pagkatapos ay binuksan ko ang
Kabanata 5 "Pst! Roisin," pagtawag ko sa atensyon ni Roisin. Walang lumabas sa tent na nirentahan niya kaya muli ko siyang tinawag. Kakapasok ko pa lang sa tent ko kanina ngunit wala pang sampong minuto ay lumabas agad ako. Bigla akong nakaramdam mag-cr. Ramdam ko ang pagkulo ng tiyan ko. Kanina noong naghapunan kami ay ilang beses akong kinulit ni Roisin na kumain ng laing. Hindi ako mahilig sa pagkain na iyon dahil ayoko sa gabi. May allergy din ako sa gabi at kahit na anong luto doon ay hindi ako kumakain. Hindi niya ako napilit sa gusto niya. Iba ang pinili ko. Ginataang papaya na may manok ang kinain ko kanina. Napadami ang kain ko dahil sarap na sarap ako sa ulam. Nakakapanlumo lang sapagkat hindi yata kinaya ng tiyan ko ang gata. Masama nga ang sobra. Muli kong tinawagan si Roisin. Hindi pa rin siya lumabas kaya yumuko ako at sinimot ko ang maliit na bato na nasa lupa. Itinaas ko ang kamay ko at pagkatapos ay bumwelo ako sa paghahagis. Bumilang ako hanggang tatlo at ibinat
Kabanata 6Ang aking atensyon ay napalipat kay Eunice Faye nang marinig ko ang boses niya. Itinikom ko ang bibig ko at ibinaba ko ang pop corn na isusubo ko sana."Edraly, naging maganda ba ang bakasyon mo?" tanong niya. Pansin ko ang magaan niyang ngiti."Ayos lang pero may nakasama akong baliw," sagot ko sa kaniya kaya nakuha ko ang buong atensyon niya.Lumapit siya sa akin habang ang kaniyang mata ay bahagyang nanlalaki. Hinawakan niya ako sa braso at nakita ko ang pasimple niyang pagtingin sa kabuuan ko."Ano? Sinaktan ka ba?" tanong niya. Halata sa boses niya ang pag-aalala sa akin.Umiling ako at bahagyang natawa. "Hindi naman, Eunice Faye. Sumunod lang sa akin.""Sumunod lang sa'yo? Sabi mo ay baliw iyon? Hindi ka ba natakot na baka saktan ka noon? Dapat ay ipinapulis mo para sila na ang magdala sa mental," nakatingin siya nang mariin sa akin habang sinasabi niya iyon.Sumilay sa aking mukha ang ngiti. Nag-aalala talaga siya sa akin. "Hindi naman nananakit. Medyo masaya din nam
Kabanata 7"Edraly, how's your weekday?" I smiled at my coach when our eyes met."Work lang, coach," sagot ko sa kaniya habang sinisiklop ang mga buhok ko. I started to stretch my hair tie and then I put my hair into bun."So, are you ready to burn some fats?" tanong niya sa akin. Tumingin siya sa salamin at tiningnan niya ang kaniyang sarili.Hinawi niya ang buhok niya at pagkatapos ay inilagay niya ang kaniyang daliri sa ilalim ng baba niya. Nag-pogi sign siya sa harap nito kaya ako ay napatawa."Sexy na ako pero marami akong nakain this past few days kaya kailangan kong magpapawis," pahayag ko sa kaniya.Tumagilid ako at tiningnan ko ang repleksyon ko sa mirror wall. Pansin ko ang may kagandahang hubog ng katawan ko. Noong naligo ako ay napansin ko ang pagbilog ng tiyan ko. Ayokong magkaroon ng baby fats sa tiyan kaya kailangan ko na agad solusyunan iyon."Okay. Kaya mo na naman mag-isa, diba? May bago akong ite-train. Magandang babae," wika niya at sabay kaming napatawa."Ligawan
Kabanata 8It's Sunday. There are so many people in the beach, since it's weekends, It is definitely their family day or restday. Ini-enjoy nila ang kanilang oras kasama ang mga mahal nila sa buhay.Walang imik at kalmado akong nakaupo sa isang beach chair. Pinagmamasdan ko ang buong paligid. Tirik na tirik pa ang araw ngunit hindi ko alintana ang init dahil nakasilong ako sa isang umbrella hut. Nasasangga nito ang init na dapat ay tatama sa akin.I'm alone, and I like it very much. May pinuntahan ang iba kong kasamahan, sa souvenir shops na nasa tabi ng entrance ng hotel. Hindi na ako sumama dahil tinatamad akong maglakad at gusto kong mapag-isa.Kanina pang alas-dos natapos ang activity sa Team Building at napagdesisyunan kong magpahinga sa dalampasigan. It's incredibly relaxing.Blue sky, and blue sea. White sand, and white clouds. Staring at these things puts me at ease."Sana laging ganito. Always at peace," mababa ang tono ng boses na sabi ko sa sarili.Sa ilang oras kong pagtit
Kabanata 9Hindi pa nakakalayo ang lalaki kaya naman naabutan agad namin siya. Tinawag ko siya at humingi ako ng despensa."Kuya, I'm sorry for being rude. Payag na po kaming maging model," pagbibigay alam ko sa kaniya.Nakita ko kung paano lumawak ang pagkakangiti niya. "Talaga? Salamat. Wala kasi akong pambayad sa model kaya naghahanap ako ng taong pasok sa taste ko bilang model. Saktong nakita ko kayong dalawa. Sobrang ganda mo at sobrang gwapo niya. Kita ko ang Chemistry sa inyo kaya akala ko ay mag-asawa kayo," paliwanag niya kaya napangiwi ako.Chemistry? Paano nagkaroon ng Chemistry sa pagitan namin, ni-hindi nga kami sweet. Hello, nag-aaway kaya kami kanina kaya paano nagkaroon ng Chemistry?"Hindi po kami mag-asawa," pagtanggi ko sa kaniya.Napansin ko na napangiwi siya at pagkatapos ay mahinang siyang tumawa na tila ba nahihiya."Sorry, akala ko kasi kayo," sambit niya. Tumango na lang ako sa kaniya at tipid na ngumiti.Walang kami..."Para saan po ba ang photoshoot?" tanong
Special Chapter Naramdaman ko ang malamig na pag-ihip ng hangin. Nanghihinang iminulat ko ang aking mga mata. Lumingon ako sa may bintana at napakunot ang noo ko nang makitang bukas ang bintana ko. Mahina akong napasinghap nang biglang may tumalon sa kama ko. Nang makita ko ang mukha niya ay napairap ako. "Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya. Isang mahinang tawa ang ginawa niya at pagkatapos ay niyakap niya ako galing sa likod. "Gusto kong makita ka." "Hindi tayo pwedeng magkita," Sabi ko at itinulak ko siya. Hindi naman siya nagpatinag at niyakap niya ulit ako. Pinabayaan ko na lang siya at isinandal ko na lang ang sarili ko sa kaniya. "Pwede. Huwag lang tayong magpapahuli," Bulong niya sa aking tainga. Nakiliti ako sa hangin na galing sa bibig niya. Natatawang pinalo ko ang braso niya. "Sira ka talaga. Maniwala ka nga sa pamahiin." "Hindi ko hahayaang hindi matuloy ang kasal natin. Kung sino ang pumigil ay papatayin ko," Bulong niya sa aking tainga at pagkatapos ay hinali
EpilogueI'm a womanizer, and I'm so proud of it."Will you marry me, Mich?" nakangiti kong tanong sa kaniya.Gulat na gulat siya at napatigil siya sa pag-inom ng wine. "Oh my gosh, James!""So, what's your answer?" Tanong ko sa kaniya."Yes! I will definitely marry you," Masaya niyang sabi. Hinawakan niya ang kamay ko.I smiled at her. I think that she will be a good mother someday. Kung sa mga babaeng nahahalubilo ko ay siya lang ang nakikita kong matino. Hindi naman ako habang buhay na magiging babaero dahil dadating din yung araw na magsasawa din ako.Ngunit kahit na nag-propose na ako sa kaniya ay hindi pa rin ako titigil sa pagiging babaero. I will enjoy my life before we got married.Enjoy life to its fullest.Niligawan ko siya. Ginawa ko ang lahat para mahulog siya sa akin. I tried to become a loyal man but I can't. Girls keep on asking for one night stand. How can I turn them down? I'm just a man with needs.Ang hirap umiwas sa tukso."Pasensya na kung simple lang ang proposa
Kabanata 40“Gusto kong walang Ròisìn sa buhay ko. Gusto kong pahalagahan ang sarili ko.” nakatulala kong sabi.Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Rio ngunit hindi ko siya nilingon. Itinaas ko ang aking kamay upang tingnan ang importanteng bagay sa buhay ko.“I lost myself. I want to love myself more than I love him. I’m so tired. I want to stop loving him.” mahina kong sabi habang pinagmamasdan ang singsing na nasa daliri ko.“Then, love me. I’m always here to love you unconditionally.” biglang sabi ni Rio ngunit umiling ako.“It’s easy to say, but it’s hard to do.” mapait akong tumawa habang ibinababa ang aking kamay.“I want to go and live somewhere far from him. I want to prioritize myself more than anyone else. Gusto kong mahalin at buuin ang sarili ko." Tinanggal ko ang singsing na nasa daliri ko. Ipinatong ko ito sa lamesa at pagkatapos ay tuluyan kong isinandal ang likod ko sa upuan.“I will stay with you. Susuportahan kita sa gusto mong gawin.” mahinang sabi ni R
Kabanata 39"Rio, I need your help," bungad kong sabi sa kaniya noong sinagot niya ang tawag."Akala ko ba ay hindi mo kailangan ng tulong ko?" tanong niya sa akin. Alam kong hindi siya galit. Gusto niya lang ipaglandakan na hindi ko kayang panindigan ang sinabi ko."Sinabi ko ba iyon?" Patay malisya kong tugon."Naging malilimutin ka na naman," Sabi niya at sunod noon ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa."Okay! Sorry, Hindi ko talaga kaya na mag-isa. Kailangan kita," sambit ko at pagkatapos ay ngumuso ako.Lagi ko naman siyang tinatawagan nitong nagdaang mga araw para hingian ng pabor. Ngunit lagi niya din akong inaasar tungkol sa mga bagay na sinabi ko sa kaniya dati.Kailangan ko lagi ng tulong niya. Iyon talaga ang totoo."Dalawang salita ngunit nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko." Napabuntong hininga ako sa kaniyang sinabi."I mean...May gusto akong ipagawa sa'yo," Paglilinaw ko. Ayokong bigyan siya ng false hope.Kailangan kong linawin para hindi siya mag-isip ng kung ano
Kabanata 38“Si Ròisìn po?” May malawak na ngiti sa aking mukha habang itinatanong iyon.Isang nalilito na ekspresyon ang nakita ko sa mukha ng matandang babae na nagbukas ng pintuan. Pasimple niya akong pinagmamasdan na para bang kinikilala niya ako.“Nasa taas po. Tatawagin ko po ba?” tanong niya sa akin.Inayos ko ang postura ko. Marahan akong tumango sa kaniya. Lumingon ako at inabot ko ang maleta na nasa likuran ko. Hinila ko iyon pauna.“Yes, please. Pakidala na din po ang maleta ko.” hindi mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi.Balita ko'y dito na daw siya nakatira.Naguguluhan man ngunit kinuha naman niya ang maleta ko at pinapasok niya ako sa loob. Sumunod ako sa kaniya sa paglalakad papunta sa lobby ng mansyon.Mabilis ang mga mata ko sa pagsulyap sa paligid. May ilang katulong akong nakikita. Busy ang mga ito sa pagpupunas ng mga naka-display at mga muwebles.I’m a visitor. Kahit hindi alam ng may-ari na bibisita ako ay magandang magulat sila sa pagdating ko.Pinaupo ako
Kabanata 37Iniwan din ako ni Rio sa Baguio dahil may mahalagang pag-uusapan ang dalawa ni Governor tungkol sa darating na halalan. Ayaw niya akong iwan ngunit ipinagtulakan ko siyang bumalik.Naglakad ako papunta sa isang bench pero biglang may nauna sa aking umupo. Hindi na lang ako tumuloy sa pag-upo doon. Ayokong makipagsiksikan.Ayokong ipilit ang sarili ko! Pag hindi pwede, hindi na pwede.Pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sa suot ko ngunit hindi ako nakaramdam ng hiya. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang pagkain sa taho.Bumili ako kanina ng strawberry na taho. Hindi pa rin nagbabago ang lasa noon. Masarap pa din hanggang ngayon. May karamihan ang tao sa parke kaya wala ng bakanteng upuan. Habang naglalakad sa Burnham park ay nakita ko si James sa tabi ng isang puno. Nakaupo siya sa damuhan at nakasandal sa puno ng pine tree.Lumapit agad ako sa kaniya. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito. Maliit nga naman talaga ang mundo.Pinahanap ko siya kay Rio ngunit hindi nito si
Kabanata 36Kahit ilang beses kong itanggi, alam kong mahal ko pa rin siya.I just planned to seduce him but I found myself moaning his name while he was taking me to cloud nine.He stopped from moving so, I growled because of disapproval. Binibitin pa ba niya ako? Naiinis na hinigit ko ang buhok niya.Tumawa siya at hinalikan ang aking pisngi. "Honey Bunch, do you want to ride me?" He said to me.Itinaas niya ako kaya nagpalit kami ng posisyon. Walang kahirap hirap niya itong ginawa. He puts me on the right position without breaking our contact. Naramdaman ko ang paggalaw nito sa loob kaya napapikit ako. He moved and he teased me.Iminulat ko ang aking mga mata at nasalubong ko ang mapupungay niyang mga mata."How should I move?" Tanong ko at kinagat ko ang labi ko."Just grind on me." Pagtuturo niya. He tried to guide me but I stopped him.Tumaas ako. I felt the movement of his hard muscle inside. Mabilis ko ding ibinagsak ang sarili ko."Like this?" I asked seductively.Nakita kong
Kabanata 35"You pushed me to the end, and I'm about to lose my mind," I said while looking at the ceiling."Gusto ko lang ng kumpleto at masayang pamilya pero ayaw pa ring ibigay sa akin. Naging masamang tao ba ako?" tanong ko habang hinahaplos ang buhok ng manika.Ngumiti ako at iniharap ko ito sa akin. Nakita ko ang kagandahan nito."Ang anak ko." Masuyo kong hinawakan ang buhok ng manika.Kung nabubuhay lang siguro ang anak ko ay paniguradong maganda din siya katulad ng manikang ito."May nagawa ba akong malaking kasalanan para gawin niya sa akin ito?" muli kong tanong.Katahimikan ang namayani sa buong kwarto ko. Wala naman akong nagawang kasalanan sa Diyos. Hindi naman ako nagnakaw, hindi rin ako pumatay, hindi ako nakiapid sa iba."They said that everything happens for a reason, pero bakit ganito kahirap? I lost my one and only treasure. My lovely daughter." Malalim akong bumuntong hininga at tumigil ako sa pag-aayos ng buhok ng manika."Should I still trust you?" Tumulo ang lu
Kabanata 34Kinuha niya ang maliit niyang notebook at ballpen. Hindi ko na lang pinansin pa ang ginawa niya. I think It's for the record?"Can you tell me everything? Ano ang mga bumabagabag sa'yo?" She asked with softness in her voice."Should I start it at the beginning?" Mahinang tanong ko sa kaniya."Yes, please," Sabi niya at ngumiti.Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. "I lied.""You lied? Kanino?" Tanong niya.Mapait akong ngumiti sa kaniya. "I lied to myself.""I'm all ears."Muli kong binalikan ang nakaraan. Unting unting bumalik sa aking isip ang mga nangyari noong nakilala ko si Ròisìn hanggang sa mga oras ng pangungulit niya sa akin. Tipid akong napangiti."Ayokong mag-take ng risk para bigyan siya ng chance at tuluyang makapasok sa buhay ko. Pero nagbago ang desisyon ko. I took the risk. Gusto ko na ng bagong buhay. New life with someone who can love me. Nagpadala ako sa pangako niya. Ayoko nang maging mag-isa. Sawang sawa na akong maiwan sa madilim na parte ng mun