Kabanata 5
"Pst! Roisin," pagtawag ko sa atensyon ni Roisin. Walang lumabas sa tent na nirentahan niya kaya muli ko siyang tinawag.
Kakapasok ko pa lang sa tent ko kanina ngunit wala pang sampong minuto ay lumabas agad ako. Bigla akong nakaramdam mag-cr. Ramdam ko ang pagkulo ng tiyan ko.
Kanina noong naghapunan kami ay ilang beses akong kinulit ni Roisin na kumain ng laing. Hindi ako mahilig sa pagkain na iyon dahil ayoko sa gabi. May allergy din ako sa gabi at kahit na anong luto doon ay hindi ako kumakain. Hindi niya ako napilit sa gusto niya.
Iba ang pinili ko. Ginataang papaya na may manok ang kinain ko kanina. Napadami ang kain ko dahil sarap na sarap ako sa ulam. Nakakapanlumo lang sapagkat hindi yata kinaya ng tiyan ko ang gata. Masama nga ang sobra.
Muli kong tinawagan si Roisin. Hindi pa rin siya lumabas kaya yumuko ako at sinimot ko ang maliit na bato na nasa lupa. Itinaas ko ang kamay ko at pagkatapos ay bumwelo ako sa paghahagis. Bumilang ako hanggang tatlo at ibinato ko ang bato sa tent ni Roisin. Ibinaba ko agad ang kamay ko upang hawakan ang pang-upo ko.
Narinig ko na nagsalita siya. May pagmamadali na lumabas siya sa kaniyang tent. Hindi nakalampas sa paningin ko ang kaniyang noo na nakakunot ng todo.
"What do you want, Honey Bunch?" salubong ang kilay niya kaya naman napakunot din ang noo ko. Napansin ko na magulo ang kaniyang buhok.
"Samahan mo ako," wika ko habang hinihigpitan ang pagkakahawak ko sa flashlight.
Humakbang siya palapit sa akin. Pasimpleng tiningnan ko ang madilim na paligid. Naramdaman ko din ang paghaplos ng hangin sa balikat ko kaya nagmamadali kong inayos ang cardigan na bahagyang dumulas pababa sa aking balikat.
"Huh? Saan?" tanong niya sa akin. Naaninag ko ang nakakunot niyang noo na tila ba naguguluhan.
"Wala si Jing. Tulog na sila ng boyfriend niya. Samahan mo ako sa Portable Cr," paliwanag ko sa kaniya.
Malayo sa area ng mga tent ang portable cr. Sobrang dilim at nakakapanglaw pag mag-isa.
Ibinuka ko ang aking bibig ngunit ang tangkang pagsasalita ay napatigil. May narinig akong sagitsit sa kanan kaya namilog agad ang aking mga mata. Ang tibok ng puso ko ay bumilis na para bang may naghahabulan na mga kabayo sa loob nito.
"Edraly, What are we gonna do inside the comfort room?" tanong niya. Pansin ko sa kaniyang mukha ang ngisi na parang may naiisip siyang kalokohan.
"Iihi ako. Teka, bakit parang iba ang nasa isip mo?" naguguluhan na tanong ko. Salubong na naman ang kilay ko habang pinagmamasdan siya.
Joke lang yung iihi.
Napansin ko ang pagkawala ng ngiti sa kaniyang mukha. Naging seryoso ang kaniyang reaksyon ngunit alam kong sa loob loob ng kaniyang isip ay kalokohan ang tumatakbo doon.
I rolled my eye balls at him. He really wants to act like an angel but I know that he's a devil. He's just deceiving me. Kunwari ay mabait pero alam kong nasa loob ang kulo niya.
Pansin ko ang paghaba ng nguso niya. Hinawakan niya ang kaniyang batok at sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.
"Hindi naman. Ano bang iniisip ko?" Patay malisya na tanong niya sa akin kaya napairap na naman ako.
"Baka kasi napupuno na ng lumot ang utak mo. Ipapalinis ko sa tubero. Baka sakaling mawala ang mga lumot na nakabara sa mga litid mo sa utak," may kahabaan na paliwanag ko sa kaniya.
"Honey bunch, huwag mong sabihin na malumot ang utak ko kasi hindi naman iyon totoo," wika niya at marahan siyang umiling. Nakita ko na unting unti na nawala ang ngiti niya.
"Edraly ang pangalan ko at hindi honey bunch. Huwag mo akong tawagin niyan," sagot ko sa pagdadrama niya. May katarayan ang tono ng boses ko.
"Okay. So, let's go, Edraly?" tanong niya sa akin. Kibit balikat ang kaniyang ginawa bago siya naglahad ng kamay sa harapan ko.
Tiningnan ko lang siya at pagkatapos ay itinaas ko ang kamay ko. Inilapit ko ang palad ko sa kamay niya at Ibinigay ko sa kaniya ang hawak kong flashlight.
"Ikaw ang hahawak ng flashlight," may diin na sabi ko. Ako na ang nagtikom ng kamay niya upang maging mahigpit ang hawak niya sa flashlight.
"Takot ka sa dilim?" tanong niya. May pagkamangha sa kaniyang mukha habang itinatanong sa akin iyon.
I'm pretty sure that he's making fun of me.
"Hindi naman," pagtanggi ko sa kaniya. Iniiwas ko ang paningin ko sa kaniya at tumalikod na ako.
Inumpisahan ko ang paglalakad at ganoon din ang ginawa niya. Naramdaman ko ang pagdanggil niya sa aking braso. Ilang segundo ang lumipas at naramdaman ko naman ang pagdanggil ng kamay niya sa kamay ko. Palihim akong umirap sa kaniyang ginawa. Pasimple pa siya. Gusto lang naman makahawak sa kamay ko.
Ipinag-cross ko ang aking mga braso sa tapat ng dibdib ko upang iiwas sa kaniyang kamay na dumidikit sa akin.
"Really? Tell me the truth," may pamimilit na sabi niya.
Bumunot ako nang malalim na pagbuntong hininga at pagkatapos ay tumingin ako sa dinadaanan naming lupa.
"Oo na! Mahilig kasi akong manood ng horror pero pagkatapos ng palabas ay naduduwag na ako," sagot ko habang tinitingnan ang daan.
Hindi ako nagtaas ng tingin. Ang aking atensyon ay nasa lupa lang. Wala akong balak tingnan ang paligid. Baka mamaya ay may makita pa akong nakalutang sa mapunong bahagi.
"Huwag kang mag-alala. Andito lang ako. Hawakan mo ang kamay ko," sambit niya. May lambing na naman sa boses niya.
Habang naglalakad ay inilapit niya sa akin ang kamay niya. Marahan na kumunot ang noo ko. Tinitigan ko ang kamay niyang may kalakihan. Kahit madilim ay napansin ko pa rin ang ilang litid sa kaniyang kamay. Sinunson ko ito nang tingin pataas sa kaniyang braso.
The veins in his arms are so attractive. My eyes were glued to his veins. I looked away at his engaging hands and arms.
He has a prominent squared jaw, and the veins on his arms and hands was so visible. I won't lie. That two things were my weaknesses.
"Ayoko. Gusto mo lang akong tsansingan!" May diin na sabi ko habang pilit inaalis ang paghanga na nararamdaman.
Ayoko siyang hawakan.
Nagpatuloy ako sa paghakbang ngunit napatigil ako at biglang napahawak sa braso ni Roisin nang may narinig akong huni na kakaiba sa aking pandinig.
"A-ano 'yun?" tanong ko sa kaniya. Naramdaman ko ang pagkabog ng aking dibdib dahil sa narinig. Pagkabalisa ang una kong naramdaman nang may biglang kumaluskos sa kaliwang bahagi.
Napahakbang ako palapit kay Roisin, at hindi ko napansin na napahawak na pala ako sa kaniyang braso. Narinig ko ang pagtawa niya ngunit hindi ko siya nagawang suwayin dahil sa nararamdaman na takot. Sumiksik pa ako sa kaniya nang may humuni ulit.
"Ibon lang. Keep walking, Edraly," tila ba siguradong sagot niya.
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kaniyang matipunong braso. Hindi ako naniniwala na ibon iyon. Iba ang huni ng ibon. Baka naman paniki?
Walang imik na naglakad kami papunta sa portable cr. Nang makarating kami dito ay agad kong binuksan ang pinto nito.
Bago ako tuluyang pumasok ay tiningnan ko muna siya nang mariin. Hinawakan ko ang kaniyang balikat at hinila ko ang kaniyang damit. Napalapit ang kaniyang mukha sa akin ngunit hindi ako nailang sa ginawa ko. Tiningnan ko lang siya nang may diin at pagbabanta.
"Huwag kang aalis diyan, ha?" matigas na utos ko sa kaniya.
Napansin ko ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang labi. Hindi nakawala sa aking paningin ang paggalaw ng panga niya dahil sa pagngiti. Kita ko ang paglipat niya ng tingin sa aking labi.
Madilim sa paligid ngunit dahil sa konting liwanag na dala ng isang lampara sa taas ng puno sa tabi ng portable cr ay nakikita ko ang nakakaloko niyang ekspresyon.
"Yes. Don't worry. I won't leave you here," He sweetly said while looking at my lips.
Binitawan ko agad ang kaniyang braso at lumayo ako sa kaniya. It's better to move away from him to be safe. Baka kasi biglang halikan niya ako. Mukha pa naman siyang manyakis.
"Sure ka?" paninigurado ko sa kaniya.
Kung hindi lang ako duwag, kanina ko pa siya napalayas sa tabi ko. Kailangan ko siya kaya kahit na tinitingnan niya ako nang may halong lagkit ay isinasawalang bahala ko lang.
"Oo nga. Pasok na," pagpipilit niya sa akin.
Hindi ko na siya sinagot at nagmamadali na akong pumasok sa loob ng portable cr. May maliit na ilaw sa loob nito kaya kitang-kita ko ang nasa loob. May dala akong sabon sa bulsa. May tabo at timba dito na may lamang tubig. May nakita din akong isang rolyo ng tissue paper kaya napahinga ako nang malalim. Hindi ko problema ang paghahanap ng tubig. Matapos kong maghubad ng shorts at underwear ay umupo agad ako.
"Roisin," tawag ko sa kaniya.
Naging tahimik kasi sa labas kaya nakaramdam ako nang pagkataranta. Sisigaw sana ako upang tawagin siya ulit ngunit napatigil ako nang sumagot siya.
"Why?" tanong niya kaya napanguso ako.
Akala ko ay umalis na siya. Ayokong mapag-isa.
"Wala lang," tipid kong sagot sa kaniya.
Hindi na siya nagsalita pa kaya akala ko ay umalis na siya. Sobrang tahimik sa labas. Hindi na ako nakatiis at tinawag ko siya.
"Hoy, Roisin!" May kalakasan kong tawag sa kaniya.
Nakakaramdam kasi ako nang takot sa loob ng portable cr. Hindi ko pa rin mailabas ang dapat ilabas dahil namamahay yata ang pang-upo ko.
"Bakit, Edraly?" tanong niya. Napahigpit ang hawak ko sa garter ng short ko.
"Wala lang," sagot ko.
"Para kang sira," wika niya ngunit rinig ko ang pagtawa niya sa labas.
"Magsalita ka nga," biglang sabi ko at pagkatapos ay humaba ang nguso ko.
Pinagtatawanan niya ako. Siguro ay alam niya na natatakot ako sa loob ng portable cr.
"Ano namang sasabihin ko?" tanong niya sa akin. Kahit na hindi niya ako nakikita ay nagkibit balikat ako.
"Kahit ano basta magsalita ka," sagot ko sa kaniya.
Ayokong tahimik siya dahil baka mamaya ay umalis siya. Dapat magsalita siya para malaman ko kung aalis ba siya o hindi. Baka kasi makaalis siya tapos hindi ko alam. Magulat na lang ako mamaya na wala na pala akong kasama. Ayoko noon.
"Ingat ka kasi mamahalin pa kita?" wika niya kaya napairap ako sa kaniyang sinabi.
"Hindi gan'yan. Ibang topic," may diin na pagtanggi ko.
"Wala akong maisip," sambit niya kaya napahawak ako sa aking noo. Pwede naman siyang magkwento ng kahit ano.
"Kumanta ka na lang," suhestiyon ko.
Mas madali iyon kaysa sa mag-isip siya ng kwento. Kakanta lang siya ng kahit ano. Kahit nga sintunado siya ay ayos lang sa akin.
"Ayoko," sagot niya.
"Bilis na," pamimilit ko.
Magsasalita pa sana ako ngunit napatigil ako. Naramdaman ko ang pakiramdam na kanina ko pa hinihintay. Sa ilang segundong pagko-concentrate ay natahimik ako hanggang sa nagawa ko nang ilabas ang dapat ilabas.
Success!
"Bakit ang baho?" rinig kong sabi ni Roisin sa labas habang naghuhugas ako.
"Ha? Wala akong naamoy," patay malisya kong sagot sa kaniya. Humaba ang nguso ko dahil sa pagkapahiya. Naramdaman ko din ang pamumula ng mukha ko.
"Did you just poop? Akala ko ba ay iihi ka lang?" Halata sa boses niya ang pagkalito. Naghugas agad ako ng pang-upo ko at hindi siya sinagot. Tinapos ko muna ang dapat kong gawin.
Rinig na rinig ko ang pagtawa niya sa labas. Napatayo ako at inayos ko ang short ko. Kumuha ako ng tissue upang tuyuin ang kamay ko.
"Ano naman kung magbawas ako? Lahat ng tao nagbabawas! Tsaka lahat ng dumi ng tao ay mabaho!" may inis kong sabi sa kaniya.
Nakikiamoy na nga lang siya tapos magrereklamo pa. Akala mo naman ay mabango ang inilalabas niya.
"Go on. Continue that. I won't leave you even If that smell can kill me," sambit niya at narinig ko ang tawa niya kaya nainis ako.
"Tse!" Reaksyon ko habang nakangiwi.
The sun emerged from the sea of clouds and its first rays broke through with indescribable wonder. Itinaas ko ang aking kamay at ibinilog ko ito. Sinilip ko sa butas ang magandang tanawin sa harapan namin. We stood there and watched the sun rise slowly as the signal of the start of our day.
The sunrise was amazing. The view of the sunrise was breathtaking. I lost my voice while looking at this wonderful God's creation.
Kiltepan Viewpoint ang pinaka-popular para makita ang famous na Sagada sunrise. The fading darkness reveals an ocean of white clouds blanketing the hills and the valleys below. Ang araw ay parang sumisilip na Diyos na tila ba nangangamusta sa magandang tanawin sa ibaba. It's such a great thing and scenery for me. The trees lining up around the site also made a gorgeous view. And the fog made it all enchanting. It's such a beautiful creation of God.
Naramdaman ko ang malalim na simoy ng hangin. Bumuntong hininga ako habang kinukuskos ang magkabila kong braso. Kahit may cardigan na suot ay lumalampas pa din ang lamig. Nakalimutan ko ang makapal kong jacket kaya nagtitiis ako sa cardigan ko. May napansin akong lumabas na usok sa aking bibig kaya nakaramdam ako ng saya at pagkamangha.
"Ang ganda, no?" I said while looking at the smoke in front of me. It's quite entertaining to watch the smoke coming out of my mouth every time I spoke.
"Oo," Roisin said.
"Nakaka-relax tingnan ang mga ulap. Ganito pala kasaya na parang abot kamay mo na ang ulap," may munting ngiti sa labi na sabi ko habang pinagmamasdan ang ulap sa taas ng mga bundok.
"Kung ang ulap na iyan ay pangarap, naabot ko na siguro ang pangarap ko. Too bad it's not," mahinang bulong ko.
"Naabot ko na lahat ng gusto kong marating. Ikaw ba?" biglang pagsasalita niya kaya nakuha niya ang aking atensyon.
Sumalubong agad sa aking mata ang mukha niyang nakatingin sa akin. May munting ngiti sa kaniyang mukha. Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi at nakaramdam din ako ng hiya. Ibinalik ko ang aking atensyon sa unahan upang iiwas ang tingin sa kaniya.
"Hindi pa," mahina kong sagot sa kaniya.
"Bakit? Ano bang gusto mong abutin?" tanong niya sa akin. Kahit hindi ko man siya tingnan ay alam ko nang may namumuong kuryosidad sa kaniya.
May trabaho na ako. Maayos na ako at kuntento sa trabahong mayroon ako ngunit may ilang bagay pa akong gustong makuha.
"Magsarili sa buhay. Makabili ng sariling lupa. Magpatayo ng sariling bahay. Magpundar ng mga gamit na kakailanganin ko at makapagpatayo ng business kahit maliit lang," sagot ko.
Unti-unting nawala ang ngiti sa aking mukha. Muli kong naisip ang ilang pumipigil sa akin para makuha ang mga gusto ko.
Hindi ako open na tao. Tama nga ang kasabihan na mas magaan na magkwento sa isang estranghero kaysa sa kakilala mo.
"Saan ka ba nagtatrabaho?" he asked me. Napansin ko na umupo siya sa damuhan kaya napatingin ako sa kaniya.
Marahan akong umupo sa tabi niya dahil naramdaman ko din ang pagkakangawit.
"Sa Bpo company," I answered him while I'm fixing my jacket. I sighed softly and then I saw the smoke come out of my mouth.
Nakakatuwa talaga ang usok na lumalabas sa bibig ko dahil sa lamig ng klima.
Panandalian akong tumingin sa kaniya at napatigil sa paglalaro ng hininga ko.
"What's the name of your company?" he asked me again. I saw the brightest smile that was very evident on his face.
"Acto Corporation," tipid kong sagot sa kaniya.
Nakita ko ang pagtaas ng kamay niya. Inilagay niya sa batok ang kaniyang kamay at kinamot niya ito. Mas napansin ko ang paglawak ng ngiti niya kaya napataas ng konti ang kilay ko.
May napansin akong lokong ngiti sa mukha niya. Ayoko siyang kasama. Hindi pa lumalabas sa tent sina Jing kaya wala akong choice kundi ang isama si Ròisìn.
"You can't earn a big amount of money If you'll stay in your company. Aabutin ka ng taon para makaipon ng malaking pera. Do you want some help in building your house?" tanong niya kaya napakunot ang noo ko at napanganga ng konti.
"Nye! Baliw ka ba? Tinatanong pa ba iyan? Syempre, hindi. Bakit ako hihingi ng tulong sa'yo kung gusto kong magawa iyon ng mag-isa. Ayokong umasa o manggamit ng ibang tao para makuha ang gusto ko. Paghihirapan ko iyon sa abot ng makakaya ko," may kahabaan na sagot ko sa kaniya.
Kita ko ang paglabas ng ngipin niya dahil mas lumawak pa ang ngiti niya. Napatawa siya nang may tunog.
"You amazed me," he amusedly confessed.
Hindi ako nagsalita at nanatili lang akong tahimik. Umiwas ulit ako sa kaniya nang tingin. Muli kong tiningnan ang magandang tanawin sa harapan namin.
"Ano pang gusto mo na makamit sa buhay? Aside from the things that you've said earlier," tanong niya.
"Tunay na pag-ibig," diretsong sagot ko.
"True love? It sucks and it's not my thing," He stated while emphasizing the word sucks.
Gumalaw ang aking balikat at napatawa ako dahil sa kaniyang sinabi. Lumingon ako sa kaniya upang makita ang kaniyang reaksyon. Una kong nakita ang nakangiwi niyang ekspresyon.
"Why do you dislike it very much? Ah, huwag mo na pa lang sagutin. Playboy ka nga pala," may pagdidiin na sabi ko sa salitang playboy.
"I'm not," tangi niya sa akin at umiwas siya ng tingin.
Nagkibit balikat na lang ako at pagkatapos ay mahinang tumawa. May mapang-asar na ngiti na tingnan ko ang araw na unti-unti nang nangingibabaw sa kabundukan at ulap.
"Dadating din yung araw na hahanap ka ng tunay na pag-ibig," I affirmed with a sureness on my tone of voice.
"No. By the way, Gusto mo ng mag-asawa?" biglang tanong niya sa akin.
Umiling ako nang hindi ako nakaharap sa kaniya. "Hindi sa ngayon pero pag nagawa ko na ang una kong mga gustong makamit sa buhay ay pwede na."
"Hihintayin kita," sambit niya kaya biglaan akong napalingon sa kaniya.
Ang aking mata ay nanlaki dahil sa gulat sa biglaan niyang isinatinig. Hihintayin?
"Anong pinagsasabi mo d'yan?" may inis na tanong ko sa kaniya.
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kaniyang mukha. Ang mga mata niya ay naging mapungay at unti-unting naging malambot ang ekspresyon ng mukha niya dahil sa magaan na ngiti.
"I love you, Edraly. I will wait for you even if it's a long drive to get your heart," he confessed and I gasped loudly.
My heart hammered because of his confession. Nakakakain kaya siya ng tama? Mukhang may tama ang utak niya.
Bumulong ako nang mahina kaya hindi niya narinig. "Baliw nga," sabi ko nang marinig ko ang pag-uulit niya ng salitang I love you.
Sinong matinong tao ang magsasabi ng ganoon? Agad agad? Hindi pa nga namin kilala ang isa't isa.
"Ha?" he confusedly said.
"Hakdog ka," sabi ko sabay irap sa kaniya.
"Oo. Jumbo," may ngiti na sabi niya kaya napangiwi ako.
"Ay gago!" naiinis na sabi ko habang pinandilatan siya ng mga mata.
Natahimik kami nang panandalian habang nakangisi siya ng sobrang lawak.
All of sudden, he asked me something uncommon. "Kaya mo bang kumain ng jumbo hotdog?"
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. "Ano bang klaseng tanong iyan?"
"Just answer it," natutuwa niyang sabi kaya naningkit ang aking mga mata. Pilit kong tinitingnan ang ngiti niya.
May something, eh!
"Parang ang green. Iba yata nasa isip mo," may inis na pahayag ko.
Umiling siya habang nakangiti sa akin. Medyo naiinis talaga ako tuwing ngumingiti siya ng ganito.
"No, of course not. Ikaw ang green. It's just a simple question. You just need to answer it with a simple answer," He murmured but I still heard it clearly.
"Kaya kong kumain ng jumbo hotdog," sagot ko habang nakakunot ang noo ko.
"Then, eat mine," wika niya kaya nagsalubong na naman ang kilay ko.
"What?" tipid na tanong ko.
Parang nabingi yata ako dahil sa sinabi niya.
"Eat my jumbo hotdog," sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko dahil sa kabastusan niya.
"Ulol ka ba?" Inis na tanong ko.
Gusto ko siyang hampasin pero hindi ko na lang itinuloy. Pinatamaan ko siya ng matatalas na tingin.
Kumindat siya kaya mas lalo akong nabuwisit sa kaniya. Nararamdaman ko ang pagtaas ng dugo ko dahil sa kabaliwan niya.
Kung ano anong lumalabas sa bibig!
"No? I have a food processor business including meat products and sardines. I also have some restaurants scattered in different countries in Asia and Western Europe," he declared but I don't believe him.
Kung bilyonaryo siya ay bakit siya nandito? Ang mga bilyonaryo ay laging may bodyguards. Ang bakasyon nila ay sa ibang bansa.
"Seryoso ka ba?" mariin na tanong ko. Hindi pa rin naniniwala sa kaniya.
Umiling siya kaya nasiguro kong nagsinungaling siya. Tumawa siya habang tinitingnan ako. "Who said that I'm serious? I'm just kidding. Ikaw lang ba ang pwedeng mangarap? Sa panaginip ko ay isa akong bilyonaryo. I'm just a simple employee like you," He said.
Kumindat ulit siya sa akin. Napaismid ako dahil para lang siyang napupuwing. Isa siyang lalaking manyakis at sinungaling.
"Akala ko totoo. Lalayuan talaga kita kung bilyonaryo ka. Ayoko sa mayamang lalaki," matigas ang boses na sabi ko.
Ayoko rin sa manyak.
"Bakit naman?" tanong niya. Napansin ko na parang natigilan siya. Kumunot ang noo niya habang tinititigan ako.
"Baka kasi gawin pa akong kabit," dahilan ko.
Umiling siya at tumawa nang malakas. Nakita ko ang bahagyang pagsingkit ng mata niya dahil sa pagtawa.
"Sa ganda mong iyan? I won't. I will make you my legal wife," may kasiguraduhan sa tono ng boses niya.
"I love you," pagpapatuloy niya.
Imbis na matuwa ako ay inirapan ko lang siya. Masyado siyang malandi. Nag-i love you na naman siya. Akala niya ba ay madadala niya ako sa panlalandi niya? No! Hinding-hindi. I'm not easy to get. Kahit gwapo siya ay basted siya lagi sa akin.
"Fucker Roisin," may inis na sabi ko habang iniirapan siya. Iniiwas ko sa kaniya ang mga mata ko at ipinagpatuloy ko ang pagtingin sa araw na ngayon ay tuluyan ng sumikat sa taas ng mga bundok at ulap.
Tumawa lang siya habang tahimik naman ako. Kung mayroon lang akong ibang makakasama ay hindi ko pagtitiisan ang tulad niya. Lalayuan ko siya.
Good Morning! Thank you for reading. Comments are highly appreciated. love lots <3 <3
Kabanata 6Ang aking atensyon ay napalipat kay Eunice Faye nang marinig ko ang boses niya. Itinikom ko ang bibig ko at ibinaba ko ang pop corn na isusubo ko sana."Edraly, naging maganda ba ang bakasyon mo?" tanong niya. Pansin ko ang magaan niyang ngiti."Ayos lang pero may nakasama akong baliw," sagot ko sa kaniya kaya nakuha ko ang buong atensyon niya.Lumapit siya sa akin habang ang kaniyang mata ay bahagyang nanlalaki. Hinawakan niya ako sa braso at nakita ko ang pasimple niyang pagtingin sa kabuuan ko."Ano? Sinaktan ka ba?" tanong niya. Halata sa boses niya ang pag-aalala sa akin.Umiling ako at bahagyang natawa. "Hindi naman, Eunice Faye. Sumunod lang sa akin.""Sumunod lang sa'yo? Sabi mo ay baliw iyon? Hindi ka ba natakot na baka saktan ka noon? Dapat ay ipinapulis mo para sila na ang magdala sa mental," nakatingin siya nang mariin sa akin habang sinasabi niya iyon.Sumilay sa aking mukha ang ngiti. Nag-aalala talaga siya sa akin. "Hindi naman nananakit. Medyo masaya din nam
Kabanata 7"Edraly, how's your weekday?" I smiled at my coach when our eyes met."Work lang, coach," sagot ko sa kaniya habang sinisiklop ang mga buhok ko. I started to stretch my hair tie and then I put my hair into bun."So, are you ready to burn some fats?" tanong niya sa akin. Tumingin siya sa salamin at tiningnan niya ang kaniyang sarili.Hinawi niya ang buhok niya at pagkatapos ay inilagay niya ang kaniyang daliri sa ilalim ng baba niya. Nag-pogi sign siya sa harap nito kaya ako ay napatawa."Sexy na ako pero marami akong nakain this past few days kaya kailangan kong magpapawis," pahayag ko sa kaniya.Tumagilid ako at tiningnan ko ang repleksyon ko sa mirror wall. Pansin ko ang may kagandahang hubog ng katawan ko. Noong naligo ako ay napansin ko ang pagbilog ng tiyan ko. Ayokong magkaroon ng baby fats sa tiyan kaya kailangan ko na agad solusyunan iyon."Okay. Kaya mo na naman mag-isa, diba? May bago akong ite-train. Magandang babae," wika niya at sabay kaming napatawa."Ligawan
Kabanata 8It's Sunday. There are so many people in the beach, since it's weekends, It is definitely their family day or restday. Ini-enjoy nila ang kanilang oras kasama ang mga mahal nila sa buhay.Walang imik at kalmado akong nakaupo sa isang beach chair. Pinagmamasdan ko ang buong paligid. Tirik na tirik pa ang araw ngunit hindi ko alintana ang init dahil nakasilong ako sa isang umbrella hut. Nasasangga nito ang init na dapat ay tatama sa akin.I'm alone, and I like it very much. May pinuntahan ang iba kong kasamahan, sa souvenir shops na nasa tabi ng entrance ng hotel. Hindi na ako sumama dahil tinatamad akong maglakad at gusto kong mapag-isa.Kanina pang alas-dos natapos ang activity sa Team Building at napagdesisyunan kong magpahinga sa dalampasigan. It's incredibly relaxing.Blue sky, and blue sea. White sand, and white clouds. Staring at these things puts me at ease."Sana laging ganito. Always at peace," mababa ang tono ng boses na sabi ko sa sarili.Sa ilang oras kong pagtit
Kabanata 9Hindi pa nakakalayo ang lalaki kaya naman naabutan agad namin siya. Tinawag ko siya at humingi ako ng despensa."Kuya, I'm sorry for being rude. Payag na po kaming maging model," pagbibigay alam ko sa kaniya.Nakita ko kung paano lumawak ang pagkakangiti niya. "Talaga? Salamat. Wala kasi akong pambayad sa model kaya naghahanap ako ng taong pasok sa taste ko bilang model. Saktong nakita ko kayong dalawa. Sobrang ganda mo at sobrang gwapo niya. Kita ko ang Chemistry sa inyo kaya akala ko ay mag-asawa kayo," paliwanag niya kaya napangiwi ako.Chemistry? Paano nagkaroon ng Chemistry sa pagitan namin, ni-hindi nga kami sweet. Hello, nag-aaway kaya kami kanina kaya paano nagkaroon ng Chemistry?"Hindi po kami mag-asawa," pagtanggi ko sa kaniya.Napansin ko na napangiwi siya at pagkatapos ay mahinang siyang tumawa na tila ba nahihiya."Sorry, akala ko kasi kayo," sambit niya. Tumango na lang ako sa kaniya at tipid na ngumiti.Walang kami..."Para saan po ba ang photoshoot?" tanong
Kabanata 10I'm enjoying my own company while window shopping at the little Seaside Shops. Being alone is what I like. Minsan tuwing nalulungkot ay mas mabuting mapag-isa muna para makapag-isip isip.Maganda ang mga beach resorts dito. For me, Palawan is the best Island in the Philippines. There are a lot of beautiful places here. Some places are quaint and fun to explore. If you want to unwind by yourself, you can do that here.Nakatambay ako kanina sa dalampasigan ngunit nang dumami ang mga tao sa paligid ko ay napagpasyahan ko kanina na maglakadlakad.Pumunta ako sa tagong bahagi ng resort at doon ko lang nalaman na may mga kabahayan pala doon. In the side of the seashore, there's a bunch of little stores set up along the beach.May mga souvenirs, t-shirts, at pagkain kang makikita. May ilan ding mga seashells na decorations ang ipinagbebenta.Ngayon ko lang nalaman na may ganito dito. Kakaunti ang mga tao, siguro ay hindi rin alam ng iba na may mga stores din dito. Akala nila sigu
Kabanata 11"Kung mamahalin mo naman ako ay gagawin ko ang lahat para sa'yo. Magbabago ako. Hindi na ako mambababae. Ikaw na lang ang mas pagtutuunan ko ng pansin," mahaba niyang sabi sa akin kaya kahit nahihilo ng konti ay tumingin ako sa kaniya."Sigurado ka ba?" Mahinang tanong ko sa kaniya.Nakita ko ang pagngiti niya at narinig ang mahinang pagtawa niya. Marahan niyang itinaas baba ang kaniyang ulo bilang pagsang-ayon."Kung bibigyan mo ako nang pagkakataon na alagaan at mahalin ka. Sisiguraduhin ko na ikaw lang ang iibigin ko, Edraly," muling pagbibigay niya sa akin ng matatamis na salita.Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Lumapit siya ng kaunti sa akin at ramdam ko ang masuyo niyang paghaplos sa pisngi ko."Ròisìn," tipid na tawag ko sa kaniya. Napalunok ako ng laway dahil parang nakaramdam ako ng pagkauhaw.Ilang beses niyang hinaplos ang aking pisngi. Nakaramdam ako ng pagkahilo at may kakaibang init akong naramdaman sa bawat pagdampi ng balat niya sa katawan ko
Kabanata 12Sa pagmulat pa lang ng aking mga mata ay hindi pamilyar na kwarto na ang aking nakita. Nabundol ng kaba ang puso ko dahil sa pagkataranta. Hindi na ako nakapagkusot pa ng mga mata at hinigit ko na agad ang comforter upang ibalot sa aking hubad na katawan. Nanlalaki ang mga mata na tumingin ako sa paligid at mas lalo akong hindi mapakali nang makita ko si Ròisìn na nakahiga sa tabi ko.He's also naked!Ramdam na ramdam ko ang malakas na pagtibok ng puso ko habang hinahanap ang mga damit ko. Nang makita ko ito sa sahig ay agad akong nagbihis ng damit. Kinagat ko ang labi ko nang maramdaman ko ang pagkirot ng pagkababae ko.I'm not stupid! I know what happened! Mas lalong naging malinaw ang nangyari dahil ramdam ko ang hapdi sa pagitan ng mga hita ko.Nang matapos akong magbihis ay binigyan ko nang matalim na tingin ang natutulog na lalaki. Unti-unting napuno ng galit at inis ang puso ko.Hindi ko matandaan ang lahat ng nangyari kagabi ngunit isa lang ang malinaw sa akin. He
Kabanata 13"Nand'yan ba si Governor?" tanong ko sa babae na nasa labas ng opisina ni Governor.Lumingon ako sa paligid upang tingnan kung may mga tao. Nang wala akong makita kundi janitor ay agad nawala ang agam-agam ko. Pinagtuunan ko ulit ng pansin ang babae. Doon ko napansin ang nakakunot niyang noo. Labis na kalituhan ang makikita sa kaniyang mukha. Kahit na naguguluhan ay sinagot niya pa rin ang tanong ko."Yes po, Ma'am. Nagla-lunch po sa loob kasama ang mga kapartido niya," sagot niya sa akin.Magsasalita na sana ako ngunit itinikom ko ang bibig ko nang marinig ko ang pagbukas ng elevator kaya mabilis akong napalingon doon. Nakita ko ang isang babae na lumabas dito. Sinundan ko muna siya ng tingin at nang makita ko na pumasok siya sa isang opisina ay napabalik na ulit ang atensyon ko sa babae.Napansin ko ang pagtaas niya ng kilay. Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang reaksyon niya. Lumapit ako sa lamesa niya at humawak ako sa gilid nito. Inilapit ko ang aking mukha sa kaniya. N
Special Chapter Naramdaman ko ang malamig na pag-ihip ng hangin. Nanghihinang iminulat ko ang aking mga mata. Lumingon ako sa may bintana at napakunot ang noo ko nang makitang bukas ang bintana ko. Mahina akong napasinghap nang biglang may tumalon sa kama ko. Nang makita ko ang mukha niya ay napairap ako. "Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya. Isang mahinang tawa ang ginawa niya at pagkatapos ay niyakap niya ako galing sa likod. "Gusto kong makita ka." "Hindi tayo pwedeng magkita," Sabi ko at itinulak ko siya. Hindi naman siya nagpatinag at niyakap niya ulit ako. Pinabayaan ko na lang siya at isinandal ko na lang ang sarili ko sa kaniya. "Pwede. Huwag lang tayong magpapahuli," Bulong niya sa aking tainga. Nakiliti ako sa hangin na galing sa bibig niya. Natatawang pinalo ko ang braso niya. "Sira ka talaga. Maniwala ka nga sa pamahiin." "Hindi ko hahayaang hindi matuloy ang kasal natin. Kung sino ang pumigil ay papatayin ko," Bulong niya sa aking tainga at pagkatapos ay hinali
EpilogueI'm a womanizer, and I'm so proud of it."Will you marry me, Mich?" nakangiti kong tanong sa kaniya.Gulat na gulat siya at napatigil siya sa pag-inom ng wine. "Oh my gosh, James!""So, what's your answer?" Tanong ko sa kaniya."Yes! I will definitely marry you," Masaya niyang sabi. Hinawakan niya ang kamay ko.I smiled at her. I think that she will be a good mother someday. Kung sa mga babaeng nahahalubilo ko ay siya lang ang nakikita kong matino. Hindi naman ako habang buhay na magiging babaero dahil dadating din yung araw na magsasawa din ako.Ngunit kahit na nag-propose na ako sa kaniya ay hindi pa rin ako titigil sa pagiging babaero. I will enjoy my life before we got married.Enjoy life to its fullest.Niligawan ko siya. Ginawa ko ang lahat para mahulog siya sa akin. I tried to become a loyal man but I can't. Girls keep on asking for one night stand. How can I turn them down? I'm just a man with needs.Ang hirap umiwas sa tukso."Pasensya na kung simple lang ang proposa
Kabanata 40“Gusto kong walang Ròisìn sa buhay ko. Gusto kong pahalagahan ang sarili ko.” nakatulala kong sabi.Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Rio ngunit hindi ko siya nilingon. Itinaas ko ang aking kamay upang tingnan ang importanteng bagay sa buhay ko.“I lost myself. I want to love myself more than I love him. I’m so tired. I want to stop loving him.” mahina kong sabi habang pinagmamasdan ang singsing na nasa daliri ko.“Then, love me. I’m always here to love you unconditionally.” biglang sabi ni Rio ngunit umiling ako.“It’s easy to say, but it’s hard to do.” mapait akong tumawa habang ibinababa ang aking kamay.“I want to go and live somewhere far from him. I want to prioritize myself more than anyone else. Gusto kong mahalin at buuin ang sarili ko." Tinanggal ko ang singsing na nasa daliri ko. Ipinatong ko ito sa lamesa at pagkatapos ay tuluyan kong isinandal ang likod ko sa upuan.“I will stay with you. Susuportahan kita sa gusto mong gawin.” mahinang sabi ni R
Kabanata 39"Rio, I need your help," bungad kong sabi sa kaniya noong sinagot niya ang tawag."Akala ko ba ay hindi mo kailangan ng tulong ko?" tanong niya sa akin. Alam kong hindi siya galit. Gusto niya lang ipaglandakan na hindi ko kayang panindigan ang sinabi ko."Sinabi ko ba iyon?" Patay malisya kong tugon."Naging malilimutin ka na naman," Sabi niya at sunod noon ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa."Okay! Sorry, Hindi ko talaga kaya na mag-isa. Kailangan kita," sambit ko at pagkatapos ay ngumuso ako.Lagi ko naman siyang tinatawagan nitong nagdaang mga araw para hingian ng pabor. Ngunit lagi niya din akong inaasar tungkol sa mga bagay na sinabi ko sa kaniya dati.Kailangan ko lagi ng tulong niya. Iyon talaga ang totoo."Dalawang salita ngunit nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko." Napabuntong hininga ako sa kaniyang sinabi."I mean...May gusto akong ipagawa sa'yo," Paglilinaw ko. Ayokong bigyan siya ng false hope.Kailangan kong linawin para hindi siya mag-isip ng kung ano
Kabanata 38“Si Ròisìn po?” May malawak na ngiti sa aking mukha habang itinatanong iyon.Isang nalilito na ekspresyon ang nakita ko sa mukha ng matandang babae na nagbukas ng pintuan. Pasimple niya akong pinagmamasdan na para bang kinikilala niya ako.“Nasa taas po. Tatawagin ko po ba?” tanong niya sa akin.Inayos ko ang postura ko. Marahan akong tumango sa kaniya. Lumingon ako at inabot ko ang maleta na nasa likuran ko. Hinila ko iyon pauna.“Yes, please. Pakidala na din po ang maleta ko.” hindi mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi.Balita ko'y dito na daw siya nakatira.Naguguluhan man ngunit kinuha naman niya ang maleta ko at pinapasok niya ako sa loob. Sumunod ako sa kaniya sa paglalakad papunta sa lobby ng mansyon.Mabilis ang mga mata ko sa pagsulyap sa paligid. May ilang katulong akong nakikita. Busy ang mga ito sa pagpupunas ng mga naka-display at mga muwebles.I’m a visitor. Kahit hindi alam ng may-ari na bibisita ako ay magandang magulat sila sa pagdating ko.Pinaupo ako
Kabanata 37Iniwan din ako ni Rio sa Baguio dahil may mahalagang pag-uusapan ang dalawa ni Governor tungkol sa darating na halalan. Ayaw niya akong iwan ngunit ipinagtulakan ko siyang bumalik.Naglakad ako papunta sa isang bench pero biglang may nauna sa aking umupo. Hindi na lang ako tumuloy sa pag-upo doon. Ayokong makipagsiksikan.Ayokong ipilit ang sarili ko! Pag hindi pwede, hindi na pwede.Pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sa suot ko ngunit hindi ako nakaramdam ng hiya. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang pagkain sa taho.Bumili ako kanina ng strawberry na taho. Hindi pa rin nagbabago ang lasa noon. Masarap pa din hanggang ngayon. May karamihan ang tao sa parke kaya wala ng bakanteng upuan. Habang naglalakad sa Burnham park ay nakita ko si James sa tabi ng isang puno. Nakaupo siya sa damuhan at nakasandal sa puno ng pine tree.Lumapit agad ako sa kaniya. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito. Maliit nga naman talaga ang mundo.Pinahanap ko siya kay Rio ngunit hindi nito si
Kabanata 36Kahit ilang beses kong itanggi, alam kong mahal ko pa rin siya.I just planned to seduce him but I found myself moaning his name while he was taking me to cloud nine.He stopped from moving so, I growled because of disapproval. Binibitin pa ba niya ako? Naiinis na hinigit ko ang buhok niya.Tumawa siya at hinalikan ang aking pisngi. "Honey Bunch, do you want to ride me?" He said to me.Itinaas niya ako kaya nagpalit kami ng posisyon. Walang kahirap hirap niya itong ginawa. He puts me on the right position without breaking our contact. Naramdaman ko ang paggalaw nito sa loob kaya napapikit ako. He moved and he teased me.Iminulat ko ang aking mga mata at nasalubong ko ang mapupungay niyang mga mata."How should I move?" Tanong ko at kinagat ko ang labi ko."Just grind on me." Pagtuturo niya. He tried to guide me but I stopped him.Tumaas ako. I felt the movement of his hard muscle inside. Mabilis ko ding ibinagsak ang sarili ko."Like this?" I asked seductively.Nakita kong
Kabanata 35"You pushed me to the end, and I'm about to lose my mind," I said while looking at the ceiling."Gusto ko lang ng kumpleto at masayang pamilya pero ayaw pa ring ibigay sa akin. Naging masamang tao ba ako?" tanong ko habang hinahaplos ang buhok ng manika.Ngumiti ako at iniharap ko ito sa akin. Nakita ko ang kagandahan nito."Ang anak ko." Masuyo kong hinawakan ang buhok ng manika.Kung nabubuhay lang siguro ang anak ko ay paniguradong maganda din siya katulad ng manikang ito."May nagawa ba akong malaking kasalanan para gawin niya sa akin ito?" muli kong tanong.Katahimikan ang namayani sa buong kwarto ko. Wala naman akong nagawang kasalanan sa Diyos. Hindi naman ako nagnakaw, hindi rin ako pumatay, hindi ako nakiapid sa iba."They said that everything happens for a reason, pero bakit ganito kahirap? I lost my one and only treasure. My lovely daughter." Malalim akong bumuntong hininga at tumigil ako sa pag-aayos ng buhok ng manika."Should I still trust you?" Tumulo ang lu
Kabanata 34Kinuha niya ang maliit niyang notebook at ballpen. Hindi ko na lang pinansin pa ang ginawa niya. I think It's for the record?"Can you tell me everything? Ano ang mga bumabagabag sa'yo?" She asked with softness in her voice."Should I start it at the beginning?" Mahinang tanong ko sa kaniya."Yes, please," Sabi niya at ngumiti.Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. "I lied.""You lied? Kanino?" Tanong niya.Mapait akong ngumiti sa kaniya. "I lied to myself.""I'm all ears."Muli kong binalikan ang nakaraan. Unting unting bumalik sa aking isip ang mga nangyari noong nakilala ko si Ròisìn hanggang sa mga oras ng pangungulit niya sa akin. Tipid akong napangiti."Ayokong mag-take ng risk para bigyan siya ng chance at tuluyang makapasok sa buhay ko. Pero nagbago ang desisyon ko. I took the risk. Gusto ko na ng bagong buhay. New life with someone who can love me. Nagpadala ako sa pangako niya. Ayoko nang maging mag-isa. Sawang sawa na akong maiwan sa madilim na parte ng mun