Share

Kabanata 2

Author: CussMeNot
last update Last Updated: 2023-01-06 19:17:04

Kabanata 2

Napatigil ako sa paglalakad nang napansin ko na nawawala na ang distansya sa pagitan namin. Hinarap ko siya at pagkatapos ay itinaas ko ang kamay ko upang ipagtabuyan siya palayo.

"Bakit ka lumalapit? Dalawang dipa dapat ang layo mo sa akin!" mariin kong sabi. Humakbang ako ng apat na hakbang palayo sa kaniya.

Sa sobrang kulit ng lalaking ito ay inasar niya pa ako at lumapit pa rin siya sa akin. Nanggigigil na napahawak ako sa rosas na dala ko. Mabuti na lang at wala ng mga tinik ang hawakan nito.

"Because I want to be close to you," banat niyang sabi.

Wala nang ibang lumabas sa bibig niya kundi pick up lines. Imbis na kiligin naman ako ay naaalibadbaran ako sa mga sinasabi niya.

Kakababa lang namin kanina sa taxi at naglalakad na kami sa gate entrance ng simbahan. Akala ko ay tatahimik na siya sa kakabanat niya pero may lumalabas na naman na mga salitang sweet.

Ininuro ko sa kaniya ang hawak kong rosas. Panandalian siyang napasulyap sa bulaklak pero agad niya rin namang inilipat sa akin ang tingin.

"Ang sarap mong pi-"

Ang aking pagsasalita ay pinutol niya agad.

"Pikutin?" tanong niya habang may nakapaskil na ngisi sa kaniyang labi.

Tumaas ang gilid ng labi ko dahil sa pagngiwi. Naiinis na tiningnan ko siya gamit ang nanlikisik na mga mata.

"Hindi! Ang sarap mong pingutin sa tainga! Ang landi mo! Ganyan ka ba pinalaki ng Mama mo?" hindi ako natutuwa sa mga ginagawa niya.

Baka naman sa mental galing ang lalaking ito at nakatakas lang? Para kasing wala sa tamang pag-iisip. Sinong matinong lalaki ang susunod sa isang estrangherang babae?

"Para kang kulang sa aruga kaya papansin ka!" panghuhusga ko sa kaniya.

Imbis na mainis sa akin ay nakita ko pa ang pagliwanag ng mukha niya. Nagkibit balikat siya at mabilis na ngumuso bago magsalita.

"Pinalaki ako ng Mama ko sa mapagmahal na environment kaya sweet ako," sagot niya.

Utas na. Confirmed! Baliw nga siguro ito.

"Lumayo. Ka. Sa. Akin!" matigas kong sabi habang pinandilatan siya ng mata.

Humakbang siya papunta sa harapan ko at pagkatapos ay itinaas niya ang kamay niya. Inayos niya ang mga hibla ng buhok na nahulog na mula sa pagkaka-pony tail ko. Marami na kasi akong baby hair at hindi na kayang ipuyod pa.

"Ayokong lumayo sa'yo dahil gusto kong manatili sa tabi mo habang buhay," sabi niya. May lambing sa boses niya.

Imbis na kiligin ay tinabig ko ang kamay niya. Nakakaramdam na ako ng takot sa mga pinaggagagawa niya.

"Distansya o Ha-"

"Halik?" malokong pagpuputol niya sa sinasabi ko.

Nanlalaki ang mga mata na napahampas ako sa kaniya. "Hampas! Gago!" sigaw ko at pagkatapos ay nagtatakbo ako papunta sa may simbahan.

Narinig ko ang nakakairitang tawa niya habang sumusunod sa akin. Kahit na hindi ko siya lingunin ay alam ko na nasa tabi ko pa rin siya.

"You have a bad mouth, Honey bunch. We're here infront of Our Lady of Atonement Cathedral," sabi niya kaya napatigil ako sa tapat ng simbahan.

Malayo pa ang lalakarin namin para makarating sa mismong simbahan. Kitang-kita na namin ang kabuuan ng labas nito.

Tiningnan ko siya. Unti-unting tumaas ang kilay ko habang nakasimangot ang mukha ko.

"Pagdating sa'yo ay nagkakasala ako," may inis na sambit ko.

Tila ba nagustuhan niya pa ang sinabi ko dahil lumawak ang pagkakangiti niya. Ang kaniyang mata ay bahagyang lumiit.

"Loving me is like a sin, Edraly. You will repent if you love me," baritono ang boses na sabi niya.

Kung saka-sakali nga ay magsisisi ako! Paniguradong sasaktan lang ako nito. Kasalanan nga ang ibigin ka dahil pagsisisi ang tungo ko.

"Sinong may sabing mamahalin kita? Akala mo ba ay hindi ko alam na isa kang fuck boy? You can't fool me, Mr," mahina ngunit mariin kong sabi.

Galawan pa lang. Pagsasalita at ang bawat banat niya ay sinyales na iyon na nilalandi niya ako.

Madaming babae sa mundo at bakit ako pa ang napili niya?

"Really? Can't I fool you? Baka mamaya kainin mo ang sinabi mo. Magising na lang ako isang araw, and you're foolishly in love with me," may saya sa boses na sabi niya.

Napansin ko ang kakaiba niyang ngiti na tila ba may kung anong pinaplano. Naasar na singhap ang pinakawalan ko bago ko siya tinalikuran.

"Lakas ng tama mo sa-"

"Sa'yo." Pagpuputol niya sa aking sinasabi kaya napairap ako.

Umirap ako kahit hindi niya nakikita. Nagsimula akong at nanggigigil. "Lakas ng tama mo sa utak."

Hindi ko na siya inimikan kahit na nagsasalita siya at nagkukwento ng kung ano-ano. Para lang akong bingi sa tabi niya habang kinukuhanan ng litrato ang kabuuan ng simbahan.

The cathedral has a distinctive pink facade with a rose window. Rose window is often used as a generic term applied to a circular window but is especially used for those found in Gothic Cathedrals and churches. This church also has a twin square bell tower with pyramidal roofs. Within its large courtyard is a viewing deck that overlooks Session Road and the downtown commercial district of Baguio.

Nang matapos kong kuhanan ng huling beses ang simbahan ay naglakad na ako papunta sa entrance nito. Huminga muna ako nang malalim bago tumigil sa paglalakad. Tatlong hakbang ang pagitan bago makarating sa mismong pinto ng simbahan.

Pumikit ako nang mariin. Ang aking gagawin ay hindi natuloy dahil sa pagtatanong ni Roisin sa akin.

"Why did you stop, Honey bunch?" tanong niya kaya napasinghap ako nang mariin.

"Keep Quiet, Mr. Playboy," sabi ko habang nakapikit pa rin. Naintindihan niya agad ako at hindi na siya nangulit pa.

Humiling muna ako bago ako nagmulat ng mga mata. Tatlong wish at sana ay matupad ang lahat. Unti-unting napangiti ako.

"You seems like you are praying," sabi niya nang magsimula akong maglakad.

"I did," tipid kong sabi sa kaniya.

"Why did you pray outside? That's unusual. Lahat ng tao ay pumupunta muna sa loob ng simbahan para magdasal tapos ikaw ay sa labas nagdadasal?" tanong niya. Halata sa boses niya ang kuryosidad.

"Walang pakialaman ng trip," tinatamad kong sagot sa kaniya.

Hinawakan niya ang braso ko kaya inalis ko iyon. Inilipat ko ang atensyon ko sa kaniya at sinamaan ko ulit siya ng tingin. Ilang beses ko nang ginagawa iyon pero hindi siya natatakot sa akin.

"Bakit ka nga sa labas nagdadasal? I'm curious," tanong niya kaya napapikit ako nang mariin.

Nawawalan na ako ng pasensya sa kaniya. Sobrang nipis na ng pasensya ko. Kasing laki na lang yata ng karayom.

"May sinabi ang lola ko dati na kapag unang beses mo lang daw pinuntahan ang isang simbahan ay humiling ka. Tatlong hakbang bago ka makarating sa pinto ay pumikit ka at bigkasin mo sa isip mo kung ano ang tatlo mong kahilingan," paliwanag ko sa kaniya at pagkatapos ay umupo na agad ako sa bakanteng upuan.

Napansin kong maraming bakanteng upuan at kakaunti ang mga taong nagdadasal. Walang misa kaya nasa plaza ang mga tao upang manood sa kapistahan.

"Is it true?" hindi makapaniwala na tanong niya kaya tumango ako sa kaniya.

Kita ko ang noo niyang halos naging kahawig na ng noodles dahil sa pagkakakunot. Inismidan ko lang siya bago ako sumagot.

"Marami na akong napuntahan na simbahan at ang lahat ng hiling at dasal ko ay nagkakatotoo," sabi ko at pagkatapos ay lumuhod na ako sa luhuran.

"So, what's your wish?" tanong niya sa akin.

Nilingon ko muna siya at tsaka ko siya tiningnan ng diretso sa mata. Walang kangiti-ngiti sa aking mukha kabaliktaran ng ipinapakita niya. Malawak ang pagkakangiti niya sa akin.

"It's a secret, Mr. Playboy," mariin kong sagot at pagkatapos ay tumalikod na ako.

Ipinatong ko muna ang rosas na hawak ko sa maliit na patungan. Bago ako pumikit ay narinig ko pa ang sinabi niya.

"My name is Ròisìn," pagpapakilala niya.

Kanina ay sinabi niya na ang pangalan niya. Alam ko na iyon dahil hindi naman ako mabilis makalimot sa pangalan.

"I'm not interested to know you," pagsisinungaling ko.

"I'm hurting, Honey bunch," may lungkot ang boses niya habang sinasabi iyon pero hindi ko na siya nilingon pa.

Nanatili akong nakapikit habang pinagsisiklop ang aking mga kamay. "It's a pleasure to hurt you by my words," sambit ko.

"Ouch!" Reaksyon niya bago ako nagsimulang magdasal at magpasalamat sa Diyos.

Pinasalamatan ko si God sa mga blessings na ibinigay niya, at sa araw-araw na paggabay niya sa buong pamilya ko. Pati ang simpleng panalangin para maging healthy ang pamilya ko ay taimtim kong hiniling. Humiling ako ng gabay sa kaniya at humingi ng mga blessing pa para sa araw-araw. Lahat ay tungkol sa pamilya, pangsariling hiling at sa ibang tao na nangangailangan ng dasal.

Nang matapos akong magdasal ay tumayo na agad ako at naglakad papunta sa kwarto kung nasaan ang mga santo. Maliit itong chapel na pwede ring pagdasalan. Tahimik lang na nakasunod sa akin si Roisin. Sa simbahan lang pala siya tatahimik.

Tumapat ako sa santo ng Nazareno at pagkatapos ay inilabas ko ang panyo sa bag ko. Hinaplos ko ang mga paa ng santo bago ko ipinunas ang panyo sa paa nito.

"Relihiyoso ka?" tanong ni Roisin kaya napalingon ako sa kaniya.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa itinanong niya. "Bakit mo na itanong? Kagulat-gulat ba iyon?"

Umiling siya sa akin. Tiningnan niya ang santo na nasa harapan namin. Itinaas niya ang mahabang damit at pagkatapos ay hinawakan niya ang paa ng santo.

"No. I'm just curious," sagot niya sa akin.

Narinig ko na kinatok niya ito nang mahina kaya nanlaki ang mga mata ko habang sinusuway siya. Para naman siyang tuta na nahiya.

Humingi siya ng sorry sa akin.

Hindi ko na lang siya pinansin at ibinaba ko ang luhuran. Lumuhod agad ako doon. Lumapit siya at umupo sa may likod ko. Katulad kanina ay ipinatong ko rin ang rosas sa makipot na patungan ng gamit.

"What are you doing?" tanong niya sa akin kaya napakunot ang noo ko.

Ngayon lang ba siya nakapunta sa simbahan? Ang dami niyang tanong. Hindi ko muna siya pinansin at ginawa ko ang dapat kong gawin. Nang matapos ay tiningnan ko agad siya at sinagot.

"Luhod at magdasal," tipid kong sagot sa kaniyang tanong kanina.

"Sa rebulto o santo?" Nakita ko na kumunot pa lalo ang kaniyang noo.

Kinuha ko ang rosas at pagkatapos ay marahan ko itong inihampas sa kaniyang noo kaya napapikit siya sa ginawa ko. Sumilay sa aking labi ang ngisi.

Nang alisin ko ang rosas sa kaniyang noo ay nagmulat na rin siya ng mata. Tumingin ako sa cross na nakabitin sa itaas ng santo.

"Sa Diyos. Hindi porket nagdadasal kami sa harap ng santo ay sa kaniya na kami sumasamba. Hindi iyon ang ibig sabihin noon. Hindi lahat ng pagluhod at panalangin ay nangangahulugan ng pagsamba. Dahil ang pagluhod o pagyukod sa harap ng imahe, larawan, o statwa ay nagpapakita lang ng pagrespeto at paggalang sa mga kinatawan ng Diyos. Ang mga santo ay instrumeto ng Diyos para maging gabay din ng mga katoliko," mahabang paliwanag ko sa tanong niya.

Muli akong tumingin sa kaniya kaya nakita ko ang pagtaas baba ng kaniyang ulo. Tipid akong napangiti sa kaniya.

"Some people thought Catholics praise their saints because they can heal them, and it gives miracles," sabi niya na ikinailing ko.

Wrong. It is not what it means.

"No. They are wrong. I just want to make it clear. Hindi ang imahe o rebulto ang nagpapagaling sa mga taong humihiling ng kagalingan sa kanilang karamdaman at hindi rin sila ang nagtutupad ng mga hiling. Pananampalataya nila kay Jesus ang gumawa nito. Hindi mga santo kundi pananampalataya," sagot ko sa kaniya at pagkatapos ay tumingin ulit ako sa cross.

Hindi naman talaga kami nagdadasal sa santo dahil ang dasal namin ay direkta sa panginoon ngunit nakaharap lang kami sa santo. Ang pananampalataya namin ay para kay Jesus lang.

"Right," Tipid na reaksyon ni Roisin.

"If you have faith in God then nothing is impossible," sambit ko.

Ang lahat ay pinapagaling, ang lahat ay pinagbibigyan ng diyos.

"Ibibigay niya sa'yo ang hiling o kagustuhan mo kung ito talaga ang will niya sa'yo," paliwanag ko sa kaniya habang nakangiti na tinitingnan ang cross.

"Yes. You have a point." pagsang-ayon niya sa aking sinabi. Inilipat ko ang atensyon sa kaniya.

"Pananampalataya, paniniwala at pagmamahal sa Diyos," nakangiti kong sabi habang nakatingin sa kaniya.

Napansin ko na medyo nanlaki ang mga mata niya sa gulat dahil sa nakita. Para akong natauhan kaya inalis ko ang pagkakangiti ko. Ngayon lang ako ngumiti sa kaniya nang malawak. Ilang beses ko na kasi siyang tinarayan at sinimangutan.

"I'm an Atheist," sambit niya kaya nakuha niya ulit ang buo kong atensyon.

"Wala kang relihiyon? Hindi ka naniniwala sa Diyos," tanong ko sa kaniya.

Marahan siyang tumango sa akin. "Yes, but I respect all the religions. Wala man akong pinaniniwalaan pero iginagalang ko ang mga paniniwala ng bawat isa," sambit niya kaya napangiti ulit ako.

Ayos lang naman kung wala siyang relihiyon at hindi siya naniniwala sa Diyos. Iba ang paniniwala niya at iba rin ang akin kaya tulad ng sinabi niya ay igagalang ko rin siya.

Ang alam ko ay hindi porket Atheist ay kampon na ng masama. Wala lang silang relihiyon pero hindi sila kabilang sa kulto.

Niyakag ko na siyang lumabas sa simbahan. Alam kong hindi na siya komportable na mag-stay pa rito. Bago kami tuluyang umalis ay nagtirik muna ako ng kandila.

"What's our next stop?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami palabas sa gate.

"The Mansion."

Napatigil ako sa pag-se-selfie nang bigla niya akong kulbitin. Lumingon ako sa unggoy na kasama ko. Para siyang si Boots, ang unggoy na laging nakabuntot kay Dora.

"Do you want me to take a photo of you?" nakangiti niyang tanong sa akin.

Tiningnan ko muna siya nang mariin at pagkatapos ay tumango na rin ako. "Yes, please."

Ibinigay ko ang cellphone ko sa kaniya. Kinuha niya agad ito sa akin. Lumayo ako sa kaniya at tumayo ako sa may hardin. Simple lang ang ginawa kong pose. Inilagay ko ang aking mga kamay sa bulsa ng jeans ko at ngumiti ako sa camera ng cellphone. Nang marinig ko ang shutter sound ay lumapit agad ako sa kaniya upang tingnan ang picture ko.

Ini-zoom ni Roisin ang picture kaya kitang kita ang mukha ko. "Pretty, Edraly," he said sweetly.

Napatingin ako sa kaniyang mukha at nakita ko na nakangiti siya habang pinagmamasdan ang picture ko. Kinuha ko agad ang cellphone ko at pagkatapos ay lumayo ako sa kaniya.

Labas sa ilong na nagpasalamat ako habang tinitingnan ko ang picture ko. Maganda ang pagkakakuha niya. Hagip ang buong The Mansion at ang ilang mga bulaklak. Maganda. Maganda kasi ako.

"The Mansion House is the official summer palace of the President of the Philippines. Sa tingin mo ba ay pag nangampanya ako bilang presidente ay mananalo ako?" tanong niya sa akin habang lumalapit sa akin.

Nakuha niya ang buo kong atensyon. Itinaas ko ang aking balikat at pagkatapos ay ibinaba ko din ito.

"Hindi ko alam. Hindi ako manghuhula," pabalang na sagot ko sa kaniya.

"What if lang naman," sabi niya.

Ibinalik ko ang cellphone ko sa bag ko at pagkatapos ay tumalikod ako sa kaniya. Tingnan ko ang magandang mansyon sa harap namin.

"Siguro mananalo ka pero hindi ka magiging magaling na presidente," sabi ko habang inilalagay ang kamay sa tapat ng aking dibdib.

"Bakit mo naman nasabi iyan?" Rinig kong tanong niya.

Pinagmasdan ko ang mga bulaklak na nasa may harapan namin. May ibang rosas doon. Iba't-iba ang kulay ng mga rosas. May kulay puti, red at pink.

"Dahil babaero ka. Baka mamaya ay sa babae ka mag-focus at mapabayaan mo ang bansa," sagot ko sa kaniya.

Napatingin ako sa hawak kong rosas. Kanina ko pa ito hawak at kahit na mamawis na ang kamay ko ay hindi ko pa rin ito magawang itapon o iwan na lang.

"Hinusgahan mo agad ako," malungkot ang boses na sabi niya kay napatingin ako sa kaniya.

Nagasumot ang aking noo. Napapailing na lamang ako habang pinagmamasdan siya na nakasimangot.

"Masanay ka na dahil nasa Pilipinas ka. Isang kibot mo ay huhusgahan agad ng iba," wika ko bago ko siya nginisian.

Hindi ako nagmamalinis. May pagkakataon talaga na may mahuhusgahan kang ibang tao. Minsan lang naman mangyari iyon. Hindi naman ako katulad ng iba na halos araw-araw at minu-minuto ay kamalian na ng iba ang lumalabas sa bibig.

"So, pag naging presidente ako ay huhusgahan din ako ng maraming tao?" tanong niya sa akin.

Bilang pagsang-ayon ay tumango ako sa kaniya. Hindi imposible iyon. "Oo naman. Kahit sino pang maluklok sa pagiging presidente ay babatikusin pa rin ng iba. Kahit gumawa ito ng mga magagandang bagay ay matatabunan pa rin ito pag nakagawa ito ng isang pagkakamali o pagkukulang. Wala namang nakikita ang ibang tao kundi ang kamalian at pagkukulang ng iba, diba?"

"Do you have anything to say about our current situation?" halata sa mukha niya ang kuryosidad.

Nakaramdam ako ng kalituhan sa tanong niya ngunit nang maintindihan ko ang sinabi niya ay napailing na lang ako.

"Wala. As much as I want to say something about my opinion, I will stop myself to spill out my words. It's better to lie low and stay quiet, hindi ko naman alam ang lahat ng bagay bagay at wala pa naman akong naiaambag sa lipunan," paliwanag ko sa kaniya.

Mas maganda na iyong nananahimik para maging peaceful ang buhay.

"Respeto ang kulang sa ibang tao," pagbo-voice out ko sa opinyon ko.

"Hindi kasi sila marunong makuntento," opinyon ni Roisin pero hindi ko siya sinang-ayunan sa sinabi niya.

Tiningnan ko siya ng diretso sa mata. Umiling ako habang nakangisi. "No, hindi sa ganoon. Sadyang may hinahanap lang sila at ine-expect pero hindi kayang tugunan o hindi nagawa ang inaasahan nilang mangyari."

"Mahirap naman mag-asikaso ng buong bansa. It's hard to be a president," sambit niya habang inililipat ang atensyon sa malaking mansyon.

Napatingin na lang din ako doon. Pinagmasdan ko ang kagandahan ng malaking bahay na laging pinupuntahan ng mga naging presidente tuwing tag-araw.

"Oo, Sa isang simpleng pamilya nga ay hirap na ang ama na iahon sa hirap ang kaniyang pamilya. Sa isang bansa pa kaya na puro katiwalian at hindi magkakasundo ang iba't-ibang partido?" Wika ko habang napapailing.

"Para kang nag-alaga ng mga sawa na itinuring mong anak pero sa huli ay tutukain ka rin naman kapag nakatalikod ka," pagpapatuloy ko.

Unity din ang kulang sa bansa. May mga nagmamagaling na tao sa gobyerno. Ayaw ng iba na nalalamangan, may iba na hindi sumusunod o sumasang-ayon dahil kalaban sa partido. Hindi sila magkasundo lahat kaya imbis na maayos ang problema ay nagkakagulo pa. Wala namang akong pakialam sa politikal na usapin. Isa lang naman akong tahimik na mamamayan na nagmamasid-masid sa mga pagtatalo nilang lahat.

Kukuha lang ng pop corn at kakain habang pinapanood silang lahat na magkagulo. Mas maganda iyon. Less stress means slow aging.

"Can you support me?" biglang tanong ni Roisin kaya nakuha niya ang atensyon ko.

"Saan?" tipid kong tanong sa kaniya.

Tumingin siya akin habang ngumingiti. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa rosas nang makita ko siyang ngumuso.

"Kung magiging presidente ako?" Tanong niya sa akin.

Umiwas ako sa kaniya ng tingin. "Oo naman. Susuportahan kita pero hindi ko maipapangako na lagi akong kakampi sa'yo. Doon ako sa patas at tama," sagot ko sa kaniya.

Minsan kasi ay sumusuko na akong suportahan ang mga taong binigo ako.

Naramdaman ko ang pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan nang biglang lumapat sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin. Inalis ko kasi ang jacket ko kanina dahil medyo tumaas ang klima kaya uminit ng konti. Hinaplos ko nang marahan ang aking braso. May pumatong na jacket sa aking balikat kaya napatingin ako rito.

Inilagay ni Roisin ang jacket niya sa akin. Hindi ko ito tinanggihan pa at hinayaan na lang ang Jacket niya na yumayakap sa katawan ko.

Tinatamad akong alisin sa bewang ko ang jacket ko. Itinali ko kasi ito sa bewang ko.

"Pinahanga mo ako lalo, Edraly," mahina ngunit may lambing sa boses na sabi niya.

Napataas ang kilay ko dahil sa kaniyang sinabi. "So, crush mo na ako niyan?"

Imbis na tumanggi siya sa akin ay sumang-ayon pa siya. Sumilay ang masaya niyang ngiti kaya napasimangot ako.

"Yes. I crush you. No, let me rephrase that, I love you, Edraly," he said and I saw how his eyes twinkled as a result of happiness.

Napasinghap ako at pagkatapos ay namilog ang mga mata ko dahil sa biglang napagtanto.

Now, I remember why he looks familiar! Siya yung lalaking nagsabi sa akin ng ‘I love you’ sa highway! Yung lalaking nakasakay sa magarang kotse na nakatapatan ko.

Related chapters

  • The Billionaire's Dauntless Spouse   Kabanata 3

    Kabanata 3"Nandito na ba ang lahat?" malamya na tanong ng isang lalaki. Ang kaniyang balat ay kulay kayumanggi ngunit kahit ganito ang kaniyang kulay ay hindi pa rin maipagkakaila ang pagiging magandang lalaki niya.Lumapit ang isang babae na sa tingin ko ay labing pitong taong gulang pa lamang. Sila kanina ang nagpakilala na magiging tour guide namin."May isa pa pong kulang," magalang na na sabi ng dalagita.Tango ang tanging ginawa ng lalaki at humarap siya sa amin. Isa isa niyang binigyan ng ngiti ang mga turistang ito-tour niya. Pinagmamasdan ko ang aking mga kasama at binilang ko sila sa aking isip. Siyam kaming tourist at may isa pang hinihintay. Sa makatutal ay sampo kami."Okay. Hihintayin natin siya," sagot ng lalaki.Pumihit ang lalaki upang tumalikod sa amin at umalis muna siya. Sumunod sa kaniya ang dalagita. Bago ako lumingon sa paligid ay nakita ko pa na umupo ang dalawa sa kawayan na upuan sa may tabi ng tindahan.Iginala ko ang aking paningin at pinagmasdan ko ang bu

    Last Updated : 2023-01-18
  • The Billionaire's Dauntless Spouse   Kabanata 4

    Kabanata 4Pinuno ko ng hangin ang aking baga at hinabol ko ang aking paghinga dahil kinakapusan na ako ng hangin. Pagkahapo at paghabol hininga ang ginagawa ko habang nakayuko ako. Ang aking kamay ay nakahawak sa tuhod ko. May naramdaman akong humagod sa likod ko kaya tumayo agad ako ng tuwid."Hindi mo na ba kaya? Gusto mo na bang buhatin na kita?" May pag-aalala sa tono ng boses na tanong ni Roisin."Kaya ko pa!" Desidido na sagot ko.Kayang kaya ko ito. Hindi ko ugaling sumuko. Ang lahat ng hirap ay alam kong may magandang kinakalabasan."Do you need water?" nag-aalala na tanong niya.Umiling ako sa kaniya at pagkatapos ay tingnan ko siya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala sa akin kaya panandalian akong natigilan sa paghinga. Bakit niya ipinapakita sa akin ang pag-aalala niya?"May tubig ako," tanging sabi ko.May nakatago akong tubig sa loob ng bag ko. Hindi ako hihingi sa kaniya. Inalis ko ang pagkakasabit ng isang strap ng bag sa aking balikat at pagkatapos ay binuksan ko ang

    Last Updated : 2023-01-20
  • The Billionaire's Dauntless Spouse   Kabanata 5

    Kabanata 5 "Pst! Roisin," pagtawag ko sa atensyon ni Roisin. Walang lumabas sa tent na nirentahan niya kaya muli ko siyang tinawag. Kakapasok ko pa lang sa tent ko kanina ngunit wala pang sampong minuto ay lumabas agad ako. Bigla akong nakaramdam mag-cr. Ramdam ko ang pagkulo ng tiyan ko. Kanina noong naghapunan kami ay ilang beses akong kinulit ni Roisin na kumain ng laing. Hindi ako mahilig sa pagkain na iyon dahil ayoko sa gabi. May allergy din ako sa gabi at kahit na anong luto doon ay hindi ako kumakain. Hindi niya ako napilit sa gusto niya. Iba ang pinili ko. Ginataang papaya na may manok ang kinain ko kanina. Napadami ang kain ko dahil sarap na sarap ako sa ulam. Nakakapanlumo lang sapagkat hindi yata kinaya ng tiyan ko ang gata. Masama nga ang sobra. Muli kong tinawagan si Roisin. Hindi pa rin siya lumabas kaya yumuko ako at sinimot ko ang maliit na bato na nasa lupa. Itinaas ko ang kamay ko at pagkatapos ay bumwelo ako sa paghahagis. Bumilang ako hanggang tatlo at ibinat

    Last Updated : 2023-01-22
  • The Billionaire's Dauntless Spouse   Kabanata 6

    Kabanata 6Ang aking atensyon ay napalipat kay Eunice Faye nang marinig ko ang boses niya. Itinikom ko ang bibig ko at ibinaba ko ang pop corn na isusubo ko sana."Edraly, naging maganda ba ang bakasyon mo?" tanong niya. Pansin ko ang magaan niyang ngiti."Ayos lang pero may nakasama akong baliw," sagot ko sa kaniya kaya nakuha ko ang buong atensyon niya.Lumapit siya sa akin habang ang kaniyang mata ay bahagyang nanlalaki. Hinawakan niya ako sa braso at nakita ko ang pasimple niyang pagtingin sa kabuuan ko."Ano? Sinaktan ka ba?" tanong niya. Halata sa boses niya ang pag-aalala sa akin.Umiling ako at bahagyang natawa. "Hindi naman, Eunice Faye. Sumunod lang sa akin.""Sumunod lang sa'yo? Sabi mo ay baliw iyon? Hindi ka ba natakot na baka saktan ka noon? Dapat ay ipinapulis mo para sila na ang magdala sa mental," nakatingin siya nang mariin sa akin habang sinasabi niya iyon.Sumilay sa aking mukha ang ngiti. Nag-aalala talaga siya sa akin. "Hindi naman nananakit. Medyo masaya din nam

    Last Updated : 2023-01-25
  • The Billionaire's Dauntless Spouse   Kabanata 7

    Kabanata 7"Edraly, how's your weekday?" I smiled at my coach when our eyes met."Work lang, coach," sagot ko sa kaniya habang sinisiklop ang mga buhok ko. I started to stretch my hair tie and then I put my hair into bun."So, are you ready to burn some fats?" tanong niya sa akin. Tumingin siya sa salamin at tiningnan niya ang kaniyang sarili.Hinawi niya ang buhok niya at pagkatapos ay inilagay niya ang kaniyang daliri sa ilalim ng baba niya. Nag-pogi sign siya sa harap nito kaya ako ay napatawa."Sexy na ako pero marami akong nakain this past few days kaya kailangan kong magpapawis," pahayag ko sa kaniya.Tumagilid ako at tiningnan ko ang repleksyon ko sa mirror wall. Pansin ko ang may kagandahang hubog ng katawan ko. Noong naligo ako ay napansin ko ang pagbilog ng tiyan ko. Ayokong magkaroon ng baby fats sa tiyan kaya kailangan ko na agad solusyunan iyon."Okay. Kaya mo na naman mag-isa, diba? May bago akong ite-train. Magandang babae," wika niya at sabay kaming napatawa."Ligawan

    Last Updated : 2023-01-25
  • The Billionaire's Dauntless Spouse   Kabanata 8

    Kabanata 8It's Sunday. There are so many people in the beach, since it's weekends, It is definitely their family day or restday. Ini-enjoy nila ang kanilang oras kasama ang mga mahal nila sa buhay.Walang imik at kalmado akong nakaupo sa isang beach chair. Pinagmamasdan ko ang buong paligid. Tirik na tirik pa ang araw ngunit hindi ko alintana ang init dahil nakasilong ako sa isang umbrella hut. Nasasangga nito ang init na dapat ay tatama sa akin.I'm alone, and I like it very much. May pinuntahan ang iba kong kasamahan, sa souvenir shops na nasa tabi ng entrance ng hotel. Hindi na ako sumama dahil tinatamad akong maglakad at gusto kong mapag-isa.Kanina pang alas-dos natapos ang activity sa Team Building at napagdesisyunan kong magpahinga sa dalampasigan. It's incredibly relaxing.Blue sky, and blue sea. White sand, and white clouds. Staring at these things puts me at ease."Sana laging ganito. Always at peace," mababa ang tono ng boses na sabi ko sa sarili.Sa ilang oras kong pagtit

    Last Updated : 2023-01-25
  • The Billionaire's Dauntless Spouse   Kabanata 9

    Kabanata 9Hindi pa nakakalayo ang lalaki kaya naman naabutan agad namin siya. Tinawag ko siya at humingi ako ng despensa."Kuya, I'm sorry for being rude. Payag na po kaming maging model," pagbibigay alam ko sa kaniya.Nakita ko kung paano lumawak ang pagkakangiti niya. "Talaga? Salamat. Wala kasi akong pambayad sa model kaya naghahanap ako ng taong pasok sa taste ko bilang model. Saktong nakita ko kayong dalawa. Sobrang ganda mo at sobrang gwapo niya. Kita ko ang Chemistry sa inyo kaya akala ko ay mag-asawa kayo," paliwanag niya kaya napangiwi ako.Chemistry? Paano nagkaroon ng Chemistry sa pagitan namin, ni-hindi nga kami sweet. Hello, nag-aaway kaya kami kanina kaya paano nagkaroon ng Chemistry?"Hindi po kami mag-asawa," pagtanggi ko sa kaniya.Napansin ko na napangiwi siya at pagkatapos ay mahinang siyang tumawa na tila ba nahihiya."Sorry, akala ko kasi kayo," sambit niya. Tumango na lang ako sa kaniya at tipid na ngumiti.Walang kami..."Para saan po ba ang photoshoot?" tanong

    Last Updated : 2023-01-25
  • The Billionaire's Dauntless Spouse   Kabanata 10

    Kabanata 10I'm enjoying my own company while window shopping at the little Seaside Shops. Being alone is what I like. Minsan tuwing nalulungkot ay mas mabuting mapag-isa muna para makapag-isip isip.Maganda ang mga beach resorts dito. For me, Palawan is the best Island in the Philippines. There are a lot of beautiful places here. Some places are quaint and fun to explore. If you want to unwind by yourself, you can do that here.Nakatambay ako kanina sa dalampasigan ngunit nang dumami ang mga tao sa paligid ko ay napagpasyahan ko kanina na maglakadlakad.Pumunta ako sa tagong bahagi ng resort at doon ko lang nalaman na may mga kabahayan pala doon. In the side of the seashore, there's a bunch of little stores set up along the beach.May mga souvenirs, t-shirts, at pagkain kang makikita. May ilan ding mga seashells na decorations ang ipinagbebenta.Ngayon ko lang nalaman na may ganito dito. Kakaunti ang mga tao, siguro ay hindi rin alam ng iba na may mga stores din dito. Akala nila sigu

    Last Updated : 2023-01-25

Latest chapter

  • The Billionaire's Dauntless Spouse   Special Chapter

    Special Chapter Naramdaman ko ang malamig na pag-ihip ng hangin. Nanghihinang iminulat ko ang aking mga mata. Lumingon ako sa may bintana at napakunot ang noo ko nang makitang bukas ang bintana ko. Mahina akong napasinghap nang biglang may tumalon sa kama ko. Nang makita ko ang mukha niya ay napairap ako. "Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya. Isang mahinang tawa ang ginawa niya at pagkatapos ay niyakap niya ako galing sa likod. "Gusto kong makita ka." "Hindi tayo pwedeng magkita," Sabi ko at itinulak ko siya. Hindi naman siya nagpatinag at niyakap niya ulit ako. Pinabayaan ko na lang siya at isinandal ko na lang ang sarili ko sa kaniya. "Pwede. Huwag lang tayong magpapahuli," Bulong niya sa aking tainga. Nakiliti ako sa hangin na galing sa bibig niya. Natatawang pinalo ko ang braso niya. "Sira ka talaga. Maniwala ka nga sa pamahiin." "Hindi ko hahayaang hindi matuloy ang kasal natin. Kung sino ang pumigil ay papatayin ko," Bulong niya sa aking tainga at pagkatapos ay hinali

  • The Billionaire's Dauntless Spouse   Epilogue

    EpilogueI'm a womanizer, and I'm so proud of it."Will you marry me, Mich?" nakangiti kong tanong sa kaniya.Gulat na gulat siya at napatigil siya sa pag-inom ng wine. "Oh my gosh, James!""So, what's your answer?" Tanong ko sa kaniya."Yes! I will definitely marry you," Masaya niyang sabi. Hinawakan niya ang kamay ko.I smiled at her. I think that she will be a good mother someday. Kung sa mga babaeng nahahalubilo ko ay siya lang ang nakikita kong matino. Hindi naman ako habang buhay na magiging babaero dahil dadating din yung araw na magsasawa din ako.Ngunit kahit na nag-propose na ako sa kaniya ay hindi pa rin ako titigil sa pagiging babaero. I will enjoy my life before we got married.Enjoy life to its fullest.Niligawan ko siya. Ginawa ko ang lahat para mahulog siya sa akin. I tried to become a loyal man but I can't. Girls keep on asking for one night stand. How can I turn them down? I'm just a man with needs.Ang hirap umiwas sa tukso."Pasensya na kung simple lang ang proposa

  • The Billionaire's Dauntless Spouse   Kabanata 40

    Kabanata 40“Gusto kong walang Ròisìn sa buhay ko. Gusto kong pahalagahan ang sarili ko.” nakatulala kong sabi.Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Rio ngunit hindi ko siya nilingon. Itinaas ko ang aking kamay upang tingnan ang importanteng bagay sa buhay ko.“I lost myself. I want to love myself more than I love him. I’m so tired. I want to stop loving him.” mahina kong sabi habang pinagmamasdan ang singsing na nasa daliri ko.“Then, love me. I’m always here to love you unconditionally.” biglang sabi ni Rio ngunit umiling ako.“It’s easy to say, but it’s hard to do.” mapait akong tumawa habang ibinababa ang aking kamay.“I want to go and live somewhere far from him. I want to prioritize myself more than anyone else. Gusto kong mahalin at buuin ang sarili ko." Tinanggal ko ang singsing na nasa daliri ko. Ipinatong ko ito sa lamesa at pagkatapos ay tuluyan kong isinandal ang likod ko sa upuan.“I will stay with you. Susuportahan kita sa gusto mong gawin.” mahinang sabi ni R

  • The Billionaire's Dauntless Spouse   Kabanata 39

    Kabanata 39"Rio, I need your help," bungad kong sabi sa kaniya noong sinagot niya ang tawag."Akala ko ba ay hindi mo kailangan ng tulong ko?" tanong niya sa akin. Alam kong hindi siya galit. Gusto niya lang ipaglandakan na hindi ko kayang panindigan ang sinabi ko."Sinabi ko ba iyon?" Patay malisya kong tugon."Naging malilimutin ka na naman," Sabi niya at sunod noon ay narinig ko ang mahina niyang pagtawa."Okay! Sorry, Hindi ko talaga kaya na mag-isa. Kailangan kita," sambit ko at pagkatapos ay ngumuso ako.Lagi ko naman siyang tinatawagan nitong nagdaang mga araw para hingian ng pabor. Ngunit lagi niya din akong inaasar tungkol sa mga bagay na sinabi ko sa kaniya dati.Kailangan ko lagi ng tulong niya. Iyon talaga ang totoo."Dalawang salita ngunit nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko." Napabuntong hininga ako sa kaniyang sinabi."I mean...May gusto akong ipagawa sa'yo," Paglilinaw ko. Ayokong bigyan siya ng false hope.Kailangan kong linawin para hindi siya mag-isip ng kung ano

  • The Billionaire's Dauntless Spouse   Kabanata 38

    Kabanata 38“Si Ròisìn po?” May malawak na ngiti sa aking mukha habang itinatanong iyon.Isang nalilito na ekspresyon ang nakita ko sa mukha ng matandang babae na nagbukas ng pintuan. Pasimple niya akong pinagmamasdan na para bang kinikilala niya ako.“Nasa taas po. Tatawagin ko po ba?” tanong niya sa akin.Inayos ko ang postura ko. Marahan akong tumango sa kaniya. Lumingon ako at inabot ko ang maleta na nasa likuran ko. Hinila ko iyon pauna.“Yes, please. Pakidala na din po ang maleta ko.” hindi mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi.Balita ko'y dito na daw siya nakatira.Naguguluhan man ngunit kinuha naman niya ang maleta ko at pinapasok niya ako sa loob. Sumunod ako sa kaniya sa paglalakad papunta sa lobby ng mansyon.Mabilis ang mga mata ko sa pagsulyap sa paligid. May ilang katulong akong nakikita. Busy ang mga ito sa pagpupunas ng mga naka-display at mga muwebles.I’m a visitor. Kahit hindi alam ng may-ari na bibisita ako ay magandang magulat sila sa pagdating ko.Pinaupo ako

  • The Billionaire's Dauntless Spouse   Kabanata 37

    Kabanata 37Iniwan din ako ni Rio sa Baguio dahil may mahalagang pag-uusapan ang dalawa ni Governor tungkol sa darating na halalan. Ayaw niya akong iwan ngunit ipinagtulakan ko siyang bumalik.Naglakad ako papunta sa isang bench pero biglang may nauna sa aking umupo. Hindi na lang ako tumuloy sa pag-upo doon. Ayokong makipagsiksikan.Ayokong ipilit ang sarili ko! Pag hindi pwede, hindi na pwede.Pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sa suot ko ngunit hindi ako nakaramdam ng hiya. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang pagkain sa taho.Bumili ako kanina ng strawberry na taho. Hindi pa rin nagbabago ang lasa noon. Masarap pa din hanggang ngayon. May karamihan ang tao sa parke kaya wala ng bakanteng upuan. Habang naglalakad sa Burnham park ay nakita ko si James sa tabi ng isang puno. Nakaupo siya sa damuhan at nakasandal sa puno ng pine tree.Lumapit agad ako sa kaniya. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya dito. Maliit nga naman talaga ang mundo.Pinahanap ko siya kay Rio ngunit hindi nito si

  • The Billionaire's Dauntless Spouse   Kabanata 36

    Kabanata 36Kahit ilang beses kong itanggi, alam kong mahal ko pa rin siya.I just planned to seduce him but I found myself moaning his name while he was taking me to cloud nine.He stopped from moving so, I growled because of disapproval. Binibitin pa ba niya ako? Naiinis na hinigit ko ang buhok niya.Tumawa siya at hinalikan ang aking pisngi. "Honey Bunch, do you want to ride me?" He said to me.Itinaas niya ako kaya nagpalit kami ng posisyon. Walang kahirap hirap niya itong ginawa. He puts me on the right position without breaking our contact. Naramdaman ko ang paggalaw nito sa loob kaya napapikit ako. He moved and he teased me.Iminulat ko ang aking mga mata at nasalubong ko ang mapupungay niyang mga mata."How should I move?" Tanong ko at kinagat ko ang labi ko."Just grind on me." Pagtuturo niya. He tried to guide me but I stopped him.Tumaas ako. I felt the movement of his hard muscle inside. Mabilis ko ding ibinagsak ang sarili ko."Like this?" I asked seductively.Nakita kong

  • The Billionaire's Dauntless Spouse   Kabanata 35

    Kabanata 35"You pushed me to the end, and I'm about to lose my mind," I said while looking at the ceiling."Gusto ko lang ng kumpleto at masayang pamilya pero ayaw pa ring ibigay sa akin. Naging masamang tao ba ako?" tanong ko habang hinahaplos ang buhok ng manika.Ngumiti ako at iniharap ko ito sa akin. Nakita ko ang kagandahan nito."Ang anak ko." Masuyo kong hinawakan ang buhok ng manika.Kung nabubuhay lang siguro ang anak ko ay paniguradong maganda din siya katulad ng manikang ito."May nagawa ba akong malaking kasalanan para gawin niya sa akin ito?" muli kong tanong.Katahimikan ang namayani sa buong kwarto ko. Wala naman akong nagawang kasalanan sa Diyos. Hindi naman ako nagnakaw, hindi rin ako pumatay, hindi ako nakiapid sa iba."They said that everything happens for a reason, pero bakit ganito kahirap? I lost my one and only treasure. My lovely daughter." Malalim akong bumuntong hininga at tumigil ako sa pag-aayos ng buhok ng manika."Should I still trust you?" Tumulo ang lu

  • The Billionaire's Dauntless Spouse   Kabanata 34

    Kabanata 34Kinuha niya ang maliit niyang notebook at ballpen. Hindi ko na lang pinansin pa ang ginawa niya. I think It's for the record?"Can you tell me everything? Ano ang mga bumabagabag sa'yo?" She asked with softness in her voice."Should I start it at the beginning?" Mahinang tanong ko sa kaniya."Yes, please," Sabi niya at ngumiti.Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. "I lied.""You lied? Kanino?" Tanong niya.Mapait akong ngumiti sa kaniya. "I lied to myself.""I'm all ears."Muli kong binalikan ang nakaraan. Unting unting bumalik sa aking isip ang mga nangyari noong nakilala ko si Ròisìn hanggang sa mga oras ng pangungulit niya sa akin. Tipid akong napangiti."Ayokong mag-take ng risk para bigyan siya ng chance at tuluyang makapasok sa buhay ko. Pero nagbago ang desisyon ko. I took the risk. Gusto ko na ng bagong buhay. New life with someone who can love me. Nagpadala ako sa pangako niya. Ayoko nang maging mag-isa. Sawang sawa na akong maiwan sa madilim na parte ng mun

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status