“How was the event last night, Eli? Hindi mo ko agad binalitaan,” ani Jace sa assistant nang makarating ang binata sa LDC. Kasalukuyang nasa loob ng elevator ang dalawang lalaki, paakyat sa executive floor.“Maayos naman po ang party, Sir. Siniguro kong nag-enjoy ang mga bisita. Kaya lang…”“Kaya lang, ano?” anang binata, salubong ang mga kilay na bumaling kay Eli.“Kaya lang… maaga pong umuwi ang mga bisita from Aura Project.”“What? Why? Hindi mo ba ibinigay sa kanila ang regalo ko?” Naghanda ng regalong espesyal na alak ang binata kagabi para kina Mr. Jones at Mr. Smith. He specifcially instructed Eli to only serve the drink to the guests.“I tried, Sir. Kaya lang pagdating ko, nagpaalam na rin sila agad. Ang sabi nila may appointment pa raw silang iba,” nagmamadlaing paliwanag ni Eli.“Appointment? At almost nine in the evening?” nagtatakang tanong ng binata.Umiwas ng tingin si Eli, sandaling nag-alinlangang bago, “Kausap nila sina Sir Reymond at Mr. Lim pagdating ko sa event ka
Agad naramdaman ni Lara ang tensiyon sa loob ng silid. Batid ng dalaga na hindi pa rin nag-uusap ang magkaibigan dahil sa kanya. Bagay na labis na nagpapabigat sa kanyang diddib.Keith was nothing but helpful to her. Hindi dapat nagagalit si Jace sa kaibigan nito.“Jace, hijo. Mabuti naman at nariyan ka na,” pukaw ni Cristina sa apo. “Please, talk to the doctors. Gusto ko nang umuwi.”Bumaling ang binata sa abuela bago naglakad sa tabi ni Lara. Marahan nitong hinapit sa baywang ang asawa bago kinintalan ng magaang halik ang buhok nito. It was more than enough to calm the chaos inside his head and the restlessness in his heart.“You didn’t tell me that you’re going to visit Lola today,” masuyong tanong ng binata sa asawa, pabulong.Alanganing tiningala ni Lara ang asawa, pilit na pinapakalma ang damdamin. Her heart was overdriving again because Jace’s presence was surrounding her. Oh she really will never get used to him.“Wala naman kasi akong ginagawa sa bahay, Jace. Kaya naisipan ko
Malalakas na katok sa pinto ng kanyang silid ang muling nagpagising kay Via. “Sino ba ‘yan? Sinabi nang h’wag akong istorbihin e!” anang dalaga bago muling isinubsob ang ulo sa kanyang unan.“Aba, Olivia! Gabi na! Halos buong araw ka nang tulog! Ano ka bampira?! Buksan mo nga itong pinto!” gigil na utos ni Rosie sa labas ng silid.Dumating si Via sa kanilang bahay nang pasado alas tres na ng madaling araw. Amoy alak ito at alam na agad ni Rosie na nag-party ang anak. Kung sa event ng mga Lagdameo o sa isang club, hindi masiguro ni Rosie. Ang tanging alam lang niya, kailangan niyang gisingin ang anak upang tanungin ito tungkol sa mga naganap sa party.“Go away, Mommy! Just let me sleep!” singhal ni Via sa ina, kinapa ang isa pang unan sa kanyang tabi bago iyon itinakip sa kanyang ulo.She doesn’t want to wake up. She felt like she’s still in a middle of a nightmare. Bakit hindi, basta na lang siya iniwan ni Jace kagabi sa anniversary party ng LDC! She begged for him to stay subalit hin
Malakas ang pagkabog ng dibdib ni Lara habang papasok siya sa LDC na lulan ng isang pang sasakyan ni Jace na minamaneho ni Daniel. Ang dalaga ang humiling na magkahiwalay silang papasok ni Jace nang araw na ‘yon sa opisina. Kahit na tutol ang asawa, ipinilit ni Lara ang kanyang gusto dahil alam niyang maiintriga sila ni Jace. And that would be too overwhelming for her.Halos hindi pa nga rin siya makapaniwala na naging totohanan na ang dati’y pekeng relasyon nila ni Jace. At ayaw niyang masira ang kaligayahang 'yon kung makakarinig lang siya ng opinyon ng ibang tao lalo na sa mga taga-LDC. Because people will talk. Sigurado siya roon. They will have opinions about her and Jace—pleasant and unpleasant. Kaya mas gusto muna ni Lara na panatilihing tago ang relasyon nila ng asawa.‘So what, they know I’m married. Don’t you think it’s high time that I tell them who I am married to?’‘Yan ang sinabi ni Jace kanina habang nagdidikusyon silang mag-asawa kung paano sila papasok sa opisina.
Napatda si Lara. Hindi alam ang isasagot sa asawa. She just stared at his handsome face and allowed herself to be amazed by his presence.Si Erin ang sumagot para kanilang dalawa. “Sure, Sir!” masiglang sagot nito bago bumaling sa kaibigan. “Lara, usog ka kaunti para makaupo si Sir Jace. Dito ka na lang sa tabi ko, Sir Eli,” dagdag pa ng dalaga.Agad na lumipad ang tingin ni Lara sa likuran ni Jace. Naroon nga si Eli. She was too preoccupied with Jace na hindi niya napansin na kasama pala nito ang assistant nito.Tumikhim si Lara, mabilis na inayos ang sarili. Ilang sandali pa, umupo na ang dalawang lalaki sa kanilang tabi.Kung tensiyonado si Lara kanina, mas dumoble ang kanyang pagtetensiyon ngayon nasa kanyang tabi na nsi Jace. Bakit hindi, gayong nararamdaman niya na halos lahat ng mga mata na naroon sa pantry ay nakatingin sa kanya. Nakikita rin niya ang mga kapwa niya babaeng empleyada na nagbubulungan. At sigurado si Lara na kung saan-saang planeta na naman nakarating ang esp
“Sir, nandito po si Ma’am Via,” pukaw ni Eli sa boss na noon ay tutok ang atensiyon sa laptop nito.Ni hindi tumingin si Jace kay Eli. “Tell her I am busy. Sa ibang araw na lang siya kamo bumalik,” anang binata, nagptuloy sa pagtipa sa kanyang laptop.He was sending an emaili to Mr. Jones and Mr. Smith. Kahapon, matapos ang kanilang luncheon meeting ay nangako ang mga itong ipapadala agad sa kanyang email ang draft ng kanilang kontrata para sa Aura Project. Subalit hapon na at wala pang email ang mga ito. Kaya siya nagfa-follow up ngayon.“Jace, I need your help,” si Via. Hindi namalayan ng binata na nakapasok na pala ito sa kanyang opisana.She was standing in front of him again with that pitiful look on her face. Other times, he would’ve believed the act but… he knew Via too much. At ang muling pakikipaglapit nito sa kanya ay kasalanan niya. Aaminin niya, kinasangkapan niya ang dating kasintahan upang makalimutan ang anumang espesyal na damdaming niya para kay Lara. He invited her
Panay pa rin ang sigok ni Lara habang mahigpit na nakayakap kay Jace. Hindi pa rin makapaniwala ang dalaga na kayang gawin ni Via ang ganoong kasamaan kahit na marami pang tao ang nakatingin. Para itong isang hayop na handa siyang sagpangin anumang oras sa galit na nakita niya sa mga mata nito kanina. At sa nanlalabo at natatakot na isip ay hindi pa rin malamam ni Lara ang dahilan kung bakit nagawa iyon sa kanya ng dating kasintahan ni Jace.“Are you o-okay? Hindi ka ba sinaktan ni Via?” anang binata, lalong humigpit ang pagyakap sa asawa.Marahang umiling si Lara, muling sumigok. “H-hindi ko alam kung bakit niya nagawa ‘yon, Jace. H-hindi ko…” Mariing napapikit ang dalaga, pilit na inaalis sa isip ang karahasang nasaksihan kanina.“Shhh, don’t think of her. Iaalis kita rito ngayon din, Lara. I need to take you home,” deklara ng binata sa determinadong tinig.Agad na nag-angat ng tingin si Lara sa asawa, bumakas ang pag-aalala sa mukha. “P-pero, Jace… paano? M-makikita tayo ng ibang
Ilang araw na ang lumipas subalit hindi pa rin tumigil ang mga empleyado sa LDC na pag-usapan sina Lara at Jace. Na lalo pang tumindi nang may lumabas ang retrato ng dalawa na malambing na nag-uusap sa pantry. Lumabas ang retrato sa social media at mabilis na kumalat sa mga empleyado.Jace was unbothered, while Lara… she was barely holding on. Hindi sanay ang dalaga na laging pinag-uusapan. Lalo na ang paratangan siya nang kung ano-ano, gaya ng mga naririnig niya sa loob ng opisina. Marami ang nagsabi na kabit siya ni Jace kaya ginawa ni Via ang bagay na ‘yon sa kanya. May iba namang nakikisimpatiya sa dalaga at nagsasabing h’wag siyang husgahan agad. And while Jace kept persuading her na panahon na para lumantad silang dalawa sa totoo nilang relasyon, hindi pa rin sigurado ang dalaga kung iyon ba talaga ang mainam na solusyon sa kanilang sitwasyon. “Lara, tapos mo na ba ‘yong sa project natin sa Cebu? Deadlne kasi no’n kahapon, para ma-consolidate na sana natin at maipasa na kay M
“I think we better go. Malapit nang gumabi, Jace. Baka hanapin kami ni Lola,” paalam ni Lara kaya Jace habang naroon pa rin sila sa mga kwadra. Ayaw kasing tantanan ni Cami ang ama, panay ang tanong nito na parang matagal silang hindi nagkita. Subalit nang mapansin ni Lara na malapit nang lumatag ang dilim, napilitan nang magpaalam ang dalaga.Besides, gusto rin sana niyang kausapin si Jace tungkol sa Sudsidium Fund at sa pasya nila ng kanyang abuela tungkol doon.“Cami, it’s getting late. Mommy said you’re going home,” ani Jace sa anak.“No! I wanna stay with the horses, Daddy!” reklamo ng paslit, kumapit ng husto sa leeg ng ama.“Cami, Lola and Uncle Coco will miss you if you won’t go home tonight. Do you want them sad?” si Lara, nilapitan na ang mag-ama at pilit na kinukuha ang anak kay Jace. Subalit ibinuro lang ng anak ang mukha sa leeg ng ama nito, yumakap pa lalo.“I want Daddy, Mommy. Just Daddy,” pagmamatigas ni Cami.Makahulugang nagkatingninan sina Lara at Jace. Kilala n
Kanina pa nakabalik sa library si Lara subalit hindi mailis ng dalaga ang tingin sa bouquet na ibinigay ni Jace sa kanya. The flowers were very pretty. But that's not the reason why she's looking at the flowers. Nagre-replay kasi sa isip ng dalaga ang mga sinabi ni Jace sa kanya kanina.Mahal siya nito. Mahal pa rin siya nito. Napakadaling paniwalaan. Subalit...Ganoon na lang ba kadaling kalimutan ang lahat? Apat na taon niyang dinala ang sakit at pait na idinulot nito sa kanyang buhay. Apat na taon. Subalit isang sabi lang nito ng 'mahal kita', tila nakalimutan na niya ang lahat-- kaya na niyang patawarin ang lahat. Ganon lang ba dapat 'yon? Ganoon lamang ba talaga kadali dapat?She lost a child. That’s something that must never be taken lightly, that’s something that can never be forgiven easily. And yet her heart… wants to do otherwise. Her heart wants to forgive and forget. But her logic does not want that.That’s the source of her confusion—the battle between her heart and m
Tahimik na nakamasid sa labas ng sasakyan si Lara habang pauwi sila ni Cami sa hacienda. Kakalabas lang ng ospital ng anak. She should feel relieved but... there’s a heaviness in her heart that doesn’t go away.Marahil dahil iyon sa nangyari nang nagdaang gabi. Hindi alam ng dalaga kung saan nagpunta si Jace nang paalisin niya ito kagabi sa hospital suite ni Cami kagabi. He didn’t even show up this morning. O maging bago ma-discharge sa ospital ang anak.She had to make excuses for him for that. Kaya lang, panay pa rin ang hanap ni Cami sa ama. At isa iyon sa mga ipinag-aalala ni Lara. Paano kung hindi na ulit ito magpakita? Kung dahil lang sa mga nasabi niya kalimutan ulit sila nito na mag-ina? Kahit na h’wag na siya, para man lang sana kay Cami maisip ni Jace ang dumalaw sa hacienda.And then she remembered, ni hindi pa nga pala nila napag-usapan ang tungkol sa magiging set-up nila pagdating kay Cami. Ni hindi pa niya nasasabi rito ang mga kundisyon niya and how they will deal with
Agad na naestatwa si Lara sa ginawa ni Jace. For a brief moment she didn’t know what to do or even will her mind to think. Until… her lips quivered a little on its own accord and began to kiss him back. The kiss deepened and at that point, nothing else mattered. Not their past, not their present, not even the future. Just that kiss that she knew now, she still longs for.Nang umuwi siya sa Pilipinas upang magbakasyon, ni wala sa isip ni Lara na muli niyang kakausapin si Jace or even tell the truth about their daughter. At lalong wala sa plano niya ang muling mapalapit dito. But there she was, kissing Jace senseless— like a desert enjoying the first rain after so many for years, that’s how it felt like kissing Jace.Suddenly he gently placed his hand on her hips and pulled her closer to him. And her body just knew what to do, she leaned on him more-- filling his hot skin against hers. Now, he was too close. Too close she could feel his heart drumming wildly against his chest… just like
Kanina pa nagpaparoo’t parito si Jace sa loob ng opisina ni Mrs. Ferrer sa LDC. Apparently, biglang inatake sa puso ang matanda nang nagdaang gabi. At ayon sa legal document nito na nasa abogado nito, she is giving him full temporary authority to take over her shares at LDC should something happen to her.Nakausap na niya sa cellphone ang anak ng ginang. At wala itong tutol sa habilin ng ina dahil malaki ang tiwala nila sa binata. And now, Jace doesn’t know what to do. Mrs. Ferrer is the third highest shareholder in the company. Ibig sabihin twenty-five percent na ng kumpanya ang nasa kanyang kontrol. At kahit na malayo pa iyon sa dating 65% shares na kanyang pag-aari, his stakes are higher now than those on the board who had once voted him out of his own company.Subalit, kaya ba niyang pamahalaan ang shares na iyon gayong may naiwan din siyang gawain sa farm? For the last four years, si Mrs. Ferrer ang naging mata at kamay niya sa loob ng LDC. And now that the old woman is sick, ma
“Kumusta si, Cami, hija? Hindi pa ba lalabas ng ospital ang apo ko,”bungad na tanong ni Doña Carmelita kay Lara nang pansamatalang umuwi ang dalaga mula sa ospital. Gusto kasing masiguro ni Lara na nasa maayos na kalagayan ang abuela. Gusto ring siguruhin ng dalaga na hindi nawawalan ng supplies ang mga tauhan nila na pansamatang lumikas sa aplaya at nakatira sa tents malapit sa rest house.After the fire, authorities have instructed all residents from the shore to vacate the area for a while for inspection. Protected area kasi ang kakahuyan na nasunog at sakop ng pag-aari ng mga Lagdameo. Kaya kailngan ng thorough investigation bago pabalikin ang mga nakatira roon.So far, maayos naman ang kanilang mga tauhan. Their needs are all provided and they are safe. One less thing for her to worry about.Sandaling niyakap ni Lara si Carmelita na noon ay nasa lanai at nag-aagahan. “Cami is doing good, Lola. Pero bukas pa raw siya madi-discharge sabi ni Doc Xander.’“Should we ask for another d
Tahimik si Lara habang kumakain sila ni Jace ng burger at fries sa isang parte ng park sa plaza ng San Ignacio. Doon sila humantong matapos nilang mag-drive thru sa isang fast food at sa park na lang pinasyang kumain.Apparently, maagang nagsara ang restaurant na tinutukoy nito sa araw na ‘yon dahil may cleaning maintenance ang establisimiyento kinabukasan. It was already past nine in the evening, karamihan ng kainan sa lugar ay sarado na. Left with no choice, nag-drive thru na lang ang dalawa.Malapit lang sa ospital ang plaza kaya doon pinili ni Lara kumain. In case they need them, madali lang nilang mapuntahan si Cami.Kumakain si Lara subalit lumilipad ang isip ng dalaga, nasa mga ipinagtapat ni Tricia sa kanya tungkol kay Jace. Pasimpleng tinignan ni Lara ang binata, ipinagala ang mga mata sa mga braso nito.She can clearly see small stitches on his skin, stitches that weren’t there before.“What’s wrong? You don’t like the food?” untag ni Jace kay Lara, nang mapansin ng binata n
“Sorry, dinala ko si Emie dito,” umpisa ni Tricia nang tabihan ng doktor si Lara sa sofa ng hospital suite. Nakamasid ang dalawang babae sa kanilang mga anak na naglalaro sa ibabaw ng hospital bed ni Cami. “Ikinuwento kasi ni Xander kay Emie na ginamot niya si Cami. Emie was really curious to meet the daughter of her Uncle Jace kaya, nandito kami ngayon. I hope you don’t mind, Lara,” dugtong pa ng doktora.Ngumiti si Lara, marahang umiling. “O-of course, I don’t mind. Bihira lang magkaroon ng kalaro si Cami na kaedaran niya. And I can see that they are getting along very well,” anang dalaga, muling napangiti nang marinig ang sabay na paghalakhak ng mga bata.“I can’t believe you’re alive,” komento ni Tricia maya-maya, pabulong.“What?” Agad na napabaling si Lara sa doktora. “Pasensiya ka na, Lara. I still cannot wrap my head around the truth that you’re still alive. You see, mula nang makilala namin si Jace, ikaw lang ang lagi niyang bukambibig. Kapag naaksidente siya tuwing lasing,
“Pasensya ka na talaga, Ate. H-hindi ko sinasadya ang nangyari kay Cami. Sinubukan ko siyang habulin kaya lang—“ nagyuko ng ulo si Coco, marahang umiling.Napabuntong-hininga naman si Lara at marahang tinapik ang balikat ng pinsan. “Coco, h’wag mo nang isipin ‘yon. Aksidente ang lahat. Ang mahalaga, ligtas si Cami. Ligtas kayong tatlo nina Beth, “ anang dalaga bago bumaling kay Beth na nasa kabilang hospital bed naman. Iisang kwarto lang ang kinuha niya para sa dalawa. At habang si Jace ang nagbabantay kay Cami sa kabilang silid, binista naman ni Lara ang pinsan at ang yaya ng anak.“Beth, h’wag ka na ri ng malungkot. Wala kang kasalanan. Naipaliwanag ko na rin kay Manang Angie ang lahat ng nangyari. Nangako siyang hindi ka niya papagalitan,” umpisna ni Lara, bahagyang ngumiti, bumaba ang mga mata sa mga galos na tinamo ng tauhan dahil prinotektahan nito ang anak. “Ang sabi ni Cami, niyakap mo raw siya kaya kayo sabay na nahulog sa hukay. Because of that you reduced her other possible