Share

Kabanata 0002

Author: SenyoritaAnji
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"Ako ang kinakabahan sa 'yo, Maia." Inayos ni Kate ang buhok ko.

Fiesta ngayon at sabi ni Laurel na dadayo umano ang naghahanap ng babymaker ngayong gabi. Pinautang ako ni Laurel ng ten thousand pesos para may pambayad ako kay Madam Auring. Sisingilin lang niya ako kapag nakapirma na ako ng kontrata. I just hope papasa ako sa taste ng lalaking 'yon.

"No need to be nervous, girl. Just stay calm and be who you are," ani ni Laurel.

Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa harap ng human sized mirror dito sa loob ng silid ni Kate. I'm wearing a vintage dress. Hanggang ibaba ng tuhod ko ang haba at puff ang sleeves nito. They tied my hair into a waterfall braid and added some cute hair clips on my hair. I looked like my high school days. Sa tangkad kong five foot and four inches, para pa rin akong grade ten student.

Mapait akong napangiti sa harap ng salamin. It's been..five years? Eight? I don't know. Hindi ko na maalala kung kailan ako huling nakasuot ng maganda at bagong damit. Nilagyan din nila ako ng light make up para mas lalong patingkarin ang aking natural na hitsura.

"I really love your ginger red hair, Maia. Kaya talaga maraming nahuhumaling sa 'yo, e." Inayos ni Kate ang aking buhok habang nakatitig sa aking mula sa salamin.

"True," Laurel agreed. "Crush ka nga pala ng pinsan kong kaibigan 'yung mayamang naghahanap ng aanakan."

Namula ako sa narinig. Hindi dahil sa crush ako ng pinsan niya ngunit dahil 'yon sa word na 'aanakan'. I still can't believe I am really doing this for the sake of money. Ang isipin pa lang na lalaki ang bata na wala ang kanyang ina ay naghahatid sa akin ng lungkot. But I think he'll handle the baby just fine.

"Speaking of which, bakit siya naghahanap ng babaeng aanakan? Wala ba siyang fiancee o asawa? Through syringe ba ang insertion ng sperm?" I asked curiously.

Nilingon ko si Laurel nang mag-hum ito. "Hindi ko rin alam, e. Pero you can ask him that. Kasi syempre if pasado ka sa kanya, may rights kang malaman aanuhin niya ang bata. Delikado baka isangkot niya sa mga rated spg na mga gawain, 'di ba?"

Napaisip ako sa kanyang sinabi. May tama siya roon. Kung sakali mang tanggapin niya ako... Ay hindi. Dapat tanggapin niya ako kasi nakautang na ako ng pera kay Laurel. Need ko ng pera para pambili ng gamot at pang-check up ni Nanay at pera para sa mga kapatid kong nag-aaral. I need money. Kaya dapat niya akong tanggapin.

Speaking of my family, wala akong sinabi sa kanila tungkol dito. Alam kong bubulyawan lang ako ni nanay kapag nalaman nito ang trabahong papasukin ko. She hates woman who sales their body in exchange of money. At ganito ang ginagawa ko ngayon. I'm selling my body and...my baby to a complete stranger. Isa itong nakakahiyang trabaho, ngunit alang-alang sa pera ay susuongin ko.

"Oh!" Nagulat kami ni Kate nang biglang napatayo si Laurel sa kanyang kinauupuan habang nakatitig sa kanyang phone. Nag-angat siya ng tingin sa amin sabay sabing, "Hindi raw dadayo rito 'yung mayaman. Pero my cousin will escort you to your meeting place. Nasa labas na ang sasakyan."

Bigla akong kinabahan. Kate tapped my shoulders as we walked out of the room. Maramin tao sa labas dahil fiesta. Maraming bumabati ngunit ni isa ay wala akong pinansin. Nang makalabas kami ng bahay ay nakita namin ang isang sasakyang agaw pansin. Kumikinang ito sa ilalim ng mainit na sikat ng araw. Doon naman ako hinila ni Laurel. Buti na lang at naka-flats ako. I'm not comfortable wearing heels anyways.

"Ito po ba ang service ni Mr. Carter?" tanong ni Laurel.

Humarap sa amin ang sa tingin ko ay driver. "Ikaw ba si Maia?"

"Hindi po ako. Ito pong kaibigan ko." Laurel gestured me.

Bumaling naman sa akin ang lalaki. "Hinihintay ka na ng boss, pasok ka."

He opened the door for me and I was overwhelmed. Nilingon ko si Laurel at Kate at tipid na nginitian. I'm damn nervous. Kate mouthed 'call me' or something kaya tumango na lang ako. Maingat akong humakbang papasok sa loob at naupo sa bakanteng upuan sa backseat. Matapos kong maupo ay sinarado ng driver ang pinto at umikot patungo sa driver's seat.

Tinignan ko ang aking keypad phone para tignan kung nag-text ba sila Mayi o ano. Iniwan ko kasi sila kay Kuya Estong, isa sa aming kapitbahay na walang ibang ginawa kundi ang makikain sa bahay kahit alam niyang salat kami. Pero kahit papano ay maaasahan ko naman siya lalo na sa pagbabantay kay nanay at sa 'king mga kapatid.

The whole travel was silent. Walang imik ang driver habang ako ay naglalakbay ang isipan sa kung saan. May parte kasi sa akin na umaasang matatanggap ako ng lalaking 'yon. Ngunit may parte rin sa akin na nagsasabing h'wag na lang akong tumuloy dahil ako ang nakokonsensya sa magiging anak ko. Lalaki siya ng walang ina... o baka naman ay may kapares ang mayaman na 'yon at tru syringe lang ang semen.

Tama!

Baka talaga they can't conceive a child in every possible ways they tried. Pero biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Laurel na they're looking for a promdi girl since they've never been touched...? Hindi ako sigurado. Pero sa isiping 'yon, wala sa sarili kong tinakpan ang aking katawan at tumingin sa labas ng bintana.

Sana tama itong papasukin ko.

Sana hindi ko pagsisihan ang lahat ng ito.

"Nandito na po tayo," anas ng driver.

Bumukas naman ng pinto sa aking tabi na aking ikinagulat. Isang estrangherong gwapo nag bumungad sa aking paningin. He was the one who opened the door. Nakangiti ito sa akin habang hawak ang isang payong. Hala? Ganoon ba ako katulala at hindi ko man lang napansing umuulan na pala?

"Hi, Maia." He smiled at me. Ang singkit nitong mga mata ay mas lalong sumingkit dahil sa kanyang pagngiti. He then offered his hand. "Alas is waiting for you inside, let's go?"

Wala sa sarili kong kinagat ang aking ibabang labi. This is now or never. Para kila Nanay, Mayi, at Maria. I closed my eyes tightly before accepting his hand. Kaagad niya itong hinawakan nang mahigpit. Nanlalamig ang aking mga kamay at alam kong ramdam niya 'yon.

He chuckled. "Don't be nervous."

Paanong hindi, aber?! Kung katawan ko ang usapan?!

Tipid akong ngumiti. "H-hindi ko maiwasan, e."

Bahagya niya akong hinapit at sabay kaming naglakad papasok sa loob ng isang hotel. Damn. At sa unang pagkakataon, nakaapak akong muli sa ganitong klaseng lugar. Something na hindi ko lubusang maisip na mangyayari.

Pagkapasok namin sa loob ay kaagad akong lumayo sa kanya. Inayos ko ang aking buhok na nabasa ng ulan dahil sa payong niyang para lang yata sa iisang tao. Pati braso ko ay nabasa. At nakita kong ganoon din siya. Basa ang balikat nito at kitang-kita 'yon sa dark blue niyang t-shirt.

"Hala, nabasa ka," mahinang sambit ko.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at tipid na ngumiti. "Don't worry about it. Anyway, let's go. Ayaw pa naman nu'n ang pinaghihintay."

Nang tumalikod na ito ay nakayuko akong naglakad sa kanya pasunod. Malamig ang buong lugar dahil sa aircon kaya bahagya akong gininaw. Napansin kong nakapasok na siya sa elevator kaya nagmamadali akong sumunod dito.

"Uhm...ikaw ba 'yung sinasabi ni Laurel na p-pinsan niya?" I asked in a small voice. Paano ba naman kasi...kahit na sabihin nating magara ang suot ko, hindi ko pa rin maiwasang manliit sa aking sarili.

Hinintay niya munang sumara ang pinto saka bumaling sa akin para sagutin ang aking tanong. He smiled first and answered. "No. Si Liel yata ang ibig mong sabihin. He's out to buy supplies for his sisters kaya ako ang sumundo sa 'yo."

Nangunot ang aking noo. "Huh? Then, paano mo nalaman ang pangalan ko?"

"I saw your fac-book account. Palagi ka rin'g bukambibig ni Liel." Nilingon niya ako. "And I admit, you're beautiful. Hindi nga ako makapaniwalang nagbabalak kang pumasok sa ganoong klaseng trabaho."

I immediately looked away. This is what I'm talking about. Lalo na't punong-puno ng judgemental ang mundo.

"But don't worry, I won't pry anything. I'm sure you have a very deep reason for doing that," he said. "Chin up now."

Saka lamang ako nag-angat ng tingin sa kanya. Tipid akong ngumiti. Masasabi kong mabait siya. The way he looked at me in the eyes softly with a smile on his lips. I bit my lower lip and looked away. Bumilis ang tibok ng aking puso sa uri ng pagtingin nito sa akin.

Damn, am I attracted to him?

"T-thank you," I mumbled.

He nodded. "Gusto ko lang malaman mo kung ano ang pinapasukan mo. Make sure to think clearly. Think twice before you decide."

Saktong matapos niyang sabihin 'yon ay bumukas ang pinto ng elevator. Nauna siyang lumabas ng elevator kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod. Habang naglalakad sa hallway, hindi ko maiwasang mamangha sa mga painting na nakadikit sa mga pader.

Napakaganda ng lugar na ito. Hindi ako kailanman nakaapak sa ganitong klaseng lugar ngunit hindi naman ako mangmang. I've been to college for three months in law. Pero dahil na-realized kong hindi tagala kaya ng aming budget ay tumigil ako. Hindi naman sa nagmamayabang pero lagi akong nangunguna sa mga ranking ng school. I also had my full scholarship in CHED kaso kailangan kong tumigil dahil wala nang mag-aalaga kay nanay. The money from CHED isn't enough to pay my tuition and buy nanay's medicine.

Tumigil kami sa pinakadulong pinto. That's when I realized there are only five doors in this floor. Malalaki ang agwat ng mga pinto kaya paniguradong malalawak ang loob ng mga silid. Wala sa sarili akong napatingin sa lalaking singkit. Hindi ko pa alam ang pangalan niya. And I'm too shy to ask his name.

Matapos ng tatlong katok, kaagad niyang pinihit ang door knob at tinulak ito pabukas. Napaangat ang aking kilay. Opening the door without permission from someone inside? O baka naman alam na ito ng taong nasa loob. Siguro nga. Sinundo niya nga ako, e.

Nilingon ako nito at tipid na nginitian. "Come in."

I let out a deep breath before nodding my head. Sumunod ako sa kanya papasok sa loob. He waited for me to get in before closing the door. Kung malamig sa labas, mas malamig dito sa loob. Mas lalo kong niyakap ang aking sarili. Shit! Nabasa ako kanina sa ulan at may aircon dito. Hindi naman ako madaling tablan ng sipon, ngunit hindi ko pa rin maiwasang manginig sa lamig.

He walked towards the huge lounge area of the suite while I was walking slowly and busy roaming my eyes all over the place. I was right. Malaki ang silid na ito. Tapos sobrang linis. Parang nakakahiya tuloy umapak sa silid na ito.

"Alas, she's here."

Wala sa sarili akong napatingin sa lalaking nasa isang couch. Ulo niya lamang ang nakikita ko dahil nakatalikod sa pweso ko ang kanyang inuupuan. Nanlamig ang aking sikmura. Pakiramdam ko ay gusto ko nang umurong sa usapang ito. Ngunit anong magagawa ko? Nandito na ako, e. I'm here for the money. Saka ko na lang uunahin ang hiya kapag nakapagtapos na ang aking mga kapatid at nagamot na si nanay.

"Leave us," sagot ng lalaki sa baritonong tinig.

Malalim at malamig. Ganoon kung ilarawan ang klase ng pananalita nito. Bahagya akong kinabahan. Humarap naman sa aking ang lalaking singkit at tipid akong nginitian.

"Goodluck. Alalahanin mo lang 'yung mga sinabi ko sa 'yo," he said and showed me his tight smile for the last time before leaving me...with the stranger.

Hindi ko magawang lingunin ang lalaking umalis. Napirmi ang aking paningin sa taong nasa couch. I cleared my throat and hugged myself to keep myself warmn. Ugh! Bakit ba kasi biglang umulan? Mataas ang sikat ng araw kanina ah?

"Have a seat, Miss Revamonte."

Napaigtad ako sa uri ng tonong ginamit niya sa akin. Kahit na ayaw gumalaw ng mga paa ko, pinilit kong humakbang para makalapit sa isang couch. Nakayuko ako habang naglalakad at yakap ang sarili dahil sa lamig. Nang makaupo ako sa couch ay hindi ko magawang tignan ang lalaki.

What if matanda na pala siya at naghahanap ng babaeng tulad ko na naghahanap din ng pera?

"Lift your head and let me see your face."

Mariin kong pinikit ang aking mga mata bago ako dahan-dahang nag-angat ng tingin. My eyes widened after seeing the person in front of me. At alam kong halata sa mukha ko ang gulat habang nakatingin sa kanyang nakakunot ang noo.

Hindi siya matanda! Hindi rin siya bata. I feel like he's already in his twenty fifth years of age? I'm not sure. Pero parang ganoon nga.

His thick eyebrows formed into straight line. There's a cut on his left eyebrow. May piercing din ito sa kanang tenga at mapungay ang kanyang mga bughaw na mata. His defined nose and pinkish lips makes him more attractive. Magulo ang buhok nito at dagdag sa kagwapuhan nito ang kanyang moreno'ng kutis.

Damn. At aminin ko man o hindi, sobrang hot nito.

"You're staring at me as if you've seen a monster." Parang kulog ang boses nito sa apat na sulok ng silid.

Napakurap-kurap ako. Mabilis akong yumuko. "P-pasensya na po."

He leaned against his seat comfortably and raised his brows at me. "How old are you?"

"T-twenty. Turning twenty one next eight months," mahina kong sagot.

"Are you sure you want this job? The door is open. You can leave."

"Kailangan ko po," kusang lumabas ang mga salitang 'yon sa aking bibig. "K-kailangan ko po ng pera panggamot sa nanay ko at panggastos sa mga nag-aaral kong mga kapatid."

Muli akong nilamig kaya mas niyakap ko pa ang aking sarili. Napansin niya yata 'yon.

"Stand up."

Napalunok ako at saka tumayo. Tumayo rin siya. Mukha siyang suplado, ibang-iba sa lalaki na sumundo sa aking kanina. Walang ekspresyon ang mukha nito at parang palaging iritable. Hindi ko maipaliwanag.

Nagtaka ako nang hubarin niya ang suot niyang leather jacket. Ngunit ang pagtatakang 'yon ay napalitan ng gulat nang lumapit siya sa akin at binalot ako sa kanyang jacket. He then lift my chin and my eyes met his gaze. Matangkad siya. Hanggang dibdib niya lamang ako.

Tinitigan niya ako at kahit gusto kong umiwas, hinahabol niya ang aking tingin. Kaya wala akong ibang magawa kundi ang makipagtitigan sa kanya. I don't know why the moment my eyes landed on his, I felt my knees wobbled. Nanginginig ang aking tuhod.

"Alam mo ba ang pinapasukan mo?" His minty fresh breath fanned on my cheeks.

Napalunok ako. Sana hindi nabura ang lipstick na nilagay ni Kate kanina para hindi niya mahalatang namumutla na ako. I whispered, "Yes."

It took him seconds before he nodded his head. Lumayo ito sa akin at saka lamang ako nakahinga nang maluwag. Ngayon ko lang napansing pinipigilan ko na pala ang aking paghinga nang magkalapit kami.

"Have a seat, then. Let's discuss about this deal. If you agree, you'll sign the contract. And if you don't, the door is always open for you to leave."
Comments (3)
goodnovel comment avatar
ThV
si Maia ba yung Atty. na nakausap ni Chandria sa kwento nila ni Leon ...
goodnovel comment avatar
Adelia Manalo
gusto ko pa po basahin maganda po ang kwento
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
para sa pamilya
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0003

    He handed me a white folder. Tahimik ko itong tinanggap. Hindi na gaanong malamig dahil sa init na hatid ng kanyang jacket. Nakayuko ako the whole time. Hindi dahil sa nahihiya ako. Ngunit dahil 'yon sa hindi ko kayang salubungin ang kanyang titig. His blue eyes are too deep. I'm afraid I might get

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0004

    Inayos ko ang aking mga gamit si nanay ay nakamasid lang sa aking ginagawa. Kinakabahan ako sa klase ng tingin ng kanyang tingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan habang pinapanood ako. Gusto kong magtanong ngunit natatakot ako."Sigurado ka ba riyan, Maia? Sobrang bili

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0005

    My eyes roamed all over the place. Naninibago ako. Mas malaki pa ito sa condo na aking binisita sa Cebu bago ako makaalis. Malawak ang espasyo ng sala. May tatlong gray leather couch na adjacent sa isa't isa at pinapagitnaa ng center table na gawa sa salamin. May malaking flatscreen TV ang nakadikit

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0006

    Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa kaba. Kaagad akong nag-iwan ng text kay Mayi saka ako bumangon at naligo. Naninibago pa rin ako sa aking tinutuluyan sa kasalukuyan. Ang malambot na kama na siyang nagpahimbing sa aking tulog. Ang silid na hindi masakit sa ilong ang amoy. Walang amoy mula sa

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0007

    "Sino ka?""Who are you?"Halos sabay kaming bumigkas noon. Magkasalubong ang mga kilay nito na para bang may galit na nakatingin sa akin. His piercing black eyes are telling me he's also a friend of my boss- Alas. Parehas kasi silang nakakunot-noo, e. Hindi imposibleng magkasundo sila."Uhm, ano...

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0008

    Hindi ko maiwasang matawa ng mahina sa klase ng pananalita nito. Ito ang nagustuhan ko sa aking mga kapatid. Malalahanin. Nag-aalala siya para sa akin and I think that's the most precious thing I would treasure forever."Ano ka ba. Mayi. Ayos lang ako rito. Kayo ang inaalala ko. H'wag kakalimutang b

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0009

    "You still cook this kind of dish even if you lack ingredients," he said.Napatingin naman ako sa sinabawang isda saka ako muling nag-angat ng tingin sa kanya. "Laki ako sa hirap, Alas. Kailangan kong gumawa ng diskarte para manatiling buhay. Saka, nakakasawa rin kaya kapag puro oily kinakain mo. Hi

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0010

    Magdamag na dilat ang aking mga mata at nakatitig lamang ako sa ceiling ng silid na aking tinutuluyan. Pinilig ko ang aking ulo at mariiing pinikit ang aking mga mata. Kahit yata tumambling ako sa kama ay hindi pa rin ako makatulog. Dakong alas tres na ng umaga. Hindi ko alam kung anong nangyayari s

Latest chapter

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0292

    Lumala ang naging usap-usapan. Binigay sa ‘kin ni Mayor ang mike kaya wala akong ibang choice kundi ang tanggapin ito. “Good evening, everyone.” Saad ko sa garalgal na tinig. “I know what you heard right now shocked you. Yes, Mayor Anton Revamonte is our father… Gusto ko lang sabihin na… Pa….” Kit

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0291

    Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam ngunit pansin kong parang naiiyak siya. Nangunot ang aking noo. “Tonight’s celebration is also a celebration for the people who came back into my life. Kaya ko kayo tinipon lahat dahil gusto kong malaman niyo na… isa akong disappointment,” he said. “I did

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0290

    “Maia, ikaw ba ‘yan?” Napatingin ako sa pinto nang makarinig ako ng boses at bumungad sa ‘kin si Nanay na nakasuot ng isang royal blue dress. Bagay ito kay nanay at para siyang bumata sa make up na suot niya ngayon. Mahina akong natawa at hinarap siya. “Mukha na po ba akong artista nito, Nay?” Sh

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0289

    Kanina pa kami nag-uusap patungkol doon sa buhay ko. Matagal ko ng make up artist si Golden. Hindi ko alam kung paano kami muling nagkaroon ng koneksyon matapos ng interaction naming sa kasal ni Neon noon. Alam ni Golden ang mga nangyayari sa buhay ko. Mabait naman siya kaya hindi mahirap pagkatiwa

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0288

    “I’m formally asking her hand, Sir, before she arrives here.” Buo ang aking boses kahit na kabado ako. Tonight, I decided to spend the rest of my life with her. I wanted to be with her. I want her to remain in my arms. Hindi na ako papayag pang malayo siya sa ‘kin. It took me some time to finally r

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0287

    “I want you to stay away from her after she give birth to your heir, Alas.” Buong-buo ang boses ni Sir Nathan nang makapasok ako sa loob ng kanyang library. “Is this the reason why you call for me?” bagot kong sagot. “Pera lang ang habol ng babaeng ‘yon sa ‘yo.” Umupo ako sa couch at tinignan siy

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0286

    Dahil sa suhistyon na ‘yon ni Lucy ay agad akong napaisip. He’s right. Then I’ll just make some contract na sa oras na mailabas niya ang bata ay hindi na niya ito hahabulin, neither can she can come near the child. But I need one with good genes. I don’t want to waste my genes. Matapos ng usapan n

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0285

    The phone vibrated above my desk but I’m not in the mood to accept any call right now. I’m still busy reviewing some files from my last business trip in Hawaii. I feel like something wrong happened there and I’m unaware of it. My door suddenly burst open and I saw Josia walked in. Agad ko itong kin

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0284

    They all look beautiful in their gowns. Si Nicho ay naka-suit habang si Nixie ay nakasuot ng isang matching gown na binili sa ‘min ni Alas. I don’t know what’s wrong with him kung bakit siya pa talaga ang namili ng magiging gown namin ni Nixie. “Sigurado ka bang susunod ka, Ate?” muling tanong ni M

DMCA.com Protection Status