He handed me a white folder. Tahimik ko itong tinanggap. Hindi na gaanong malamig dahil sa init na hatid ng kanyang jacket. Nakayuko ako the whole time. Hindi dahil sa nahihiya ako. Ngunit dahil 'yon sa hindi ko kayang salubungin ang kanyang titig. His blue eyes are too deep. I'm afraid I might get drowned. It feels like his eyes will hypnotize me any moment.
"Inside that folder are the rules and conditions we both need to obey. If you object anything that was written in there, tell me right away so we can change if there's anything you could suggest," he said.
Kinagat ko ang aking ibabang labi. I heaved a deep breath and lifted my gaze and met his. Bahagya pa akong natigilan dahil sa pagkagulat ngunit kaagad kong ginising ang aking sarili. I cleared my throat.
"B-bago ko basahin ang mga nakasulat dito, maaari ko bang alamin kung bakit ka naghahanap ng babymaker?" tanong ko sa maliit na tinig.
"Read what's inside first. Once you signed, I'll tell you the things you wanted to know."
Nangunot ang aking noo. "Hindi mo naman siguro ipapahamak ang m-magiging bata, 'di ba?"
It was his turn to frown. "Why the hell would I do that?"
Umiwas ako ng tingin. Hindi ko mawari kung bakit pakiramdam ko'y kinakapos ako ng hininga sa presensya niya. Kaya naman binuksan ko na ang folder na binigay niya. Maigi kong binasa lahat ng nakasulat doon.
NICHOLAS CARTER
MAIA FAIRY REVAMONTE
Namilog ang aking mga mata. Nag-angat ako ng tingin sa kanya na nahuli ko na namang nakatitig sa akin. Pinakita ko sa kanya ang unang pahina kung saan naroroon ang aking buong pangalan. Tumaas naman ang kanyang kilay dahil doon.
"H-How did you know about my full name?" I asked, stunned to know he knew my second name.
Dumikwatro ito sa kanyang kinauupuan at ngumisi. "Background research. I'm wondering why the illegitimate daughter of the Cebu's mayor is entering this kind of job."
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. I forgot he's rich. The more money you have, the powerful you can be. Kaya normal lang na pa-imbestigahan niya muna ako bago makipagkita sa akin. Hindi na dapat ako magulat pa. Ngunit ang isiping alam niya kung sino ang ama ko ang siyang nagpapabagabag sa akin.
Pero sa tingin ko naman ay hindi niya 'yon ipagkakalat.
"I hope you won't leak anything about my relation to him," mahina kong ani.
Tipid itong tumango. "No worries."
Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko. I continue reading everything that was written on the pages. Mahina ang aking pagbasa dahil ayokong magkamali. Baka pumirma ako tapos pagsisisihan ko pala. Dito nakataya ang buhay ko, buhay ng magiging anak ko, at magiging kinabukasan ng mga kapatid ko.
• Party A shall not leak any information concerning this deal, neither do Part B.
• Both parties shall try and try until Party A conceives a child.
• Party A isn't allowed to have a sexual intercourse with other during this 1 year contract, neither do Part B.
• Party A shall stay in Party B's place during her pregnancy.
• Both parties have to act like a couple in front of Party B's parents.
Nangunot ang aking noo sa pangalawa at pangatlong rules. I lifted my gaze at him. "What do you mean both parties shall try and try? I-ibig sabihin hindi through syringe injection ang s-sperm mo? Are we really gonna do 'it'?"
Siya naman ngayon ang nakakunot ang noo. "Why? Is there any problem with that?"
Nanliit ang aking mga mata. Gusto ko na sanang umangal kaso naalala kong pera nga pala ang pinag-uusapan dito.
I cleared my throat and pointed the last rule I have read. “B-bakit ako magpapanggap na nobya mo? Babymaker lang usapan natin.”
He clenched his jaw. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Damn, baka nainis siya.
“I'll double the payment,” he said.
My eyes widened. Kung posible ang hugis puso'ng mga mata ay baka ganoon na ang nangyayari sa aking mga mata. Walang imik naman akong nagpatuloy sa pagbabasa.
The rest of his rules are fine to me. Hindi naman ako maingay para ipagkalat ang tungkol sa deal na ito. At nang nasa huling linya na ako ng mga batas na kanyang ginawa, mahina akong natawa.
• Party A shall not fall in love with Party B, neither do Party B. Fail to follow this rule will be labelled as breached of contract. Any party who fell first shall pay five million and cut the connection.
Pasimple akong sumulyap sa lalaking na sa harap ko. I admit, he has the looks. But falling in love is none part of my plan. Wala 'yon sa plano ko kaya kumpyansa akong hindi 'yon mangyayari. At isa pa, five million is a huge money! Mas bubutihin ko pang mahulog sa kanal kaysa sa tulad niya.
I know rich people. They want nothing from poor like me but body. At iyon nga ang aming usapan. Matapos kong manganak ay hindi ko na hahabulin pa ang bata. Hindi ako maglalabas ng statement na ako ang ina ng bata dahil kakasuhan niya ako kung sakali. And I will never do that.
“Before I sign, ipangako mo muna sa 'king hindi mo ilalagay sa kapahamakan ang bata,” I said.
Mas lalong nalukot ang expresyon nito. “What do you mean? Of course I will not let my child go through some trouble.”
My child. . .
He's right. Anak niya rin 'yon at napakagago niya na siguro kapag naatim niyang ipahamak ang kanyang anak. Wala akong ibang ginawa kundi ang ipikit ang aking mga mata.
“May ballpen ka?” I asked.
He handed me a sign pen. Wala sa sarili akong napalunok. It's obvious it's an expensive pen. Makintab ito. Mas makintab pa yata sa pisngi ko.
Pinikit kong muli ang aking mga mata at inisip ang kalagayan ni nanay, ang kagustuhan ng mga kapatid kong makapagtapos ng pag-aaral, ang mga utang kong kailangang bayaran... I heaved a deep breath. Dinilat ko ang aking mga mata at pinirmahan ang kontratang 'yon.
“Done,” I mumbled. Nanginginig kong nilapag ang sign pen sa mesa at nag-angat ng tingin sa kanya.
Dumukwang naman ito para kunin ang kontrata at tignan ang aking pirma. I can feel my throat ran dry. In that angle, mas napapatunayan ko kung gaano ito ka-gwapo. His bad boy get-up can easily attract young girls.
“Good.” A sexy smirk appeared on his lips.
Napalunok ako. “P-pwede mo na bang sabihin sa akin kung para saan at naghahanap ka ng b-babymaker?”
Nawala ang emotionless expression nito at napalitan ng frustration. He run his finger through his hair and groaned. Nagulat ako sa bigla niyang pagpalit ng expresyon ngunit hindi ako nagsalita. Nanaliti akong nakatitig sa kanya. His blue eyes are very captivating. Alam kong may dugong banyaga ang isang 'to.
“My mother is in the hospital right now,” he said. Nangunot naman ang aking noo ngunit wala akong sinabi. “She's bugging me to have a child and settle down. What the fuck is that?”
I bit my lip and tried to suppress a smile. He looks adorable. Hindi ko alam na sa malamig nitong mga ekspresyon ay nakatago ang isang lalaking parang bata kung makareklamo.
“She wants to see my child before she die. I don't want to marry and settle down yet so I'm looking for someone to bear my child,” pagpapatuloy nito. “That's why we need to act like couples in front of her so she won't suspect anything.”
Dahan-dahan akong napatango. Saka ko lang napagtagpi-tagpi ang lahat. He needs a baby to satisfy his Mom. So I guess, he too, valued his mom like I valued mine. Napangiti ako dahil doon. At least kahit papano, alam kong malalagay ang anak ko sa mabuting mga kamay. Lalo na't hanap ng kanyang ina ang isang apo.
“Okay,” I mumbled.
“You need to pack now so we can leave tonight.”
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Namimilog ang aking mga matang bumaling sa kanya. I blinked my eyes several times. Pack? Saan? Naglakbay ang aking alaala sa pinirmahan kong kontrata.
• Party A shall stay in Party B's place during her pregnancy.
“P-pero hindi pa ako buntis,” I whispered.
Tinaasan niya ako ng kilay. “How can we possibly conceive a child if we're far away from each other?”
Napayuko ako. Damn. Hindi ko naisip 'yon. How come na hindi ko rin naisip na kapalit nito ay ang pagkawalay ko sa aking mga kapatid at kay nanay? Shit, ito na nga ba ang sinasabi ko.
“Hindi pa ako nakapagpaalam sa pamilya ko,” I said. “Hindi nila alam na papasukin ko ang g-ganito...”
Tumango naman siya. “Tell them you applied for a job in Manila and you're hired.”
Nakagat ko ang aking ibabang labi. Tumango-tango ako na parang nauunawan siya kahit punong-puno ako ng pagdadalawang-isip. Nanghihinayang ako kasi malalayo ako sa kanila. Ngunit kung kapalit naman noon ay ang mabigyan siya ng masaganang buhay, then aalis ako. I'll give my sisters a good life, including nanay.
Wala sa sarili akong napatingin sa wall clock ng silid na ito. Hala, uwian na nila Maria ngayon. Hindi pa ako nakapagluto ng pagkain.
“K-kailangan ko nang umuwi.” Tumayo ako at akmang huhubarin na sana ang kanyang leather jacket nang tumayo rin siya at pinigilan ako.
“Take it,” he said. Nagulat ako nang maglahad siya sa akin ng kamay. “I know you've already seen my name on the contract. But let me introduce my name. I'm Nicholas Carter.”
I was hesitant. Nakalahad ang kamay nito at naghihintay na tanggapin ko. Nahihiya ako dahil pakiramdam ko ang makakapitan lang siya ng dumi na katulad ko. Kahit jacket niya kasi ay sobrang bango at mahahalata mong malinis na malinis.
“I'm waiting,” he added.
“Ah...” Wala sa sarili kong tinanggap ang kamay niyang nakalahad. “I-I'm Maia... Revamonte.”
“Fairy,” aniya. “You forgot to add your second name.”
May pagkagaspang ang palad nito. Halatang kumakayod.
Umiwas ako ng tingin. Sa halip ay iniba ko ang usapan. “Kailan mo ibibigay ang pera?”
Amusement danced on his eyes upon my question kaya agad ko itong binawi.
“I mean, hindi ko pwedeng iwanan sila nanay at mga kapatid ko na walang-wala. My nanay needs medication at wala na kaming bigas.” Walang hiya na kung walang hiya. I need money right now.
He bit his lower lip and damn, he looks so freaking attractive.
Saka ko lang din napansing hawak ko pa rin ang kamay niya kaya babawiin ko na sana ito nang higpitan niya ang hawak dito. Nagtataka akong napatingin sa kanya.
“Wait here. I'll give you cash. And anyway...” He shaked my hand. “You are hired to be my babymaker.”
What?!
Matapos noon ay kaagad niyang binitiwan ang aking palad. He headed towards the luggage that was above the bed. Kinuha niya roon ang isang sobre na makapal bago naglakad palapit sa akin.
“Inside this is a hundred thousand bucks. The rest four hundred thousand will be sent on your bank account. May bank account ka ba?”
Umiling ako. “W-wala...”
He nodded. “Kung ayaw mong magduda ang pamilya mo, I'll create a bank account for you. You can send them the remaining money monthly while you're in Manila. I'm giving you this day and tomorrow to bade them goodbye.”
Binigay niya sa akin ang sobreng makapal. Sinilip ko ang loob nu'n at nanlumo ako sa rami ng blue bills sa loob. I lifted my gaze at him and forced out a smile.
“S-salamat...”
“Give me your contact number so I can call you tomorrow night.” Nilahad niya sa akin ang cellphone niyang touchscreen. Isa ito sa pangarap ni Mayi dahil nahihirapan na umano siya sa piso net dahil maraming panggulo.
Tinipa ko roon ang aking phone number at muling binigay sa kanya. Tinignan niya ito at idineal. Napaigtad ako sa biglang pag-vibrate ng phone sa short kong nasa ilalim ng aking dress na suot.
“Save my number on your contact list. You can go.”
Bahagya akong yumuko para magpasalamat. I'm thankful, really. Maiaahon ko na rin sa kahirapan si nanay. Makakapagtapos na rin sila Mayi at Maria ng kolehiyo.
“Maraming salamat, Nicholas.” Halos ibulong ko na ang kanyang pangalan.
“Just call me Alas,” he said. “Someone will escort you outside and take you home. I trust you not to spit a bit about our deal. Hope you remember the penalty of breaching the contract.”
Sinong hindi makakalimot sa limang milyon, aber?!
Tumango na lang ako. Kaagad na akong lumisan ng silid na iyon habang suot ang kanyang jacket at yakap ang sobreng tinakpan ko rin gamit ang jacket.
And I just knew... My life will never be the same the way it was.