Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa kaba. Kaagad akong nag-iwan ng text kay Mayi saka ako bumangon at naligo. Naninibago pa rin ako sa aking tinutuluyan sa kasalukuyan. Ang malambot na kama na siyang nagpahimbing sa aking tulog. Ang silid na hindi masakit sa ilong ang amoy. Walang amoy mula sa mga kanal o mula sa mga nabubulok na basura.
Everything felt surreal. I feel like I'm still dreaming. Hindi pa rin ako makapaniwala.
Naghanap ako ng damit sa aking dalang travel bag. Nahihiya akong galawin ang mga damit na nasa closet dahil hindi ako sanay na gumamit ng damit ng iba. I don't know. I'm not used to it. Lalo na't puro elegante ang mga damit sa closet at mukhang mamahalin ang presyo.
Napili ko ang isang kulay gray na shorts at puting blouse. Hindi pa naman masyadong mukhang luma ang damit na ito, e. Saka isa pa, dito lang din naman ako sa loob ng condo. Wala namang dahilan para lumabas ako o ano. Kaya't nang matapos akong magbihis ay lumabas agad ako ng silid.
Sinilip ko ang oras sa wall clock at napabuntong hininga nang mapansin kong alas sais pa lang ng umaga. Kaagad akong nagtungo sa kusina at naghalungkat sa loob ng kanyang ref. Hindi pa rin ako sanay mangialam sa gamit ng iba pero nakakahiya naman sa kanya kung sa paggising niya ay wala akong ginawa maski magluto man lang ng agahan, 'di ba?
Kinuha ko ang isang pack ng bacon, limang piraso ng hotdog, at dalawang egg. Nagsalang ako ng kanin sa rice cooker at kasabay nu'n ang pagluto ng mga uulamin namin. Nag-heater din ako ng tubig dahil baka sakaling gusto niya ng kape tuwing umaga.
Habang ginagawa 'yon, bigla kong naalala ang aking pinasukang trabaho noon. Naging kasambahay rin ako sa lungsod namin sa Cebu. Mabait ang amo kong babae, kaso 'yung anak niya ang problema. Parang may galit siya sa akin. Lagi akong pini-frame up sa harap ng kanyang mama at pinagmumukha akong masama. At first, I can still deal with her shits in life. Ngunit kalaunan ay nagsawa na ako at ako na mismo ang nag-quit sa trabaho.
Nang maramdaman kong natuyo na ang aking buhok ay tinali ko ito. Sakto namang natapos nang maluto ang kanin. Muli akong sumilip sa sala at tinignan kung lumabas na ba ng silid si Alas. And then boom, wala pa. It's ten minutes past seven at hindi pa rin siya gising.
"Baka napuyat kagabi?" I whispered to myself. Nagpatimpla kasi siya ng kape kagabi so baka ay nagpuyat ito sa kung ano man ang trabaho niya.
I shrugged off my shoulders. Hinain ko ang mga ulam at nilagay ito sa ibabaw ng mesa. Tinakpan ko ito ay nagsimulang hugasan ang mga ginamit ko sa pagluluto. Matapos ay nagtungo ako sa sala at napansin ang jacket na hinubad niya kagabi. Nandoon pa rin iyon. Saka ko napansin ang iilan pang mga damit sa gilid ng tv, sa tabi ng book shelf, at sa iba pang sulok ng sala.
Hindi ko alam na burara pala ang isang 'to.
Umiling lamang ako at isa-isang pinulot ang mga damit na nagkalat sa sala. Kaagad naman akong nagtungo sa banyo at doon ko napansin ang lagayan ng mga labahin kaya doon ko rin nilagay lahat ng mga labahin. Hindi ko tuloy alam kung babymaker ang ganap ko rito sa poder niya o maid o yaya.
Saktong paglabas ko ng banyo ang siyang pagpasok niya sa kusina. Kaagad akong ngumiti. Inaantok pa rin ang mga mata nito ngunit nakabihis na ito ng damit na pang-businessman. Hindi maayos ang pagkakatali ng kanyang tie at medyo basa pa ang buhok nito.
"G-good mornig." I showed him my tight smile. "Uhm, kain ka muna bago pumasok?"
His eyes landed on the table. Nangunot ang kanyang noo at bumaling sa akin. "Anong oras ka nagising?"
"Five," I replied. "Bakit?"
Umiling ito. He cleared his throat. "Sa office na ako kakain."
I bit my lower lip. "Ganon ka ba talaga ka-busy para tanggihan ang biyaya?"
Mas lalong nangunot ang noo nito. "What do you mean?"
"It's food." Iminuwestra ko ang hapag. "Tinatanggihan mo ang pagkain. 'Yung iba riyan sa labas ay halos walang makain tapos ikaw tatanggihan mo lang. Kumain ka muna kahit konti."
Tinitigan niya ako. His blue eyes are like staring right deep in my soul that I have to look away just to calm my raging heartbeat and stop myself from being hypnotized.
"Okay."
Namimilog ang aking mga matang tumingin sa kanya. "Talaga? Maupo ka na. Ipagsasandok kita ng kanin. Do you want me to make you coffee?"
Tipid lamang itong tumango at hinubad ang kanyang suot na business suit. Napangiti ako at kaagad na tumalima ako sa kanyang gusto. Pinagtimpla ko siya ng kape at sinakto ko ang timpla nito tulad kagabi.
"Here's your coffee." Nilapag ko ang tasa ng kape sa mesa. "Kain ka ng marami."
"I want to remind you that I didn't hire you as my maid," malamig nitong ani na aking ikinatigil. "I hired you to be my babymaker."
I bit my lower lip and hang my head low. Nakakahiya 'yon. Pero...
"Ano namang gagawin ko rito? Tumunganga. Hindi ako tamad na tao, Alas. Hindi ako sanay na walang gingawa lalo na't nakikitira lang ako rito," mahina kong sagot. "S-sorry."
I saw from my peripheral vision how he clenched his jaw and said, "Take your seat and eat with me. We'll talk later when I get home."
Tumango na lang ako at sinunod ang kanyang utos. Umupo ako sa upuang na sa kanyang harapan. Nagsimula na itong magsandok ng kanin kaya ganoon din ang aking ginawa nang matapos siya. Tahimik lang kaming dalawa sa hapag. Ewan. Natatakot akong magsalita.
Nang hindi ko na kayanin ang sobrang awkward at katahimikan ng silid ay buong tapang akong nagbukas ng usapan. "B-bakit walang ibang laman ref mo bukod sa mga madaling ma-prito?"
Tumigil ito sa pagsubo at tinignan ako. His blue eyes are very damn hypnotizing! Nakakaakit. Hindi ako magsasawang titigan ang mga mata nito. Ngunit nang mapansin ko ang pagkunot ng kanyang noo, maagap akong nag-iwas ng tingin.
"I don't know how to cook if that's what you want to know. I can only fry," he replied.
Napaawang aking labi sa narinig. I already expected this from him. But a sudden and honest confession from him made me shock as hell.
"Paano? Oily palagi ang kinakain mo?" I can't help but asked.
"Hell, no!" Nalukot na ang ekspresyon nito. "I eat outside. Restaurants."
Wala sa sarili akong napatango. Oo nga pala, marami pala siyang pera. He doesn't need to learn how to cook because he can hire someone to do it for him. Ganyan ang kayang gawin ng pera. Kaya sa mga tulad ko, nagtitiis matuto. But well, wala naman akong pinagsisihan ni konti. At least natuto ako.
"Why not try to buy food stock? Like veggies? I can cook. I'll cook for us." Ngumiti ako.
He clenched his jaw before nodding his head. "Okay. You can use my money and buy outside. I'm busy."
My eyes widened. "H-huh? H-hindi ko kabisado ang pasikot-sikot ng lugar na ito, Alas. B-baka maligaw ako."
Tumigil siya sa pagsubo nang mag-ring ang kanyang phone. Kaagad niyang hinugot ito mula sa kanyang bulsa at tinignan ang phone screen. Buong akala ko ay tatayo ito para angatin ang tawag. Ngunit hindi. Sa halip ay pinatay niya ang tawag at muling nagpatuloy sa pagkain.
Dahan-dahan akong nagsimulang sumubo. Parang nawala ito sa mood dahil sa tawag o dahil sa aking tanong. Either way, I still need to shut my mouth up. Baka singhalan ako nito bigla.
Nang matapos kaming kumain ay kaagad na itong umalis habang ako ay nagligpit at naghugas ng aming mga pinagkainan. Matapos ay nagtungo ako sa sala at umupo sa isa sa mga couch. Humiga ako roon at tumitig sa kisame.
Anong gagawin ko dito?
Kung tatawagan ko si Mayi ay paniguradong na sa school na ito ngayon. Wala ring phone si Nanay dahil si Mayi lang at ako ang meron. Lumang cherry mobile phone lang ang phone ni Mayi, sapat lang para makapag-online siya at makausap ang kanyang mga kaklase sa kanilang groupchat.
Muli akong umupo sa couch at dumapo ang aking paningin sa flatscreen TV na nakadikit sa pader. Biglang sumagi sa isip ko ang manood na lang ng palabas sa TV dahil wala akong magawa. Tumayo ako at hinanap ang remote ng TV. Bahagya pa akong nalito paano ito i-on.
May napindot ako sa remote at bigla na lang na-on ang TV. Nabigla pa ako doon. I shook my head and sighed. Umupo ako sa couch at nanood na lang. Pansin kong na sa cartoon show ito kaya kaagad kong nilipat ang channel. Kahit papano ay hindi naman ako namumundok sa mga ganito. Just like I said, I used to work as a maid, kaya kahit papano'y maalam ako sa ganito.
The channel stopped at the news channel. Ililipat ko na sanang muli nang makita ko ang mukha 'niya'. He's waving his hands in front of the crowd and camera while a smile on his lips. He's having an interview conference.
Saka ko napansing live ito. He's talking with a freaking smile on his lips that I badly want to erase. Bigla akong nakaramdam ng panginginig ng kalamnan nang marinig ang mga usap-usapan ng news anchor tungkol sa kanya.
"Mayor Revamonte is indeed and good husband to his wife and a father of his city," untag ng isang news anchor.
"Yes. Minsan lang ang lalaking kayang hatiin ang oras sa asawa at sa politika. I'm sure he will be a great father to his future kids," replied the man new anchor.
I clenched my jaw. Humigpit ang aking kapit sa remote control habang inaabsorba ang kanilang mga sinabi. I closed my eyes to relax myself for a moment.
A great father? Really? But well, he's really great! Sa sobrang galing nito ay iniwan niya kami sa ere matapos ni Mama mapunta sa loob ng kulungan dahil sa kasalanang hindi naman niya ginawa. She was framed up! A great husband and father my ass. I swear, hahanapin ko ang dahilan ng pagkamatay ni Mama. Hindi ako naniniwalang namatay si mama sa sakit tulad ng kanilang pinalabas sa akin.
"I'll end your good good image soon," I whispered as I looked at the tv screen. "Hindi pwedeng walang laglagan na magaganap, Mr. Revamonte."
But not now. Nag-aaral pa ang mga kapatid ko. Hindi pwedeng maapektuhan ang pag-aaral nila sa mga plano kong gawin sa aming ama.
I chose to switch the channel and tried to relax myself. Umagang-umaga ay sira na kaagad ang aking mood. Sa halip na manood ay nagdesisyon akong tumayo at aliwin ang aking sarili. I turned off the television and started to look for something to keep myself busy.
My eyes landed on the shelf here in his lounge area. Nilapitan ko ito at tinignan ang mga title na baka sakaling makaaliw sa akin. My eyes glued on the certain books. The Law Codal set books. Tatlong maliit ngunit makapal at isang four by six siguro ang size. Umawang ang aking labi sa kanila.
It's a book set for law students!
Magagalit kaya siya kung gagalawin ko ang book collection niya? Baka kasi mahalaga 'to. Kaagad namang bumagsak ang aking mga balikat sa isiping 'yon. I raised my hand and touched the books. Maalikabok na ito. Siguro ay hindi na napapagpagan. Pero kahit ganoon ay makintab pa rin ang pabalat nito.
Siguro h'wag ko na itong galawin. Baka may CCTV pala rito para obserbahan niya ako. Need ko pa naman magpa-goodshot para h'wag niya akong sungitan. Kaya sa huli ay nagdesisyon akong matungo na lang sa banyo para labhan ang mga damit nitong nagkalat sa lapag kanina na aking pinulot.
Hindi ako sanay na walang ginagawa. Gusto kong gumalaw sa mga gawaing bahay dahil ayokong maging pabigat o ano pa man. Siguro ay sa kabaong ko na babawiin ang aking mga kinulang na pahinga. Just kidding.
Nang matapos kong banlawan ay napatingin ako sa labas ng terrace. Hindi ko alam kung saan isasampay ang mga damit na ito kaya't nagpasya akong dito na lang sa loob ng banyo patuyuin. Matapos ay sa labas naman ako. Pinagpapawisan na ako kaya't tinali ko na ang aking buhok. A messy bun you call it.
I started cleaning his whole living area to keep the boredom away. Mamaya ay tatawagan ko si Mayi para kamustahin. Bibilhan ko siya ng bagong phone at laptop para kahit papano'y hindi na siya mahirapan lalo na sa thesis niya at mga iba pang kailangan niyang gawin na may kinalaman ang computer at internet.
Ngunit nasa kalagitnaan ako ng pagpapagpag ng mga unan nang tumunog ang doorbell ng condo. Natigil ako sa aking ginagawa at tumingin sa pinto. Nangunot ang aking noo at wala sa sariling napatingin sa wall clock. Namilog ang aking mga mata nang aking mapansing ala una na pala ng tanghali. Could it be...
Umuuwi siya ng tanghali?
Natataranta akong nagtungo muna sa kusina para silipin kung may kanin pa ba at laking pasalamat ko nang makita kong meron pa, sapat na para sa kanya. Bitbit ang feather duster, nagtungo ako sa pinto at pinihit ito pabukas.
"Hindi mo naman sinabing-" My words vanished into thin air the moment I saw who was outside. "Sino ka?"
"Who are you?"