Share

Kabanata 0005

Author: SenyoritaAnji
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

My eyes roamed all over the place. Naninibago ako. Mas malaki pa ito sa condo na aking binisita sa Cebu bago ako makaalis. Malawak ang espasyo ng sala. May tatlong gray leather couch na adjacent sa isa't isa at pinapagitnaa ng center table na gawa sa salamin. May malaking flatscreen TV ang nakadikit sa pader. Makintab ito, halatang minsan lang magamit at laging nalilinisan. Ang pader naman ay kulay gray. Even the big curtains are painted with gray and gold linings. Hindi ko maiwasang mapangiwi..

This is such a good place for someone to live alone. The marble floors makes me feel shy to walk on them. May artificial flower sa gilid malapit sa TV. There are also books on a six division black shelf. Napaka-minimalist ng paligid. Napaka-lifeless. Mahahalata kaagad na lalaki ang nakatira sa lugar na ito.

"You can use the room on the left," he said. Hinubad niya ang kanyang suot na leather jacket at tinapon ito sa ibabaw ng headrest ng couch.

Bahagya akong nagtaka sa kanyang sinabi. "Hindi tayo m-magtatabi?"

Shit! How dare am I to ask that?! Me and my goddamn mouth!

Tumigil ito sa paghuhubad sa kanyang shirt at nilingon ako. "Why? Do you want to sleep beside me?"

"Hindi!" kaagad kong pag-angal. Malakas na pumitik ang aking dibdib at pinamulahan ako ng pisngi. I immediately looked down due to too much embarrassment. "I mean, ano kasi...uhm..."

"I won't use you everyday just to conceive a baby, if that's what you're thinking.," he said. "I respect your privacy and I'll wait until you adjust living with me. Hindi pa kita gagamitin. Not now."

My lips parted. Hindi na niya ako hinintay pang makapagsalita nang kaagad siyang pumasok sa loob ng kanyang silid. And it was the room on the left. Napabuga ako ng hangin. Napatingin ako sa aking dalang travel bag at binuhat ito. Dumiretso ako sa pintong na sa kaliwa at pinihit ang door knob nito. Napaangat ang aking kilay bago ko ito tinulak pabukas.

Bumungad sa aking ang napaka-plain na desenyo ng silid. Kulay white ang couch at gawa sa white mattress ang nagsisilbing mesa nito sa gitna. Meron ding flatscreen TV ngunit hindi kasing-laki tulad ng na sa labas. The queen sized bed is screaming for luxury! Mataas ang ceiling ng silid katulad sa labas kaya malalaki ang kurtinang kulay gray. I saw a closet and a door, probably leading to the bathroom. Meron ding vanity mirror malapit sa closet.

I roamed my eyes once again in this room. I felt so small inside this place. Halatang-halata ang pagiging marangya ng may-ari ng silid na ito. Bigla ko tuloy naalala ang aking mga kapatid. I can perfectly remember back then whenever Ria and Mayi plays princess things, they acted as if our house is a castle. Siguro mas masaya kapag nandito sila.

Speaking of them, kaagad kong binaba ang travel bag at umupo sa sofa. Hinubad ko ang aking suot na lumang jacket at kinuha ang phone kong de-keypad pa rin. Tinignan ko kung may message ba si Mayi or Kate. Ngunit wala. Siguro ay tulog na ang mga 'yon. Alas dose na rin kasi ng hating-gabi, e. Natagalan kami dahil ma-traffic sa EDSA.

This is my very first time to be in Manila. Wala akong ibang kakilala rito kaya kailangan kong maging mabait at masunurin sa lalaking 'yon. Ubod pa naman siya ng sungit.

I heaved a deep breath and put down my phone. Tumayo ako at nag-inat ng katawan. Muli kong binitbit ang aking travel bag at nilapag ito sa malaking kama. Isasaayos ko muna itong mga gamit ko. Gutom ako dahil hindi ako nakapaghapunan nang galing ako sa Cebu.

Ngunit nang buksan ko ang closet ay nagulat ako nang makitang puno ito ng mga damit. Damit pambabae. At parang kasya ito sa size ko. Bahagya akong napangiwi. Could be it, someone used to own this room before me? Nakakapagtaka rin kung bakit dalawa ang silid ng condo na ito.

Pero tatanungin ko ba siya? May karapatan ba akong magtanong? Baka pilosopohin ako nu'n o 'di kaya ay sungitan. Para pa namang pinaglihi sa sama ng loob ang lalaking 'yon.

Nagbihis na lang ako ng isang pajama na binili ko last year. Maliit na ito para sa akin pero ayos na siguro 'to. At least may nasusuot ako, 'di ba? Pinaresan ko na rin ng isang black na loose shirt bago ako lumabas ng silid. Sakto namang lumabas din si Alas sa kanyang silid. Nagkatinginan kaagad kami.

Saka ko lang napansing nakasuot lamang siya ng boxer shorts kaya't bakat na bakat ang ano. I immediately looked away and red stained my cheeks.

"Uhm, A-alas?" I called.

Nilingon niya ako. "What?" Naglakad siya patungong kitchen area kaya sumunod ako sa kanya, barefooted. Ewan. Gusto ko lang i-feel ang tiles at lamig ng kanyang sahig.

"May mga d-damit sa closet. Hindi 'yon sa akin-"

"Those are yours," he cut me. "I asked someone to buy those for you.

Napaawang ang aking labi habang tinitignan siyang nagkuha ng tubig sa loob ng double door fridge. Nang makahuma ako sa kanyang sinabi ay kaagad akong napangiwi. "Akin? Paano mo nalaman ang body size ko?"

He poured the water on the glass and drank it. Habang umiinom siya ay tumingin siya sa akin. I saw how his eyes eyed me from head to toe. Biglang bumulis ang tibok ng aking dibdib sa kanyang ginawa. I bit my lower lip and took one step back. Umiwas ako ng tingin dala ang pamumula ng aking mga pisngi sa uri ng tingin na kanyang pinapakita.

But I must admit, he looked so damn hot while doing that.

Matapos niyang uminom ay nilagay niya sa sink ang basong kanyang pinag-imnan bago ako sinagot sa aking katanungan. "I can guess a woman's size just by looking at them."

Wala sa sarili akong napatingin sa kanya. Nanliit ang aking mga mata sa realization na marami ng babae ang nadapuan ng kanyang kamay. But on the second thought, maybe it's a normal thing. He's handsome and hot as hell. Imposibling walang mahumaling sa kanya.

'Kaya siya naghanap siya ng probinsyana dahil baka kapag babaeng katulad lang din niya ay mag-stick ito lagi sa kanya. And remind you, he said he doesn't want to settle down,' sulsol naman ng maliit na tinig sa aking isipan.

Make sense.

Napansin kong nakatitig na siya sa aking mukha kaya agad akong tumikhim at naghanap ng ibang maging pwedeng pag-usapan. Saka ko naalala ang balak ko sanang itanong kanina.

"Nga pala, m-may pagkain ba? Nagutom ako sa biyahe, e." Kinamot ko pa ang aking batok dahil sa hiya.

Napakawalang hiya ko talaga.

"There's some raw ingredients inside the fridge. Marunong ka naman sigurong magluto," he replied.

Hindi na lang ako nagsalita pa. I nodded my head and forced a smile. "Ah, o-oo. I know how. Will it be okay if I touch some of your uhm...utensils here?"

Sumandal siya sa kitchen sink. He crossed his arms across his chest and stared aty me. "You'll be living here for about a year. You can touch anything except for what's inside my room."

A year? Pero well, hindi naman siguro kami makakabuo kaagad kung sakali kaya baka nga umabot kami ng halos isang taon.

"Okay," I mumbled and nodded my head.

"I'll left you here. Sleep and we'll discuss further about our set-up tomorrow."

Nang makaalis siya ay kaagad akong sa fridge at nagbukas doon. Nahihiya ako sa kanya, okay? Pero gutom ako. I need to fill in my stomach dahil ayokong magka-ulcer. Nabungaran ko naman sa loob ang napakadaling lutuin, ang hotdog.

Huh? Raw foods? Raw food nga! Hotdog, bacon, eggs, at ang mga madaling prituhing mga pagkain! Wala ba siyang pagkaing matino? Puro ba oily kinakain niya?

Pinilig ko ang aking ulo at kinuha na ang hotdog para magluto. Medyo marunong naman ako gumamit ng stove kaya hindi ako masyadong tanga. I tied my hair first before I finally started doing what I have to do. Binalatan ko muna ang tatlong pirasong hotdog. Tatlo lang kinuha ko dahil siguro naman ay nakapaghapunan na siya bago nagpuntang airport.

'Pero what if tulad ko ay hindi rin siya kumain?' tanong ng aking konsensya.

Napangiwi ako. What if nga? Nakakahiya naman kung tatanungin ko siya kung kakain ba. Siguro dadagdagan ko na lang aking lulutuin.

At iyon nga ang aking ginawa. I added to more hotdogs before frying it in the pan. Sinilip ko rin ang kanyang rice ngunit at muling ngumiwi. Walang nakasalang na pagkain. Geez. Anong use ng pagluluto ko ng ulam ,e wala naman palang kanin.

I am left with no choice. Isa-isa kong hinanap ang rice jar niya sa mga kabinet sa ibabaw ng sink. Nahanap ko ito sa pangatlong kabinet. Kaagad akong nagsalang ng kanin at nagpatuloy sa pagpiprito ng hotdog. Nakakaramdam na ako ng antok. Parang gusto ko na lang umidlip sa kama at bukas na lang kumain.

Pero anong magagawa ko? Naluto na ang kanin at luto na rin ang hotdogs.

So ano? Pupuntahan ko ba siya? Should I ask him to come and join me? Hindi ba nakakahiya 'yon? Baka magsungit. O baka ay nakatulog na ito. My eyes landed on the wall clock. Ala una na ng madaling araw. Baka tulog na nga ito. Mahirap pa naman kapag nadistorbo ang tulog ng mga taong mabilis uminit ang ulo.

Na sa kalagitnaan ako ng pagtatalo sa aking isipan tungkol sa paggising o pag-aya sa kanyang kumain nang makarinig ako ng mga hakbang papalapit. Muntikan na akong mapatalon nang bigla itong sumulpot sa aking tabi.

"A-alas," I uttered. Shit! Feeling ko panandaliang humiwalay ang aking kaluluwa mula sa aking katawan.

"Why are you still standing here? I thought you're hungry?" he asked. Naglakad ito patungo sa isang kabinet sa ibabaw ng sink at binuksan ito.

I bit my lower lip. "Uhm, p-pupuntahan sana kita para kumain. K-kumain ka na ba? I know it's beyond dinner time but this is still dinner."

I figetted my fingers behind me while looking for him and waiting for answerr. Nilingon niya naman ako.

"No. I haven't eaten yet," he replied coldly.

Namilog ang aking mga mata. "Hala, saluhan mo na ako. Hotdog lang naluto ko kasi ano...uhm, wala kasing ibang pagkain sa fridge mo."

He nodded. May kinuha siya sa kabinet at saka ko lang napansing kape ang kanyang kinuha. Nagmadali akong nagtungo sa lagayan ng mga pinggan at nagkuha ng dalawang plato, kutsara, at tinidor.

"Hali ka," pag-aaya ko rito.

Buong akala ko ay tatanggi ito. Ngunit hindi. He nodded his head and sat on the table, bringing his emptry cup and a bottle of coffee powder.

Mariin kong kinagat ang aking labi. "G-gusto mo ipagtimpla kita?"

I need to be kind, okay? Kasi baka sakaling taasan niya ang perang ibibigay sa akin, 'di ba?

Nangunot ang kanyang noo kaya't agad akong kinabahan. Baka kasi kung anong salita na naman ang lumabas sa bibig nito. But well, so far, wala pa naman siyang salitang nasabing masakit sa aking pandinig.

"Okay," he said and nodded his head. "Just put a two teaspoon of sugar."

That brought a smile to my lips. Kaagad kong sinunod ang utos nito at nagtimpla ng kape. I used to work in a coffee shop before. Matagal-tagal na rin 'yon. Maybe way back...two years ago? I don't know. Basta ay nadaanan ko na ang mga trabaho para lang kumita at mabuhay.

After making him coffee, I politely placed it about the table on his left. Wala akong narinig na salamat mula sa kanya kaya hindi na rin ako nag-antay pa. I need to always remind myself that he's rich. Thank you's and sorries are the most rare words you can hear from them.

Naupo na ako sa upuang kaharap niya. I watched him took a sip of his coffee. Hindi ko alam kung bakit ako nag-aabang ng reaksyon sa kanya. Ngunit nang tumango-tango ito ng bahagya ay napangiti ako. I started putting rice on my plate. Nagtusok din ako ng isang hotdog. I made the sign of the cross before eating.

"Fairy..."

Bigla akong nabilaukan nang bigla nitong banggitin ang aking pangalan sa gitna ng aming tahimik na pagkain. Maagap niya akong binigyan ng tubig na agad ko namang tinanggap. Iininom ko muna ito habang hawak ang aking dibdib.

"What happened?" kunot-noong tanong nito.

I looked at him. My eyes are a little teary after coughing so hard. Nilunok ko muna ang aking ininom na tubig bago siya tinignan na nakakunot din ang noo. "W-why are you calling me that name?"

Mas lalong nalukot ang ekspresyon nito. "Why? Did you forbid someone to call you that name?"

Kinagat ko ang aking ibabang labi at mabilis na umiling. Pinahiran ko ang tubig sa gilid ng aking labi. "Hindi naman. N-nakakapanibago lang."

Ang awkward ng pangalang 'yon! Napaka-girly! Saka hindi naman ako mukhang fairy, e. I looked like a freaking ugly witch.

"Then starting from now, you should get used to be called that way. Because starting from now on, I'm calling you Fairy," he then mumble something that didn't reach my ears. "...my Fairy."

Ano raw?
Comments (9)
goodnovel comment avatar
Honey Vinas
ganda Ng story
goodnovel comment avatar
Myra Garilao
nice.I like this
goodnovel comment avatar
8514anysia
and I like the character of Aya.msyadong prangka wlng kplastikan hehe......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0006

    Maaga akong nagising kinabukasan dahil sa kaba. Kaagad akong nag-iwan ng text kay Mayi saka ako bumangon at naligo. Naninibago pa rin ako sa aking tinutuluyan sa kasalukuyan. Ang malambot na kama na siyang nagpahimbing sa aking tulog. Ang silid na hindi masakit sa ilong ang amoy. Walang amoy mula sa

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0007

    "Sino ka?""Who are you?"Halos sabay kaming bumigkas noon. Magkasalubong ang mga kilay nito na para bang may galit na nakatingin sa akin. His piercing black eyes are telling me he's also a friend of my boss- Alas. Parehas kasi silang nakakunot-noo, e. Hindi imposibleng magkasundo sila."Uhm, ano...

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0008

    Hindi ko maiwasang matawa ng mahina sa klase ng pananalita nito. Ito ang nagustuhan ko sa aking mga kapatid. Malalahanin. Nag-aalala siya para sa akin and I think that's the most precious thing I would treasure forever."Ano ka ba. Mayi. Ayos lang ako rito. Kayo ang inaalala ko. H'wag kakalimutang b

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0009

    "You still cook this kind of dish even if you lack ingredients," he said.Napatingin naman ako sa sinabawang isda saka ako muling nag-angat ng tingin sa kanya. "Laki ako sa hirap, Alas. Kailangan kong gumawa ng diskarte para manatiling buhay. Saka, nakakasawa rin kaya kapag puro oily kinakain mo. Hi

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0010

    Magdamag na dilat ang aking mga mata at nakatitig lamang ako sa ceiling ng silid na aking tinutuluyan. Pinilig ko ang aking ulo at mariiing pinikit ang aking mga mata. Kahit yata tumambling ako sa kama ay hindi pa rin ako makatulog. Dakong alas tres na ng umaga. Hindi ko alam kung anong nangyayari s

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0011

    "Ah, oo. I remember." Kinusot ko ang aking mga mata.Kaagad naman siyang tumango. "Great! I'll be outside to wait for you. Please make it fast because we still have loads of works to do and I do hope you'll cooperate with me."See? Masungit nga ito. Nakaka-intimidate ang kanyang aura nito at nakakap

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0012

    I stepped inside the car and fastened my seatbelt and looked outside the window. I can't help but feel amaze with the woman beside me. She screamed elegance and I definitely can feel it. Kahit pa assistant lang ang trabaho niya ay para itong boss sa kanyang sariling oras."We'll head to the hospital

    Last Updated : 2024-10-29
  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0013

    Pagdating namin sa ospital ay kaagad akong sinalang sa kung ano-anong test. Hindi ko alam kung ano ang resulta ng bawat tests at wala na rin akong balak pang alamin. Mataas ang kompyansa kong wala akong mga karamdaman, ni high blood ay wala ako. Iinit lang ang aking ulo ngunit hindi naman siguro 'yo

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0292

    Lumala ang naging usap-usapan. Binigay sa ‘kin ni Mayor ang mike kaya wala akong ibang choice kundi ang tanggapin ito. “Good evening, everyone.” Saad ko sa garalgal na tinig. “I know what you heard right now shocked you. Yes, Mayor Anton Revamonte is our father… Gusto ko lang sabihin na… Pa….” Kit

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0291

    Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko alam ngunit pansin kong parang naiiyak siya. Nangunot ang aking noo. “Tonight’s celebration is also a celebration for the people who came back into my life. Kaya ko kayo tinipon lahat dahil gusto kong malaman niyo na… isa akong disappointment,” he said. “I did

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0290

    “Maia, ikaw ba ‘yan?” Napatingin ako sa pinto nang makarinig ako ng boses at bumungad sa ‘kin si Nanay na nakasuot ng isang royal blue dress. Bagay ito kay nanay at para siyang bumata sa make up na suot niya ngayon. Mahina akong natawa at hinarap siya. “Mukha na po ba akong artista nito, Nay?” Sh

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0289

    Kanina pa kami nag-uusap patungkol doon sa buhay ko. Matagal ko ng make up artist si Golden. Hindi ko alam kung paano kami muling nagkaroon ng koneksyon matapos ng interaction naming sa kasal ni Neon noon. Alam ni Golden ang mga nangyayari sa buhay ko. Mabait naman siya kaya hindi mahirap pagkatiwa

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0288

    “I’m formally asking her hand, Sir, before she arrives here.” Buo ang aking boses kahit na kabado ako. Tonight, I decided to spend the rest of my life with her. I wanted to be with her. I want her to remain in my arms. Hindi na ako papayag pang malayo siya sa ‘kin. It took me some time to finally r

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0287

    “I want you to stay away from her after she give birth to your heir, Alas.” Buong-buo ang boses ni Sir Nathan nang makapasok ako sa loob ng kanyang library. “Is this the reason why you call for me?” bagot kong sagot. “Pera lang ang habol ng babaeng ‘yon sa ‘yo.” Umupo ako sa couch at tinignan siy

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0286

    Dahil sa suhistyon na ‘yon ni Lucy ay agad akong napaisip. He’s right. Then I’ll just make some contract na sa oras na mailabas niya ang bata ay hindi na niya ito hahabulin, neither can she can come near the child. But I need one with good genes. I don’t want to waste my genes. Matapos ng usapan n

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0285

    The phone vibrated above my desk but I’m not in the mood to accept any call right now. I’m still busy reviewing some files from my last business trip in Hawaii. I feel like something wrong happened there and I’m unaware of it. My door suddenly burst open and I saw Josia walked in. Agad ko itong kin

  • The Billionaire's Babymaker    Kabanata 0284

    They all look beautiful in their gowns. Si Nicho ay naka-suit habang si Nixie ay nakasuot ng isang matching gown na binili sa ‘min ni Alas. I don’t know what’s wrong with him kung bakit siya pa talaga ang namili ng magiging gown namin ni Nixie. “Sigurado ka bang susunod ka, Ate?” muling tanong ni M

DMCA.com Protection Status