Hinimas ko ang kanyang noo. Muli siyang umubo kaya agad ko itong dinaluhan ng panyo. Awang-awa na ako sa kanya. Kung pwede ko lang sigurong ilipat ang sakit na nararamdaman niya sa akin ay matagal ko nang ginawa. Nasasaktan akong makita siyang ganito. Na nahihirapan at pilit na lumalaban para lang mabuhay.
"H'wag ka ngang umiyak. Hindi pa ako mamamatay," she said.
Saka ko lamang napansing pumapatak na ang luha sa aking mga mata. Yumuko ako at pinahiran ang aking pisngi gamit ang likod ng aking palad. I sniffed and cleared my throat. Pinilit ko ang aking sariling ngumiti at bumuntong hininga.
"Sinabi sa akin ni Mayi na hindi ka raw po kumain," I said.
"Paano ko kakainin 'yon e mas kailangan ni Maria ang kumain. Nagpunta si Estong dito kanina at kinain ang mga pagkaing nasa mesa." She coughed again. "Tapos ikaw, bakit ka pa nandito? Huwg mo na nga ako alalahanin, Maia. Kaya ko na ang sarili ko. Inaaksayahan mo lang ang oras mo kakabantay sa akin sa halip na kumayod at kumita ng pera panggastos mo kay Mayi at Maria."
Umiling ako. "Nanay, naman..."
"Hindi mo ako totoong ina, Maia. Alam mo 'yan. H'wag ka nang mag-alala pa sa akin."
I bit my lower lip and shook my head. "Ikaw ang ina namin. Kahit anong sabihin mo, ikaw pa rin ang kikilalanin naming ina."
Nag-iwas sa akin ng tingin si Nanay Telma at muling umubo. Hinagod ko ang kanyang likod at mapait na ngumiti. That's right. Hindi siya ang aming totoong ina. My mother died inside the prison way back when I'm still twelve. Nakulong siya sa salang hindi siya ang may gawa. She's defenseless. She's weak and fragile. She was beat up by the other prisoners as well and that led to her death. Magmula noon ay si Nanay Telma na ang kumopkop sa amin ng dalawa ko pang kapatid. Si Mayi na apat na taon ang kinabata sa akin at si Maria na anim na taong mas bata sa akin. In short, I'm the eldest and probably the responsible to give them a better future.
A father?
Wala kami nu'n. We are the illegitimate daughters of Anton Revamonte. Ngunit nang mamatay si Mama, kasabay noon ay bigla nitong pag-alis sa Pinas at nang bumalik, parang hindi na kami nito kilala. He married a daughter of a politician and now he's the Mayor of Cebu. Wala siyang sustento sa amin at wala rin akong balak ipakilala ang mga kapatid ko sa kanya. I blamed my father for my mother's death. Ang mga Revamonte ang dahilan kung bakit nakulong si Mommy na walang sala. Not even our assh-le father tried to save our mother.
He's a total jerk. Bata pa lang sila Mayi at Maria nang mga panahong lagi niyang dinadayo si Mama. Anak kasi si Mama sa hirap kaya nang malaman ng mga Revamonte'ng may namamagitan sa kanilang nag-iisang unico hijo, kaagad nilang tinugis si Mama. I can still perfectly remember how my mother defended herself against the false accusations the Revamonte's accused her. Bata pa lang ako noon kaya hindi ko pa masyadong naiintindihan ang mga bagay-bagay. But now, I want to understand further. Hangga't buhay ako, hindi pwedeng hindi ko ipaghihiganti si Mama. Hindi deserve ng lalaking 'yon ang kilalaning ama namin. Ayokong masaktan ang feelings ng mga kapatid ko sa isiping illegitimate children kami ng aming ama.
"Bakit ba kasi ayaw mong lumapit sa ama mo? Para hindi ka na mahirapan pa lalo na sa pangngangailangan niyo ng mga kapatid mo," she said.
Umiling ako. "Ayokong manghingi ng abuloy mula sa taong 'yon, Nanay. Wala nga siyang nagawa dati sa pagkamatay ni Mama, ngayon pa kaya?"
Palaging ito ang gustong mangyari ni Nanay Telma. Ang lumapit ako sa aking ama at magpakilala at manghingi ng tulong. But I don't want that. I don't want to call him or even hear his name ever.
"Ano ka ba naman, Maia, ilang taon na ang lumipas, e. Walong taon na ang nakalipas. Mag-move on ka na."
Hindi ako sumagot. Sa halip ay inayos ko ang aking magulong buhok at muli itong tinali. Tumayo ako at niligpit ang mga gamit na nagkalat sa mesa ni Nanay Telma. She should be in the hospital right now but we can't even afford a single tablet of her medicine. Gustong-gusto ko siyang ipa-ospital ngunit nababaon na kami sa utang. Alam kong magagaling pa siya ngunit sabi ng doktor na aming nilapitan dahil sa isa kong nakilalang naawa sa akin, kapag hindi ko raw naagapan ang sakit ni Nanay baka lumala ito. Pneumonia can be deadly at times.
"Baka wala ako mamayang gabi para magbantay sa inyo, nay. Si Mayi na lang muna ang mag-aalaga sa inyo," I said.
Mayi is already sixteen and she's already in grade ten, while Maria is fourteen and she's in grade eight. Ina na rin'g talaga ang aming turing kay Nanay Telma dahil hindi niya minsang pinaramdam sa amin na hindi nya kami totoong anak. She loves us the way our mother did to us. That's why I value her so much.
"Ano ka ba. Dapat matulog nang maaga si Mayi. Kita kong naiiyak ang kapatid mo kagabi kakaintindi sa research umano niya. Hindi ko maintindihan. Hindi ko alam ang mga aralin na 'yan, e kaya 'di ako makatulong," she said.
Natigilan ako. Mayi is very emotional among the three of us. Mabilis lang itong maiyak kaya natatakot akong sabihing buhay pa ang ama namin at kasalukuyang masaya na ngayon sa kanyang 'legal' na pamilya. I don't want my sisters to feel unloved. I treasure them so much.
I heaved a very deep breath and nodded my head. "Ako na bahala sa research paper niya mamaya pagkauwi ko. Dito ko pa rin siya papatulugin."
Umiling sa aking si Nanay. "Ang tigas talaga ng ulo mong bata ka."
Nginitian ko na lang ito. Nagpaalam muna akong lalabas saglit para bumili ng sardinas para may pang-ulam kami ngayong gabi. Nagbihis muna ako ng isang baggy jeans na napaglumaan na at isang sando na sabi ni Nanay ay pag-aari ni Mama. Luma na ang mga damit ko. Kadalasan ko kasing binibilhan ng damit ay si Mayi at Maria. Wala na akong halos mabili para sa aking sarili.
Financial crises is the reason why I dropped my college. Masyadong mahal ang pangarap kong kurso. Hindi kaya ng bulsa ko. Ako rin kasi ang nagpapaaral sa aking dalawang kapatid kaya kahit anong trabaho na lang pinapasok ko.
"Hi, Maia! Kamusta ka?" pagbati sa akin ng isa sa aming kapitbahay.
Saka ko lang napansing marami pala ang mga tao dahil may laro ngayon sa basketball para sa papalapit na fiesta ng aming lugar.
"Ito, stress kakahanap ng trabaho. Ang daming dayo, ah?" pamumuna ko.
Tumango ito. "May laro pa kasi ng pagkatapos nito. Championship sa gabi ng fiesta. Hindi ka ba manonood?"
I shook my head. Bumili muna ako ng sardinas sa tindahan bago muling sumagot sa aming kapitbahay. "Hindi, e. Kailangan kong kumayod, Jeppy. Alam mo naman ang buhay ko, 'di ba? Kaya todo ako sa paghahanap ng trabaho."
Medyo malapit ako sa aming mga kapitbahay. Lalo na sa mga tambay na nadadaraanan ko. Sila kasi minsan ang mga nagtuturo sa akin kung saan may hiring o ano. Minsan sila rin ang nagbabantay kay nanay kapag wala kami ng mga kapatid ko. Mabait kasi si Nanay sa kanila kaya sinusuklian rin nila' yon ng kabaitan.
"Bakit 'di ka lumapit kay Kate ? Maraming alam na raket 'yon. H'wag ka lang papabugaw. 'Yung matinong trabaho hanapin mo. Gago pa naman minsan 'yong baklang 'yon,"
I chuckled. "Saka na siguro. Marami pa rin akong mga trabaho, e."
Nagpaalam na ako sa kanya na uuwi na dahil baka nakauwi na ang aking mga kapatid. Kailangan ko pang bilinan si Mayi na bantayan si Nanay at ako na lang ang gagawa sa kanyang mga projects mamayan. Kawawa naman.
Ngunit hindi si Mayi ang aking naabutan sa labas ng aming bahay, kundi isa sa ma inutangan ko rati para maipangbili ng gamot kay Nanay. Nasapo ko ang aking noo at napahilot sa aking sintido. Lumapit ako rito at hinanda ang aking pilit na ngiti.
"Oh, Maia, nandito ka pala. Kamusta na?" Binuklat nito ang kanyang pamaypay at tinaasan ako nito ng kilay.
"Ah, Madam Auring, pasensya na po talaga. Wala pa po akong pera ngayon, e." I bit my lower lip.
Tumaas ang kilay nito at tumigil siya sa pagpaypay sa kanyang sarili. Buong akala ko ay talagang tatarayan niya ako.
"Alam mo, Maia, naiintindihan kita. Ngunit alam mo naman, negosyo 'yan, e. 'Yung lending na 'yan ay hindi akin. Ako lang ang inatasan. Kapag mas lalong tumatagal na hindi nababarayan, mas lalong lalaki ang interest. Baka mas lalong hindi mo mabayaran."
Napayuko ako dahil doon. Mabait naman si Madam Auring, ngunit tama siya. Masyado nang nagiging malaki ang perang inutang ko kung hindi ko ito babayaran.
"Ano po...hahanap po ako ng paraan, Madam. Babayaran ko po 'yan bago matapos ang linggong ito po," I said.
Shit! Saan ako hahanap ng sampung libo sa loob ng isang linggo? Lunes ngayon kaya mahaba pa ang panahon pero...saan?
"Sige, ha. Aasahan ko 'yan." She tapped my shoulders. "Malalampasan mo rin ito, Maia."
Nang makaalis siya ay sunod-sunod akong napamura.
So saan ako hahagilap ng pera?
--
Umupo ako sa kama at pinanood ang mga kapatid kong humihilik at yakap ang isa't isa. Mapait akong napangiti. I feel so sorry for them to feel this kind of poverty. Na kinkailangan pa nilang tipirin ang sarili para lamang mabuhay.
Pinahiran ko ang luha sa aking pisngi bago nagdesisyong lumabas muna sa aming silid at natungo sa isang upuang yari sa kahoy. Hinugot ko ang aking pitaka at kinuha ang perang nasa loob nu'n. Kakasahod ko lang sa dalawa kong pinagtatrabahuan. Isa akong waitress sa isang bar tuwing gabi at isa akong kusinera sa umaga sa isang kainan sa tabi ng terminal ng bus tuwing umaga. Disenteng bar naman ang pinagtatrabahuan ko. Walang stripper o ano man.
"Kulang pa," I uttered.
Limang araw na ang nagdaan magmula nang nangako ako kay Madam Auring na babayaran ko siya sa utang ko. Kulang na kulang ang aking pambayad. Eight thousand lang ang pera ko. Ang sinahod ko. Paano ba naman kasi, panay ang cash advance ko para pambili ng gamot ni Nanay at pambili sa mga kailangan nila Mayi at Maria.
"Ate..."
Halos mapaigtad ako sa aking kinauupuan sa tinig na 'yon. Sapo ang aking dibdib, nag-angat ako ng tingin sa nagsalita. "Mayi, naman. H'wag kang mambibigla."
Lumapit ito sa akin at tumabi sa akin ng upo. Nagulat ako nang abutan ako nito ng kanyang lumang wallet. "Ito po, oh. Pandagdag sa ibabayad niyo kay Madam Auring."
"Ano?" I looked at her wallet first before pushing it back to her. "You needed this the most, Mayi. Ano ka ba? At saan galing ang perang ito? Hindi mo ba binibili ng pagkain ang baon mo tuwing lunch breaks?"
Tipid siyang ngumiti. "Narinig ko po kasi kayong nagkausap ni Madam noong lunes. Saka alam ko pong hindi sapat ang perang sinahod niyo kasi mahal ang mga gamot ni nanay kaya, Ate..." Kinuha nito ang kamay ko at doon nilagay ang kanyang wallet. "Tanggapin niyo na po 'to. Konti lang po 'yan pero alam ko pong makakatulong po 'yan sa inyo."
I sighed. Tinignan ko ang laman ng kanyang wallet at parang nadurog ang aking puso sa nakita. Laman noon ang perang lagi kong binibigay ko sa kanya sa pang-araw araw.
"Rumaraket din ako sa school, Ate. Tumutulong ako sa pagtitinda sa canteen tapos every Friday ako sinasahuran ng school."
I feel like someone pinched my heart. Muli kong binalik sa kanya ang wallet at hinawakan ko ang kanyang pisngi. "Gamitin mo ang perang ito para sa mga kinakailangan mo, Mayi. Hayaan mong ako ang humanap ng paraan para masolusyunan ang mga problema natin."
"Pero, Ate-"
"Matulog ka na. May lalakarin ako ngayon. Bantayan mo si Ria at nanay, ha."
Sinimangutan ako nito. Nginitian ko na lang siya at hinalikan ang kanyang noo saka ako tumayo. I checked the time on my very old Nokia phone and bit my lower lip. Paniguradong gising pa ngayon sila Kate.
"Saan ka pupunta, ate?"
Nilingon ko ito at nginitian. "Raraket ulit ako, Mayi. Diyan ka muna. Matulog ka na rin."
Kaagad akong lumabas ng bahay at dumiretso sa madalas tambayan ni Kate kasama ang kanyang kapwa 'man with a woman's heart.'
Nang mamataan ko si Kate kaagad akong lumapit.
"Aya, tagay!" alok sa akin ng isang bakla.
Umiling ako. "Pass muna. Si Kate lang sadya ko."
They all nodded their head while Kate stood to come near me.
"Bakit, Maia?" Naglakad kami palayo kaunti sa mga maiingay niyang kasama.
Nang huminto kami ay humarap ako sa kanya. "Nakakahiya man, Kate, pero wala na talaga akong pwedeng lapitan, e."
"Ano ba kasi 'yon? Baka matulungan kita."
"May alam ka bang trabaho?" diretsa kong tanong. "'Yung malaki ang sahod sana, Kate? Kahit ano. Kahit paglilinis ng banyo, pwede ako. I really need money right now, Kate. May alam ka ba?"
He held his chin as if he's thinking. "Wala akong alam na trabahong malaki ang sweldo. Pero nabanggit sa akin ni Laurel na 'yung pinsan niya ay may kaibigang naghahanap ng ano..."
"Ano?"
"Babymaker." Kinamot ni Kate ang kanyang sintido. "A money in exchange for a baby."
Napaawang ang aking labi. "A-are you serious? Kate, naman. Kailangan na kailangan ko ang pera."
"Wait lang tawagin ko siya."
Umalis muna ito sa aking harapan at nagtungo pabalik sa kanilang tambayan. Nang makabalik siya ay may kasama na siyang isa pang bakla.
"Laurel, ito si Aya. Naghahanap daw siya ng trabaho. Maia, ito naman si Laurel. 'Yung sinasabi ko sa 'yo."
The gay named Laurel eyed me from head to toe. "Maganda ka. I'm sure pasado ka sa taste niya."
Nangunot ang aking noo. "Ano?"
"Kaibigan ng pinsan ko ay naghahanap ng babymaker. Kapalit ng isang malaking halaga."
My brows raised. "You mean...a baby in exchange of money?"
He nodded. "He's looking for someone to give him a baby...with good genes of course. Kung papayag ka, I'm pretty sure papasa ka kaagad sa kanya. Gusto kasi nu'n ng probinsyana kasi alam mo na...never been touch pa ganon."
I bit my lower lip. "M-magkano ang perang makukuha ko kung sakali?"
"Upon signing the contract, siguro mga half a million? Tapos kapag naipanganak mo na ang baby, saka ibibgay sa 'yo ang the rest na two million and five hundred thousand. Ano? Deal ka ba?"
Umawang muli ang aking labi sa narinig. It means...three million ang makukuha ko?!
Ngunit kapalit noon ang pagdadalang-tao ko. Kaya ko bang i-surrender ang bataang iniingat-ingatan ko?
"O-Oo. Makukuha ko ba agad ang pera kapag nakapirma ako ng kontrata?"
I saw how his face brightened after I said yes. "Yes, sis! Oh em gee! Sigurado ka ba? Hindi ka aatras?"
Napalunok ako.
"Pag-isipan mo nang mabuti, Maia." Wika ni Kate na nakikinig sa amin.
I fidgeted my fingers behind me . Naisip ko bigla sila Nanay, ang kinabukasan ng mga kapatid ko, ang mga utang namin. Sapat na ang tatlong milyon para bayaran ang aming mga utang at mapagamot si nanay.
Slowly, I nodded my head. "Oo."
Malakas na pumalakpak si Laurel at nilahad sa akin ang kanyang phone. "Pakilagay ng mobile number mo at nang matawagan kita bukas na bukas."
Nanginginig ang mga kamay kong nilagay ang aking number sa kanyang phone at mariing kinagat ang aking ibabang labi. As I handed him his phone back, I silently whispered to myself.
"Sana tama itong desisyon ko."