Sa pasilyong iyon ng malamig na ospital, nauulinigan ni Sapphire ang mga tinig ng naghaharutang mga nilalang ilang metro ang layo mula sa kanya, kung saan siya ay nag aabang na matawag para sa kanyang prenatal check-up.
“Ano ka ba.. Baka may makakita sa atin.. Nakakahiya,” malambing na saway ng babae sa lalaking pilit yumayakap sa kanya sa sulok. “Saka ano ka ba.. Kapag lumaki ang anak mo at nalaman na ganito ka kalibog, pagtatawanan ka non..”
“Okay lang yan.. Wag mo silang alalahanin.. “ hinahalik halikan ng lalaki ang babaeng iyon na sa unang tingin ay mapapakamalan na mag asawa. Naglalambingan sila sa sulok na tila walang pakialam sa mga makakakita sa kanila.
Ang nakakaakit na usapang iyon ay talagang tumawag sa kanyang atensiyon. Hindi niya mawari kung ano ang humihila sa kanyang mga paa, upang baybayin ang lugar kung saan ang mga tinig na iyon ay nagmumula.
Malapit na siya, ngunit binabalot siya ng kaba, at pagdadalawang isip. Parang ayaw niyang malaman ang nangyayayi, subalit sabi ng kanyang utak, ay kailangan niyang makita ang kaganapang iyon..
Sumunod ang isang tinig na lalong mas nagpatindi ng kanyang hinala kung sino ang mga iyon, “hindi niya ako maaaring pagtawanan.. Sasabihin ko na lang sa anak natin, na ikaw ang pinakamamahal kong babae, wala ng iba..”
"Dexter.. Sana– sana totoong anak ko na lang ang baby. Kasalanan ko ito, bakit kasi mahina ang pangangatawan ko..” malungkot at mahina ang tinig ng babaeng iyon. Ramdam ang sakit na hindi maipahiwatig sa bawat salitang binitiwan.
"Si Sapphire at ikaw ay magkapatid na tunay. Ang anak na ipapanganak niya ay kalahating dugo mo rin, at siya'y isang kasangkapan lamang para magbigay ng itlog at sanggol sa sinapupunan. Hindi ko siya hinawakan. Hindi ko siya inangkin. Tayong tatlo ng magiging anak natin ay tunay na pamilya, hindi mo na kailangang mag-alala. Ikaw ang magiging ina ng aming magiging anak."
Si Sapphire ay labis na nanlambot, at napahawak sa malamig na pader. Ang kanyang naririnig ay isang palaso na tumutusok sa kanyang puso. Kasing lupit pa ito ng isang latigo na inihaplit sa likod ng isang alipin.
Kung hindi niya narinig ang lahat, hindi niya malalaman na ang kanyang asawa na itinuturing siyang basura, at hindi man lang pinaglalaanan ng oras at pagkakataong magkasama sila, ay ganoon kalambing at kaalaga sa ibang tao, at sa mismong kapatid pa niya.
Ang kabaitang iyon, ay umabot pa sa punto, na akala nito ay papayag siyang ibigay ang kanyang anak sa kanyang kapatid. Ganoon nito kamahal ang babaeng iyon, samantalang siya ay isang hangin lamang dito.
"Pero mahal na mahal ka ni Sapphire, alam mo yan. Palagi niyang sinasabi sa akin ang tungkol sa bagay na iyan,” sagot ni Emerald kay Dexter."
Hindi na natapos pa ni Emerald ang kanyang mga nais sabihin, ng biglang lumitaw si sapphire sa kanyang harapan. Ngumisi ang kakambal sa kanilang harapan, at ng tumiging ito sa kanya, ay parang nananalamin lamang siya.
Ang simpleng puting damit na suot ni Sapphire, ay nagbibigay sa kanyang nakakaakit na kagandahan, kahit pa siya ay buntis na. Ang kanyang mga mata ay nag uulap, na anumang oras ay babagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
Ngunit kasabay ng kanyang madilim na anyo at matatag na hakbang, nakuha pa talagang magpasaring ng lalaki sa kanya.
“Kung mahal niya ko, ano namang pakialam ko dun?” pambabalewala nito sa kanyang damdamin.
Bago pa makapagpatuloy sa pagsasalita si Dexter, ang kanyang mga binti ay nagmamadaling lumapit kay Emerald, na naginginig sa takot at kinakabahan ng sobra. Hinagod niya ang likod nito.
Agad na rumehistro sa kanyang mga mata, ang pigura ni Sapphire na namumutla at halos wala ng dugo, habang nakatingin sa kanilang dalawa ng kakambal nito.
Pagkatapos, ay dahan dahang niyakap ni Dexter si Emerald at inaalo alo, saka tinapunan si Sapphire ng isang mapanuyang ngiti, “narinig mo ba ang lahat ng sinabi ko, at lahat ng pinag usapan namin kanina, ha?” halos ang tinig na iyon ay mahina, subalit sapat na, upang mapuno ang tainga ni Sapphire at mabingi ito.
Nakatingin ang babae sa tanawin ng dalawang taong nagmamahalan, na siya namang nagdudulot sa kanya ng labis na pasakit. Kinuyom niya ang kanyang mga kamao, at pinipigilan ang kanyang sarili na magwala ng mga oras na iyon.
Bago pa siya makapagsalita, kumawala na si Emerald sa braso ni Dexter at nagmamadaling lumuhod sa kanyang harapan, hinawakan ang kanyang kamay at nagmamakaawa, “please, sorry, makinig ka muna sakin.. Nakikiusap ako..” umiiyak na pakiusap nito sa kanya.
Sakit ang tanging bumalot sa buong katawan niya, kaya minabuti na lang niya na itulak ang kanyang kakambal palayo.
Inilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang stiyan, at sinuportahan ang batang nasa loob ng kanyang sinapupunan, “Dahil ba sa hindi maaaring mabuntis si Emerald, pumayag kang magpakasal sakin, para magkaanak ka ng kamukha niya?” may halong lungkot ang kanyang tinig, at ang kanyang mga mata ay parang yelo sa lamig..
Habang tinitingnan siya ng lalaki, hindi ito makapaniwala na ang isang katulad niyang napakabait at submissive na babae, na palaging may alay na ngiti sa dito, ay magkakaroon ng ganito kabayolente na mukha. Napangisi siya na may halong pagkasuya, Alam mo ba kung nasaang lugar ka? Ang ingay mo, hindi ka na nahiya.”
"Kung hindi kayo nahihiya,bakit ako mahihiya?" Galit na galit na nanginginig si Sapphire habang bumubuhos ang mga luhang nakatingin sa mga ito. “Ang kapal naman ng mga mukha niyong maglandian dito, at kapag nahuli kayo, sasabihan niyong hindi ako nahihiya? Wow naman.. Kakapal ngmga mukha niyo!”
Nang makarecover, lumapit si Emerald sa kapatid, at hinihila ang manggas nito habang nakaluhod. Nagmamakaawa ng husto.
“Please.. Sapphire. Maa—” hindi na naituloy ng babae ang kanyang sasabihin, dahil biglang dumapo ang palad ni Sapphire sa kanyang mukha..
"Paaak!"
Walang nakapaghanda na ang tahimik na si Sapphire ay magpapakita ng ganitong gawi at makukuhang saktan ang kanyang pinakamamahal na kakambal.
Gusto sanang pigilan ni Dexter ang nagaganap na kumosyon, subalit huli na ang lahat. Ang sampal na iyon ay nagpabagsak kay Emerald. Kinakapos ng hininga ang babae, at napaluhod na sa sobrang panghihina, “Please.. Sapphire.. Wag mo na sangang sisihin pa si Dexter.. Kasalanan ko ang lahat ng ito.. Wag mo rin itong sasabihin kay Lola Laura.. Mangako ka.. Please Sapphire..”
Habang nagsasalita si Emerald, unti-unting humina ang kanyang hininga at ang kanyang payat na katawan ay bumagsak sa malamig na sahig.
Agad na rumehistro ang lamig sa mga mata ni Dexter. Nakatitig siya sa asawa na parang nais na niya itong sakalin at ilagay sa sako. Agad niyang hinawi si Sapphire, upang mabigyan ng daan ang pagkuha sa kanyang pinakamamahal na nakahandusay sa sahig. Iningatan niya itong maigi na parang mamahaling kayaman, saka sumigaw, “Doc!! Pakiusap, may congenital heart disease siya.. Tulungan niyo siya!”
Labis na nagulat si Sapphire sa nangyari, lalo na ng itulak siya ng asawa sa pader. Muntik ng mauntog ang kanyang tiyan doon, kung hindi lang niya iyon mabilis na nasuportahan gamit ang mga kamay.
Hindi maipinta ang kanyang mukha sa labis na sakit na kanyang nadarama. Parang itinutulak ng sakit na iyon ang bata pababa. May umagos na likido mula sa kanyang gitnang bahagi, at tumutulay iyon sa kanyang mga binti. Namimilipit siya sa sakit at hindi malaman kung paano hihingi ng tulong dahil walang tinig na lumalabas sa kanyang bibig.
Biglang lumabas ang nars sa loob ng clinic ng doctor kung saan, gagawin ang prenatal check up niya. Nagulat ito at inalalayan siyang maupo. Kitang kita nito ang pag agos ng dugo sa kanyang mga hita.
“Kailangan mong tawagan ang pamilya mo, o ang asawa mo, upang maasikaso ka. Maaaring manganak ka ng wala sa oras.” pumasok ito saglit sa loob at kumuha ng papel na papipirmahan, “kailangan kasi nilang pirmahan ang waiver na ito.”
"Ibigay mo sa akin yan." matapos maisaayos at masiguradong tinitingnan na ng medical staff si Emerald, agad binalikan ni Dexter ang asawa, upang alamin kung ano ang nangyari. At nakita nga nito na kailangan ni Sapphire na manganak ng wala sa oras. Agad niyang pinirmahan ang exemption agreement na iyon.
Habang pinipirmahan niya ito, hindi niya maiwasang mapatingin sa babae, na nakaupo at makita ang mapupulang likido na umaagos sa binti nito.
Habang tinitingnan iyon, bigla niyang naisip ang isang babae sa operating room na nag aagaw buhay dahil sa kanyang asawa, “Sapphire, magdasal kang maging okay si Emerald, kung hindi..”
Ang mga pirma ay malakas na iginiya at mabilis na isinara ang huling stroke. Hindi na siya nag-aksaya ng oras, itinapon ang dokumento pabalik sa mga braso ng nars at umalis ng hindi na nililingon ang asawa pabalik.
Sa likod ni Dexter ay ang pagtanaw ni Sapphire na puno ng kalungkutan at depresyon.
Kahit gaano kasakit ang nararamdaman niyang pisikal, hindi ito matutumbasan ng sakit na nasa kanyang puso. Ang pagbagsak ng pira pirasong bahagi ng kanyang damdamin ay mas masakit pa sa kamatayan.
Tatlong taon na silang magka-kilala ng kanyang asawa at isang taon na silang kasal.
Lagi niyang tinatanong ang kanyang sarili kung may nagawa ba siyang pagkakamali sa lalaki, dahil napakalupit nito sa kanya palagi.Kahit kelan, hindi man lang ito nagpakita ng kabutihan sa kanya, at ngayon, malalaman niyang sa kanyang kakambal lang ito nagkagusto, gayong iisa naman halos ang kanilang mukha.
Dinala na siya sa operating room, at ang kanyang kalagayan ay hindi maganda. Maaaring iligtas siya, ngunit ang bata ay mamamatay, maaari namang iligtas ang bata, ngunit siya ang mamamatay.
Pero para sa kanya, mamatay na lang silang magkasama ng kanyang anak.
Inutusan ng doctor na magtungo ang nars sa asawa niya upang masabi ang kanyang kalagayan.
“Doc, iligtas mo ang aking anak..” ang ilaw ng konsensiya ang siyang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob na sabihin iyon. Kahit paano, mahal niya ang anak na kanyang dinadala.
Matagal na siyang kakilala ni Doc Romualdez, at alam ng doctor kung gaano siya kabait na tao.
Nainis ito sa kanya ng sabihin niya ang mga katagang iyon.
“Ano ka ba, Sapphire, bente ka pa lang, at maaari ka pang magbuntis ulit sa hinaharap. Hindi mo kailangang magsakripisyo ngayon, may maganda pang buhay na naghihintay sayo.” pangangaral niya dito.
“Pero doc.. Mahal ko ang asawa ko, kailangan niya ang aming anak..” umiiyak na sagot ni Sapphire.
“Gaga.. tinatrato kang basura ng taong iyon, tapos mas uunahin mo pa siyang alalahanin kesa sa iyong sarili?” napatiim ang tingin nito sa kanya.
“Doc.. please..” pakiusap niya dito.
Bumuntong hininga ang doctor, at lumarawan ang isang malungkot na damdamin, “Sapphire.. Makinig ka.. Ang- ang bata sa sinapupunan mo.. ay–ay hindi anak ng asawa mo.”