Share

Kabanata 0006

Author: Middle Child
last update Huling Na-update: 2024-12-04 20:09:44

Biglang pinamulahan ng mukha si Liam ng makita ang hitsura ni Sapphire. Sira ang damit ng babae, at may bahagyang luha sa mga mata. Itinulak niya ito papasok sa loob ng kwarto.

"Alam kong nahihirapan ka sa pagpili ng damit na susuotin mo, kaya tutulungan na kita." sabi niya sa babae. Bigla siyang napatingin sa hagdanan.

Napakurap si Sapphire at sinundan ang tingin ng bata. Nauunawaan niya ang nais ipahiwatig nito.

Masasabing magkadugtong ang puso ng mag-ina.

Kahit hindi karapat dapat si Emerald na tumira sa bahay kasama ang pamilya, narito naman ang anak nito, na parang hindi siya nais patahimikin.

"Hmph!"

Si Arabella iyon, na pumapadyak sa hagdanan, at ng mapansin na nahuli siya ng mga tao sa taas, nagmamadali siyang tumakbo sa ibaba ng bahay.

"Naku, siguradong magsusumbong na naman siya kay Kuya Dexter," naiiling na sabi ni Liam, habang inaakay siya papasok sa loob ng walk in closet upang makapamili ng damit na susuotin.

"Magaling pumili si Daddy ng damit. Maganda ka sa kahit alin, ang suotin mo diyan, Sapphire.." sabi ng bata sa kanya.

"Si Tito?" nagtatakang tanong niya sa bata. Hindi niya maisip na may kinalaman ang mga damit sa malamig at seryosong lalaking iyon.

Misteryosong kumindat si Liam sa kanya, "Oo, sabi ni Lola matanda na siya para maintindihan ang uso na mga damit ngayon, at sabi naman ni Kuya Dexter wala siyang oras. Kaya si Daddy ang tumulong sa pagpili ng mga damit para sa’yo. Lahat iyan, siya ang bumili."

Ganun pala iyon.

Kinuha niya ang pinakamalapit na kulay-lilang damit. Hindi pa niya nasusuri ang disenyo nang mapansin ang nakakagulat na presyo sa tag. Halos manlaki ang kanyang mga mata, ng makitang halos kinse mil iyon.

Bagama’t halos dalawang taon na siyang asawa ni Dexter, hindi siya naging magarbo sa buhay. Lagi lang siyang simple sa pananamit man o sa mga gamit. Ayaw niyang isipin ng kanyang asawa na nagpakasal lang siya dito, dahil sa pera.

Pero ganun pa rin ang nangyari. Niloko pa rin siya ng walanghiya!

Nakatayo siya doon at dinaramdam ang nakaraan, at ang batang si Liam ay nakakunot na nakatingin sa kanya. Waring binabasa nito kung ano ang nasa kanyang isipan na hindi pa maabot ng batang utak nito.

"Sapphire, magbihis ka na. Wag mong paghintayin si Lola ng matagal, baka gutom na siya. Mauuna na ko sayo bumaba," paalam nito sa kanya.

"Sige."

Makalipas ang mahigit sampung minuto, bumaba na siya sa unang palapag upang magtungo sa hapag.

Maganda na siya sa likas na anyo, at ang mapusyaw na kulay ng damit ay lalo pang nagpatingkad sa kanyang balat na parang porselana. Ang kanyang payat na katawan ay nagbigay sa kanya ng marupok at kaakit-akit na ganda. Hindi maiiwasang lingunin siya ng kahit na sino kapag nakabihis siya ng maayos. Hindi nasira ng kulungan ang kanyang taglay na kagandahan.

Agad napansin ni Dexter ang papalapit na babae, at mababanaag sa kanyang mga mata ang labis na paghanga. Subalit agad niyang iniiwas ang kanyang mga mata dahil baka mahalata pa siya ng mga kasama na labis siyang namangha sa babaeng paparating.

Nasa tabi ng matandang babae si Liam at pumalakpak nang buong galak: "ang ganda mo, Sapphire!"

Si Arabella naman, na nakaupo sa kandungan ng kanyang ama, ay napanganga sa gulat. Hindi niya maalis sa isip ang anyo ni Sapphire na mukhang kaawa-awa noong nakaraan. Ang madungis na damit nito ang una niyang napansin, kaya napangiwi siya.

Bigla na lamang namula ang mga mata ng matanda, pinipigilan ang luhang nais ng bumagsak, at agad na inutusan ang mga katulong sa tabi niya, "Sabihan ang kusina na dalhin agad ang pampalusog na pagkain. Dapat maingat na ayusin ang diet at pagkain ni Sapphire mula ngayon. Sabihan ang chef na suriin ng maayos ang mga pagkain.

"Lola, huwag kang mag-alala. Kahit na mukha akong payat, wala namang problema sa katawan ko." nakangiti niyang tinapik ang balikat ng matanda.

Sinamantala niya ang pagkakataon upang sumulyap sa paligid. Napansin niyang dalawa lamang ang bakanteng upuan, at wala si Ezekiel.

Iniisip niya na hindi ito sanay na nakikisalo sa mga kasapi ng pamilya kapag kumakain, kaya sinamantala niya ang pagkakataon, at doon naupo sa tabi ng matanda sa kabilang bahagi, katapat si Dexter.

Subalit sadyang hindi na siya makakaiwas, dahil ang lalaling iniiwasan niya, ay naririto na at pumapasog sa bulwagan ng hapag kainan.

Tahimik na tumaas ang kilay ng lalaki at umupo sa upuang orihinal na para sa kanya, katabi ni Dexter.

Dahil dito, hindi na nakapagsalita si Dexter, umaasa siyang palilitaptin ng kanyang tito si Sapphire dubalit hindi iyon nangyari.

Tiningnan ni Sapphire si Ezekiel bilang pasasalamat, subalit ang ngiting ibinaalik nito sa kanya ay kakaiba. Ngiting nanunukso, ngiting nang aakit! kumabog bigla ang kanyang dibdib ng mapansin iyon. Agad niyang iniwas ang tingin at nagkunwaring nakikinig sa sinasabi ng kanyang lola.

"Alagaan mo ang sarili mo, at bigyan mo si Ara ng maraming kapatid. Kapag nagawa mo iyon, magiging masaya na si Lola."

Bahagya siyang napangisi sa sinabi ng matanda. Ang ngising iyon ay para mapigilan ang kanyang sarili na magsalita ng hindi maganda. Lalo lang umaakyat ang kanyang inis sa ulo dahil sa sinabing iyon ng lola niya.

Kung hindi lang nakaupo sa harap niya si Dexter na tila nag-aabang ng maling kilos niya, at kung wala lang ang hawak nitong alas laban sa kanya, gusto na sana niyang sabihin ang buong katotohanan sa kanyang lola, kahit ano pa ang mangyari.

"Sige po, susubukan ko," sagot ni Dexter na siyang bumasag sa katahimikan sa dining, nakangiti ito, subalit pagtingin kay Sapphire, may pagbabanta sa mga mata nito na nagsasabing huwag siyang kokontra.

Ngunit si Arabella ay sumimangot at nagreklamo sa kanyang ama, "Ayoko ng mga kapatid! Sapat na ako bilang munting prinsesa ni Daddy."

"Ara, maging mabait ka. Kahit magkaroon pa kami ng mga anak ng mommy mo, ikaw pa rin ang magiging paboritong munting prinsesa ni Daddy," sagot ni Dexter na tila ulirang asawa at ama.

Malamig na tinignan ni Sapphire ang kanyang asawa, at sa kanyang isipan, sinasabi na malamang, paborito nito ang bata, anak ito ng pinakamamahal nitong babae.

Tahimik na pinagmamasdan ng matanda ang nangyayari. Alam niyang may tensyon sa pagitan nina Ara at Sapphire. Subalit iniisip niyang normal lang iyon dahil matagal na hindi nagkasama ang mag ina, at nangangapa pa ang mga ito sa pakiramdam ng isa't isa.

Biglang may naalala ang matandang babae, at nagsalita, "maraming oras si Dexter ngayon, dahil ipinapasa na kay Ezekiel ang maraming gawain sa kumpanya. Bakit hindi kayp mamasyal mag asawa? matagal kang nawala dito ,Sapphire. Saang bansa mo ba gustong magtungo, at magpapabook ako agad ng ticket para sa inyo?"

Nang marinig niya ang suhestiyon ng matanda, nangilabot siya. Aalis silang magkasama ni Dexter? hindi niya iyon kaya, "naku lola, ayoko pong umalis, nais ko pong magtrabaho sa kumpanya.."

Katatapos lang niyang maka experience ng pamumuwersa mula sa kanyang asawa, at labis siyang natakot. Mabuti na lang, at ipinatawag ito ni Ezekiel kanina, kung hindi, malamang nagawan na siya nhg masama ni Dexter.

"Sa bagay.. kapag hindi ka kumilos, baka magkasakit ka. Pagagawan natin ng paraan na makapagtrabaho ka sa kumpanya. Maaari ka namang maging sekretarya ng iyong asawa, hindi ba? ano sa palagay mo, Ezzekiel?" tanong ng matanda sa kanyang anak.

Agad siyang napatingin kay Ezekiel, na nasa katapat lamang niyang upuan. Nakangiti ito sa kanya, subalit ang mga mata nito ay kakaiba, "inaakit niya ba ko?" tanong niya sa sarili.

Ang masayahing ekspresyon ng matanda ay agad nagbago at naging malamig. May seryosong mukha, tinanong niya si Ezekiel, "kailan mo balak ipakilala sa amin ang ina ni Liam?"

Nagulat siya sa narinig niya.

Mula nang makilala niya ang matanda, hindi pa niya nakita itong naging ganito kaseryoso sa kahit sino.

At kung totoo ang narinig niya, hindi pa pala kasal si Ezekiel sa ina ng kanyang anak?

Mukha namang hindi nabother ang kausap ng matanda. Pinapanood pa ni Ezekiel ang mga katulong na maglagay ng kape sa kanyang tasa, "wag niyo ng alalahanin iyon, ako ng bahala doon.."

Lalong dumilim ang mukha ng matanda, "Pakinggan mo ang sinasabi ko. Gusto kong makilala ang ina ng aking apo, ang aking magiging manugang. Sa ayaw at sa gusto mo, dalahin mo siya dito!"

Pagkasabi nito, nanahimik ang buong silid-kainan. Sa sobrang katahimikan, parang maririnig ang pagbagsak ng karayom.

Nang makita ni Sapphire na seryosong nagalit ang matanda, ibinaba niya ang kanyang kutsara. Alam niyang wala siyang karapatan magsalita tungkol sa mga lihim ng pamilya Briones, pero nag-aalala siya para kay Ezekiel.

Karamihan sa mga alam niya tungkol sa lalaki ay pawang mga sabi-sabi lamang. Sa totoo lang, ilang beses pa lang silang nagkikita.

Kung hindi lang namatay si Lolo anim na taon na ang nakalilipas, at nagpunta sa ibang bansa para magpagaling ang ama ni Dexter, marahil ay hindi pa rin niya makikita si Ezekiel sa bahay na iyon ng pamilya Briones.

Ang tanging alam niya ay iniwan nito ang pamilya Briones noong siya’y 20 taong gulang pa lamang. Sa loob ng tatlong taon, nakilala siya sa mundo ng negosyo, at sa loob ng limang taon, naging tanyag na siya.

Ngayon, labing-dalawang taon na ang lumipas, taglay na niya ang yaman na hindi nalalayo sa isang siglo ng naipon ng pamilya Briones, na pinaghirapan lang niya sa loob ng mahigit isang dekada.

Kaugnay na kabanata

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0007

    Hindi siya nagulat sa kung paano nagawa ni Ezekielang lahat ng iyon ng mag isa. Sa katunayan, kahit sino na nakakita sa lalaki nang personal ay hindi magugulat sa kanyang mga nagawa.Ang ikinagulat niya lamang ay kung bakit determinado ito na iwan ang pamilyang Briones. Ngunit ito rin ang dahilan ku

    Huling Na-update : 2024-12-04
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0008

    Nang ang lahat ay handa na, ang kalangitan ay madilim na ng labis, at ang paligid ay napuno na ng ilaw. Ang gabing ito, ay isa sa pinakamahalagang araw sa kanya. Dahil patutunayan niya sa kanyang asawa, na siya ay isang talentadong babae, at hindi niya hinahangad na basta na lang kumobra sa kayaman

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0009

    Andap na nag isip si Sapphire, ang kanyang mata ay nakatutok sa lalaki, at biglang ngumiti nang maluwag: "Bakit ganyan ka? Bakit hindi tayo mag-inom muna at magkakilala, at pagkatapos pirmahan mo ang kontrata, marami pa tayong oras para mag-relax." Mahaba niyang binigkas ang mga huling salita, at

    Huling Na-update : 2024-12-06
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0010

    “Ganun ba?”Mababa ang boses ni Ezekiel, at bahagya niyang iginawi ang kanyang mga labi sa paraan na mahirap matukoy kung siya’y masaya o galit. Nakatingin siya ng masama kay Rico.Sa sumunod na sandali, ang tunog ng mga kamao at malalapit na banggaan ay parang kulog na mahina, hinaluan ng malutong

    Huling Na-update : 2024-12-07
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0011

    Pagkatapos ay isang hakbang ang ginawa niya paatras, pumunta sa kabilang bahagi ng kotse, binuksan ang pinto, sumakay, at pinaandar ang sasakyan.Iniiwas ni Sapphire ang kanyang tingin kay Ezekiel, bahagyang ngumiti ng mapait at tahimik na pinutol ang anumang nadarama sa kanyang puso. Ito ang buhay

    Huling Na-update : 2024-12-07
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0012

    Ang sagot na ito ay hindi perpekto.Gayunpaman, si Emerald lamang ang minahal ni Dexter sa loob ng maraming taon.Pumikit si Dexter, tila pinipilit ang sarili na paniwalaan ang mga salitang sinabi sa kanya ng babae.Malisyosong lumihis ang tingin niya dito, at saka isinara ang pinto nang malakas nan

    Huling Na-update : 2024-12-08
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0013

    "Eh... pa--paano po ako nakapagbihis?" lalo lamang siyang inatake ng hiya."Tinulungan kang magbihis ng babae kong kapitbahay kahapon," tugon nito sa kanya.Nang matiyak na walang nangyari sa kanila kagabi, nakahinga na siya ng maluwag. Agad siyang lumapit sa lalaki, at kinuha ang plato na hawak nit

    Huling Na-update : 2024-12-08
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0014

    Pakiramdam ni Sapphire ay mabigat ang pagtanggap sa kanya ng kanyang ina. Hindi siya inimbitahan nitong pumasok, kaya nagkusa na lang siya."Bakit naman hindi mo sinabi, na nakalaya ka na?" tanong nito sa kanya na parang wala namang interes sa kanya, at naalala pa rin ang kanyang kapatid, "any way,

    Huling Na-update : 2024-12-09

Pinakabagong kabanata

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0121

    Mahinang nagpasalamat si Sapphire at tumayo sa tabi ng kotse, bahagyang nag-aalangan, hindi alam kung susundan ba niya si Ezekiel. Sa huli, siya mismo ang nagpumilit na sumama rito ngayong gabi nang walang pahintulot ng nito. Parang inoffer niya ang kanyang sarili. Buhat-buhat ni Ezekiel ang batan

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0120

    Narinig ni Sapphire ang sinabi ni Ezekiel at hindi niya maiwasang maalala ang sinabi sa kanya ni Dexter tungkol dito. "Hindi umaasa sa awa ang pamilya Briones, at hindi malambot ang puso ng tito ko." paulit ulit iyong umuukilkil sa kanyang isipan. Habang nag-aatubili siya at gustong magsalita, big

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0119

    Magpapaliwanag pa sana siya nang biglang putulin ni Ezekiel ang kanyang sasabihin, "Hmm." Natigilan si Sapphire at napatingin sa lalaki nang may pagtataka. Sa ganoong kalaking isyu, inakala niyang uusisain pa ito ni Ezekiel, ngunit laking gulat niya na tila wala man lang itong interes na alamin

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0118

    Pagdating sa kotse, kinuha ni Sapphire ang kahon ng gamot, ibinuhos ang gamot sa isang kutsara, habang mahinahong kinukumbinsi si Liam na ibuka ang bibig at inumin ito. Maagang umalis si Marcus dahil may aasikasuhin pa itong trabaho, kaya si Liam ay buhat-buhat lamang ni Ezekiel gamit ang kanyang

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0117

    Kumibot ang mahahabang pilikmata ni Sapphire sa narinig ngunit hindi niya balak sumagot. Masyado siyang niloko ni Dexter, at ayaw na niyang maniwala sa kahit isang salita mula sa lalaki. Isa itong talamak na sinungaling. Ilang sandaling natahimik si Dexter at, sa kabila ng hindi kasiyahan ni Lauri

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0116

    Pagkabigkas ng mga salitang iyon, natahimik ang lahat, kabilang na ang mga kasambahay ng pamilya Briones. Napanganga si Emerald sa gulat at agad na ibinaba ang ulo, nahihiya sa kanyang naging reaksyon, ngunit may kislap ng hindi makapaniwalang tuwa sa kanyang mga mata. Ito na ang hinihintay niyang

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0115

    Sinamantala ni Sapphire ang pagkakataon upang umatras ng dalawang hakbang, binuhat si Liam at naglakad patungo sa lumang bahay, "Malalaman mo rin." Bago pa siya makalayo, napahawak si Ara sa kanyang mukha at tila naalimpungatan, saka sumigaw ng matinis na tinig na umalingawngaw sa gabi, "Daddy, lol

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0114

    "Hmph, talaga naman." Napasinghot si Liam. Kumpara sa dati niyang talino at kakulitan, sa sandaling ito ay mas mukha siyang limang taong gulang na bata. Bahagya niyang ikiniling ang kanyang maliit na ulo at kinausap si Sapphire "Pero ayoko ng iniksyon at pag-inom ng gamot. Huwag na tayong magpunta s

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0113

    Habang lihim niyang pinupuri ang kanyang matatag na desisyon, narinig niya ang tinig ni Sapphire na parang nabasag sa bawat salitang binanggit, unti-unting humihip sa hangin ng gabi, "Kaya pala ang hiling ni lolo ang tanging dahilan kung bakit ka pumayag na pakasalan ako. Hindi na pala ako maaaring

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status