Share

Kabanata 0007

Author: Middle Child
last update Last Updated: 2024-12-04 22:34:32

Hindi siya nagulat sa kung paano nagawa ni Ezekielang lahat ng iyon ng mag isa. Sa katunayan, kahit sino na nakakita sa lalaki nang personal ay hindi magugulat sa kanyang mga nagawa.

Ang ikinagulat niya lamang ay kung bakit determinado ito na iwan ang pamilyang Briones. Ngunit ito rin ang dahilan kung bakit mahigpit na itinatago ng buong pamilya, mula sa taas hanggang sa baba, ang bagay na ito.

“Lola, huwag niyo pong pagalitan si Daddy,” mahinang sabi ni Liam sa matanda saka tumayo. May matamis na ngiti sa kanyang mukha na tinatago ang kalungkutan sa kanyang mga mata. “Sabi ni Daddy, may mahalagang bagay na kailangang gawin si Mommy ngayon. Sa palagay ko, mahal na mahal niya kami ni Daddy, at ginagawa niya ang lahat para makasama kami nang mas maaga.” Labis na matandain mag isip ang batang ito at maunawain.

Nakatingin si Sapphire dito at nabibighani sa kahali halinang klase ng pagsasalita nito.

Kahit gaano ka-galit ang matanda, hindi niya magawang magalit kay Liam. Napabuntong-hininga siya at nagsalita, “Napakabait mo,apo, kaya talagang nakakaawa ka. Hindi ko papayagan na saktan ka ng sinuman.” hinawakan ng matanda ang buhok ni Liam.

Bahagyang tumango si Ezekiel at saglit na tiningnan si Sapphire bago ibinaba ang kanyang tingin. Mahinangsiyang nagsalita, “Kung hindi lang talaga kinakailangan, hinding-hindi niya gugustuhing saktan si Liam at iwan.”

Matapos ang saglit na pag-uusap, nagkaroon lamang ng pagkakataon ang matanda na bigyan ng ilang paalala si Sapphire tungkol sa mga hilig ni Arabella bago ito tinulungan ng mga kasambahay na makabalik sa kanyang silid, na may kirot sa dibdib.

Wala nang dahilan para manatili si Sapphire sa sala. Matapos mag-isip ng matagal, nag-ipon siya ng lakas ng loob na bumalik sa kanyang silid.

Nakatayo si Dexter sa tabi ng bintana, abala sa pagbasa ng mga email. Buong tapang na sinabi niya ang kanyang pakay.

“Tungkol sa trabahong binanggit ni lola.” sabi niya sa asawa. Tinawag niya ang atensiyon nito.

Hindi man lang siya tinignan ni Dexter, at diretsong sinabi, “Ang sekretarya ko ay si Emerald. Hindi kita ilalagay sa tabi ko para magkaroon ka ng pagkakataong gantihan siya.”

“Alam ko na,” kalmado niyang sagot, walang bakas ng emosyon sa kanyang mukha. “At hindi ko rin gustong maging sekretarya mo. Ano ka, sinuswerte? Gusto kong magtrabaho sa departamento na may pinakamataas na suweldo na kaya ko, kahit na mahirapan ako, at hindi sa tabi mo lang na taga timpla ng kape.”

Alam nilang dalawa na hangga’t hindi nababayaran ang utang ng kanyang ama, hindi siya magiging malaya.

“Ha?” Saglit na napahinto si Dexter at tumawa na parang nakarinig ng biro. “Kung hindi ka lang nag-drop out ng eskwela anim na taon na ang nakakaraan para maghanda sa pagbubuntis at magpalakas sa matanda, may lugar ka pa sana sa kompanya ng Briones gamit ang diploma mo mula sa U.S.T.. Pero ngayon, iniisip mo pa rin bang isa kang talentadong jewelry designer?” napangisi pa ang lalaki ng hinarap siya ng tuluyan.

Ibinaba ni Dexter ang telepono, lumapit, at tinitigan siya nang matalim. “Pagkatapos ng limang taon sa bilangguan, kaya mo pa bang gumawa ng mga kamangha-manghang disenyo? Makakahawak ka pa ba ng paintbrush?” ang mga mata nito ay nang uuyam at nang iinsulto.

Pinakinggan niya ang bawat salitang nagpapahiya sa kanya. Tahimik na pinipi ng kanyang mga daliri ang palad, ngunit nanatili ang malamig at walang pakialam na ekspresyon sa kanyang mukha.

Naningkit ang itim na mga mata ni Dexter. “Sapphire, sabik ka nang iwan ako.”

May kirot siyang naramdaman sa kanyang puso. Hindi niya inaasahan na maririnig niya ang ganitong tanong mula kay Dexter. “Sa tingin mo ba, hindi ako matututo at patuloy pa ring mamahalin ka nang hangal at inosente gaya ng limang taon na ang nakakaraan? ano ako? robot? sa dami ng kasalanan mo sa akin, sa palagay mo, nanaisin ko pa ring manatili sa piling mo?” ang kanyang tono ay may pagkasuya. Sobra siyang naiirita sa lalaki.

Nakatayo silang magkatapat, at ang lungkot at panlilibak sa mga mata niya ay tumagos sa puso ni Dexter nang walang mintis.

Pinipinsala niya ang kanyang sarili, kasabay ng pagpapahirap sa lalaki. Nais niyang iparamdam dito ang sakit na kanyang nadarama..

Maaaring hindi malalim ang sakit, ngunit sapat itong malinaw upang hindi balewalain. Didibdibin iyon ng lalaki.

“Kung ganun, dahil pinipilit mong ipahiya ang sarili mo, pagbibigyan kita.” Sa galit, hinawakan ni Dexter nang mahigpit ang kanyang makinis na leeg at bumulong sa pagitan ng nagngangalit na mga ngipin, “Gusto mo ng trabahong may mataas na suweldo kahit walang degree? Mag-report ka sa public relations department bukas ng alas-siyete ng gabi. Aasikasuhin ko ito kay Manager Yin at titiyakin kong makukuha mo ang gusto mo.”

Nahirapan siya sa paghinga, ngunit napangiti pa rin siya, humihingal ngunit mapang-uyam. “Salamat.”

“Walang anuman.”

Pagkasabi nito, walang emosyon na binitiwan ni Dexter ang pagkakahawak sa kanyang leeg, na para bang nakahawak siya sa isang bagay na marumi. Malakas niyang itinulak si Sapphire sa gilid. Kamuntikan pa itong mabuwal.

Kahit hindi niya ito mahal, hindi niya gustong makitang nawawala sa kanyang kontrol ang anumang itinuturing niyang pag-aari. Ayaw niyang may umaagaw sa mga bagay na sa kanya.

Sa pagkakataong ito, handa siyang maging mas matiyaga. Maghihintay siya hanggang bumalik si Sapphire, umiiyak at nagmamakaawa sa kanya, na mahalin niya ito. Alam niyang galit lang ito ngayon, kaya ganoon ito kalamig sa kanya.

Nakatingala si Sapphire, nakasandal sa dingding at humihingal nang malalim. Pinanood niya si Dexter na walang emosyon habang mabilis itong lumabas ng silid. Natatawa siya sa hitsura nito.

Sa pasilyo, sinagot nito ang teleponong matagal nang nag-vibrate.

Sa susunod na sandali, nawala ang galit sa mukha ng lalaki, at napalitan ito ng elegante at mapagmahal na ekspresyon na nakakasakit ng damdamin noon kapag nakita ni Sapphire. “Emerald, maayos siya. Ikaw lang ang patuloy na nag-aalala nang walang dahilan. Wala naman siyang itinatanong tungkol sa iyo.”

Sakto ang timing, isang bagay na tugma sa istilo ni Emerald.

Ibinaba ni Sapphire ang kanyang tingin at, sa unang pagkakataon, naisip niyang may pakinabang din pala ang relasyon nina Emerald at Dexter. Bagay ang mga ito, isang basura, at isang basurera.

Kahit pa para lang sa palabas para kay lola, mas mabuti nang patayin siya kaysa muling matulog katabi si Dexter, na hindi naman nito ginawa noong nagsasama pa sila bago siya makulong.

Kinagabihan, isinantabi ni Sapphire ang malambot at komportableng kama sa silid. Sa halip, sa sofa siya namaluktot ng magdamag.

Paminsanan siyang nagigising, upang silipin ang oras kung maaga na. At sa huling silip niya, ito na ang bukang liwayway.

Hindi na siya nagpalit ng damit at dali-daling bumaba. Sinabi niyang masama ang kanyang pakiramdam at nagmamadaling sinabihan ang driver tungkol sa address ng ospital.

Mabilis na pinaandar ng driver ang sasakyan, ngunit nagsalita habang hawak ang manibela. “Madam, nagsara na po ang ospital na iyon ilang taon na ang nakalipas. Mas mabuting pumunta po tayo sa ibang ospital.”

“Nagsara na?” Sa rearview mirror, nakita ang maputlang mukha niya, bakas ang pagkabigla at pag-aalala.

"Halata pong hindi maganda ang pakiramdam niyo. Gusto niyo bang ipatawag ko muna ang family doctor?" tanong ng driver, nag-aalala.

Mabilis na inunahan niya ang driver, halatang balisa. “Alam mo ba kung saan napunta ang mga dating doktor matapos magsara ang ospital?”

Sandaling natahimik ang driver bago sumagot. “Hindi ko po alam ang detalye, pero natatandaan kong isa sa mga pangunahing shareholder noon si senyorito Dexter. Maari niyo pong tanungin siya kung may mga natirang file ng mga doktor sa kanya.”

Nakuyom niya ang kanyang kamao, at nanginginig ang kanyang tinig na bumulog, "Dexter.."

“Sandali, senyorita, saan kayo pupunta?” tanong ng driver nang makita siyang pababa ng sasakyan.

Nakatayo siya nang patalikod at mahinang nagsalita, “Ayos lang ako. Huwag mong sasabihin kay lola kung ano ang pinag usapan natin.”

PAGSAPIT ng alas siyete ng gabi..

Dumating siya sa public relations department nang eksakto sa oras.

Nakatanggap na ng abiso si Manager Yin noong umaga pa lamang at ilang ulit nang pinag-isipan kung sino si Sapphire. Gayunpaman, sa kabila ng lahat ng paghahanda, hindi niya napigilan ang sarili nang makita ito nang personal.

Ang kagandahan ni Sapphire ay matindi ngunit hindi mapang-agaw. Naka-light-colored dress siya na nagpapatingkad sa kanyang payat ngunit eleganteng pangangatawan. Tahimik at kalmado ang kanyang aura, na tila may distansya ngunit nakakabighani.

Iba ito sa karaniwang mga babae na gumagamit ng mapanuksong istilo. Ang kanyang kagandahan ay may kakaibang alindog na tumatatak sa isipan sa unang tingin. Kahit si Manager Yin, na sanay na sa mga sosyal at sikat na tao, ay bahagyang napahinga nang malalim.

“Manager Yin, ako po si Sapphire Briones.” kalmadong pagpapakilala niya, habang binabale-wala ang pagkamangha ng kausap. Inakala niyang ito ay resulta ng utos ni Dexter. “Narito po ako para magtrabaho.”

“O-oo, tama, tama,” sagot ni Manager Yin, parang nahimasmasan mula sa pagkalito. Mabilis niyang pinalayas ang mga taong nagmamasid at personal na inalalayan si Sapphire papasok sa opisina. “Maghintay po muna kayo, paparating na ang makeup artist.”
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Miles Petersaint
Iwan baliw Ang nag sulat ng kwento na eto' ... walang kwentang kwento
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0008

    Nang ang lahat ay handa na, ang kalangitan ay madilim na ng labis, at ang paligid ay napuno na ng ilaw. Ang gabing ito, ay isa sa pinakamahalagang araw sa kanya. Dahil patutunayan niya sa kanyang asawa, na siya ay isang talentadong babae, at hindi niya hinahangad na basta na lang kumobra sa kayaman

    Last Updated : 2024-12-06
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0009

    Andap na nag isip si Sapphire, ang kanyang mata ay nakatutok sa lalaki, at biglang ngumiti nang maluwag: "Bakit ganyan ka? Bakit hindi tayo mag-inom muna at magkakilala, at pagkatapos pirmahan mo ang kontrata, marami pa tayong oras para mag-relax." Mahaba niyang binigkas ang mga huling salita, at

    Last Updated : 2024-12-06
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0010

    “Ganun ba?”Mababa ang boses ni Ezekiel, at bahagya niyang iginawi ang kanyang mga labi sa paraan na mahirap matukoy kung siya’y masaya o galit. Nakatingin siya ng masama kay Rico.Sa sumunod na sandali, ang tunog ng mga kamao at malalapit na banggaan ay parang kulog na mahina, hinaluan ng malutong

    Last Updated : 2024-12-07
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0011

    Pagkatapos ay isang hakbang ang ginawa niya paatras, pumunta sa kabilang bahagi ng kotse, binuksan ang pinto, sumakay, at pinaandar ang sasakyan.Iniiwas ni Sapphire ang kanyang tingin kay Ezekiel, bahagyang ngumiti ng mapait at tahimik na pinutol ang anumang nadarama sa kanyang puso. Ito ang buhay

    Last Updated : 2024-12-07
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0012

    Ang sagot na ito ay hindi perpekto.Gayunpaman, si Emerald lamang ang minahal ni Dexter sa loob ng maraming taon.Pumikit si Dexter, tila pinipilit ang sarili na paniwalaan ang mga salitang sinabi sa kanya ng babae.Malisyosong lumihis ang tingin niya dito, at saka isinara ang pinto nang malakas nan

    Last Updated : 2024-12-08
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0013

    "Eh... pa--paano po ako nakapagbihis?" lalo lamang siyang inatake ng hiya."Tinulungan kang magbihis ng babae kong kapitbahay kahapon," tugon nito sa kanya.Nang matiyak na walang nangyari sa kanila kagabi, nakahinga na siya ng maluwag. Agad siyang lumapit sa lalaki, at kinuha ang plato na hawak nit

    Last Updated : 2024-12-08
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0014

    Pakiramdam ni Sapphire ay mabigat ang pagtanggap sa kanya ng kanyang ina. Hindi siya inimbitahan nitong pumasok, kaya nagkusa na lang siya."Bakit naman hindi mo sinabi, na nakalaya ka na?" tanong nito sa kanya na parang wala namang interes sa kanya, at naalala pa rin ang kanyang kapatid, "any way,

    Last Updated : 2024-12-09
  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0015

    Pagkatapos niyang makulong ng limang taon, hindi na siya ang dating Sapphire na mahina at sunud sunuran.Nanginig ang puso ni Emerald. Nakaramdam siya ng kaunting takot, ngunit sa labas ay naging mas mahinahon at elegante siya, "Wala naman akong ginawang masama sayo, bakit hindi ko kayang magpakita

    Last Updated : 2024-12-09

Latest chapter

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0121

    Mahinang nagpasalamat si Sapphire at tumayo sa tabi ng kotse, bahagyang nag-aalangan, hindi alam kung susundan ba niya si Ezekiel. Sa huli, siya mismo ang nagpumilit na sumama rito ngayong gabi nang walang pahintulot ng nito. Parang inoffer niya ang kanyang sarili. Buhat-buhat ni Ezekiel ang batan

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0120

    Narinig ni Sapphire ang sinabi ni Ezekiel at hindi niya maiwasang maalala ang sinabi sa kanya ni Dexter tungkol dito. "Hindi umaasa sa awa ang pamilya Briones, at hindi malambot ang puso ng tito ko." paulit ulit iyong umuukilkil sa kanyang isipan. Habang nag-aatubili siya at gustong magsalita, big

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0119

    Magpapaliwanag pa sana siya nang biglang putulin ni Ezekiel ang kanyang sasabihin, "Hmm." Natigilan si Sapphire at napatingin sa lalaki nang may pagtataka. Sa ganoong kalaking isyu, inakala niyang uusisain pa ito ni Ezekiel, ngunit laking gulat niya na tila wala man lang itong interes na alamin

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0118

    Pagdating sa kotse, kinuha ni Sapphire ang kahon ng gamot, ibinuhos ang gamot sa isang kutsara, habang mahinahong kinukumbinsi si Liam na ibuka ang bibig at inumin ito. Maagang umalis si Marcus dahil may aasikasuhin pa itong trabaho, kaya si Liam ay buhat-buhat lamang ni Ezekiel gamit ang kanyang

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0117

    Kumibot ang mahahabang pilikmata ni Sapphire sa narinig ngunit hindi niya balak sumagot. Masyado siyang niloko ni Dexter, at ayaw na niyang maniwala sa kahit isang salita mula sa lalaki. Isa itong talamak na sinungaling. Ilang sandaling natahimik si Dexter at, sa kabila ng hindi kasiyahan ni Lauri

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0116

    Pagkabigkas ng mga salitang iyon, natahimik ang lahat, kabilang na ang mga kasambahay ng pamilya Briones. Napanganga si Emerald sa gulat at agad na ibinaba ang ulo, nahihiya sa kanyang naging reaksyon, ngunit may kislap ng hindi makapaniwalang tuwa sa kanyang mga mata. Ito na ang hinihintay niyang

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0115

    Sinamantala ni Sapphire ang pagkakataon upang umatras ng dalawang hakbang, binuhat si Liam at naglakad patungo sa lumang bahay, "Malalaman mo rin." Bago pa siya makalayo, napahawak si Ara sa kanyang mukha at tila naalimpungatan, saka sumigaw ng matinis na tinig na umalingawngaw sa gabi, "Daddy, lol

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0114

    "Hmph, talaga naman." Napasinghot si Liam. Kumpara sa dati niyang talino at kakulitan, sa sandaling ito ay mas mukha siyang limang taong gulang na bata. Bahagya niyang ikiniling ang kanyang maliit na ulo at kinausap si Sapphire "Pero ayoko ng iniksyon at pag-inom ng gamot. Huwag na tayong magpunta s

  • The Betrayed Wife: Seducing my Hot Billionaire Uncle   Kabanata 0113

    Habang lihim niyang pinupuri ang kanyang matatag na desisyon, narinig niya ang tinig ni Sapphire na parang nabasag sa bawat salitang binanggit, unti-unting humihip sa hangin ng gabi, "Kaya pala ang hiling ni lolo ang tanging dahilan kung bakit ka pumayag na pakasalan ako. Hindi na pala ako maaaring

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status