Dahan-dahan kong inilalapit ang mukha ko sa kanya, we're inches apart now. Nang maabot ko na ang kanyang mga labi, nagulat ako nang bigla siyang napaatras. Saka ko lang na-realize na parang ang bilis ko din yata, at alam kong bawal ang ginagawa ko. Binitawan ko siya at napaayos ako ng pagkakaupo. Tumikhim ako bago nagsalita, "I-I'm sorry, Alex... I just can't help seeing you like that... hindi kaya ng damdamin ko na may ganyan ka kabigat na nararamdaman. Sorry din k-kanina..." I suddenly explained myself to her dahil ayaw kong isipin niya na tine-take advantage ko ang pagiging magkaibigan namin. But I saw her smiling back at me, tsaka nagsalita, "Brent... you don't need to explain yourself... alam ko kung gaano ka kabuti sa'kin. Pero huwag kang mag-sorry, please? Ako dapat ang magsabi niyan sa'yo kasi... kahit na... nasaktan ko ang damdamin mo, nandiyan ka pa rin, nakaalalay sa'kin," she said, at ramdam ko ang sincerity sa bawat salitang binibitawan niya. "Mind to share so
"My God Alex...iinom inom ka ng madami tapos lalake pa kasama mo?!" pasigaw na sagot ni Julian habang nagda-drive ng sasakyan. Ngunit tila hindi siya narinig ng dalaga at nakasandal lamang ito at hindi mapakali. "Ang ineettt!" biglang sigaw ni Alex habang pwersahan na tinatanggal ang kulay beige na coat nito. "Hey, what are you doing?! Don't undress here!" Hindi mapakaling sabi ni Julian habang salitan ang tingin kay Alex at sa highway na dinadaanan. "Ssshhh! Maingay ka! Mainit nga!" sigaw ni Alex na halatang tinamaan na ng todo sa alak na nainom niya. "Oh wow? Ako pa talaga ang maingay? You're still blubbering, and look at yourself! You look intoxicated!" muling bulyaw ni Julian na ngayon ay madiin na ang pagkakahawak sa manibela ng kotse. Tumawa lang si Alex at tila hindi pinapansin ang mga sinasabi ni Julian. "Julian... stop pretending that you... you care for me, 'kay? Don ka na lang sa VECA mo. Total, mas masaya ka don, eh. May pahawak-hawak ka pa ng kamay don,
Biglang nagtaka si Mrs. Evans kung bakit ilang weeks na simula nung nakabalik sina Julian at Alex ay wala pa din paramdam si Eros. Dati rati naman ay tumatawag ito sa kanyang ina. Kaya naisipan ni Mrs. Evans na tawagan na lamang ito at agad siyang napangiti nang mag-ring ang numero ni Eros. Ngunit sa kabilang linya ay si Mang Tacio ang nakasagot ng tawag. "H-Hello, ma'am..." sagot ni Mang Tacio na tila may halong pagkabahala ang boses nito. "Oh, Manong, kamusta po kayo diyan? Si Eros po, kamusta at nasaan siya?" tanong ng ginang. Biglang napasinghap ang matanda at inakalang kasama nito si Eros. "Eh ma'am, akala ko po sumunod po diyan si Sir Eros? Kasi po may iniwan siyang sulat sa kuwarto niya. Akala ko nga po nakisabay kina Sir Julian at Alex pabalik diyan," walang prenong paliwanag ng matanda. Nagulat na lamang si Mrs. Evans nang biglang mahulog ang naka-frame na litrato ni Eros. Mabilis itong bumagsak sa puting marmol na sahig at nabasag ang salamin nito. "Hello, ma'a
Alexa P.O.V. Habang tahimik kong pinagmamasdan ang matamis na yakapan ng mag-ina, hindi ko maiwasang mapako ang tingin ko sa kanang palad ni Julian. Parang may kung anong kakaibang bagay doon—isang marka o tila isang simbolo na ngayon ko lang napansin. Parang may kahulugan iyon, ngunit hindi ko magawang tanungin siya. Ang mga mata niya, na puno ng pagmamahal habang tinitingnan ang kanyang ina, ay tila nagsasabi na hindi ito ang tamang oras. Kaya't nagdesisyon akong lumayo muna at bigyan sila ng pribadong sandali. Ngunit sa paglayo ko, hindi ko maalis sa isipan ang biglaang pag-alis ni Eros. Pambihira talaga. Ni hindi man lang niya inisip na marami ang mag-aalala sa ginawa niya. Mula pa noon, ganyan na siya—palaging gumagawa ng desisyon na hindi iniisip ang maaaring epekto sa iba. Pero bakit tila may kung anong nag-uudyok sa akin na alamin kung ano ang dahilan ng kanyang pag-alis? Habang naglalakad ako sa hardin, bumalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Kahit lasing ako noong ga
Nasampal ko ang lalaking pinakamamahal ko at hindi ko tuluyan natantya ang galit ko. Nakita ko kung paano nagulat si Julian sa nagawa ko, at mas lalo akong nagtaka nang tuwama siya ng nakakainsulto. "Wow, fiery...you know what Alex, habang tumatagal nagiging childish ang pag-uugali mo, at habang tumatagal nagmumukha kang praning," masakit niyang sabi at tuluyan akong napaatras at dahil sa bigat ng dibdib ko ay napaluha ako nang tuluya sa kanyang harapan. "Praning? Childish? pambihira ka Julian...at anong gusto mo, na i-tolerate ko ang pangbabalewala mo sa'kin? At tsaka mo lang ako kailangan kapag sinusumpong ka ng kalib*gan mo! P*tangina Julian! Sana...sana hindi mo na lang sinabi sa'kin kung anong koneksyon mo bago mawala ang ala-ala ko! Nang sa ganon hindi ako nasasaktan ng ganito!" tuluyan na nga akong napasigaw kasabay ng paghagulgol ko. "Alam ko naman eh, at ramdam ko na hindi na ako mahalaga sa'yo. At wala na akong balak alamin ang rason kung bakit Julian...dahil ayaw ko
"Manong Tacio! Manong Tacio!" tarantang sigaw ni Aling Panyang, ang kapitbahay lamang nila ni Mang Tacio.Nagulat ang matanda at mabilisan itong lumabas."O, Panyang, bakit aligaga ka ata?""Naku, tignan niyo itong post sa Fesbuk (Facebook). Hindi ba ito iyong nawawalang alaga niyo?" turo ni Aling Panyang sa android na cellphone nito.At nang titigan ni Mang Tacio ay labis siyang kinabahan nang makita ang litrato na hinihinala niyang si Eros na nakaratay sa ospital malapit sa lungsod kung saan malapit lamang sila."Diyos ko, si Eros nga! S-Salamat, Panyang! Sandali lang at pupuntahan ko!" saad ng matanda at mabilis itong gumalaw upang mapuntahan ang alaga.Naisipan muna ni Mang Tacio na huwag ipaalam sa mga magulang ni Eros ang nangyari dahil siguradong mag-aalala ang mga ito.At nang masilayan niya si Eros, lubhang nanlumo ang matanda nang makita niya ang binata sa kritikal na kalagayan."Excuse me po? Kayo po ba ang pamilya ng pasyente?" tanong ng isang nurse na kasalukuyang naka-as
"Hey, are you okay Alex? May, may problema ba?" Tanong ni Brent nang makita ang pagkabahala sa mukha ni Alex. "Eh kasi...may hindi magandang nangyari sa kakambal ni Julian, nasa hospital siya ngayon. H-hindi ko alam kung papaano ko 'to sasabihin kay tita Elaine." tarantang sagot nito. Tila nakaramdam si Brent ng kakaiba nang mapansin niya na tila kakaiba ang pag-aalala ni Alex kay Eros. Ngunit binalewala na lamang niya dahil baka ganon lang siya umakto dahil kapatid ito ng nobyo niyang si Julian. "So, pupuntahan mo ba ulit si... Julian?" mahinang sabi ni Brent na halos mapayuko ito. Kaagad natigilan si Alex nang mapansin niya na tila hindi komportable si Brent nang mabanggit nito ang tungkol sa kanila ni Julian. "A-amh...mas better siguro kung, kung iderekta ko na lang na sabihin kay tita Elaine ng personal." Saad ni Alex at napaupo ito sabay kagat ng kuko sa hinlalaki nito. "You should rest Alex...ako na bahala magpaalam kay tita, may isa pa akong bakanteng kuwarto do
Papunta na noon si Alex sa company nila Julian, at habang tinatahak nito ang hallway papunta sa kanyang opisina ay labis itong natigilan nang magkita sila ni Mr. Evans, ang ama ni Julian at Eros. "G-Goodmorning po Sir," nakayuko ang ulo na saad nito. Napaayos si Mr. Evans ng kanyang salamin. At tinititigan ang dalaga mula ulo hanggang paa. "Well, I didn't expect na magkakasalubong tayo iha, at, nakakatuwang isipin na magpahanggang dito ay binabakuran mo pa din ang anak ko." Saad ni Mr. Evans at tila balak nitong saktan ang damdamin ng dalaga. "M-mauna na po ako Sir," mabilisang sagot ni Alex at hahakbang na sana ito nang muling magsalita ang Ginoo. "We're not yet finished talking Miss Villamor, ganyan mo ba pakitunguhan ang owner ng company kung saan ka nakatapak ngayon?" sumbat ni Mr. Evans at unti-unting lumingon si Alex. "S-sir... sorry po pero hindi ko po gustong magsimula ng gulo dito, at paumanhin din po kung hindi man maganda ang araw niyo na nakasalubong ako." mag
[Third POV] KALAGITNAAN ng gabi nang bigla na lamang nagising si Julian. Tila nanggaling ito mula sa isang malagim na panaginip na halos mapasigaw pa ito habang tagaktak sa pawis. "Mom!" Hinihingal itong napabalikwas sa kaniyang pagkakahiga. Nang mapagtanto niyang isa lamang iyong panaginip ay kaagad itong napahawak sa kaniyang noo. "Damn..." bulong nito. Alas nuwebe na noon ng gabi nang marinig ni Julian na tila may kumakalampag sa ibang bahagi ng kanilang mansion. Hindi nag-atubiling bumangon si Julian upang tingnan kung sino ang taong naroroon. Lumabas itong suot lamang ang kaniyang blue jeans. "Mom?" Pagtawag ni Julian na sa pag-aakalang naroroon ang kaniyang ina. Nang masundan nito ang tunog ay biglang naibsan ang kaba ni Julian nang masilayan nito ang kaniyang ama na mag-isang kumakain. Mukhang kararating lamang nito mula sa kaniyang trabaho. Akma na sanang magsasalita si Julian ngunit mas pinili na lamang niyang huwag gambalain ang ama at baka makarinig pa
[Third POV] SINUBUKAN ni Mrs. Elaine na pigilan ang anak sa pag-alis nito. "Anak, please...kumalma ka. Bago mo subukan na hanapin si Alex. Umupo ka muna at magpahinga. After this, mag-uusap tayo ulit. Kailangan ko kayong kausapin ni Eros. Kailangan kong ayusin ang gusot sa pagitan ninyong magkapatid." "Mom...maging ako man ay hindi ko rin naman kagustuhan na maging ganito kami ni Eros. But he left with no choice! He drives me mad! Hinayaan niyang magtanim ako ng sakit na loob sa kaniya!" "Anak, alam ko. Naiintindihan kita, pero huwag ka lamang magpapadala sa galit mo okay? Natatakot lang ako na baka kung ano ang mangyari kapag nagkita kayong dalawa ni Eros. Hayaan mong ako ang magparusa sa mga ginawa niya sa 'yo. Ipaparating ko ito sa daddy mo. Magpahinga ka anak please..." pagmamakaawa ng kaniyang ina. Sa puntong iyon ay naging kalmado si Julian, ang dating naikuyom na mga kamao ay unti-unti nang nagpapakawala ng sakit ng loob at poot. "I'm sorry Mom. Hindi ko na talaga
[ Third POV] KINAUMAGAHAN, bahagyang nagising si Julian dahil sa mga kakaiba at sari-saring huni sa kaniyang paligid. Tumatama na rin mula sa salamin ng kaniyang sasakyan ang mataas na sinag ng araw. Napakusot siya ng kaniyang mga mata at iniinda ang nangawit na katawan nito. He moaned while yawning. Hindi niya lubos akalain na nakatulog siya dahil sa pagod pagkatapos ng naganap kagabi at pagtangka nitong pagtakas. Ngayon ay magkakaroon na siya ng kalayaan upang makauwi sa tinutuluyan nito. Kaagad niyang pinaandar ang makina at bago siya umabante ay siniguro muna nitong walang ibang tao na bubungad sa kaniya lalo na si Veca. Bakante ang daan at mukhang walang paparating kaya hindi na siya nagalangan na paharurutin ang sasakyan nito ng mabilis. SA KABILANG DAKO abala noon si Mrs. Elaine Evans ang ina ng kambal na sina Eros at Julian. Patuloy pa rin siya sa paghahardin hanggang sa biglaang tumunog ang doorbell mula sa kanilang gate. Kaagad na napahinto ang ginang sa kan
[Third POV] SA KABILANG BANDA ng Greece kung saan kasalukuyang nakakulong si Julian. Halos mabagot si Julian sa kakaisip ng paraan kung paano siya makakatakas sa kinalalagyan niya ngayon. Mautak si Veca at tila pasadya niyang ginawa ang basement na iyon upang hindi makatakas si Julian. "Hindi ako maaaring magmukmok na lamang dito. Kailangan kong gumawa ng paraan para makatakas," bulong nito sa kaniyang sarili. Nang maramdaman ni Julian na tila may mga yapak na paparating ay kaagad niyang kinuha ang maliit na kutsilyo at pasadyang sinugatan ang kanang kamay saka mabilisan na ipinahid ang dugo sa may bandang ilong nito at napahiga kaagad sa sahig. Inaasahan ni Julian na ito na lamang ang pinaka-epektibong paraan upang makalabas siya sa basement. Sakto naman noon ang pagpasok ni Veca at labis siyang namutla sa pagkagulat nang makita si Julian na noo'y nagkunwaring nakabulagta at walang malay. "No! This can't be! Julian!" saad ni Veca at patakbong nilapitan si Julian and she
[Third POV] UNANG NASILAYAN MULI ni Alex ang paglubog ng araw sa baybayin ng Greece kasama si Brent. Sa puntong iyon ay hindi mapigilan ni Alex na mapaluha dahil sa kalagayan ng kaniyang fiance. Patuloy pa rin silang naglalakad at magkasamang sinasariwa ang malamig na simoy ng hangin. "Ito 'yong place na dati mong pinupuntahan 'di ba? It's nice to be back, nakakagaan ng pakiramdam mahal," ani Brent habang nakangiti at nakatingin sa bawat paghampas ng naglalakihang alon. Ngunit lingid sa kaalaman ng binata ay pasimple siyang pinagmamasdan ni Alex. Naglalakbay ang paningin ni Alex sa maamong mukha ni Brent, ang laki ng pinagbago niya, bumagsak ang katawan dala ng sakit niya. "Tinititigan mo na naman ako mahal," ani Brent at tila napansin niya ang pasimpleng titig ni Alex mula sa peripheral view nito. Kaagad na humarap si Brent and he gently hold Alex's hand. Napansin ni Brent na ang lungkot ng mga mata ni Alex, na til a ba'y pinipigilan nito ang pag-iyak. "C' mon, tell me. May bu
[ Alex POV] NAHALATA ko ang pagkadismaya sa mukha ng Lola ni Brent habang pinapakiusapan siya ni Mr. Evans na 'wag dapat ma-involve ang usapang negosyo. I saw Mrs. Moore sighed deeply. "Mr. Evans, hindi naman ako 'yong tipong namemersonal, as I've said, ang nakaraan ni Alex at Julian ay matagal ng tapos sa kasalukuyan. Ang akin lang naman, gusto kong tratuhin ninyo bilang miyembro ng company si Alex. She's my son's wife, at kung ano ang way ng pagtrato ninyo sa akin, ay dapat balanse din sa ipinapakita ninyo sa harapan ni Alex, KAHIT PA HINDI KO NAKIKITA," saad ni Mrs. Magda Moore. Deep inside, sobrang saya ng damdamin ko dahil... feeling ko, may kakampi na ako sa lahat. Feeling ko, tunay na pamilya na ang turing sa akin ng Lola ni Brent. After ng salitang iyon ni Mrs. Magda ay may BAKAS ng pagaalinlangan sa mukha nila. Si Veca na noo'y pasimpleng nakatingin sa kawalan habang nakataas ang isang kilay and the rest...parang mga nalugi. "Don't worry Mrs. Magda, asahan ninyo na, f
[Alex P.O.V.] NANG MATAPOS ang mainit na eksena sa conference room ay nagdesisyon akong pumunta saglit sa female comfort room upang maibsan ang kabang kanina ko pa pinipigilan. Habang nakatingin ako sa sarili kong repleksyon sa salamin ay unti unting gumuhit ang mapaglarong ngisi sa aking labi. "Tama lang ang ginawa mo Alex. Huwag mo na hayaang tapak-tapakan ka pa nila. Pagkakataon mo na 'to para patunayan sa kanila na mali ang paraan ng panghuhusga nila sa akin noon." Ito na lamang ang mga binitawan kong salita habang inaayos ko ang aking postura. Ayaw ko ng magpaapekto sa lungkot. Hindi na ako papayag na muli pa nila akong maliitin. Habang nakatitig ako sa salamin ay kaagad akong nagulat nang may marinig akong sigawan ng mga bata mula sa labas ng comfort room. Sigaw ng masakit na pag-iyak. Nagmadali akong lumabas, at pagkabukas ko nga ng pinto ay bumungad sa akin si Veca na sinisigawan at sinasaktan ang mga bata. Sumagi sa isipan ko na baka ito na ang mga anak nila ni Julian,
[ Alex P.O.V.] BAGONG UMAGA, BAGONG YUGTO sa aking buhay. Marahan ko noon na inaayos ang aking sarili. Bumagay ba sa akin ang office suit na 'to? Alex magagampanan mo ba 'to? Ito na lamang ang naging tanong ko sa aking sarili habang nakatitig sa salamin. Kasalukuyan ngayon ako nag-s-stay dito sa mansion nina Brent, isa na rin itong hakbang para magpanggap kaming mag-asawa. Maya-maya lamang ay kumatok si Mrs. Magda at kaagad ko naman siyang pinagbuksan ng pinto. "Good morning po," bati ko habang nakangiti. Mrs. Magda was stunned nang makita ang aking itsura. "Oh wow, very strong and sophisticated...ano, ready ka na ba? Huwag kang kabahan hija. For now, itu-tour muna kita sa loob ng company at ipapakilala sa mga board members at sa mga employees ko, cheer up hija, you can do this," ani Mrs. Magda na lalo pang nagpapalakas ng loob ko. "Hindi ko po maiwasan na kabahan." Saad ko. "C'mon hija, mawawala na ang kaba mo kapag ikaw na ang chairwoman okay? Halika, puntahan
[Alex P.O.V.] "Hey Alex... I heard that. Did you just say you love me?" pag-uulit ni Brent habang hawak ang aking mga kamay. Wala akong ibang naging tugon kung hindi ang isang matamis na ngiti at pagtango. After that ay nakita ko rin siyang bumulusok sa tuwa at niyakap niya ako ng mahigpit. "Final na iyan? Sure na ba iyan?" paninigurado niya. "Yes Mr. Moore, sure na sure." "Yes!" aniya. "Parang gusto ko na tuloy na pagkalapag ng eroplano sa bansang Greece ay idederetso na kita sa altar," sabik niyang saad. "Hmm, ikaw talaga. Bago ang lahat ng iyon, gusto ko munang magpalakas ka okay? Huwag kang mag-alala. Nasa tabi mo lang ako," saad ko habang hawak-hawak ng isang palad ko ang kaniyang pisngi. He immediately grab my waist at tila wala ng katapusan ang pagtitig sa akin ni Brent. Ngayon parang mas lumabas ang sweet na side na pag-uugali ni Brent at hindi ko maikakailang nakakaramdam ako ng kilig. "You know what mahal...parang nabunutan ako ng tinik nang pasimpl