Biglang nagtaka si Mrs. Evans kung bakit ilang weeks na simula nung nakabalik sina Julian at Alex ay wala pa din paramdam si Eros. Dati rati naman ay tumatawag ito sa kanyang ina. Kaya naisipan ni Mrs. Evans na tawagan na lamang ito at agad siyang napangiti nang mag-ring ang numero ni Eros. Ngunit sa kabilang linya ay si Mang Tacio ang nakasagot ng tawag. "H-Hello, ma'am..." sagot ni Mang Tacio na tila may halong pagkabahala ang boses nito. "Oh, Manong, kamusta po kayo diyan? Si Eros po, kamusta at nasaan siya?" tanong ng ginang. Biglang napasinghap ang matanda at inakalang kasama nito si Eros. "Eh ma'am, akala ko po sumunod po diyan si Sir Eros? Kasi po may iniwan siyang sulat sa kuwarto niya. Akala ko nga po nakisabay kina Sir Julian at Alex pabalik diyan," walang prenong paliwanag ng matanda. Nagulat na lamang si Mrs. Evans nang biglang mahulog ang naka-frame na litrato ni Eros. Mabilis itong bumagsak sa puting marmol na sahig at nabasag ang salamin nito. "Hello, ma'a
Alexa P.O.V. Habang tahimik kong pinagmamasdan ang matamis na yakapan ng mag-ina, hindi ko maiwasang mapako ang tingin ko sa kanang palad ni Julian. Parang may kung anong kakaibang bagay doon—isang marka o tila isang simbolo na ngayon ko lang napansin. Parang may kahulugan iyon, ngunit hindi ko magawang tanungin siya. Ang mga mata niya, na puno ng pagmamahal habang tinitingnan ang kanyang ina, ay tila nagsasabi na hindi ito ang tamang oras. Kaya't nagdesisyon akong lumayo muna at bigyan sila ng pribadong sandali. Ngunit sa paglayo ko, hindi ko maalis sa isipan ang biglaang pag-alis ni Eros. Pambihira talaga. Ni hindi man lang niya inisip na marami ang mag-aalala sa ginawa niya. Mula pa noon, ganyan na siya—palaging gumagawa ng desisyon na hindi iniisip ang maaaring epekto sa iba. Pero bakit tila may kung anong nag-uudyok sa akin na alamin kung ano ang dahilan ng kanyang pag-alis? Habang naglalakad ako sa hardin, bumalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Kahit lasing ako noong ga
Nasampal ko ang lalaking pinakamamahal ko at hindi ko tuluyan natantya ang galit ko. Nakita ko kung paano nagulat si Julian sa nagawa ko, at mas lalo akong nagtaka nang tuwama siya ng nakakainsulto. "Wow, fiery...you know what Alex, habang tumatagal nagiging childish ang pag-uugali mo, at habang tumatagal nagmumukha kang praning," masakit niyang sabi at tuluyan akong napaatras at dahil sa bigat ng dibdib ko ay napaluha ako nang tuluya sa kanyang harapan. "Praning? Childish? pambihira ka Julian...at anong gusto mo, na i-tolerate ko ang pangbabalewala mo sa'kin? At tsaka mo lang ako kailangan kapag sinusumpong ka ng kalib*gan mo! P*tangina Julian! Sana...sana hindi mo na lang sinabi sa'kin kung anong koneksyon mo bago mawala ang ala-ala ko! Nang sa ganon hindi ako nasasaktan ng ganito!" tuluyan na nga akong napasigaw kasabay ng paghagulgol ko. "Alam ko naman eh, at ramdam ko na hindi na ako mahalaga sa'yo. At wala na akong balak alamin ang rason kung bakit Julian...dahil ayaw ko
"Manong Tacio! Manong Tacio!" tarantang sigaw ni Aling Panyang, ang kapitbahay lamang nila ni Mang Tacio.Nagulat ang matanda at mabilisan itong lumabas."O, Panyang, bakit aligaga ka ata?""Naku, tignan niyo itong post sa Fesbuk (Facebook). Hindi ba ito iyong nawawalang alaga niyo?" turo ni Aling Panyang sa android na cellphone nito.At nang titigan ni Mang Tacio ay labis siyang kinabahan nang makita ang litrato na hinihinala niyang si Eros na nakaratay sa ospital malapit sa lungsod kung saan malapit lamang sila."Diyos ko, si Eros nga! S-Salamat, Panyang! Sandali lang at pupuntahan ko!" saad ng matanda at mabilis itong gumalaw upang mapuntahan ang alaga.Naisipan muna ni Mang Tacio na huwag ipaalam sa mga magulang ni Eros ang nangyari dahil siguradong mag-aalala ang mga ito.At nang masilayan niya si Eros, lubhang nanlumo ang matanda nang makita niya ang binata sa kritikal na kalagayan."Excuse me po? Kayo po ba ang pamilya ng pasyente?" tanong ng isang nurse na kasalukuyang naka-as
"Hey, are you okay Alex? May, may problema ba?" Tanong ni Brent nang makita ang pagkabahala sa mukha ni Alex. "Eh kasi...may hindi magandang nangyari sa kakambal ni Julian, nasa hospital siya ngayon. H-hindi ko alam kung papaano ko 'to sasabihin kay tita Elaine." tarantang sagot nito. Tila nakaramdam si Brent ng kakaiba nang mapansin niya na tila kakaiba ang pag-aalala ni Alex kay Eros. Ngunit binalewala na lamang niya dahil baka ganon lang siya umakto dahil kapatid ito ng nobyo niyang si Julian. "So, pupuntahan mo ba ulit si... Julian?" mahinang sabi ni Brent na halos mapayuko ito. Kaagad natigilan si Alex nang mapansin niya na tila hindi komportable si Brent nang mabanggit nito ang tungkol sa kanila ni Julian. "A-amh...mas better siguro kung, kung iderekta ko na lang na sabihin kay tita Elaine ng personal." Saad ni Alex at napaupo ito sabay kagat ng kuko sa hinlalaki nito. "You should rest Alex...ako na bahala magpaalam kay tita, may isa pa akong bakanteng kuwarto do
Papunta na noon si Alex sa company nila Julian, at habang tinatahak nito ang hallway papunta sa kanyang opisina ay labis itong natigilan nang magkita sila ni Mr. Evans, ang ama ni Julian at Eros. "G-Goodmorning po Sir," nakayuko ang ulo na saad nito. Napaayos si Mr. Evans ng kanyang salamin. At tinititigan ang dalaga mula ulo hanggang paa. "Well, I didn't expect na magkakasalubong tayo iha, at, nakakatuwang isipin na magpahanggang dito ay binabakuran mo pa din ang anak ko." Saad ni Mr. Evans at tila balak nitong saktan ang damdamin ng dalaga. "M-mauna na po ako Sir," mabilisang sagot ni Alex at hahakbang na sana ito nang muling magsalita ang Ginoo. "We're not yet finished talking Miss Villamor, ganyan mo ba pakitunguhan ang owner ng company kung saan ka nakatapak ngayon?" sumbat ni Mr. Evans at unti-unting lumingon si Alex. "S-sir... sorry po pero hindi ko po gustong magsimula ng gulo dito, at paumanhin din po kung hindi man maganda ang araw niyo na nakasalubong ako." mag
ay napagpasyahan ni Alex na hablutin isa-isa ang mga nakakabit na swero sa kamay nito at pinilit nitong bumangon kahit hindi pa maganda ang lagay niya. At nang makalabas ito sa mula sa loob ng private ward ay pinagmasdan niya muna ang paligid bago tuluyang tumakas. Tila nawala sa katinuan si Alex habang naglalakad sa kalsada habang suot pa ang pangpasyente na damit nito. Alex P.O.V. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon...parang sinusubok muli ako ng pagkakataon, hinayaan ko lang ang sarili ko na maglakad ng maglakad at walang pakialam sa mga lokal na mga taong nakatingin sa akin. Sari-saring reaksyon ang ipinapakita nila sa akin, ngunit bakit wala na akong maramdaman...ang mga paa ko na nakatapak sa mainit na semento ay tila naging manhid na rin. Patuloy ang pagpatak ng aking luha at nang akma kong tatawirin ang daan ay muli akong nagbalik sa ulirat nang may humila sa'kin mula sa likod, Kamuntikan na akong mahagilap ng isang kotse... pero pinigilan niya ako... Na
Nang biglang may tumawag sa mobile phone ni Brent na noo'y nakalapag sa mesa. Napatigil siya nang makita niya kung sino ang nasa kabilang linya. "It's...Tita Elaine," tipid niyang sagot sabay tingin sa akin na tila hinihintay ang magiging tugon ko kung sasagutin niya ba ang phone call. Tumango ako bilang pagtugon na sagutin niya ang tawag at baka may importanteng sasabihin ang ina ni Julian. "Hello tita, why did you suddenly call?" Marespetong sagot ni Brent ngunit habang pinapakinggan ni Brent ang mga sinasabi ni Tita Elaine sa kabilang linya ay nakita ko ang pagbabago sa reaksyon niya. "Okay Tita... I'll tell her,Good evening po." Sagot ni Brent at napansin ko na tila dehado ang naging reaksyon niya after ng usapan nila ni Tita Elaine ( Mrs. Evans). "Bakit Brent...Ano ang sinabi ni Tita," mabilisan kung tanong habang nakalapag ang dalawa kung kamay sa mesa. "Is it true?" Biglang tanong sa'kin ni Brent na halos hindi ko maintindihan kung ano ang tinutukoy niya. Napakuno
Ngunit sa kalagitnaan ng eksena ay biglang napalingon ang dalawa nang pumasok si Julian. "Dad, w-what is happening here?" nagtatakang sabi ni Julian nang makita ang mga nagkalat at basag na bote sa sahig. "Amh...buti naman at maaga kang nakauwi ngayon. Kailangan ninyong mag-usap na mag-asawa Julian. Kung hindi pa ako napasugod dito ay hindi ko malalaman na may nangyayari na pa lang hindi maganda sa pagitan ninyong mag-asawa," malamig na sagot ng kanyang Ama. "Dad, wala ka dapat ikabahala. Okay kami ni Veca, at isa pa Honey, bakit ganyan ang itsura mo, anong nangyari dito?" wika ni Julian na tila pilit inililihis ang mabigat na sitwasyon. Ngumisi lamang si Veca at tila bahagya pa itong napangiti ng sarkastisko. "You're asking if anong nangyari dito? Huwow! Mag-tu-two months na tayong kasal Julian, pero bakit hindi ko pa rin ramdam na kasal tayo!?" sambit nito at tila may tama na ng alak ang paraan na pagsasalita ni Veca. "Maybe you should talk about this matter na kayo lang
"B-Brent okay ka lang?!" nag-aalalang sigaw ni Alex nang biglang nakaramdam ng kakaiba si Brent na halos mapaupo ito. "Y-yes d-don't worry...I-I think we should go back Alex. I'm sorry...hindi na yata muna kita masasamahan na m-mamasyal..." usal ng binata habang nakahawak sa tiyan nito. "Brent ano ka ba? Iyan pa talaga ang una mong inisip, a-ano kaya mo ba? P-pupunta na ba tayo sa hospital?" sagot nito na dala ang pagka-panic sa tinig ni Alex. "Alex...relax...I-I'm okay," sagot ni Brent na pinipilit pa din na tumayo. "Hindi ka okay Brent, halika na, a-ako na magda-drive ng motor," sagot nito at inalalayan ang binata. "M-marunong ka ba?..." tanong ni Brent. "Oo, kumapit ka lang sa'kin, namumutla ka," muling sagot ni Alex habang naglalakad sila patungo sa motorsiklo ni Brent. Halos hindi maiwas ni Brent na titigan si Alex habang inaalalayan siya at patuloy lang sa paglalakad. Wala siyang kamalay-malay na napapangiti na siya sa pag-aalalang pinapakita ng dalaga. "K
Pagkatapos mamasyal nina Brent at Alex ay napagpasyahan ni Brent na sabihin ang magandang sorpresa nito sa dalaga. "Amh... Alex, hindi ko alam if papayag ka sa sasabihin ko pero, gusto ko sana na ipasok ka sa company namin ni Lola. Payag ka ba?" wika ng binata. "Brent... mukhang sobra-sobra na ang pagtulong na ginagawa mo sa'kin. Mahirap na at baka masanay ako niyan," nakangiting saad ni Alex."Alex...ayaw ko lang isipin mo na pinapabayaan kita. Gusto ko lang din naman na makatulong sa'yo. At habang nasa kumpanya kita ay siguradong safe ka doon, walang mangangahas na mang-away sa'yo," sinserong sagot ni Brent. "Kahit naman tumanggi ako Brent, for sure, kukulitin mo pa din ako. Sige, papasok ako sa company mo pero please lang hayaan mo na lang ako magtrabaho sa'yo. Hindi mo na kailangan na bayaran pa," aniya habang nakahawak sa kamay ni Brent. "Alex, huwag mong isipin ang mga effort na ginagawa ko sa'yo. Ginusto ko ang ganito dahil mahal kita. Pero bago ang lahat...nais ko munang m
Hanggang sa paatras abante na ito, na-feel ko din na hindi siya wild pagdating sa ganitong bagay. Marahan niyang hinawakan ang aking mukha habang ginagawa niya ang paggalaw at nang malapit na kaming lab*san ay lubha akong nagulat nang biglang. "A-Alex? Hey," sagot ni Brent ngunit tila naririnig ko lamang ang boses niya na umaalingawngaw sa aking isipan. "Hmmm," muli kong ungol at napapakagat pa ako ng labi then suddenly. Napamulat ako, at mula sa harapan ko ay naroroon si Brent--nakatayo at pinagmamasdan akong nakahiga sa kama. Sh*t! Panaginip! Panaginip lang ang lahat! "B-Brent ka-kanina ka pa diyan?" mahiyain kong sabi sabay yuko. Namuo ang mga pilyong ngiti ni Brent habang nakapamewang ito. "Hmm... you're calling my name, while you were sleeping," mahina niyang sabi at kaagad kong kinuha ang unan at dahan-dahan kong itinakip sa mukha ko. "Well, maybe... it's time to wake up! Bangon na Alex, may pupuntahan tayo," muli niyang sabi at banayad na hinila ang i
Habang nasa gig si Brent ay wala siyang kaalam-alam na naparoon pala si Alex, suto nito ang kanyang mapang-akit na casual dress. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang binata na kumakanta habang naggigitara. "Ang ganda talaga ng boses," bulong nito sa sarili habang papalapit ito sa binata. Nang matapos ito kumanta ay kaagad itong bumaba at biglang napansin ang presensya ni Alex na noo'y nakatayo malapit sa kinaroroonan niya at nakikipagpalakpakan din. "Alex? Oh, I didn't expect na...na manonood ka pala ng gig ko and, wow, you look... gorgeous tonight," nakangiting sagot ni Brent kasabay ng paggawi ng tingin nito sa dalaga. "Amh, na-bored ako sa bahay mo eh, tsaka nagawa ko na lahat ng gawaing bahay pero...nababagot pa din ako, kaya nagdesisyon ako na puntahan ka dito," masayang sagot ng dalaga."Oh, tara doon tayo, wait lang kuha lang ako ng drinks natin," sagot ni Brent ngunit kaagad na hinawakan ni Alex ang kamay nito. " Kailangan natin mag-usap Brent," biglang sagot ni Alex n
Ang unang gabi nina Julian at Veca ay puno ng init, nang matapos sa pagligo ang dalaga ay mabilisan itong pumunta sa kama at naroroon naman noon si Julian at nakasandal sa headboard ng kama. "Hi Honey, do I look attractive tonight?" pang-aakit na sagot ni Veca. Suminghap ang binata at tila wala itong narinig habang nanonood lamang sa mobile phone nito. Napansin iyon ng dalaga at banayad na kinuha ang cellphone nito tsaka umupo sa tabi ni Julian. "You should take away that cellphone and focus on me Julian, this is our moment at sana naman huwag kang mag astang parang napipilitan," naiinis na sagot ng dalaga. "Veca... di'ba sinabi ko naman sa'yo, it takes time for everything, hindi pa ba enough sa'yo na kasal na tayo?" diin na sagot ni Julian. "It will never be enough Julian, kapag lagi ganyan ang trato mo sa'kin ay balak mapilitan akong gawin ang nararapat...kahit pa alam kong madami akong masasagasaan!" sagot ni Veca na tila may pagbabanta sa tinig nito. "Don't threaten me
"Hindi maaari...bakit ngayon ko lang ito napansin?" Anang ng matanda nang makita ang suot na singsing ni Eros. "Sa pagkakaalam ko, ang singsing na suot ni Eros ay pagmamay-ari ni Julian," nagtatakang tanong ng matanda at pilit na kinakalkyula kung paano napunta kay Eros ang bagay na iyon. "Dios ko, ano ba itong naiisip ko," muling bulong ng matanda kasabay ng pagtingala nito sa itaas. *** Nakaplano na ang lahat, natapos na din ang decorations ng wedding theme nina Julian at Veca. Nang nasa simbahan na ang lahat ay puspusan ang kasiyahan ng bawat isa.Habang galak na naglalakad si Veca sa altar ay ganon naman ang ngiting ipinupukol sa kanya ni Julian habang papalapit ito. "You've made the right decision son," Anang ni Mr. Evans na noo'y malapit lamang sa tabi ng kanyang anak na si Julian. Natuloy nga ang kasal ng dalawa at habang nagsasaya sila sa loob ng simbahan ay naroroon naman si Alexa at nakamalong ito at naka-shades. " Magsaya ka Julian, pero hindi ako papayag na
"Marry me..." Natameme ng husto si Alex at hindi niya alam kung anong isasagot niya kay Brent. "B-Brent... seryoso ka ba sa pinaplano mo?" nagtatakang tanong ng dalaga. "I'm a hundred percent sure Alex, it's okay if you marry me para lang makaganti sa kanila. Kung iyon ang nararapat at tanging paraan then, let's do it. Alam kong mahirap para sa'yo ang desisyon na ito, pero mas lalo akong mahihirapan Alex kapag hinayaan mo lang sila sa ginawa nila sa'yo," sagot ni Brent sa dalaga. "P-Pero Brent...kapag nagpakasal tayo, baka mas lalo nilang isipin na ginagamit kita para makapaghiganti sa kanila. At isa pa, h-hindi ko maipapangakong magiging maayos ang lahat pagkatapos ng kasal na ito," saad ng dalaga na tila ramdam pa din ang kaba sa kanyang dibdib. "Pinaghahandaan ko na iyan Alex, I'm not expecting in return, I just want to bring the real you, the new YOU. Iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko Alex kaya hindi ko hahayaan na tinatapak tapakan ka lang. Marry me for vengeance," muli
Kinaumagahan ay napansin ni Alex na hindi maganda ang pakiramdam ni Brent kaya kaagad niya itong nilapitan. "Brent? Okay ka lang ba? Ang init mo, sandali lang," saad ng dalaga at nang akma na itong tatayo ay hinawakan siya ni Brent. "D-Don't leave me..." may pag-nginig sa boses ng binata habang nagsasalita. "Stay...with me, please," muling dagdag nito habang nangingitim ang ilalim ng mga mata nito.Kaagad naman napaupo si Alex at hinawakan ang dalawang magkabilang kamay nito at kinumutan habang nasa sofa. "Hindi ako aalis Brent, pero hayaan mo na alagaan kita, hindi ako aalis," sagot ni Alex at habang hinahaplos ang buhok ng binata. At nang mapakiramdaman ni Alex na kumalma ang binata ay kaagad siyang kumuha ng mainit na tubig upang punasan ito. "Hay, kawawa ka naman, buti na lang nagkataon na nandito ako," bulong ni Alex sa sarili habang patuloy na inaasikaso si Brent. Pinagtyagaan niyang bantayan, pagsilbihan ang binata hanggang sa medyo bumaba ang init ng katawan nito. Gabi