It's been 2 days, hanggang ngayon ay hindi ko parin siya nakikita pati narin ang reaper niya. Hindi ko maiwasang mag-alala.Is she okay?Napabuntong-hininga nalang ako at pilit itinuon sa gurong nagtuturo ang atensyon pero talagang bumabalik at bumabalik talaga ang isip ko sa kanya.This past few days may mga ilang ala-ala muli akong nakita. Kung gaano kami kasaya, kung paano ko siya kulitin, kung paano siya mabilis magalit kapag nasusugatan ako at higit sa lahat kung paano siya ngumiti nung mga panahon na iyon."Yah! Napano to?!" gigil na sigaw niya nang napagmasdan ang gilid ng labi ko.Kababalik niya lang galing sa isang bakasyon at dito agad siya dumaretyo sa bahay pagkarating. Kasalukuyan kaming nasa kwarto ngayon, magkaharapan habang nakaupo sa kama ko.Napanguso nalang ako at napaiwas ng tingin.Lagot na naman ako neto. Tsk!"Zhion Takeo Chen!" she hissed in warning tone."Napaaway lang ako sa grupo nina Xendrik love" sabi ko bago siya patagilid na niyakap."And why is that?" a
My mind was blank when I got home. Nadatnan ko si Zakhira na seryosong nag-aaral sa sala. Inayos ko ang aking salamin dahil bahagyang lumuwag iyon.Natigilan ako at napapikit ng mariin. Kaya pala..Kaya pala hindi ko maalis-alis ang salamin na ito noon dahil nanatili ang halaga nito sa utak ko."Totoo ba?" tanong ko sa kapatid ko.Inangat niya ang kanyang paningin sa 'kin kasabay nang pangungunot ng kanyang noo."Totoo bang hindi namatay si Zhayn sa car accident?" I asked clearly while gritting my teeth.Nakita ko ang bahagyang panlalaki ng mata ni Zakhira na mabilis ding napalitan nang pagiging seryoso. She leaned on the sofa and look at me straight."Yes," she simply answered, waiting for me to fire a question again."Yura, was she the one who killed him?" I asked emotionless.My sister smirked 'though I can see the pain and longing in her eyes. "Huhulaan ko, hindi mo na naman siyang pinagpaliwanag," aniya sa halip na sagutin ako.Natigilan naman ako sa kanyang tinuran. Somehow, I f
Halos isang oras na ang lumipas mula nang natapos ang doktor sa pagtatahi ng sugat ni Zhynn.Pare-pareho kaming nakamasid sa mahimbing na natutulog niyang mukha."Akala mo'y napakabait kapag tulog," bulong ni Hirro habang naiiling."Where did she get the injury?" I asked.Bumuntong hininga naman si Lanz at malamlam na tiningnan si Zhynn. "She saved me," bulong niya.Tiningnan ko siya nang may pagtataka. "From?""Our team was ambushed few days ago. Ikinulong kami sa isang bodega at pinahirapan. As you can see." Nagkibit-balikat siya at tiningnan ang kabuuan."Nagtataka ka siguro kung bakit siya napuruhan." Pag-agaw ni Hirro sa atensyon ko."Kinda," tipid na pag-amin ko."She went there alone," bahagyang nakaangat ang kanyang labi nang sabihin n'ya 'yon."What?!" kunot-noo kong asik at tiningnan ng masama ang direksyon ni Zhynn."Nagpapakamatay ba s'ya?" dagdag ko.Lanz emptily chuckled. "She's really impulsive when it comes to her close ones," he stated."Mabuti nalang at na-track ko s
Mabilis na lumapit si Hirro at kinarga ang munting bata na nasa aking harapan. He looked at me coldly although his eyes seems bothered with something.Muli ko sanang titingnan ang bata ngunit mabilis niya itong isinubsob sa kanyang balikat."Aalis ka na ba?" malamig na tanong niya sa akin."Who is she?" seryosong tanong ko imbes na sagutin ang tanong niya."My sister," agad na tugon niya.Pinakatitigan ko pa siya upang hanapin ang kasinungalingan sa kanyang mata ngunit siguro nga ay gano'n talaga sila kahusay pagdating sa pagkukubli."May kailangan ka pa ba?" tanong sa 'kin ni Hirro na tila gustung-gusto na akong paalisin.I looked at the girl again. Nakatalikod man siya sa akin ay gano'n nalang kalakas ang dating ng kanyang presensya sa sistema ko."I'm going," pamamaalam ko bagamat ayaw ng aking paa na gumalaw paalis."Okay," tipid na saad niya at mabilis akong tinalikuran dahilan para muli kong masilip ang mukha ng bata.Can it be?Wala sa sarili akong lumabas ng bahay at sumakay s
"We need to talk," I said sternly."What do you want?" malamig na tanong ni Zhynn sa 'kin habang nakasandal sa couch.It's been a week since the incident. Halos araw-araw kong inaabangan kung kailan siya babalik ng eskwelahan kaya naman nang ibalita sa akin ni Gavier na nandito na siya ay agad ko s'yang hinanap."About Zakiah," I uttered.I saw her stiffened in her place. Marahan niya akong nilingon at pinakatitigan. Bakas sa kanyang mukha ang nerbyos at pagkabahala. Ilang beses niyang ibinuka ang kanyang bibig upang magsalita ngunit tila hindi siya makatagpo ng sasabihin.She took a deep breath and stood up from her seat. "How did you know about her?" seryosong tanong niya habang malamig na nakatingin sa 'kin."It's not important anymore. Just tell me about her, she's mine right?" Direktang wika ko.Nakita ko ang pag-igting ng panga niya."Why do you asked?" Inis niyang tanong imbes na sagutin ako."JUST FVCKING TELL ME!" I shouted."Yes! She's our daughter. Ano naman ngayon?!" pagsi
YURA's POV:"Ikaw?" hindi makapaniwala kong usal habang nakatingin kay Zhayn—ang kapatid ng mahal ko.Malungkot s'yang ngumiti sa 'kin dahilan para mag-init ang sulok ng mata ko."Wala akong ideya na aabot ang lahat sa ganito..." Pagpapaliwanag niya sa kabila ng kanyang ngiti.Marahan akong napailing at nanghihinang ibinaba ang nakatutok kong baril."Bakit? Bakit ka sumanib sa kanila?""Point your gun at me, Yura," he reminded instead of answering me."How can I fvcking point the gun at you?!" I shouted with frustration."You know the rules, Yura," mapait niyang sambit. "And you should protect that baby..." Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko at pilit na ngumiti.I stiffened in my place."Kill me, Yura Zhynn. End my life," he uttered and gave me a genuine smile.Marahan akong umiling. "Alam mong hindi ko kaya," pumipiyok kong wika."Kayanin mo, Yura, para sa batang nasa sinapupunan mo, para sa kapatid ko at para sa 'yo," aniya.Paulit-ulit akong umiling."Alam kong alam mo na papatayin
Maaga akong nagising at naghanda sa pagpasok kinaumagahan. Hindi maalis-alis ang ngiti sa labi ko habang inaalala ang mga bagay na pinagkasunduan namin kahapon ni Zhynn.Pumayag s'ya."Mom, aalis na po ako!" sigaw ko nang nakababa ako ng hagdanan."Wow. Ngayon ka lang namaalam kuya, ah? Did something masaya happened?" tanong ng kapatid ko na bigla nalang sumulpot mula sa kusina.My lips twitched because of her words. Agad din naman akong napangiti nang naalala kung bakit ako masaya ngayon."Wala. Feeling ko kasi rank 1 ako," nakangising tugon ko sa kanya at saka siya nilapitan upang guluhin ang kanyang buhok.Ayaw kong magsinungaling sa kanya, sa kanila, ngunit para rin ito sa kaligtasan ng lahat.Zakhira rolled her eyes. "Palagi ka namang nangunguna sa klase. Hindi ka pa nasanay." Nagkibit-balikat siya at nanguna sa paglalakad palabas."Sumakay kana sa akin." Pag-anyaya ko nang naabutan ko siya 'tsaka inakbayan."Ang creepy mo, kuya. Hindi kana kaya ng doktor," aniya.I chuckled at h
YURA's POV:"You're here," untag niya mula sa likuran ko.Hindi ko s'ya nilingon. Pinagpatuloy ang pagmamasid sa buong eskwelahan mula sa rooftop ng gusali na kinaroroonan namin. Naramdaman ko ang paglalakad niya hanggang sa mapunta siya sa gilid ko."Ano'ng iniisip mo?" seryosong pang-uusisa n'ya.I let out a deep sigh and looked at him. "I can feel it, Takeo. The war is coming," mahinang anas ko.He stared at me for a short moment and then walked behind my back. Naramdaman ko ang unti-unting pagpulupot ng braso niya sa bewang ko kasabay nang pagdikit ng katawan niya sa 'kin."You're ready for that, right?" maamong tanong niya.Mapait akong ngumiti sa kawalan. "I am..." Isinandal ko ang sarili sa kanya. "But still, umaaasa ako na hindi na aabot ang puntong 'yon," I murmured.Naramdaman ko ang malalim niyang paghinga. Marahan niyang hinaplos ang braso ko na tila ba sa gano'ng paraan ipinaparamdam ang pag-intindi niya sa 'kin.I roamed my eyes around the campus."It was so peaceful back
TAKEO's POV:"WHAT?!" Hirro shouted.Napatulala nalang ako at nanghihinang napasandal sa pader habang karga ang anak kong natutulog."Kailangan nating maisagawa ang heart transplant sa madaling panahon. Masyadong malala ang tama ng bala sa kanyang puso, hindi na niyon kakayaning suportahan ang katawan niya," saad ng doktor.Pare-pareho kaming natahimik dahil doon."Then take mine. I will donate my heart for my sister," Hirro declared and stood up from his seat.Nakita ko pa ang kanyang pagngiwi marahil sa tama ng baril niya sa kanyang binti."Hirro," sabay na tutol namin ni Lanz.Tumingin siya sa amin at ngumiti ng tipid. "Tell her, I love her," aniya."Pasensya na po, Mr. Perez ngunit hindi po namin magagawa ang gusto ninyo. Bukod sa buhay pa kayo ay hindi rin maaari na lalaki ang mag-donate kay Ms. Yura. Malaki po kasi ang posibilidad na tanggihan iyon ng katawan niya kumpara sa kapwa niya babae," mahinahong paliwanag ng doktor.Napaawang ang bibig ni Hirro at nanghihina na napaupon
HIRRO's POV:Staring at my sister who's bleeding at this moment makes me want to kill someone, but the way she silently shed tears with her emotionless eyes stunned me.She's now at her weak point."Iyan lang ba ang kaya mong gawain, Alectrona?" Xirenn mocked."Tngn* niyo! Mga duwag!" galit kong sigaw sa gitna ng aking pagwawala."Manahimik ka!" Gavier shouted and punched me right into my abdomen.Napaungot naman ako at napaubo. Nanghihina kong iniangat ang aking paningin kay Takeo na ngayo'y tulala habang nanatiling nakatutok ang kanyang baril patungo sa kapatid ko."Fvcker... wake up," I murmured between my groaned."Huwag na huwag ninyong inuugali na saktan ang kapatid ko," malamig at gigil na usal ni Yura.Muli akong napatingin sa kanya. Hindi ko alam kung maaawa ba ako o hahanga sapagkat nakatayo na siyang muli, naroon pa rin ang luha sa kanyang pisngi na hindi niya pinagkaabalahang punasan."Wala akong pakialam sa 'yo, Kakia. Pero hayaan mong balaan kita..." Matalim siyang tinin
YURA'S POV:Ilang kilometro mula sa isang matayog na abandonadong gusali ay tumigil ang sinasakyan ko. Parehong nakikiramdam ang dalawa kong kasamahan sa akin na tila ba kinakapa ang susunod kong hakbang."Hintayin niyo ang iba rito," ani ko at inayos ang espadang hawak."Nahihibang kana ba, Yura?!" asik ni Prexia habang nakapigil ang kanyang kamay sa 'king braso nang asta akong lalabas ng sasakyan.Walang emosyon ko siyang tiningnan. Ramdam ko ang takot niya mula sa akin kaya naman unti-unti siyang napabitaw bagamat hindi niya iyon gustong gawain."Hintayin muna natin ang ating mga tauhan pati na rin ang back up na ipinadala ng iyong ama, my lady," nakikiusap na wika ni Lanz.I smirked. "Alam mong hindi ako makakapaghintay ng gano'n katagal. Buhay ng mga mahal ang nakataya rito baka nakakalimutan niyo," nagngingitngit na ngiping saad ko."Sasama kami pagpasok," pinal na sambit ni Prexia at inayos din ang kanyang mga armas."STAY.HERE." I glared both of them when Lanz also fixed his g
"Kumusta, Takeo?" Walang buhay siyang ngumiti at naglakad patungo sa 'kin.Sinamaan ko siya ng tingin. Mabagal niya akong inikutan mula sa 'king kinauupuan, agad akong nagpumiglas sandaling lumapat ang daliri niya sa balikat ko."Don't touch me," I said darkly.She laughed sparingly and stood up in front of me. "Sa pagkakataon na ito, hindi ba dapat ay nagmamakaawa ka, Takeo?" nanunuya saad ni Xirenn.Hindi naman ako agad nakasagot sa pag-iisip sa kapakanan ng anak ko.Hirro chuckled on his seat, getting Xirenn's attention. "At this moment, ikaw ang dapat magmakaawa. Kinuha mo kaming lahat, tingin mo ba ay palalampasin ito ng kapatid ko?" Isang ismid pa ang pinakawalan niya bago walang buhay na tiningnan si Xirenn. "You will all die today," he added.Xirenn gritted her teeth and walked into Hirro's place, giving him a hard slap. Bahagyang tumabingi ang mukha ni Hirro ngunit hindi kakikitaan ng kahit anong sakit ang kanyang itsura, bagkus ay matapang niyang sinalubong ang paningin ni X
TAKEO's POV:Mabigat sa 'king loob na iwan si Zhynn, ngunit alam ko na sa ganitong paraan lang ako lubos na makatutulong sa kanya. Iyon ay ang siguraduhin ang kaligtasan ng anak naming dalawa."Fvck!" sabay na bulaslas namin ni Hirro kasabay nang mabilis na pagyuko sapagkat may bala na parating sa 'ming direksyon.Nagpaputok pabalik si Hirro habang tumatakbo naming tinungo ang isang pader upang magtago."Damn! Kailangan natin agad kumilos. Mauna kana sa mansyon at dalhin mo si Zakiah papuntang airport. Naroon na ang iyong pamilya kaya wala ka ng iba pang aalalahanin," ani Hirro sa pagitan ng kanyang pakikipagpalitan ng putok."Paano ka?" agad kong tanong. Alam kong hindi papayag si Zhynn na mapahamak din ang kapatid niya."Susunod ako. Pauunahin lang kita." Iniabot niya sa 'kin ang reserba niyang baril bago sumenyas sa nakakalat na tauhan. "Cover him," tipid na sambit niya at saka tumingin ng seryoso sa 'kin."Please, take care of my niece," sinserong pakiusap niya.Agad naman akong t
As Prexia and I reached the ground floor we nodded at each other, then parted ways. Hindi pa man ako nakakalabas ng gusali ay agad na akong sinalubong ng mga putok ng baril mula sa mga nakapasok na kalaban. Mabilis akong nagtago sa isang pader at kinuha ang baril ko sa likuran, pumusisyon ako at inasinta ang apat na kalaban habang patuloy na dumedepensa sa pagpapaputok nila.Isa, dalawa, tatlo, magkakasunod na pagpapakawala ko ng bala kasabay nang pagbagsak ng duguan nilang katawan. Umikot ako patungo sa kanan nang tinataguan kong pader at binaril ang isa pang natira."Are you okay, my lady?" usisa ni Lanz mula sa earpiece na nakakabit sa 'kin."Nakita mo ba si Kakia?" balik kong tanong at kumilos palabas ng gusali."Hindi ko pa siya napapansin," sagot ni Lanz sa kabila nang maiingay na putok ng baril sa linya niya."Prexia, napansin mo ba?" sunod kong tanong sa kaibigan ko."Not yet," she answered as I heard a clashing of blades on her line.Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka at m
YURA's POV:I was hitting a cigarette when I heard his footsteps walking closer to me."Love," malambing na usal niya at astang yayakap mula sa likuran ko."Subukan mong idikit 'yang kamay mo sa 'kin, Takeo. Babaliin ko 'yan." Pagbabanta ko na ikinatigil niya sa pagkilos.Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ng kapatid ko sa gilid habang pinanunuod kaming dalawa. Pasimple kong iniirap ang paningin ko at idinutdot ang sigarilyo sa railing upang mamatay. Itinapon ko ito 'tsaka bumaling ng tingin kay Takeo na ngayon ay nakanguso sa harapan ko."Where's Lanz?" I asked.His forehead knotted and roamed his eyes around and then looked at me again. "Why are you asking me?" he asked.Siya pinagbabantay ko sa 'yo malamang.I gritted my teeth and pulled my phone out to call my reaper. Pinanuod lang naman ako ng dalawa habang ginagawa ko iyon. Two rings and Lanz quickly answered my call."Where are you?" walang emosyon kong bungad."Chine-check ko lang kung maayos ang lahat. May napansin lang ako k
"Tama ba ako nang napapansin?" bulaslas ni Gavier sa gilid ko.Kunot-noo ko siyang binalingan ng tingin. "We're in the middle of the class, Gavier." Suway ko rito at inayos ang aking suot na salamin.Napanguso naman siya at tumingin sa direksyon ng babaeng mahal niya. "Hindi ka na niya nilalapitan ngayon. May ginawa ka ba sa kanya?" pang-aakusa niya sa 'kin.Napahilot nalang ako sa 'king sintido at muling tumingin sa guro na nagtuturo sa unahan. Naroon man ang atensyon ko ay hindi ko maiwasang mapaisip sa sitwasyon ni Gavier."Dude, you didn't speak ill to her right?" seryosong wika niya.I gave him a serious look. "Gavier, isang tao lang ang pinag-aaksayahan ko ng panahon. Iyon ay ang babae sa unahan ko, kaya tigilan mo ang pag-iisip ng kung anu-ano bagkus ay matuwa ka nalang at hindi na niya ako dinidikitan," mariin kong sambit sa bawat salita.He let out a frustrated sigh and disheveled his hair. "Nakakapanibago kasi," he murmured."Then ask her." Umayos ako sa pagkakaupo at tumiti
"Kanina ka pa nakatitig d'yan," tawag pansin sa 'kin ni Hirro.Nandito ako ngayon sa salas at nakatitig sa espadang ginamit ko kanina sa ensayo. Ang mag-ina ko ay kasalukuyang nasa silid nila at namamahinga. Hindi ko na rin nakita pa si Prexia marahil ay umalis na siya kanina.I let out a deep sigh and looked at him sternly. "Blade of death," I said simply.Tila hindi naman siya nagulat sa 'king sinabi. Isang munting ismid ang pinakawalan niya habang prenteng nakatayo sa harapan ko."What do you want to know?" he asked lazily and walked to the one seater sofa. Umupo siya ro'n at tumitig sa 'kin, hinihintay ang mga salitang lalabas sa bibig ko."Bakit parang napakabigat ng titulo ng espadang ito?" usisa ko.Ngumiti siya kahit pa isa iyong ngiti na walang laman na emosyon. "It's been a year since it happened," he spoke and leaned against his seat.Tumitig siya sa kisame na tila ba pinanunuod niya ro'n ang kanyang tinutukoy. "Isang taon na mula nang na-kidnap si Zakiah ng isang sindikato