"Nandito ka na pala," untag ni Zhynn na nakapagpabalik sa katinuan ko."Y-Yeah," utal na wika ko at alanganing naglakad patungo sa kanila.Inosenteng nakatingin ang anak ko sa akin habang pinagpapawisan naman ako nang malagkit sa kaba na maitutok niya sa akin ang baril. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang nakakalokong ngisi ni Hirro sa tabi."Namumutla ka 'ata?" Usisa ni Zhynn, hindi ko mabakas kung nag-aalala ba siya o nanunuya.Imbes na sagutin siya ay naglakad nalang ako papunta sa kanyang tabi."Hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan mo ipakikilala ang anak ko," sarkastikong bulong ko at pinagmasdan ang pagpapatuloy ni Zakiah sa pagpunas ng hawak niya."What?" Maang na tanong niya. "Akala ko ba ay gusto mong makilala ang anak mo?" Dagdag niya."Are you fooling me, Zhynn?" Angil ko.She chuckled and stroke my face gently. "Masyado ka namang nerbyoso. Ngayon ka lang ba nakakita ng baril?""Matagal na akong sanay sa baril, Zhynn. Maski sa mga gulo ay sanay na rin ako. Pero ang a
Ika-anim na araw na buhat no'ng kumprontahin ako ni Zhynn, anim na araw na rin niya akong hindi pinapansin sa kabila nang pangungulit ko."Ayos ka lang, dude?" usisa ni Gavier sa tabi ko.Malumbay akong tumango at pinagmasdan ang likuran ni Zhynn."Mukha kang na-basted sa itsura mo," nakangiwing saad niya.Agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Pinagsasabi mo?" asik ko.He chuckled and bent sideward to tapped my shoulder. "Okay lang 'yan, dude. Hindi ka nag-iisa," aniya.I shrugged his hand over my shoulder."Gago, huwag mo akong igaya sa 'yo na mahina sa lovelife," salubong na kilay kong wika."Aray! Foul 'yon. Pinatatawa lang naman kita." Ngumuso siya at umarteng natamaan sa dibdib."Back off, Gavier. Doon ka mangulit sa chick mo," asik ko.Lalo pang nanulos ang nguso niya at tumunghay sa direksyon ni Prexia na ngayon ay busy sa pakikipag-usap sa isa naming kaklase na lalaki. Napabuntong hininga ako nang nakita ko ang kalungkutan sa mga mata niya."Why don't you try talking to her agai
"Are you ready?" Hirro asked mockingly when I came into their mansion."Do I have to do this? She can even protect me," I said lazily."Fvck!" bulaslas ko nang nakatanggap ako nang malakas na batok mula sa kanya."You fvcking as*hole. Buhay mo 'yan tapos iaasa mo sa kapatid ko? Pumasok kana sa loob at magbanat ng buto," asik niya at naunang pumasok sa mansyon.Nakangiti kong tinanaw ang kanyang likod at napailing. "It was a joke," I murmured and went inside.Sinundan ko siya sa paglalakad hanggang sa pasukin namin ang isang silid. Naabutan namin doon ang dalawang pigura na naglalaban gamit ang mga espada, kapwa may takip ang mukha. Gano'n pa man ay alam kong si Zhynn ang isa roon sapagkat pamilyar ako sa hubog ng katawan niya.Puros pag-atake ang ginagawa ni Zhynn habang panay salag naman ang kalaban. Ang bawat pagdiit ng kanilang sandata ay gumagawa nang matinis na tunog sa loob ng silid. Bakas ang katalasan sa mga espada na gamit nila base palang sa pangingislap ng talim nito. Marii
TAKEO's POVDamn it!Bakit ba puros bihasa ang mga nakikilala kong babae? Tanging kapatid ko lang 'ata at si Mommy ang mga babae na mapapakisamahan ko nang kampante."Fvck!" Hindi ko naiwasang mapamura nang malakas niyang hampasin ang kaliwa kong balikat gamit ang hawakan ng espada nang sumugod ako sa kanya.I saw her smirked. "What now, Takeo? Hanggang gan'yan mo nalang ba kayang protektahan ang sarili mo?" Pangmamaliit niya habang tamad na nakatukod ang kanyang siko sa espadang hawak.Tiim bagang akong nagngitngit ng ngipin sa inis. Tumingin ako sa hawak kong espada, aaminin ko na hindi ako sanay rito. Hindi ko ito pinagkaabalahang pag-aralan noong nasa Japan ako. Tanging chako at martial arts ang inensayo ko noon.Natigilan naman ako at unti-unting napangiti nang pumasok ang isang ideya sa utak ko.Bakit ba ngayon ko lang naisip iyon?Masyado akong natuon sa hawak kong armas. Kung paano ito iaatake at idedepensa, nawala sa isip ko ang aking pagkilos.Umangat ang kanang kilay ni Pre
"Kanina ka pa nakatitig d'yan," tawag pansin sa 'kin ni Hirro.Nandito ako ngayon sa salas at nakatitig sa espadang ginamit ko kanina sa ensayo. Ang mag-ina ko ay kasalukuyang nasa silid nila at namamahinga. Hindi ko na rin nakita pa si Prexia marahil ay umalis na siya kanina.I let out a deep sigh and looked at him sternly. "Blade of death," I said simply.Tila hindi naman siya nagulat sa 'king sinabi. Isang munting ismid ang pinakawalan niya habang prenteng nakatayo sa harapan ko."What do you want to know?" he asked lazily and walked to the one seater sofa. Umupo siya ro'n at tumitig sa 'kin, hinihintay ang mga salitang lalabas sa bibig ko."Bakit parang napakabigat ng titulo ng espadang ito?" usisa ko.Ngumiti siya kahit pa isa iyong ngiti na walang laman na emosyon. "It's been a year since it happened," he spoke and leaned against his seat.Tumitig siya sa kisame na tila ba pinanunuod niya ro'n ang kanyang tinutukoy. "Isang taon na mula nang na-kidnap si Zakiah ng isang sindikato
"Tama ba ako nang napapansin?" bulaslas ni Gavier sa gilid ko.Kunot-noo ko siyang binalingan ng tingin. "We're in the middle of the class, Gavier." Suway ko rito at inayos ang aking suot na salamin.Napanguso naman siya at tumingin sa direksyon ng babaeng mahal niya. "Hindi ka na niya nilalapitan ngayon. May ginawa ka ba sa kanya?" pang-aakusa niya sa 'kin.Napahilot nalang ako sa 'king sintido at muling tumingin sa guro na nagtuturo sa unahan. Naroon man ang atensyon ko ay hindi ko maiwasang mapaisip sa sitwasyon ni Gavier."Dude, you didn't speak ill to her right?" seryosong wika niya.I gave him a serious look. "Gavier, isang tao lang ang pinag-aaksayahan ko ng panahon. Iyon ay ang babae sa unahan ko, kaya tigilan mo ang pag-iisip ng kung anu-ano bagkus ay matuwa ka nalang at hindi na niya ako dinidikitan," mariin kong sambit sa bawat salita.He let out a frustrated sigh and disheveled his hair. "Nakakapanibago kasi," he murmured."Then ask her." Umayos ako sa pagkakaupo at tumiti
YURA's POV:I was hitting a cigarette when I heard his footsteps walking closer to me."Love," malambing na usal niya at astang yayakap mula sa likuran ko."Subukan mong idikit 'yang kamay mo sa 'kin, Takeo. Babaliin ko 'yan." Pagbabanta ko na ikinatigil niya sa pagkilos.Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ng kapatid ko sa gilid habang pinanunuod kaming dalawa. Pasimple kong iniirap ang paningin ko at idinutdot ang sigarilyo sa railing upang mamatay. Itinapon ko ito 'tsaka bumaling ng tingin kay Takeo na ngayon ay nakanguso sa harapan ko."Where's Lanz?" I asked.His forehead knotted and roamed his eyes around and then looked at me again. "Why are you asking me?" he asked.Siya pinagbabantay ko sa 'yo malamang.I gritted my teeth and pulled my phone out to call my reaper. Pinanuod lang naman ako ng dalawa habang ginagawa ko iyon. Two rings and Lanz quickly answered my call."Where are you?" walang emosyon kong bungad."Chine-check ko lang kung maayos ang lahat. May napansin lang ako k
As Prexia and I reached the ground floor we nodded at each other, then parted ways. Hindi pa man ako nakakalabas ng gusali ay agad na akong sinalubong ng mga putok ng baril mula sa mga nakapasok na kalaban. Mabilis akong nagtago sa isang pader at kinuha ang baril ko sa likuran, pumusisyon ako at inasinta ang apat na kalaban habang patuloy na dumedepensa sa pagpapaputok nila.Isa, dalawa, tatlo, magkakasunod na pagpapakawala ko ng bala kasabay nang pagbagsak ng duguan nilang katawan. Umikot ako patungo sa kanan nang tinataguan kong pader at binaril ang isa pang natira."Are you okay, my lady?" usisa ni Lanz mula sa earpiece na nakakabit sa 'kin."Nakita mo ba si Kakia?" balik kong tanong at kumilos palabas ng gusali."Hindi ko pa siya napapansin," sagot ni Lanz sa kabila nang maiingay na putok ng baril sa linya niya."Prexia, napansin mo ba?" sunod kong tanong sa kaibigan ko."Not yet," she answered as I heard a clashing of blades on her line.Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka at m