Napapitlag ako nang tumunog ang aking cellphone. Kaagad kong binasa ang text nang makita kong galing iyon kay Froizel.
FROM FROIZEL:Ito ang contact number ni Lovimer Guieco.Napangisi ako nang makita ang number. Kaagad kong nai-save iyon.Lumabas na muna ako ng control room namin at pumasok ng kwarto. Pabagsak akong nahiga sa kama at nakangising nag-type ng message.TO: LOVIMER GUIECOHEY! WANNA HANG OUT WITH ME? MEET ME AT LC COFFEE SHOP— WEST TOMORROW @ 5:00 A.M.Walang pagdadalawang isip na pinindot ko ang send button. Nasanay talaga akong caps lock ang typing ko sa text or chat. Mas komportable ako sa gano'n.Hinintay ko ang reply nito. Halos ten minutes din siguro akong nakatitig sa screen ng cellphone ko.FROM LOVIMER GUIECO:Cha? Ikaw ba 'to? New number mo?Cha?! So, confirmed nga? May something nga sa kanila ng superstar na 'yon?!Nag-isip pa muna ako nang isasagot bago nag-reply uli.TO LOVIMER GUIECO:BUSY KA BA? AVAILABLE KA BA TOMORROW?Wala pang isang minuto ay may reply na kaagad ito.FROM LOVIMER GUIECO:Hindi naman ako busy bukas dahil wala kaming gig. Available ako tom, kita-kits. Btw, what happened to your typing? Bakit caps lock?Natawa naman ako sabay iling. Lahat talaga ay napapansin, eh.TO LOVIMER GUIECO:AHH, WALA NAMAN. CAPS LOCK PARA DAMA.Humagalpak pa ako ng tawa bago ipinadala iyon sa kanya. Ngayon pa lang ay naaaliw na ako na akong paglaruan ang isang ito.FROM LOVIMER GUIECO:Kahit naman hindi caps lock ay damang-dama pa rin kita, Cha. You know that, right?Napangiwi pa ako dahil sa naka-wink na emoji. Ang harot din pala ng isang ito. Akala ko pa naman ay... Nevermind.Sorry ka na lang, Guieco. Hindi ako si Cha mo. Ako si Beatrice Solomon.FROM LOVIMER GUIECO:Kita-kits tom. Ingat ka, ha? Goodnight, princess.Napairap na lang ako nang mabasa iyon. May heart emoticon pa. Ang hilig niyang maglagay ng gano'n.Princess?! Aish, this jerk! So? Ganito siya ka pa-fall, ha?Hindi na ako nag-reply dahil mas nadagdagan lang ang inis ko sa huling text nito.So cringe. He's too much for me to handle.Itinabi ko na lang ang cellphone ko at pumasok ng shower room. Pagkatapos kong naligo ay pinatuyo ko lang ang buhok ko at natulog na rin.Pasado alas y kwatro ng umaga ay nag-alarm ang aking cellphone. Kaagad akong bumangon at pumanhik sa mini-gym namin ni Ynna. Magwo-work out muna ako dahil maaga pa naman. Malapit lang din dito ang LC Coffee shop na tinutukoy ko.Matapos ang 30 minutes ay naligo na rin ako. Sinuri ko kung may text ba si Lovimer pero wala naman.TO LOVIMER GUIECO:HEY! GOOD MORNING!Eksaktong 5:50 a.m ay nagmaneho na ako papuntang coffee shop. Saktong 6:00 a.m ay nasa parking lot na ako.Walang pagmamadali na bumaba ako ng aking sasakyan at pumasok na ng CS bitbit ang cellphone ko. Paglingon ko sa kaliwang bahagi ay bumungad sa aking paningin ang mukha ng lalaking pakay ko rito. Palihim na nagdiwang ang aking kalooban.Pag-angat ng tingin nito ay halatang nagulat pa nang makita ako. Umakto rin akong nagulat dahil sa kanyang presensiya.Tumayo ito at lumapit sa akin. "What are you doing here?" tanong pa niya sa akin. Halata ang pagdududa sa kanyang boses.Tinaasan ko lang ito ng kilay at inayos ang nakatuping kwelyo ng kanyang polo shirt. Gusto kong matawa dahil sa kanyang naging reaction. Halatang hindi niya alam kung pipigilan o hahayaan na lang ba ako.Eh, anong magagawa ko? Napansin kong hindi maganda ang pagtupi ng kwelyo niya, eh. Ang sagwang tingnan. Metikuluso pa naman ako pagdating sa fashion style ng isang tao."Relax. Nandito ako para sa coffee at hindi para sa 'yo. Ikaw ba? Bakit nandito ka? Coffee date? With whom? May girlfriend ka na ba?" sunod-sunod kong tanong. Napalunok pa ang loko.Halatang kinakabahan sa ganitong klase ng usapan. Pinaliit ko pa ang aking mga mata habag nakatingin sa kanya.Inalis niya ang kamay kong pinaglalaruan ang kwelyo ng kanyang damit. Hindi ko mapigilang matawa."What's funny, huh?" asik niya pa sa akin.Umiling naman ako. "Nothing's funny, Lovimer.""Pinaglalaruan mo ba ako?""I don't know. Hulaan mo. Feeling ko ay may ka-date ka ngayon. Should I say hello to your girlfriend?""You don't have to," kaagad niyang sagot. Mas mabilis pa sa hangin iyon."Oh, so... You do have a girlfriend, huh? Sino?" nakangisi kong usisa. Napalunok pa uli ang loko.Akmang magsasalita na ako nang may marinig kaming nagtatawanan habang papasok ng CS. Pareho pa kaming napatingin sa main door.Bahagyang napaawang ang aking bunganga nang makita si Chariza. Marahil ay staff din nito ang apat na babae na kasama nito.She's really here? What a coincidence!"Oh, hey, Lovimer!" kaagad na bati nito sa lalaki."Hi, Cha," nakangiti namang sagot ng lalaki. Hindi nakaligtas sa akin ang kakaibang tingin nila sa isa't-isa. Halata ngang nagkakamabutihan na sila.Sorry, Lovimer. Hindi ka pa puwedeng maging masaya. Magiging boring ang larong ito kapag nagkatuluyan kayo kaagad."Hi, I'm Beatrice," pakilala ko pa sa babae. Parang ngayon lang din nito napansin ang presensiya ko. Mataman na tinitigan pa muna ako nito bago tumugon."Oh, hi. Uhm, kilala mo naman ako?" patanong nitong sabi.Oh, I don't like her. Masyadong assuming."Ah, hindi. Ikaw si?"Halata sa mukha nito na napahiya dahil sa sinabi ko. Sa tingin niya ba ay gano'n ba siya kasakit para makilala ng lahat?You should be humble, at least."Ah, bagong dating lang siya rito sa Pilipinas kaya hindi ka niya kilala, Cha," pansasalba naman ni Lovimer sa dalaga. "She is Chariza Dela Vega," dagdag pa ng pakilala nito."Hello, Beatrice. Uhm, kaya pala mukha kang foreigner. Saang bansa ka galing?""Galing akong Pilipinas," tugon ko naman. Bakas sa mukha nito ang pagkalito.Pasimple akong dinikitan ni Lovimer at kinurot sa likuran. Hindi naman iyon masakit pero bahagya akong nagulat kaya napatingala ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Alanganin naman siyang ngumiti sa akin. Halatang kinakabahan sa posible kong maging tugon sa kaniyang ginawa. Mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya."Sorry," sabi niya pa at lumayo na sa akin.Nilapitan niya si Cha at inalalayan papuntang counter. Mula sa aking kinatatayuan ay nakamasid lang ako sa bawat galaw nila.Hindi na masama na nandito si Chariza. Hindi niya malalaman na ako ang ka-text niya kagabi.Napakagat ako sa aking labi para pigilang mapangisi. Sakto namang lumingon siya sa akin."What do you want?" tanong niya pa. Itinuro ko naman ang aking sarili para siguraduhing kung ako ba ang tinatanong niya. Hindi naman kami close para ilibre niya ako. "Hindi, iyong pader sa likuran mo," sarkastikong sabi niya pa. Inirapan ko na lang siya sabay iling.Naglakad na rin ako papuntang counter at tumabi kay Chariza. Ngumiti naman sa akin ang lalaking crew."As usual, Ma'am Trice?" usisa nito sa akin.Ngumiti ako sabay tango. Regular customer na ako rito kaya naman alam na alam na nila ang kape ko."Si Lovimer Guieco ang magbabayad. Hindi ba?" pangugumpirma ko pa sa kanya."Yes," tipid niyang sagot sabay tapon ng tingin kay Chariza."Thanks.""Wala bang pila rito?" tanong ni Chariza kay Lovimer. Halatang nagpaparinig sa akin."Meron," sagot ko. "Si Lovimer, ako, ikaw at ang mga kasamahan mo. Gano'n dapat kung gusto ninyong sumunod sa pila," nakangiti kong sabi sa babae. Sa ikalawang pagkakataon ay mukhang napahiya ko na naman ito."Ano ka ba ni Lovimer?" kaswal nitong usisa pero iba ang sinasabi ng mukha nito. Halatang naaalibadbaran na sa presensiya ko. Wala pa nga akong ginagawa, eh."I don't know. Bakit hindi siya ang tanungin mo?""She's my friend...""You are not my friend and baby... you never were," pilyang sabi ko pa para asarin sila pareho. Kagaya ng inaasahan ko ay nagtagumpay naman ako.Masama naman ang tingin na ibinigay sa akin ni Lovimer. Tinaasan ko nga lang ito ng kilay. Pakialam ko ba sa nararamdaman nila? Basta ako ay nagsasabi ng totoo."Thanks for the coffee, Lov," rinig kong sabi ng babae nang makuha nito ang order.Love? Endearment na nila 'yon? Wait, sila na ba talaga? I mean, in a relationship na sila? Pero bakit itinatago pa nila?Hmmm, hayaan niyo akong tulungan kayong mapagtanto ninyo ang halaga ninyo sa isa't-isa."Stop flirting with my man. You're not his type," bulong pa ng dalaga sa akin. Puno iyon ng iritasiyon. "Mauna na ako dahil may gig pa ako," dagdag paalam pa nito kay Lovimer at kaagad na lumabas ng CS. Naiwan kaming dalawa na nasa harap pa rin ng counter.Nanliit ang mga mata ko habang napahalukipkip na lang. Mga babae nga naman. Kahit nagseselos na ay hindi pa rin kayang aminin iyon."Flirt? I'm just stating a fact here," sabi ko pa at sinadya ko ring iparinig kay Lovimer iyon."Here's your coffee, Ma'am Trice.""Thank you," tipid kong sabi at nagmadali na ring lumabas ng CS. Kalmado lang akong naglakad papunta sa kinaroroonan ng aking sasakyan."What's your problem?!"Marahan ko namang nilingon ang lalaking nagsabi niyon. Halata sa pagmumukha nito ang pagkainis."Me?" paninigurado ko pa."May iba pa ba akong puwedeng makausap bukod sa 'yo, Ms. Solomon?" seryoso niyang asik."Oh, I'm sorry, Mr. Guieco. Malay ko bang may third eye ka kaya may iba ka pang nakikita bukod sa akin, 'di ba?" nakangisi ko namang sabi. Pakiramdam ko ay gusto niya na akong saktan."Bakit ka ba ganyan?!"Sa loob-loob ko ay halatang pikon na pikon na ito."What do you mean, huh?" maang-maangan kong tanong. "Ano bang ginawa ko sa 'yo? Lahat lang naman ng tanong ng girlfriend mo ay sinagot ko. Masama ba iyon? Eh, sa ating dalawa ay ikaw nga ang nagsinungaling, eh."Hindi naman siya nakaimik kaagad marahas pa siyang napabuntonghininga."Ayaw na kitang makita pa," aniya pa.Tumawa na talaga ako at matamang tinitigan siya. "Too bad," malambing kong sabi para asarin siya. "Baka bukas ay makita mo na ako sa camp ninyo. Anong gagawin mo?"Unti-unti namang nanlaki ang kanyang mga mata. Opps! Mali yata ang sinabi kong iyon. Mamaya ay hindi nila ako payagang makasali sa Guieco Clan, eh.Wrong move, Beatrice."Sus, ginoo! Are you trying to flirt with me?" tanong niya naman sa nangungumpirmang tono.Saglit naman akong natigilan. Hindi ko inaasahan na gano'ng kataga ang lalabas sa kanyang bunganga. Akala ko pa naman ay mas bibigyan niyang pansin ang paninindak ko sa kanya."What did you say? Flirt? Seryoso ka ba?""What do you think?""If yes, then I'll be disappointed in you," nadidismaya ko pa kunwaring sabi. "Am I that flirtatious to seduce someone I don't know yet?"Siya naman itong natigilan. Mas naging seryoso pa ako para konsensiya siya."That wasn't very nice to say, Lovimer Guieco," I added, tormenting his conscience. "Pareho lang kayo ng girlfriend mo. Bagay nga kayo," asik ko at inirapan siya.Akmang papasok na ako nang aking sasakyan nang magsalita siya."Come to Guieco Clan camp with my two cousins. Convince them to register their names in our clan."Napataas-kilay naman ako. "Pagkatapos mo akong insultuhin ay uutusan mo ako? Wow, you're quite something, huh?""Hindi kita ininsulto, ha?""Sabi mo, eh.""We need them in our clan right now."Mukha nga.Nagkatuosan pa kami ng tingin."Ano naman ang makukuha kapag sinunod ko ang sinabi mo?""Anything.""Anything?" usal ko at kinagat ang pang-ibabang labi ko habang nakikipagtuosan pa rin ng tingin sa kanya.Aksidenteng napadapo ang tingin ko sa kanyang pinkish lips pero agad kong inalis ang tingin ko doon bago pa niya maisipang inaakit ko siya.Lakad din makapangbintang ng isang ito, eh. Hindi ko naman talaga siya type.Naglakad ako papunta sa kanyang kinatatayuan. Tumigil lang ako nang isang dipa na lang ang layo namin sa isa't-isa. Bitbit ko pa rin ang kape ko. Sumimsim din muna ako bago nagsalita."How about... Ipasok mo rin ako sa clan ninyo? Ah, I would love that," nakangisi kong sabi."What? No...""My answer is no as well," kaagad kong sabi."As if you can handle that kind of job...""What if I can?""I'll help you, then. Just come with my cousins.""Okay. Let's seal the deal?" Iniabot ko pa ang aking kamay. Kaagad niya naman ding tinanggap. Pinisil ko ang kaniyang kamay. Halatang nagulat pa siya sa aking ginawa."What are you doing?""May isa pa akong kondisyon," sabi ko. Napakunot-noo na talaga siya."Ano na naman 'yan?"Natawa na lang ako at binitiwan na ang kanyang kamay."You have to play game with me," mabagal kong sabi habang nang-aakit ang tingin sa kanya. Gusto kong matawa dahil napalunok pa siya."I am a busy person. Wala akong oras para makipaglaro o makisabayan sa trip mo, Miss Solomon.""Miss Solomon, huh?" asik ko naman. Masyadong pormal ang dating. Para bang pinagsasarahan niya ako ng pinto."Eh, bakit? Solomon naman talaga ang surename mo, ha? Tsaka, I assume na wala ka pang asawa kaya Miss ka pa.""How about... Mrs. Guieco. Bagay ba sa akin? What do you think?" nang-aasar kong tanong.Awtomatikong nandilim naman ang kanyang pagmumukha. He looked so done with me right now. Ang sarap talagang asarin ng mga taong pikon. Nakukuha ko ang reaksiyon na gusto kong makuha."Mrs. Guieco? Hindi tayo bagay," tuwid na pangre-reject niya pa sa akin."Hindi naman talaga tayo bagay. Diyosa ako at ikaw naman ay... ewan lang kung tao ka ba. Kamukha mo kasi iyong nakakulong sa zoo," bwelta ko naman habang pinipigilang matawa."Ewan ko sa 'yo. Sa gwapo kong ito? Inumin mo na 'yang kape mo at lumalamig na 'yan. Kung ano-ano ang pinagsasabi mo. May Marciella na si Ashmer, just so you know.""Kasal na ba?""Hindi pero...""Hindi pa pala, eh," pamumutol ko sa kanyang linya. "See you around! Nice meeting your girlfriend, by the way. Mas maganda pa rin ako kaysa kay Chariza. Choose wisely, Lovimer Guieco," sabi ko pa habang naglalakad papunta sa kotse ko.Bago ako tuluyang pumasok sa aking kotse ay kinindatan at nag-flying kiss pa ako sa kanya.Brace yourself, Lovimer Guieco. You might be my next target. Who knows?"Anong gagawin mo ngayon?" usisa sa akin ni Ynna sabay siniringan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Pupunta sa fan meeting ng YB," direktang sabi ko naman. Mukhang hindi naman nito alam kung ang kaibahan ng katotohanan at isang biro lang. Napaawang pa ang bibig nito at nanghuhusga ang tingin na ibinigay sa akin."What? Where? I mean, alam nating pareho na sa ating dalawa ay ako ang avid fan ng YB, hindi ba?""Tsaka mo na tawaging avid fan ka nila kung present ka sa lahat ng show at fan meet nila," pambabara ko naman at inayos ang pagkakalugay ng damit ko. "Kilala mo na ba lahat ng members ng YB?" nanghahamong tanong pa nito sa akin."Kilala ko si XJ at Lovimer.""Hindi lang sila ang members.""I don't care, Ynna. Hindi naman required na kilalanin silang lahat, eh." Napangisi pa ako at tinaasan ito ng kilay. Bago pa ako makapagsalita uli ay narinig namin pareho ang doorbell. "May bisita ka ba?" usisa nito."Yes," tipid kong sabi. "Sino?" "Ex-crush mo," nanunudyo ko pang sabi
"Lovimer Guieco! Nandito ka lang palang haduf ka!" malakas kong sabi. Halatang nagulat pa siya sa biglaang pagsulpot ko. Masyadong halata na iniiwasan niya ako. "Bakit nandito ka?" asik niya naman sa akin na para bang may kasalanan akong nagawa samantalang siya nga itong malaking atraso sa akin. Tinaasan ko nga ng kilay. "Baka dahil may paa ako para makapunta dito?" sarkastikong sagot ko naman. "Hindi mo ba narinig? Bawal na nga raw kitang lapitan sabi ng pinsan mong over acting! Huwag mo na nga rin akong lalapitan!" nakanguso pang saad ng lalaking nuknukan ng kadramahan sa katawan. Napagalitan na naman siguro siya ni Froizel. Deserve niya naman, eh. "Pinsan mo? Parang hindi mo naman din pinsan si Froizel, ha?" bwelta ko naman. Kanina ko pa nga rin siya hinahanap sa camp pero hindi ko matagpuan. Nandito lang pala siya dito sa park at prenteng nakaupo sa bench. Hinablot ko naman ang earphones niya para mas magkarinigan kami. "Ouch. H-Huwag mo akong yugyogin at mahihimatay na tala
"Mer! Ano ba?!" naiinis kong tawag sa kanya. Talagang hindi man lang ako hinintay. "Isa!" dagdag ko pa.Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. May nadaanan akong sweet couple. Napansin ko kung paano ako suyurin ng tingin ng lalaki. Gusto ko itong samaan ng tingin pero sa halip ay tumigil ako sa harap nila at ngumiti. "Hi, what's your name? Ang gwapo mo naman po," puri ko sa lalaki sabay kindat. Nanilim naman ang mukha ng babae.Kinagat ko pa ang lower lip ko. Nilandi ko ito sa harap ng girlfriend niya. He must taste his own medicine. Masyado pa silang sweet, ibig sabihin ay bago pa lang sila. Makakapag-move on ang babae at makakahanap ng mas better at mas loyal. "I'm Jhon," pakilala din nito na may kislap sa mga mata. Haduf talaga ang mga lalaki. Konting landi lang ng mga magagandang babae ay pumapatol agad. Kawawa naman itong kasama siyang babaeng madilim na ang mukha habang nakatingin sa akin.Bakit parang kasalanan ko lang? Bakit hindi niya muna i-interpret ang behavior ng jowa niy
Tahimik na pumasok ako sa DH. As usual ay halos lahat ng kababaihan dito ay ilag sa akin. Magandang bagay nga rin iyon para sa akin dahil hindi ko rin gusto na mapalapit sa kanila. Okay na ako sa isang kaibigan ngunit tunay naman at si Kenshane iyon. At si Lovimer. "Hep! Bitch, what's the password?" salubong sa akin ni Gabriella. Napanunot-noo naman ako. Sinasaltik na naman ito. Heto na naman at magsisimula na naman ng kalokohan tapos mamaya ay mapipikon. Sa bandang huli ay ako na naman ang masama. "Bitch?! Don't call her by that nickname, Silang!" bulyaw na lang bigla ni Kenshane. Halatang wala na naman ito sa mood kaya may madadamay na naman sa pagkabadtrip nito."Ayaw mong tawagin kong Bitch si Beatrice pero tinawag mo akong Silang? Ayos ka rin, 'no? Sino ba ang mas nauna mong naging kaibigan, ha?"Hindi naman nakaimik si Kenshane. Gusto kong matawa na lang.Selosa talaga ang Silang na ito. "Anong password?" asik ko sabay taas ng kilay para awating silang dalawa. Baka mamaya a
"Ako lang ang may karapatang manghalik sa 'yo. Tandaan mo 'yan, honey babe," bulong niya pa sa akin. Napakurap-kurap naman ako dahil sa sinabi niyang iyon."Kapag pinagsasalitaan kita ng masasama ay magalit ka naman. Hindi iyong parang wala lang sa 'yo, nakakapikon ka lalo. Don't be afraid to show your real emotions to me, Trice. Show your real self to me."Halos bulong na lang ang ginagawa niya dahil sa sobrang lapit pa rin ng mukha namin sa isa't-isa.Napahawak na naman ako sa braso niya nang dampian niya ng magaang halik ang labi ko. Shit! Bakit ba nanlalambot ako? Malandi naman ako ah pero bakit iba ang epekto niya sa sistema ko? Pinalandas niya ang kanyang daliri mula noo hanggang labi ko at saka pinakatitigan iyon ng mataman. "I own what I've tasted. Huwag kang magkakamaling magpahalik sa iba. Hindi mo gugustuhing makita kung paano ako magalit nang totoo, Beatrice," may halong banta niyang saad. Pakiramdam ko ay lulubog na talaga ako sa aking kinatatayuan. Nanatili siyang n
"Let's go," untag ko sa kanya nang makalabas na ako. Ayaw kong magpatalo sa kaniya sa pamamagitan ng pagtampo-tampo. Kahit na masama ang loob ko sa kaniya ay pipilitin kong harapin siya nang maayos. Titig na titig naman siya sa suot kong off-shoulder dress. Dalawang klase ng kulay ng dress lang naman ang meron ako. Puti at itim . Ngayon ay puti ang suot ko dahil umaga naman, eh."Bakit? Ayaw mo ba sa suot ko? I can change...""Don't change just because I asked you to," masungit niyang saad at saka nagpatiuna na. Napakurap-kurap pa ako bago sumunod sa kanya."Oh! May lakad ka?" usisa ni Kendra sa kanya. Nakasalubong namin ito sa gate."Yes, baby girl," nakangiti niyang sagot sa kanyang kapatid. "Kuya naman! Hindi na ako baby girl, 'no? Suntukin kita diyan eh, makita mo talaga," maktol ng isa.Tumawa naman siya 'tsaka bahagyang ginulo ang buhok ng kapatid."Matapang ka lang pero baby girl ka pa rin ng kuya. Kahit mag-asawa at magka-anak ka na, baby pa rin kita."Kahit halatang naiin
Hindi ko iyon tinanggap, sa halip pilit na ngiti lang ang iginanti ko. Sa galawan pa lang kasi nito, alam ko ng playboy ito at hindi lang basta gano'n. Magaling itong magpaikot ng mga babae. Sa galaw at pananalita pa lang ay alam ko na kung saang uri ng lalaki ito napapabilang. "Hello, Shawn," simple kong sagot. Unti-unti na lang nitong ibinaba ang kanyang kamay. Tumawa naman iyong dalawa pang kasamahan nila. "I'm Wyndelle.""Xandreik Jhon.""Sathorn here.""Have a seat, Miss," singit na naman ni Shawn. Trip talaga ako nito, ha? Papansin, eh. Sa tinagal-tagal kong naging malandi ay talagang kabisado ko na ang bawat galawan ng mga lalaki. Oh well, except pala sa pangit na nasa tabi ko ngayon. Hindi ko masisid ang pagkatao niya eh."Thank you."Tahimik na umupo naman ako sa tabi ni Lovimer. Naramdaman ko pa ang kamay niyang bahagyang pumulupot sa bewang ko mula sa likuran. Siniko ko ito. Tumawa lang siya nang mahina. Nilalandi din ba ako ng pangit na ito?May pumasok naman na baba
"Trice, bilisan mo naman! Kailangan ako ni Marci, baby ngayon!"Bakas ang excited sa tono ni Mer habang kinakaladkad ako papuntang A-hospital. "Teka, teka..." Hindi ko na halos matapos ang linya ko dahil sa pagmamadali nito. Dalawang linggo pa nga lang ang nakakaraan mula nang maikasal si Kenshane at malaman namin na buntis din ito ay ngayon naman ay si Marci naman ang manganganak. Nasakto pang gabi na ang panganganak nito."Saglit naman, haduf ka talaga! Nasasaktan ako, ha!" asik ko pero para bang wala siyang naririnig. Nakaramdam talaga ako ng pagkainis dahil sa pangangaladkad niya sa akin. Puntahan ba naman ako sa aking flat at marahas pa ang panggigising na ginawa sa akin. Nakatulog kasi ako sa sala habang nanunuod. Kung makaasta ay para namang siya ang asawa ni Del Pilar, eh hindi naman. Puwede naman din siyang pumunta nang mag-isa kaya bakit kailangan niya pa akong kaladkarin? Tulad noong nanganak si Kenya ay nandito din ang lahat ng Prime Agents para makiusyoso. Halatang
LOVIMER GUIECO'S POV••••••••••••••••••••••••••••—————————————"We heard that you were engaged with your two months girlfriend, is that true?" tanong ni Ms. Angel sa akin. Napatingin naman ako kay Sathorn na bigla na lang natawa. Nasa isang evening show ako ngayon kasama ang lahat ng member ng Your Band. "It's true, ang bilis talaga kumilos ng Lovimer ninyo," sagot nito dahilan para magsitawanan na rin ang mga audience. "Si Lovimer ka ba?" supalpal ni Wynd dito. Mas lumakas pa ang tawanan. Napapangiti na naiiling na lang ako dahil sa kalokohan nitong si Sathorn."Is it true, Mr. Guieco?" ulit na tanong ng host. Ngumiti pa muna ako bago tumango. "Yes and we're preparing for our wedding also.""Wow! Gano'n kabilis?""Bakit? Kailangan ba mabagal?" natatawa kong saad para naman hindi iyon magmukhang sarkastiko sa lahat. Gaya ng inaasahan ay nagsitawanan lang naman din sila."Sabi ko nga. By the way, pwede ba naming makilala kung sino itong lucky woman na bumihag sa puso mo?" Napat
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga agent na busy sa kakadaldalan kahit nasa hapag-kainan. Mula sa aking kinauupuan ay tumayo ako at pumunta sa counter. Bahagya akong yumuko para silipin si Mer sa pull-out area na siyang nasa loob ng kitchen. Lumabas din siya at nilapitan ako. "Anong gusto mong kainin?" nakangiting tanong niya sa akin. Natawa naman ako dahil trying hard na naman siya sa pagpapa-cute. Kabaliktaran talaga ito ni Ashmer. Pero kahit gano'n ay hindi ko pa rin mapigilang mapangiti.He's my ideal one, tho."Stop that, it's disgusting," asik ko pa kunwari dahilan para mapabusangot siya. Ngumiti ako at niyakap siya mula sa likuran. Bahagya akong tumingkayad at bumulong. "I can eat anything, you know...""What? How wild you are, Beatrice!" pulahaw ni Kenya na hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala. Marahas ko itong nilingon. "Anong wild do'n?" nakataas-kilay kong tanong. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Mer at siya naman ang yumakap sa akin. Ipinatong niy
Pasimpleng lumapit sa akin ang isang junior agent, nakikilala ko lang ito sa mukha dahil nakikita ko rin naman ito sa camp tuwing umaga o kaya ay gabi. Isa lamang ito sa mga agent na naka-assign dito sa mall."Nasa L's Boutique ang target natin, huwag mong hahayaang makawala, I'll be here in a minute, okay?" mahigpit kong habilin dito.Tumango lamang ito at binigyan ako ng nangngangakong tingin. Isa ring tango ang ibinigay ko rito at nagmamadaling tinungo ang G's room. Ang room na tinutukoy ko ay exclusive lamang sa GC agents na nagtatrabaho rito. Doon din nakalagay ang mga gamit na pwede naming gamitin in case of emergency like this one. Sa bawat palapag ay may GC Agents' room.Hindi pa man ako tuluyang nakapasok ay may sumalubong na sa akin. Agad na ikinabit nito ang GC Listening Device na paniguradong nakakonekta na sa GC control room at binigyan din ako ng stun gun . Binigyan din nila ako ng Special Bullet. Kung ako lang ang masusunod ay hindi ko na kailangan pang tumakbo papunta
"Sa tingin mo ba hindi ka naging harsh kay Jeannie? As in never?" untag sa akin ni Gab sabay nguso sa babaeng tinutukoy na mukhang nagmumukmok sa isang tabi ng conference room. Nangongonsensiya pa ang tono ng payapang ito. May meeting kasi kami pero wala pa naman ang iba kaya malaya pa kaming nakakapagchismisan. Bahagya kong itinabingi ang aking ulo para suriin nang maayos ang mukha ng babae."Naging harsh ba ako?" balik tanong ko naman. Napailing sabay palatak naman ito. "Sinabi ko lang naman ang kung anumang nasa isipan ko ng mga oras na iyon, ha? Harsh bang maging honest?" dagdag ko pa sabay pulupot ng kamay ko sa braso nito."I know pero kasi hindi lahat ng nasa isip natin tungkol sa isang tao ay kailangan nating sabihin sa kanila. Hindi kasi talaga naging madali ang nangyari sa kanila ni Lovimer eh and to tell you honestly, what you did and said to her was like adding insult to injury, eh." Hindi naman ako nakaimik. Siguro nga ay mali ako, siguro nga ay naging harsh ako.I sho
Napabuntong-hininga na lamang ako nang mabasa ang text ni Percylla. May out of the country tour daw ito kasama ang isang pang sikat ding photographer. Just be safe, Percy. Don't be so reckless. Don't be hurt again. Isa pang singhap ang aking pinakawalan bago nagpasyang bumangon at maligo. Tinamad din akong pumunta ng DH kaya naman nagluto na lang din ako at mag-isang nag-agahan. Maya-maya pa ay narinig ko ang tunog ng aking cellphone kaya nagmadali akong pumasok ng kwarto at agad na sinagot ang tawag ni Mer."Good morning, baby," bungad niyang sabi. "Good morning, anong problema?" Hindi naman siya tatawag sa akin kung walang weirdong nangyayari sa buhay niya ngayon. Narinig ko ang singhap niya na para bang ganun na lang kabigat ang problemang dinadala. "Punta ka rito sa flat ko.""Bakit? Anong meron diyan?""Tulungan mo akong bantayan si Baby Whyinne. Haduf kasing Kenya, bakit sa akin pa pinaalagaan itong anak niya? Eh sa hindi ako marunong. Mukha ba akong baby sitter, ha? Sa
"Great job, Lovimer at Mesh," ani Xandreik. Bagaman walang emosyong makikita sa mukha nito ay bakas naman ang sensiridad sa tono ng pananalita nito. Nandito kami ngayon sa kanilang studio at kakatapos lang ng recording namin ni Mer. Kagaya ng napag-usapan ay ni-revived namin ang kantang Just Fall In Love Again para maisabay ito sa papalabas nilang album. Kagaya rin ng napagkasunduan namin ay wala na munang ibang member ng YB maliban sa kay XJ at Mer ang makakaalam na ako ay si Mesh. Feeling ko rin kasi ay hindi na ako magiging komportable pang mag-release ng kanta o libro kapag nalaman na ng lahat kung sino talaga si Mesh. Marahil, ang weirdong pakiramdam na iyon ay bunga ng pagtatago ko sa ibang katauhan sa loob ng ilang taon at hindi ko pa kayang malaman iyon ng lahat. "We're heading home now, XJ. Thank you," nakangiti kong saad sa lalaki. Tumango lamang ito at nagtapikan pa sila ni Mer ng balikat. Na
Tahimik lamang ang lahat habang naghihintay sa former Prime Agents of Guieco Clan o kung tawagin nila ay pioneers. Kasalukuyan kaming nasa conference room. Matapos ang bunyagang naganap sa pagitan naming lahat kahapon ay minabuti nina Marciella at Ashmer na ipatawag ang mga parent nila na siyang may alam sa katotohanang nasa likod ng pagkamatay ng mga magulang namin ni Percy.Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Percylla sa aking kamay nang pumasok na ang hinihintay namin. Nangunguna sina Tito Zeus at Tita Adelle samantalang nakasunod naman sa kanila sina Tito Ivan at Tita Christy. Lahat sila ay kapwa seryoso ang mga mukha. Napadaku ang tingin ko kay Marciella na wala rin namang emosyon ang mukha kagaya ng asawa nitong si Ashmer na siyang nakatayo ngayon sa unahan. Ang iba namang Prime Agents na nandidito rin ay wala ng ibang ginawa kundi ang mapalunok at magtapunan ng makahulugang tingin. Si Gab ay halatang namumutla samantalang si Lovimer naman ay mataman na nakatitig sa mga
"Oh, shit naman!" asik ko pa. Wala akong choice kundi ang magmadaling magbihis at higitin ang shoulder aking bag. Halos magkanda tisod-tisod na ako dahil sa pagmamadali. Nang mapagtanto ko na para na akong hinahabol ng mga asong gala ay bahagya akong napahinto at naging normal na ang lakad."Where are you going?" biglang pagpaimbabaw ng boses. "Ay bakla!" pulahaw ko pa dahil sa gulat. Napataas-kilay lang ang haduf na Mer na basta na lang sumulpot sa aking harapan mula sa kung saan."Sagutin mo ang tanong ko," dagdag asik niya pa. Pinigilan ko namang mapasinghap. Diyos ko naman! Sa hindi ko pwedeng sabihin. "None of your business. Padaanin mo na ako!" "Boyfriend mo ako kaya may karapatan akong tanungin ka."Napaawang naman ang aking bibig. Siya na ang may sabi na hindi ko pa siya sinasagot tapos ngayon ay feeling entitled siya bigla."Boyfriend kita?" paninigurado ko pa."Oo.""Eh, di break na tayo. Hindi mo na ako girlfriend at hindi na kita boyfriend. Ngayon ay wala ka ng karap
Tahimik lang ako habang kumakain sa DH. Mula kahapon ay hindi ako masyadong nakikipag-usap sa kahit na kanino. Laking pasalamat ko na lang at may out of town event sila Lovimer kaya hindi niya na ako masyadong nakulit. "OMG!" malakas na tili ni Jeannie.Napamura pa si Gabriella at Crystal dahil sa gulat. Maging ako ay napaangat din ng tingin. Sinundan ko ang direksyon kung saan nakatitig ang babae. Tumama sa babaeng kasalukuyang nasa may pinto ng DH ang aking paningin. Welcome back, Percy. Psss! Nagpakita ka rin dito, sa wakas. Ikaw ang pinakaduwag na taong nakilala ko sa tanang buhay ko. "P-Percy?" alangang sambit ni Marciella. Maging si Ashmer ay napatayo na rin. Kinuha ni Gab at Jin ang kambal na hawak ng mag-asawa at bahagyang lumayo sa kinatatayuan ng dalawa.Mukhang may drama pa akong mapapanuod ngayon. Iyong eksenang nagkapatawaran na ang bida at kontrabida ng isang kwento.Hindi ko nga lang matukoy kung sino ba talaga sa kanilang dalawa ang kontrabida sa buhay ng isa't-isa