Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko pagkatapos ay lumabas na ako since wala naman yatang may gustong kumausap sa akin, eh. Nag-iisa lang ang tema ko sa buhay. Sa bandang huli ay isang outcast pa rin talaga ako sa kampong ito.Buhay is life. Ang hirap maging masaya. Pagkarating ko sa kwarto ay agad na natulog na ako. Itinulog ko na lang ang lahat ng sama ng loob ko sa mundo.Kinabukasan naman ay maaga rin naman akong binulabog ni Kenshane. Ni hindi pa ako nakapag-almusal ay nasa flat ko na ito. "Trice, samahan mo naman ako sa mall.""Anong gagawin natin doon?""Shopping, duh?"Nanlumo naman ako. Hindi ako mahilig sa gano'ng trip at alam kung gano'n din siya. Ano kayang nakain nito at biglang nag-aya ng shopping?"Bakit ako pa? Iba na lang," tanggi ko at pumasok ng kusina. Sumunod naman ito sa akin. Nagtimpla ako ng kape habang nakamasid lang ito sa bawat galaw ko. "Eh ikaw ang gusto kong isama, eh. Sige na."Napakamot naman ako sa noo. "Eh? Fine. Maliligo lang ako.""Huwag ka ng
"Ay shit," pabulong kong saad nang makita kong naglalambingan sina Kenshane at Faller. Maging sina Kenya at Dailann din. Sa DH seriously? Mga haduf talaga eh. Ang aga-aga pa, eh."Itigil niyo yan!" asik ko kaya sabay na napalingon sa akin ang apat. Pinigilan kong mapangiwi. Wala naman akong minention pero halatang alam nila na sila ang pinagsasabihan ko."Yeah, just stop, bro."Kunwaring dagdag ko sabay ayos ng earphone na nakasalpak sa tenga ko. Nagkuwari na lang ako na may kausap sa phone dahil parang sumama ang mukha ni Kenya, eh. Kailan ko kaya makaka-close ang mga tao dito? Oh well, asa ka pa, Beatrice. Malaki ang atraso mo sa kanila, remember?Nailing na lang ako at naupo na. Napasandal ako at napapikit sabay hikab. Inaantok pa ako, galing ako sa misyon kagabi eh. Pangatlong solo mission ko iyon. Ang hapdi pa ng tuhod kong nagkabangas dahil nadapa ako. Paano ba naman kasi :yong adik na hinuli ko ay ang bilis tumakbo. Sa hindi ako athlete, eh. Buti na lang at hindi nila nal
"Really? Thanks, Ynna."Napahalukipkip na lang ako at tumingin sa ibang direksyon. May kakaibang emosiyon na naman akong nararamdaman pero hindi ko naman matukoy kung ano at para sa ano iyon."By the way, mauna na ako. May event kasi kami ngayon, eh.""Sa G's Mall, 'di ba?" pa-cute pang saad ng pinsan ko."Yeah, tama ka."Nagkatinginan at ngitian pa sila. Eh di wow, zsss. Kung mag-usap sila ay para bang silang dalawa lang ang tao sa mundo. Whatever again."Ano kasi... Papunta rin ako doon.""Talaga, eh di sabay na lang tayo."Mukha namang kinilig itong pinsan ko dahil sa napahigpit pa ang kapit nito sa aking braso."May sasakyan ka ba?" tanong ni Mer. "I mean, puwede kang sumabay na lang din sa akin kung wala.""Meron naman.""So, let's go? Sabay na lang tayong pumunta doon.""Okay! Cous, mauna na ako... I mean kami. Thank you at pasensiya sa abala."Tumango na lang ako at pilit na ngiti ang ibinigay sa babae. Sabay na silang umalis. Napakuyom na lang ako sa hindi ko malamang dahilan
"Ang kailangan mo lang gawin ay magbantay sa labas. Kapag pumasok ako ng sasakyan at sinabi kong go! You just have to drive as fast as you can, understood?" mahigpit na habilin ni Mer. Pinag-uusapan namin ang first mission na magkasama kami. Ewan ko ba at biglang ito na ang kasama ko. Madalas naman ay kami Froizel ang magkatandem, eh. Madalas ding back-up ako sa mga misyon ng Prime Agents. Kailangan naming mahuli mamaya si Thomas Ching, 38 years old. Ang isa sa wanted na Drug Lords sa bansa. Tatlong taon na itong pinaghahanap ng pulisya kaso talagang madulas ang taong ito. Marami ding minions na pumuprotekta sa kanya.May tip kaming nakuha na nasa G's Bar ito mamaya kaya naman kailangan agad naming kumilos. Hindi magkakaroon ng kapayapaan ang mundong ito kung malayang nakakapag-ikot-ikot sa bansa ang mga masasamang nilalang. Ehem, parang ang bait natin, Trice, ha? Well, at least ako hindi naman naninira ng buhay ng may buhay. Tamang pang-aasar lang naman ang ginagawa ko, duh?"Wait
Buong maghapon ay wala akong ganang makipag-usap na kahit na kanino. Feeling ko rin kapag may mangulit sa akin ay patatampal ko talaga.Naghanda na lang ako para sa misyon namin. Napagdesisyonan kong hindi ko susundin ang utos ng Lovimer na iyon na hintayin ko lang siya sa labas ng bar.Bandang 6:00 p.m ay pumunta na ako sa control room para kausapin sina Shines at Kendra."Oh, nandito ka na pala. Wear this listening device," utos sa akin ni Shines. Walang imik ko namang kinuha iyon. Alam kong ramdam nilang walang ako sa mood. Nararamdaman ko rin ang panaka-nakang pagtitig sa akin ni Kendra. Akmang isasalpak ko na sa tainga ko iyon pero may pumigil sa akin. Nag-angat naman ako ng tingin. Mukha ni Lovimer ang nakita ko."Ako na," sabi niya pa. Tinapik ko naman ng kaniyang kamay. "Ako na nga," giit niya. Hinayaan ko na lang. Tila ba may kuryente akong naramdaman ng hindi sinasadyang maglapat ang mga balat namin. Napaiktad pa ako."Thank you," tipid kong saad. "You're welcome, honey,
"Where's Mer?" pabulong na tanong ko kay Kenshane. "Hindi ko siya makita."Kakapasok ko pa lang naman sa DH, lunch time na rin naman. Ngayon naman lang ulit ako nagawi dito. Palaging sa S-Area ako kumakain for the past three days dahil iniiwasan ko talaga si Lovimer. Kapag minsan ay nakakasalubong ko naman sa kahit saang sulok ng camp na ito ay nilalayasan mo kaagad. Bakit? Wala lang, ayoko lang talagang kulitin niya pa ako. "Nasa kitchen yata? O baka wala pa dito. Why?" balik-tanong naman nito. Lihim naman akong nagbunyi. "Wala naman," sagot ko sabay singhap. "Bakit mo pala sa akin hinahanap eh kayo naman madalas ang magkasama? Hindi mabubuhay si Lovimer kung hindi ka makita kahit isang araw lang."Iyon ang akala mo. Wala ngang pakialam ang isang iyon sa existence ko, eh. Akmang tatayo na ako para sana pumunta ng counter ay siya namang pagpasok ng taong ayaw ko na munang makita. Pasimple akong napangiwi nang makitang bitbit niya na naman ang pusa niyang si Me-me. Ang hilig tala
"Anong date ang pinagsasabi mo? Porke't ba magpapasama lang naman ako sa 'yo na bumili ng balloons para sa birthday ng anak ni Kenya na pamangkin mo rin naman ay date na agad yun para sayo? Ang romantic mo namang palang tao kung gano'n," mahabang lintanya ko. Nauubos ang laway ko sa pangit na ito. Hindi ko matantsa ang liko ng bituka."Sus, gano'n na rin 'yon. Nahiya ka lang talaga na yayain ako. May hiya ka naman pala?""Oo meron. Ikaw lang yata ang wala eh. Huwag na nga lang. Ayoko ng kasama ka. Assuming." Nanlaki naman ang kanyang mga mata. Inirapan ko nga. Wala talagang kwentang kausap ang lalaking ito. Wala man lang akong nakukuhang magandang salita eh, puro kadaotan ang pinagsasabi. "Eh di 'wag! Pakialam ko ba?""Salamat naman kung gano'n," kaswal kong saad. Hinintay ko lang talaga na tumila ang ulan at saka ako pumanhik ng flat para magpalit ng damit.Bahagya pa akong nagulat dahil paglabas ko ulit ay nasa labas lang si Lovimer. Napangiwi na lang ako ng umakto pa itong par
Nagmamadali akong tumungo sa DH dahil tinext ako ni Kenshane na nagbabangayan na naman daw si Ashmer at Lovimer. Hindi ko pa alam kung bakit dahil wala namang sinabi si Shane kaya nga heto at makikichismis ako.Noon naman ay iisang rason lang kung bakit nagkakapikonan sila eh at iyon ay dahil sa pagseselos ni Ashmer kay Lovimer tuwing nangungulit ito kay Marciella. Hindi naman siguro si Marciella ang pinag-aawayan nila, 'di ba? Kapag oo ay masasambunutan ko talaga ang lalaking iyon. Napailing pa ako bago tuluyang pumasok. Nakatayo sa bandang counter ang magpinsan. Hindi talaga maipagkakailang iisang lahi lang ang pinagmulan nila, eh. Parehong gwapo at malakas ang dating kahit na magkaiba ang pag-uugali.Wait... Hindi ko sinabing gwapo si Mer, ah? Hindi talaga. "Hindi ko naman nga sinasadyang magkaroon ng insect or whatever diyan sa pagkain, eh. Sigurado naman akong malinis ang kitchen...""I don't need your explanation, Lovimer. Ang concern ko dito ay dapat naman i-double check niy
LOVIMER GUIECO'S POV••••••••••••••••••••••••••••—————————————"We heard that you were engaged with your two months girlfriend, is that true?" tanong ni Ms. Angel sa akin. Napatingin naman ako kay Sathorn na bigla na lang natawa. Nasa isang evening show ako ngayon kasama ang lahat ng member ng Your Band. "It's true, ang bilis talaga kumilos ng Lovimer ninyo," sagot nito dahilan para magsitawanan na rin ang mga audience. "Si Lovimer ka ba?" supalpal ni Wynd dito. Mas lumakas pa ang tawanan. Napapangiti na naiiling na lang ako dahil sa kalokohan nitong si Sathorn."Is it true, Mr. Guieco?" ulit na tanong ng host. Ngumiti pa muna ako bago tumango. "Yes and we're preparing for our wedding also.""Wow! Gano'n kabilis?""Bakit? Kailangan ba mabagal?" natatawa kong saad para naman hindi iyon magmukhang sarkastiko sa lahat. Gaya ng inaasahan ay nagsitawanan lang naman din sila."Sabi ko nga. By the way, pwede ba naming makilala kung sino itong lucky woman na bumihag sa puso mo?" Napat
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga agent na busy sa kakadaldalan kahit nasa hapag-kainan. Mula sa aking kinauupuan ay tumayo ako at pumunta sa counter. Bahagya akong yumuko para silipin si Mer sa pull-out area na siyang nasa loob ng kitchen. Lumabas din siya at nilapitan ako. "Anong gusto mong kainin?" nakangiting tanong niya sa akin. Natawa naman ako dahil trying hard na naman siya sa pagpapa-cute. Kabaliktaran talaga ito ni Ashmer. Pero kahit gano'n ay hindi ko pa rin mapigilang mapangiti.He's my ideal one, tho."Stop that, it's disgusting," asik ko pa kunwari dahilan para mapabusangot siya. Ngumiti ako at niyakap siya mula sa likuran. Bahagya akong tumingkayad at bumulong. "I can eat anything, you know...""What? How wild you are, Beatrice!" pulahaw ni Kenya na hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala. Marahas ko itong nilingon. "Anong wild do'n?" nakataas-kilay kong tanong. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Mer at siya naman ang yumakap sa akin. Ipinatong niy
Pasimpleng lumapit sa akin ang isang junior agent, nakikilala ko lang ito sa mukha dahil nakikita ko rin naman ito sa camp tuwing umaga o kaya ay gabi. Isa lamang ito sa mga agent na naka-assign dito sa mall."Nasa L's Boutique ang target natin, huwag mong hahayaang makawala, I'll be here in a minute, okay?" mahigpit kong habilin dito.Tumango lamang ito at binigyan ako ng nangngangakong tingin. Isa ring tango ang ibinigay ko rito at nagmamadaling tinungo ang G's room. Ang room na tinutukoy ko ay exclusive lamang sa GC agents na nagtatrabaho rito. Doon din nakalagay ang mga gamit na pwede naming gamitin in case of emergency like this one. Sa bawat palapag ay may GC Agents' room.Hindi pa man ako tuluyang nakapasok ay may sumalubong na sa akin. Agad na ikinabit nito ang GC Listening Device na paniguradong nakakonekta na sa GC control room at binigyan din ako ng stun gun . Binigyan din nila ako ng Special Bullet. Kung ako lang ang masusunod ay hindi ko na kailangan pang tumakbo papunta
"Sa tingin mo ba hindi ka naging harsh kay Jeannie? As in never?" untag sa akin ni Gab sabay nguso sa babaeng tinutukoy na mukhang nagmumukmok sa isang tabi ng conference room. Nangongonsensiya pa ang tono ng payapang ito. May meeting kasi kami pero wala pa naman ang iba kaya malaya pa kaming nakakapagchismisan. Bahagya kong itinabingi ang aking ulo para suriin nang maayos ang mukha ng babae."Naging harsh ba ako?" balik tanong ko naman. Napailing sabay palatak naman ito. "Sinabi ko lang naman ang kung anumang nasa isipan ko ng mga oras na iyon, ha? Harsh bang maging honest?" dagdag ko pa sabay pulupot ng kamay ko sa braso nito."I know pero kasi hindi lahat ng nasa isip natin tungkol sa isang tao ay kailangan nating sabihin sa kanila. Hindi kasi talaga naging madali ang nangyari sa kanila ni Lovimer eh and to tell you honestly, what you did and said to her was like adding insult to injury, eh." Hindi naman ako nakaimik. Siguro nga ay mali ako, siguro nga ay naging harsh ako.I sho
Napabuntong-hininga na lamang ako nang mabasa ang text ni Percylla. May out of the country tour daw ito kasama ang isang pang sikat ding photographer. Just be safe, Percy. Don't be so reckless. Don't be hurt again. Isa pang singhap ang aking pinakawalan bago nagpasyang bumangon at maligo. Tinamad din akong pumunta ng DH kaya naman nagluto na lang din ako at mag-isang nag-agahan. Maya-maya pa ay narinig ko ang tunog ng aking cellphone kaya nagmadali akong pumasok ng kwarto at agad na sinagot ang tawag ni Mer."Good morning, baby," bungad niyang sabi. "Good morning, anong problema?" Hindi naman siya tatawag sa akin kung walang weirdong nangyayari sa buhay niya ngayon. Narinig ko ang singhap niya na para bang ganun na lang kabigat ang problemang dinadala. "Punta ka rito sa flat ko.""Bakit? Anong meron diyan?""Tulungan mo akong bantayan si Baby Whyinne. Haduf kasing Kenya, bakit sa akin pa pinaalagaan itong anak niya? Eh sa hindi ako marunong. Mukha ba akong baby sitter, ha? Sa
"Great job, Lovimer at Mesh," ani Xandreik. Bagaman walang emosyong makikita sa mukha nito ay bakas naman ang sensiridad sa tono ng pananalita nito. Nandito kami ngayon sa kanilang studio at kakatapos lang ng recording namin ni Mer. Kagaya ng napag-usapan ay ni-revived namin ang kantang Just Fall In Love Again para maisabay ito sa papalabas nilang album. Kagaya rin ng napagkasunduan namin ay wala na munang ibang member ng YB maliban sa kay XJ at Mer ang makakaalam na ako ay si Mesh. Feeling ko rin kasi ay hindi na ako magiging komportable pang mag-release ng kanta o libro kapag nalaman na ng lahat kung sino talaga si Mesh. Marahil, ang weirdong pakiramdam na iyon ay bunga ng pagtatago ko sa ibang katauhan sa loob ng ilang taon at hindi ko pa kayang malaman iyon ng lahat. "We're heading home now, XJ. Thank you," nakangiti kong saad sa lalaki. Tumango lamang ito at nagtapikan pa sila ni Mer ng balikat. Na
Tahimik lamang ang lahat habang naghihintay sa former Prime Agents of Guieco Clan o kung tawagin nila ay pioneers. Kasalukuyan kaming nasa conference room. Matapos ang bunyagang naganap sa pagitan naming lahat kahapon ay minabuti nina Marciella at Ashmer na ipatawag ang mga parent nila na siyang may alam sa katotohanang nasa likod ng pagkamatay ng mga magulang namin ni Percy.Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Percylla sa aking kamay nang pumasok na ang hinihintay namin. Nangunguna sina Tito Zeus at Tita Adelle samantalang nakasunod naman sa kanila sina Tito Ivan at Tita Christy. Lahat sila ay kapwa seryoso ang mga mukha. Napadaku ang tingin ko kay Marciella na wala rin namang emosyon ang mukha kagaya ng asawa nitong si Ashmer na siyang nakatayo ngayon sa unahan. Ang iba namang Prime Agents na nandidito rin ay wala ng ibang ginawa kundi ang mapalunok at magtapunan ng makahulugang tingin. Si Gab ay halatang namumutla samantalang si Lovimer naman ay mataman na nakatitig sa mga
"Oh, shit naman!" asik ko pa. Wala akong choice kundi ang magmadaling magbihis at higitin ang shoulder aking bag. Halos magkanda tisod-tisod na ako dahil sa pagmamadali. Nang mapagtanto ko na para na akong hinahabol ng mga asong gala ay bahagya akong napahinto at naging normal na ang lakad."Where are you going?" biglang pagpaimbabaw ng boses. "Ay bakla!" pulahaw ko pa dahil sa gulat. Napataas-kilay lang ang haduf na Mer na basta na lang sumulpot sa aking harapan mula sa kung saan."Sagutin mo ang tanong ko," dagdag asik niya pa. Pinigilan ko namang mapasinghap. Diyos ko naman! Sa hindi ko pwedeng sabihin. "None of your business. Padaanin mo na ako!" "Boyfriend mo ako kaya may karapatan akong tanungin ka."Napaawang naman ang aking bibig. Siya na ang may sabi na hindi ko pa siya sinasagot tapos ngayon ay feeling entitled siya bigla."Boyfriend kita?" paninigurado ko pa."Oo.""Eh, di break na tayo. Hindi mo na ako girlfriend at hindi na kita boyfriend. Ngayon ay wala ka ng karap
Tahimik lang ako habang kumakain sa DH. Mula kahapon ay hindi ako masyadong nakikipag-usap sa kahit na kanino. Laking pasalamat ko na lang at may out of town event sila Lovimer kaya hindi niya na ako masyadong nakulit. "OMG!" malakas na tili ni Jeannie.Napamura pa si Gabriella at Crystal dahil sa gulat. Maging ako ay napaangat din ng tingin. Sinundan ko ang direksyon kung saan nakatitig ang babae. Tumama sa babaeng kasalukuyang nasa may pinto ng DH ang aking paningin. Welcome back, Percy. Psss! Nagpakita ka rin dito, sa wakas. Ikaw ang pinakaduwag na taong nakilala ko sa tanang buhay ko. "P-Percy?" alangang sambit ni Marciella. Maging si Ashmer ay napatayo na rin. Kinuha ni Gab at Jin ang kambal na hawak ng mag-asawa at bahagyang lumayo sa kinatatayuan ng dalawa.Mukhang may drama pa akong mapapanuod ngayon. Iyong eksenang nagkapatawaran na ang bida at kontrabida ng isang kwento.Hindi ko nga lang matukoy kung sino ba talaga sa kanilang dalawa ang kontrabida sa buhay ng isa't-isa