"Where's Mer?" pabulong na tanong ko kay Kenshane. "Hindi ko siya makita."Kakapasok ko pa lang naman sa DH, lunch time na rin naman. Ngayon naman lang ulit ako nagawi dito. Palaging sa S-Area ako kumakain for the past three days dahil iniiwasan ko talaga si Lovimer. Kapag minsan ay nakakasalubong ko naman sa kahit saang sulok ng camp na ito ay nilalayasan mo kaagad. Bakit? Wala lang, ayoko lang talagang kulitin niya pa ako. "Nasa kitchen yata? O baka wala pa dito. Why?" balik-tanong naman nito. Lihim naman akong nagbunyi. "Wala naman," sagot ko sabay singhap. "Bakit mo pala sa akin hinahanap eh kayo naman madalas ang magkasama? Hindi mabubuhay si Lovimer kung hindi ka makita kahit isang araw lang."Iyon ang akala mo. Wala ngang pakialam ang isang iyon sa existence ko, eh. Akmang tatayo na ako para sana pumunta ng counter ay siya namang pagpasok ng taong ayaw ko na munang makita. Pasimple akong napangiwi nang makitang bitbit niya na naman ang pusa niyang si Me-me. Ang hilig tala
"Anong date ang pinagsasabi mo? Porke't ba magpapasama lang naman ako sa 'yo na bumili ng balloons para sa birthday ng anak ni Kenya na pamangkin mo rin naman ay date na agad yun para sayo? Ang romantic mo namang palang tao kung gano'n," mahabang lintanya ko. Nauubos ang laway ko sa pangit na ito. Hindi ko matantsa ang liko ng bituka."Sus, gano'n na rin 'yon. Nahiya ka lang talaga na yayain ako. May hiya ka naman pala?""Oo meron. Ikaw lang yata ang wala eh. Huwag na nga lang. Ayoko ng kasama ka. Assuming." Nanlaki naman ang kanyang mga mata. Inirapan ko nga. Wala talagang kwentang kausap ang lalaking ito. Wala man lang akong nakukuhang magandang salita eh, puro kadaotan ang pinagsasabi. "Eh di 'wag! Pakialam ko ba?""Salamat naman kung gano'n," kaswal kong saad. Hinintay ko lang talaga na tumila ang ulan at saka ako pumanhik ng flat para magpalit ng damit.Bahagya pa akong nagulat dahil paglabas ko ulit ay nasa labas lang si Lovimer. Napangiwi na lang ako ng umakto pa itong par
Nagmamadali akong tumungo sa DH dahil tinext ako ni Kenshane na nagbabangayan na naman daw si Ashmer at Lovimer. Hindi ko pa alam kung bakit dahil wala namang sinabi si Shane kaya nga heto at makikichismis ako.Noon naman ay iisang rason lang kung bakit nagkakapikonan sila eh at iyon ay dahil sa pagseselos ni Ashmer kay Lovimer tuwing nangungulit ito kay Marciella. Hindi naman siguro si Marciella ang pinag-aawayan nila, 'di ba? Kapag oo ay masasambunutan ko talaga ang lalaking iyon. Napailing pa ako bago tuluyang pumasok. Nakatayo sa bandang counter ang magpinsan. Hindi talaga maipagkakailang iisang lahi lang ang pinagmulan nila, eh. Parehong gwapo at malakas ang dating kahit na magkaiba ang pag-uugali.Wait... Hindi ko sinabing gwapo si Mer, ah? Hindi talaga. "Hindi ko naman nga sinasadyang magkaroon ng insect or whatever diyan sa pagkain, eh. Sigurado naman akong malinis ang kitchen...""I don't need your explanation, Lovimer. Ang concern ko dito ay dapat naman i-double check niy
Ilang minuto lang ay nasa S-Area na rin kami. Tinanggal ko na ang seatbelt at bababa na sana nang pigilan niya ako. Nagkatuosan pa kami ng tingin. Siya rin naman ang unang bumuwag niyon. Ang weird talaga ng lalaking ito eh."Ano ba 'yon? May sasabihin ka ba? Sabihin mo na at gutom na ako, Mer," maktol ko pa.Napabuntong-hininga pa siya sabay iling. Hindi ko talaga maintindihan ang ikinikilos nito ng isang ito."Hindi naman totoo ang sabi-sabi na kung sino ang maid of honor at best man sa kasal ay sila ang magkakatuluyan, 'di ba?" Natawa naman ako. Hindi pa rin pala niya nakakalimutan ang bagay na 'yon. Iniisip niya pa rin ba na baka nga kami ang magkatuluyan ni Harvey? Hello? Hindi naman husband material si Harvey para sa akin eh kaya malabong mangyari ang iniisip ng pangit na lalaking ito. Tsaka kung kami man nga ni Harvey ang para sa isa't-isa eh bakit parang namomoblema siya? "Alam mo pagod at gutom lang 'yan. Kung ano-anong iniisip mo, eh. Tara na nga," yaya ko na sa kanya a
"Ang tahimik mo naman yata ngayon?" untag sa akin ni Shane. Nasa flat ko lang naman ito kahit pagabi na. Hinayaan ko na lang din para at least ay may kasama ako. Baka tuluyan akong mabaliw dahil sa hindi ko na naman maintindihan ang aking sarili. Hindi pa rin kami nagdi-dinner kasi ang usapan ay sabay-sabay na raw dahil papunta dito mamaya ang mga Mhinn. Napag-usapan din kasi na dito na muna sila matutulog since may mga bakante namang flat at para mas ligtas sila. "Bawal ba?" asik ko ba sabay kagat ng kuko ko. Gawain ko kasi ang ganito lalo na kapag may iniisip o kaya may bagay-bagay na bumabagabag sa aking isipan na hindi ko naman malaman ang dahilan. Aware akong ang weirdo ko simula ang pumasok ako sa flat kong ito. "Ew, ang gandang babae pero nagngangatngat ng kuko. Kainin mo na lang kaya 'yang daliri mo. Gutom ka na yata, eh," pamumuna pa nito sa akin. "Bakit kasi ang tagal ng mga Mhinn? Gutom na rin ako." Hindi naman ako umimik. Nakatutok lang ako sa screen ng tv na nakabu
"Lumabas ka na. Magpapalit lang ako ng damit.""Hintayin kita sa sala.""Kahit mauna ka na, okay lang. Pupunta ako, huwag kang mag-alala. Lumabas na nga ito. Hinigit ko ang oversized t-shirt ko na kulay itim at short-shorts lang din ang ipinareha ko. Ngayon lang din uli naman ako susuot ng ganito kaiksi. Eh bakit ba? Kanya-kanyang trip lang 'to.Tiningnan ko muna ang hitsura ko sa salamin. Sinuklay ko ang aking buhok, hinayaan lang nakalugay at lumabas na ng kwarto."Bakit ganyan ang suot mo? Nagpalit ka pa ng damit kung ganyan lang din naman," pangingialam na naman ng haduf.Hindi ko rin pinansin ang kaniyang sinabi. "Tara na," yaya ko pa. "Ano ba, Beatrice? Bakit ganyan kaiksi ang suot mo?""Bakit ba? Bawal?""May mga bisita tayo.""So, ako na naman ang mag-aadjust, gano'n? FYI, ayoko talagang makisali sa dinner ninyo kasama sila dahil Prime Agents lang naman ang required na nandoon, 'di ba? Alam naman nating lahat na hindi ako PA. So, what's the big deal sa hindi ko pagdalo sa
(FLASHBACK) "W-What did you say Krizzy?" Nanginginig na ang buong sistema ko, hinihiling na sana nananaginip lang ako ngayon o kaya naman ay nagbibiro lang ang kaibigan kong ito."You heard it right, I l-love him, Trice at gusto kong mabawi siya sa 'yo. Ako naman talaga ang nauna sa kanya, eh." Napapikit ako at napakuyom. Hindi ako makapagsalita dahil sa magkahalong emosyon na nararamdaman. Mahal ng kaibigan ko ang taong mahal ko rin? Wow. Kailan pa?Hindi ko man lang naisip na pwedeng mangyari ang ganito. Na maaaring mahalin din ng kaibigan ko ang taong mahal ko. She's like a sister to me pero bakit ganito? "Krizzy, don't do this to me, please? Best friend tayo, 'di ba? Alam mo namang mahal na mahal ko rin siya," puno ng pakiusap kong saad. Naramdaman ko ang pagpatak ng aking luha sa sarili kong pisngi."I'm sorry ,Beatrice. Buo na ang desisyon ko. Kalimutan mo na lang na naging kaibigan mo ako." "Kalimutan? Are you kidding me? Ten years na tayong magkaibigan tapos ganito lang?
Napabuntonghininga ako nang mapagtantong malapit na palang gumabi na naman pero nasa kama pa rin ako at nakahilata pa rin. Hindi ko alam kung ano na ba ang nangyayari sa labas. Kung may tao pa ba dito sa camp o baka nasa mansiyon na ng mga Mhinn ang lahat. Napagod din kasi ako kanina sa book signing kaya naman nakatulog ako pagkauwing-pakauwi ko.Isa pang matunog na singhap ang aking pinakawalan bago bumangon. Dumiretso na ako sa shower room. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na rin ako ng kwarto at pumanhik sa kusina. Tao pa rin naman kasi ako, nagugutom kahit gaano pa ka-stress ang araw.Akmang bubuksan ko na ang refrigerator nang maramdaman kong may tao sa bandang likuran ko. Napalunok pa ako at inihanda ang aking sarili bago ito hinarap.Nakahinga ako nang maluwag nang mapagtantong si Lovimer iyon at bihis na bihis na. Ang gwapo... No, erase that. Masama pa rin ang loob ko sa kanya. "What are you doing here? Get out," pagtatabuyan ko sa kanya. Napakunot-noo ako dahil sa pagtat