Share

CHAPTER 23- TEARDROPS

(FLASHBACK)

"W-What did you say Krizzy?"

Nanginginig na ang buong sistema ko, hinihiling na sana nananaginip lang ako ngayon o kaya naman ay nagbibiro lang ang kaibigan kong ito.

"You heard it right, I l-love him, Trice at gusto kong mabawi siya sa 'yo. Ako naman talaga ang nauna sa kanya, eh."

Napapikit ako at napakuyom. Hindi ako makapagsalita dahil sa magkahalong emosyon na nararamdaman.

Mahal ng kaibigan ko ang taong mahal ko rin? Wow. Kailan pa?

Hindi ko man lang naisip na pwedeng mangyari ang ganito. Na maaaring mahalin din ng kaibigan ko ang taong mahal ko. She's like a sister to me pero bakit ganito?

"Krizzy, don't do this to me, please? Best friend tayo, 'di ba? Alam mo namang mahal na mahal ko rin siya," puno ng pakiusap kong saad.

Naramdaman ko ang pagpatak ng aking luha sa sarili kong pisngi.

"I'm sorry ,Beatrice. Buo na ang desisyon ko. Kalimutan mo na lang na naging kaibigan mo ako."

"Kalimutan? Are you kidding me? Ten years na tayong magkaibigan tapos ganito lang?
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status