"Pupunta kayo ng Bicol? Anong gagawin niyo doon?" usisa ko kay Mer. Kani-kanina lang nga ay nakatikim ng batok ito sa akin dahil sa basta-basta na naman lang ito pumasok dito sa flat ko. Ginulat pa ako habang naglilinis sa kusina, nakakainis lang."May gig kami doon, three days.""Three days? Tagal naman, ha?" Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko siyang ngumisi. Ano na naman kayang kalokohan ang nasa isip nito?"Matagal na ba 'yon? Minsan nga weeks akong wala dito pero wala ka namang pakialam. Aminin mo, mamimiss mo ako, 'no?" may halong pang-aalaska pa iyon."Anong mamimiss? Napatanong lang ako kasi..." Nag-isip pa ako ng pwedeng kong idugtong pero tila na blangko na naman ang utak ko. Sanhi na ito ng tatlong araw na nakaharap ako sa screen ng laptop ko dahil minamadali kong tapusin ang on going book ko. Napi-pressure na nga ako, eh. Naiinis din ako sa kay Farrah. ng admin ng mga social medias ko dahil sinabi nitong next month ay maglalabas na ako uli ng bagong libro where i
Isang matunog na buntong-hininga ang ginawa ko dahil sa text ni Ynna na kababasa ko pa lang. Hindi pa ako nakontento at sunod-sunod pa akong napapalatak at napasapo sa noo."May problema ka, girl? Gusto mo bang pag-usapan natin sa bar?" biglang saad ni Gabriella na kakasulpot pa lang mula sa kung saan.Bar kaagad? Halata talagang lasengga ang isang ito. "May problema ako pero hindi naman na kailangan na pag-usapan pa sa bar," masungit kong saad. Siguro ay natural na lang sa amin ang magsungitan sa camp na ito kahit na hindi naman kami magkaaway talaga. Mas okay na rin ang ganito para at least alam namin ang tunay na nararamdaman ng isa't-isa. "Okay? Dito na lang kung gano'n. So? What's your problem?" Chismosa talaga din talaga ang Silang na ito kahit na kailan."Wala," tipid kong sagot. "Ay? Kakasabi mo lang na may problema ka tapos biglang wala agad? Payapa ka talaga eh 'no? Ano na nga? Hindi kita titigilan hangga't hindi mo sinasabi.""Wow, ah? Ano ba kita para pagsabihan ng pr
["Let's go, Ryler!""Wait, can I talk to Trice...""No!" ]Napakuyom ako dahil sa senaryong iyon kanina. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng energy sa katawan, eh. Napasinghap na lang ako at tuluyang bumaba ng sasakyan. Tahimik na pumasok ako sa camp. Shit! What's happening to me? Bakit ang weird ng nararamdaman ko? Bakit... Gusto ko makausap si Ryler?Napahinto ako sa paglalakad a ng muling naglaro sa aking isipan ang mukha nito. Pumayat siya at parang mas naging matured ang mukha. Ang lungkot ng mga mata at para bang nakikiusap ito sa akin. Another shit, Beatrice! Hindi mo dapat siya iniisip. Sinaktan ka niya. Sinira ka niya tapos ngayon mukhang concern ka pa? "Trice! Ang tagal mo naman, saan ka ba kasi pumunta?" may halong maktol na salubong sa akin ni Lovimer. Hindi ko siya tiningnan. Ayaw ko ng kausap at mangunguulit ngayon. Gusto ko mag-isa."Hello? Kinakausap kaya kita," saad niya na naman. Matunog na buntonghininga ang pinakawalan ko."Pwede ba? Huwag mo muna akong guluhin?"
"Congratulations, Beatrice. You're now a certified Prime Agent of Guieco Clan," saad ni Marciella. Napaupo naman ako dahil sa pagod na nararamdaman. Kakatapos ko lang ng huling pagsubok na ibinigay nila. Akala ko ay katapusan ko na talaga eh. Mabuti na lang talaga at nasa kondisyon din ang katawan ko kaya hindi agad bumigay sa mga gasgas na nakuha ko kani-kanina lang. "Thank you," iyon na lang ang naiusal ko. Tumayo na ako at naglakad na papuntang flat. Naligo lang ako pagkuwa'y lumabas na rin para tumambay sa benches. Gusto kong makalangghap ng sariwang hangin. Kakaupo ko pa nga lang ay nakita ko na si Shane at Gabriella na papalapit sa kinaroroonan ko. Sabado ngayon kaya wala silang mga pasoksa MHIS. Paniguradong mabibingi na naman ako sa kaingayan nilang dalawa. "Gwapo at mabait naman si Vlad pero hindi ko talaga type. Ewan ko ba? Magma-madre na lang talaga siguro ako," rinig kong saad ni Gabriella sabay upo sa kabilang bench. Tumabi naman sa kanya si Shane."Sus, lagi ka nama
(FLASHBACK)"Have you seen, Ryler?" nakangiting tanong ko kay Farrah. Alangang umiling ito. Mapapansin sa pagmumukha nito ang kabang hindi mawari."Baka nasa condo niya pa, puntahan mo kaya?" singit ni Rhianna. Napaisip naman ako. Kagabi ay nasabi nga pala niya na masama ang kanyang pakiramdam, baka lumala ang kanyang lagnat."Okay, after class na lang," tipid kong saad. Napansin kong hindi mapakali si Farrah."Hey, what's wrong with you today, Far?" natatawa kong usisa. Nagkatitigan pa sila ni Rhianna. "Huwag mo nang puntahan si Ry, tawagan mo na lang," ani nito. Napakunot-noo naman ako. "Why?""Puntahan mo na lang Trice, may okay na malaman mo kung anong lagay ni Ryler." Hindi ako umimik. Wala akong nahitang salita, pinakiramdaman ko ang aking sarili. Bigla na lang bumilis ang tibok ng aking puso sa hindi ko malamang dahilan. Napapikit ako ng may maalalang bagay. Agad akong napatayo."Let's go, puntahan na natin ngayon si Ryler," yaya ko sa kanilang dalawa. Tuluyang namutla si F
Tahimik akong pumasok sa DH. Masyado pang maaga para lumabas ako ng flat pero baka mabaliw lang ako kapag wala akong makausap. Saktong naabutan ko pa sina Gabriella na kumakain. Week days kaya may pasok silang mga lecturer ng FIS."Good morning, Trice," nakangiting bati sa akin ni Silang. Kung nasa mood ako ngayon ay baka napuna ko na naman ito. Masyado yata itong good mood para batiin ako ng gano'n katino. Mukha ring ako lang ang miserable sa aming lahat dito. "Ay bad mood yata si Mamash," ani Shines. Hindi ko na lang sila pinansin pa. Tahimik na lang akong nakiupo sa pwesto nila."Alam mo bang nadamagan sina Havana at Lovimer dito?" "Grabi ka naman, Gab. Jindi naman nadamagan dito yon. Umuwi din si Havana bago maghating-gabi," sabat naman ni Shines. "Ay? Talaga ba? Cinderella naman ang peg ah? Bakit mo naman alam?""Hello? Nasa control pa kaya ako nun. Teka, eh di ba gabi na rin naman umuwi Trice? Ikaw ang huling pumasok ng gate eh maliban kay Lovimer na inihatid pa si Havana."
"Where's Lovimer?" pabulong kong tanong kay Gab.Saglit muna itong tumitig sa akin pagkuwa'y ngumisi. Napakunot-noo naman ako dahil hindi ko naman alam ang dahilan ng ikinilos nito.Nababaliw na naman ang isang ito. Mali pala, palagi naman talaga itong baliw. Baliw sa chismis. "Alam mo, girl...""Hindi ko pa alam," pamumutol ko sa sasabihin nito. Isang sagot lang naman ang kailangan ko muna rito pero mukhang sesermonan o aasarin na naman ako."Alam mo, ang payapa talaga kapag nagmamahal, 'no?" ngiting-ngiti nitong lintanya. Mahinang pinalo ko ito sa braso."Haduf ka, nagtanong lang kung saan, nagmamahal agad? Anong klaseng logic 'yan?""Hay naku naman, Solomon. Sarap mo talagang ipakain sa mga buteteng alaga ni Kenshane eh. Well, wala dito sa Mer. Nasa S-Area with Havana." Pinigilan ko namang mapabusangot. Kaswal na tumango na lang ako at pumunta sa GC bar. Hindi ko alam kung bakit nagiging baliktad ang sitwasyon eh, 'yong mga taga S-Area ay dito napunta sa GC at 'yong mga taga dito
"Beatrice!" bungad na saad ni Shawn. Hindi pa ito na kontento at lumapit pa talaga sa akin at inilingkis ang kamay nito sa braso ko."Still beautiful, huh?" nakangisi nitong dagdag saad. Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko gayong nararamdaman kong nakamasid sa amin si Mer. "Alam kong maganda ako Shawn so stop flirting with me," pandidiretso ko dito. Sa halip na magalit ay humagalpak lang ito ng tawa."Why? May magagalit ba?" bulong nito sa akin. Binawi ko naman ang braso ko sa kanya. "Meron o wala, just do what I've said, okay? Graduate na ako sa ganyang galawan mo," nakangisi kong sambit. Tumawa lang din naman ito. Naramdaman ko na lang na may mga kamay na pumulupot sa bewang ko. Sa amoy pa lang nito, alam ko na kung sino. "Mer," sambit ko pa. Bahagya pa nitong ipinatong ang kanyang panga sa balikat ko. "Maya-maya ay magsisimula na ang show. Cheer me up," bulong niya pa. Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang labi sa bandang leeg ko dahilan para mapakagat-labi ako."Hind