Home / Romance / Taming The Bad Bitch / CHAPTER 27- SECRETS

Share

CHAPTER 27- SECRETS

Author: LovieNot
last update Huling Na-update: 2023-12-11 21:34:37

"Pupunta kayo ng Bicol? Anong gagawin niyo doon?" usisa ko kay Mer.

Kani-kanina lang nga ay nakatikim ng batok ito sa akin dahil sa basta-basta na naman lang ito pumasok dito sa flat ko. Ginulat pa ako habang naglilinis sa kusina, nakakainis lang.

"May gig kami doon, three days."

"Three days? Tagal naman, ha?"

Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko siyang ngumisi. Ano na naman kayang kalokohan ang nasa isip nito?

"Matagal na ba 'yon? Minsan nga weeks akong wala dito pero wala ka namang pakialam. Aminin mo, mamimiss mo ako, 'no?" may halong pang-aalaska pa iyon.

"Anong mamimiss? Napatanong lang ako kasi..."

Nag-isip pa ako ng pwedeng kong idugtong pero tila na blangko na naman ang utak ko. Sanhi na ito ng tatlong araw na nakaharap ako sa screen ng laptop ko dahil minamadali kong tapusin ang on going book ko.

Napi-pressure na nga ako, eh. Naiinis din ako sa kay Farrah. ng admin ng mga social medias ko dahil sinabi nitong next month ay maglalabas na ako uli ng bagong libro where i
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Taming The Bad Bitch   CHAPTER 28- FORGIVENESS

    Isang matunog na buntong-hininga ang ginawa ko dahil sa text ni Ynna na kababasa ko pa lang. Hindi pa ako nakontento at sunod-sunod pa akong napapalatak at napasapo sa noo."May problema ka, girl? Gusto mo bang pag-usapan natin sa bar?" biglang saad ni Gabriella na kakasulpot pa lang mula sa kung saan.Bar kaagad? Halata talagang lasengga ang isang ito. "May problema ako pero hindi naman na kailangan na pag-usapan pa sa bar," masungit kong saad. Siguro ay natural na lang sa amin ang magsungitan sa camp na ito kahit na hindi naman kami magkaaway talaga. Mas okay na rin ang ganito para at least alam namin ang tunay na nararamdaman ng isa't-isa. "Okay? Dito na lang kung gano'n. So? What's your problem?" Chismosa talaga din talaga ang Silang na ito kahit na kailan."Wala," tipid kong sagot. "Ay? Kakasabi mo lang na may problema ka tapos biglang wala agad? Payapa ka talaga eh 'no? Ano na nga? Hindi kita titigilan hangga't hindi mo sinasabi.""Wow, ah? Ano ba kita para pagsabihan ng pr

    Huling Na-update : 2023-12-12
  • Taming The Bad Bitch   CHAPTER 29- CLOSING THE DOOR

    ["Let's go, Ryler!""Wait, can I talk to Trice...""No!" ]Napakuyom ako dahil sa senaryong iyon kanina. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng energy sa katawan, eh. Napasinghap na lang ako at tuluyang bumaba ng sasakyan. Tahimik na pumasok ako sa camp. Shit! What's happening to me? Bakit ang weird ng nararamdaman ko? Bakit... Gusto ko makausap si Ryler?Napahinto ako sa paglalakad a ng muling naglaro sa aking isipan ang mukha nito. Pumayat siya at parang mas naging matured ang mukha. Ang lungkot ng mga mata at para bang nakikiusap ito sa akin. Another shit, Beatrice! Hindi mo dapat siya iniisip. Sinaktan ka niya. Sinira ka niya tapos ngayon mukhang concern ka pa? "Trice! Ang tagal mo naman, saan ka ba kasi pumunta?" may halong maktol na salubong sa akin ni Lovimer. Hindi ko siya tiningnan. Ayaw ko ng kausap at mangunguulit ngayon. Gusto ko mag-isa."Hello? Kinakausap kaya kita," saad niya na naman. Matunog na buntonghininga ang pinakawalan ko."Pwede ba? Huwag mo muna akong guluhin?"

    Huling Na-update : 2023-12-12
  • Taming The Bad Bitch   CHAPTER 30- THE REASON

    "Congratulations, Beatrice. You're now a certified Prime Agent of Guieco Clan," saad ni Marciella. Napaupo naman ako dahil sa pagod na nararamdaman. Kakatapos ko lang ng huling pagsubok na ibinigay nila. Akala ko ay katapusan ko na talaga eh. Mabuti na lang talaga at nasa kondisyon din ang katawan ko kaya hindi agad bumigay sa mga gasgas na nakuha ko kani-kanina lang. "Thank you," iyon na lang ang naiusal ko. Tumayo na ako at naglakad na papuntang flat. Naligo lang ako pagkuwa'y lumabas na rin para tumambay sa benches. Gusto kong makalangghap ng sariwang hangin. Kakaupo ko pa nga lang ay nakita ko na si Shane at Gabriella na papalapit sa kinaroroonan ko. Sabado ngayon kaya wala silang mga pasoksa MHIS. Paniguradong mabibingi na naman ako sa kaingayan nilang dalawa. "Gwapo at mabait naman si Vlad pero hindi ko talaga type. Ewan ko ba? Magma-madre na lang talaga siguro ako," rinig kong saad ni Gabriella sabay upo sa kabilang bench. Tumabi naman sa kanya si Shane."Sus, lagi ka nama

    Huling Na-update : 2023-12-13
  • Taming The Bad Bitch   CHAPTER 31- PLAYING GAME

    (FLASHBACK)"Have you seen, Ryler?" nakangiting tanong ko kay Farrah. Alangang umiling ito. Mapapansin sa pagmumukha nito ang kabang hindi mawari."Baka nasa condo niya pa, puntahan mo kaya?" singit ni Rhianna. Napaisip naman ako. Kagabi ay nasabi nga pala niya na masama ang kanyang pakiramdam, baka lumala ang kanyang lagnat."Okay, after class na lang," tipid kong saad. Napansin kong hindi mapakali si Farrah."Hey, what's wrong with you today, Far?" natatawa kong usisa. Nagkatitigan pa sila ni Rhianna. "Huwag mo nang puntahan si Ry, tawagan mo na lang," ani nito. Napakunot-noo naman ako. "Why?""Puntahan mo na lang Trice, may okay na malaman mo kung anong lagay ni Ryler." Hindi ako umimik. Wala akong nahitang salita, pinakiramdaman ko ang aking sarili. Bigla na lang bumilis ang tibok ng aking puso sa hindi ko malamang dahilan. Napapikit ako ng may maalalang bagay. Agad akong napatayo."Let's go, puntahan na natin ngayon si Ryler," yaya ko sa kanilang dalawa. Tuluyang namutla si F

    Huling Na-update : 2023-12-13
  • Taming The Bad Bitch   CHAPTER 32- IN LOVE AGAIN

    Tahimik akong pumasok sa DH. Masyado pang maaga para lumabas ako ng flat pero baka mabaliw lang ako kapag wala akong makausap. Saktong naabutan ko pa sina Gabriella na kumakain. Week days kaya may pasok silang mga lecturer ng FIS."Good morning, Trice," nakangiting bati sa akin ni Silang. Kung nasa mood ako ngayon ay baka napuna ko na naman ito. Masyado yata itong good mood para batiin ako ng gano'n katino. Mukha ring ako lang ang miserable sa aming lahat dito. "Ay bad mood yata si Mamash," ani Shines. Hindi ko na lang sila pinansin pa. Tahimik na lang akong nakiupo sa pwesto nila."Alam mo bang nadamagan sina Havana at Lovimer dito?" "Grabi ka naman, Gab. Jindi naman nadamagan dito yon. Umuwi din si Havana bago maghating-gabi," sabat naman ni Shines. "Ay? Talaga ba? Cinderella naman ang peg ah? Bakit mo naman alam?""Hello? Nasa control pa kaya ako nun. Teka, eh di ba gabi na rin naman umuwi Trice? Ikaw ang huling pumasok ng gate eh maliban kay Lovimer na inihatid pa si Havana."

    Huling Na-update : 2023-12-13
  • Taming The Bad Bitch   CHAPTER 33- CRAZILY IN LOVE

    "Where's Lovimer?" pabulong kong tanong kay Gab.Saglit muna itong tumitig sa akin pagkuwa'y ngumisi. Napakunot-noo naman ako dahil hindi ko naman alam ang dahilan ng ikinilos nito.Nababaliw na naman ang isang ito. Mali pala, palagi naman talaga itong baliw. Baliw sa chismis. "Alam mo, girl...""Hindi ko pa alam," pamumutol ko sa sasabihin nito. Isang sagot lang naman ang kailangan ko muna rito pero mukhang sesermonan o aasarin na naman ako."Alam mo, ang payapa talaga kapag nagmamahal, 'no?" ngiting-ngiti nitong lintanya. Mahinang pinalo ko ito sa braso."Haduf ka, nagtanong lang kung saan, nagmamahal agad? Anong klaseng logic 'yan?""Hay naku naman, Solomon. Sarap mo talagang ipakain sa mga buteteng alaga ni Kenshane eh. Well, wala dito sa Mer. Nasa S-Area with Havana." Pinigilan ko namang mapabusangot. Kaswal na tumango na lang ako at pumunta sa GC bar. Hindi ko alam kung bakit nagiging baliktad ang sitwasyon eh, 'yong mga taga S-Area ay dito napunta sa GC at 'yong mga taga dito

    Huling Na-update : 2023-12-13
  • Taming The Bad Bitch   CHAPTER 34- LOVE AND TRUST

    "Beatrice!" bungad na saad ni Shawn. Hindi pa ito na kontento at lumapit pa talaga sa akin at inilingkis ang kamay nito sa braso ko."Still beautiful, huh?" nakangisi nitong dagdag saad. Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko gayong nararamdaman kong nakamasid sa amin si Mer. "Alam kong maganda ako Shawn so stop flirting with me," pandidiretso ko dito. Sa halip na magalit ay humagalpak lang ito ng tawa."Why? May magagalit ba?" bulong nito sa akin. Binawi ko naman ang braso ko sa kanya. "Meron o wala, just do what I've said, okay? Graduate na ako sa ganyang galawan mo," nakangisi kong sambit. Tumawa lang din naman ito. Naramdaman ko na lang na may mga kamay na pumulupot sa bewang ko. Sa amoy pa lang nito, alam ko na kung sino. "Mer," sambit ko pa. Bahagya pa nitong ipinatong ang kanyang panga sa balikat ko. "Maya-maya ay magsisimula na ang show. Cheer me up," bulong niya pa. Naramdaman ko ang paglapat ng kanyang labi sa bandang leeg ko dahilan para mapakagat-labi ako."Hind

    Huling Na-update : 2023-12-14
  • Taming The Bad Bitch   CHAPTER 35- TAMED BY HIM

    "Tapos na kaming mag-imbestiga sa naganap na kaguluhan sa huling show ng YB at lahat ng lead na nakuha namin ay nagtuturo sa PC. Mula sa klase ng bomba na ginamit at sa balang nakuha sa katawan ni Trice," bigay-alam ni Marciella. Napatango naman kaming lahat. Tatlong araw na rin ang nakakalipas mula nang mangyari iyon. Naka-recover na rin ako sa lason. "Ang ipinagtataka lang namin ay kung paanong may dalawang bomba na naka-deactivate sa backstage ng hall? Tanging ang nasa dressing room lamang ang sumabog dahilan para maging mahina ang impact nito sa loob ng hall." Napatingin naman kaming lahat kay Jeannie. Ito nga pala ang naatasan na manguna sa imbestigasyon."Posible bang may agent na mula sa ibang agency ang gumawa niyon?" usisa ni Gab. "Nakipag-ugnayan na kami sa ibang malalakas na agency pero lahat sila ay nagsasabing walang alam. Maging ang RAO ay wala ring sagot na maibibigay. Tanging si Sathorn at Summer lamang ang agents nila na nandoon sa pangyayaring iyon."Saglit na na

    Huling Na-update : 2023-12-14

Pinakabagong kabanata

  • Taming The Bad Bitch   EPILOGUE

    LOVIMER GUIECO'S POV••••••••••••••••••••••••••••—————————————"We heard that you were engaged with your two months girlfriend, is that true?" tanong ni Ms. Angel sa akin. Napatingin naman ako kay Sathorn na bigla na lang natawa. Nasa isang evening show ako ngayon kasama ang lahat ng member ng Your Band. "It's true, ang bilis talaga kumilos ng Lovimer ninyo," sagot nito dahilan para magsitawanan na rin ang mga audience. "Si Lovimer ka ba?" supalpal ni Wynd dito. Mas lumakas pa ang tawanan. Napapangiti na naiiling na lang ako dahil sa kalokohan nitong si Sathorn."Is it true, Mr. Guieco?" ulit na tanong ng host. Ngumiti pa muna ako bago tumango. "Yes and we're preparing for our wedding also.""Wow! Gano'n kabilis?""Bakit? Kailangan ba mabagal?" natatawa kong saad para naman hindi iyon magmukhang sarkastiko sa lahat. Gaya ng inaasahan ay nagsitawanan lang naman din sila."Sabi ko nga. By the way, pwede ba naming makilala kung sino itong lucky woman na bumihag sa puso mo?" Napat

  • Taming The Bad Bitch   CHAPTER 44- PROPOSAL

    Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga agent na busy sa kakadaldalan kahit nasa hapag-kainan. Mula sa aking kinauupuan ay tumayo ako at pumunta sa counter. Bahagya akong yumuko para silipin si Mer sa pull-out area na siyang nasa loob ng kitchen. Lumabas din siya at nilapitan ako. "Anong gusto mong kainin?" nakangiting tanong niya sa akin. Natawa naman ako dahil trying hard na naman siya sa pagpapa-cute. Kabaliktaran talaga ito ni Ashmer. Pero kahit gano'n ay hindi ko pa rin mapigilang mapangiti.He's my ideal one, tho."Stop that, it's disgusting," asik ko pa kunwari dahilan para mapabusangot siya. Ngumiti ako at niyakap siya mula sa likuran. Bahagya akong tumingkayad at bumulong. "I can eat anything, you know...""What? How wild you are, Beatrice!" pulahaw ni Kenya na hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala. Marahas ko itong nilingon. "Anong wild do'n?" nakataas-kilay kong tanong. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Mer at siya naman ang yumakap sa akin. Ipinatong niy

  • Taming The Bad Bitch   CHAPTER 43- SACRIFICE

    Pasimpleng lumapit sa akin ang isang junior agent, nakikilala ko lang ito sa mukha dahil nakikita ko rin naman ito sa camp tuwing umaga o kaya ay gabi. Isa lamang ito sa mga agent na naka-assign dito sa mall."Nasa L's Boutique ang target natin, huwag mong hahayaang makawala, I'll be here in a minute, okay?" mahigpit kong habilin dito.Tumango lamang ito at binigyan ako ng nangngangakong tingin. Isa ring tango ang ibinigay ko rito at nagmamadaling tinungo ang G's room. Ang room na tinutukoy ko ay exclusive lamang sa GC agents na nagtatrabaho rito. Doon din nakalagay ang mga gamit na pwede naming gamitin in case of emergency like this one. Sa bawat palapag ay may GC Agents' room.Hindi pa man ako tuluyang nakapasok ay may sumalubong na sa akin. Agad na ikinabit nito ang GC Listening Device na paniguradong nakakonekta na sa GC control room at binigyan din ako ng stun gun . Binigyan din nila ako ng Special Bullet. Kung ako lang ang masusunod ay hindi ko na kailangan pang tumakbo papunta

  • Taming The Bad Bitch   CHAPTER 42- FINAL MISSION

    "Sa tingin mo ba hindi ka naging harsh kay Jeannie? As in never?" untag sa akin ni Gab sabay nguso sa babaeng tinutukoy na mukhang nagmumukmok sa isang tabi ng conference room. Nangongonsensiya pa ang tono ng payapang ito. May meeting kasi kami pero wala pa naman ang iba kaya malaya pa kaming nakakapagchismisan. Bahagya kong itinabingi ang aking ulo para suriin nang maayos ang mukha ng babae."Naging harsh ba ako?" balik tanong ko naman. Napailing sabay palatak naman ito. "Sinabi ko lang naman ang kung anumang nasa isipan ko ng mga oras na iyon, ha? Harsh bang maging honest?" dagdag ko pa sabay pulupot ng kamay ko sa braso nito."I know pero kasi hindi lahat ng nasa isip natin tungkol sa isang tao ay kailangan nating sabihin sa kanila. Hindi kasi talaga naging madali ang nangyari sa kanila ni Lovimer eh and to tell you honestly, what you did and said to her was like adding insult to injury, eh." Hindi naman ako nakaimik. Siguro nga ay mali ako, siguro nga ay naging harsh ako.I sho

  • Taming The Bad Bitch   CHAPTER 41- DIFFERENCE

    Napabuntong-hininga na lamang ako nang mabasa ang text ni Percylla. May out of the country tour daw ito kasama ang isang pang sikat ding photographer. Just be safe, Percy. Don't be so reckless. Don't be hurt again. Isa pang singhap ang aking pinakawalan bago nagpasyang bumangon at maligo. Tinamad din akong pumunta ng DH kaya naman nagluto na lang din ako at mag-isang nag-agahan. Maya-maya pa ay narinig ko ang tunog ng aking cellphone kaya nagmadali akong pumasok ng kwarto at agad na sinagot ang tawag ni Mer."Good morning, baby," bungad niyang sabi. "Good morning, anong problema?" Hindi naman siya tatawag sa akin kung walang weirdong nangyayari sa buhay niya ngayon. Narinig ko ang singhap niya na para bang ganun na lang kabigat ang problemang dinadala. "Punta ka rito sa flat ko.""Bakit? Anong meron diyan?""Tulungan mo akong bantayan si Baby Whyinne. Haduf kasing Kenya, bakit sa akin pa pinaalagaan itong anak niya? Eh sa hindi ako marunong. Mukha ba akong baby sitter, ha? Sa

  • Taming The Bad Bitch   CHAPTER 40- CONFRONTATION

    "Great job, Lovimer at Mesh," ani Xandreik. Bagaman walang emosyong makikita sa mukha nito ay bakas naman ang sensiridad sa tono ng pananalita nito. Nandito kami ngayon sa kanilang studio at kakatapos lang ng recording namin ni Mer. Kagaya ng napag-usapan ay ni-revived namin ang kantang Just Fall In Love Again para maisabay ito sa papalabas nilang album. Kagaya rin ng napagkasunduan namin ay wala na munang ibang member ng YB maliban sa kay XJ at Mer ang  makakaalam na ako ay si Mesh. Feeling ko rin kasi ay hindi na ako magiging komportable pang mag-release ng kanta o libro kapag nalaman na ng lahat kung sino talaga si Mesh. Marahil, ang weirdong pakiramdam na iyon ay bunga ng pagtatago ko sa ibang katauhan sa loob ng ilang taon at hindi ko pa kayang malaman iyon ng lahat. "We're heading home now, XJ. Thank you," nakangiti kong saad sa lalaki. Tumango lamang ito at nagtapikan pa sila ni Mer ng balikat. Na

  • Taming The Bad Bitch   CHAPTER 39- THE TRUTH BEHIND

    Tahimik lamang ang lahat habang naghihintay sa former Prime Agents of Guieco Clan o kung tawagin nila ay pioneers. Kasalukuyan kaming nasa conference room. Matapos ang bunyagang naganap sa pagitan naming lahat kahapon ay minabuti nina Marciella at Ashmer na ipatawag ang mga parent nila na siyang may alam sa katotohanang nasa likod ng pagkamatay ng mga magulang namin ni Percy.Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Percylla sa aking kamay nang pumasok na ang hinihintay namin. Nangunguna sina Tito Zeus at Tita Adelle samantalang nakasunod naman sa kanila sina Tito Ivan at Tita Christy. Lahat sila ay kapwa seryoso ang mga mukha. Napadaku ang tingin ko kay Marciella na wala rin namang emosyon ang mukha kagaya ng asawa nitong si Ashmer na siyang nakatayo ngayon sa unahan. Ang iba namang Prime Agents na nandidito rin ay wala ng ibang ginawa kundi ang mapalunok at magtapunan ng makahulugang tingin. Si Gab ay halatang namumutla samantalang si Lovimer naman ay mataman na nakatitig sa mga

  • Taming The Bad Bitch   CHAPTER 38- RIGHT AND JUST

    "Oh, shit naman!" asik ko pa. Wala akong choice kundi ang magmadaling magbihis at higitin ang shoulder aking bag. Halos magkanda tisod-tisod na ako dahil sa pagmamadali. Nang mapagtanto ko na para na akong hinahabol ng mga asong gala ay bahagya akong napahinto at naging normal na ang lakad."Where are you going?" biglang pagpaimbabaw ng boses. "Ay bakla!" pulahaw ko pa dahil sa gulat. Napataas-kilay lang ang haduf na Mer na basta na lang sumulpot sa aking harapan mula sa kung saan."Sagutin mo ang tanong ko," dagdag asik niya pa. Pinigilan ko namang mapasinghap. Diyos ko naman! Sa hindi ko pwedeng sabihin. "None of your business. Padaanin mo na ako!" "Boyfriend mo ako kaya may karapatan akong tanungin ka."Napaawang naman ang aking bibig. Siya na ang may sabi na hindi ko pa siya sinasagot tapos ngayon ay feeling entitled siya bigla."Boyfriend kita?" paninigurado ko pa."Oo.""Eh, di break na tayo. Hindi mo na ako girlfriend at hindi na kita boyfriend. Ngayon ay wala ka ng karap

  • Taming The Bad Bitch   CHAPTER 37- CHOICES

    Tahimik lang ako habang kumakain sa DH. Mula kahapon ay hindi ako masyadong nakikipag-usap sa kahit na kanino. Laking pasalamat ko na lang at may out of town event sila Lovimer kaya hindi niya na ako masyadong nakulit. "OMG!" malakas na tili ni Jeannie.Napamura pa si Gabriella at Crystal dahil sa gulat. Maging ako ay napaangat din ng tingin. Sinundan ko ang direksyon kung saan nakatitig ang babae. Tumama sa babaeng kasalukuyang nasa may pinto ng DH ang aking paningin. Welcome back, Percy. Psss! Nagpakita ka rin dito, sa wakas. Ikaw ang pinakaduwag na taong nakilala ko sa tanang buhay ko. "P-Percy?" alangang sambit ni Marciella. Maging si Ashmer ay napatayo na rin. Kinuha ni Gab at Jin ang kambal na hawak ng mag-asawa at bahagyang lumayo sa kinatatayuan ng dalawa.Mukhang may drama pa akong mapapanuod ngayon. Iyong eksenang nagkapatawaran na ang bida at kontrabida ng isang kwento.Hindi ko nga lang matukoy kung sino ba talaga sa kanilang dalawa ang kontrabida sa buhay ng isa't-isa

DMCA.com Protection Status