"Mer! Ano ba?!" naiinis kong tawag sa kanya. Talagang hindi man lang ako hinintay. "Isa!" dagdag ko pa.
Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. May nadaanan akong sweet couple. Napansin ko kung paano ako suyurin ng tingin ng lalaki. Gusto ko itong samaan ng tingin pero sa halip ay tumigil ako sa harap nila at ngumiti."Hi, what's your name? Ang gwapo mo naman po," puri ko sa lalaki sabay kindat. Nanilim naman ang mukha ng babae.Kinagat ko pa ang lower lip ko. Nilandi ko ito sa harap ng girlfriend niya. He must taste his own medicine. Masyado pa silang sweet, ibig sabihin ay bago pa lang sila. Makakapag-move on ang babae at makakahanap ng mas better at mas loyal."I'm Jhon," pakilala din nito na may kislap sa mga mata.Haduf talaga ang mga lalaki. Konting landi lang ng mga magagandang babae ay pumapatol agad. Kawawa naman itong kasama siyang babaeng madilim na ang mukha habang nakatingin sa akin.Bakit parang kasalanan ko lang? Bakit hindi niya muna i-interpret ang behavior ng jowa niya? Tingnan mo nga at ang bilis lang sabihin ng kaniyang pangalan sa akin, eh."Girlfriend mo?""Hindi. Nililigawan ko pa lang," direkta nitong sabi.Nanliit na talaga ang aking mga mata. Sa tingin ba talaga nito ay papatol ako sa bata? Baka nga ay 22 o 23 lang ito. Pero hindi excuse ang kaniyang edad para maging marupok siya sa harap ko."Oh? Tapos nagagawa mong makipaglandian sa akin sa harap niya. Hay naku, Miss. Kung ako sa 'yo babasted-in ko ito at uuwi na lang. Can't you see? Hindi siya seryoso at loyal sa 'yo. Red flag ang isang ito."Padarag naman na tumayo ang babae, mukhang iiyak na ito."Celine...""Huwag mo na akong kakausapin kahit kailan!" sigaw nito kay Jhon sabay takbo paalis.Lihim naman akong natawa. She knows. Hindi na ako pinahirapan pang kumbinsi siya. Smart girl."Ano bang problema mo, Miss? Ang ganda mo pero ang landi mo naman!"Nagulat ako ng sa isang iglap ay bagsak na ito sa lupa. Nasa tabi ko na pala si Mer at tiim bagang pang sinipa ang kawawang Jhon."Hindi siya tulad ng iniisip mo! Ikaw nga itong malandi, eh! Nakita ko kung paano ka tumingin sa babaeng ito."Babaeng ito?! Nakapa-haduf din talaga ng buwisit na ito, eh!"Nagawa mo pang magpakilala sa pangit na ito gayong kasama mo naman pala ang nililigawan mo? Nasaan ang respito mo sa mga babae, bro?"Hindi pa nakasagot ang lalaki ay naisampa niya na ako sa balikat niya. Yong dalawang tuhod ko pa ang hawak niya Nasa likuran niya ang mukha ko."Put me down, ano ba?!" asik ko sabay suntok ng likuran niya pero hindi man lang siya nagpatinag. Para akong sako na isinampa nito sa balikat niya, eh."Mer, ano ba?! Nahihirapan akong huminga!" reklamo ko pa. Nakadagan kasi ang tiyan ko sa matigas niyang balikat."Do your best to breathe, Beatrice. That's your punishment.""Anong punishment, ha? Ibaba mo ako! Nakakahiya!"Tuloy-tuloy lang siya. Ibinaba niya lang talaga ako ng nasa harap na kami ng flat ko. Literal na nanghina ako."Huwag mo na ngang uulitin iyon! Mapapahamak ka pa, eh! Ayokong makita kitang manland... Mang-aki... Mang... Basta! Kung anuman ang tawag diyan sa laro mo! Mang-trip or whatever ek-ek! Kapag nakita pa kita na gumaganyan ka, kahit sino dito sa camp.. makikita mo talaga, Beatrice Solomon! May kalalagyan ka talagang bata ka!" nanggagalaiti niyang panenermon sa akin. Baka kung puwede niya lang akong paluin ay ginawa niya na.Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit o mainis sa kanya kahit pa sinisigawan niya ako at pinagsasabihan.Nakatulala lang akong nakatitig sa kanya. Siya palang ang nanermon sa akin ng ganito. Iyong pinatitigil ako sa panlalandi ko.Psss, hindi niya pa maituloy ang 'manlandi' at 'mang-akit' na salita eh, akala niya ba masasaktan ako sa salitang iyon? Immune na ito."H-Hindi ako bata!" saad ko ng sa wakas ay makapa ko na ang dila ko."Hindi nga, may sinabi ba akong bata ka?""Oo ,sinabi mo! Huling linya mo pa nga eh.""Wala akong pakialam sa sinasabi mong yan, basta ayokong may nilalandi... I'm sorry for the word, basta huwag ka talagang papahuli sa akin dahil naku, naku talaga, Beatrice, Beatrice, Beatrice!""Para kang si Siren. Paulit-ulit," mahinang saad ko na ang tinutukoy ay ang robot ng pinsan niyang si Kenshane."Whatever!" sigaw niya na naman.Mabuti na lang at flat ni Percy ang katabi ko. Bakante kaya okay lang na magsigawan kami."Matulog ka na!""Ang aga pa. 10: 35 pm pa lang.""Matulog ka na! Lagi ka na lang nagpupuyat eh wala ka namang jowa."Napakunot-noo naman ako. Haduf talaga!"At wala akong balak magkaroon."Inirapan ko pa siya. Mas nangliit naman ang kanyang singkit na mata."Anong walang balak? May balak ka!""Wala!""Meron!""Bakit ba pinagpipilitan mo? Eh, sa wala akong balak magkajowa!""Kasi pangit ka lang talaga, walang nanliligaw sa 'yo!""Talaga? Baka gusto mo pang papilahin ko ang manliligaw ko sa harapan mo?" nakangisi kong saad. Inirapan niya naman ako. Hindi ko mapigilang matawa."Bakit sa harap ko? Hindi ba puwedeng makipila rin ako?"Hindi naman ako nakapagsalita agad. May split personality yata ang isang ito. Paiba-iba ang mood."Sus ginoo, kinilig ka naman diyan. Baka wala kang balak kasi hinihintay mo talaga ako? Umamin ka na," pang-aasar niya pa uli."Ang kapal ng mukha mo! Naiirita nga ako sa pagmumukha mo, eh!""Talaga?" masaya niya pang usisa.Nagtataka ko naman siyang tiningnan. Masaya pa siya na naiirita ako sa pagmumukha niya? What the hell?"Oo. Masaya ka pa niyan? Abnormal ka ngang tunay.""Oo masaya ako. Hindi mo ba alam ang sabi-sabi?""Anong sabi-sabi na naman ba?"Ang dami niya talagang alam sa mga sabi-sabi na iyan. Naalala ko pang sinabi niya din na baka si Harvey ang makatuluyan ko dahil ang sabi-sabi daw ay kung sino ang best man at maid of honor sa isang kasal ay siyang magkakatuluyan.Hello? Eh, si Gabriella naman ang maid of honor ni Marciella at si Faller ang best man ni Ashmer ay bakit hindi naman nga ang dalawa ang nagkatuluyan?"Na the more you hate, the more you love. Diyan kaya nagsimula ang lolo at lola ko. Knock on the wood pala, patay na sila, eh."Binatukan ko naman siya. Kung ano-ano lang talaga ang maisip eh. Knock on the wood pa nga, parang tanga talaga."Matulog ka na nga. Pasok ka na.""Hindi pa ako inaantok Mer, huwag kang ano diyan.""Eh anong gusto mo? Dito ka na lang sa labas magdamag?""Ikaw kaya magpadamag dito sa labas, tingnan lang natin kung hindi ka gawing pulutan ng mga lamok." asik ko sabay sandal sa pinto.Bigla naman lang bumukas iyon. Kamuntikan na naman lang akong bumagsak sa sahig, buti na lang at nahapit niya ang bewang ko. Nagkatitigan pa kami saglit bago niya ako itinayo."Ang gaslaw kasi! Tsaka ugaliin mo ngang mag-lock ng pinto. Ano ba ang silbi ng code at susi kung hindi ka nagla-lock?""Kanina mo pa ako pinagagalitan, ah! Suntukin na uli kita diyan eh!""Hindi na. Titigil na, ikaw kasi eh. Sarap mong sampalin."Umirap naman ako. "Sampalin mo!""Ng pagmamahal, yiiee. Kilig ka na naman."Napairap na lang uli ako. Pumasok na ako at hinintay siyang pumasok din."Pumasok ka na, nagugutom ako. Ipagluto mo muna ako, please?" pakiusap ko pa sa kaniya.Alam kong pagdating sa ganitong bagay ay hindi niya ako matitiis. Nagagalit pa nga siya kapag hindi ako kumakain, eh.Well, we're quite close now."Matutulog na rin ako.""Mer, please?""Bahala ka diyan. Ang dami mo sigurong alaga diyan sa tiyan mo at parang lagi kang gutom. Hindi ka naman tumataba.""Please?""Sabi ko matulog ka na," aniya sabay bahagyang tumalikod sa akin.Napabusangot naman ako. Nagugutom talaga ako, eh. Konti lang kinain ko kaninang tanghali sa DH kasi naman nagbabangayan na naman kanina sina Jin at Silang kaya nawalan ako ng gana. Ngayong gabi naman ay hindi pa ako kumakain."Honey, please?" malambing kong saad.Para namang hinila ang ulo niya papaharap sa akin."Anong sabi mo?""Please?""Psss, bahala ka diyan," pagmamatigas niya pa. Lumabas ulit ako at niyakap siya mula sa tagiliran. Inihilig ko pa ang ulo ko sa balikat niya."Honey, please?" Nakapikit pa ang isang mata ko habang pigil ang tawa.Mapapapayag din kita, wala pang tumatanggi kapag nakikiusap ako. Abnormal lang ang hindi tinatablan ng charm ko.Pumiksi naman siya ay lumayo sa akin."Ayusin mo ang pakiusap mo. Huwag mo akong idadaan sa paganyan mo," masungit niyang saad. Lumaylay naman ang balikat ko. Abnormal na tunay nga!"Eh, nakikiusap naman kasi ako ng maayos ay ayaw mo naman. Huwag na nga lang. Salamat na lang, Lovimer Guieco, ha? Itutulog ko na lang ang nararamdaman kong gutom," pangongonsensiya ko pang sabi."Psss! Fine, fine, fine! Ipagluluto na nga kita! Pasok na!"Ngumiti naman ako nang matamis."Yes! You're the best, man!" Kumindat pa ako at nag finger heart. Tumaas lang ang sulok ng kanyang labi.Pumasok na kami at dumiretso sa kusina. Naupo na lang ako habang pinagmamasdan siyang nagbubutingting ng refrigerator ko."Konti na lang ang laman ng ref mo, mag-groceries ka bukas.""Sasamahan mo ako." Hindi iyon tanong kundi pautos."Sasamahan kita kapag may time pa ako. May gig kami eh.""Okay. Wala ka bang girlfriend ngayon?" tanong ko na lang bigla. Mukhang natigilan naman siya saglit."Wala," tipid niyang sagot."Sure?""Ang kulit mo. Paano magkakaroon ng girlfriend kong alam kung bubuwisitin mo lang naman kami?"Natawa naman ako. "Hindi na mauulit pa. Puwede ka ng magkaroon ng girlfriend uli. Promise, hindi na ako lalapit sa 'yo hangga't may...""Shut up. Gutom lang 'yan, Trice.""Baka nga," tugon ko sabay hikab. Inaantok na tuloy ako.Umub-ob ako sa mesa ng maramdaman ko na ang pagod sa aking sistema."Oh di ba inaantok ka na? Matulog ka na muna, gigisingin na lang kita kapag tapos na akong magluto. Kung bakit kasi ay hindi ka kumain kanina? Ang dami namang pagkain sa DH.""I'm fine. Aantayin ko na lang. Hindi na ako makakakain kapag nakatulog na ako at ayoko ring ginigising ako.""Ayaw mo ng ginigising? Oh di sige, papatayin na lang kita."Umayos ako ng upo at tiningnan siya habang naggagayat ng carrots."Eh di patayin mo.""Oo ba, papatayin kita ng pagmamahal."Humagalpak pa siya ng tawa. Natigil lang siya nang mapagtantong seryoso pa rin akong nakatingin sa kanya habang nakapangalumbaba na."That's bad, honey. Ibaba mo 'yang mga kamay mo, ang hilig mong maggaganyan eh. Ang sabi-sabi ay buwisit sa pamumuhay daw ang ganyan. Sige ka, mamalasin ang pamumuhay natin."Natin?!Napangiwi na lang ako at sinunod siya. Ipinatong ko ang dalawang paa ko sa upuan at niyakap ang sarili kong tuhod.Bigla ay nakaramdam na naman ako nang matinding lungkot na hindi ko mawari. Naalala ko na lang bigla ang bangkay ng mga magulang ko na inuuwi sa mansiyon namin noon.Nahilot ko ang sentido ko at pinigilang maiyak. Kapag naaalala ko ang sinapit ng mga magulang ko ay bigla na lang talaga akong naiiyak."Hoy, pangit. Okay ka lang?"Hindi talaga ako naniniwalang car accident lang iyon kasi malinaw na nakita ko ang tama ng bala sa kanilang katawan. Kahit bata pa man ako noon ay alam kung may mali sa pangyayaring iyon."Trice!"Napapitlag ako dahil sa gulat. Kamuntik pa akong mahulog sa upuan, mabuti na lang at agad niya akong nahawakan."Nanggugulat ka naman," mahina kong sambit."What's wrong? Right? Left? Left, right, left right, left, left," aniya sabay kembot-kembot pa. Natawa na lang ako dahil ginawa niya iyon habang may suot na pink na apron. "Ayiiee! Napatawa ulit kita, ha? Ang dami mo ng utang sa akin.""Bilangin mo lang, walang may pakialam.""Ililista ko talaga simula ngayong araw na ito.""Araw? Gabi na kaya.""Simula sa gabing ito, problema ba 'yan? Pa kiss nga?" aniya at inginuso pa ang kanyang bibig sa akin ng nakapikit.Dinampot ko naman ang cabbage at iyon ang idinampi sa kanyang bibig. Agad na nagmulat siya ng tingin. Napahagalpak na lang ako ng tawa nang sumama ang kanyang mukha."Savage ka talagang babae ka! Para halik ay ipinagdadamot mo pa."Natawa naman ako. Ngayon lang nangyari ulit na may nagpagaan ng kalooban ko ng hindi sadya. Dati ay si Froi o Ynna lang ang nakakausap ko tuwing depress ako, eh."Thank you," saad ko pa sa kanya. Nakakunot-noo niya naman akong tiningnan."For what honey pie, baby girl, sweetie, sweetheart?"Napangiwi na lang ako dahil parang siya ang pumalit kay Kenshane sa pagiging cheesy."For... F-For m-making me l-laugh?"Gusto kong mapamura dahil nautal pa talaga ako.Ngumiti naman siya. Iyong ngiting walang halong pang-aasar o kaya ay kaplastikan. Ngiting natural.Sana lagi na lang siyang ganito para naman gwapo siya sa paningin ko."Most welcome, Trice. Alam ko naman talagang funny akong tao kaya siguro ay napapatawa kita?" patanong niya pang saad. "Hug mo muna ako," pilyo niya pang dagdag, nang-aasar na naman.Walang alinlangang tumayo ako at niyakap siya mula sa likuran. Inihilig ko ang ulo sa kanyang likuran."Thank you," mahina kong usal. Pakiramdam ko ay kailangan ko talaga siyang pasalamatan dahil kung wala siya dito ngayon ay paniguradong umiiyak na naman ako.Naramdaman ko ang haplos niya sa kamay kong nakayakap sa kanyang bewang.Bakit ganito ang nararamdaman ko tuwing kasama kita? It's like I found my own hero.Pumihit siya papaharap sa akin at tinanggal ang aking mga kamay na nakayakap sa kaniya. Nanatiling nakahawak siya sa mga kamay ko habang pinipisil-pisil pa ang mga ito."Kapag kailangan mo ng kausap, nandito lang ako, ha? Haduf man ako sa paningin mo pero seryoso ako, Trice. Nandito lang ako para sa 'yo."Hindi ko maipaliwanag ang emosiyon nararamdaman ko nang dumampi sa aking noo ang kaniyang malambot na mga labi."Thank you, Lovimer." Iyon lang ang nasambit ko at tuluyan niyang akong niyakap.Hindi ko alam kung ano ka ba sa akin pero sigurado akong kailangan kita sa mga oras na wala akong matakbuhan pa.Tahimik na pumasok ako sa DH. As usual ay halos lahat ng kababaihan dito ay ilag sa akin. Magandang bagay nga rin iyon para sa akin dahil hindi ko rin gusto na mapalapit sa kanila. Okay na ako sa isang kaibigan ngunit tunay naman at si Kenshane iyon. At si Lovimer. "Hep! Bitch, what's the password?" salubong sa akin ni Gabriella. Napanunot-noo naman ako. Sinasaltik na naman ito. Heto na naman at magsisimula na naman ng kalokohan tapos mamaya ay mapipikon. Sa bandang huli ay ako na naman ang masama. "Bitch?! Don't call her by that nickname, Silang!" bulyaw na lang bigla ni Kenshane. Halatang wala na naman ito sa mood kaya may madadamay na naman sa pagkabadtrip nito."Ayaw mong tawagin kong Bitch si Beatrice pero tinawag mo akong Silang? Ayos ka rin, 'no? Sino ba ang mas nauna mong naging kaibigan, ha?"Hindi naman nakaimik si Kenshane. Gusto kong matawa na lang.Selosa talaga ang Silang na ito. "Anong password?" asik ko sabay taas ng kilay para awating silang dalawa. Baka mamaya a
"Ako lang ang may karapatang manghalik sa 'yo. Tandaan mo 'yan, honey babe," bulong niya pa sa akin. Napakurap-kurap naman ako dahil sa sinabi niyang iyon."Kapag pinagsasalitaan kita ng masasama ay magalit ka naman. Hindi iyong parang wala lang sa 'yo, nakakapikon ka lalo. Don't be afraid to show your real emotions to me, Trice. Show your real self to me."Halos bulong na lang ang ginagawa niya dahil sa sobrang lapit pa rin ng mukha namin sa isa't-isa.Napahawak na naman ako sa braso niya nang dampian niya ng magaang halik ang labi ko. Shit! Bakit ba nanlalambot ako? Malandi naman ako ah pero bakit iba ang epekto niya sa sistema ko? Pinalandas niya ang kanyang daliri mula noo hanggang labi ko at saka pinakatitigan iyon ng mataman. "I own what I've tasted. Huwag kang magkakamaling magpahalik sa iba. Hindi mo gugustuhing makita kung paano ako magalit nang totoo, Beatrice," may halong banta niyang saad. Pakiramdam ko ay lulubog na talaga ako sa aking kinatatayuan. Nanatili siyang n
"Let's go," untag ko sa kanya nang makalabas na ako. Ayaw kong magpatalo sa kaniya sa pamamagitan ng pagtampo-tampo. Kahit na masama ang loob ko sa kaniya ay pipilitin kong harapin siya nang maayos. Titig na titig naman siya sa suot kong off-shoulder dress. Dalawang klase ng kulay ng dress lang naman ang meron ako. Puti at itim . Ngayon ay puti ang suot ko dahil umaga naman, eh."Bakit? Ayaw mo ba sa suot ko? I can change...""Don't change just because I asked you to," masungit niyang saad at saka nagpatiuna na. Napakurap-kurap pa ako bago sumunod sa kanya."Oh! May lakad ka?" usisa ni Kendra sa kanya. Nakasalubong namin ito sa gate."Yes, baby girl," nakangiti niyang sagot sa kanyang kapatid. "Kuya naman! Hindi na ako baby girl, 'no? Suntukin kita diyan eh, makita mo talaga," maktol ng isa.Tumawa naman siya 'tsaka bahagyang ginulo ang buhok ng kapatid."Matapang ka lang pero baby girl ka pa rin ng kuya. Kahit mag-asawa at magka-anak ka na, baby pa rin kita."Kahit halatang naiin
Hindi ko iyon tinanggap, sa halip pilit na ngiti lang ang iginanti ko. Sa galawan pa lang kasi nito, alam ko ng playboy ito at hindi lang basta gano'n. Magaling itong magpaikot ng mga babae. Sa galaw at pananalita pa lang ay alam ko na kung saang uri ng lalaki ito napapabilang. "Hello, Shawn," simple kong sagot. Unti-unti na lang nitong ibinaba ang kanyang kamay. Tumawa naman iyong dalawa pang kasamahan nila. "I'm Wyndelle.""Xandreik Jhon.""Sathorn here.""Have a seat, Miss," singit na naman ni Shawn. Trip talaga ako nito, ha? Papansin, eh. Sa tinagal-tagal kong naging malandi ay talagang kabisado ko na ang bawat galawan ng mga lalaki. Oh well, except pala sa pangit na nasa tabi ko ngayon. Hindi ko masisid ang pagkatao niya eh."Thank you."Tahimik na umupo naman ako sa tabi ni Lovimer. Naramdaman ko pa ang kamay niyang bahagyang pumulupot sa bewang ko mula sa likuran. Siniko ko ito. Tumawa lang siya nang mahina. Nilalandi din ba ako ng pangit na ito?May pumasok naman na baba
"Trice, bilisan mo naman! Kailangan ako ni Marci, baby ngayon!"Bakas ang excited sa tono ni Mer habang kinakaladkad ako papuntang A-hospital. "Teka, teka..." Hindi ko na halos matapos ang linya ko dahil sa pagmamadali nito. Dalawang linggo pa nga lang ang nakakaraan mula nang maikasal si Kenshane at malaman namin na buntis din ito ay ngayon naman ay si Marci naman ang manganganak. Nasakto pang gabi na ang panganganak nito."Saglit naman, haduf ka talaga! Nasasaktan ako, ha!" asik ko pero para bang wala siyang naririnig. Nakaramdam talaga ako ng pagkainis dahil sa pangangaladkad niya sa akin. Puntahan ba naman ako sa aking flat at marahas pa ang panggigising na ginawa sa akin. Nakatulog kasi ako sa sala habang nanunuod. Kung makaasta ay para namang siya ang asawa ni Del Pilar, eh hindi naman. Puwede naman din siyang pumunta nang mag-isa kaya bakit kailangan niya pa akong kaladkarin? Tulad noong nanganak si Kenya ay nandito din ang lahat ng Prime Agents para makiusyoso. Halatang
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko pagkatapos ay lumabas na ako since wala naman yatang may gustong kumausap sa akin, eh. Nag-iisa lang ang tema ko sa buhay. Sa bandang huli ay isang outcast pa rin talaga ako sa kampong ito.Buhay is life. Ang hirap maging masaya. Pagkarating ko sa kwarto ay agad na natulog na ako. Itinulog ko na lang ang lahat ng sama ng loob ko sa mundo.Kinabukasan naman ay maaga rin naman akong binulabog ni Kenshane. Ni hindi pa ako nakapag-almusal ay nasa flat ko na ito. "Trice, samahan mo naman ako sa mall.""Anong gagawin natin doon?""Shopping, duh?"Nanlumo naman ako. Hindi ako mahilig sa gano'ng trip at alam kung gano'n din siya. Ano kayang nakain nito at biglang nag-aya ng shopping?"Bakit ako pa? Iba na lang," tanggi ko at pumasok ng kusina. Sumunod naman ito sa akin. Nagtimpla ako ng kape habang nakamasid lang ito sa bawat galaw ko. "Eh ikaw ang gusto kong isama, eh. Sige na."Napakamot naman ako sa noo. "Eh? Fine. Maliligo lang ako.""Huwag ka ng
"Ay shit," pabulong kong saad nang makita kong naglalambingan sina Kenshane at Faller. Maging sina Kenya at Dailann din. Sa DH seriously? Mga haduf talaga eh. Ang aga-aga pa, eh."Itigil niyo yan!" asik ko kaya sabay na napalingon sa akin ang apat. Pinigilan kong mapangiwi. Wala naman akong minention pero halatang alam nila na sila ang pinagsasabihan ko."Yeah, just stop, bro."Kunwaring dagdag ko sabay ayos ng earphone na nakasalpak sa tenga ko. Nagkuwari na lang ako na may kausap sa phone dahil parang sumama ang mukha ni Kenya, eh. Kailan ko kaya makaka-close ang mga tao dito? Oh well, asa ka pa, Beatrice. Malaki ang atraso mo sa kanila, remember?Nailing na lang ako at naupo na. Napasandal ako at napapikit sabay hikab. Inaantok pa ako, galing ako sa misyon kagabi eh. Pangatlong solo mission ko iyon. Ang hapdi pa ng tuhod kong nagkabangas dahil nadapa ako. Paano ba naman kasi :yong adik na hinuli ko ay ang bilis tumakbo. Sa hindi ako athlete, eh. Buti na lang at hindi nila nal
"Really? Thanks, Ynna."Napahalukipkip na lang ako at tumingin sa ibang direksyon. May kakaibang emosiyon na naman akong nararamdaman pero hindi ko naman matukoy kung ano at para sa ano iyon."By the way, mauna na ako. May event kasi kami ngayon, eh.""Sa G's Mall, 'di ba?" pa-cute pang saad ng pinsan ko."Yeah, tama ka."Nagkatinginan at ngitian pa sila. Eh di wow, zsss. Kung mag-usap sila ay para bang silang dalawa lang ang tao sa mundo. Whatever again."Ano kasi... Papunta rin ako doon.""Talaga, eh di sabay na lang tayo."Mukha namang kinilig itong pinsan ko dahil sa napahigpit pa ang kapit nito sa aking braso."May sasakyan ka ba?" tanong ni Mer. "I mean, puwede kang sumabay na lang din sa akin kung wala.""Meron naman.""So, let's go? Sabay na lang tayong pumunta doon.""Okay! Cous, mauna na ako... I mean kami. Thank you at pasensiya sa abala."Tumango na lang ako at pilit na ngiti ang ibinigay sa babae. Sabay na silang umalis. Napakuyom na lang ako sa hindi ko malamang dahilan
LOVIMER GUIECO'S POV••••••••••••••••••••••••••••—————————————"We heard that you were engaged with your two months girlfriend, is that true?" tanong ni Ms. Angel sa akin. Napatingin naman ako kay Sathorn na bigla na lang natawa. Nasa isang evening show ako ngayon kasama ang lahat ng member ng Your Band. "It's true, ang bilis talaga kumilos ng Lovimer ninyo," sagot nito dahilan para magsitawanan na rin ang mga audience. "Si Lovimer ka ba?" supalpal ni Wynd dito. Mas lumakas pa ang tawanan. Napapangiti na naiiling na lang ako dahil sa kalokohan nitong si Sathorn."Is it true, Mr. Guieco?" ulit na tanong ng host. Ngumiti pa muna ako bago tumango. "Yes and we're preparing for our wedding also.""Wow! Gano'n kabilis?""Bakit? Kailangan ba mabagal?" natatawa kong saad para naman hindi iyon magmukhang sarkastiko sa lahat. Gaya ng inaasahan ay nagsitawanan lang naman din sila."Sabi ko nga. By the way, pwede ba naming makilala kung sino itong lucky woman na bumihag sa puso mo?" Napat
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga agent na busy sa kakadaldalan kahit nasa hapag-kainan. Mula sa aking kinauupuan ay tumayo ako at pumunta sa counter. Bahagya akong yumuko para silipin si Mer sa pull-out area na siyang nasa loob ng kitchen. Lumabas din siya at nilapitan ako. "Anong gusto mong kainin?" nakangiting tanong niya sa akin. Natawa naman ako dahil trying hard na naman siya sa pagpapa-cute. Kabaliktaran talaga ito ni Ashmer. Pero kahit gano'n ay hindi ko pa rin mapigilang mapangiti.He's my ideal one, tho."Stop that, it's disgusting," asik ko pa kunwari dahilan para mapabusangot siya. Ngumiti ako at niyakap siya mula sa likuran. Bahagya akong tumingkayad at bumulong. "I can eat anything, you know...""What? How wild you are, Beatrice!" pulahaw ni Kenya na hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala. Marahas ko itong nilingon. "Anong wild do'n?" nakataas-kilay kong tanong. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Mer at siya naman ang yumakap sa akin. Ipinatong niy
Pasimpleng lumapit sa akin ang isang junior agent, nakikilala ko lang ito sa mukha dahil nakikita ko rin naman ito sa camp tuwing umaga o kaya ay gabi. Isa lamang ito sa mga agent na naka-assign dito sa mall."Nasa L's Boutique ang target natin, huwag mong hahayaang makawala, I'll be here in a minute, okay?" mahigpit kong habilin dito.Tumango lamang ito at binigyan ako ng nangngangakong tingin. Isa ring tango ang ibinigay ko rito at nagmamadaling tinungo ang G's room. Ang room na tinutukoy ko ay exclusive lamang sa GC agents na nagtatrabaho rito. Doon din nakalagay ang mga gamit na pwede naming gamitin in case of emergency like this one. Sa bawat palapag ay may GC Agents' room.Hindi pa man ako tuluyang nakapasok ay may sumalubong na sa akin. Agad na ikinabit nito ang GC Listening Device na paniguradong nakakonekta na sa GC control room at binigyan din ako ng stun gun . Binigyan din nila ako ng Special Bullet. Kung ako lang ang masusunod ay hindi ko na kailangan pang tumakbo papunta
"Sa tingin mo ba hindi ka naging harsh kay Jeannie? As in never?" untag sa akin ni Gab sabay nguso sa babaeng tinutukoy na mukhang nagmumukmok sa isang tabi ng conference room. Nangongonsensiya pa ang tono ng payapang ito. May meeting kasi kami pero wala pa naman ang iba kaya malaya pa kaming nakakapagchismisan. Bahagya kong itinabingi ang aking ulo para suriin nang maayos ang mukha ng babae."Naging harsh ba ako?" balik tanong ko naman. Napailing sabay palatak naman ito. "Sinabi ko lang naman ang kung anumang nasa isipan ko ng mga oras na iyon, ha? Harsh bang maging honest?" dagdag ko pa sabay pulupot ng kamay ko sa braso nito."I know pero kasi hindi lahat ng nasa isip natin tungkol sa isang tao ay kailangan nating sabihin sa kanila. Hindi kasi talaga naging madali ang nangyari sa kanila ni Lovimer eh and to tell you honestly, what you did and said to her was like adding insult to injury, eh." Hindi naman ako nakaimik. Siguro nga ay mali ako, siguro nga ay naging harsh ako.I sho
Napabuntong-hininga na lamang ako nang mabasa ang text ni Percylla. May out of the country tour daw ito kasama ang isang pang sikat ding photographer. Just be safe, Percy. Don't be so reckless. Don't be hurt again. Isa pang singhap ang aking pinakawalan bago nagpasyang bumangon at maligo. Tinamad din akong pumunta ng DH kaya naman nagluto na lang din ako at mag-isang nag-agahan. Maya-maya pa ay narinig ko ang tunog ng aking cellphone kaya nagmadali akong pumasok ng kwarto at agad na sinagot ang tawag ni Mer."Good morning, baby," bungad niyang sabi. "Good morning, anong problema?" Hindi naman siya tatawag sa akin kung walang weirdong nangyayari sa buhay niya ngayon. Narinig ko ang singhap niya na para bang ganun na lang kabigat ang problemang dinadala. "Punta ka rito sa flat ko.""Bakit? Anong meron diyan?""Tulungan mo akong bantayan si Baby Whyinne. Haduf kasing Kenya, bakit sa akin pa pinaalagaan itong anak niya? Eh sa hindi ako marunong. Mukha ba akong baby sitter, ha? Sa
"Great job, Lovimer at Mesh," ani Xandreik. Bagaman walang emosyong makikita sa mukha nito ay bakas naman ang sensiridad sa tono ng pananalita nito. Nandito kami ngayon sa kanilang studio at kakatapos lang ng recording namin ni Mer. Kagaya ng napag-usapan ay ni-revived namin ang kantang Just Fall In Love Again para maisabay ito sa papalabas nilang album. Kagaya rin ng napagkasunduan namin ay wala na munang ibang member ng YB maliban sa kay XJ at Mer ang makakaalam na ako ay si Mesh. Feeling ko rin kasi ay hindi na ako magiging komportable pang mag-release ng kanta o libro kapag nalaman na ng lahat kung sino talaga si Mesh. Marahil, ang weirdong pakiramdam na iyon ay bunga ng pagtatago ko sa ibang katauhan sa loob ng ilang taon at hindi ko pa kayang malaman iyon ng lahat. "We're heading home now, XJ. Thank you," nakangiti kong saad sa lalaki. Tumango lamang ito at nagtapikan pa sila ni Mer ng balikat. Na
Tahimik lamang ang lahat habang naghihintay sa former Prime Agents of Guieco Clan o kung tawagin nila ay pioneers. Kasalukuyan kaming nasa conference room. Matapos ang bunyagang naganap sa pagitan naming lahat kahapon ay minabuti nina Marciella at Ashmer na ipatawag ang mga parent nila na siyang may alam sa katotohanang nasa likod ng pagkamatay ng mga magulang namin ni Percy.Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Percylla sa aking kamay nang pumasok na ang hinihintay namin. Nangunguna sina Tito Zeus at Tita Adelle samantalang nakasunod naman sa kanila sina Tito Ivan at Tita Christy. Lahat sila ay kapwa seryoso ang mga mukha. Napadaku ang tingin ko kay Marciella na wala rin namang emosyon ang mukha kagaya ng asawa nitong si Ashmer na siyang nakatayo ngayon sa unahan. Ang iba namang Prime Agents na nandidito rin ay wala ng ibang ginawa kundi ang mapalunok at magtapunan ng makahulugang tingin. Si Gab ay halatang namumutla samantalang si Lovimer naman ay mataman na nakatitig sa mga
"Oh, shit naman!" asik ko pa. Wala akong choice kundi ang magmadaling magbihis at higitin ang shoulder aking bag. Halos magkanda tisod-tisod na ako dahil sa pagmamadali. Nang mapagtanto ko na para na akong hinahabol ng mga asong gala ay bahagya akong napahinto at naging normal na ang lakad."Where are you going?" biglang pagpaimbabaw ng boses. "Ay bakla!" pulahaw ko pa dahil sa gulat. Napataas-kilay lang ang haduf na Mer na basta na lang sumulpot sa aking harapan mula sa kung saan."Sagutin mo ang tanong ko," dagdag asik niya pa. Pinigilan ko namang mapasinghap. Diyos ko naman! Sa hindi ko pwedeng sabihin. "None of your business. Padaanin mo na ako!" "Boyfriend mo ako kaya may karapatan akong tanungin ka."Napaawang naman ang aking bibig. Siya na ang may sabi na hindi ko pa siya sinasagot tapos ngayon ay feeling entitled siya bigla."Boyfriend kita?" paninigurado ko pa."Oo.""Eh, di break na tayo. Hindi mo na ako girlfriend at hindi na kita boyfriend. Ngayon ay wala ka ng karap
Tahimik lang ako habang kumakain sa DH. Mula kahapon ay hindi ako masyadong nakikipag-usap sa kahit na kanino. Laking pasalamat ko na lang at may out of town event sila Lovimer kaya hindi niya na ako masyadong nakulit. "OMG!" malakas na tili ni Jeannie.Napamura pa si Gabriella at Crystal dahil sa gulat. Maging ako ay napaangat din ng tingin. Sinundan ko ang direksyon kung saan nakatitig ang babae. Tumama sa babaeng kasalukuyang nasa may pinto ng DH ang aking paningin. Welcome back, Percy. Psss! Nagpakita ka rin dito, sa wakas. Ikaw ang pinakaduwag na taong nakilala ko sa tanang buhay ko. "P-Percy?" alangang sambit ni Marciella. Maging si Ashmer ay napatayo na rin. Kinuha ni Gab at Jin ang kambal na hawak ng mag-asawa at bahagyang lumayo sa kinatatayuan ng dalawa.Mukhang may drama pa akong mapapanuod ngayon. Iyong eksenang nagkapatawaran na ang bida at kontrabida ng isang kwento.Hindi ko nga lang matukoy kung sino ba talaga sa kanilang dalawa ang kontrabida sa buhay ng isa't-isa