"Anong gagawin mo ngayon?" usisa sa akin ni Ynna sabay siniringan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Pupunta sa fan meeting ng YB," direktang sabi ko naman. Mukhang hindi naman nito alam kung ang kaibahan ng katotohanan at isang biro lang.Napaawang pa ang bibig nito at nanghuhusga ang tingin na ibinigay sa akin."What? Where? I mean, alam nating pareho na sa ating dalawa ay ako ang avid fan ng YB, hindi ba?""Tsaka mo na tawaging avid fan ka nila kung present ka sa lahat ng show at fan meet nila," pambabara ko naman at inayos ang pagkakalugay ng damit ko."Kilala mo na ba lahat ng members ng YB?" nanghahamong tanong pa nito sa akin."Kilala ko si XJ at Lovimer.""Hindi lang sila ang members.""I don't care, Ynna. Hindi naman required na kilalanin silang lahat, eh."Napangisi pa ako at tinaasan ito ng kilay. Bago pa ako makapagsalita uli ay narinig namin pareho ang doorbell."May bisita ka ba?" usisa nito."Yes," tipid kong sabi."Sino?""Ex-crush mo," nanunudyo ko pang sabi. Inirapan pa ako ng bruha."Si Froizel?""May iba ka pa bang naging crush na nakakapasok sa lungga natin?" pambabara ko na naman. Imbes na sagutin ako ay pinagbuksan na lang nito ang isa ko pang pinsan."Hi, Froizel," nakangiti kong bati sa isa."Trice," balik ding bati nito. Sanay na kami sa kung papano kami nito batiin.Bukod sa kanilang dalawa ni Ynna ay wala na akong pinagkakatiwalaan pa. Sa lahat ay silang dalawa lang ang nakakaintindi sa pinanggagalingan ko."Maupo ka," sabi ko pa at naupo na rin sa couch. "Anong balita? Pumayag ba silang pumasok ako sa clan ninyo?" kaagad na tanong ko.Tumabi naman sa akin si Ynna. "Clan? Pumasok? Anong ibig sabihin mo, Beatrice Solomon..."Hindi ko na pinatapos pa ang lintanya nito sa pamamagitan ng pagtakip ng unan sa mukha nito. Nang tanggalin ko iyon sa kanyang mukha ay masamang tingin ang aking natanggap."Makinig ka na lang," sabi ko sa babaita. Nakangiti akong bumaling ng tingin kay Froizel. "Ano na?""I'm trying to convince Ashmer. Sana ay pumayag...""Malamang ay hindi papayag si Ashmer Guieco dahil isa kang mapanganib na tigre para kay Marciella. Nandoon si Marciella Perrer, remember?" sabat na naman ni Ynna.Hindi naman halatang ayaw ako nitong pasalihin sa Guieco Clan. Psss!Bahagya akong natawa. Naalala ko lang bigla na si Marciella ay isa lang sa naging target ko noon sa pangbu-bully. College days pa naman iyon. Yes, I was damn bully. A bitch to everyone's point of view.Doon ko lang naman nahahanap ang totoong kasiyahan pero hindi naman umaabot sa nakakasakit ako physically. Emotionally ay pwede pa.Expertise ko na rin ang magpaselos ng mga kababaihang pakipot sa mga lalaking nagugustuhan nila. Pero... hanggang harot lang naman ako sa mga lalaki.I love dogs more than men yet because of my mask, they all think that I am a bitch. It's fine with me tho. What matters to me the most is that I am still a virgin. That's my biggest flex in life. I am still pure and clean.Hindi tulad ng iba diyan na masyadong santa pero... I just don't want to give my comment about that matter. It's their life and choices, anyway.We just have to know who we really are and don't be bother by what others tell about us. We gotta just live in this world temporarily so why waste our time with nonsense things, people, and opinions?"Marciella Perrer. Ang pinakamaganda at matino kong naging biktima noon? Don't worry, I can handle her. Mabait naman iyon, hindi uubra sa kamandag ko ang Del Pilar na iyon.""Del Pilar?""Yeah, Marciella Del Pilar, nasa history 'yan, Ynna, ha? Hindi ka inform? Nag-aral ka ba talaga?"Dinutdot naman nito ang malapad kong noo. "Marcelo 'yon, Trice.""Ay? So, iniba na pala?" biro ko pa.Tumaas lang ang sulok ng labi ni Froizel at pagkuwa'y nagkibit-balikat."Nandoon din si Ashmer," panlilinaw pa nito na akala mo ay hindi ko alam ang tungkol doon."Paniguradong nandoon nga, big boss niyo iyon, eh," agarang sagot ko."Gusto mo pa rin ba ang pinsan ko?"Narinig ko naman ang pagak na tawa ni Ynna. Napakagat-labi na lang ako."Nagustuhan ko ba si Ashmer? I don't remember but maybe yes, maybe no? I don't know. Malalaman natin kapag nakita ko na siya uli," pilyo kong sabi at palihim na ngumiti nang mapait.Napabuntonghininga pa sila pareho.Tinapik-tapik pa ni Ynna ang aking balikat."Be careful with Marciella. Huwag mo ng asarin nang asarin at baka ibaon ka na talaga ng buhay ng isang iyon," dagdag paalala pa nito sa akin."Eh, how about that jerk? Mahal mo pa rin ba ang haduf na lalaking iyon?" tiim-bagang tanong ni Froizel.Sa pagkakatong ito ay ibang lalaki na ang tinutukoy nito. Ang lalaking ipinangako ko noon na una't-huli kong mamahalin."That jerk... Ah, I almost forgot about him," pagsisinungaling ko pa at tumawa. "Oh, well. I don't know, and I don't care about him anymore," dagdag ko pa habang pilit na iwinawaglit ang panyayari noon na siyang dahilan kung bakit ako ganito sa ngayon."Bakit hindi mo subukang magmahal uli, Trice?"Mapait naman akong natawa dahil sa sinabing iyon ni Ynna.Falling in love again is kinda a joke to me. Hindi na ako magmamahal uli. Sapat na sa akin iyon may nasisira akong araw at mood."How can I love someone again if this heart of mine doesn't even know the word and feeling itself, Ynna?""Trice, you should try...""Hindi bale na lang..." Hindi ko naituloy ang aking sasabihin nang tumunog ang cellphone ni Froizel. Kaagad naman nitong binasa ang text."A text from Guieco Clan.""Anong sabi?" excited kong tanong. Maging si Ynna ay hinihintay din ang magiging sagot ni Froizel."Pumayag na silang isama ka...""Yes!" masiglang usal ko. "See? Hindi nila kayang tanggihan ang kagandahan ko," sabi ko pa kay Ynna."Hindi ka rin talaga mayabang 'no? Siguraduhin mo lang na magagamit mo iyan doon. Huwag kang magpapaapi.""Ako pa ba? Aapihin nila? Tsk. Kilala mo ako, Ynna. I can handle myself. Anyway, kailan tayo pupunta doon, Froi?""Bukas.""Yes! I'm so excited!""Kasi paglalaruan mo na naman ang mga tao doon?" sabat na naman ng bruha sabay palatak."Ynna naman, ang sama ng iniisip mo, ah?""Eh, bakit ka excited?""Eh, kasi... Makikita ko na uli si Ashmer!" alibi ko na lang.Ano kayang ginawa ni Lovimer para mapapayag si Ashmer, ha? Paniguradong may kontribusiyon siya sa desisyon ng boss nila."Psss, see? Hindi mo pa gusto si Ashmer sa lagay na 'yan, 'di ba?"Napairap na lang ako. Dapat pala ay hindi ko na sinabi sa kanya."Fine. Sigurado akong maraming love team doon," nakangisi kong sambit."Just be careful, Trice. Hindi basta-bastang mga tao ang nandodoon.""I know, and that is what makes everything more exciting, Ynna "Napailing na lang ito. Pumasok na ako ng kwarto at nag-ayos ng gamit. Magiging agent na rin ako sa wakas.Tiyak makakatulong ito para magkaroon ng bagong panlasa ang mga kwentong nakaimbak sa imahinasyon ko.Napatingin ako sa mga librong nasa cabinet glass. Ang iba ay libro ng mga favorite writer ko at isa na doon si Miss AA na talaga namang hinahangaan ng lahat. Ang iba naman ay gawa ko mismo.Yes, bukod sa pagiging creator ng Spectrum of Truth show at pagiging bully ay manunulat din ako.Nagtatago nga lang ako sa katauhan ni MESH. Iyon ang naging pen name ko. It simply mean that two different things fit or work together successfully. Everytime I finish writing a book, it's like my sorrow and positivity in life mesh well.Just like Miss AA before, nagtatago rin ako kasi ayoko ng public exposure. Kontento na ako na may nagmamahal ng mga gawa ko kahit hindi nila ako nakikita personally. Baka kasi kapag nakita nila ako ay ako ang mahalin nila at hindi ang mga gawa ko.Haduf din sa kayabangan tayo, Trice 'no?Iilang sikat na manunulat pa lang ang na meet ko in person, mabibilang lang sa mga daliri at isa nga doon ay ang pinakapaborito kong si Miss AA.Napasinghap na lang ako. I need a break, tsaka na lang ulit ako magsusulat. Magpopokus na muna ako sa bagong mundo na papasukin ko, ang mundo ng mga agent.Buong maghapon ay nakatunganga lang ako. Gusto ko lang mairelax ang katawan at isipan ko.Kinabukasan nga ay pumunta na kami GC camp. Unang bumungad sa aking paningin ay si Lovimer na talagang sinundo pa kami sa gate."Hi, Froizel and Aciekel" bati niya pa sa mga pinsan ko na pinsan niya rin naman.So, mutual cousins namin ang dalawa?"Hello, Lovimer. It's good to see you again," sabi pa ni Acie. Nagkamayan pa silang dalawa."Hello, Lovimer. This is my cousin, Beatrice Solomon. Trice, this is Lovimer Guieco, my cousin as well," pormal na pakilala pa sa akin ni Froi. Hindi ko nabanggit na nagkita kami sa isang coffee shop last week, eh."Oh, hi!" sabay pa naming bati sa isa't-isa.Nauna nang konti si Froizel kaya sinabayan niya ako sa paglalakad."Let's pretend that we didn't meet each other last week, huh?" aniya pa, halos pabulong lang naman."Why? Have we meet last week? I doubt it," tugon ko naman. Narinig ko pa ang kaniyang tawa."Great behavior. Magkakasundo tayo kapag ganyan ka."Direkta kaming conference room at agad na bumungad sa paningin ko ang mga hayop sa ganda at gwapong agents.Tila ba naiilang ako sa mga titig nila, na kahit hindi sila magsalita ay alam kong isinusumpa at hinuhusgahan na nila ako.Okay lang yan, Trice. Hindi ka pa ba nasanay?"Oh my God Ashmer, I really missed you! It's been years na hindi tayo nagkita. Mas lalo ka pang naging handsome, ha?"Sinabi ko iyon ng patili at may halong natural na landi sa aking pagsasalita para iwaglit ang pagkailang at tensiyon na nararamdaman ko sa loob ng silid.Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko na si Marciella na seryoso lang. Mas lalo akong na excite. Bago nagsimula ang meeting ay nagkaroon pa muna kami ng konting bangayan.I called her bitch first. Mas mabuti na iyong maunahan ko siya 'no? Hindi ko rin alam at bakit iyon ang salitang madalas kong masambit. Language expression ko na rin siguro.Sa konting oras ay nakabisa ko ang bawat kilos at pananalita nila. Magaling din ako sa pagkakabisa ng mga pangalan kaya lahat ng Prime Agents na tinatawag nila ay kilala ko na agad.GC boys are quite handsome and hot. From Ashmer, Faller, Jinro, ang dalawa kong pinsan na sina Froizel at Aciekel.Pero itong Lovimer Guieco ang agaw atensiyon, eh. Masyadong madaldal pala kapag close niya ang kaniyang kaharap at kahit hindi naman nakakatawa ay tinatawanan niya.I hate his guts!Siya lang din ang pangit sa lahat ng lalaki sa camp ng ito. Hindi ko makita ang dahilan kung bakit napasama siya sa YB Band. Ayon pa sa research ko ay siya ang most biased sa YB. Baka dahil bagong mukha siya ng banda. Ewan. Bakit ko nga pinagtuonan ng pansin ang haduf na iyon?Bukod kay Ashmer ay napagtripan ko rin sina Faller at Jinro. Natatawa na lang ako ng palihim dahil sa reaction nina Kenshane at Gabriella. Kahit naman hindi ko alam kung anong meron sa kanila ay ramdam ko na nagseselos talaga sila sa akin. Para silang naglalaro ng patintero, eh."Hey, ready na ang Flat mo," untag sa akin ni Lovimer. Kasalukuyan kasi akong nakatambay sa benches ng open field dito."Thanks," tipid kong sagot. Naubos na ang energy kong makipaglokohan sa mga tao rito. Nakaka-drain pala talaga sila ng energy. Sobrang tagal na rin na nakikipagkasalamuha ako sa maraming tao."Bakit mo tinanaggap ang hamon ni Marciella sa 'yo?" usisa pa ng lalaki sabay upo sa tabi ko. Naalala ko ngang may proposal sa akin si Marciella. Kapag natalo ko siya ay magiging official Prime Agent ako pero kapag hindi ay aalis ako rito.Wala namang mawawala kung susubukan ko at isa pa ay hindi ko naalalang kinumpirma ko ang tungkol doon. Inilihis ko lang ang usapan."Nandito ako para hamonin ang lahat ng tao rito," sabi ko pa sabay tawa. "Bakit? Akala mo ba ay hindi ko makakaya si Marciella?""She's our Prime Leader.""And?" usisa ko pa. "Leader doesn't mean you're the most powerful person in terms of strength.""Yeah but...""Puwede mo na ba akong samahan sa Flat ko?" iba ko na lang sa usapan at tumayo na."Okay. Follow me. Simula ngayon ay ito na ang magiging tirahan mo rito sa camp.""Hindi mo na kailangang ipaliwanag pa ang bagay na iyan sa akin.""Ang attitude mo talaga.""Born this way," pambabara ka naman."Kaya ka inaaway ng lahat dito.""Pakihanap ng pakialam ko, Lovimer."Dahil nauuna siya na g konti sa akin ay nasaksihan ko kung paano siya nailing na lang.Naging mahaba ang araw na iyon para sa akin kaya naman kinagabihan ay ginusto kong makapag-relax. Hindi na rin muna ako nakigulo sa mga agent dahil naubos talaga ang energy ko.Lumabas ako ng camp para maglakad-lakad muna. Mamaya na lang ako kakain. Napadaan ako sa harap ng GC Mall at marami pa rin talaga ang tao.Kahit naman maharot at sosyalera ang pagkakakilala ng lahat sa akin ay ayoko talaga sa crowded na lugar. Mabilis akong ma-suffocate. Bawal akong mapagod nang husto dahil agad na kinakapos ako ng hininga. Siguro ay dahil na rin sa asthma ko. Taong bahay lang din talaga ako. Hindi ako party girl tulad ng inaakala ng iba.Well, lahat ng akala nila sa akin ay alam ko sa sarili ko na hindi totoo ang mga iyon. Kung meron mang mas nakakakilala sa sarili ko ay ako lang din mismo. And I love myself, kahit bali-baliktarin ang mundo ay palagi kong pipiliin ang katauhan ko, ang klase ng buhay ko. Gano'n ko kamahal ang sarili ko. Sa ngayon kasi, sarili ko na lang talaga ang kaya kong mahalin.Napalingon ako sa bandang likuran ko nang may narinig akong nagtitili. Nakita ako ang grupo ng mga babaeng tumatakbo dahil hinahabol ang lalaking naka-cap. Sa kasamaang palad ay papunta pa sila sa gawi ko. Bahagya pa akong natigilan. Hindi alam kung anong nangyayari at kung anong gagawin ko.Mas nagulat pa ako nang basta na lang ako kinaladkad ng lalaking hinahabol ng grupo. Wala akong ibang nagawa kundi ang makitakbo na lang din dahil kung hindi ay ako ang madudumog ng mga babaeng kung makatili ay parang nakalunok ng speaker sa sobrang lakas.Hingal na hingal ako nang sa wakas ay nakakubli kami sa isang parke. Mukhang tuluyan naming nailigaw ang naghahabol sa lalaking kasama ko ngayon. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa sobrang bilis ng tibok ng aking puso dahilan para mahirapan akong huminga."Hey, hey, ayos ka lang ba? Upo ka muna dito?"Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa aking ulo nang makilala ang boses na iyon. Minabuti ko na munang manahimik at naupo sa bench na nasa likuran lang naman namin.Mabuti na lang talaga at nakatulong ang mayayabong na halaman para maging mahangin ang lugar. Madaling bumalik sa normal ang hininga ko. Buti at hindi ako tuluyang inatake ng asthma ko."Pagkatapos mo akong kaladkarin ay magtatanong ka kung ayos lang ako? Haduf kang Lovimer ka!" asik ko sa kanya.Napanganga naman siya pagkuwa'y napakurap-kurap."Kilala mo ako? Paano?" nang-aasar niya pang tanong. Napapikit na lang ako at kinalma ang aking sarili. Baka matuluyan ako dahil sa pangbubuwisit ng isang ito sa akin."Isa ka ba sa mga fangirl ko? Oh my god! Mukhang mali pa yata ang nailigtas ko laban sa mga die hard fan ko rin. Miss, huwag mo akong pagsasamantalahan, ha? Lahat ay ibibigay ko sa 'yo pati mundo ko, yiiee, enebe."Napakuyom ako habang nakapikit pa rin. Sa tanang buhay ko ay ako lagi ang kinaiinisan pero ngayon ay para bang sobra talaga ang pagkainis na nararamdaman ko sa lalaking ito."Pero hindi ko na pala ibibigay ang mundo ko sa 'yo. Ang pangit mo, eh. Ayoko sa mga pangit kaya sorry. Hanggang tingin ka na lang muna, ha?"Masama ang tingin na siniringan ko siya. Ngumisi lang ito. Unti-unti akong ngumiti sa kanya, iyong ngiting never kong ginagamit sa panlalandi ko, ngiting palaging nakakubli sa malandi kong pagkatao.Nakita kong napalunok ko pa siya. Pinakatitigan ko siya nang mabuti."Ngayon ko lang napansin," saad ko at mas inilapit pa ang mukha ko sa mukha niya. Napapaurong naman siya."A-Ang alin?" utal niyang tanong. Gusto kong matawa pero pinigilan ko lang.Ipinungay ko pa ang mga mata ko. Alam kong mas gumaganda ako kapag lumalabas ang natural na tamis ng ngiti at pungay ng mga mata ko.Pangit pala, ha. Kaya pala napapatulala ka sa ganda ko."Na..."Nakita ko na naman siyang napalunok."Na sa lahat ng Guieco..."Pinigilan ko na namang matawa dahil konti na lang ay malalaglag na siya sa upuan. Hindi niya man lang maialis ang paningin niya sa akin. Ipinatong ko pa ang aking kamay sa balikat niya at ipinagpantay ang bibig ko sa kaniyang tainga."Ikaw lang din ang pangit," bulong ko pa sa kanya.Napahagalpak ako ng tawa nang tuluyan siyang nalaglag sa upuan. Tumatawang tumayo ako."You're weak, Lovimer Guieco," pang-aasar ko pang sabi.Ngali-ngali namang tumayo siya at maarteng nagpagpag ng damit."Anong weak?! Sparring pa tayo ngayon, eh.""Bakit ka nga pala hinabol ng mga teenager na 'yon?" iba ko sa usapan namin. Hinila ko siya pabalik sa upuan at ipinatong sa kanyang balikat ang aking siko at pinakatitigan siya."W-What are you doing?""Staring at you, obviously," sagot ko naman. Naging matunog pa ang kaniyang paglunok. "Relax. Hindi naman kita jojowain, uhm, gusto lang kitang maging kaibigan. Let's be friends," sabi ko pa. Mas okay na magkaroon ng kaibigang lalaki kaysa sa babae."Kaibigan? Ayaw kong maging kaibigan ka," direktang sabi niya pa. Napataas-kilay naman ako."Bakit? Loyal ako sa mga nagiging kaibigan ko, ha? Sila lang ang hindi loyal sa akin."Namayani ang nakakabinging katahimikan sa pagitan namin. Napasinghap na lang ako at bumuntonghininga."Good night pangit ng dekada. Bulag lang ang magiging die hard fan mo. Hindi ako bulag kaya sorry, hindi mo magiging alipin ang diyosang ito," saad ko na lang at tumayo na at naglakad papaalis."Good night diyosa ng mga pangit! Sana mapanaginipan mo ako! Magiging maganda ang gising mo bukas kapag nangyari iyon!" aniya sabay tawa na naman.Hindi ko na lang pinansin pa dahil nang-aasar lang naman siya. Okay na ako doon sa nalaglag siya sa upuan dahil sa ngiti ko."And oh I just fall in love again" pasigaw niya pang kanta.Maganda din talaga ang boses niya. Sabagay, member ng YB, eh.Natatawa na naiiling na lang ako lalo na kapag naaalala ko ang mukha niyang nakatulala sa akin. Hanggang sa makapasok ako sa camp ay hindi pa rin mabura sa kukuti ko ang eksena namin. Para akong tangang natatawa pa rin.Tahimik na pumasok ako sa flat at pasalampak na naupo sa sofa. Muli na naman akong natawa. Natigil lang ako nang may mapagtanto ako. Bigla ay kinilabutan ako. Mula nong nadurog ang puso ko at tuluyang naging bato ay ngayon ko lang din ulit iyon nagawa.Ngumiti at tumawa ako nang natural sa harap ng isang lalaki? Paano nangyari iyon at bakit?...Vote. Comment. Follow."Lovimer Guieco! Nandito ka lang palang haduf ka!" malakas kong sabi. Halatang nagulat pa siya sa biglaang pagsulpot ko. Masyadong halata na iniiwasan niya ako. "Bakit nandito ka?" asik niya naman sa akin na para bang may kasalanan akong nagawa samantalang siya nga itong malaking atraso sa akin. Tinaasan ko nga ng kilay. "Baka dahil may paa ako para makapunta dito?" sarkastikong sagot ko naman. "Hindi mo ba narinig? Bawal na nga raw kitang lapitan sabi ng pinsan mong over acting! Huwag mo na nga rin akong lalapitan!" nakanguso pang saad ng lalaking nuknukan ng kadramahan sa katawan. Napagalitan na naman siguro siya ni Froizel. Deserve niya naman, eh. "Pinsan mo? Parang hindi mo naman din pinsan si Froizel, ha?" bwelta ko naman. Kanina ko pa nga rin siya hinahanap sa camp pero hindi ko matagpuan. Nandito lang pala siya dito sa park at prenteng nakaupo sa bench. Hinablot ko naman ang earphones niya para mas magkarinigan kami. "Ouch. H-Huwag mo akong yugyogin at mahihimatay na tala
"Mer! Ano ba?!" naiinis kong tawag sa kanya. Talagang hindi man lang ako hinintay. "Isa!" dagdag ko pa.Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. May nadaanan akong sweet couple. Napansin ko kung paano ako suyurin ng tingin ng lalaki. Gusto ko itong samaan ng tingin pero sa halip ay tumigil ako sa harap nila at ngumiti. "Hi, what's your name? Ang gwapo mo naman po," puri ko sa lalaki sabay kindat. Nanilim naman ang mukha ng babae.Kinagat ko pa ang lower lip ko. Nilandi ko ito sa harap ng girlfriend niya. He must taste his own medicine. Masyado pa silang sweet, ibig sabihin ay bago pa lang sila. Makakapag-move on ang babae at makakahanap ng mas better at mas loyal. "I'm Jhon," pakilala din nito na may kislap sa mga mata. Haduf talaga ang mga lalaki. Konting landi lang ng mga magagandang babae ay pumapatol agad. Kawawa naman itong kasama siyang babaeng madilim na ang mukha habang nakatingin sa akin.Bakit parang kasalanan ko lang? Bakit hindi niya muna i-interpret ang behavior ng jowa niy
Tahimik na pumasok ako sa DH. As usual ay halos lahat ng kababaihan dito ay ilag sa akin. Magandang bagay nga rin iyon para sa akin dahil hindi ko rin gusto na mapalapit sa kanila. Okay na ako sa isang kaibigan ngunit tunay naman at si Kenshane iyon. At si Lovimer. "Hep! Bitch, what's the password?" salubong sa akin ni Gabriella. Napanunot-noo naman ako. Sinasaltik na naman ito. Heto na naman at magsisimula na naman ng kalokohan tapos mamaya ay mapipikon. Sa bandang huli ay ako na naman ang masama. "Bitch?! Don't call her by that nickname, Silang!" bulyaw na lang bigla ni Kenshane. Halatang wala na naman ito sa mood kaya may madadamay na naman sa pagkabadtrip nito."Ayaw mong tawagin kong Bitch si Beatrice pero tinawag mo akong Silang? Ayos ka rin, 'no? Sino ba ang mas nauna mong naging kaibigan, ha?"Hindi naman nakaimik si Kenshane. Gusto kong matawa na lang.Selosa talaga ang Silang na ito. "Anong password?" asik ko sabay taas ng kilay para awating silang dalawa. Baka mamaya a
"Ako lang ang may karapatang manghalik sa 'yo. Tandaan mo 'yan, honey babe," bulong niya pa sa akin. Napakurap-kurap naman ako dahil sa sinabi niyang iyon."Kapag pinagsasalitaan kita ng masasama ay magalit ka naman. Hindi iyong parang wala lang sa 'yo, nakakapikon ka lalo. Don't be afraid to show your real emotions to me, Trice. Show your real self to me."Halos bulong na lang ang ginagawa niya dahil sa sobrang lapit pa rin ng mukha namin sa isa't-isa.Napahawak na naman ako sa braso niya nang dampian niya ng magaang halik ang labi ko. Shit! Bakit ba nanlalambot ako? Malandi naman ako ah pero bakit iba ang epekto niya sa sistema ko? Pinalandas niya ang kanyang daliri mula noo hanggang labi ko at saka pinakatitigan iyon ng mataman. "I own what I've tasted. Huwag kang magkakamaling magpahalik sa iba. Hindi mo gugustuhing makita kung paano ako magalit nang totoo, Beatrice," may halong banta niyang saad. Pakiramdam ko ay lulubog na talaga ako sa aking kinatatayuan. Nanatili siyang n
"Let's go," untag ko sa kanya nang makalabas na ako. Ayaw kong magpatalo sa kaniya sa pamamagitan ng pagtampo-tampo. Kahit na masama ang loob ko sa kaniya ay pipilitin kong harapin siya nang maayos. Titig na titig naman siya sa suot kong off-shoulder dress. Dalawang klase ng kulay ng dress lang naman ang meron ako. Puti at itim . Ngayon ay puti ang suot ko dahil umaga naman, eh."Bakit? Ayaw mo ba sa suot ko? I can change...""Don't change just because I asked you to," masungit niyang saad at saka nagpatiuna na. Napakurap-kurap pa ako bago sumunod sa kanya."Oh! May lakad ka?" usisa ni Kendra sa kanya. Nakasalubong namin ito sa gate."Yes, baby girl," nakangiti niyang sagot sa kanyang kapatid. "Kuya naman! Hindi na ako baby girl, 'no? Suntukin kita diyan eh, makita mo talaga," maktol ng isa.Tumawa naman siya 'tsaka bahagyang ginulo ang buhok ng kapatid."Matapang ka lang pero baby girl ka pa rin ng kuya. Kahit mag-asawa at magka-anak ka na, baby pa rin kita."Kahit halatang naiin
Hindi ko iyon tinanggap, sa halip pilit na ngiti lang ang iginanti ko. Sa galawan pa lang kasi nito, alam ko ng playboy ito at hindi lang basta gano'n. Magaling itong magpaikot ng mga babae. Sa galaw at pananalita pa lang ay alam ko na kung saang uri ng lalaki ito napapabilang. "Hello, Shawn," simple kong sagot. Unti-unti na lang nitong ibinaba ang kanyang kamay. Tumawa naman iyong dalawa pang kasamahan nila. "I'm Wyndelle.""Xandreik Jhon.""Sathorn here.""Have a seat, Miss," singit na naman ni Shawn. Trip talaga ako nito, ha? Papansin, eh. Sa tinagal-tagal kong naging malandi ay talagang kabisado ko na ang bawat galawan ng mga lalaki. Oh well, except pala sa pangit na nasa tabi ko ngayon. Hindi ko masisid ang pagkatao niya eh."Thank you."Tahimik na umupo naman ako sa tabi ni Lovimer. Naramdaman ko pa ang kamay niyang bahagyang pumulupot sa bewang ko mula sa likuran. Siniko ko ito. Tumawa lang siya nang mahina. Nilalandi din ba ako ng pangit na ito?May pumasok naman na baba
"Trice, bilisan mo naman! Kailangan ako ni Marci, baby ngayon!"Bakas ang excited sa tono ni Mer habang kinakaladkad ako papuntang A-hospital. "Teka, teka..." Hindi ko na halos matapos ang linya ko dahil sa pagmamadali nito. Dalawang linggo pa nga lang ang nakakaraan mula nang maikasal si Kenshane at malaman namin na buntis din ito ay ngayon naman ay si Marci naman ang manganganak. Nasakto pang gabi na ang panganganak nito."Saglit naman, haduf ka talaga! Nasasaktan ako, ha!" asik ko pero para bang wala siyang naririnig. Nakaramdam talaga ako ng pagkainis dahil sa pangangaladkad niya sa akin. Puntahan ba naman ako sa aking flat at marahas pa ang panggigising na ginawa sa akin. Nakatulog kasi ako sa sala habang nanunuod. Kung makaasta ay para namang siya ang asawa ni Del Pilar, eh hindi naman. Puwede naman din siyang pumunta nang mag-isa kaya bakit kailangan niya pa akong kaladkarin? Tulad noong nanganak si Kenya ay nandito din ang lahat ng Prime Agents para makiusyoso. Halatang
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko pagkatapos ay lumabas na ako since wala naman yatang may gustong kumausap sa akin, eh. Nag-iisa lang ang tema ko sa buhay. Sa bandang huli ay isang outcast pa rin talaga ako sa kampong ito.Buhay is life. Ang hirap maging masaya. Pagkarating ko sa kwarto ay agad na natulog na ako. Itinulog ko na lang ang lahat ng sama ng loob ko sa mundo.Kinabukasan naman ay maaga rin naman akong binulabog ni Kenshane. Ni hindi pa ako nakapag-almusal ay nasa flat ko na ito. "Trice, samahan mo naman ako sa mall.""Anong gagawin natin doon?""Shopping, duh?"Nanlumo naman ako. Hindi ako mahilig sa gano'ng trip at alam kung gano'n din siya. Ano kayang nakain nito at biglang nag-aya ng shopping?"Bakit ako pa? Iba na lang," tanggi ko at pumasok ng kusina. Sumunod naman ito sa akin. Nagtimpla ako ng kape habang nakamasid lang ito sa bawat galaw ko. "Eh ikaw ang gusto kong isama, eh. Sige na."Napakamot naman ako sa noo. "Eh? Fine. Maliligo lang ako.""Huwag ka ng
LOVIMER GUIECO'S POV••••••••••••••••••••••••••••—————————————"We heard that you were engaged with your two months girlfriend, is that true?" tanong ni Ms. Angel sa akin. Napatingin naman ako kay Sathorn na bigla na lang natawa. Nasa isang evening show ako ngayon kasama ang lahat ng member ng Your Band. "It's true, ang bilis talaga kumilos ng Lovimer ninyo," sagot nito dahilan para magsitawanan na rin ang mga audience. "Si Lovimer ka ba?" supalpal ni Wynd dito. Mas lumakas pa ang tawanan. Napapangiti na naiiling na lang ako dahil sa kalokohan nitong si Sathorn."Is it true, Mr. Guieco?" ulit na tanong ng host. Ngumiti pa muna ako bago tumango. "Yes and we're preparing for our wedding also.""Wow! Gano'n kabilis?""Bakit? Kailangan ba mabagal?" natatawa kong saad para naman hindi iyon magmukhang sarkastiko sa lahat. Gaya ng inaasahan ay nagsitawanan lang naman din sila."Sabi ko nga. By the way, pwede ba naming makilala kung sino itong lucky woman na bumihag sa puso mo?" Napat
Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga agent na busy sa kakadaldalan kahit nasa hapag-kainan. Mula sa aking kinauupuan ay tumayo ako at pumunta sa counter. Bahagya akong yumuko para silipin si Mer sa pull-out area na siyang nasa loob ng kitchen. Lumabas din siya at nilapitan ako. "Anong gusto mong kainin?" nakangiting tanong niya sa akin. Natawa naman ako dahil trying hard na naman siya sa pagpapa-cute. Kabaliktaran talaga ito ni Ashmer. Pero kahit gano'n ay hindi ko pa rin mapigilang mapangiti.He's my ideal one, tho."Stop that, it's disgusting," asik ko pa kunwari dahilan para mapabusangot siya. Ngumiti ako at niyakap siya mula sa likuran. Bahagya akong tumingkayad at bumulong. "I can eat anything, you know...""What? How wild you are, Beatrice!" pulahaw ni Kenya na hindi ko man lang namalayan na nasa tabi ko na pala. Marahas ko itong nilingon. "Anong wild do'n?" nakataas-kilay kong tanong. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Mer at siya naman ang yumakap sa akin. Ipinatong niy
Pasimpleng lumapit sa akin ang isang junior agent, nakikilala ko lang ito sa mukha dahil nakikita ko rin naman ito sa camp tuwing umaga o kaya ay gabi. Isa lamang ito sa mga agent na naka-assign dito sa mall."Nasa L's Boutique ang target natin, huwag mong hahayaang makawala, I'll be here in a minute, okay?" mahigpit kong habilin dito.Tumango lamang ito at binigyan ako ng nangngangakong tingin. Isa ring tango ang ibinigay ko rito at nagmamadaling tinungo ang G's room. Ang room na tinutukoy ko ay exclusive lamang sa GC agents na nagtatrabaho rito. Doon din nakalagay ang mga gamit na pwede naming gamitin in case of emergency like this one. Sa bawat palapag ay may GC Agents' room.Hindi pa man ako tuluyang nakapasok ay may sumalubong na sa akin. Agad na ikinabit nito ang GC Listening Device na paniguradong nakakonekta na sa GC control room at binigyan din ako ng stun gun . Binigyan din nila ako ng Special Bullet. Kung ako lang ang masusunod ay hindi ko na kailangan pang tumakbo papunta
"Sa tingin mo ba hindi ka naging harsh kay Jeannie? As in never?" untag sa akin ni Gab sabay nguso sa babaeng tinutukoy na mukhang nagmumukmok sa isang tabi ng conference room. Nangongonsensiya pa ang tono ng payapang ito. May meeting kasi kami pero wala pa naman ang iba kaya malaya pa kaming nakakapagchismisan. Bahagya kong itinabingi ang aking ulo para suriin nang maayos ang mukha ng babae."Naging harsh ba ako?" balik tanong ko naman. Napailing sabay palatak naman ito. "Sinabi ko lang naman ang kung anumang nasa isipan ko ng mga oras na iyon, ha? Harsh bang maging honest?" dagdag ko pa sabay pulupot ng kamay ko sa braso nito."I know pero kasi hindi lahat ng nasa isip natin tungkol sa isang tao ay kailangan nating sabihin sa kanila. Hindi kasi talaga naging madali ang nangyari sa kanila ni Lovimer eh and to tell you honestly, what you did and said to her was like adding insult to injury, eh." Hindi naman ako nakaimik. Siguro nga ay mali ako, siguro nga ay naging harsh ako.I sho
Napabuntong-hininga na lamang ako nang mabasa ang text ni Percylla. May out of the country tour daw ito kasama ang isang pang sikat ding photographer. Just be safe, Percy. Don't be so reckless. Don't be hurt again. Isa pang singhap ang aking pinakawalan bago nagpasyang bumangon at maligo. Tinamad din akong pumunta ng DH kaya naman nagluto na lang din ako at mag-isang nag-agahan. Maya-maya pa ay narinig ko ang tunog ng aking cellphone kaya nagmadali akong pumasok ng kwarto at agad na sinagot ang tawag ni Mer."Good morning, baby," bungad niyang sabi. "Good morning, anong problema?" Hindi naman siya tatawag sa akin kung walang weirdong nangyayari sa buhay niya ngayon. Narinig ko ang singhap niya na para bang ganun na lang kabigat ang problemang dinadala. "Punta ka rito sa flat ko.""Bakit? Anong meron diyan?""Tulungan mo akong bantayan si Baby Whyinne. Haduf kasing Kenya, bakit sa akin pa pinaalagaan itong anak niya? Eh sa hindi ako marunong. Mukha ba akong baby sitter, ha? Sa
"Great job, Lovimer at Mesh," ani Xandreik. Bagaman walang emosyong makikita sa mukha nito ay bakas naman ang sensiridad sa tono ng pananalita nito. Nandito kami ngayon sa kanilang studio at kakatapos lang ng recording namin ni Mer. Kagaya ng napag-usapan ay ni-revived namin ang kantang Just Fall In Love Again para maisabay ito sa papalabas nilang album. Kagaya rin ng napagkasunduan namin ay wala na munang ibang member ng YB maliban sa kay XJ at Mer ang makakaalam na ako ay si Mesh. Feeling ko rin kasi ay hindi na ako magiging komportable pang mag-release ng kanta o libro kapag nalaman na ng lahat kung sino talaga si Mesh. Marahil, ang weirdong pakiramdam na iyon ay bunga ng pagtatago ko sa ibang katauhan sa loob ng ilang taon at hindi ko pa kayang malaman iyon ng lahat. "We're heading home now, XJ. Thank you," nakangiti kong saad sa lalaki. Tumango lamang ito at nagtapikan pa sila ni Mer ng balikat. Na
Tahimik lamang ang lahat habang naghihintay sa former Prime Agents of Guieco Clan o kung tawagin nila ay pioneers. Kasalukuyan kaming nasa conference room. Matapos ang bunyagang naganap sa pagitan naming lahat kahapon ay minabuti nina Marciella at Ashmer na ipatawag ang mga parent nila na siyang may alam sa katotohanang nasa likod ng pagkamatay ng mga magulang namin ni Percy.Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Percylla sa aking kamay nang pumasok na ang hinihintay namin. Nangunguna sina Tito Zeus at Tita Adelle samantalang nakasunod naman sa kanila sina Tito Ivan at Tita Christy. Lahat sila ay kapwa seryoso ang mga mukha. Napadaku ang tingin ko kay Marciella na wala rin namang emosyon ang mukha kagaya ng asawa nitong si Ashmer na siyang nakatayo ngayon sa unahan. Ang iba namang Prime Agents na nandidito rin ay wala ng ibang ginawa kundi ang mapalunok at magtapunan ng makahulugang tingin. Si Gab ay halatang namumutla samantalang si Lovimer naman ay mataman na nakatitig sa mga
"Oh, shit naman!" asik ko pa. Wala akong choice kundi ang magmadaling magbihis at higitin ang shoulder aking bag. Halos magkanda tisod-tisod na ako dahil sa pagmamadali. Nang mapagtanto ko na para na akong hinahabol ng mga asong gala ay bahagya akong napahinto at naging normal na ang lakad."Where are you going?" biglang pagpaimbabaw ng boses. "Ay bakla!" pulahaw ko pa dahil sa gulat. Napataas-kilay lang ang haduf na Mer na basta na lang sumulpot sa aking harapan mula sa kung saan."Sagutin mo ang tanong ko," dagdag asik niya pa. Pinigilan ko namang mapasinghap. Diyos ko naman! Sa hindi ko pwedeng sabihin. "None of your business. Padaanin mo na ako!" "Boyfriend mo ako kaya may karapatan akong tanungin ka."Napaawang naman ang aking bibig. Siya na ang may sabi na hindi ko pa siya sinasagot tapos ngayon ay feeling entitled siya bigla."Boyfriend kita?" paninigurado ko pa."Oo.""Eh, di break na tayo. Hindi mo na ako girlfriend at hindi na kita boyfriend. Ngayon ay wala ka ng karap
Tahimik lang ako habang kumakain sa DH. Mula kahapon ay hindi ako masyadong nakikipag-usap sa kahit na kanino. Laking pasalamat ko na lang at may out of town event sila Lovimer kaya hindi niya na ako masyadong nakulit. "OMG!" malakas na tili ni Jeannie.Napamura pa si Gabriella at Crystal dahil sa gulat. Maging ako ay napaangat din ng tingin. Sinundan ko ang direksyon kung saan nakatitig ang babae. Tumama sa babaeng kasalukuyang nasa may pinto ng DH ang aking paningin. Welcome back, Percy. Psss! Nagpakita ka rin dito, sa wakas. Ikaw ang pinakaduwag na taong nakilala ko sa tanang buhay ko. "P-Percy?" alangang sambit ni Marciella. Maging si Ashmer ay napatayo na rin. Kinuha ni Gab at Jin ang kambal na hawak ng mag-asawa at bahagyang lumayo sa kinatatayuan ng dalawa.Mukhang may drama pa akong mapapanuod ngayon. Iyong eksenang nagkapatawaran na ang bida at kontrabida ng isang kwento.Hindi ko nga lang matukoy kung sino ba talaga sa kanilang dalawa ang kontrabida sa buhay ng isa't-isa